Ang pangngalan ay mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop at pook.
DALAWANG URI NG PANGNGALAN
1. Pangngalang Pantangi – ito ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop o pook at ito ay nagsisimula sa malaking titik. Mga Halimbawa: Tiyak na ngalan ng TAO Jill Bb. Verde Dr. Cruz Reil Briones Sheila Precious Tiyak na ngalan ng BAGAY Mongol Scribbles Vanda Channel Tiyak na ngalan ng HAYOP Chaochao Tiyak na ngalan ng LUGAR O POOK Lucena City SM Mall of Asia Manila Laguna Rizal Park Luneta Quezon 2. Pangalang Di-Tiyak o Pambalana - ito ay tumutukoy sa di-tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, o pook. Ito ay nagsisimula sa maliit na titik lamang. Mga Halimbawa: Di-Tiyak na ngalan ng TAO guro doktor babae lalaki mag-aaral pulis magsasaka matanda bata kuya ate lolo lola tiyo tiya nars enhinyero Di-Tiyak na ngalan ng BAGAY lapis papel kwaderno bag aklat lamesa upuan Di-Tiyak na ngalan ng HAYOP pusa aso kalabaw daga palaka kabayo pagong isda leon tigre ibon Di-Tiyak na ngalan ng LUGAR O POOK parke paaralan mall palengke simbahan