Professional Documents
Culture Documents
Gawain - Cjay C. Hernandez
Gawain - Cjay C. Hernandez
MAYAMAN
GITNA
MAHIRAP
PALIWANAG:
Mayaman, para sa akin sila ang mga taong may kapangyarihan na gumawa o
mahkontrol ng isang patakaran na susundin ng lahat o ito ang mga taong nakaupo at
namumuno sa ating gobyerno. Sila ang mga taong may sapat na kakayahan na bumili
at kumita ng may kalabisan ayon sa pangangailngan ng isang tao. Naisama ko din ang
mga “business man” dahil para sa akin sila ang kailangan ng isang bansa para
mawakasan ang pagkakaroon ng mga unemployed na mga tao. Nasa Antas rin sila ng
kahirapan para sa akin sapagkat may mga bagay na hindi natin maikukubli na kahit
naabot na nila o nabibili ang mga bagay na kailangan nila, ang tunay na kapayapaan at
pagmamahal ng tao para sa kanila ay malimit hindi nila nakukuha. Isang kahirapan ang
maging masama ang imahe mo sa iyong kapwa o talikuran at hindi ka mahalin ng iyong
kapwa. Batid ko na alam nating lahat na may mga mayayamang tao talaga sa Pilipinas
na animo’y hindi nanggaling sa kahirapn kung umusta at sila ang mga taong kailngan
ng aruga at pagkalinga ng kapwa na hindu nila makuha dahil sa kahirapan nilang
makamit ito dahil na rin sa kanila.
Gitna, para sa akin sila ang mga taong may kakayahang makapagtrabaho at
nasahod ng sapat upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya sa
pang-araw araw. Sila rin ang mga taong pinagtitingnan ng malaki ng lipunan dahil sila
ang nagiging sandigan upang maging makabuluhan ang isang lipunan. Ang guro, pulis
at iba pang propesyonal ay nabibilang sa antas na ito dahil na rin sa kanilang walang
sawang pagbibigay ng malasakit sa ibang tao. Sila ay nasa aspetong kahirapan
sapagkat alam naman natin na sa larangan pa lamang ng kanilang trabaho masasabi
na nating mahirap sadya ngunit kapag titingnan natin sa mas malalim na konsepto ang
kanilang dapat isantabi sa ngalan ng trabaho dun mo mababakas ang kahirapan sa
kanila. At alam ko at batid nating laat na sa bansang Pilipinas hindi sapat ang kanilang
kinikita dahl hinahati-hati nila ito para sa kanilang sarili, pamilya at sa kapwa. Kahirapan
na balansihin ang oras para sa kanilang pamilya laban sa bayan na kanilang hinahanda
at pinaglilingkuran. Balensihin ang mga material na bagay para sa pamilya laban sa
mga taong mas nangangailangan at kusa silang nagbibigay. Sobrang napakahirap ng
buhay ng mga taong nasa ganitong antas dahil mas napapaisip sila kung mas gusto ba
nilang yumaman o tumulong at magbigay malasakit na lamang sa kanilang kapwa.
Mahihirap, para sa akin sila ang mga taong may kakayahang umunlad ngunit
hindi nila alam kung paano at saan magsisimula. Kabilang sa antas na ito unang-una
ang mga pulubi at palaboy sa lansangan o ang mga taong kumakayod o walang pagod
na magikot sa kalsada makahingi lamang ng kaunting tulong pangtawid gutom para sa
maghapong dadaan. Naisama ko rin sa pangkat na ito ang mangingisda at magsasaka
dahil ayon sa aking karanasan at nakikita, hindi sapat ang kanilang kinikita lalong-lalo
na kasalukuyang panahon. Ang mga magsasaka ay naibibiliang ko sa antas na ito
lalong lalo na ang mga taong walang sariling sinasakang lupa. Mahirap tanggapin na
kung sino ang may malalaking ambag sa mga pangunahin na tanging pangangailangan
ay sila pa ang nabibilang sa mahihirap na antas ng lipunan. Dahil minsan hindi sila
masyadong pinagtutuunan n gating gobyerno dahil hindi nila minsan naiisip ang
malaking ambag ng mga ito sa paglago ng ating ekonomiya.