You are on page 1of 2

Nominal

Nangangahulugang pangngalan o anumang salitang pangngalan

Pangngalan
Pasalitang simbolo na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, at pangyayari.
Tao Bagay Pook Hayop Pangyayari
anak lapis Korea aso kaarawan
bata aklat bayan pusa kasalan
Dalawang Klasipikasyon ng Pangngalan
Batay sa kung ang Pangngalan ay may diwang panlahat o hindi panlahat
Batay sa kung ang Pangngalan ay tumutukoy sa isang bagay na tahas o hindi tahas
Dalawang Uri ng Pangngalan
a.Pantangi- tiyak na ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari.
Halimbawa:
* Tanging Ngalan ng Tao = Pedro, Christian, Liera at Crystal
* Tanging Ngalan ng Hayop = Brownie, Muning, Snowy at Kitty
* Tanging Ngalan ng Bagay = Mongol, Gtec, Crayola at Penshoppe
* Tanging Ngalan ng Pook = Bundok Apo, Baguio City, Davao City, Consolacion Cebu
* Tanging Ngalan ng Pangyayari = Bb. Pilipinas 2013 at State of the Nation Address 2014

b. Pambalana- Ang mga pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang diwa ng tao, hayop, bagay, pook at pangyayari.
* Pangkalahatang Ngalan ng Tao = bata, guro, lalaki at doctor
* Pangkalahatang Ngalan ng Bagay = lapis, papel, tsinelas at upuan
* Pangkalahatang Ngalan ng Hayop = aso, pusa, kabayo at kambing
* Pangkalahatang Ngalan ng Pook = ilog, lungsod, lalawigan at kapatagan
* Pangkalahatang Ngalan ng Pangyayari = sayawan, gulo, digmaan at banggaan

Tahas

Pangngalan na tumutukoy sa bagay na material.


Halimbawa:
tao puno pagkain
hayop gamut kasangkapan

Dalawang Uri ng Tahas


Palansak = tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.
Halimbawa:
buwig hukbo tumpok
kumpol lahi tangkal
Di Palansak = tumutukoy sa mga bagay na isinaalang-alang nang isa-isa.
Halimbawa:
saging tao
sundalo bulaklak
Basal
Pangngalan kung ang tinutukoy ay hindi material kundi diwa o kaisipan.
Halimbawa:
sama, kalungkutan, galit, ganda at bait
Kasarian ng Pangngalan

PANLALAKI
PAMBABAE
DI-TIYAK
WALANG KASARIAN

Panghalip

Mga salitang panghalili sa ngalan ng tao.


Halimbawa:
Si Manuel L. Quezon ang kinikilalang “ Ama ng Wikang Pambansa.”
Siya ang kinikilalang “ Ama ng Wikang Pambansa”

➤Payak – mga salitang sariling atin (lila, lamabat, ilog)


➤Maylapi – nagtataglay ng panlapi (kagandahan, palaisdaan)
➤Inuulit – inuulit ang salitang-ugat (sabi-sabi, gamugamo)
➤Tambalan – binubuo ng 2 salita pero iisa ang kahulugan (akyat-bahay, hampaslupa)

b. Panghalip (Pronoun) – mga salitang panghahali sa pangngalanUri:


➤Panghalip na Panao – ay ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap at sa taong pinag-uusapan (atin,
ikaw, kayo)
➤Panghalip na Pamatlig – ay inihalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan (ito, iyan,
doon)
➤Panghalip na Panaklaw – Nagsasaad ng Kaisahan o kalahatan (isa, lahat)
➤Panghalip na Patulad – inihalili sa itinutulad na bagay. (ganito, ganyan)
Tatlong Panauhan

Unang Panauhan – tumutukoy sa taong nagsasalita. Halimbawa: ako, kami, ko at tayo


Ikalawang Panauhan – tumutukoy sa taong kausap sa pangungusap. Halimbawa: ikaw, ka, ninyu, kayo at inyo
Ikatlong Panauhan – taong tinutukoy sa pangungusap . Halimbawa: siya, sila, nila, kanya at kanila

You might also like