You are on page 1of 21

ETIKAL NA

PANANALIKSIK
Inihanda ni Dr. Reynele Bren G. Zafra
RESPONSIBILIDAD NG
MANANALIKSIK

Sa pagsulat ng pananaliksik, mahalagang


malaman ng mga mananaliksik ang mga nakaatang
na responsibilidad sa kanila bilang tagapagpadaloy
ng karunungan. Kaugnay nito, narito ang ilan sa
responsibilidad ng mananaliksik bilang isang
responsableng manunulat at iskolar.
RESPONSIBILIDAD NG
MANANALIKSIK
1. Bigyan ng proteksiyon at igalang ang karapatan ng mga
kalahok sa pag-aaral. Higit sa sariling kapakanan, dapat
itaguyod ng mananaliksik ang kaligtasan at karapatan ng
mga kalahok sa pag-aaral sa kabuuang proseso ng pag-
aaral. Bago isagawa ang pangangalap ng datos, mahalaga
na maabisuhan ang mga kalahok sa pag-aaral sa
pamamagitan ng isang pormal na sulat o pormal na
pakikipag-usap. Mahalaga rin na matiyak sa mga kalahok sa
pag-aaral ang pagiging kumpidensiyal ng mga impormasyong
kanilang ibabahagi sa mga mananaliksik
RESPONSIBILIDAD NG
MANANALIKSIK
2. Kilalanin at banggitin ang mga sangguniang
ginamit sa pananaliksik. Bukod sa malaking tulong
sa mananaliksik ang mga may-akda ng nasabing
babasahin, ang tamang pagkilala at pagbanggit ay
pamamaraan upang ipakita ang paggalang sa
intelektuwal na karapatan ng mga may-akda at
upang maiwasan din ang plagiarism na maaaring
maglagay sa kanila sa alanganin sa hinaharap
RESPONSIBILIDAD NG
MANANALIKSIK
3. Humingi ng pahintulot sa mga institusyon at
organisasyon kaugnay ng ginagawang pananaliksik. May
mga pagkakataon na hindi lamang mga kalahok ang
magbibigay ng impormasyon upang masagot ang suliranin ng
pananaliksik. Sa katunayan, sa arkaybal na pananaliksik
madalas na magiging kasama ng mananaliksik ang museo o
mga silid aklatan na repositoryo ng kaalaman. Kaugnay
nito, kailangan ng mananaliksik na lumiham sa mga
tagapamahala ng mga silid-aklatan o museo na sa tingin
niya ay nagtataglay ng mga dokumento para sa kaniyang
pag-aaral.
RESPONSIBILIDAD NG
MANANALIKSIK
4. Huwag manipulahin ang mga datos at maging tapat sa
paggamit nito. Layunin ng pananaliksik ang paghahanap ng
katotohanan at hindi ng kasinungalingan. Sa pangangalap ng
mga datos, mahalagang ipatupad ng mananaliksik ang
pagiging tapat sa lahat ng pagkakataon. Ang pag-iimbento
ng mga kalahok o pagbabayad dito upang magpanggap ay
mariing ipinagbabawal sa etika ng pananaliksik. Mahalaga
ring mapangalagaan ng mananaliksik ang mga
impormasyong nakalap buhat sa kalahok. Hindi dapat
manipulahin ang datos para lamang sumang-ayon ang sagot
sa kagustuhan ng mananaliksik.
KAHULUGAN NG PLAGIARISM

Batay sa American Historical Association (2005) ang


plagiarism ay nagmula sa salitang Latin na
“plagiarius” na nangangahulugang “abdaktor” at
salitang “plagiare” na nangangahulugang
“pagnanakaw”. Ang pagkuha at pag-angkin sa
presentasyon o akda ng iba ay itinuturing na
plagiarism na seryosong paglabag sa etika ng
pananaliksik.
KAHULUGAN NG PLAGIARISM

Sa Academic Code of Conduct ng Concordia


University (2015), binigyang-kahulugan ang
plagiarism bilang “pag-akin ng presentasyon ng iba
nang walang tamang pagkilala. Kinasasangkutan ito
ng pangongopya ng materyal sa salita sa salitang
paraan o paraphrasing man mula sa libro, internet,
notes, oral o biswal na presentasyon, laboratory
reports, at likhang-sining”.
KAHULUGAN NG PLAGIARISM

Ayon naman sa University of Oxford (2017) ang


plagiarism ay “pag-akin sa gawa o ideya ng iba, may
permiso man o wala, bilang bahagi ng iyong akda na
walang pagkilala. Lahat ng nalathala at di pa
nalalathalang materyal o akda sa anyo man ng
manuskrito, printed man o elektroniko, ay sakop ng
depinisyong ito”.
ANYO NG PLAGIARISM 

batay sa Academic Good Practice – A Practical Guide ng Oxford University

1. Salita-sa-salitang pangongopya na walang


malinaw na pagkilala (Verbatim). Tumutukoy ang
anyong ito ng plagiarism sa pangongopya ng akda
gamit ang salita-sa-salitang pamamaraan na walang
malinaw na pagkilala sa sangguniang ginamit.
ANYO NG PLAGIARISM

batay sa Academic Good Practice – A Practical Guide ng Oxford University

2. Pagpaparapreys nang walang pagkilala sa akda.


Malawak ang sakop ng plagiarism. Sa katunayan, kahit
na pinarapreys (pagbabago sa sintaks ng pangungusap
subalit pinanatili pa rin ang ideya) na ang impormasyon
mula sa isang sanggunian ay maituturing pa rin itong
plagiarism kung hindi rin naman kinilala ang
sanggunian. Tandaan na hindi sapat ang simpleng
pagbabago ng mga salita o pagsasaayos ng mga ito.
ANYO NG PLAGIARISM

batay sa Academic Good Practice – A Practical Guide ng Oxford University

3. Sabwatan. Ang ganitong anyo ng plagiarism ay


tumutukoy sa di awtorisadong kolaborasyon ng mga
mag-aaral o indibidwal na hindi kumilala sa tulong ng
isa o hindi sinunod ang patakaran ukol sa paggawa ng
mga gawaing panggrupo. Tandaan, responsibilidad ng
mananaliksik na tiyaking malinaw sa kaniya ang
hangganan ng kolaborasyon sa bahagi ng akda na dapat
niyang gampanan.
ANYO NG PLAGIARISM

batay sa Academic Good Practice – A Practical Guide ng Oxford University

4. Maling pagbanggit at paggamit ng sanggunian. Sa


pagsulat ng pananaliksik, mahalagang kilalanin ang
sanggunian sa tamang pamamaraan at iwasan ang
pagbanggit ng mga sanggunian na hindi naman nabasa o
ginamit sa mismong pag-aaral sapagkat batay sa
alituntunin ang ganitong di makatarungang gawain ay
maituturing na plagiarism.
ANYO NG PLAGIARISM

batay sa Academic Good Practice – A Practical Guide ng Oxford University

5. Hindi pagkilala sa lahat ng nagbigay ng


kontribusyon sa pagsasagawa ng pananaliksik. Maging
responsable sa pagsulat ng pananaliksik. Mahalagang
maitala ng mananaliksik ang lahat ng tumulong sa
saliksik magmula sa tagapayo na gumabay, editor ng
wika, editor ng nilalaman, hanggang sa mga empleyado
ng laboratoryo, museo o silid-aklatan na buong-pusong
sa tumulong sa proseso ng pananaliksik. Maituturing na
isang anyo ng plagiarism ang hindi pagkilala sa kanila.
ANYO NG PLAGIARISM

batay sa Academic Good Practice – A Practical Guide ng Oxford University

6. Paggamit ng mga presentasyon na isinulat ng ibang


tao. Itinuturing na plagiarism ang paggamit at
pagsusumite ng mga presentasyon o materyal na gawa
ng iba kahit pa ito ay may pahintulot mula sa may-akda.
Mahalaga na matutuhan ng isang mananaliksik na ang
pananaliksik ay dapat sariling likha sapagkat bahagi ito
ng pagpapaunlad ng sariling kakayahan.
ANYO NG PLAGIARISM

batay sa Academic Good Practice – A Practical Guide ng Oxford University

7. Auto-plagiarism. Ang pagpapasang muli ng sariling


parehong akda na ipinasa na sa iba ay maituturing na
plagiarism maliban na lamang kung ito ay espesyal na
kahingian sa inyong kurso. Sa mga pagkakataong
nalathala na ang iyong akda, mahalagang banggitin at
kilalanin mo pa rin ito kung gagamitin bilang bahagi ng
iyong pananaliksik.
PAMAMARAAN UPANG MAIWASAN
ANG PLAGIARISM

1. Tamang pagkilala sa lahat ng sangguniang ginamit


sa pag-aaral. Sa ano mang anyo ng pagsulat,
mahalagang banggitin at kilalanin ng manunulat o
mananaliksik ang lahat ng sangguniang ginamit sa akda.
Subalit kung ang impormasyong kinukuha ay batid na ng
lahat, ang pagkilala ay hindi na kinakailangan.
PAMAMARAAN UPANG MAIWASAN
ANG PLAGIARISM

2. Iwasan ang pagkopya ng malaking bahagi ng isang


akda. Bukod sa pagbanggit ng mga sangguniang ginamit
sa akda, maiiwasan ang plagiarism kung iiwasan ang
pagkopya ng malaking bahagi ng impormasyon sa isang
akda.
PAMAMARAAN UPANG MAIWASAN
ANG PLAGIARISM

3. Paggamit ng Aplikasyong Turnitin. Ang paggamit ng


Turnitin ay malaking tulong upang matiyak na ang isang
akda ay ligtas sa plagiarism. Ang Turnitin ay isang web-
based application na may kakayahang malaman ang
pagkakatulad ng mga impormasyong inilagay sa akda at
sa impormasyong makikita sa web. Nagsisilbi itong
gabay sa tamang dokumentasyon ng isang akda.
PENALTI SA PLAGIARIST
Pagbabayad ng (1) danyos, (2) pagkatanggal sa trabaho at
pamantasan, at (3) pagkasira ng reputasyon ang ilan sa
matinding parusa sa gawaing ito. Halimbawa, kung ikaw ay
isang propesor, maaaring ma-ban ka na sa lahat ng research
journal dahil sa negatibong imahen na ikaw rin ang lumikha.
Gayundin, maaaring hindi ka na imbitahan sa lahat ng
kumperensiya o seminar bilang tagapagsalita. Sa kaso ng isang
mag-aaral, ang pagpapatalsik sa unibersidad ang
pinakamatinding parusa. Sa katunayan, batay sa pag-aaral ng
Higher Education Academy at Joint Information Systems
Committee sa United Kingdom, 143 na mag-aaral ang napatalsik
sa kani-kanilang pamantasan dahil sa plagiarism (Attwood
2008).

You might also like