You are on page 1of 1

1041 Metropolitan Avenue

Brgy. San Antonio, Makati City


Abril 29, 2026

Bb. Ms. Jocelyn Satuito


Human Resource Management Officer
Abratique & Associates Philippines Incorporated

Mahal na Bb. Satuito:


Nais ko pong ipahayag ang aking interes sa pag-aplika sa posisyon ng Civil Engineer
na kung saan ito ay kamakailan lamang na ibinukas sa inyong kumpanya.
Sapagkat ako ay nakapagtapos bilang Magna Cum Laude sa Bachelor’s Degree in Civil
Engineer sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman, at isang 2025 Civil Engineering Board
Examination Passer, nais kong ipagkaloob ang aking kaalaman, kasanayan, at
karunungan sa karangalan ng inyong kumpanya
Naniniwala ako na ang aking degree sa Civil Engineering (BSCE) ay hinanda ako para
sa posisyong ito. Bilang isang lisensiyadong inhinyerong sibil, ako ay nagtataglay ng
mga kinakailangan na kaalaman sa pagsasagawa ng mga detalyadong pagsusuri, pag
disenyo ng mga planong istraktural, pagtantya ng mga gastos, at pagresolba ng mga
isyu na sumasaklaw sa larangan ng civil engineering.
Sa pamamagitan ng aking kahusayan sa pasulat at verbal na komunikasyon, sa pakiki-
halubilo sa mga ibang tao, sa aking kumpiyansa, at sa aking pursigidong diskarte, nais
kong itaguyod inyong kumpanya at ako’y nakakasiguro na ang aking mga kaalaman at
karunungan ay tunay na magiging benepisyo sa inyong kumpanya.
Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Maari po akong kontakin sa numerong 0936-
228-8870 o sa pamamagitan ng e-mail: rmsrivera@donbosco.edu.ph

Sumasainyo,

Ralph Martin S. Rivera


Aplikante

You might also like