You are on page 1of 2

4

ARALIN Kasarian ng Pangngalan


Ang pangngalan ay may kasarian tungkol sa mga tao, hayop, lugar, bagay at
pangyayari sa paligid.

QUEST

Tingnan ang tsart sa ibaba na binubuo ng ibat-ibang salita.

Ana Anton bata bag

reyna Hari guro upuan

tindera tindero nars mesa

prinsesa Prinsipe aso bulaklak

Ale Mang Berto matanda bundok

Ano ang napansin ninyo sa mga pangngalang nasa loob ng unang pangkat?
Pangalawang pangkat? Pangatlo? Pang-apat?

Ang pangngalan ay may kasarian tungkol sa mga tao, hayop, lugar, bagay at
pangyayari sa paligid.

Sa unang pangkat ng mga pangngalan sa loob ng chart ay may pangngalang


pambabae.

Ang mga pangngalan na may kasariang Pambabae ay ginagamit o tumutukoy


sa mga babaeng tao o hayop.

Mga halimbawa nito ay ang mga salita tulad ina, reyna,santa, amiga, at
inahin.
Sa pangalawang pangkat ng mga pangngalan sa loob ng chart ay may
pangngalang panlalaki.

Ang mga pangngalan na may kasariang Panlalaki ay ginagamit o tumutukoy


sa mga lalaking tao o hayop.

Mga halimbawa nito ay ang mga salita tulad ng ama, hari, santo, amigo,
at tandang.

Sa pangatlong pangkat ng mga pangngalan sa loob ng chart ay may


pangngalang di-tiyak

Ang mga pangngalan na may kasariang Di-tiyak ay maaaring gamitin para sa


babae o para sa lalaki

Mga halimbawa nito ay ang mga salita tulad ng guro, artista, alaga, kalaro,
at kapatid.

Sa pang-apat pangkat ng mga pangngalan sa loob ng chart ay may


pangngalang walang kasarian

Ang mga pangngalan na may kasariang Walang Kasarian ay tumutukoy sa


walang buhay at walang kasarian pati na rin ang mga bagay sa kapaligiran na
may buhay ngunit walang kasarian.

Mga halimbawa nito ay ang mga salita tulad ng sapatos, puno, kalye, prutas,
at papel.

You might also like