You are on page 1of 2

Pangngalan

Ang pangngalan ay mga salita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop,


pook, at pangyayari.

Halimbawa:

Kaarawan
Guingona Park
Grizelle
Charlotte
Aso
Lapis

Ang pangngalan ay ay nahahati sa dalawang uri: pantangi at pambalana.

Ang pantangi ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at


pangyayari. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.

Halimbawa:

Rizal Park
Raee
Sinulog Festival
Philippine Science High School

Ang pambalana naman ay tumutukoy sa karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop,


pook at pangyayari. Ito ay nagsisismula sa maliit na titik

Halimbawa:

guro
paaralan
doctor
ospital
Kasarian ng Pangngalan

Ang pangngalan ay may apat na uri ng kasarian: pambabae, panlalaki, di-tiyak at


walang kasarian.

Ang pambabae ay tumutukoy sa ngalan ng mga babae.

Halimabawa:

madre
Gng. Reyes
Nanay

Ang panlalaki naman ay tumutukoy sa ngalan ng mga lalaki.

Halimbawa:

tatay
tito
G. Lopez

Ang di-tiyak naman ay maaring babae o lalaki.

Halimbawa:

kaibigan
kaklase
nars

Ang walang kasarian ay tumutukoy sa pangngalang walang kasarian.

Halimbawa:

lapis
payong
higaan

You might also like