You are on page 1of 25

NOT

9
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan, Linggo 3 at 4 -
Modyul 6
Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral

(Mula sa Gabay Pangkurikulum ng EsP)

Mula sa Gabay Pangkurikulum ng EsP

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9


9
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan, Linggo 3 at 4 - Modyul 6: Mga Batas na Nakabatay
sa Likas na Batas Moral
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Iligan City


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD, CESO V

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Vida A. Pacquiao


Mga Tagasuri: Jessa Ann M. Gaite at Airlene B. Lagas, MAPM

Editor: Maria Tita Y. Bontia, MARE, MEd


Mga Ilustrador/Potograpo: Maria Tita Y. Bontia, MARE, Med at Vida A. Pacquiao

Mga Tagapamahala
Tagapangulo: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Pangalawang Tagapangulo: Shambaeh A. Abantas-Usman, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Mga Miyembro: Henry B. Abueva, EPS, OIC-CID Chief


Amelita M. Laforteza, EdD, Division EsP Coordinator
Rustico Y. Jerusalem, PhD, EPS, LRMS Manager
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon - Dibisyon ng Iligan City
Office Address: General Aguinaldo St., Iligan City
Telefax: (063) 221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan, Linggo 3 at 4 –
Modyul 6
Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas
Moral

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP


Junior High School sa Dibisyon ng Iligan. Hinihikayat namin ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa iligan.city@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
This page is intentionally blank
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya …………………………..........….................................... i

Nilalaman ng Modyul ………………..........…................................................... i

Pangkalahatang Panuto …………………………..........….................................... ii

Mga Icon na Ginagamit sa Modyul ………………………..........…............................... iii

Alamin …………………………..........…................................... 1

Subukin …………………………..........…................................... 2

Balikan …………………………..........….................................... 3

Tuklasin …………………………..........…................................... 4

Linangin …………………………..........…................................... 4

Suriin …………………………..........…................................... 5

Pagyamanin …………………………..........…................................... 8

Isaisip …………………………..........…................................... 8

Isagawa …………………………………………………………….. 9

Buod …………………………..........…................................... 11

Tayahin …………………………..........…................................... 11

Karagdagang Gawain …………………………..........….................................... 12

Susi sa Pagwawasto …………………………..........….................................... 13

Sanggunian …………………………..........….................................... 13

i
This page is intentionally blank

i
Pangkalahatang Ideya ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa lipunan
at paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay na magiging
makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kaniya at sa lipunan.
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon, K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakata, Baitang 1-10. (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2016), 123

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa
mga mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito. Sumunod nito ang pagtataya ng kaalaman
ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim (6) na antas ng Bloom’s Taxonomy ng
Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng
bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa nagdaang modyul
at ng kasalukuyang modyul sa bahaging Balikan.

Narito ang apat (4) na pangunahing bahagi ng modyul: Ang bahaging Tuklasin ay
tumataya sa mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa na nakabatay sa
kanilang karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang mga maling kaalaman
(misconceptions). Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang
Pampagkatuto (PKP1), na nakatuon sa pagsukat ng Kaalaman (Knowledge) sa Bloom’s
Taxonomy.

Ang bahaging Linangin ay tumutulong sa mga mag-aaral sa pagsagot sa


Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga
kaalaman ng mag-aaral na hango sa karanasan. Tinutugunan ng bahaging ito ang
ikalawang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP2), na nakatuon sa
pagsukat ng Pag-unawa (Comprehension), Pagsusuri (Analysis) at Ebalwasyon (Evaluation)
sa Bloom’s Taxonomy.

Ang bahaging Suriin ay binuo ng isang babasahin na naglalaman ng mga kaalaman


at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP– ang Etika at Career
Guidance na nakaankla sa expert system of knowledge. Tinutugunan ng bahaging ito ang
ikatlong Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP3), na nakatuon sa pagsukat
ng Pag-unawa (Comprehension), at Pagbubuod (Synthesis) sa Bloom’s Taxonomy. Gabay
ito ng mga mag-aaral sa pagsagot sa dalawang gawain sa Pagyamanin at sa Tayahin.

Ang bahaging Isagawa ay pagtataya ng mga kaalaman, kasanayan, at pag-unawa ng


mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng mga pagkatuto sa mga sitwasiyon ng
buhay. Tinutugunan nito ang ikaapat na Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto
(PKP4), na nakatuon sa pagsukat ng Paglalapat (Application) at Paglikha (Creating) sa
Bloom’s Taxonomy.

Mula kay: Luisita B. Peralta, “Power Point Presentation,” May 6, 2019, 49-57

i
Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga
aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 kahit hindi ka makapasok sa paaralan dahil
sa pandemya. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin,
sundin mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin o paalala:

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar na


tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadget (hal. cellphone, tablet, laptop, computer) kung kinakailangan
ito sa iyong pinag-aaralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang gumamit o
pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensiyon sa pag-aaral.

3. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

4. Unawaing mabuti ang nilalaman ng bahaging Alamin bago tumuloy sa ibang bahagi ng
modyul.

5. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin o paalala ng modyul.

6. Sundin ang sinasabi ng iyong guro kung sa kuwaderno, Yellow paper o sa nakahandang
sagutang papel ipasusulat ang iyong mga sagot.

7. Pag-isipang mabuti ang mga sagot sa bawat gawain bago ito isulat.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto,
mapaunlad ang sariling pagkatao, at makapagtapos ng pag-aaral sa lahat ng mga
gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kamag-aral, kaibigan, o sa mga


awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan.

Mula kay: Luisita B. Peralta, “MS Word,” September 26, 2017, 1-2

i
Mga Icon na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin na


Alamin
dapat makamit sa pag-aaral mo ng modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
Subukin
masususuri kung ano na ang iyong alam tungkol sa
bagong tatalakaying aralin.
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan
ng pagtatalakay sa mga mahahalaga mong
Balikan
natutuhan sa nagdaang aralin na may koneksiyon
sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan


Tuklasin
ng iba’t ibang gawain.

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


Suriin nararapat mong matutuhan na mga konsepto upang
malinang ang pokus na kasanayang pampagkatuto.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


Pagyamanin natutuhan at magbibigay ng pagkakataong mahasa
ang kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


Isaisip
mahahalagang natutuhan sa aralin.

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


Isagawa mailapat ang iyong mahahalagang natutuhan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Karagdagang
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Gawain
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


Pagwawasto mga gawain sa modyul.

i
This page is intentionally blank

i
Modyul Mga Batas na Nakabatay sa
6 Likas na Batas Moral

Alamin

Nakatutuwang basahin ang isang tula mula kay


Fulghum na nagsasabi na natutuhan na natin ang lahat ng
kailangan nating malaman noong tayo ay musmos pa lamang
(All I Really Need to Know I Learned in Kindergarten). Tulad ng Gawin ang
huwag mandaya, huwag manakit ng kapuwa, maghugas ng mabuti,
kamay bago kumain, matulog nang maaga, mag-ingat sa iwasan ang
pagtawid, at iba pa. Ilan lamang ang mga ito sa kaniyang mga masama.
binanggit at kung iisipin, sa dami ng mga ipinatutupad na batas,
at sa mga tungkuling dapat gampanan, gayundin sa dami ng
mga sinasabi sa atin na dapat at hindi dapat gawin,
napakasimple lang naman ng utos sa tao: magpakatao, maging
makatao. Ngunit anong mga dahilan bakit kahit marami sa mga tao ang nauunawaan ang
mga utos na ito, marami din ang nabibigong sundin ito? Sa mga naunang modyul partikular
sa pagtalakay tungkol sa lipunan at kabutihang panlahat, na ang bawat isa sa atin ay bahagi
ng kabuuan ng lipunan. Lahat ay nararapat magpasakop at maging tagasunod sa mga lider
na siyang binigyan ng kapangyarihang mamahala at mamuno nang maayos.

Inaasahan sa modyul na ito na maipamamalas mo ang pag-unawa sa mga batas na


nakabatay sa Likas na Batas Moral. At sa pagtatapos nito ay masasagot mo ang
Mahalagang Tanong na: “Ano ang batas na gabay sa ating pagpapakatao? Bakit
kailangang umayon sa batas na ito?” Gagabayan ka ng modyul na ito upang maunawaan
mo ng lubos ang mga batas na umiiral sa lipunan.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

A. Para sa kasalukuyang linggo ng iyong pag-aaral sa Ikalawang Markahan


(Ikatlong linggo), ang una at ikalawang layunin ang iyong pag-aaralan:

6.1. Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral

6.2. Nasusuri ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa mga kabataan batay sa
pagsunod ng mga ito sa Likas na Batas Moral

B. Para sa susunod na linggo ng iyong pag-aaral sa Ikalawang Markahan (Ikaapat


na linggo), ang ikatlo at ikaapat na layunin ang iyong pag-aaralan:

6.3. Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral


(Natural Law), gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon
sa dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran, ay mahalaga
upang makamit ang kabutihang panlahat

1
6.4. Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay sa
pagtugon nito sa kabutihang panlahat
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9. Modyul Para sa Mag-aaral. (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 65

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.

1. Sino ang nagsabi na, “Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may
kakayahang makaunawa sa kabutihan”?
A. Dr. Manuel Dy B. Robert Fulghum C. Max Scheler D. Santo Tomas de Aquino

2. Problema ang basura sa paaralan ni Carl. Isa sa naging solusyon ay ang


pagkakaroon ng programang “Basura Ko, Sagot Ko”. Ano dapat ang tugon ni Carl dito?
A. Sagabal sa kaniyang pag-uwi ang magdala ng basura sa bahay
B. Walang tamang lalagyan ng mga basura sa kanilang bahay
C. Gawin ito at ayusin din ang sistema ng basura sa bahay
D. Magkaroon ng ibang paraan sa pagtapon ng basura

3. Mahihirapang makapasa si Art sa Math sa Ikalawang Markahan. Ano ang gagawin niya?
A. Magkaroon ng mabuting paraan sa pag-intindi sa mga paksa sa Math
B. Mag-aral sa bahay ng Math kahit pa laging mapuyat sa gabi
C. Manghingi ng solusyon sa problema sa Math sa kaklase
D. Magpa-iskedyul ng remedial exam sa guro ng Math

4. Alin sa sumusunod na mga batas ang naaayon sa Likas na Batas Moral?


A. Batas na nagpapalaya sa mga tao sa kanilang moral na obligasyon
B. Batas na nagpapawalang bisa sa mga kaparusahan ng mga may sala
C. Batas ng pagkakaroon ng TESDA para sa mga hindi makapagkolehiyo
D. Batas na pumuprotekta sa pag-aari ng mga naglilingkod sa pamahalaan

5. Ano ang dapat gawin ng isang prinsipal sa mga mag-aaral na napatutunayang


gumagamit ng ilegal na droga?
A. Tanggihan ang mga mag-aaral na ito na mag-enrol sa darating na pasukan
B. Magkaroon ng programang counseling and rehabilitation ng nasabing mag-aaral
C. Paglaanan sila ng isang silid upang maihiwalay sila sa mga mabubuting mag-aaral
D. Ipakulong sila dahil sa paglabag sa batas at para hindi na makaimpluwensiya sa iba

6. Aling panukala ng shopping mall ang lumalabag sa pagtugon sa pangangailangan ng tao?


A. Pagbibigay ng sapat na palikuran sa mga mamimili
B. Pagpapatupad ng patakaran na No Return, No Exchange
C. Pagbabawal sa pagpapasok ng pagkain o anomang inumin
D. Masususing inspeksiyon sa bag ng mga mamimili para proteksyonan ang lahat

1
7. Bakit nararapat tutulan ang mga panukala na nagpapanganib ng kabutihang panlahat?
A. Dahil sa Prinsipyong First Do No Harm
B. Dahil dapat sundin ang Universal Declaration of Human Rights
C. Dahil dapat alagaan at igalang ang dignidad ng tao at makamit niya ang kaganapan
D. Dahil sa karapatan ng Kalayaan na Makapag-isip at Kalayaang Makapagpahayag

8. May panukala ang mga mag-aaral sa Baitang 9 na alisin ang takdang-aralin. Kaya may
nakatakdang miting para rito ang mga guro, mag-aaral at magulang. Ano ang nararapat
mong gawin upang maipakita na ang pasiya mo ay tungo sa kabutihang panlahat?
A. Pupunta sa miting at ibahagi ang paniniwalang mas makabubuting may takdang-aralin
B. Pupunta sa miting upang magkaroon ng update sa mga pangyayari
C. Hindi pupunta sa miting dahil natatakot masali sa gulo
D. Pupunta upang ipilit na sang-ayunan ang panukala

9. Alin ang nagpakikita ng paglabag sa batas at paghadlang sa kabutihang panlahat?


A. Pagsama sa mga grupo na ang hangarin ay batikusin at siraan ang nasa gobyerno
B. Paggabay ng magulang sa anak upang mahubog ang kaniyang pagpapakatao
C. Paghuli sa mga nagbebenta ng ilegal na droga at pagpaparusa sa kanila
D. Pagpatupad ng mga programang pangkabuhayan ng pamahalaan

10. Ano ang karapat-dapat gawin ng mga mambabatas para sa kabutihang panlahat?
A. Gawing batayan ang Likas na Batas Moral sa paggawa at pagpasa ng mga batas
B. Pakinggan ang lahat ng reklamo ng mga sektor ng lipunan
C. Magkampanya para sa karapatan ng mga mamamayan
D. Pagtibayin ang proseso ng eleksyon

Balikan

Sa Modyul 5, natutuhan mo ang pagpapahalaga at paggalang sa karapatan ng bawat


tao at ang pangangailangang maisakatuparan ng bawat isa ang kaniyang tungkulin.
Kaugnay rito, mahalagang pundasyon ang natutuhan mo sa Modyul 6 ng EsP Baitang
Ikapito - na ang Likas na Batas Moral ay ang batas na itinanim sa isip at puso ng tao upang
gawin ang mabuti at iwasan ang masama. Dito sa Modyul 6 ng Baitang Ikasiyam,
magagabayan ka na makita kung paano mailapat ang prinsipyong ito sa mga batas na binuo
ng tao. Mahalaga ang pagtutugma ng dalawang batas na ito upang makamit ng tao ang
kaniyang kaganapan at mapairal ang kabutihang panlahat sa lipunang kinabibilangan.
Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang Mahalagang Tanong na: “Ano ang
batas na gabay sa ating pagpapakatao? Bakit kailangang umayon sa batas na ito?”
Gagabayan ka ng modyul na ito upang maunawaan mo ng lubos ang mga batas na umiiral
sa lipunan.

Tuklasin
1
Gawain 1

Panuto:
1. Magtala ng mga batas na ipinaiiral dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19 sa ating
bansa at sa sanlibutan. Maaaring narinig mo ang mga ito sa radyo, napanood sa
telebisyon o nabasa sa mga social media tulad ng Facebook.

Halimbawa:
Mahigpit na ipinatutupad ng gobyerno ang pagsusuot ng face mask at face shield sa mga
pampublikong lugar.

Ikaw naman:
a.
b.
c.

2. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong:


a. Sumasang-ayon ka ba sa mga batas na ito? Pangatwiranan.
b. Sinusunod mo ba ang mga ito? Bakit?
c. Sa palagay mo, nakabatay ba ang mga batas na ito sa prinsipyo ng Likas na Batas
Moral na “Gawin ang mabuti at iwasan ang masama”? Sa paanong paraan?
d. Samakatuwid, anong batas ang dapat gawing gabay sa pagsunod o hindi pagsunod sa
umiiral na batas sa lipunan? Bakit?

Linangin
Gawain 2

Panuto:
1. Humingi ng panahon sa magulang o guardian upang makipagkuwentuhan sa kaniya
tungkol sa mga batas na ipinasusunod niya sa iyo bilang gabay sa paglaki mo.
2. Itala ang mga batas na binabanggit niya sa iyong kuwaderno.
3. Tanungin siya kung paano niya itinuturo ang mga ito sa iyo. Itanong din kung
nagiging madali o mahirap ba sa kaniya ang pagpasunod sa iyo.
4. Pansinin ang mga maaaring nararamdaman ng magulang o guardian habang
nagkukuwento siya sa iyo.
5. Alamin kung alin sa mga batas na ito ang tatlong itinuturing niyang pinakamahalagang
matutuhan mo sa buhay. Lagyan ang mga ito ng tsek.
6. Humingi ng paliwanag kung bakit ang mga ito ang pinakamahalaga para sa kaniya.
7. Pagkatapos, magpasalamat sa magulang o guardian at bumalik sa lugar ng bahay kung
saan ka nag-aaral.
8. Pagnilayan at sagutin ang sumusunod na tanong:
a. Ano ang nararamdaman mo?
b. Sumasang-ayon ka ba sa tatlong pinakamahalagang batas ng iyong magulang?
Pangatwiranan.
c. Sinusunod mo ba ang mga ito sa lahat ng pagkakataon? Bakit?
d. Anong prinsipyo ng Likas na Batas Moral ang dapat maging sukatan sa pagsunod sa
mga batas na binuo ng tao?
e. Bakit dapat gawing sukatan ang Likas na Batas Moral sa pagsunod ng umiiral at
panukalang batas?
f. Paano malaman na nararapat sundin ang isang batas? Ipaliwanag.

Suriin
1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong
sa Pagyamanin.

Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral


Narinig mo na ba ang prinsipyong First Do No Harm (primum non nocere) ng mga
manggagamot? Sinasabi nitong ang unang layunin ng mga manggagamot ay hindi
makapagdulot ng higit pang sakit. Negatibo man ang pagkakasabi, at hindi positibo gaya ng
"Magbigay lunas," positibo ang nais sabihin nito: laging may pagnanais na makapagpagaling
at iiwasan ang lahat ng makapagpapalala ng sakit o makasasama sa pasyente.

Mapapatanong ka siguro kung bakit kailangan pa itong sabihin. Hindi ba't kaya nga
pinili ng mga doktor ang ganitong larangan dahil sa pagnanais na makapagpagaling at
makatulong? Walang doktor ang magbibigay ng payong medikal na nakakapagpalala ng
kondisyon ng pasyente. Walang doktor ang papasok sa operasyon nang hindi handa.
Laging ang nasa isip nila ay ang makapagpagaling ng pasyente.

Magkagayon man, may nabalitaan ka na rin marahil na may mga doktor na


nakapagbigay ng maling mga reseta sa kanilang pasyente. May mga kaso rin ng kamatayan
dahil sa mga maling prognosis. Nilabag na nga ba ng mga propesyonal na ito ang kanilang
mga tungkulin bilang manggagamot?

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat
ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan. At para kay Max Scheler, ang pag-
alam sa kabutihang ito ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa
larangan din ng pakiramdam. Ninanasa ng tao ang mabuti; hindi ang masama. Walang
sinuman ang magnanais na mapasama siya. Kahit na tinatamad akong mag-aral, alam kong
mabuti ang mag-aral. Kahit na natatakot akong magpatingin sa doktor, alam kong mabuting
gawin ito upang makita ang kalagayan ng aking kalusugan. Kahit gustong-gusto kong kunin
ang cellphone ng kapatid ko, hindi ko dapat gawin dahil alam kong masama ito.

Paano ko nalaman kung ano ang mabuti at ano ang masama? Itinuro sa atin ng ating
mga magulang. Nakuha natin sa mga kapitbahay, napanood sa telebisyon, nabasa o narinig.
Ang nakamamangha dito ay sa dami ng ating mga narinig o nalaman, may maliit na tinig pa
rin ng kasiguraduhan sa ating loob na nagsasabi sa atin kung ano ang mabuti.
Nararamdaman ko ang mabuti. Nararamdaman ko ang tama kahit na kung minsan ay
parang sinasabi ng isip ko na mali ito. Sa kilos ng pakiramdam ko kung ano ang dapat kong
gawin, napapanatag ako at natatahimik kapag sinunod ko ang tinig na ito.

Konsensiya ba ito? Diyos ba ito? Takot ba ito sa aking magulang? Pressure mula
sa mga kaibigan? Tukso ng media? Isa ang totoo: naaakit ako sa alam kong mabuti.

Ang Mabuti

Pansinin na hindi pa talaga natin pinag-uusapan dito kung ano ang mabuti. Sinasabi
lang na may natural na pagkaakit ang tao sa mabuti. Ang mabuti ang laging pakay at layon
ng tao. Ang isip at puso ang gabay para kilatisin kung ano talaga ang mabuti. May
matinong pag-iisip, pagsusuri, pagtitimbang at paglilinis sa mga motibasyon ang kasabay ng
pagkilala sa mabuti. Mabuti bang tumulong sa gawaing bahay? Mabuti bang tumambay
kasama ng barkada? Mabuti bang uminom ng alak? Ang tanungin ang tanong na “Mabuti
ba?" bago pa gawin ang isang bagay ay tanda na ng masikap na paghahangad na matupad
ang mabuti. Hindi agad-agad lumulusong sa paggawa nang walang pagtitimpi at pagmumuni

sa kabutihan ng gagawin. Nakatatakot at delikado ang taong agad may sagot at hindi nag-
iisip dahil malamang, ang ginagawa niya ay piliin lamang ang pinakakawili-wili sa kaniya.
1
Ang nag-iisip ay namimilipit pa sa pagtimbang kung tama ba talaga ang pipiliin, kung ano
ang mga posibleng epekto ng pagpili, at kung mapaninindigan ba niya ang mga bungang
kaniyang kakaharapin. Sa pinakapayak na paliwanag, ang mabuti ay pagsisikap na laging
kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapaunlad ng sarili at ng mga ugnayan.

Ang Tama: Iba sa Mabuti

Ngunit sapat na nga ba talaga ang paghahangad sa mabuti at pagkilos sa inaakalang


mabuti? Paano kung ang inaakalang mabuti ay nakasasakit o makasisira lamang? Mahirap
ang paniniwala na sapat na ang mabuting intensiyon para kilalaning mabuti ang gawain.
Gusto kong pakainin ang aking pamilya kaya magnanakaw ako. Gusto kong manalo sa
palaro kaya dadayain ko ang edad ng mga kasamahan ko sa team. Gusto kong kumita
nang malaki kaya mamanipulahin ko ang timbangan ng tinda namin sa palengke. Kabutihan
ang hinahangad ng mga nabanggit sa itaas. Kaya lamang, kailangang maunawaang: hindi
maaaring ihiwalay ang mabuti sa tama. Maaari bang sabihin ng ama sa kaniyang mga anak
na, "Magpasalamat kayo sa ninakawan ko, may nakakain kayo ngayon." O ng ale sa
kaniyang suki, "Suki, pasensiya ka na, babawasan kita ng isang guhit dahil may hinuhulugan
pa akong alahas"? Maibabalik ba ng isang tao ang buhay ng kapuwa kung sa maling pasiya
niya ay naging dahilan ito ng kamatayan ng kaibigan? Sapat na ba ang sabihing, "Mabuti
ang aking hangarin".

Iba ang mabuti sa tama. Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagbuo ng
sarili. Ang tama ay ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon, kasaysayan, lawak at
sitwasiyon. Tinitingnan dito ang mga pangangailangan at kakayahan ng gagawing pagpili.
Kung nakikita ni Ramil na makabubuti sa kaniya ang isports, hindi lang siya basta-basta
sasabak sa laro. Kailangan niyang tingnan ang kaniyang kakayahan bago siya magsimulang
magboksing. Kung nais nang magpakasal ni Estrella at Ruben, kailangan nilang
siguraduhing handa na ang kanilang loob para sa kanilang kinabukasan bilang mag-asawa
-ang bahay, ang pambayad ng kuryente, tubig, pagkain, at iba pa. Mabuti ang mag-asawa,
tama na ba ito agad? Kahit sa gamot, mabuti ang uminom ng gamot. Ngunit marapat ding
tingnan ng doktor ang kakayahan ng pasyente na bumili ng gamot at ang mga partikular na
reaksiyon ng pasyente sa bisa ng gamot na ibibigay. Mabuti ang gamot, ngunit may tamang
gamot para sa isang tao ayon sa sakit na mayroon siya. May ibang gamot na nagdudulot ng
mga allergies sa mga partikular na tao. May mga gamot na hindi epektibo sa ibang tao.
Ganito ang prinsipyo ng generics. Ang pasyente na ang bahalang humanap ng hihiyang sa
kaniya batay sa reseta ng doktor. Tulad din sa Likas na Batas Moral, preskripsiyon ang
mabuti, ang tama ay ang angkop sa tao.

Ang Kaisa-isang Batas: Maging Makatao

Wala bang mabuti na tama para sa lahat? Sa lawak ng sansinukob at sa kahinaan


ng ating kakayahang umalam, napakahirap humanap ng isang tama na sasang-ayunan ng
lahat. Iba-iba ang kultura, relihiyon at paniniwala. Iba-iba ang mga layunin, iba-iba ang mga
pamamaraan. Maaaring magkasundo-sundo ang nagkakaiba-ibang mga tao ayon sa
mabuti, ngunit babalik pa rin sa iba’t ibang paraan ng pagtupad dito. Walang isang porma ng
tama ang mabuti. Mag-aanyo ito ayon sa kondisyon at hinihingi ng pagkakataon.

Wala nga ba? May liwanag ng karunungan yata tayong maaninag sa sinusumpaan
ng mga doktor: First Do No Harm. Anomang kalagayan kasadlakan ng tao, isa ang
babalikan natin: ang huwag manakit. Nagsasalubungan ang mabuti at tama sa prinsipyo ng
pag-iwas sa pananakit sa tao. Na ang pinakamahalaga at pinakamabuting dapat gawin ay
ingatan ang tao. Na iba-iba man ang pormula ng likas na batas moral, tinuturo nito ay isa
lamang: hindi ko kakasangkapanin ang tao. Na ituturing ko bilang may pinakamataas na
halaga ang tao. Na gagawin ko ang lahat upang ingatan at payabungin ang tao.

1
Likas sa tao ang hangarin ang mabuti. Ano ang ibig sabihin nito? Na likas sa atin na
maging makatao (panig sa tao): ito ang kaisa-isang batas na hindi dapat labagin ninoman.
Ang lumabag dito ay lumalabag din sa sarili niyang kalikasan.

Lahat ng Batas: Para sa Tao

Dito nga nakaangkla ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao


(Universal Declaration of Human Rights) ng mga Nagkakaisang Bansa (United Nations).
Hindi ito nilikha o inimbento o pinagsang-ayunan lamang ng mga bansa dahil magandang
pakinggan na kunwari may dignidad ang tao! Talagang nakikita nila, mula sa iba't ibang
mukha ng mga tao sa iba't ibang sulok ng mundo, na mahalagang ingatan ang dignidad ng
tao. Matinding kinukondena ng pahayag ang anomang uri ng paniniil at paglalapastangan sa
tao. Naniniwala silang ang pag-unlad ng isang bansa at ng mundo ay magmumula sa
pagkilala sa pantay na mga karapatan. Ang pagbibigay ng kalayaang isakatuparan ang mga
pagnanais nila ang siyang makapagpapatibay sa mithiing ito ng kaunlaran at kapayapaan.

Ang bawat estado (state) rin ay nagsisikap iangkop sa kani-kanilang mga kultura ang
pagkilala sa karapatang pantao. Ipinapahayag nila sa kanilang konstitusyon ang mga
karapatan ng bawat mamamayan at ang paggarantiya ng estado na bigyang proteksiyon
ang mga karapatang ito. Ang mga batas naman na nililikha ng pamahalaan ay mga
mekanismo at pamamaraan upang isakongkreto ang unibersal at pangkalahatang
pagpapahalaga sa tao. Kaya may batas laban sa pananakit at pang-aabuso sa mga bata
dahil tao ang mga bata. Kaya may batas na magbibigay ng budget sa edukasyon dahil
kailangang mahubog ang pag-iisip at karakter ng mga tao. Kaya may batas na magtatalaga
ng pinuno ng bayan (eleksiyon) dahil mahalaga ang boses ng lahat ng tao sa pagpapatakbo
ng kolektibong kasaysayan. Ang lahat ng batas ay para sa tao, hindi ang kabaligtaran nito.

Likas na Batas Moral: Batayan ng mga Batas ng Tao

Nagtagumpay na ba ang mga bansa na tupdin ang pagpapahalagang ito? Isang


proseso ang pagtupad sa mabuti. Hindi laging tama. Madalas pa nga ay nagkukulang ang
mga estado sa pagtalima sa tawag ng mabuti. Dala na rin ito ng napakaraming mga tinig at
mukha na kailangan lahat pakinggan at tingnan. Hindi perpekto ang mga batas. Subalit,
muli, babalik tayo sa depinisiyon ng mabuti – sapat na ang laging pagtingin sa kabutihan at
ang pagsisikap na matupad ito.

Kung ang buhay sana ay tulad ng cellphone na may kasamang instruction manual,
madali na sana ang lahat. Kung ang katawan ay may instruction manual, madali na sana sa
doktor ang makatiyak sa gamot, nutrisyon, at pag-aalagang mabisa sa lahat. Sa kasamaang
palad, walang instruction manual ang tao at ang mundo. Ang Likas na Batas Moral ay hindi
instruction manual. Hindi ito isang malinaw na utos kung ano ang gagawin ng tao sa iba't
ibang pagkakataon. Gabay lamang ito upang makita ang halaga ng tao. Ang konstitusyon
at mga batas din ay hindi mga instruction manual. Naisatitik ng mga ito ang anomang
makatutulong sa pagpapayabong ng tao. Gabay din lamang ang mga ito na natutuhan sa
karanasan ng mga tao sa pagdaan ng panahon. Malayo sa pagiging absolutong batas para
sa pag-unlad at kaayusan ng lipunan. Matutupad ba natin ang Likas na Batas Moral sa ating
bayan? Isang simpleng sagot: habang may nakatingin sa mabuti—nagtataka, nagtatanong
—tiyak na hahakbang tayo papalapit sa mabuti.

Ano ang pinakaunang hakbang? First do no harm.

1
Pagyamanin

Gawain 3a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin sa itaas.

Panuto:
Sagutin ang mga tanong upang mataya mo ang iyong pag-unawa sa mga mahalagang
konsepto sa babasahin.

1. Ano ang pagkakaiba ng mabuti sa tama?


2. Paano malalaman ang mabuti?
3. Ano ang ipinag-uutos ng Likas na Batas Moral? Ipaliwanag.
4. Bakit pinakamahalaga ang maging makatao?
5. May pagkakaiba ba ang Likas na Batas Moral sa ibang kultura? Ipaliwanag.
6. Bakit First Do No Harm ang unang hakbang sa pagtupad sa mabuti? Ipaliwanag.

O, kamusta? Dito nagtatapos ang iyong mga gawain sa Ikatlong linggo. Para sa Ikaapat
na linggo, gawin ang mga gawain sa ibaba. Balikan ang babasahin sa Suriin bilang gabay
mo sa pagsasagawa ng mga gawain simula sa Gawain 3b ng Pagyamanin.

Gawain 3b: Pagninilay

Panuto: Sumulat ng isang pagninilay gamit ang pormat sa ibaba.

Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking pagkaunawa Ano-anong hakbang ang
kaalamang pumukaw sa at reyalisasyon sa bawat aking gagawin upang
akin? konsepto at kaalamang ito? mailapat ang mga pang-
unawa at reyalisasyong ito
sa aking buhay?

Likas na Batas Moral at


Batas ng Tao

Maging Makatao

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9. Modyul Para sa Mag-aaral. (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 70-76

Isaisip

Gawain 4: Paghinuha ng Batayang Konsepto

Panuto:
1. Kumuha ng isang malinis na papel. Isulat dito ang lahat ng mga mahahalagang konsepto
na iyong natutuhan mula sa mga gawain at sa babasahin.

2. Pagkatapos, pag-ugnayin ang mga mahahalagang konseptong naitala mo, gabay ng


sumusunod na tanong:
a. Bakit mahalaga ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral?
b. Ano ang maitutulong nito tungo sa pagkamit ng iyong kaganapan bilang tao?

1
3. Gamitin ang graphic organizer sa ibaba upang makabuo ng concept web. Huwag
limitahan ang konseptong isusulat. Maaaring dagdagan ang mga arrow at bilog kung
kinakailangan.

Pagsunod
sa Batas

Isagawa

Gawain 5: Pagganap

Panuto: Lubhang naaapektuhan ang pamumuhay ng mga mamamayan sa mga batas na


ipinaiiral ngayong may pandemya.
1. Suriin ang mga batas na ipinatutupad ngayong may pandemya sa sumusunod na sektor
ng lipunan na naririnig mo sa radyo, napanonood sa telebisyon o nababasa sa Facebook.
Pumili ng tatlo lamang sa limang nakatala na mga sector ng lipunan sa ibaba.
a. Para sa mga drayber ng pampublikong sasakyan
b. Para sa mga mag-aaral
c. Para sa mga may-ari ng malalaking tindahan o malls at restaurants
d. Para sa mga pribado at pampublikong manggagawa
e. Para sa mga simbahan

2. Isulat ang isang batas na iyong sinasang-ayunan dahil tumutugon ito sa pagkamit ng
kabutihang panlahat.

3. Isulat rin ang isang batas na tinututulan mo dahil hindi ito tumutugon sa pagkamit ng
kabutihang panlahat.

4. Magbigay ng dahilan sa iyong pagsang-ayon o sa iyong pagtutol sa nasabing batas.

5. Magmungkahi ng gagawing pagbabago sa batas na tinututulan mo.

6. Gamitin ang inihandang pormat sa ibaba.

1
Mungkahing Gagawing
Mga Batas Ngayong Dahilan ng Dahilan ng Pagbabago sa Batas
may Pandemya Pagsang-ayon Pagtutol na Tinututulan
(A.2, B.2, C.2)
Halimbawa:
1. Ang sinasang-ayunan ko na batas para sa mga drayber ng pampublikong sasakyan
Maglagay ng plastic Pag-iwas na
na harang sa mga magkahawaan
upuan ng mga ang mga
pasahero pasahero sa
COVID-19

2. Ang tinututulan ko na batas para sa mga drayber ng pampublikong sasakyan


Pagpataw ng mataas Mawawalan o Patawan ng mababang
na multa sa mga kukulangin ng multa at bigyan ng
drayber na lumabag pambili sa mga seminar tungkol sa
sa mga batas sa pangangailangan ng kinakailangang pag-iingat
pampublikong pamilya niya ang ngayong may pandemya
sasakyan ngayong drayber
may pandemya
Ikaw naman:
A.
1.

2.

B.
1.

2.

C.
1.

2.

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 5:


1. Nakapagtala ng dalawang batas para sa bawat sektor ng lipunan na sinasang-ayunan at
tinututulan
2. Nakapagbigay ng makatuwirang dahilan sa pagsang-ayon o sa pagtutol
3. Makatotohanan ang binanggit na paglabag sa Likas na Batas Moral
4. Tiyak ang mga sinusuring batas
5. Naitala ang lahat ng hinihinging impormasyong kinakailangan sa tsart

1
Buod
Ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral (Natural Law)
gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon sa dignidad ng tao at
sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran, ay mahalaga upang makamit ang kabutihang
panlahat.

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.

1. Sino ang nagsabi na, “Lahat ng Tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may
kakayahang makaunawa sa kabutihan.”?
A. Dr. Manuel Dy B. Max Scheler C. Santo Tomas de Aquino D.Robert Fulghum

2. Bakit nararapat tutulan ang mga panukala na nagpapanganib ng kabutihang panlahat?


A. Dahil sa Prinsipyong First Do No Harm
B. Dahil dapat sundin ang Universal Declaration of Human Rights
C. Dahil dapat alagaan at igalang ang dignidad ng tao at makamit niya ang kaganapan
D. Dahil sa karapatan ng Kalayaan na Makapag-isip at Kalayaang Makapagpahayag

3. Alin sa sumusunod na mga batas ang naaayon sa Likas na Batas Moral?


A. Batas na nagpapalaya sa mga tao sa kanilang moral na obligasyon
B. Batas na nagpapawalang bisa sa mga kaparusahan ng mga may sala
C. Batas ng pagkakaroon ng TESDA para sa mga hindi makapagkolehiyo
D. Batas na pumuprotekta sa pag-aari ng mga naglilingkod sa pamahalaan

4. Aling panukala ng shopping mall ang lumalabag sa pagtugon sa pangangilangan ng tao?


A. Pagbibigay ng sapat na palikuran sa mga mamimili.
B. Pagpapatupad ng patakaran na No Return, No Exchange
C. Pagbabawal sa pagpapasok ng pagkain o anomang inumin
D. Masususing inspeksyon sa bag ng mga mamimili para proteksyonan ang lahat

5. Alin ang nagpapakita ng paglabag sa batas at paghadlang sa kabutihang panlahat?


A. Pagsama sa mga grupo na ang hangarin ay batikusin at siraan ang nasa gobyerno
B. Paggabay ng magulang sa anak upang mahubog ang kaniyang pagpapakatao
C. Paghuli sa mga nagbebenta ng ilegal na droga at pagpaparusa sa kanila
D. Pagpatupad ng mga programang pagkabuhayan ng pamahalaan

6. May panukala ang mga mag-aaral sa Baitang 9 na alisin ang takdang-aralin. Kaya may
nakatakdang miting para rito ang mga guro, mag-aaral at magulang. Ano ang nararapat
mong gawin upang maipakita na ang pasiya mo ay tungo sa kabutihang panlahat?
A. Pupunta sa miting at ibahagi ang paniniwalang mas makabubuting may takdang-aralin
B. Pupunta ka sa miting upang magkaroon ng update sa mga pangyayari
C. Hindi pupunta sa miting dahil natatakot masali sa gulo
D. Pupunta upang ipilit na sang-ayunan ang panukala

1
7. Problema ang basura sa paaralan ni Carl. Isa sa naging solusyon ay ang pagkakaroon ng
programang “Basura Ko Sagot Ko”. Ano dapat ang tugon ni Carl dito?
A. Sagabal sa kaniyang pag-uwi ang magdala ng basura sa bahay
B. Walang tamang lalagyan ng mga basura sa kanilang bahay
C. Gawin ito at ayusin din ang sistema ng basura sa bahay
D. Magkaroon ng ibang paraan sa pagtapon ng basura

8. Mahihirapang makapasa si Art sa Math sa Ikalawang Markahan. Ano ang gagawin niya?
A. Magkaroon ng mabuting paraan sa pag-intindi sa mga paksa sa Math
B. Mag-aral sa bahay ng Math kahit pa laging mapuyat sa gabi
C. Manghingi ng solusyon sa problema sa Math sa kaklase
D. Magpa-iskedyul ng remedial exam sa guro ng Math

9. Ano ang karapat-dapat gawin ng ating mga mambabatas para sa kabutihang panlahat?
A. Gawing batayan ang Likas na Batas Moral sa paggawa at pagpasa ng mga batas
B. Pakinggan ang lahat ng reklamo ng mga sector ng lipunan
C. Magkampanya para sa karapatan ng mga mamamayan
D. Pagtibayin ang proseso ng eleksyon

10. Ano ang dapat gawin ng isang prinsipal sa mga mag-aaral na napatutunayang
gumagamit ng ilegal na droga?
A. Tanggihan ang mga mag-aaral na ito na mag-enrol sa darating na pasukan
B. Magkaroon ng programang counseling and rehabilitation ng nasabing mag-aaral
C. Paglaanan sila ng isang silid upang maihiwalay sila sa mga mabubuting mag-aaral
D. Ipakulong sila dahil sa paglabag sa batas at para hindi na makaimpluwensiya sa iba

Karagdagang Gawain

Gawain 6: Pagsasabuhay

Panuto:
1. Kung mabibigyan ka ng pagkakataong magpaabot ng iyong panukala (proposal o
suhestiyon) sa Pangulo ng bansa para sa kabutihan ng mga kabataan batay sa Likas na
Batas Moral, ano ang ipapanukala mo? Pangatwiranan.

2. Gabay mo ang pormat sa ibaba.

Panukala (Proposal o Suhestiyon) ko sa Pangulo ng Bansa:


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Pangangatwiran ukol sa panukala at kung bakit mahalagang aprubahan ito ng


Pangulo:
_____________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 6:


1. Natutukoy sa panukala ang kabutihang ninanais para sa kapuwa kabataan
2. Tiyak na nakababatay/naaayon sa Likas na Batas Moral ang panukala
3. Angkop ang paglalarawan ng panukala
4. Malinaw ang paliwanag ukol sa panukala

1
Susi sa Pagwawasto
Subukin

Bilang ng Sagot Kasanayan/Skill


Aytem
1 D Paglalapat/Application
2 C Kaalaman/Knowledge
3 A Paglalapat/Application
4 C Pagsusuri/Analysis
5 B Pagtataya/Evaluation
6 B Pagsusuri/Analysis
7 C Pag-unawa/Comprehension
8 A Paglalapat/Application
9 A Pagsusuri/Analysis
10 A Pagtataya/Evaluation

Tayahin

Bilang ng Sagot Kasanayan/Skill


Aytem
1 C Kaalaman /Knowledge
2 C Pag-unawa/Comprehension
3 C Pagsusuri/Analysis
4 B Pagsusuri/Analysis
5 A Pagsusuri/Analysis
6 A Paglalapat/Application
7 C Paglalapat/Application
8 A Paglalapat/Application
9 A Pagtataya/Evaluation
10 B Pagtataya/Evaluation

Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9. Modyul para sa Mag-
aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.

Kagawaran ng Edukasyon, K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao,


Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016.

Peralta, Luisita B. “Ang EsP Bilang Asignatura.” Powerpoint Presentation at the National
Training of Trainers on the K To 10 Critical Content in Edukasyon sa Pagpapakatao,
Guimaras Province, May 6, 2019.

Peralta, Luisita B. “Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon


ng Pagdadalaga/Pagbibinata”. Module presented at the Alignment, Revision and
Finalization of the OHSP Modules with the K-12 Curriculum, Tagaytay City, September
26, 2017.

1
1
Para sa mga katanungan at puna, maaaring sumulat o tumawag:

DepEd Division of Iligan City


Office Address: General Aguinaldo St., Iligan City
Telefax: (063) 221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

You might also like