You are on page 1of 1

GAWAIN 1: Ayusin ang mga pangyayari sa akda ayon sa tamamng pagkakasuno-sunod sa

pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1 hanggang 10 sa mga patlang.

1. __2__ Bumaba mula sa sasakyan ang mag-asawang kakikitaan ng yaman at luho o marangyang
pamumuhay.
2. _4__ Samantala, isang lumang kalesa na walang sakay at hila ng isang payat na kabayo ang
dumaan sa harap ng restawran sakay ang natutulog na kutsero.
3. _10_ Luhaang nagpaliwanag si Pak Idjo sa pulis na wala talaga siyang ibabayad sa nasirang
sasakyan kaya’t sa huli’y nagdesisyon si Raden na hayaan na ito at pumasok na lang
muli sa restawran nang galit na galit pa rin.
4. _8__ Lumabas mula sa restawran ang may-ari ng Cadilla na si Raden Kaslan at galit na galit na
sinigawan ang takot na takot na si Pak Idjo.
5. _9__Nagpatawag ng pulis si Raden Kaslan upang ituro at mapapanagot sa pagkasira ng
kanyang kotse si Pak Idjo.
6. __6_ Nagulat ang kabayo at umalma dahil sa naghahabulang aso’t pusa kaya’t bigla itong
nadapa.
7. __5__ Natutulog ang kutsero kabang umaanadar ang kalesa dahil sa init ng panahon at dahil na
rin sa gutom at sakit na kanyang nararamdaman.
8. __1__ Pumarada ang pulang-pula at bagong-bagong Cadillac sa harap ng restawrang maraming
nakaparadang kotse.
9. __7__ Tumama sa pulang Cadillac ang kalesa at sumira sa ilang bahagi nito.
10. _3__ Umorder ng pagkain ang dalawa nang hindi man lang tumitingin sa mga presyo ng
pagkain.

You might also like