You are on page 1of 2

Daniel G.

Ares
Grade 9 St. John
Ang Masipag na Palaka
Sa isang maliit na bayan, may mga palakang naninirahan sa Bayan ng Maganda. Sa baying iyong
ay may isang magasawa na nagngangalang Ben at Ana. Sina Ben at Ana ay may isang anak na
nagngangalang Boyet. Si Boyet ay isang masipag, mabait, magalang, masayahin na palaka
pagwawalang-bahala sa mga katangiang ito si si Boyet ay may kapansanan sa pagdinig. Hindi
niya naiintindahan ang mga sinasabi ng mga palaka na nakapaligid sa kanya wala palaka ang
lumalapit dahil sa kapansanan niya. Tanging mga magulang lamang niya ang pumupuri sa kanya.
Mahal na mahal ni Boyet ang knayang mga magulang.
Isang araw habang naglilibang si Boyet sa bayan may napansin siyang isang maganda at mataas
na puno. Natulala siya ng Makita niya iyon tila nabighani siya sa ganda ng puno. Gusto niyang
akyatin ang puno kaso masyado pa siyang bata para akyatin iyon. Araw- araw niyang
pinupuntahan ang punong iyon upang subukan akyatin iyon. Madaming palaka ang nakakita sa
kanya. Hindi niya alam na nangungutya na pala ang mga palaka sa kanya. Dahil wala siyang
pandinig, inakala niya na pinupuri siyang ituloy ang kanyang ginagawa. Nagsanay siya ng maigi
upang mapakita na kaya niyang akyatin ang puno kahit maliit siya.
Lumipas ang dalawang taon na pagsasanay at pagbisita sa puno na kanyang pinapangarap na
akytin. May na abot na siya ngunit kunti pa lamang iyon. Hindi siya nawalan nag pag-asa.
Inakala pa rin niyang siya ay pinupuri dahil sa pag pupursigi na ma abo tang toktok ng puno.
Dahil para sa ibang palaka ay imposible niyang maakyat at maabot ang toktok ng punong iyon.
Palaging tumatawa ang ibang palaka dahil sa napakalaking pangarap ni Boyet. Palagi nila itong
tinatawanan, kinukutya at pinapahina ang loob, ngunit bou ang loob ni Boyet na maaabot niya
ang kanyang pangarap.
Makaraan ang ilang buwan naisip ng mga magulang ni Boyet na baka may sakit ang kanilang
anak sa pagiisip kaya kinausap nila si Boyet sa paraang kinagisnan na lingwahe na alam ni
Boyet. Laking gulat ni Boyet dahil isa ang kanyang mga magulang sa kanyang inspirasyon
upang maabot ang toktok ng puno. Tapos iisipin lang ng kanyang mga magulang na siya ay may
sakit sa pagiisip. Kahit na labag sa kanyang puso, pinagpatuloy parin ni Boyet ang kanyang
pangarap na maabot ang puno. Hindi na napigilan ng magasawa ang anak kaya pinagpatuloy nila
ang pag suporta sa kanilang pinakamamahal na anak. Araw- araw parin pumupunta si Boyet sa
puno at marami paring palaka ang nakatitig sa kanya.
Isang araw may isang palaka na lumapit sa kanya, sila ay magkatulad na may kapansanan sa
pandinig. Ang pangalan niya ay Jon. Silang dalawa ay nagusap sa paraang lingwahe kinagisnan
nila. Nagtanong si Jon kung bakit araw-araw pumupunta si Boyet sa punong iyon ang nag
eensayong umakyat. Sagot naman ni Boyet, Kasi pangarap ko na maabot at matanaw ang ganda
ng ating bayan. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa kaya sinusuportahan ni Jon si Boyet
na maabot ang toktok ng puno at makita ang kagandahan ng kanilang bayan.
Hindi nawalan ng pagasa si Boyet patuloy parin ang kanyang pagpupursigi na makamit ang
matagal na niyang minimithi. Kahit na abala si Boyet sa kanyang pangarap hindi niya
kinalilimutan ang pagtulong niya sa kanyang mga magulang upang mabuhay. Kahit hindi siya
nakakarinig ay hindi hadlang sa kanyang pag-aaral ang kapansanan. Si Boyet ay nagging isang
matalino na estudyante sa kanilang paaralan. Tuwang tuwa ang mga magulang ni Boyet dahil
hindi niya napapabayaan ang kanyag pag-aaral. Bago pumasok sa paaralan si Boyet ay binibisita
muna niya ang puno pag nakita na niya at nahawakan ay papasok na siya at may dalang
malaking ngiti. At tuwing uuwi na siya ay doon na siya nagsasanay. Kapag walang pasok si
Boyet ay nagsasanay siya pagkatapos niyang magawang at matulungan ang kanyang mga
magulang sa kanilang bahay ay doon na niya tinutuloy ang kanyang pagsasanay.
Paglipas ng isang taon unti unti ng nakakamit ni Boyet ang kanyang pangarap. Todo suporta
parin ang mga magulang ni Boyet at ang kanyang matalik na kaibigan na si Jon sa kanya. Hindi
parin tumitigil ang ibang palaka sa pangungutya sa kanya. Iniisp niya parin na siya ay
hinihikayat na maabot ang toktok ng puno. Kalahati na ng puno ang kanyang naabot. At patuloy
parin siyang nagsisikap at nananalig na hindi siya mawawalan ng pag-asa na makamit ang
kanyang pangarap.
Isang araw paglabas ng mga palaka sa kanilang bahay ay hindi nila nakita si Boyet sa ilalim ng
puno. Sila ay nagulat at natulala ng nakita nila si Boyet na naabot ang toktok at nakita ang ganda
ng kanilang bayan. Hindi sila makapaniwala na makakaya ni Boyet na maakyat niya ang puno.
Taliwas man sila sa pangarap ni Boyet sila ay napamangha sa lakas ng kanyang loob at sa
panghahalaga ng kanyang pangarap na matagal na niyang minimithi. Pati nga si Boyet at hindi
rin makapaniwala pero nakamit niya ang kanyang pangarap. nakita na ni Boyet ang ganda ng
kanilang bayan siya ay napamangha. Ngayon na kita na niya ang kanilang bayan. Ngayon ay
nakamit na niya ang kanyang matagal na pinapangarap. At diyan dagtatapos ang pabula ng
Masipag ng Palaka.

Tanging Aral:
Hindi hadlang ang kapansanan upang maabot ang mga pangarap. Dapat ay magsumikap, manalig
lamang na maabot ang pangarap at hindi mawawalan ng pag-asa gawing inspirasyon ang iyong
mga pangarap upang ika’y maging matagumpay sa hinaharap.
Lahat ng ating mga pangarap ay maaaring matupad kung mayroon tayong lakas ng loob na
ipagpatuloy an gating mga pangarap
Lahat ng pangarap ay magkakatotoo kung ito ay pagbibigyan ng importansya at pagpapasiya sa
pagsisikap.
Madami mang problema ang pasan hindi ito hadlang upang huminto sa pagkamit ng ating mga
panagrap na ating sinimulan.

You might also like