You are on page 1of 4

ILOILO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

Molo, Iloilo City


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
SELF LEARNING MATERIAL
Quarter 3 – Week 1

Pangalan: ____________________________ Seksyon: ____________ Petsa: _________

I. MELC
A. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa Diyos.
B. Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa kongretong
pangyayari sa buhay.

II. Batayang Konsepto


Nasa pagsisikap na hanapin ang kahulugan ng buhay, hindi ang mga bagay na material, ang
pagiging espiritwal ng tao.

III. Sangunian
1. Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul Para sa Mag-aaral, pahina 235-253
2. Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Gabay sa Pagtuturo, pahina 132-142

IV. Mga Gawain


A. Gawain
Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang iyong pakahulugan sa salitang espiritwalidad.
1. Matapos gawin ay ibahagi ang iyong sagot sa kasapi ng pamilya.
2. Sa ibaba, pansinin ang Rubrik sa pagmamarka ng iyong sagot.
Es
pi
rit
w
al
id
ad

1
B. Suriin at sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa papel.
1. Sa iyong palagay, mahalaga ba na malaman ng tao ang kaniyang espiritwalidad?
Patunayan.
2. Ano ang magandang dulot nito sa tao? Ipaliwanag.
3. Paano makatutulong ito sa pagpapaunlad ng pananampalataya?

CRITERIA 0 2 4 6 8 10
Nasagutan nang
NILALAMAN Hindi nasagutan Isa lang sa mga Dalawa sa mga Tatlo sa mga Nasagutan ang
maaayos ang
ang lahat ng mga katanungan ang katanungan ang katanungan ang lahat ng mga
lahat ng mga
katanungan. nasagutan. nasagutan. nasagutan. katanungan.
katanungan.
0 1 2 3
Malinis at
KALINISAN Hindi malinis Madalian ang Malinis ang
maayos ang
ang pagkagawa pagkagawa. pagkagawa.
pagkagawa
0 1 2
KADALIAN Naipasa 2 araw
Naipasa 1 araw Naipasa sa
pagkatapos ng
pagkatapos ng takdang oras o
takdang
takdang panahon panahon
panahon
KABUUAN

C. Pagyamanin

Ugnayan sa Diyos at pagmamahal sa kapuwa


Naranasan mo na bang magmahal? Kung naranasan mo na ito, ano ang iyong naging
pakiramdam? Naging masaya ka ba o kakaiba ang iyong pakiramdam? Tila hindi mo napapansin
ang paglipas ng oras sapagkat doon umiikot ang iyong mundo. Sa pagmamahal, binubuo ang
isang maganda at malalim na ugnayan sa taong iyong minamahal. Sa ugnayang ito, nagkakaroon
ng pagkakataon ang dalawang tao na magkausap, magkita, at magkakilala. Ito ay nagsisimula sa
simpleng palitan ng usapan at maaaring lumalim kung patuloy ang kanilang ugnayan. Mas
nagiging maganda at makabuluhan ang ugnayan kung may kasama itong pagmamahal.
Mula sa pagmamahal ay nagbabahagi ang tao ng kaniyang sarili sa iba. Naipakikita niya ang
kaniyang pagiging kapuwa. Sa oras na magawa ito ng tao, masasalamin sa kaniya ang
pagmamahal niya sa Diyos dahil naibabahagi niya ang kaniyang buong pagkatao, talino, yaman,
at oras nang buong-buo at walang pasubali. Ito ang makapagbibigay ng kahulugan sa kaniyang
buhay. Ito rin ang makasasagot ng dahilan ng kaniyang pag-iral sa mundong ito.

Paghahanap ng kahulugan ng buhay

Naitanong mo na ba sa iyong sarili ang kahulugan ng


buhay para sa iyo? Ang buhay ay maituturing na isang
paglalakbay. Sa paglalakbay na ito ay kailangan ng tao ang
makakasama upang maging magaan ang kaniyang paglalakbay.
Una, paglalakbay kasama ang kapuwa at ikalawa, paglalakbay
kasama ang Diyos. Ngunit tandaan, hindi sa lahat ng oras ay
magiging banayad ang paglalakbay, maaaring maraming beses na madapa, maligaw,
mahirapan, o masaktan; ngunit ang mahalaga ay huwag bibitiw o lalayo sa iyong mga
kasama. Anumang hirap o balakid ang maranasan sa daan, mahalagang harapin ito na may
determinasyon na marating ang pupuntahan.
Hindi maaaring paghiwalayin ang paglalakbay
kasama ang kapuwa at ang paglalakbay kasama
2
ang Diyos dahil makikita ng tao sa mga ito ang “Ang
kahulugan ng kaniyang buhay. Sa kaniyang patuloy pananampalataya ang
siyang kapanatagan
na paglalakbay sa mundong ito, siguradong
sa mga bagay
matatagpuan niya ang kaniyang hinahanap. Kung na inaasam, ang
siya ay patuloy na maniniwala at magbubukas ng kasiguruhan sa
puso at isip sa katotohanan ay may dahilan kung mga bagay na hindi
nakikita.”
bakit siya umiiral sa mundo. Dapat palaging
tandaan na ang bawat isa ay may personal na (Hebreo 11:1)
misyon sa buhay.

May magandang plano ang Diyos sa tao. Nais ng Diyos na maranasan ng tao ang kahulugan
at kabuluhan ng buhay, ang mabuhay nang maligaya at maginhawa. Ngunit kailangan na
maging malinaw sa kaniya na hindi ang mga bagay na materyal tulad ng cellphone, gadgets,
laptop, mamahaling kotse, malaking bahay, at iba pa, ang makapagbibigay ng tunay na
kaligayahan at kaginhawahan, kundi, ang paghahanap sa Diyos na Siyang pinagmumulan ng
lahat ng biyaya at pagpapala. Kaya’t sa paglalakbay ng tao, mahalagang malinaw sa kaniya
ang tamang pupuntahan. Ito ay walang iba kundi ang Diyos – ang pinakamabuti at
pinakamahalaga sa lahat.

D. Pagtataya
Panuto: Basahin nang mabuti at sagutin ng TAMA o MALI. Isulat ang sagot sa iyong papel.
1. Mas nagiging maganda at makabuluhan ang ugnayan kung may kasama itong pagmamahal.
2. Sa pagmamahal, binubuo ang isang maganda at malalim na ugnayan sa taong iyong
minamahal.
3. Mula sa pagmamahal ay nagbabahagi ang tao ng kaniyang sarili sa iba.
4. Walang dahilan ang pag-iral ng tao sa mundong ito.
5. Sa pagkakataong nagbabahagi ang tao ng pagmamahal sa iba, naipapakita niya ang kanyang
pagiging kapuwa.

V. Repleksiyon

Isulat ang sagot sa iyong papel. Sagutin ito sa pamamagitan ng pagtala o paglista sa dami nang
ayon sa iyong kakayahan.

Ngayon ay inaanyayahan kitang tumigil sandali at tanungin ang iyong sarili:


Paano ka nakikipag-ugnayan sa mga taong nakapaligid sa iyo o sa iyong kapuwa?

VI. Susi sa Pagwawasto

Prepared by: RICHYL T. JAYME, MT I Noted by: MA. FLOR. TUGADO, HT IV

3
4

You might also like