You are on page 1of 4

Pangalan Iskor

Taon & Grade 10 Petsa


Pangkat

Guro Asignatura Filipino

Paksa Mitolohiya: Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante

Kasanayang Naipapaliwanag ang kahulugan ng ( F10PT- IIa-b-


Pampagkatuto salita batay sa pinagmulan nito Koda 72.2)
( etimolohiya)

Layuning
Pampagkatuto Naibibigay ang kahulugan ng dalawang salitang magkaugnay.
#1

Sanggunian Panitikang Pandaigdig 10

Subukan Mo
Gawaing Pangkaisipan 2.2

I. PAGLINAW NG KAISIPAN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad sa bawat bilang. Piliin lamang
ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at kung papaano nag-iba
ang kanilang anyo at ibig sabihin sa paglipas ng panahon.
A. etimolohiya B. kultura
C. ponolohiya C. retorika

2. Uri ng etimolohiya kung saan ang salita ay nabuo sa pamamagitan ng


pagsasama ng dalawa o higit pang salita.
A. hiram na salita B. morpolohikal na pinagmulan
C. onomatopoeia D.pagsasama-sama ng mga salita
3. Ito ay mga salitang banyaga o galing sa ibang kultura ngunit, inaangkop ang
salita para sa lokal at pangkaraniwang paraan ng
A. hiram na salita B. morpolohika na pinagmulan
C. onomatopoeia D. pagsasama ng mga salita
4. Nagpapakita ito ng paglilihis mula sa ugat ng salita. Tumutukoy sa pag-
aaral sa pagbabago ng anyo at istruktura ng mga salita.
B. hiram na salita B. morpolohika na pinagmulan
C. onomatopoeia D. pagsasama ng mga salita
5. Hinagkan niya ang aking kamay.
Ano ang salitang pinag-ugatan ng salitang may salungguhit.
A. halik B. hinalikan
C. hagkan D. hahalikan

Nakikita at nababasa natin ang salita na nasa iba’t ibang anyo na may iba’t ibang
kahulugan. May mga salitang bayaga na ginagamit natin subalit binago ang baybay.
Mahalaga rin ang ginagampanang papel ng panlapi sa pagbibigay kahulugan ng isang
salita. Sa araling ito aalamin natin ang iba’t ibang uri ng pinagmulan ng salita at
ipapaliwanag natin ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito.

2
Ang etimolohiya ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at ang pagbabago
ng kahulugan at anyo nito. Ito ay maaaring gamitin upang lubos na maunawaan ang diwa
ng mga salitang ginagamit ngayon. Nagsimula ang salitang etymolohiya sa Griyegong salita
sa etumologia na ang ibig sabihin ay may ibig sabihin o may kahulugan.

Ilan lamang sa uri ng pinagmulan ng salita ay ang mga sumusunod:


1.Pagsasama ng mga salita
Salita na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawa o higit pang salita

Halimbawa: 1. Pamangkin - Para naming akin


2. Longsilog- longganisa+ sinangag + itlog
A. Hiram na salita

Ito ay mga salitang banyaga o galing sa ibang kultura at ibang wika ngunit, inaangkop
ang salita para sa lokal at pangkaraniwang paraan ng
pananalita.

Halimbawa: Apir - Up here


Kompyuter-computer

2. Morpolohikal na pinagmulan
Nagpapakita ito ng paglilihis mula sa ugat ng salita. Tumutukoy sa pag-aaral sa
pagbabago ng anyo at istruktura ng mga salita. Ang pagkakaiba ng mga salita dahil sa
paglalapi. Nagbabago ang kahulugan ng salita depende sa panlaping ikinabit sa salita.

Halimbawa:
Salita: susundin
Pinagmulan: su( pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat) +
sunod+ in
= susundin

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng etimolohiya dahil sa pamamagitan nito mas


madali mong maaunawaan ang mga salita. Mauunawaan mo ang pinaggalingan nito at
magagamit nang maayos. Makikilala mo ang kahulugan ng mga salita na hindi mo alam
noon. Kung titingnan mo ang dalawang magkadugo, makikita mo ang pagkakatulad ng
kanilang hitsura at masasabi mong sila nga ay may kaugnayan sa isa’t isa. Katulad ng
salita, kung alam mo ang ugat at pinagmulan, matutukoy mo ang kahulugan ng iba pang
salita. Sa pamamagitan nito, mapapalawak ang iyong bokabularyo.

 Sa kasalukuyan, marami tayong makikitang salita na hango sa mga salitang


pinagsama-sama katulad halimbawa ng salitang longsilog pinagsama-samang
salita na longganisa, sinangag at itlog. Kadalasan pinagsama-sama ang unang
pantig ng mga salita at upang makabuo ng isang salita.

 Ang ikalawang uri ng pinagmulan ng salita ay ang panghihiram. Maraming salitang


Pilipino ang hindi alam ng marami na ito’y nagmula sa banyagang salita, hiniram
lamang natin at binago ang baybay sa Pilipino.katulad halimbawa ng apir na ang
ibig sabihin sa Pilipino ay isang kilos na nagtatama ng dalawang palad pataas ay
mula sa salitang Ingles na Up here o sa ibang salita ay high five. Mapapansing ang
apir at up here ay pare-pareho ang pagbigkas.

 Mahalaga ang papel ng panlapi sa morpolohikal na uri ng pinagmulan ng salita.


Binabago ng panlapi ang kahulugan ng salita. Pansinin ang salitang susundin, ito
ay nagmula sa sa salitang ugat na sunod na nilalapian ng hulapin -in at inuulit ang
unang pantig ng salitang ugat na su. Ang kahulugan ng salita ay tatalima. Kung

3
ang salitang ugat na sunod ay lalapian ng gitalaping –um- at uulitin ang unang
pantig ng salitang ugat ay mabububo ang salitang sumunod na ang ibig tumalima.
Nakakakatulong ang etimolohiya ng salita sa mga gawaing pasulat at
pagbabasa. Mas madaling maunawaan ang mga binabasa kung alam ang pinag-
ugatan ng mga salitang ginamit.
Dagdag pa nito, mas madali mong maunawaan at maipaliwanag ang mga
literatura sa iba’t ibang panahon dahil ang etimolohiya ay kabahagi ng pag-unlad ng
salita.

II. PAGPAPAKITA NG HALIMBAWA

1. Ang salitang adyos mula sa pahayag na “adyos, matamis na lungkot ng


paghihiwalay” ay hiram natin sa ibang wika. Ano kaya ang orihinal na baybay at
kahulugan ng salitang ito?
Orihinal na baybay:___________________kahulugan:_______________

2. Ang ganitong panghihimasok mapait na lubos.


Ano ang pinag-ugatan ng salitang may salungguhit? Anong uri ng pinagmulan ng
salitang ito?
Salitang ugat_________________________Uri ng pinagmulan:________

3. Ang marahas na ligaya


Ano ang salitang ugat ng salitang may salungguhit at kahulugan nito?
Salitang ugat______________________Kahulugan:_________________

4. Ang salitang ambisyon ba ay salitang hiram o likas na sa atin? Magbigay ng


paliwanag kung saan nagmula ang salitang
ito.________________________________________________________.
5. Hinagkan niya ako sa noo.
Ano ang salitang ugat ng salitang sinalungguhitan? Ano ano ang mga panlaping
ginamit upang mabuo ang salita?
Salitang ugat:________________________ Mga panlapi:_____________

III. PAGSASANAY

Panuto: Ibigay ang pinag-ugatan ng mga salitang may salungguhit. Gawing batayan
ang kasunod na halimbawa.
Salita: susundin
Pinagmulan: su (pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat) +
Sunod+in
=susunodin (pagkakaltas)
=susundin
1. ang ganitong panghihimasok mapait na lubos.
Pinagmulan: __________________________
2. sa ngalan ng buwang matimtiman
Pinagmulan: __________________________
3. mabait na mamamakay
Pinagmulan: __________________________
4. O gabing pinagpala, ako’y nangangamba
Pinagmulan: __________________________
5. sa tulong ng isang susuguin ko
Pinagmulan: __________________________

IV. PAGATATASA

A. Gawaing Pasulat

4
Panuto: Dugtungan ang mga pahayag upang makabuo ng diwa hinggil sa araling tinalakay.

Ang Etimolohiya ay_________________________________________________


Ang mga uri ng pinagmulan ng salita ay___________, _____________, _______
Mahalagang pag-aralan ito dahil_______________________________________

B. GAWAING PAGGANAP

Panuto: Basahin ang diyalogo na ginagamitan ng mga salitang hiram. Tukuyin pagkatapos
ang mga ginamit na salita, wikang pinanggalingan, salitang pinagmulan at kahulugan nito

Pagkatapos manood ng magkaibigan ng dula ay dumiretso sila sa


restawran dahil sila’y gutom na gutom na. Humanap sila ng lamesang may apat
na silya kung saan silang magkakaibigan ay kakasya. Habang kumakain ay pinag-
usapan nila ang tungkol sa palabas na kanina lamang nila napanood. Dahil sa
palabas ay naalala nila ang kanilang buhay noong hayskul. Hindi natitinag ang
kanilang samahan katulad nang buhay mga aktres sa dula na kanilang pinanood.
Pagkatapos kumain ay sumakay ng taksi ang magkakaibigan pauwi sa
kani-kanilang bahay.

Salita Wikang Salitang Kahulugan


Pinanggalingan Pinagmulan

1.
2.
3.
4.
5.

Inihanda ni:

CANDELYN L. CALIAO
T-II

Sanggunian:

https://www.google.com/search?
q=writing+clipart&tbm=isch&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwiAjerrwYLuAhWkyIsBHYwOCwsQrNwCKAB6BQgBENkB&biw=1349&bih=600#imgrc=nz4QB_ZvT-A3tM

https://www.google.com/search?q=example+clipart&tbm=isch&hl=en&chips=q:sample+clip+art,g_1:icon:1MObPYULN-Q
%3D&sa=X&ved=2ahUKEwisn6_hwoLuAhUFNKYKHbSsBaAQ4lYoAXoECAEQGw&biw=1349&bih=600#imgrc=UvpE8mgdDXZyYM

You might also like