You are on page 1of 18

MAKA- PILIPINONG PANANALIKSIK

Positibong Salik sa Pag-aaral ng Virtual na Komunikasyon sa


Ikatlong Taon sa Kursong BSMT ng NPCMST

Isang Pananaliksik na iniharap para kay

G. Velmor Vasay Melgar

Bilang Bahagi ng Pagtupad Sa Pangangailangan ng Kursong


Filipino 2

Ipinasa ni:
Ulynne Honny Reagin N. Pacleb

Hulyo 2021

LISTAHAN NG NILALAMAN
TITLE Page
KABANATA I: KALIGIRAN NG PANANALIKSIK
Panimula ----------------------------------------------------------------------------------------------------- 1
Layunin ------------------------------------------------------------------------------------------------------- 2
Kahalagaan ng Pagaaral ---------------------------------------------------------------------------------- 2
Balangkas Teoretikal--------------------------------------------------------------------------------------- 3
Balangkas Konseptwal ------------------------------------------------------------------------------------ 3

KABANATA II: METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK


Hypothesis --------------------------------------------------------------------------------------------------- 4
Disenyo ng Pananaliksik ---------------------------------------------------------------------------------- 4
Mga Respondent --------------------------------------------------------------------------------------------4
Instrumento ng Pananaliksik ---------------------------------------------------------------------------- 4
Saklaw at Limitasyon sa Pag-aaral --------------------------------------------------------------------- 4
Katuturan ng mga Termino ------------------------------------------------------------------------------ 5

KABANATA III: PAGLALAHAD NG DATOS AT INTERPRETASYON


Interpretasyon ng Datos ----------------------------------------------------------------------------------6

KABANATA IV: LAGOM, KONKLUSYON, REKOMENDASYON


Lagom ------------------------------------------------------------------------------------------------------- 11
Konklusyon -------------------------------------------------------------------------------------------------
11
Rekomendasyon --------------------------------------------------------------------------------------------12

KABANATA I
KALIGIRAN NG PANANALIKSIK
Panimula

Tila napakalayo na ang pagkakaiba ng paraan ng pag aaral ngayon sa larawan ng pag
aaral noon. Sa pagdaan ng panahon at pag-usbong ng teknolohiya ay mas umunlad ang paraan ng
pagtuturo. Ipinapakita nito na ang siguradong maitutulong ng teknolohiya sa mga mag aaral.

Talaga namang di maikakaila ang mga bagay na nagawa at epekto ng makabagong


teknolohiya. Ito’y nakatulong upang mas mapabilis at mapadali ang lahat ng gawain. Nang
magkaroon ng lockdown sa mga bansang apektado ng COVID19 Crisis, nakapagpatuloy pa rin
ang mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo sa kanilang pag-aaral gamit ang
computer.

Sa Italya, sa kabila ng lockdown noon, ay nakapagdaos ng klase ang mga guro sa itinakda
nilang araw at oras, at nakatulong ang mga magulang dahil sila man ay nasa bahay lang noon at
di nakapagtrabaho o kaya naman ay work-at-home din kaya may panahong sapat para gabayan
ang kanilang mga anak. Dahil sa makabagong panahon ay mas naging maka-bago rin ang mga
paraan ng pagtuturo. Nang magkaroon ng lockdown ng dahil sa COVID 19 ay gumawa ng
paraan ang nakatataas upang maipagpatulo ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral gamit ang
teknolohiya.

Kaya’t ngayong panahon na ito ay nagkaroon ng tinatawag na “Online Class”. Ito ay


isang paraan upang magkaroon ng maayos na klase kahit hindi pisikal na nagkikita. Ang Online
Class o Virtual na komunikasyon ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan ay nagaganap sa
pamamagitan ng paggamit sa internet at teknolohiya upang ang estudyante ay hindi na
kinakailangang lumabas pa ng kanyang tahanan.

Layunin
An layunin ng pag-aaral o pananaliksik na ito ay upang maitala at mabigyan linaw ang
mga iba’t-ibang positibong kalalabasan o epekto ng Virtual na komunikasyon sa ikatlong taon sa
kursong BSMT. Gayon din ay upang magkaroon ng sagot sa lahat ng tanong ng ating mga guro,
estudyante at magulang ng mga mag-aaral sa ikatlong taon ng kursong BSMT.

Pagpapahayang ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay may mga katangiang nais sikapin na bigyan ng kasagutan:
1. Anu-ano ang mga magandang epekto ng paggamit ng social media o teknolohiya sa pag-
aaral ng mga mag-aaral ng NPCMST sa Ikatlong taon ng Kursong BSMT?
2. Ano sa tingin mo ang benepisyo ng internet sa pang araw-araw na buhay o sikolohikal na
pagkatao ng mga mag-aara ng NPCMST sa Ikatlong taon ng Kursong BSMT?

Kahalagaan ng Pag-aaral

Naglalayon ang pag-aaral na ito na bigyang alam ang mga estudyante sa mga mabuting
epekto ng internet sa kanilang pag-aaral at personal na buhay. Ang kalalabasan ng pag-aaral na
ito ay maka pagdadala ng tulong sa mga estudyante na gumagamit ng virtual komunikasyon
upang matuto. Para sa mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay mahalaga at makakatulong na
magkaroon ng karagdagang kaalaman. Ang pag-aaral na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng
pag-aaral sa paggamit ng tama sa internet na nagbibigay sa atin ng isang mahusay na
komunikasyon at mabilis na paggawa.
Ang makikinabang sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:
Naglalayon ang pag-aaral na ito na bigyang linaw at alam ang mga estudyante sa mabuti
at positibong epekto ng internet sa kanilang pag-aaral.
Sa mga estudyante- Na sila ay malinawan na ang paggamit ng virtual komunikasyon sa pag-aaral
ay nakakabuti at mas ligtas.
Sa mga magulang- Ito ay makakatulong sa kanila upang mabawasan ang pangamba ukol sa
maayos at malinaw na pag-aaral ng kanilang mga anak
Sa mga guro- Na sila ay mas lalong pagbutihan ang pagtuturo at maging gabay sa kanilang mga
estudyante sa wastong paggamit ng internet o virtual class.
Sa mananaliksik- Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay mas magiging malawak ang kaalaman
ukol sa usaping ito.

Balangkas Teoretikal
Sa paglipas ng taon at paglala ng pandemia hatid ng COVID 19 ay mas nakapag-isip at
nakakagawa ng ibang paraan upang mabuhay at mamuhay ang mga tao. Kaya naman ang mga
ahensya at iba’t-ibang department ay nakagawa ng paraan upang maipatupad ang kanilang
layunin. Sa pagpapatuloy ng mga guro upang makapagturo at mga estudyante upang matuto ay
nangyare ng Virtual na komunikasyon. Ito na ngayon ay binansagang “New Normal” ang bagong
konsepto upang makapag-turo at matuto.
Ayon kay Jean Piaget sa kanyang teoryang Constructivism Theory (kneller 1998) hindi
siya sumasang ayon sa paraang tradisyonal. Para sa kanya mas magiging epektibo ang pag-aaral
kung gagamitan ito ng mga makabagong teknolohiya sa pagtuturo.

Balangkas Konseptwal

MALAYANG BARYABOL

VIrtual na Komunikasyon

Mga positibong Salik

Ipinapakita ng pigurang ito ang konseptwal na balangkas ng pag-aaral na ito. Ang


saliksik na ito ay naktuon sa Virtual na komunikasyon at ang mga positibong salik nito sa mga
mag-aaral ng NPCMST sa ikatlong taon ng kursong BSMT. Aalamin ng mananaliksik kung ano
ang mga positibong epekto nito sa pag-aaral, sikolohikal at pagkatao ng mga mag-aaral ng
NPCMST sa ikatlong taon ng kursong BSMT.

KABANATA II
METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mababasa na may
kinalaman sa mga kagamitang pampagtuturo sa epekto at antas ng paggamit nito. Mayroon ding
mga bahagi na nakapagbibigay-ambag sa napapanahong mga isyu partikular na sa larangan ng
Edukasyon.

Hypothesis

Ang paraan ng pakikipag diskusyon o pag-aaral ay nakadepende sa salik tulad ng


kapasidad, environment, disiplina, motibasyon at kakayahan ng isang mag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pamamaraan diskriptib ang disenyong ginamit sa isinagawang pag-aaral. Nais na


ilarawan ng mananaliksik ang pananaw at saloobon ng mga mag-aaral sa kursong BSMT sa
ikatlong taon hinghil sa positibong epekto ng Virtual na komunikasyon bilang mga mag-aaral.

Mga Respondent

Ang mga respondent sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral ng Bachelor or


Science in Marine Transportation sa ikatlong taon ng kolehiyo ng NPCMST.

Instrumento ng Pananaliksik

Upang mapadali ang pananaliksik, ang mananaliksik ay gumamit ng surbey kwestyoner


upang makakalap ng mga impormasyon sa mga mag-aaral ng BSMT sa paksang Positibong salik
sa pag-aaral ng Virtual komunikasyon sa mga nasa ikatlong taon na magaaral ng BSMT.

Saklaw at Limitasyon sa Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ukol sa paglalahad ng epekto ng virtual komunikasyon sa mga


magaaral na nasa ikatlong taon sa kursong BSMT ng NPCMST.

Katuturan ng mga Termino


Ang bawat termino na nababanggit ay mapapaloob sa aming sulating pananaliksik. Ang
mga terminong ito at mapapaloob sa mambabasa upang maunawaan nila ang ukol dito mas
lumawak pa ang kanilang talasalitaan at upang mas maging pamilyar pa sila dito. Nanggaling
ang mga salita sa mga diksyunaryo, internet atbp.

Online class- isang plataporma ng pag-aaral kung saan ay idinadaos sa pamamagitan ng


paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na kinakailangang lumabas pa ng bahay upang
magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at mga kamag-aral.
Virtual komunikasyon- ay ang paggamit ng kahit anong social media sa pakikipag-ugnayan sa
isang tao. Ito ay patunay ng pag-unlad sapagkat sa tulong nito ay napapadali ang pakikipag-usap
sa taong nasa malayo.
Social media- tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay
lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na
komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga
aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na
nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.
Internet- ay isang neologism m ng Englsh na nangangahulugang pandaigdigang de entrali adong
IT network. Ito ay isang sistema ng magkakaugnay na mga network na gumagamit ng iba't ibang
mga protoko
Kahulugan ng Internet
Teknolohiya- ay isang produkto o solusyon na binubuo ng isang hanay ng mga instrumento,
pamamaraan, at pamamaraan na idinisenyo upang malutas ang isang problema.
COVID 19- ay isang bagong coronavirus na kumalat na sa buong mundo.
BSMT- isan kurso sa paaralan ng NPCMST na nangangahulugang Bachelor of science in
Marine Transportation
NPCMST- isang paaralan na nangangahulugang Northern Philippines College for
Maritime,Science and Technology

KABANATA III
PAGLALAHAD NG DATOS AT INTERPRETASYON
Sa kabanatang ito ay inilalahad at binibigyang kaukulang intepretasyon ang mga
nakalap na datos at matutukoy ang Positivong Salik ng Virtual komunikasyon sa mga mag-aaral
ng NPCMST sa kursong BSMT sa ikatlong taon. An bilang ng mga respondante ay tinatalagang
25 na nagmula sa mga babae at lalaking mag-aaral sa kursong BSMT.

TALAHANAYAN 1.1

Kagamitang Teknolohiya Ng Mag-aaral Para sa Virtual na Komunikasyon

Kagamitan Bilang Ng Mga Simagot Bahagdan

Oo / Meron 25 100%

Hindi / Wala 0 0%

Kabuuan 25 100%

Ipinapakita sa Talahayan 1.1 na lahat sa mga mag-aaral ay may kagamitang teknologikal


para sa Virtual na komunikasyon na may bilang na dalawapu’t lima (25) ang sumagot o isang
daang bahagdan ang tumugon. Sa kabuuan ay may 25 na respondente katumbas ng isandaang
bahagdan.

TALAHANAYAN 1.2
Natutunan Tuwing Virtual na Komunikasyon
Kagamitan Bilang Ng Mga Simagot Bahagdan

Oo / Meron 20 80%

Hindi / Wala 5 20%

Kabuuan 25 100%

Ipinapakita sa Talahayan 1.2 na karamihan sa mga mag-aaral sa bilang na dalawampu


(20) o 80% bahagdan ang tumugon na sila ay may natutunan tuwing kanilang Virtual na
Komunikasyon. Samantalang, lima (5) o 20% bahagdan ang tumugon na wala silang natutunan
sa tuwing sila ay nasa Virtual na Komunikasyon. Sa kabuuan ay may 25 na respondente
katumbas ng isandaang bahagdan.

TALAHANAYAN 1.3
Nakakasabay Sa Leksyon Tuwing Virtual na Komunikasyon
Kagamitan Bilang Ng Mga Simagot Bahagdan

Oo / Meron 16 64%

Hindi / Wala 9 36%

Kabuuan 25 100%

Ipinapakita sa Talahayan 1.3 na karamihan sa mga mag-aaral sa bilang na labing anim


(16) o 64% bahagdan ang tumugon na sila ay nakakasabay sa leksyon tuwing Virtual na
Komunikasyon. Samantalang, siyam (9) o 36% bahagdan ang tumugon na hindi sila nakakasabay
sa leksyon tuwing Virtual na Komunikasyon. Sa kabuuan ay may 25 na respondente katumbas
ng isandaang bahagdan.

TALAHANAYAN 1.4
Nakakatulong Ang Virtual na Komunikasyon sa Sikolohikal na Pagkatao ng Mag-aaral
Kagamitan Bilang Ng Mga Simagot Bahagdan

Oo / Meron 11 44%

Hindi / Wala 14 56%

Kabuuan 25 100%

Ipinapakita sa Talahayan 1.4 na karamihan sa mga mag-aaral sa bilang na labing isa


(11) o 44% bahagdan ang tumugon na ang Virtual na Komunikasyon ay nakatulong sakanilang
sikolohikal na pagkatao. . Samantalang,labing apat (14) o 56% bahagdan ang tumugon na hindi
nakakatulong ang Virtual na Komunikasyon sakanilang sikolohikal na pagkatao. Sa kabuuan ay
may 25 na respondente katumbas ng isandaang bahagdan.

TALAHANAYAN 1.5
Nakapag-adjust na sa Bagong Paraan ng Pag-aaral
Kagamitan Bilang Ng Mga Simagot Bahagdan

Oo / Meron 15 60%

Hindi / Wala 10 40%

Kabuuan 25 100%

Ipinapakita sa Talahayan 1.5 na karamihan sa mga mag-aaral sa bilang na labinglima


(15) o 60% bahagdan ang tumugon na sila ay nakapag-adjust na sa pag-aaral sa paraan ng
Virtual na Komunikasyon. Samantalang, sampu (10) o 40% bahagdan ang tumugon na hindi pa
sila nakakapag-adjust sa bagong pamamaraan ng pag-aaral o sa Virtual na Komunikasyon. Sa
kabuuan ay may 25 na respondente katumbas ng isandaang bahagdan.

KABANATA IV
Lagom, Konklusyon, Rekomendasyon
Sa Kabanatang ito inilalahad ng pnanaliksik ang lagom ng pag-aaral, konklusyon na
nabuo batay sa mga datos na nakalap at ang mga rekomendasyon ng mananaliksik upang maging
paki-pakinabang ito sa mga sumusunod na henerasyon o indibidwal particular na sa mga mag-
aaral upang makatulong sa pagalam tungkol sa mga positibong salik dulot ng Virtual na
komunikasyon.

Lagom

Dahil sa patuloy na paglaganap at pag-lala ng pangyayari dulot ng bayrus dala ng


COVID19, napagdesisyonan ng mga awturidad na ipagpatuloy parin ang pag-aaral sa lahat ng
antas. Sa panahon ngayon ay nakakatulong ang Virtual na komunikasyon upang maipagpatuloy
ang lahat ng ito. Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang Positibong Salik sa Pag-aaral ng Virtual
na Komunikasyon sa Ikatlong Taon sa Kursong BSMT ng NPCMST. Napili ang nasabing paksa
ng mananaliksik upang alamin ang mga positibong salik ng Virtual na komunikasyon sa mga
mag-aaral at upang maipahayag at malaman ng mga mag-aaral ang magandang dulot nito. Ang
talatanungan na ginawa ng mananaliksik ay ipinamahagi sa mga napiling respondante upang
makakalag ng datos na kinilitis upang matuloy ang resulta ng pag-aaral.

Konklusyon

Batay sa mga nakuha na datos sa Positibong Salik sa Pag-aaral ng Virtual na


Komunikasyon sa Ikatlong Taon sa Kursong BSMT ng NPCMST ay napag-alamang may
positibong epekto ito sa mga mag-aaral sakanilang pag-aaral araw-araw.

Samakatuwid, ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang tesis ng pangungusap:


1. Anu-ano ang mga magandang epekto ng paggamit ng social media o teknolohiya sa pag-
aaral ng mga mag-aaral ng NPCMST sa Ikatlong taon ng Kursong BSMT?

● Ayon sa mga datos na nakalap mula sa mga mag-aaral ng NPCMST sa ikatlong taon ng
kursong BSMT, ang pag-aaral ng mga mag-aaral gamit ang Virtual na komunikasyon
epektibo sapagkat ito ay nakakatulong sa kanila upang maging updated at makasabay sa
mga lekson o paksa na kanilang tinatalakay. Dagdag pa rito ay ayon sa datos na nakalap
ay napadali at mas simple ang kanilang buhay edukasyon dahil sa Virtual na
komunikasyon.

2. Ano sa tingin mo ang benepisyo ng internet sa pang araw-araw na buhay o sikolohikal na


pagkatao ng mga mag-aara ng NPCMST sa Ikatlong taon ng Kursong BSMT?

● Ayon sa mga datos na nakalap mula sa mga mag-aaral ng NPCMST sa ikatlong taon ng
kursong BSMT, ang pag-aaral ng mga mag-aaral gamit ang Virtual na komunikasyon ay
may epekto sa kanilang sikolohikal na pagkatao sa paraang ang mag-aaral ay mas
magiging independent at nakakapagmentina ng kanyang oras ng maayos (time
management). Gayon din ay dahil sa pagaaral gamit ang Virtual na komunikasyon ay
nagagawang mag-multitask ang mga mag-aaral habang nag-aaral.

Rekomendasyon

1. Sa mga Mag-aaral

Upang mas maging epektibo ang pag-aaral sa panahon ngayon ay mas naaayon ang
paggamit ng Virtual na komunikasyon. Ito ay nakakatulong upang kayo ay mas maging matibay
at matatag. Ngunit huwag sagarin ang sarili o pagurin, habang kayo ay natututo sa tulong ng
Virtual na komunikasyon ay matuto rin kayong maglibang o magliwaliw.

2. Sa mga Guro

Hinay-hinay sa pagbibigay ng mga aktibidad at ibang gawain sa mga mag-aaral.


Tulungang matuto ang mga estudyante at hindi pahirapan. Magbigay ng nararapat na oras at
bilang ng aktibidad upang matapos ito ng naaayon.

3. Sa mga Pamilya

Huwag masyadong ipresyur ang mga anak. Suportahan kung ano nga ba ang talagang
gusto nilang gawin at auportahan ito. Tulungan ang mga ito at kausapin ng masinsinan.
Matutong makiramdam.

4. Sa kapwa mananaliksik

Mas pagbutihin o pagibayuhin ang pangangalap ng mga datos sa mga iba oang
pagsusuri ukol sa positibong salik ng virtual nakomunikasyon sa mga mag-aaral at magsagawa
ng pag-aaral gamit ang ibang respondante.

PANGALAN (optional):

Panuto: lagyan ng markang (/) ang inyong napiling tugon.


Tanong Oo/ Hindi/
Meron Wala

Mayroon ka bang kagamitang teknolohiya para sa Virtual na


Komunikasyon (Online Learning Mode)?

May natututonan ka ba sa iyong mga asignatura tuwing Virtual na


komunikasyon?

Nakakasabay ka ba sa mga leksyon o pagtatalakay tuwing Virtual


na Konunikasyon?

Nakatulong ba ang Virtual na komunikasyon upang ikaw ay mas


maging mabuting mag-aaral? o kaya’t mas naging independent ka
ba bilang isang estudyante?

Nakapag-adjust ka na ba sa makabagong paraan ng pag-aaral?


KURIKULUM BITA

PERSONAL INFORMATION

________________________________________________________
NAME: Pacleb, Ulynne Honny Reagin N.

AGE: 21

BIRTHDAY: April 10, 2000

ADDRESS: Sto. Domingo Sur, Luna, La Union

GENDER: Female

EMAIL: ulynieverapacleb@gmail.com

Ccontact number: 09661730300

FAMILY BACKGROUND

______________________________________________________________________________

FATHER: Ulysses A. Pacleb

OCCUPATION: Businessman

MOTHER: April Liaa N. Pacleb

OCCUPATION: Housewife

EDUCATIONAL BACGROUND:

______________________________________________________________________________

ELEMENTARY; Luna Central School

JUNIOR HIGH: Daily International High School

SENIOR HIGH: Luna National High School

COLLEGE: Northern Philippines College fir Maritime, Science and Technology

You might also like