. Karamihan sa kanila ay naninirahan sa mga kapatagan at malapit sa baybayin. 2.
Ang kanilang lahi ay
nagmula sa mga katutubong nasa kabundukan ng Cordillera. 3. Kilalang matatapang at agresibo sa mga pangkat na Bisaya. 4. Ang Maynila ang kanilang unang panahanan. 5. Ang kanilang wika ay may pagkakahimig sa dayalekto ng mga Indones. 6. Binubuo ito ng Tausug, Maguindanao, Maranao at Samal. 7. Sila ay deboto ng Imaheng Nuestra Senora de Penafrancia. 8. Kilala sa pandarayuhan; karamihan sa kanila ang unang nagpunta sa Hawaii. 9. Sumasamba sila sa mga anito. 10. Ang mga Waray, Cebuano at Masbateno ang ilan sa bumubuo nito. Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan III Pangalawang Markahan Layunin: Nakikilala ang mga ninuno ng mga Pilipino Nailalarawan ang mga katangiang pisikal ng mga ninunong Pilipino Nasasabi ang uri ng pamumuhay ng mga ninunong Pilipino Natutukoy ang mga imbensiyon at inobasyong nabuo ng mga sinaunang Pilipino bunga ng kanilang pag-aangkop (coping) sa mga hamong kanilang kinaharap Paksang Aralin Paksa: Kultura, sining at kaugalian na nagpapakilala sa pagiging Pilipino Ikalimang Lingo Sanggunian: K to 12 curriculum Guide Pilipino Ako, Pilipinas ang Bayan Ko 4 ni Helen F. delos Santos at Estrella P. Mercado, pah.156-161 Masipag na Pilipino 3, 86-91 Ang Bagong Pilipino 3 ni Expectacion Castor Gonzales, pah 87-91