Professional Documents
Culture Documents
Spoken Poetry Final
Spoken Poetry Final
Gunita
Isang umaga ang dumating, suot na ang pang wakas,
Sabi nga ng mamay, ay sadyang pangdiinan,
Habang ako ay nakatayo, sa harap ng altar
Kumpleto ang mga abay, kaibigan at pamilya
Ang inaantay ko na lamang, ay ang babaeng ikakasal,
Pagbukas ng pinto, siya’y aking napagmasdan
Kitang kita ko, ang kaniyang kagandahan,
Habang siya ay humahakbang palapit, dine sa akin
Paganda siya ng paganda, sa aking paningin
Nagunita ko tuloy, noong siya’y unang nasilayan,
Nang araw na iyon, ako ay kumakain lamang,
Nag-iisa ako noon, walang tropa walang kalandian,
Siya’y lumapit sa aken, tanong kung may kasama
Ang tugon ko naman’y “wala, uupo ka ga?”
sabay sulyap tulingan ako, abay hindi ko kilala’y
Nang mga oras na iyon ako ay napanganga
Ang nasabi ko na laang, ay talagang siya na,
Sadyang alam ko na, na ikaw ang nag-iisa,
Ang babaing gusto kong makasama, hanggang sa matuluyan na
Kaya ang aking pangako, Ikaw ay paliligayahin
Susuportahan kita, sa lahat ng yong naisin
Ano man ang mangyari, ikaw ay uunawain
Ako’y maasahan sa tag-init man o sa tag-dilem,
Mahal kita, sobrang mahal na mahal kita,
Ang akin na lamang mahihiling pa, ikaw ay lumigaya
Dahil ang Makita kang, may ngiti sa iyong mukha
Ay langit sa aking pandama, bahaghari sa aking mga mata
Kahit ang dahilan ng yong pagngiti, ay siya na yong pakakasalan
At hindi ako na iyo lamang kaibigan.