You are on page 1of 4

ILOILO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

Molo, Iloilo City


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
SELF LEARNING MATERIAL
Quarter 3 – Week 2

Pangalan: ____________________________ Seksyon: ____________ Petsa: _________

I. Kasanayang Pampagkatuto:
A. Napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa
B. Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos

II. Batayang Konsepto


Sikaping hanapin ang kahulugan ng buhay, hindi ang mga bagay na materyal, ang pagiging
espiritwal ng tao.
Ang pagsisikap na mapanatili ang ugnayan sa Diyos, bilang indikasyon ng pagiging espiritwal, ang
nagpapatibay sa ating pananampalataya.

III. Sangunian
1. Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul Para sa Mag-aaral, pahina 235-253
2. Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Gabay sa Pagtuturo, pahina 132-142

Palaging Paminsan- Hindi Paliwanag


ginagawa minsang
ginagawa
ginagawa
1. Pagdarasal bago at
pagkatapos kumain.
2. Pagdarasal bago matulog at
pagkagising sa umaga.

3. Pagbabasa ng Bibliya/ Pag-


aaral ng Salita ng Diyos.

4. Pagsisimba/ Pagsamba.

5. Pagtulong sa kapuwa na
nangangailangan.
6. Pananahimik o personal na
pagninilay.

IV. Mga Gawain


A. Gawain: Panuto: Sagutan ito na may katapatan. Lagyan ng tsek ang iyong sagot sa bawat
kolum at bigyan ng paliwanag ang sagot sa huling hanay ng kolum. Isulat ang sagot sa papel.

1
B. Suriin: Sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili matapos mong magawa ang gawain?
2. Naging masaya ka ba sa nakita mo mula sa iyong mga sagot? Bakit?
3. Ano ang masasabi mo sa iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag.

CRITERIA 0 2 4 6 8 10
Nasagutan nang
NILALAMAN Hindi nasagutan Isa lang sa mga Dalawa sa mga Tatlo sa mga Nasagutan ang
maaayos ang
ang lahat ng mga katanungan ang katanungan ang katanungan ang lahat ng mga
lahat ng mga
katanungan. nasagutan. nasagutan. nasagutan. katanungan.
katanungan.
0 1 2 3
Malinis at
KALINISAN Hindi malinis Madalian ang Malinis ang
maayos ang
ang pagkagawa pagkagawa. pagkagawa.
pagkagawa
0 1 2
KADALIAN Naipasa 2 araw
Naipasa 1 araw Naipasa sa
pagkatapos ng
pagkatapos ng takdang oras o
takdang
takdang panahon panahon
panahon
KABUUAN

C. Pagyamanin

Espiritwalidad at Pananampalataya: Daan sa pakikipag-ugnayan sa Diyos at Kapuwa

Ang tao ang pinaka-espesyal sa lahat ng nilikha dahil hindi lamang katawan ang ibinigay sa
kaniya ng Diyos kundi pinagkalooban din siya ng espiritu na nagpapabukod-tangi at
nagpapakawangis sa kaniya sa Diyos. Ngunit ang nagpapakatao sa tao ay ang kaniyang espiritu
na kinaroroonan ng persona. Ang persona, ayon kay Scheler ay, “ang
pagka-ako” ng bawat tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya. Kaya’t
Ang tunay na diwa
ang espiritwalidad ng tao ay galing sa kaniyang pagkatao. Ito ay
ng espiritwalidad ay
lalong lumalalim kung isinasabuhay niya ang kaniyang pagiging
ang pagkakaroon ng
mabuting ugnayan kalarawan ng Diyos at kung paano niya minamahal ang kanyang
sa kapuwa at ang kapuwa. Kaya’t ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang
pagtugon sa tawag pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at ang pagtugon sa
ng Diyos. tawag ng Diyos na may kasamang kapayapaan at kapanatagan sa
kalooban.
Ang espiritwalidad ay nagkakaroon ng diwa kung ang espiritu ng tao ay sumasalamin sa
kaibuturan ng kaniyang buhay kasama - ang kaniyang kilos, damdamin, at kaisipan. Kaya’t anuman
ang relihiyon ng isang tao, ang espiritwalidad ang pinakarurok na punto kung saan niya
nakakatagpo ang Diyos.
Ang tao ay naghahanap ng kahulugan ng kaniyang buhay. Mula sa kaniyang pagtatanong
kung bakit siya umiiral. Sa harap ng mga pagsubok o problema na kaniyang pinagdaraanan,
marahil nagtatanong ang tao kung may Diyos bang makapagbibigay ng kasagutan sa kaniyang
mga pagtatanong. Dito kailangan niya ang pananampalataya. Ang pananampalataya ay ang
personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang pasiya na alamin at tanggapin ang
katotohanan ng presensiya ng Diyos sa kaniyang buhay at sa pagkatao niya. Isa itong biyaya na
maaaring Malaya niyang tanggapin o tanggihan. Sa pananampalataya, naniniwala at umaasa ang
tao sa mga bagay na hindi nakikita. Sa aklat ng Hebreo sinasabi na, “Ang pananampalataya ang
siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.”
(Hebreo 11:1) Ibig sabihin, nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa
Diyos kahit pa hindi niya ito nakikita at mula rito, nararanasan niya ang kapanatagan, ang tunay na
kaginhawahan at kaligayahan.

2
D. Pagtataya
a. Panuto: Basahin nang mabuti at sagutin ng TAMA o MALI.
_____ 1. Ang espiritwalidad ay nagkakaroon ng diwa kung ang espiritu ng tao ay sumasalamin sa
kaibuturan ng kaniyang buhay kasama - ang kaniyang kilos, damdamin, at kaisipan.
_____ 2. Ang nagpapakatao sa tao ay ang kaniyang espiritu na kinaroroonan ng persona.
_____ 3. Ang pananampalataya ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos.
_____ 4. Sa pananampalataya, naniniwala at umaasa ang tao sa mga bagay na nakikita.
_____ 5. Ang espiritwalidad ng tao ay galing sa kaniyang pagkatao.

V. Repleksiyon

Isulat ang sagot loob ng kahon. Sagutin ito sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay ayon sa iyong
kaisipan o kaalaman.

Paano mo minamahal ang Diyos at ang iyong kapuwa?

CRITERIA 0 2 4 6 8 10
Nasagutan nang
NILALAMAN Hindi nasagutan Isa lang sa mga Dalawa sa mga Tatlo sa mga Nasagutan ang
maaayos ang
ang lahat ng mga katanungan ang katanungan ang katanungan ang lahat ng mga
lahat ng mga
katanungan. nasagutan. nasagutan. nasagutan. katanungan.
katanungan.
0 1 2 3
Malinis at
KALINISAN Hindi malinis Madalian ang Malinis ang
maayos ang
ang pagkagawa pagkagawa. pagkagawa.
pagkagawa
0 1 2
KADALIAN Naipasa 2 araw
Naipasa 1 araw Naipasa sa
pagkatapos ng
pagkatapos ng takdang oras o
takdang
takdang panahon panahon
panahon
KABUUAN

VI. Susi sa Pagwawasto

3
Prepared by: RICHYL T. JAYME, MT I Noted by: MA. FLOR. TUGADO, HT IV

You might also like