You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Division of City School
Dagupan City National High School
Dagupan City

Ipinasa ni:

Jodith M. Alabastro
I-Perseverance

Ipinasa kay: Ms. Janette O. Dañalongo


Filipino Teacher
I. PAMAGAT: Ang Tatlong Magkakaibigang Baka

II. MAY-AKDA: Cecile Oronce

III. TAGPUAN: Sa malaking puno

IV. TAUHAN:

 Abuhin Baka – mahilig na kumain ngunit siya ay maliit na baka

 Puti na Baka – matangkad at pinakaseryoso

 Tsokolate nab aka – mahilig na matulog

 Leon – magaling magbula

V. BUOD:

May tatlong magkakaibigang baka. Ang kulay nila ay abuhin, puti

at tsokolate. Masaya silang nanginginain ng mga sariwang damo. Nagulat

sila nang biglang atakihin ng isang leon.

“ Growwl!” atungal nang sumugod na leon. Mabilis na nagtabi-tabi

ang tatlong baka. “ Huwag tayong maghihiwalay! Suwagin natin ang leon

kapag lumapit!” wika ng isang baka.

Sa pagtutulungan ng magkakaibigan ay hindi sila masuwag ng leon.

Inis na umalis ang leon. Pinag-isipan niya kung paano makakain ang tatlo.

“ Hangga’t nagkakaisa sila at nagtutulungan ay hindi ko sila

maatake,” anang leon. Matagal itong nag-isip.” Ah, alam jib a! Oaf-

aawayin ko sila para magkahiwa-hiwalay.

Mayamaya, nakangiting pinuntahan ng leon ang magkakaibigan.


Marahang lumapit ang leon sa putting baka. “ Huwag kang

matakot. Wala akong balak na kainin pa kayo. Nalaman ko kasing handa

kayong ipagtanggol ang kasama ninyong abuhing baka. Siya raw kasi ang

pinakamalakas sa inyo,” wika ng leon.

“ Pantay-pantay lang an gaming lakas!” bulalas ng puting baka.

“ Aba, hindi! Ang sabi ng abuhing baka ay siya raw ang

pinakamalakas sa inyo. Kung hindi raw sa kanya ay matagal na raw

kayong nalapa ng mga leon. Lalo ka na. Ikaw raw ang pinakalampa sa

inyong tatlo, “ pagsisinungaling ng leon. “ Sinabi niya iyon? Nag-aalsa sag

alit ang putting baka.

Pinuntahan din ng leon ang kulay tsokolateng baka. Muli siyang

nag-imbento ng kuwento na ikinagalit nito sa kaibigan. Ganito rin ang

ginawa ng leon upang magalit din ang abuhing baka sa tsokolateng baka.

Hindi nagtagal ay nagsimula nang mag-away ang tatlo. Sinuwag nila ang

isa’t isa. Hindi sila huminto hanggang manghina. Dahil sa hirap, pagod at

mga sugat na nilikha ng kanilang mga sungay ay bumagsak sila. Hindi na

makabangon ang tatlong baka. Noon sila nilapitan ng leon.” Ngayon ay

may pagkain na ako. At may mai-rereserba pa sa susunod na araw, “ ani

nito.

Nagsisi ang tatlong baka, wala na silang magagawa. Nagsisi sila

dahil hindi sila nagtiwala sa isa’t isa.

VI. REAKSYON:

Maganda ang takbo ng kuwento, lubhang kawili wili sa mga

mambabasa.
VII. GINTONG ARAL:

Sa anumang samahan mas malakas kung sama-sama at nagtutulungan.

Higit sa lahat, napakahalaga ng pagtitiwala sa bawat isa.

You might also like