You are on page 1of 1

Edukasyon: Ang Gintong Pamana

Natatandaan mo pa ba ang kauna-unahang beses na


nakahawak ka ng lapis at papel? Marahil ay hindi na
sapagkat isang musmos ka pa lamang noon. Ngunit
natitiyak ko na sa kabila ng murang edad ay hindi
tumigil ang iyong mga magulang sa pagpapaalala sa
iyo ng kahalagahan ng edukasyon. Ika nga ng
matatanda, "Ang edukasyon ay ang tanging
maipapamana ko sa 'yo."

Ang edukasyon ay isang napakahalagang bagay sa ating buhay. Ito ay ang susi upang makamit natin ang
ating mga pangarap— maging doktor man o abogado, pulis o guro at anumang mga propesiyon. Ito ay
isang karapatan na hindi maaaring ipagkait sa atin
ninuman.

Ngunit sa kabila ng kahalagahan ng edukasyon, hindi


maiipagkakaila na hindi lahat ay may pagkakataong
makapag-aral. Isang dahilan nito ay ang kahirapan na
nararanasan ng karamihan sa atin. Kahirapan na naghahatid
ng pagdurusa, kahirapan na sumisira sa pangarap ng mga
batang namulat sa bagsik ng reyalidad.

Marami man ang nawawalan na ng pag-asa, kailangan pa rin nating tandaan na sa kabila ng unos na ating
kinakaharap ngayon, hindi pa rin ito sapat na dahilan upang isuko ng posibilidad ng magandang
kinabukasan. Hindi sapat ang kahirapan upang mawalan ng pag-asa na makamit ang mga bituin na ating
pinapangarap.

Hindi man patag ang daan na iyong tatahakin, huwag mong kalilimutan na lahat ng sakripisyo at paghihirap
ay may kapalit na ginhawa. Patuloy nating tahakin ang daan patungo sa edukasyon at sabay-sabay nating
abutin ang diploma na siyang katas ng ating mga luha't
pawis.

You might also like