You are on page 1of 143

YUNIT 1

GABAY PARA SA MGA ETIKA SA PANANALIKSIK

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng pananaliksik sa alinmang


aspekto ng pag-aaral. Isang kahingian sa lalong ikabubuti ng buhay. Kaugnay
nito, malaki ang nararapat na gampanin ng isang mananaliksik. May malaking
bahagi ang pananaliksik, kritikal na pagsusuri, at siyentipikong komunikasyon sa
mga pag-aaral na kultural, araling panlipunan at humanidades. Malawak ang
saklaw ng pag-aaral at pananaliksik sa Filipino, sa iba’t ibang larang at disiplina,
gaya ng wika, pagsasalin, iba’t ibang anyo ng panitikan at malikhaing pagsulat,
teatro, sining biswal, mga pag-aaral na kultural (kasama na rito ang pag-aaral ng
kulturang popular gaya ng pelikula at komiks), pilosopiya, kasaysayan at mga
araling panlipunan (kasama na rito ang sosyolohiya ng bata at sikolohiya ng
bata, at iba pa).

Ang gabay na ito sa mga etika sa pananaliksik ay naglalaman ng mga


batayan at istandard sa iba’t ibang proseso ng pananaliksik, kasama na ang
ugnayan ng mga mananaliksik/guro (para sa mga pangkatang proyekto),
ugnayan ng guro/tagapayo sa mga mag-aaral/mananaliksik, ugnayan ng
mananaliksik at kalahok/mga kalahok sa pananaliksik, ugnayan ng mananaliksik
sa mga kasangkot sa pag-aaral, at mga tungkulin at pananagutan sa paggamit,
distribusyon, at pagpapalaganap ng pag- aaral. Nahahati sa tatlong bahagi ang
gabay na ito, una ay may kinalaman sa pangangasiwa at superbisyon ng
guro/tagapayo sa pananaliksik ng mga mag-aaral; ikalawa ay may kinalaman sa
indibidwal na pananaliksik ng guro/mananaliksik (kasama rito ang
fellowships/grants); ikatlo, ay patungkol sa mga saliksik na nais isagawa ng
Departamento (kasama rito ang pangkatang saliksik na lalahukan ng ilang guro
ng Departamento). Ilan sa mga napaghalawang sanggunian para sa tentatibong
listahang ito ay mula sa University Code of Research Ethics ng mga Paaralang
Loyola, Guidelines for Research Ethics in the Social Sciences, Law and the
Humanities (mula sa National Committees for Research Ethics ng bansang
Norway), Guidance Note for Researchers and Evaluators of Social Sciences and
Humanities Research (2010, ec.europa.eu)

Bilang konsepto, tinutukoy ng mga etika sa pananaliksik ang ilang mga


tala hinggil sa mga halagahan, istandard, at institusyonal na iskema na
nakapaloob at nagpapaandar sa mga gawaing pang- agham.
(http://graduateschool.nd.edu/assets/21765/guidelinesresearchethicsint
hesocialscienceslawhumanities.pdf).

1
Hinggil sa karapatang-ari sa Pananaliksik

Maliban na lamang kung may ibang kasunduan sa pagitan ng


mananaliksik at tagasuporta ng pag-aaral, may karapatang-ari ang mananaliksik
sa kaniyang pag- aaral (datos, papel na isinulat), at hindi ito maaaring gamitin
ninuman (para sa iba pang pag-aaral at publikasyon) nang walang pahintulot
mula sa mananaliksik.

Hinggil sa Pananaliksik-artisibo

Bahagi ng etika sa pananaliksik ay ang pagtiyak na magsagawa muna ng


saliksik- artsibo ang mananaliksik/mag-aaral bago ito dumulog sa iba pang
metodo ng saliksik tulad ng mga panayam at sarbey. Kailangang magpakita ang
mananaliksik/mag-aaral ng kasanayan sa wastong pagtatala, pagsipi, at
paggamit ng mga sangguniang bunga ng pananaliksik sa artsibo, upang
maiwasan ang plahiyo (plagiarism).

Ilang gabay sa pangangasiwa ng pananaliksik ng mga mag-aaral at iba


pang gawain sa labas ng unibersidad:

Para sa mga gawain sa labas ng klase, gaya ng pananaliksik sa iba’t


ibang silid-aklatan na nangangailangan ng pagpasa ng papel bilang kahingian sa
klase:

1.Ipaalam sa guro ng pananaliksik, tagapayo at dekana ng kolehiyo kung


may gawain ang klase sa labas ng unibersidad, kung saan ito, kung kailan ang
petsa ng gawain, at kung ilan sa mga mag-aaral ang kalahok sa gawain.

2. Kailangang mag pasa ng liham/waiver na napirmahan ng magulang/


guardian ng mga mag-aaral, para sa mga gawain sa labas ng unibersidad
na may kinalaman sa klase (fieldtrip, paggawa ng fieldwork at ethnographic
research, pagsagawa ng mga panayam at survey).

3. Sa paggawa ng mga mag-aaral ng kanilang pananaliksik na


nangangailangan ng partisipasyon ng mga indibidwal:

a. Tiyaking nagabayan ang mga mag-aaral sa proseso ng paggawa ng


fieldwork, lalo na kung sangkot ang/ang mga sensitibong paksa sa
pag-aaral.
b. Ipaalala sa mga mag-aaral na humingi muna ng permiso sa mga
kakapanayaming indibidwal, sa pamamagitan ng liham na
naglalaman ng paghingi ng pahintulot, na binigyang-pansin at may
lagda rin ng guro/tagapayo.

2
c. Mahalagang tiyakin muna ng guro na nabasa at naaprubahan niya ang
listahan ng mga tanong para sa sarbey/talatanungan, at mga tanong
panayam, bago makapagsagawa ng pananaliksik ang mag-aaral.

Kailangang napag-aralan na nang mabuti ng mag-aaral ang kaniyang paksa ng


saliksik bago magsagawa ng panayam, upang matiyak ang obhektibitad, pag-
iingat, at paggalang, sa kapapanayamin at sa proseso ng panayam at
pangangalap ng datos.

d. Ipaalala sa mga mag-aaral na mahalagang humingi muna ng


pahintulot sa mga indibidwal na kalahok sa pananaliksik para sa mga
hakbang na gagawin sa pag-aaral, gaya ng pagkuha ng mga larawan,
audio recording, pagkuha ng video footage.

Para sa mga guro/mananaliksik

Tungkol sa paghingi ng permiso sa mga indibidwal na kalahok sa pananaliksik at


pagkilala sa posisyon nila bilang “kalahok”. Mahalagang kilalanin ang kalahok sa
pananaliksik (hal., ang populasyong inobserbahan o nakapanayam, nasarbey,
atbpa.,) bilang aktibong sangkot, at kung gayon ay kapwa may karapatang-ari sa
datos/impormasyong naibahagi sa pananaliksik. (Halaw mula sa Section IV.C ng
University Code of Research Ethics ng Pamantasang Ateneo de Manila, at ilang
karagdagang tala batay sa graduateschool.nd.edu, at NEUST Code ang
mahalagang ipaalam sa mga kalahok ng gagawing pag-aaral ang mga
sumusunod:

1. Mahalagang makahingi muna ng permiso ang mananaliksik sa mga


indibidwal na sangkot sa pananaliksik para sa mga hakbang na
gagawin sa pag-aaral, gaya ng pakikipanayam, paggawa ng sarbey,
pagkuha ng mga larawan, audio recording, pagkuha ng video footage,
kung gaano katagal gagamitin ang mga materyal na ito, at kung
sino/sino-sino ang gagamit nito/may akses rito. Mahalagang nakatala
ang informed consent na ito ng mga kalahok sa pamamagitan ng
pirmadong consent form na malayang matatanggihan ng nabanggit
sakaling hindi niya nais makibahagi sa naturang gawain.

2. Ang layunin ng saliksik, ang saklaw na panahon ng saliksik, ang mga


hakbang na isasagawa sa pananaliksik, maging ang tungkulin ng
mananaliksik sa isasagawang pag-aaral, at sa katapusan ng
pananaliksik -- ang resulta ng pananaliksik. Mahalagang mabigyan ng
sapat na impormasyon ang mga kalahok na maunawaan ang
kalikasan ng pananaliksik. Mahalaga ring iparating ang mga

3
impormasyong ito sa wikang nauunawaan ng mga kalahok sa pag-
aaral.
3. Hindi dapat makaramdam ng anumang uri ng pamumuwersa ang mga
indibidwal na kalahok sa pananaliksik, gaya ng pagbibigay ng mga
datos na labag sa kanilang kalooban at paninindigan. May karapatan
ang indibidwal na tumanggi at umurong mula sa kaniyang
partisipasyon sa pananaliksik kahit pa nasimulan na ang kaniyang
pakikilahok, at may karapatan din siyang malaman ang paraan kung
paano babawiin ang nauna nang ibinigay na pahintulot ng kaniyang
partisipasyon, at ang mga maaaring epekto ng pagtanggi at pag-urong
mula sa saliksik. Ang pag-urong ng kasangkot sa saliksik ay hindi
dapat magdulot ng anumang masamang epekto o pinsala sa
indibidwal.
4. May responsibilidad at pananagutan ang mananaliksik sa kaligtasan at
kapakanan ng mga kalahok.

5. Pag-iingat sa pagsasalin ng ideya ng mga kinapanayam/kalahok na


indibiwal sa pananaliksik, mula pasalita patungong pasulat.
Mahalagang matiyak ang katapatan ng nasaling impormasyon sa
pamamagitan ng pagkunsulta at paglilinaw sa indibidwal na
nakapanayam hingil sa katapatan ng salin. May karapatan ang
sangkot na indibidwal na mabasa/magkaroon ng akses sa ginawang
pag-aaral ng mananaliksik.

6. Pagsasaalang-alang ng mga mananaliksik na bitbit nila ang pangalan


ng kolehiyo at unibersidad ng NEUST sa kanilang pananaliksik, kung
kaya tungkulin nilang pag-ingatan ang pangalan ng institusyong
kanilang dala-dala.

7. Pagiging pribado ng mga datos/impormasyon na makakalap mula sa


panaliksik. Mahalagang isaalang-alang ng mananaliksik ang
paggalang sa privacy ng mga indibidwal na kalahok, kasama na rito
ang pagiging confidential ng mga impormasyong kanilang ibinahagi sa
saliksik. May karapatang malaman ng mga indibidwal na kalahok sa
pag-aaral kung may akses ang ibang tao sa impormasyong kanilang
ibinahagi. Hindi dapat gamitin ng mananaliksik ang impormasyong
kaniyang nakalap sa anumang gawain maliban sa mismong
pananaliksik o sa paraang makapipinsala sa mga indibidwal na
kalahok sa kaniyang pag-aaral.

4
8. Remunerasyon o insentibo para sa partisipasyon ng mga indibidwal na
kasangkot, kung mayroon. Kung sakaling wala, kailangang ipaalam rin
ito sa mga indibidwal na sangkot sa pag-aaral. Mahalaga ang
pagtitiyak

9. na ang bahaging ginampanan ng mga kalahok sa pananaliksik ay hindi


lumalampas sa hangganan ng pakikilahok dito.

Para sa mga saliksik na nangangailangan ng partisipasyon ng


mga menor de edad at kalahok na may natatanging
pangangailangan (special needs) gaya ng mentally at physically
challenged, miyembro ng indigenous community, at iba pa.

Tiyaking mapangangalagaan ang karapatan, pangangailangan at


kapakanan ng mga kalahok na menor de edad at may natatanging
pangangailangan. Karapatan nilang makatanggap ng proteksiyong angkop sa
kanilang edad at natatanging kondisyon. Mahalagang may sapat na kaalaman at
kasanayan ang mananaliksik na iangkop ang metodo at wika ng kanyang
pagsasaliksik sa edad at wika ng kalahok. Kailangan ng pahintulot ng mga
magulang o tagapangalaga ng menor de edad. Maliban pa sa pahintulot ng mga
magulang o tagapangalaga, kailangan ding matiyak ang pahintulot ng mismong
kalahok sa pagkakataong may kapasidad na itong bumubo /magpahayag ng
sariling opinyon.

Upang matiyak ang informed consent sa kaso ng mga menor de edad at


may natatanging kondisyon na kalahok, mga magulang o tagapangalaga nila ang
hihingan ng pahintulot at kung gayo’y pipirma sa naturang form para sa mga ito.
Mga kahingian sa paglalagak ng impormasyong makapagbibigay kilanlan sa
indibidwal. Mahalagang mailagak nang maingat ang anumang datos na
makapagbibigay kilanlan sa indibidwal. Hindi dapat malagak ang naturang mga
datos nang lampas sa inaasahang panahon na kakailanganin upang matamo
ang layunin ng pananaliksik.

Preserbasyon ng mga monumentong kultural, koleksiyong rare.

Inaasahan ang maingat na pagsasaliksik sa mga monumentong kultural at


paggamit ng mga datos, lalo’t higi’t ang mga nasa rare at special collection, at na
ang mananaliksik ay makatuwang ng mga tagapag-ingat (tauhan ng silid aklatan,
artsibo, at iba pa) nito sa pananatili ng pisikal na kalidad ng mga nabanggit.

Ugnayan sa pagitan ng Mag-aaral/Mananaliksik at Tagapayo


5
Pangunahing tungkulin ng tagapayo ang pangalagaan at protektahan ang
kapakanan (best interest) ng mag-aaral. Hindi niya kailanman maaaring
abusuhin, sa anumang paraan at dahilan, ang kanyang awtoridad sa mag-aaral.
Hindi niya maaaring gamitin ang kanilang propesyunal na ugnayan upang
isulong ang sariling pananaliksik o interes, o gamitin ang datos sa sariling
pananaliksik.

Paggamit sa resulta ng pananaliksik

Katungkulan ng mga mananaliksik at mga katuwang na matiyak ang


katapatan ng presentasyon ng resulta ng pananaliksik. Hindi
mapangangatwiranan ang anumang paglihis sa alinmang bahagi ng pananaliksik
upang maidirehe ang resulta nito.

Pagbabahagi ng resulta ng pananaliksik

Tungkulin ng mananaliksik na maipabatid nang malinaw at may


pananagutan sa mga sangkot ng pananaliksik ang resulta nito.

Hinggil sa Panggagalingan ng Pondo ng Pananaliksik

Inaasahan ang transparency hinggil sa pondong panggagalingan ng


pananaliksik. Malinaw na may pangangailangan, kung gayon, ng pagdeklara sa
pagmumulan ng pondo at pagpapakilala sa kalikasan ng ahensiyang
pagmumulan ng pondo nang sa gayon, tuwirang makikita ang posisyon ng
mananaliksik at pananaliksik mula sa interes ng nabanggit. Sa kaso ng
nakontratang pananaliksik, inaasahan ang malinaw na paglalatag sa papel
(saklaw at hangganan) ng bawat sangkot (stakeholders). Gayon pa man, sa kaso
ng disenyo at aktuwal na proseso ng pananaliksik, ang mananaliksik ang may
higit na karapatang magdirehe nito.

Maliban sa mananaliksik (prinsipal at mga katuwang), inaasahan ang


malinaw na paglalatag ng mga ahensiyang sangkot sa pananaliksik gaya ng
ahensiyang pinagmumulan ng pondo, makikinabang o patutunguhan, indibidwal
man o pangkat/organisasyon/ahensiya o institusyon, lalo’t higit kung ito’y
ebalwasyon at tungo sa pagpapaunlad ng huli. Inaasahan din ang pagbibigay ng
impormasyon hinggil sa kalikasan ng mga naturang ahensiya at antas ng
kanilang pakikisangkot sa pananaliksik. Mahalaga rin ang pagkilala sa
ahensiyang naglaan ng pondo para sa pananaliksik sa bawat presentasyong
gagawin at paglimbag ng resullta ng pananaliksik.

6
YUNIT 2

Ano ang Pananaliksik?

Ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teoriya, pagsubok sa


teoriya o paglutas ng isang suliranin. Halimbawa, kung ang ating mga eksperto
sa bigas ay naghahanap ng pinakamahusay na uri ng bigas ayon sa dami ng ani
bawat ektarya, sarap at katatagan nito, tayo naman ay naghahanap ng teoriya.
Kung sinasabi natin na ang paggamit ng modules ang pinakauhusay na paraan
ng pagtuturo at gusto nating patunayan ito, tayo ay magsusuri ng teoriya.

Kung minsan kailangan natin ang mga materyales para sa ilang layunin.
Halimbawa kailangan natin ang pagsusulit upang sukatin ang mga
pagpapahalaga ng mga mag-aaral natin ngayon sa kanilang sistema kasama na
ang kasidhian. O di kaya’y kailangan nating makagawa ng isang aklat na panturo
ng isang asignatura. Sa dalawang kasong nabanggit, ang mga materyales ay
kailangang subukin para matiyak ang kabisaan ng mga ito. Dapat isanib sa
materyales ang mga kailangang pagwawasto at pagbabago bunga ng
isinagawang try-out. Ang dalawang halimbawang ito ay nangangailangan din ng
pananaliksik at sa lenguwahe ng pananaliksik tinatawag silang P at D o
Pananaliksik at Paglinang na uri ng pananaliksik.

Sa talakayang ito, nailahad natin ang pananaliksik sa layuning makabuo


ng teoriya, subukin ang teoriya at maghanda ng mga materyales. Maaari ring
ituring na ang pagkakatulad nila ay isang problema.

Sa higit na maliwanag na pananalita, binigyang kahulugan ni Kerlinger


(1973) ang pananaliksik bilang isang sistematiko, kontrolado, empirikal, at kritikal
na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa inaakalang
relasyon sa mga natural na pangyayari.

7
Ang pananaliksik ay sistematiko kapag sumusunod ito sa mga hakbang o
yugto na nagsisimula sa pagtukoy sa suliranin, pag-uugnay ng suliranin sa mga
umiiral na teoriya, pangangalap ng datos, pagsusuri at pagpapakahulugan sa
mga datos na ito, pagbuo ng konklusyon, at pagsasanib ng mga konklusyong ito
sa batis ng karunungan. Sa kaso ng P at D, sinusubok muna ang mga nagawang
materyales bago maisama sa batis ng karunungan.

Ang siyentipikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang ng


imbestigasyon ay nakaplano. Walang puwang sa ganitong gawain ang mga

likhang-isip at paghuhula. Ang suliranin ay lubusang binibigyang linaw, ang mga


baryabol ay tinutukoy at ang mga instrumento ay maingat na pinipili o nililinang at
ang mga konklusyon ay batay lamang sa mga datos na nakuha.

Sa sandaling makolekta na ang mga datos, mapapasakamay na ang mga


ebidensya para patunayan, o pawalang-saysay ang hinuha o palagay na
binalangkas sa simula pa lamang ng imbestigasyon. Ang mga empirikal na datos
na ito ang siyang bubuo ng batayan ng mga konklusyon. Dahil sa ginamitan ng
kontrol ang pananaliksik, eksakto at tama ang mga resultang inaasahan.

8
Aralin 1
Tungo sa Kultura ng Saliksik
Virgilio S. Almario

MAG-UMPISA TAYO SA salitang research. Napakahalagang salita. Sa


Oxford Concise Dictionary (2006), sinasabing isa itong “investigation into and
study of materials and source in order to establish facts and research new
conclusions.” Mahalaga sa naturang depinisyon ang panlaping re- na
nangangahuluganng “muli,” bagaman kung mula daw sa Lumang Frence,
nagpapahayag ito ng “matinding puwersa”. Ang ibig sabihin, ang isasagawang
imbestigasyon at pag-aaral ng mga materyales ay isang paraan ng “muling
paghahanap,” ngunit kung ilalahok ang gamit ng mga French, isa itong
“matinding muling paghahanap”. Ng ano? Ng “mga katunayan” (facts). Dagdag
pa, ayon sa Oxford, ng “bagong mga konklusyon” (new conclusions).

Sa depinisyon pa lamang na ito ay napakabigat na at napakahalaga ng


layunin sa saliksik. Muling nagsisiyasat dahil kailangang maitatag ang isang
katunayan, o kaya at higit na mabigat, magdulot ng bagong kongklusyon.

Ang ganitong pagpapakahulugan mula sa Ingles ang kanais-nais sa


research. Wala ito sa naging pakahulugan natin sa Español na investigacion. Sa
atin, ang gamit ng naturang salita mula ng Español ay “imbestigasyon” o
pagsisiyasat. At malimit na ginagamit lamang natin sa trabaho ng pulis. At dahil
naman sa mahinang klase ng trabahong pulis sa ating bayan ay hindi na tayo
umaaasa ng anumang tindi o sagisag sa kasong hinahawakan at iniimbestigahan
ng pulisya.

Isang katutubo at sinaunang salita ang saliksik.

Kaya may malakas akong kutob na hindi natin naisasaloob ang kahulugan
ng research sa Ingles. Masama ang karanasan natin sa Español na
investigacion. At ito rin marahil ang nasa isip ng mga alagad ng wika nitong
panahon ng Americano kaya ibinukod nila ang research sa investigacion. Itinapat

9
nila sa investigacion ang “siyasat” o “pagsisiyasat.” Ginamit naman nilang
katumbas ng research ang “saliksik” o “pananaliksik.”
ay tindi at sagisag ang paghahanap dahil kailangang gawin ito
sa “lahat ng sulok.”

Isang katutubo at sinaunang salita ang saliksik. Sa Vocabulario nina


Noceda at Sanlucar, nakalimbag na kahulugan nito ang buscar por todos los
rincones (“hanapin sa lahat ng sulok”). Na palagay ko’y nagpapahiwatig kaagad
ng binaggit nating ibig sabihin ng research sa Ingles. May tindi at sagisag ang
paghahanap dahil kailangang gawin ito sa “lahat ng sulok.” Hindi maaaring sa isa

o dalawang sulok lang. Kailangang sa kahit saan at sa kaliit-liitang bahagi ng


pook na ginagamit sa paghahanap. Taglay din nito ang pahiwatig ng paulit-ulit na
paghahanap upang makatiyak na walang puwang na nakaligtaan.

Kung tutuusin, ang pangwakas na tungkulin ng saliksik ay


KARUNUNGAN.

Titigan pa natin ang salitang ito. Nagmula kaya ito sa “sa+liksik” o mula
sa “salik+sik”? Nabigo ako sa paghahanap sa diksiyonaryo. Wala akong
makitang matandang salitang-ugat na “liksik” at wala ring “salik”. Siyempre,
magtataka kayo. Wala talaga kayong maalalang salitang “liksik”; ngunit may
naririnig kayong “salik” na ginagamit sa wikang teknikal. Tama, may salik sa
ating modernong wika, ngunit wala ito noong araw. Ang ibig sabihin, isa itong
likhang salita at itinapat sa factor ng Ingles, ayon sa UP Diksyonaryo noong
panahon ng Español at hanggang sa panahon ng Americano. O marahil,
inimbento ng isang Tagalista noong panahon ng Americano. Mahilig lumikha ng
mga salita ang mga Tagalista noon upang may maitumbas sa mga kaisipan at
konseptong teknikal. Ngunit lumaganap lamang ang “salik” kamakailan.

(Sa aking paghahanap, unang lumitaw ang salitang ito sa Tesauro (1972) ni J.V.
Panganiban ngunit may kahulugang syllable o “pantig” sa gramatika.)

“Salik” ng Saliksik

Saan kaya nagmula ang “salik” at sino ang unang gumamit nito?

Bahala na ang sinaunang interesado pang magsiyasat. Para sa akin,


isang magandang oportunidad ang ibinibigay ng paglitaw ng salitang “salik.”
Isang patunay ito sa posibilidad, mismo ng pag-iral ng salitang ito, pati na ang
ibinigay na kahulugan dito katapat ng syllable at ng factor. May pagkakaugnay
naman ang dalawang naturang gamit. Ngunit ang mas maganda, puwede naman
nating titigan ang natitirang pantig sa “saliksik” ─ an g “sik” ─at gunitain ang
kabuluhan nito bilang “salik ng saliksik.”

10
Mahihiwatigan natin ito sa pamamagitan ng paghahanay ng ilang salita na
may pantig na “sik.” Halimbawa: “hasik,” “wasik,” at bagsik.” Nais ko ring gamitin
ang mga ito upang ikonekta sa ating pagtalakay sa kahulugan at kabuluhan ng
saliksik; upang tukuyin ang ninanais nating mga tungkulin mismo ng “saliksik” sa
ating buhay. Kung tutuusin, ang pangwakas na tungkulin ng saliksik ay
karunungan. Ang isinasaad na “katunayan” at bagong kongklusyon” sa
depinisyon ng research ay kapuwa nauukol sa pagtatamo ng karunungan─ ng
karunungang nakabatay sa mataimtim na pagsusuri ng mga ebidensya, sa isang
banda; at ng karunungang makapgsusulong sa estado ng kaalaman at
makapagbibigay ng higit na matatag na direksiyon sa pananaw at pamumuhay
ng

tao. Kung nais pa nating maging tiyak, sa pamamagitan ng saliksik ay nais nating
matamo ang karunungan na kailangan natin sa ating mga mithiing pambansa,
halimbawa, karunungan para sa pambansang pagkakaisa at karunungan para sa
pambansang kaunlaran.
Unahin natin ang kabuluhan ng “hasik” at “wasik.”

Tulad sa pag-aalaga ng halaman, ang angkop na hasik ay


kailangang umpisahan sa bahay, at kung hindi, sa unang baiting
ng pormal na pag-aaral.

Kapwa nagpapahiwatig ito ng pangangalaga, lalo na sa agrikultura. Ang


“hasik” ay nauukol sa pagsasabog o pagtatanim ng binhi na nais patubuing
halaman. Sa palay, isinasabog ang mga binhi sa isang inihandang pook sa
bukid. Sa ibang halaman, ang paghahasik ay ginagawa sa pamamgitan ng
pagsisilid o paghuhulog ng mga buiyl ng binhi sa mga maliliit na hukay. Ang
“wisik” ay paraan ng pagdidilig sa halaman, lalo’t mga bago pa lamang
tumutubong punla. Mahina ang pinapapatak na tubig, halos ang layunin ay
mabasa lamang ang punla o ang lupa sa paligid, dahil kung malakas ang dilig ay
baka maputol o mapinsala ang punla at kung bahain ang lupa ay maluoy ang
halaman.

Tinutukoy ng paghahasik at pagwiwisik ang kailangang preparasyon para


sa saliksik. Isang kasangkapan ng tao ang saliksik habang nabubuhay. Ngunit
kaugnay ng edukasyon ng isang tao, kailangan itong maituro sa pinakamagaang
panahong maaari. Gayundin, tulad ng alinamang pinag-aralan, ang saliksik ay
nangangailangan ng unti-unti at wastong pangangalaga.

Kailangang idiin ang halaga ng hasik at wisik dahil sa malaganap at


karaniwang maling akala hinggil sa saliksik. Una na rito, ang limitadong pagtingin
sa saliksik bilang isang leksiyon sa paggamit ng aklatan o ng laboratoryo.
Ikalawa, at mahahalata ito sa kasalukuyang kurikulum ng pambansang
edukasyon, ang pormal na introduksiyon sa saliksik sa panahong nasa antas
sekundarya na ang estudyante, at ang lalong nakahihinayang, ang paglaan
11
lamang ng asignatura sa saliksik sa antas tersiyarya. Magkaugnay ang una at
ang ikalawang kapuwa maling haka. Iniisip nating mga tradisyunal na edukador
na ang saliksik ay laging organisadong sistema ng pag-aaral kaya pinaglalaanan
ng espasyong kurikular sa panahong “handa na” o may kakayahan nang
maghalungkat sa artisibo o sumilip sa mikroskopyo ang mag-aaral.

Aralin 2
Pananaliksik: Katuturan, Katangian at Layunin

Katuturan

Ang pananaliksik ay pagtuklas ng isang teorya, pagsubok sa teoryang ito


at pagtuklas sa isang suliranin. Ito ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri
sa mga ideya, konsepto, bagay, isyu, tao at iba pang nais bigyang linaw,
patunayan o pasubalian.

Ayon kay Good, ang pananaliksik ay “isang maingat, mapanuri,


disiplinadong pamamaraan ayon sa kalakasan at kalagayan ng suliranin na
itinutuon para sa kaliwanagan o kalutasan ng suliranin.”

Ayon kay Parel, ang pananaliksik ay isang sisteamatikong pag-aaral o


pagsisiyasat tungkol sa isang bagay sa layuning sagutin ang ilang katanungan
ng pananaliksik.

Ayon kina Trece at Truce, ang pananaliksik ay pagtatangkang makakuha


ng kalutasan sa mga suliranin. Sa katiyakan, ito’y paglilikom ng mga datos sa
isang mahigpit at kontroladong kalagayan sa layuning makapaghinuha o
makapagpaliwanag.

Kung susuriin ang mga pahayag ng mga mananaliksik, maaaring ibuod ito
sa mga sumusunod na kategorya:

 Maingat dahil kinakailangan ang wastong paghahanay ng mga ideya.


Ang mga salitang gagamitin ay pili ayon sa hinihingi ng paksa.

 Masusi dahil bawat detalye, datos, pahayag o katwiran ay nililinaw at


pinag-aaralang mabuti bago gumawa ng anumang pasya.
12
 Sistematiko dahil may sinusunod na batayan o proseso sa pagsulat,
nakakaiwas sa mga maling pahayag, pasya at pagsisiwalat.

 Mapanuri dahil ang bunga ng pagsisiyasat ay tinitimbang, sinusuri at


tinataya.

 Tiyak dahil kailangang patunayan ang mga nosyon, palagay, haka-


haka o paniniwala sa paraang sigurado at mapagbabatayan.

 Kontrolado dahil bawat hakbang ay nakaplano. Walang puwang ang


mga gawaing likhang isip at mga panghuhula. Maingat na pinipili at
nililinang ang mga pahayag na batay sa mga nakalap na datos. Kaya
ang konklusyon at rekomendasyon ay batay rin sa mga natuklasan.

Katangian

Ang pananaliksik tulad ng nabanggit na ay isang kursong akademiko at


nangangailangan ng ibayong paghahanda upang maisagawa nang maayos,
sistematiko at epektibo ang hinahanap na kalutasan sa isang suliranin o paksa.

Upang maisakatuparan ang hangaring ito, ang pananaliksik ay


kinakailangang:

 Obhetibo-Ang isang sulating pananaliksik ay hindi basta-bastang


pinagsama-samang mga binuod na akda o pinagdugtong-dugtong na
pahayag mula sa nakalap na impormasyon bagkus ito ay nakalap na
kaalaman at datos na isinaayos at inorganisa sa isang makaagham na
pamamaraan na ang bawat hakbang ay nakaplano. Ang mga
interpretasyon o pagpapakahulugan ay binabatay sa paghahanay,
pagtataya at pagsusuri ng mga datos na nakalap.

 Mayaman sa mga ginagamit na datos- Hindi kailangang makontento


sa isa o dalawang sanggunian. Bigyang kasiyahan ang gawing
pananaliksik sa tulong ng mga mapapanaligang mga impormasyon.
Lahat ng mga posibleng pagkunan, maging ito man ay nakasulat sa
wikang banyaga ay tanggapin kung ang mga datos ay nakatutulong
nang malaki para magamit sa pananaliksik.

 Angkop na pamamaraan o metodolohiya- Ang tagumpay ng isang


pananaliksik ay nakasalalay sa ginagamit na pamamaraan o
metodolohiya. Sa bahaging ito ipinaliliwanag ang partikular na

13
instrumentong ginamit na makatutulong sa ikahuhusay ng sulating
pananaliksik.

 Dokumentado- Ang mga patotoo at ang validity ng sulating


pananaliksik ay nakasalalay sa mga ihaharap na mga materyales
bilang pagkilala sa gawain ng iba at mga datos na nakuha.

 Sumusunod sa tamang proseso ng pagsulat- Ang sistematikong


pananaliksik ay dumaraan sa masalimuot na yugto ng pagsulat:

- Nagsisimula sa pagtukoy ng suliranin


- Pag-uugnay ng suliranin sa mga umiiral na teorya

- Pangangalap ng mga datos

- Pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga datos


- Pagbuo ng mga konklusyon at rekomendasyon

 Masuri o kritikal- magiging balido lamang ang isang pananaliksik


kung ang mga inilahad na ideya ay mapapanaligan at mapatotohanan
sa tulong ng mga ginamit na mga datos.

Layunin

Sa tulong ng mga gawaing pananaliksik, higit na lumalawak ang


kakayahan at kasanayan ng tao upang magamit ang kanyang mga natutuhan sa
isang makabuluhang pag-aaral.

Higit sa anupaman, ang gawaing pananaliksik ay nakatutulong sa mga


mag-aaral na:

1. Makatuklas ng mga bagong ideya, konsepto at impormasyon

2. Makapagpalinaw ng bagong interpretasyon o pagpapakahulugan sa


dating mga ideya

3. Makapaglinaw sa isang usapin o isyung pinagtatalunan at tuloy


makapagbigay ng inaakalang solusyon sa problema

4. Makapagpatotoo o makapangatwiran sa tulong ng mga


mapapanaligang mga materyales o dukumento hinggil sa mga
paksang nangangailngan ng paglilinaw

5. Makapagbigay ng mga ideya o suhestiyon batay sa historikal na


perspektibo para sa isang pangyayari o senaryo. Halimbawa, ang

14
pagtalakay sa ibubunga ng pagbabago ng sistema ng pamahalaan.
Kailangang ilahad ang maaaring ibunga kung sakaling magpalit ng
porma ng gobyerno mula sa presidensyal tungo sa parlimentaryo or
bise bersa (vise versa).

Gawaing Pagsulat

Magsaliksik ng mga abstrak at full paper (5 sa bawat indibidwal at I-


imprenta) na maaaring makita sa mga research dyornal. Basahin ang mga iyon
at suriin ang mga bahaging panimula, katawan at wakas.

Panimula

Katawan

15
Wakas

Gawaing Pangkatan

Hahatiin ang buong klase sa limang pangkat na binubuo ng tatlo


hanggang apat na miyembro para isagawa ang isang pananaliksik.

1. Matapos madepensahan ng bawat grupo at makapili ng problema para


palawigin at gawing isang tesis, bumuo ng matalinong pamagat
(Research Title).

2. Pumili ng tagapayo na gagabay sa inyong isasagawang pananaliksik


at pagsulat.

“TANDAAN: HINDI ANG TAGAPAYO ANG SIYANG GAGAWA NG IYONG


TESIS…”
3. Magsaliksik at mangalap ng mga pangunahing impormasyon at
simulang sumulat ng unang kabanata (Chapter 1) ng iyong papel

4. Idepensa ito sa itinakdang araw ng iyong guro.

5. Kinakailangang may tatlong lupon ng mga guro o mga eksperto


habang kayo ay nagdedepensa.

6. Tiyakin na ang unang depensa ay isang linggo bago ang midterm.

16
7. Kapag naidepensa na ang pamagat at unang kabanata ng inyong
papel, muli itong rebisahin nang naaayon sa mga puna at suhestyon
ng tagapayo, guro sa pananaliksk at mga lupon.

8. Matapos marebisa, simulang isulat ang kabanata 2 at 3 ng inyong


papel.

9. Idepensa ito sa itinakdang araw na napagkasunduan ng inyong guro.

10. Kinakailangang may tatlong lupon ng mga guro o mga eksperto


habang kayo ay nagdedepensa.

11. Pagkatapos ng rebisyon, isulat ang kabanata 4 at 5.

12. Idepensa ang kabuuang tesis sa panahong ibinigay ng guro.

13. Isumite ang inyong papel sa itinakdang araw ng guro.

14. Magsumite ng limang kopya na naka hard-bound at limang CD copy


ng inyong papel ng naaayon sa itinurong pormat ng iyong guro.

17
Aralin 3
Uri ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na maaaring isagawa sa larang ng akademya ay


makikilala sa layunin nito bilang batayan(basic) at isinapraktika(applied.)
Ang pananaliksik ay batayan (kinikilalang tradisyonal din) kung ang layon
ay makabuo ng teorya na maaaring tumugon sa suliraning tinutuklas. Samantala,
isinapraktika naman kung nais subukan ang bisa ng produkto ng batayan ng
pananaliksik. Ito ay maaaring nasa tipo ng pag-aaral para makabuo ng pagkilos
na tutugon sa suliranin (action research), pagtataya sa epekto at pagsusuri sa
bisa ng isang teorya o programa.
Uri ng Pananaliksik ayon sa Sandigan
Makaagham o Siyentipiko
Sa bahaging ito, magsasagawa ng masinsinang paglikom ng mga
katibayan at datos ang mananaliksik. Bukod dito, nangangailangan din na
magsagawa ng mga eksperimento at sumulat ng haypotesis o teorya ang
mananaliksik upang mapatunayan o mapabulaanan ang isang usapin.

Makasining o Pampanitikan
Ang mananaliksik dito ay nakasandig sa pagsusuri at pagpapatunay sa
isang usapin. Nakabatay ang pananaliksik sa mga nakalap na datos at
nangangailangan lamang ng masusing pagtingin at kritikal na pagsusuri upang
mabuo ang kasiningan nito.

18
Dalawang Uri ng Pananaliksik ayon sa Pamamaraan
Kwalitatibo
Mas pinagtutuunan ng pansin sa uri ng pananaliksik na ito ang kalidad ng
magiging resulta kaysa sa bilang. Mas gamitin ang ganitong klase ng
pananaliksik sa larangang pang-akademiko. Binibigyan nito ng mataas na lebel
ng pakahulugan ang mga suliranin gamit ang taglay nitong kalikasan at sa
masusing pag-aaral ng mga kaugnay na literaturang may kinalaman sa
pananaliksik na isinasagawa, maaari nang lumitaw ang estratehiyang
pampananaliksik nang hindi na kailangang sumandig sa mga numerical na
datos.

Walang makikitang espesyal na pormula o mga instrumentong


estadistikal dahil nakalahad ang mga datos sa anyong pilosopikal at akademikal
na nakalap mula sa marubdob na pag-aaral ng mga estadistikal dahil nakalahad
ang mga

datos sa anyong pilosopikal at kaugnay na literatura at mga nakaraang pag-aaral


ng ibang mananaliksik.

Kwantitatibo
Ito ay tinatawag ding estadistikal (statistical) sapagkat tuwiran itong umiikot
sa mga datos na pamilang (numerical data) upang ipakita ang antas ng ugnayan
sa pagitan ng mga baryabol. Kabilang sa pananaliksik na kwantitatibo ang mga
sumusunod:
Pre-eksperimental- karaniwang ginagamit ito sa iisang grupo na may
natatanging disenyo ng bago at matapos ang isinagawang pagsusulit. Sa
pamamagitan nito, natutukoy nito ang ilang aspektong higit na kailangan bago
ipagpatuloy ang pananaliksik. Bagamat nagagamit ito ng madalas sa mga
pananaliksik na pang-akademiko, hindi naman ito mainam na batayan sa
pagsasagawa ng mga importanteng desisyon dahil halos wala o napakaliit
lamang ng control nito sa mga baryabol sapagkat hindi nito binibigyang pansin
ang ibang baryabol tulad ng sikolohikal na kalagayan ng mga respondente.
Tanging numerical na baryabol lamang ang maaari nitong pagtuunan gamit ang
mga pormulang estadistikal.

Kwasi-Eksperimental-may mga pagkakataon na kinakailangang


gamitin ang mga control na baryabol ngunit hindi ito maaaring isagawa sa mga
pangyayari sa tunay na buhay. Dahil dito, maaaring gamitin ang kwasi-
eksperimental. Halimbawa nito ang pag-aaral na nagsisiyasat sa epekto ng
kaayusan ng pagbibigay ng grado sa mga proyekto tulad ng malakihang
pagpapalabas sa entablado o vidyu ng mga mag-aaral nang hindi na pinadaan
ang mga ito sa iba’t ibang proseso dahil sa kakulangan ng panahon.
19
Tunay na Ekperimental- ang sanhi at bunga ang pinagtutuunan sa
ganitong klaseng kwantitatibong pananaliksik. Minamaniobra ng register ang
kanyang mga respondente o mga baryabol. Inoobserbahan ang mga baryabol
batay sa itinakdang oras at panahon ng pag-aaral. Sa ganitong pag-aaral,
maaaring magpakilala ang mananaliksik ng mga naganap na pagbabago at
masusi nitong naipapaliwanag ang mga kaganapan.

Ex-post Facto- “mula sa pagkatapos na kaganapan” ang literal na


kahulugan ng “Ex-post Facto”. Tulad ng tunay na eksperimental, layunin din
nitong obserbahan ang relasyon ng sanhi at bunga. Subalit isinasagawa lamang
ito kapag may mga pagbabagong nagaganap sa mga baryabol. Sa ganitong
klaseng pananaliksik, hindi na maaaring manipulahin pa ang mga baryabol.

Kadalasang ginagamit ang ganitong klaseng pananaliksik upang mapag-


aralan ang impluwensiya ng mga baryabol tulad ng kasarian, relihiyon,
motibasyon, pakikipagkaibigan, kapaligiran sa lipunang kinabibilangan at marami
pang iba.

20
Aralin 4
Ano ang Iba't Ibang Paraan ng Pananaliksik?
A. Palarawang Paraan (Descriptive Method)
Ito ay dinisenyo para sa mananakiksik upang makakalap ng mga
impormasyon tungkol sa kasalukuyang kalagayan. Ang pangunahing layunin ng
pag-aaral na ito ay mailarawan ang kalikasan ng isang sitwasyon habang ito'y
nagaganap sa panahon ng pag-aaral at masaliksik ang mga sanhi ng partikular
na pangyayari.
Ipinaliwanag ni Best (1963) na ang palarawang pananaliksik ay isang
imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay kahulugan sa kung ano. Ito ay
may kinalaman sa mga kondisyon ng mga kaugnayang nagaganap; mga gawin
umiiral; mga paniniwala at prosesong nagaganap; mga epektong nararamdaman
o mga kalakarang nadedebelop.
Ang mga sumusunod ay mga uri ng palarawang paraan:

1. Pag-aaral ng Kaso (Case Study)- Kung tayo ay gumagawa ng


detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon,
gumagamit tayo ng case study. Ang mga case study ay nagbibigay sa atin ng
maliwanag na pagkaunawa sa pag-uugali ng tao na makatutulong sa atin sa
pagtuklas ng mga bagong resulta na hindi pa dating natutuklasan.

21
2. Sarbey- Ang pamaraang ito ay ginagamit kung ikaw ay nagbabalak
na makakuha ng relatibo at limitadong datos mula sa relatibong malaking bilang
ng kalahok.
Ang sarbey ay may dalawang lawak: sensus at sample. Ang sensus ay
isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon. Sa sarbey na
sampol, hindi mo layunin na marating ang buong populasyon. Nagtitipon ka ng
datos mula sa bahagi ng sampling procedures.

3. Mga Pag-aaral na Debelopmental- Kung nagtatangka ka na


makakuha ng mapanghahawakang impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao
sa loob ng mahabang panahon, ang iyong pag-aaral ay maaaring
debelopmental. Ang ganitong disenyo ay nangangailangan ng pag-uukol ng
maramin panahon sa mga kalahok na maaaring relatibong iba-iba o
heterogeneous o bahagyang magkakatulad o homogeneous na pangkat.

May dalawang teknik na ginagamit sa pagsasagawa ng pananaliksik na


debelopmental.
a. Ang Longitudinal o Mahabang Panahong Paraan-Sa paraang ito,
pinag-aaralan mo ang parehong sampol ng mga kalahok sa loob ng mahabang

panahon. Halimbawa, kung gusto mong pag-aralan ang konseptong


pangmatematika na nadebelop sa mga mag-aaral sa mataas na paaralan mula
unang taon hanggang sa ikaapat na taon ang longitudinal na disenyo ang siyang
kailangan. O kung gusto mong imbestigahan ang pag-unlad ng mga kalahok
mula sa pagkabata hanggang sa pagdadalaga o pagbibinata, ang angkop na
debelopmental na pag-aaral ay ang longitudinal.

b. Ang Kros-Seleksiyonal na Paraan (The Cross-Selection


Method)- Ito ay tungkol sa pag-aaral ng mga kalahok na may iba't ibang gulang
at iba pang mga katangian sa parehong panahon. Halimbawa hinggil sa
nabanggit na pag-aaral tungkol sa mga konseptong pangmatematika mula unang
taon hanggang ikaapat na taon, maaari kang kumuha ng mga kalahok o mag-
aaral mula sa apat na antas, pag-aralan sila nang sabay-sabay at gumawa ng
mga hinuha at konklusyon mula sa mga resulta.

4. Mga Pasubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies)- ito'y ginagamit


kung gusto mong masubaybayan ang pag-unlad ng isang tiyak na kondisyon.
Ang pasubaybay na pag-aaral ay kailangan kung gusto mong tiyakin kung ang
preschool na edukasyon ay nakakabuti sa mga bata sa mga asignaturang tulad
ng wika, agham, at matematika. Maaari mong isa-isahin ang mga bata na may
edukasyong kindergarten at ang mga walang preschool na edukasyon at
paghambingin ang achievement o natamo ng dalawang grupo batay sa
achievement sa mga asignaturang nabanggit.

22
5. Dokumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis)- ito'y
nangangailangan ng pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagsusuri
ng mga nasusulat na rekord at mga dokumento upang malutas ang suliranin.
Ang isa pang katawagan sa ganitong uri ng palarawang pag-aaral ay pagsusuri
ng nilalaman (content analysis). Kung gusto mong malaman ang lawak ng
pagsasanib o pagtuturo ng balyu sa mga aklat sa ating paaralan, maaari kang
magsagawa ng pagsusuring dokumentaryo o pangnilalaman.

6. Kalakarang Pagsusuri (Trend Analysis)- Ito ay isang popular na


paraan ng palarawang pag-aaral lalo na sa mga proyektong forward looking. Ang
iba pang tawag dito ay feasibility study kung saan ang ginagamit na datos ay
mga kondisyong umiiral sa kasalukuyan, ang tagumpay ng proyekto sa
hinaharap ay hinuhulaan. Halimbawa, nakatira ka sa isang progresibong bayan,
maaari mong pag-aralan ang mga trabahong mapapasukan sa isang lugar at
magrekomenda ng mga kursong bokasyonal na pwedeng ibigay simula sa unang
taon na matatapos sa ikaapat na taon na tamang-tama sa panahon para
magsimulang maghanap ng trabaho ang mga nagsisipagtapos.

7. Mga Pag-uugnay ng Pag-aaral (Correlational Studies)- ito ay


palarawang pag-aaral na dinesenyo para alamin ang iba't ibang baryabol na
magkakaugnay o may relasyon sa isa't isa sa target na populasyon. Sa
pamamagitan ng mga pag-aaral na ito maaari mong tiyakin kung gaano ang
kaibhan na dulot ng isang kaugnay na baryabol. Gumagamit ka ng mga pag-
uugnay na panukat para malaman ang laki at direksyon ng ugnayan.
Kung ang datos ay nagpapakita ng mataas at positibong relasyon, ito ay
nangangahulugan na ang mga mag-aaral na may mabubuting kondisyon sa
buhay ay mas magiging magaling na achievers. Ito ay isang pag-uugnay na pag-
aaral.

B. Eksperimental na Paraan
Katulad ng ibang mga pamaraan na nabanggit sa itaas ang
eksperimental na paraan ay naging pinakatanyag na pamaraan sa pagsusulong
ng kaalaman sa agham. Sinabi ni Gay (1976) na ito lamang ang pamaraan ng
pananaliksik na tunay na makasusubok sa palagay o haypotesis tungkol sa
ugnayang sanhi at bunga. Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang
eksperimento ay kadalasang itinuturing na pinakasopistikadong pamaraan ng
pananaliksik para subukin ang mga palagay o haypotesis.
Ibinigay ni Ary at iba pa ang mga katangian ng pamaraang ito:
1. Ang malayang baryabol ay maaaring mabago.
23
2. Ang lahat ng iba pang baryabol maliban sa di malayang baryabol ay
walang pagbabago.
3. Ang epekto ng manipulasyon ng malayang baryabol sa di malayang
baryabol ay inoobserbahan o pinag-aaralan at sinusukat.

Nakaugalian na sa pagsasagawa ng eksperimento na magkaroon ng


dalawang pangkat, ang eksperimental na grupo at kontroladong grupo.Ang
eksperimental na grupo ay tumatanggap ng treatment na iniimbestigahan
habang ang kontroladong grupo ay tumatanggap ng ibang treatment o ng
karaniwang pamaraan na datihan nang ginagamit. Dapat mong iwasan ang
pagkakamali ng hindi pagbibigay ng kahit anong treatment sa kontoladong
grupo.
Manipulasyon at Kontrol- Kapag bumubuo ka ng mga grupo at iyong
itinatalaga ito nang pa-random, minamanipula mo ang variable treatment.
Ang ibang baryabol sa eksperimento ay hindi pwedeng manipulahin tulad
ng kasarian o sex, kalagayang sosyo-ekonomik, gulang o kakayahang
pangkaisipan. Kung mayroon kang tatlong piling-piling grupo at iyong itinalaga
ang mga ito sa tatlong treatments nang hindi pa-random at gusto mong malaman
kung anong grupo ang makikinabang sa mga treatment; ang mga kalalakihan o
kababaihan; ang mga nasa mataas, karaniwan o mababang kalagayang sosyo-
ekonomik; ang mga bata o kabataan; ang mga batang may mataas, karaniwan o

mababang kakayahang pangkaisipan;tunay na ginagamit mo ang kasarian,


kalagayang panlipunan, gulang at kakayahang pangkaisipan bilang mga
baryabol na hindi pwedeng manipulahin.
Ang kontrol ay tumutukoy sa iyong mga pagsisikap para maiwasan ang
impluwensya ng ano mang baryabol maliban sa malayang baryabol na maaaring
makaapekto sa performance sa di malayang baryabol. Halimbawa, ipagpalagay
natin na nag-eeksperimento ka tungkol sa epekto ng feedback sa natamo sa
agham.
Napakahalaga sa gawain mo bilang mananaliksik na makatiyak ka na ang
dalawang pangkat ay pareho o pantay sa simula pa ng eksperimento. Tanging
ang mga experimental treatment lamang ang magkakaiba.

Pananaliksik: Isang Siklo

Ang mananaliksik na handa nang lumusong sa pagtuklas ay hindi dapat


mapagod sa gawaing ito. Ito ay isang maingat na proseso. Mas matapat na
ilarawan ito bilang siklo. Hindi ito matatapos lamang sa pagtuklas ng resulta. Ito
ay maaaring magbunsod sa walang katapusan pang pagtuklas.

24
Ang pananaliksik ay nagsisimula sa katanungan. Ang proseso ng pagtugon ay sa
pamamagitan ng iba’t ibang hakbang ng pagtuklas. Susundan ito ng maaaring
mga resulta na nagbubukas ng marami pang katanungan para sa mga susunod
na kaugnay na saliksik.

Ang hakbang ng pagtuklas sa mga sagot ay maaaring dumaan sa iba’t ibang


paraan tulad ng mga sumusunod: paggamit ng senso, pagbabahagi ng
impormasyon sa iba, pagsangguni sa mga eksperto, lohikal na pangangatwiran
at maagham na pamamaraan (Fraenkel at Wallen, 2003).

Para sa espisipikong paglalahad ng proseso, narito ang sistematikong gawain ng


pananaliksik na may paglalapat ng siyentipikong metodo.

Mga Suliranin/ Proseso sa Pagsagot Resulta


Tanong
1. Pagkilala sa 3. Pagkilala sa impormasyong 5.
suliranin o mga kailangan at pag-alam sa Interpretrasyon
katanungan paraan ng pagkuha niyon ng resulta
2. Pagtiyak sa 4.Pagsasaayos ng
suliranin impormasyong nakalap

Takdang Gawain

Pangkatan
1. Magsaliksik ng tig dalawang halimbawa ng pananaliksik na deskriptib at
eksperimental. Basahin ang mga iyon at suriin ang mga bahaging panimula,
katawan at wakas.

Panimula

Katawan

25
Wakas

YUNIT 3

PORMAT NG ISANG TEKNIKAL NA PANANALIKSIK

Sa bahaging ito, inaasahan na matapos talakayin ang mga nakaraang


aralin na kahit papaano ay may problema nang napili upang gawing isang
pananaliksik. Ang malaking katanungan na lamang ay ito…
“Paano sumulat ng isang teknikal na pananaliksik?”
Bilang panimula, naririto ang mga bahagi ng isang research paper at ang
mga halimbawang pormat ng pagsulat nito…
Mga Bahagi ng isang Teknikal na Pananaliksik
1. Ang Pahina ng pamagat- sa paglikha ng isang pamagat, kinakailangang
nailalantad na nito kung ano ang mga nais na mangyari sa kabuuan ng
isasagawang pananaliksik. Walang paligoy-ligoy…kailangang magsilbi itong

26
isang tila makinang kumukontrol ng ideya na sa oras na magbago ang ideya ng
risertser, otomatikong magbabago rin ang pamagat.
Inverted pyramid ang pormat na sinusunod sa pagsulat ng pamagat. Hindi ito
dapat lalampas sa dalawampung salita.
Halimbawa:
Pagtaya ng Kakayahan sa Pagbasa: Tungo sa
Paglinang ng Kasanayan sa Komprehensibong
Pag-unawa ng mga Mag-aaral
(Inverted pyramid)
(6 espasyo)
Isang Tesis Proposal
Na Iniharap sa mga Guro ng
Kolehiyo ng Edukasyon,
Nueva Ecija University of Science and Technology
(4 espasyo)
Bilang Bahagi ng Pagtupad
Sa Pangangailangan
Upang Makamit ang Titulong Batsilyer sa
Edukasyon, Medyor sa Filipino

Andrea P. Adigue
2017

TAGUBILIN PARA SA PAGSUSULIT NA ORAL

Ang Disertasyon na ito ay may pamagat na ANG

UGNAYAN NG LITERATURA AT PELIKULA: ISANG PAGSUSURI, na

inihanda at iniharap ni ANDREA P. ADIGUE, bilang bahagi

ng pagpapatupad sa mga kailangan para sa Digring

Doktorado sa Pilosopiya sa Filipino- Literatura, ay

sinuri at itinagubilin para sa pagsusulit na oral.

27
DOLORES N. GONZALEZ, Ph.D.
Tagapangulo
Lupon sa Pagsusulit

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang tesis na ito na may pamagat na “ANG UGNAYAN NG


LITERATURA AT PELIKULA: ISANG PAGSUSURI” na inihanda at
iniharap ni YANICHEL P. ADIGUE, bilang bahagi ng pagtupad sa mga
pangangailangan para sa Introduksiyon sa Pananaliksik-Wika at Panitikan
(SEFIL 20) ay sinuri at iminumungkahing tanggapin at pagtibayin para sa
isang pasalitang pagsusulit.

JUNLY A. ADIGUE DR. ANDREA P. ADIGUE


Tagapayo Guro sa Pananaliksik

28
PANEL NG MGA TAGASULIT
Pinagtibay ng Lupon at tagapayo sa Pasalitang Pagsusulit ngayong
______________________.

PROP. SUZETTE D. PEREZ G. CRISTOPHER R. FRANCISCO


Kagawad Kagawad

Bb. SAMANTHA L. POLICARPIO


Tagapangulo

Tinanggap at pinagtibay bilang bahagi ng mga pangangailangan


para sa titulong Batsilyer sa Edukasyong Pang Sekondarya, dalubhasa sa
Filipino.
DR. RHODORA R. JUGO
Dekana,
Kolehiyo ng Edukasyon

Aralin 1

Mga Bahagi ng isang Teknikal na Pananaliksik


TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pahina

TITULO NG PAMAGAT ……………………………………............. i

TAGUBILIN PARA SA PAGSUSULIT NA ORAL ……………..…. ii

DAHON NG PAGPAPATIBAY ………………………..................... iii

PASASALAMAT...……………………………………………………. iv

PAGHAHANDOG .…………………………………………………… vii

ABSTRAK .……………………………………………………. ……. viii


29
TALAAN NG MGA NILALAMAN .…………………….................... ix

TALAAN NG MGA TALAHANAYAN (kung mayroon)................... x

TALAAN NG MGA PIGURA (kung mayroon)...…….................... xi

Kabanata 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula ……………..……………………………………….. 1
Teoretikal na Batayan…………………………………….. 5
Konseptuwal na Batayan…………. ..……………………. 10
Paradigma ng Pag-aaral ……….……………................... 25
Paglalahad ng mga Suliranin …………..…………………. 30
Hipotesis …………………..…………………………. …….. 40
Saklaw at Limitasyon ……………………………………….. 52
Kahalagahan ng Pag-aaral…………………..……………. 54
Depinisyon ng mga Terminolohiya …………..………....... 55

Kabanata 2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Banyagang Literatura………………………………………... 60

Lokal na Literatura …………………………………………… 70

Banyagang Pag-aaral ………………………………………. 80

Lokal na Pag-aaral ………………………………………….. 90

Sintesis ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral….,,. 100

Kabanata 3 METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik ………………………………….. 105

Pamamaraan ng Pananaliksik ……………………………. 110

Instrumentasyon …………………………………………… 115

30
Balidasyon at Instrumento………………………………... 120

Pangangalap ng Datos…………………………………… 135

Istatistikong Paglalapat ng mga Datos …………………. 139

Kabanata 4 PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON


NG MGA DATOS

Kabanata 5 BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Buod ……………………………………………………..... 142

Konklusyon ………….…………………………….. ………. 143

Rekomendasyon …….…………………………….. …….. 144

TALASANGGUNIAN………………………………………………. 145

APENDISE ………………………………………………………… 150

TALATANUNGAN ……………………………………………......... 155

TALA UKOL SA MANANALIKSIK ……………………………….. 160

Balangkas ng Pagbuo ng Papel-Pananaliksik (IMRAD)


APA 6 PORMAT

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pahina

PAMAGATING PAHINA ……………………………………............. i

TAGUBILIN PARA SA PAGSUSULIT NA ORAL ……………..…. ii

DAHON N G PAGPAPATIBAY ………………………..................... iii

PASASALAMAT...……………………………………………………. iv

PAGHAHANDOG .…………………………………………………… vii

ABSTRAK .……………………………………………………. ……. viii

TALAAN NG MGA NILALAMAN .…………………….................... ix


31
TALAAN NG MGA TALAHANAYAN (kung mayroon)................... x

TALAAN NG MGA PIGURA (kung mayroon)...…….................... xi

INTRODUKSYON

Panimula ……………..………………………………………. 1
Kaligirang Teoretikal…….……………………………..…... 5
Balangkas Teoretikal ……. ………………………… …….. 10
Ribyu ng Literatura ………………………………………... 16
Paradigma ng Pag-aaral ………………..…………….................. 25
Paglalahad ng mga Suliranin …………………..……………….... 30
Hipotesis …………………..………………………………………… 40
Saklaw at Limitasyon ……………………………………………... 52
Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………..…………… 54
Depinisyon ng mga Terminolohiya ……………...…..…………… 55

METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik ……………………………………. 60

Kalahok/Seleksiyon ………………………………………... . 65

Paraan ng Pagpili ng Kalahok …………………………….. 67

Deskripsyon ng mga Respondente……………………….. 68

Instrumento/Pagsukat ng Datos …………………………… 70

Paraan ng Pangangalap ng Datos………………………… 80

Pag-aanalisa ng Datos ……………………………………… 90

Etikal na Konsiderasyon ……………………………………. 100

MGA RESULTA AT DISKUSYON

32
Buod …………………………………………………………. 105

Resulta ………...…………………………………………….. 110

Konklusyon ………………………………………………..... 120

Rekomendasyon …………………………………………… 125

Sanggunian ………………………………………………………... 140

Apendise……………………………………………………………. 150

YUNIT 4

Gabay sa Pagsisimula ng Pananaliksik

Sinisimulan ang pananaliksik sa pagtatanong ng tao. Kailangang may dumaloy


munang kuryosidad sa isipan ng mananaliksik nang sa ganoon ay magkaroon ng
lalong mataas na motibsyon na magpatuloy sa pagtuklas. Bukod pa rito,
kailangang magkaroon ng malawak na kaisipan ang nagsasagawa ng saliksik
upang makakita ng mabisang paraan sa pagsisimula ng masalimuot na proseso
ng pananaliksik.

Ang Pagpili ng Paksa


       Mga Panuntuan sa Pagpili ng Paksa
1. Maaaring ibigay ng guro ang saklaw ng paksang gagawan ng sulating
pananaliksik.

33
2.   Maaaring sa interes ng estudyante ang paksang gagawan ng
pananaliksik

3.   Hindi dapat masaklaw upang kayang gampanan sa loob ng limitadong


panahong nakatakda para sa naturang pananaliksik.

4.   Siguraduhing may mapagkukunan ng sapat na materyales

5. Ang lubhang teknikal na paksa ay dapat iwasan sapagkat maaaring


may kahirapang gagapin ang mga termino at hindi na angkop para sa
panimulang pananaliksik.

6.   Kailangang napapanahon

Ang Paksa at Titulo


Sino? Saan? Kailan? Ano? Paano? Bakit?
Hitik sa maraming katanungan ang tao. Ang pagiging kontento niya ay di lamang
natutugunan ng mga simpleng oo at hindi. Dito nagsisimula ang pagsisikap na
makabuo nang hindi lamang payak na tanong kundi potensyal na sasaliksiking
mga paksa.

Gamitin ang mga salitang patanong bilang gabay sa pagsisimulang


pagtukoy ng paksang pag-aaralan. Narito ang halimbawang matrix na maaaring
sundan at sundin.
Gabay Dapat na Isaalang-alang na Tinukoy na Paksa
Tanong
Sino? Sino-sino ang mga kasangkop? Ang mga nag
Sino ang tatanggap ng memedyor ng
kahalagahan? Filipino
Saan? Saan magaganap ang Rizal Technological
pananaliksik? University
Kailan? Kailan ito magaganap Taong Panuruan
2016
Ano? Ano ang pangkalahatang paksa? Panunuring
Ano-ano ang mga espisipikong Pampanitikan
suliranin?
Paano? Paano isasakatuparan ang Sarbey sa maka-
34
pagtuklas? Filipinong paraan ng
kritika
Bakit? Bakit ito isasagawa? (pagtukoy sa Mailarawan ang
layon) maka-Filipinong
Kritika ng mga
akdang
pampanitikan
Halimbawang Isang Sarbey sa Maka-Filipinong Kritika ng mga
awtput na Nagmemedyor ng Filipino ng Rizal Technological
papaksain: University sa mga Akdang Pampanitikan, Taong Panuruan
2016

Ang nabanggit na halimbawang awtput ay potensyal na paksa pa lamang.


Ito ang magbibigay daan sa pagbuo naman ng potensyal na titulo.
Hindi nauubos ang papaksain katulad ng sinasabing hindi maubos-ubos
na tanong ng mga tao. Habang nagkakaedad ang mundo ay nagpapatuloy ang
buhos ng mga kaalaman. Kaya nga hinihikayat ang multidisiplinaryo at
kolaboratibong pananaliksik nang sa ganoon ay maiuugnay pa ang maraming
butil ng karunungang nasa paligid lamang. Marami ang maaaring gawing
sanggunian.

Sikaping magbasa muna ng mga aklat-repensya sa mga aklatan at


internet sites. Ito ay tunay na makatutulong sa ikatatagumpay ng pagtiyak sa
potensiyal na paksa ng saliksik.
Maaaring gawing sanggunian ang research agenda ng sariling institusyong
kinabibilangan o kaya ng mga tanggapang pampubliko at pribado na may
Research and Development Center.
Sa lawak ng daigdig, hindi maitatatwang marami ang mga potensiyal na
paksa. Kaya lamang, kailangan sa aktuwal na pananaliksik ang paglimita rito
upang ganap at obhetibong maisasakatuparan. Gawing batayan ang prinsipyong
ito: Espisipiko. Nasusukat, Naaabot ang Layon, Nakatuon sa Resulta, Batay sa
Oras/ Panahon.
Maaaring gawing batayan ang tala sa ibaba.
Gabay sa Paksa Nilimatahan
Paglimita
Espisipiko Multilinggwal na Edukasyon sa Multilinggwal na
35
mga Mag-aaral sa Elementarya Edukasyon sa Mababang
Paaralan ng San Jose
Nasusuka Saliksik sa Filipino sa mga Sarbey sa mga Saliksik
t Paaralang Gradwado sa Filipino sa mga
Paaralang Gradwado ng
mga SUC’s sa NCR
Naaabot Neolohismo sa mga Rap Pagsusuri sa Estruktura
na layon ng Neolohismo sa mga
Piling Awit ni Cloc-9
Nakatuon Barayti ng Filipino sa Tweet ng Barayti ng Filipino sa
sa resulta mga News Anchor Tweet ng mga Filipino
News Anchor: Batayan
sa Pagbuo ng
Klasipikasyon
Batay sa Uri ng Filipino sa Filipino Pagsusuri sa Paggamit
Oras/ Newscast Araw-araw ng Filipino sa mga
Panahon Programang Balitaan
mula Enero-Mayo, 2016

Mula sa talang inilahad sa itaas, maaari na ring bumuo ng titulo ang


mananaliksik. Sa pagbuo ng titulo, alalahaning mababago pa ito sa pagdaan ng
mga araw.

Ang batayan ng pagbago ay saklaw at limitasyon ng pag-aaral. Hanggat


maaari ay gawing tiyak ang mga salitang gagamitin. Siguruhin na ang titulong
mabubuo ay kakatawan sa nais na paksain. Magkaroon din ng limitasyon sa
paggamit ng mga salita. May mga institusyon ng paaralang di-gradwado at
gradwado na hinikayat ang paggamit ng mula sampu (10) hanggang di hihigit sa
labinlimang (15) salita na isusulat at isasaayos sa paraang baliktad na piramide.
Iwasan na rin ang paggamit ng mga pariralang Isang Pag-aaral…Pagsusuri sa…
at mga katulad na naglalahad ng gagawing proseso ng pananaliksik.
Narito ang halimbawa.

Pamagat Pagsusuri sa mga Tagline ng mga Politiko


Mas PRAGMATIKS SA MGA POLITIKAL NA TAGLINE NG MGA
Angkop PAID ADS SA TELEBISYON NG MGA SENATORIABLE
36
MULA MARSO-ABRIL, 2015

Saliksikin Mo

MOawain
Maaari ka nang bumuo ng mga titulo matapos bumasa ng mga literatura
at pag-aaral. Sumulat ng sampung potensiyal na titulo gamit ang mga gabay na
tinalakay. Humanda sa oral na presentasyon ng mga pamagat. Siguruhing
nalalaman ang kahalagahan ng gagawing pananaliksik sa akademya o sa larang
ng wika.

Aralin 1
Pagbuo ng Introduksyon

Ang anumang sulatin ay binubuksan ng isang panimula upang maihanda


ang mga mambabasa. Sa gawaing ito, layon ng mananaliksik na bigyan ng
paunang patikim ang tagatangkilik. Ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng
pagsulat sa kaligirang kasaysayan ng paksa at mga patunay ng presensiya at
pagkakaroon ng suliraning dapat bigyan ng tugon at pansin.
Ang introduksiyon (at ang kabuuang manuskrito ng saliksik) ay sinusulat
sa unang panauhan ng mga nominal (pangangalan at panghalip). Ito ay
isinasagawa upang maging obhetibo at patunayang walang pagkiling ang
kabuuan ng saliksik.
Maaaring ilagay ang mga mahahalagang direktang sipi ng mga konsepto
basta kasama ang pinaghanguan. Ang pagkilala (citation) sa mga sanggunian ay
37
gawin sa angkop na kaayusan ng American Psychological Association
(tatalakayin sa susunod na bahagi ng aklat na ito.)

Rasyonale o Kadahilanan ng Pag-aaral


Tatalakayin sa bahaging ito kung bakit kinakailangan pang isagawa ang
isang pag-aaral.
Layunin at Kahalagahan
Tatalakayin sa bahaging ito ang mga sumusunod:
1. Ang dahilan upang isagawa ang pag-aaral.
2. Ang rasyonale, ang pagkakapanahon, at pagkakaangkop ng pag-aaral
sa mga umiiral na kalagayan.
3. Mga posibleng solusyon sa umiiral na problema o pagpapabuti sa mga
hindi kasiya-siyang kalagayan.
4. Kung sino ang maaaring makinabang at paano sila makikinabang.
Dapat na ipakita kung sinong indibidwal o pangkat ang higit na
makikinabang sa bunga ng pag-aaral.
5. Ang maaaring maidaragdag sa batis ng kaalaman.
6. Ang mga posibleng implikasyon.

Teoretikal at Konseptuwal na Batayan


Nauna nang binanggit na mahalaga ang panimulang pagbasa ng mga
aklat-reperensya upang magkaroon ng batayan at inspirasyon sa pananaliksik.
Mula sa pagbasa, magiging malinaw sa sarili ang naging motibasyon sa pag-
aaral. Matitisod din ang mahahalagang konseptong maaaring gawing batayan ng
saliksik. Mula rito, matutukoy at maisusulat ang mga batayang teoretikal at
konseptuwal. Teoretikal na maituturing ang mga konseptong nabasa sa mga
literatura na maaaring gabay at mailapat sa isinasagawang pag-aaral.
Samantala, konseptuwal naman ang batayang mula sa sarili ng mananaliksik at
maaaring ilahad upang makita ang kaugnayan sa dalumat ng iba pang
mananaliksik at pag-aaral.
Sa bahaging ito ilalahad ng mananaliksik ang mga ideya hinggil sa pag-
aaral na isinasagawa. Ilalahad din dito ang pagbuo ng sariling pananaw ng
mananaliksik tungkol sa isang problema. Pagkatapos mapag-aralan ang ilang
38
teorya na may kaugnayan sa isinasagawang pananaliksik, maaaring bumuo ng
isang konseptuwal na balangkas.
Ang konseptuwal na balangkas ang itinuturing na pangunahing tema,
pokus, o thrust sa pag-aaral o pananaliksik. Nagiging panuntunan ito sa
pagsasagawa ng alinmang pagsisiyasat.

Paradigma ng Pag-aaral

Ang teoretikal at konseptuwal na mga balangkas ay susundan ng


pagpapakilala sa prosesong pagdaraanan ng saliksik upang ganap na
mabuo/maisakatuparan. Ito ay mailalarawan sa pamamagitan ng bubuoing
paradaym/ paradigma.
Tingnan ang mga halimbawa ng paradaym na angkop gamitin sa mga
saliksik sa akademya at wika sa susunod na pahina.

Dayagram ng Input-Process-Output

Ginagamit ito upang ipakita ang proseso ng pagsasakatuparan ng isang


gawain.

INPUT PROSESO AWTPUT


Ebalwasyon ng mga Pagpapasagot ng Pinaunlad na aklat
guro at mag-aaral sa instrumentong mula na Komunikasyon sa
aklat na kay Seguin Akademikong
Komunikasyon sa _______at Filipino at iba pang
Akademikong pinaunlad sa aklat sa iba pang
Filipino batay sa Filipino. disiplina.
antas ng pagsang- Pagbubukas ng
ayon sa mga Pagpapahalaga
39 sa pagsusuri sa kalidad
sumusunod na mga datos sa ng iba pang aklat at
aspekto. pamamagitan ng kagamitang panturo
-Nilalaman mga estadistikang upang mapabuti ang
-Edukasyonal na pormula at kalikad ng pagkatuto
Pagdulog interpretasyon
Feedback
Pigura 1- Paradaym ng Pag-aaral

Dayagram ng Sanhi at Bunga


Ipinakikita ng dayagram na ito ang ugnayang sanhi at bunga. Sa mga
tesis, ginagamit ito sa mga eksperimental na pananaliksik upang katawanin ang
mga malaya at di malayang baryabol.
SANHI BUNGA
KOLABORATIBONG MAUNLAD NA
PAGDULOG SA INTERPERSONAL NA
PAGTUTURO NG TALINO NG MGA MAG-
PANITIKAN AARAL

Dayagram ng Ugnayan
Ang dayagram na ito ay inilalahad para sa eksposisyon ng kaugnayan ng
mga baryabol sa isang sulating pananaliksik.
MALAYANG BARYABOL DI MALAYANG BARYABOL

MAKA-FILIPINO NA
URI NG PANITIKAN

Paglalahad ng Suliranin
Sa bahaging ito, ilalahad ang mga suliranin na nais saliksikin. Ang mga ito
ay nasa anyong patanong.
40
Tiyakin na ang mga mabubuong katanungan ay nakatuon sa mataas na
antas ng pagkatuto, magagamit sa kabuuan ng saliksik, may kalinawan,
mahalaga at may paggalang.
Ang mga tanong ay masasagot sa tulong ng mga sanggunian at
hanguang magagamit.
Bago ilahad ang mga tanong, ang pangkalahatang suliranin/paksa ay
dapat munang banggitin. Ang mga ito ay kakatawan din sa mga layunin ng
pananaliksik.

Ano ang mga Pinagbubuhatan ng Suliranin?

Ang buong paligid natin ay puno ng suliranin. Sa komunidad na ating


tinitirhan ay maraming problema. May mga suliraning madaling malulutas subalit
ang ibang suliranin ay masalimuot at nangangailangan ng plano at mga
hakbang, na kinasasangkutan ng lugar at tao.

Sa loob ng klasrum na inyong tinitigilan habang kayo ay nakikipag-


interaksyon sa inyong mga kamag-aaral at guro, maraming suliranin ang
lumalabas. Kabilang dito ang iba’t ibang asignaturang inyong pinag-aaralan.
Mula rito maaari kayong pumili at makatukoy ng suliraning nkaakit ng inyong
interes. Habang kayo’y nagbabasa ng mga aklat at sanggunian kayo’y maaaring
makapansin ng suliraning nangangailangan ng pananaliksik.

Ang mga diyaryo, magasin, at dyornal ay mapaghahanguan din ng mga


suliranin. Habang binabasa ang mga ito, maaari kayong makaisip ng suliranin na
maaari ninyong pag-aralan para sa inyong tesis.

Ang ilan sa mga istudyante ay umaasa na lamang sa kanilang mga guro,


magulang at kaibigan sa paghanap ng suliranin. Tunay na nakasisiya sa isang
guro na makitang ang kanyang istudyante ay nakapipili ng suliranin sa sarili
niyang sikap at hindi umaaasa sa iba.

Ano-ano ang mga Katangian ng Isang Mahusay na Suliranin?


a. Mahalaga na may interes ka rito.

b. Kailangan ay may kapaki-pakinabang na halaga ito sa iyo, sa iyong


paaralan, o komunidad.

c. Dapat ay hindi pa ito lubhang nasasaliksik.

41
d. Ito ay dapat na nagtataglay ng bagong kaisipan.

e. Kailangan ay saklaw ito ng iyong karanasan.

f. Dapat na matapos sa loob ng panahong itinakda, halimbawa isang


semestre o isang taon depende sa asignatura na nangangailangan
nito.

g. Dapat na maging libre ito sa legal o moral na balakid.

Mga Halimbawa ng Suliranin o Paksa


       
Mga Pamagat ng Isang Sulating Pananaliksik
1. Isang Pag-aaral sa Paggamit ng Wikang Bernakular ng mga Mag-aaral
sa Ikatlong Taon sa Mataas na Paaralang Las Pinas.

2. Isang Worktext sa Pagtuturo ng mga Kasanayang Pangwika sa Sining


ng omunikasyon Para sa mga Mag-aaral ng Ama Computer College,
Sangay ng Makati

3.   Isang Pag-aaral sa Kasanayan ng Paggamit ng Wika ng mga Mag-


aaral sa mga Sulating Filipino ng Ikaapat na Taon sa Mataas na
Paaralang Makati.

4 Isang Pagsusuri sa Pag-aaral sa Kasanayan ng Pagsusuri ng mga


Mag-aral sa Ikaapat na Taon ng Perpetual University sa Paggamit ng
mga Teoryang Pampanitikan sa mga akdang Filipino.

Paano Inilalahad ang Suliranin?


Bawat pananaliksik ay nagsisimula sa isang suliranin o mga suliranin. Sa
simula, ang suliranin na iyong napili ay maaaring napakalawak. Kung sakali, ito
ay kailangang gawing tiyak. O ang pangunahing pangkalahatang suliranin ay
maaaring gawing maliliit at tiyak.

Paano Ginagawang Tiyak ang Suliranin?


a. Magbasa ng maraming babasahin. Ang iyong paksa ay malawak sa
dahilang wala kang gaanong kaalaman dito. Kaya marahil ay kailangang
magsarbey ka pa ng literatura. Halimbawa, ang napili mong paksa ay
tungkol sa interes.

42
b. Bilang unang hakbang, ibigay ang kahulungan ng interes. Kunin ang
kahulugan sa iba’t ibang sanggunian. Matutong magtala at sumulat ng
mga kahulugan sa kard. Magbasa ng mga aklat na sinulat ng mga
banyagang awtor. Kumunsulta rin sa mga lokal na awtor sa pamamagitan
ng pagsangguni sa mga aklat sa edukasyon at sikolohiya.

c. Ipagpatuloy ang pagbabasa ng literatura. Ano ang sinasabi ng mga awtor


tungkol sa interes?

d. Anong espesyal na aspekto ng interes ang iyong natipon? Maaari ka bang


magbigay ng ilang baryabol? Ito ba’y interes sa mga laruan o sa mga
babasahing iyong nakita? Ang sex ba ay may kaugnayan sa pagkakaiba
ng interes? Ang mga grupo ba ng iba’t ibang antas ng lipunan ay may
pagkakaiba rin ng interes?

Ang pagsusuri sa mga baryabol ay nagdudulot ng higit na pakinabang at


kawilihan sa iyong imbestigasyon.

e. Magbasa ng mga pag-aaral na ginawa tungkol sa interes. Ano-ano ang


mga resulta ng mga nasabing imbestigasyon? Anu-anong mga baryabol
ang kanilang ginamit? Ang lahat ng mga resulta ay dapat isulat sa kard o
kapirasong papel, isang mananaliksik sa bawat pahina.

Nagkaroon ka ba ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang aspekto ng interes,


anong mga pagsisiyasat ang nagawa na at ano ang mga resulta nito?

f. Sa puntong ito, nadedelimitahan mo na ang malawak na suliranin.


Maaaring haka nang pumili ng iyong mga baryabol, isa o dalawa lamang,
dahil sa ikaw ay baguhan pa lamang.

g. Napagdesisyunan mo na ba kung sino ang iyong pag-aaralan? Ang mga


kalahok mo ba’y mga mag-aaral sa elementarya o mas matatanda nang
mga mag-aaral?

h. Maaari mo nang ipahayag ang iyong suliranin. Pag-aralan ang iyong mga
baryabol na napili, gayon din ang mga kalahok na iyong gagamitin.
Ipahayag ang suliranin sa pormang patanong.

43
Paano Isusulat ang Pamagat ng Imbestigasyon?
Nararapat na maging tiyak ang pamagat dahil ito’y tutugon sa ilang layunin
gaya ng mga sumusunod:
a. Nilalagom nito ang paksa ng buong pag-aaral.

b. Ito ay batayan ng buong pag-aaral.

c. Maaangkin mo na ang pag-aaral ay talagang sa iyo.

d. Ito’y makatutulong sa ibang mananaliksik na sumangguni sa iyong


ginawang pag-aaral habang sila mismo ay nagsasarbey ng ilang teoriya.

Aralin 2
Hipotesis at mga Baryabol

Ang hipotesis ay inilalahad sa kalikasan ng saliksik na isinasagawa.


Karaniwang isinusulat ito sa pamaraang eksperimental. Ito ay pansamantala at
siyentipikong hula sa resulta na binubuo bago pa man matapos ang pag-aaral.

Null na hipotesis Walang makabuluhang ugnayan ang kasarian at pagbuo


ng neolohismo

44
Walang makabuluhang epekto ang wikang ginagamit sa
uri ng pamumuno ng mga lider sa mga Institusyon.

Operasyonal/ May makabuluhang ugnayan ang kasarian at pagbuo ng


Alternatibong neolohismo
hipotesis
May makabuluhang epekto ang barayti ng wika sa
pagbuo ng mga kagamitang panturo para sa MTBMLE

Binubuo ang mga hulang ito upang maipakita ang relasyon ng mga
baryabol. Ang mga baryabol ay anumang katangiang maaaring mabago sa mga
kabilang sa isang partikular na pangkat. Constant naman ang pagtawag sa bise-
bersa nito.
Ang mga baryabol ay maituturing na malaya at di-malaya. Ang malayang
baryabol ay kumakatawan sa sanhi samantalang bunga naman ang di-malaya.

Malayang Baryabol Di-malayang baryabol

Kasarian Pagbuo ng Neolohismo

Wikang Ginagamit Uri ng Pamumuno sa Institusyon

Barayti ng Wika Pagbuo ng Kagamitang Panturo


para sa MTB-MLE

Ano ang Hipotesis?


Kahit paano, sa inyong pag-aaral mayroon kayong mga hula o prediksyon
na binubuo kaugnay ng kalalabasan. Maaaring ang mga ito’y pabigla-biglang
mga palagay subalit sa oras na matapos kayo sa pagsasarbey ng mga kaugnay
na literatura handa na kayong maglahad ng tunay na hiypotesis.
Ayon kay Gay (1976), ang haypotesis ay pansamantalang paliwanag para sa
mga tiyak na gawi o kaasalan, mga bagay na hindi pangkaraniwan o mga
pangyayaring naganap o magaganap. Sinasabi ni McGuigan (1978) na ang
haypotesis ay isang maaaring subuking pahayag tungkol sa potensyal na
ugnayan ng dalawa o mahigit pang baryabol.

45
Ano-ano ang mga Tungkulin ng Hipotesis?
a. Isineset nito ang iyong kaisipan sa simula pa lamang ng iyong pag-aaral.
b. Isinasaayos nito ang susunod na hakbang ng iyong imbestigasyon.
c. Nakatutulong ito sa pagbibigay ng pormat para sa presentasyon,
pagsusuriat interpretasyon ng mga datos ng iyong pag-aaralan.

Ano-ano ang mga Katangian ng Mabuti o Mahusay na Hipotesis?


a. Ito’y dapat na maging makatwiran. Nangangahulugan ito na may
pinagbatayan ang haypotesis para maging makatwiran.
b. Dapat nitong ipahayag ang relasyon o pagkakaugnay-ugnay ng mga
baryabol.
c. Ito’y pwedeng subukin o suriin.
d. Ito’y dapat na batay sa datihang mga resulta.

Ano-ano ang mga Uri ng Hipotesis?


Paano ito Nagkakaiba?
A. Null hipothesis (Walang Bisang Palagay/Haypotesis)- ang ibig
sabihin, ipinalalagay na walang pagkakaiba, relasyon, pagkakaugnay,
epekto o interaksyon. Ang null ay nangangahulugan hindi nakikita
/hindi totoo.
B. Alternative hipothesis (Alternatibong palagay)- ito ang kabaligtaran
ng null hypothesis. Ipinahihiwatig nito na ang palagay ay may
pagkakaiba, pagkaka-ugnayan, epekto o interaksiyon sa mga
baryabol.

Ang null hipothesis ay kadalasang inire-rekomenda ng mga istatistisyan


para gamitin sa pag-aaral dahil sa sinasabi nila na ang pagkakamali sa
pagtangap o pangtanggi sa hipotesis ay maiiwasan kung ang null ang siyang
gagamitin.
Ang alternatibong palagay ay kadalasang batay sa teoriya. Kung ang mga
literaturang iyo nang nasarbey ay nagsasabi na ang mga lalaki ay mahusay sa
matematika, iyo nang ipinalagay ang parehong prediksiyon. Ito ang tinatawag na
alternatibo, o research hipothesis.

46
Aralin 3
Ano ang Ibig Sabihin ng Lawak at Limitasyon?
Ang lawak ng iyong pag-aaral ang nagtatakda kung saan at kailan
isasagawa ang pag-aaral at kung sino ang mga kalahok na pag-aaralan.
Ang limitasyon ay isang bahagi o aspekto ng imbestigasyon na maaaring
makaapekto nang masama sa resulta subalit wala kang kontrol. Maging matapat
na mabuti sa pagpapahayag ng limitasyong ito. Kung naninirahan ka sa
probinsya at ang iyong mga kalahok ay galing sa iyong komunidad, maaari mong

47
sabihin na ang iyong imbestigasyon ay may malawak na epekto kung isasama
mo ang mga tagabayan.
Upang maging espisipiko ang kabuoan ng saliksik, kailangang ilahad ang
saklaw at limitasyon nito. Ang saklaw ng pananaliksik ay tumutukoy sa ilalahad
at pangkalahatang layunin, paksa at tiyak na aspetong pag-aaralan.
Samantala, ang limitasyon ay tumutugon sa mga tanong na sino, saan at
kailan.
Halimbawa:
Ang pananaliksik ay naglalayong mailarawan ang gampanin ng kasarian
ng tao sa pagbuo ng neolohismo. Limitahan lamang ang pag-aaral sa mga
nagmemedyor ng Filipino sa Rizal Technological University sa Taong Panuruuan
2013-2014.

Kahalagahan ng Pananaliksik
Maipakikita ang gampanin ng saliksik sa paglalahad ng mga kahalagahan
nito. Babanggitin dito ang mga tatanggap (indibidwal o sekto sa lipunan) ng
kahalagahan at mga tiyak na kontribusyon. Dagdag pa ang paraan ng
pagtanggap ng kapakinabangan nila sa saliksik.

Pagbibigay-kahulugan sa mga Termino


Mas magiging malinaw ang pag-unawa ng mambabasa sa isinasagawang
saliksik kung ilalahad ang mga kahulugan ng terminong mababanggit sa
kabuuang manuskrito.
May dalawang uri ng pagbibigay-kahulugan. Una, maaaring ito’y
konseptuwal na pagpapakahulugan. Ito ay depinisyong batay sa mga aklat-
sanggunian. Ikalawa ang tinatawag na operasyonal na batay sa paraan ng
pagkakagamit sa saliksik. Mas angkop itong gamitin para sa ganap na
paglilinaw.

Ang mga akronim ay maaari ding ilahad. Ang presentasyon ng mga


termino ay nararapat na paalpabeto.
Bakit Kinakailangang Ipaliwanag ang Ilang Termilohiya sa Iyong
Pananaliksik?
Tulad nang nabanggit na, ang isa sa unang dapat mong gawin sa iyong
pag-aaral ay pagbibigay-kahulugan sa mga importanteng terminolohiya. Ito’y

48
ginagawa sa layuning maipaalam sa iyong mambabasa ang pinaghanguan ng
nasabing kahulugan.

Paano Mo Ibibigay ang Kahulugan o Ipaliliwanag ang mga


Terminolohiya?
a. Depinisyong konseptuwal – tumutukoy ito sa mga depinisyon na
matatagpuan sa mga diksiyunaryo o talatinigan. Ito’y akademiko o unibersal na
kahulugan na ibinigay sa salita o grupo ng mga salita.Ito’y kahulugan na
nauunawaan ng maraming tao at karaniwang mas abstrak o mahirap unawain at
mas pormal kaysa sa depinisyong operasyonal.

b. Depinisyon operasyonal o functional definition – tumutukoy sa tiyak


na paraan o kahulugang ginamit sa iyong pag-aaral. Kung gumagamit ka sa
iyong pag-aaral ng instrumento na susukat sa interes, ang iyong depinisyon ng
interes ay ibabatay sa kung ano-ano ang sinusukat ng pagsusulit.

Ano ang Baryabol?

Ito ay katangiang may dalawa o higit pang halaga na mutually exclusive.


Ang mga baryabol ay mga constructs o mga katangian na iyong iniimbestigahan
sa pag-aaral. Kung kapwa mo ginagamit ang mga lalaki at babae, ang kasarian
(sex) ay baryabol dahil ito ay may dalawang halaga. Kung ang iyo namang
tinuturuan ay mga high achievers, normal achievers at low achievers baryabol
ang achievement.

Ano-ano ang mga Uri ng Baryabol?


a. Malayang Baryabol.
Sa payak na pakahulugan , ito ang tinatawag na sanhi. Ito ang batayan
ng pagbuo ng pangkat. Kung ikaw ay nag-eeksperimento ng tiyak na
pamamaraan ng pagtuturo at may tatlo kang pangkat ng mga achievers para ito
subukin, ang kakayahan ay isang malayang baryabol.

b. Di- Malayang Baryabol.


Ito ang kinalabasan o layunin ng pag-aaral. Sa halimbawang nabanggit sa
itaas, ang achievement ay ang dependent variable. Ang dahilan ng ating
eksperimento sa pamamaraan ng pagtuturo ay upang mabatid kung ito ay
epektibo; kung ito’y makakaapekto sa achievement. Sa simpleng lengguwahe, ito
ang resulta; ang malayang baryabol naman ang sanhi.

49
c. Baryabol na Mababago.
Ito ang baryabol na maaaring mabago o manipulahin. Kung ikaw ay may
dalawang pangkat ng kalahok at iyong itinalaga sa mga treatment, ang treatment
dito ay isang manipulable variable.
d. Di-Mababagong Baryabol.
Ang kasarian o sex ng mag-aaral ay di maaaring palitan: ang mga babae ay
di mapapalitan para maging lalaki. Samakatwid, ang kasarian ay non-
manipulable variable.

Saliksikin Mo

MOawain

50
Magsaliksik ng kaugnay na tesis o disertasyon ng iyong aprubadong titulo.
Basahin at unawain ang unang kabanata saka bumuo ng banghay batay sa
pormat na nasa ibaba.

I.Pamagat at Ngalan ng Mananaliksik

II. Mahalagang Puntos ng Panimula

III. Lagom ng Konseptuwal at Teoretikal na Batayan

IV. Paglalarawan sa Paradaym ng Pag-aaral

V. Ang mga Tiyak na Suliranin

VI. Hipotesis (kung mayroon)

VII. Mga Baryabol na Ginamit

VIII. Saklaw at Limitasyon

IX. Lagom ng Kahalagahan ng Pananaliksik

YUNIT 5

Pagbasa ng mga Kaugnay na Literatura


51
at Pag-aaral

Kahalagahan ng Rebyu
Ang paglalahad ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral ay nagsisilbing
pundasyon ng saliksik. Ang proseso ng rebyu sa mga ito ay malaking tulong sa
kabuoan ng pagsasakatuparan ng pag-aaral.
Ito ay nagtatakda sa pagbuo ng mga partik ular na suliranin, hipotesis,
konseptuwal at teoretikal na batayan. Ito rin ang batayan ng pagpili at paglapat
ng angkop na pamaraan ng pananaliksik, teknik sa pagkuha ng sampol at
estadistikang pormula.
Makatutulong din ito sa representasyon, pagsusuri at interpretasyon ng
mga datos. Magiging pansuporta ang mga konseptong makakalap sa resulta ng
saliksik. Dagdag pa, magbibigay daan pa ito sa pagbuo ng bahaging natuklasan,
konklusyon at mga rekomendasyon.

Pagbasa ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


Ang magiging resulta ng pananaliksik ay ibinabatay sa mga pansuportang
konsepto at prinsipyong ilalahad bilang rebyu ng mga kaugnay na literatura at
pag-aaral.
Ang bahaging ito ay presentasyon ng mga binasang batayan ng
mananaliksik upang pagtibayin ang isinasagawang pag-aaral.
Ang literatura bilang termino sa pananaliksik ay tumutukoy sa mahahalagang
konseptong may kinalaman sa paksa. Samantala, ang pag-aaral ay anumang
imbestigasyong naisagawa na at may kaugnayan sa paksa ng sinasaliksik.
Kailangang ilahad lamang ang mga konseptong may mahalagang
kaugnayan sa pag-aaral nang bago (sampung taon ang nakaraan mula sa
panahon ng pagsasagawa ng saliksik maliban sa mga impormasyon at teoryang
maituturing nang klasiko).
Ang mga ito ay dapat ding obhetibo at walang pagkiling. Ang pagiging
obhetibo ay walang pagkiling. Ang pagiging obhetibo ay makikita sa
pamamagitan ng maaayos na pagkilala sa mga pinaghanguan (tatalakayin sa
mga sumusunod na bahagi ang paraang APA).

Hindi mahalaga kung kaunti o marami ang mga ilalahad. Kailangang


sasapatna pansuporta ito sa paksa at mga kaugnay na suliranin.

52
Ano ang Teorya at ang Pagrerebyu ng mga Kaugnay na
Literatura?
Ipinahiwatig sa unang bahagi ng aklat na ito na kinakailangan mong
magbasa ng maraming literatura tungkol sa iyong paksa. Ito ang tinatawag na
Pagsusuri ng mga kaugnay na Literatura o Review of Related Literature.
Nagsasarbey ka ng mga kaugnay na literatura upang malaman mo ang teoriya.
Ang teorya ay isang malaking tipak ng impormasyon na kaugnay ng iyong paksa.
Ano-ano ang mga Tungkulin ng Teorya?
1. Tinutukoy ang simula para sa suliraning sinasaliksik sa pamamagitan ng
paglalahad ng mga puwang (gaps), mahihinang puntos, at mga inkonsistensi
sa naunang pananaliksik. Ito’y nagbibigay sa pag-aaral ng balangkas na
konseptwal o teoretikal para mabigyang-katwiran ang pangagailangan sa
imbestigasiyon.

2. Pinagsasama-sama nito ang lahat ng constructs o mga konsepto na


kaugnay sa iyong paksa para sa imbestigasyon. Ang teoriya ay nagbibigay-
daan sa mga tiyak na katanungan para sa iyong imbestigasyon.

3. Ipinakikita nito ang mga relasyon ng mga baryabol na naimbestigahan


na. Ang prosesong ito ay nagbibigay-daan upang makita ang paksa kaugnay
ng resulta ng dati nang nailahad.

Ano ang mga Layunin ng Pagrerebyu ng Kaugnay na Literatura?


1. Ito ay nagbibigay ng balangkas na konseptuwal o teoretikal ng
pinaplanong pananaliksik.

2. Ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga dating pananaliksik na


may kaugnayan sa layunin ng iyong pag-aaral.

3. Nagbibigay ito ng kumpiyansa sapagkat sa pamamagitan ng pagsisiyasat


o pagsusuri ng kaugnay na literatura malalaman mo ang lahat ng
constructs na kaugnay ng iyong pag-aaral.

4. Nagbibigay ito sa iyo ng impormasyon tungkol sa mga pamamaraan ng


pananaliksik na ginamit, ang populasyon at sampol na isinaalang-alang,
ang mga instrumentong ginamit sa pagtitipon ng mga datos at mga

pagsusuring istatistikal na ginamit o inilapat sa naunang pananaliksik.

5. Ito ay nagbibigay ng mga resulta at mga konklusyon ng mga nakaraang

53
imbestigasyon na maaaring may relasyon sa iyong mga natuklasan at
konklusyon.

Paano Isinasagawa ang Pagrerebyu ng mga Kaugnay na


Panitikan/literatura?
1. Matapos mong mapili ang suliranin para sa iyong pag-aaral, ang iyong
sarbey ng literatura ay magiging mas tiyak at mapag-iisipang mabuti.

2. Pumunta sa aklatan. Magbasa-basa ng mga aklat, magasin, dyornal,


peryodikal o pahayagan, ensayklopedya o tesis para sa posibleng
literatura.

3. Ito'y hindi magagawa sa isang upuan lamang. Babalik ka sa aklatan nang


maraming ulit.
4. Ang lahat ng iyong mga tala ay kinakailangang nakasulat sa mga index
cards. Maglaan ng isang index card para sa isang awtor o source.

Ano ang Dalawang Uri ng Kaugnay na Literatura?

1. Literaturang Konseptuwal (Conceptual Literature)-Ito'y tumutukoy


sa mga artikulo o aklat na sinulat ng mga awtoridad na nagbibigay ng opinyon,
karanasan, teoriya o mga ideya kung ano ang mabuti at masama, kanais-nais at
di-kanais-nais na saklaw ng suliranin.
2. Panriserts na Literatura - Ito'y tumutukoy sa mga ulat ng tunay na
pag-aaral na ginawa ng ilang mananaliksik.

Paraan ng Presentasyon
Maaaring ilahad ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral sa tatlong
paraan: site, thematic/topical, chronological.
Ang paraang site ay nakabatay sa lugar na pinagkunan ng mga saliksik.
Ito ay nakaayos sa ganitong pagkakasunod: Banyagang Literatura, Lokal na
Literatura, Banyagang Pag-aaral, Lokal na Pag-aaral at Sintesis.
Tingnan ang halimbawa na nasa susunod na pahina.

Pagkakasunod-sunod Kahulugan
ng site na
54
Presentasyon

Banyagang Literatura Mahahalagang konsepto at prinsipyong mula


sa banyagang lugar/ibang bansa

Lokal na Literatura Mahahalagang konsepto at prinsipyong


matatagpuan sa Pilipinas

Banyagang pag-aaral Mahahalagang imbestigasyon o pag-aaral na


binuo sa banyagang lugar/ ibang bansa

Lokal na Pag-aaral Mahahalagang imbestigasyon o pag-aaral na


matatagpuan sa sariling bayan

Sintesis Ang mabubuong konsepto mula sa mga


inilahad na mga kaugnay na literatura at pag-
aaral, ang halaga ng mga inilahad sa
kabuuan ng pag-aaral.

Ang paraang thematic/topical ay batay naman sa kaayusang papaksa.


Ang mga subheading na gagamitin ay mga paksang buhat sa pamagat at mga
suliranin.
Ang presentasyong chronological ay nakaayos batay sa panahon/taon.
Angkop itong gamitin sa saliksik sa paraang historikal.
Ang bawat huling bahagi ng presentasyon ay nilalagyan ng sintesis bilang
pagpapatibay ng mga inilahad na literatura at pag-aaral. Inilalahad din sa
bahaging ito ang kaugnayan ng mga iyon sa ginagawang pag-aaral.

55
Saliksikin Mo

MOawain
Muling dalawin ang silid-aklatan o anumang site sa internet. Magbasa ng
mga tesis o disertasyon kaugnay ng iyong aprubadong titulo. Basahin at unawain
ang ikalawang kabanata saka bumuo ng banghay batay sa pormat na nasa
ibaba.
I.Pamagat at ngalan ng mananaliksik

II. Pagtukoy sa Paraan ng Presentasyon

III.Pansariling Lagom ng mga Inilahad na Literatura at Pag-aaral

56
Pagsasanay

MOawain
May ilang aytem sa ibaba na maaaring gawing paksa para sa
pananaliksik. Kung sakali at gusto mong imbestigahan ang bawat aytem, sabihin
kung ikaw ay susubok ng teorya (testing theory) o bubuo ng teoriya (developing
theory). Kung susubukin mo ang teorya, isulat ang Susubok sa patlang subalit
kung ikaw ay magdedebelop ng teorya isulat ang Bubuo.

_____ 1. Konseptong pansarili ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ng mataas


na paaralan.
_____ 2. Ang mga Pilipino ay may magandang pakikitungo sa mga panauhin.
_____ 3. Aling mga damong-gamot ang nakakagaling ng sipon?
_____ 4. Ang mga Pilipino ba ay sang-ayon sa mga base militar ng America?
_____ 5. Ang modyular na pagtuturo ay mabuting estratehiya o paraan ng
pagtuturo.
_____ 6. Alin ang pinakamahusay na paraan ng pagpaparami ng mga punong
namumunga?
_____ 7. Ang mga matatanda ay sawa na sa buhay. Wala na silang mga pag-
asa at mithiin.
_____ 8. Ang mga lalaki ay mas mahusay sa Matematika kaysa sa mga babae.
_____ 9. Ang maagang paghahanda ba sa mga mag-aaral sa ikaapat na taon ng
mataas na paaralan ay tunay na nakatutulong sa kanila para sa pag-
aaral sa kolehiyo?
_____ 10. Ang pagbabahagi ng kita o pakinabang ay epektibong panukala para
sa mga Pilipinong manggagawa.

57
Sagutin ng Tama o Mali.
1. Sa pananaliksik tayo ay sumusubok o nagtetest ng teorya, nagdedebelop ng
isa o naghahanda ng mga materyal.___________
2. Ang pananaliksik o imbestigasyon ay hindi kinakailangang maging kontrolado
o sistematiko.____________
3. Ang lahat ng pananaliksik ay nagsisimula sa isang suliranin/problema.
4. Sa pananaliksik, hindi mahalaga na makakuha tayo ng empirikal na mga
datos.______________
5. Sa buong paligid natin ay maraming mga suliranin para sa
pananaliksik.____________
6. Ang suliranin nga lamang ay hindi natin nauuri ang mga ito.____________
7. Subalit habang ikaw ay lumalalim sa pag-aaral ng pananaliksik nagiging mas
madali para sa iyo ang makahanap ng suliranin.______________
8. Ang mga peryodiko, magasin, at dyornal ay hindi maaaring pagkunan ng mga
suliranin._______________
9. Ang mahusay na suliranin ay malawak at komprehensibo. ._______________
10. Ang nababagong suliranin ay laging magaling. ._______________
11. Ang imbestigasyon para sa mga mag-aaral na katulad mo ay dapat maging
coterminous sa iyong kursong pananaliksik hanggang maaari.
._______________
12. Ang pagbibigay-kahulugan sa mga terminolohiya ay dapat maging isa sa
huling mga bagay na dapat gawin sa iyong pananaliksik. ._______________
13. Ang pamagat ng tesis ay naglalagom ng buong pag-aaral.
._______________
14. Kung ang mga baryabol na pinag-aralan ay isinasama sa pamagat, ang
pamagat ay nagiging malawak. ._______________
15. Ang mga tiyak na tanong sa iyong imbestigasyon ay mas madaling sagutin
kaysa sa mga tanong na di tiyak. ._______________
16. Ang haypotesis o palagay ay anumang hula tungkol sa inyong pag-aaral.
._______________
17. Ang mahusay na palagay ay nagpapahayag ng ugnayan ng mga baryabol.
._______________
18. Itinatatag ng teorya ang konseptuwal na balangkas ng iyong pag-aaral.
._______________
58
19. Ang kaugnay na literatura ay makakatulong sa pag-alam sa teoriya.
._______________
20. Ang P at D ay nangangahulugan ng pananaliksik at
debelopment. ._______________
Pagtapatin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat lamang ang titik ng sagot sa
patlang.
HANAY A HANAY B
____1. Literaturang tumutukoy
sa mga artikulo o aklat a. walang halaga o
na nasabat ng mga awto- null
ridad
____2. Sistematiko, kontrolado
empirikal at mapanuring b. aklatan
imbestigasyon ng mga
preposisyong haypotetikal
____3. Simula ng isang imbestiga- c. suliranin
syon
____4. Probisyonal na paliwanag
ng mga tiyak na gawi o d. lawak
asal, di pangkaraniwang
bagay o pangyayari
____5. Literaturang tumutukoy
sa nalimbag o di-nalat- e. alternatibo
halang mga ulat ng aktuwal
na pananaliksik
____6. Lugar kung saan mababasa
ang mga kaugnay na litera- f. konseptuwal
tura
____7. Palagay na walang relasyon g. pananaliksik
o epekto
____8. Ipinaliliwanag kung saan
at kailan ginawa ang h. palagay/
pag-aaral at sino ang haypotesis
mga kalahok
____9. Palagay na may kaugnayan i. baryabol
o epekto
____10. Katangian na may dalawa
ohigit pang halaga j. literatura

59
Saliksikin Mo

MOawain
Dalawin ang inyong silid-aklatan (maaari din ang pagsangguni sa mga
iba’t ibang web sites) at bumasa ng limang abstak ng mga saliksik (tesis,
disertasyon at mga journal). Matapos iyon, maghanda ng balangkas ng mga
nabasa batay sa pormat sa ibaba:
I. Pamagat ng Saliksik

II. Ngalan ng Sumulat/Taon ng paglathala

III. Uri ng Pananaliksik batay sa layon (Batayan ba o isinapraktika?


Patunayan).

IV. Uri ng Pananaliksik (Patunayan)

V. Proseso ng Pagtuklas sa mga Kasagutan

VI. Resulta/ Natuklasan (Buod)

60
YUNIT 6

METODO NG PANANALIKSIK

Pamamaraan ng Pananaliksik
Maingat na isinasagawa ang pananaliksik. Ito ay proseso. Ito ay
dumadaan sa mga hakbang ng pagtatanong, pagtugon at malalimang pagsusuri
sa mga pangyayari at konteksto ng panahon.
Sa araling ito, sisikaping ilapat sa mga mananaliksik sa Filipino ang mga
hakbang ng pagsasagawa ng saliksik at ang tuon ng bawat paraan ng pag-aaral.
Sa pananaliksik, maituturing na tatlo ang pangunahing paraang
isinasagawa sa larang akademiko at pangwika. Ang pag-aaral ay maaaring
historikal, deskriptib at eksperimental.
Narito ang tuon ng pag-aaral sa bawat uri.

Paraan Tuon

Historikal Paglalarawan sa nakaraan

Deskriptib Paglalarawan sa kasalukuyang


ponema

Eksperimental Paglalarawan sa maaaring


mangyari

Sa larang ng wika, narito ang ilang halimbawa ng mga isinapraktikang


saliksik na inilahad sa Ikatlong Internasyonal na Kumperensiya tungkol sa
Filipino: Iba’t ibang Isyu at Hamon ng Siglo 21, Agosto 3-5, 2012. (Piniling ilagay
lamang ang pamagat, maikling mga patunay at ngalan ng mga mananaliksik.
Para sa nais na sumangguni tungkol sa saliksik, maaaring makipag-ugnayan
gamit ang mga address ng kanilang e-mail.)

61
Pamagat Patunay ng pagiging
Isinapraktikang Pananaliksik

Pagtataya sa Antas ng Pag-unawa Ginamit ang isang standardized


sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa test sa maunawang pagbasa upang
Kolehiyo Tungo sa Mabisang mataya ang antas ng pag-unawa sa
Pagtuturo ng Filipino ni Norbert pagbasa.
Calinggan Lartec ng University of
Cordilleras, nclartec@yahoo.com

Assesment ng Programa sa Ibinatay ang pag-aaral sa konsepto


Pagtuturo ng Filipino para sa ni Cohen (1994).
Dayuhang Mag-aaral ng FEU: Isang
Basehan sa Paggawa ng Limang
Taong Plano ni Dr. Emmanuel
Signo Gonzales ng Far Eastern
University, manpoltaz@yahoo.com

Sampung Larong Pangklasrum Inilapat sa pag-aaral ang Flanders


bilang mga Alternatibong Lapit sa System of Interaction Analysis at
Pagtuturo ng Filipino ni Dr. Rogelio ang Systems Theory ni
L. Gahawan ng Xavier Universtiy- Zwaenepoel.
Ateneo de Cagayan,
rgawahan26@yahoo.com

Makikilala rin ang espisipikasyon ng terminong pananaliksik sa


pamamagitan ng iba’t ibang uri nito batay sa pamamaraan.
Ang pananaliksik ay maituturing na historikal, deskriptib o eksperimantal.
Ang pangkalahatang layunin ng tatlo ay maglarawan kaya lamang ang tugon ay
nagkakaiba.

Pamamaraan Tuon ng Pagkilala Halimbawa


ng Paglalarawan
Pananaliksik

Historikal sa naganap Sinisikap Bakas ng Subersiyon:


lamang na Martial Law at Dekado
ilarawan ang 70 ni Karl Christian
kondisyon o Alcover ng University
62
phenomena of Hawaii at Manoa,
karlchri@hawaii.edu.

Deskriptibo sa Sinisikap ding Diskurso at Pagtutol:


kasalukuyang ilarawan ang Naratibong
nagaganap kondisyon o Testimonyal sa silid-
phenomena. aralang pangwika ni
Noel Christian A.
Moralita ng St.
Scholastica College,
nomoral@yahoo.com

Eksperimental sa magaganap Nagkakaron Ang Filipino bilang


ng dayuhang wika sa
manipulasyon Malaysia: Pagtaya sa
sa kapaligiran kahusayan ng mga
upang Makita Estudyante ni Maria
ang Khristina S. Manueli ng
pagkakaiba at Theologische
epekto Hochscule Reutligen,
grupintar@yahoo.com

Kalikasan ng Pananaliksik
Makikilala ang paraan ng pananaliksik batay sa kalikasan nito. Ito ay
maituturing na kwalitatibo at kwantitatibo. Nakaangkla rito ang antas/eskala ng
panukat ng mga datos.

Kalikasan Uri Datos/ Mga Baryabol Pagkilala


Antas ng
Eskala sa
Pagsukat

Kwalitatibo Nominal/ Kasarian, kulay, tipo Ang datos na ito


ng dugo, relihiyon, ay walang tiyak na
Kategorikal bansa at ilan pang ranggo. Pantay
63
klasipikasyon ang inilalahad ng
mga baryabol.
Gagamitan ng
coding kung
bilang ang
nakuhang datos.

Ordinal Edukasyon, May ranggo ang


katayuang sibil, mga baryabol na
klasipikasyon sa kaugnay rito.
paaralang Gagamitin ang
sekondarya coding kung
bilang ang
nakuhang datos.

Kwantitatibo Interval Iskor, temperatura sa Walang tiyak na


antas Celsius at pinagmulang zero
Fahrenheit, blood (0).
pressure

Ratio Temperatura sa May tiyak na


antas Kelvin, edad, pinagmulang Zero
weight, height, oras, (0).
balance sa bangko

Inilahad ni Merriam sa Garcia at Reganit (2010), ang pagkakaiba ng


kalikasan ng pananaliksik batay sa iba’t ibang aspekto. Gawing gabay ang matrix
na nasa ibaba.

KWANTITATIBO KAIBAHAN KWALITATIBO


obhetibo Gampanin ng suhetibo
Mananaliksik

bilang Tuon kalikasan at halaga

pagsubok sa hipotesis Layon pag-unawa,


paglalarawan,
pagtuklas, pagbuo ng
hipotesis

natukoy na sa umpisa at Disenyo maaaring magpabago-


nakaugnay sa estruktura bago

Artipisyal Lunan natural, pamilyar

64
Kwantitatibo Kwalitatibo

Sarbey Ito ay Case Study Nilalayon ng gawaing ito


malaki, pinili nang random at Sampol maliit, hindi random,
pinakagamiting na idokumento saka
kinatawan teoretikal
disenyo na pag-aralan ang isang
binuong naglalayong
instrumento Pagkalap ng Datossitwasyon/suliranin sa
mula sa mananaliksik,
tiyakin at
(eskala, pagsusulit,sarbey, pamamagitan ng mga
panayam, pagmamasid
talatanungan pulsuhan ang gawaing pagmamasid,
pananaw at pagtatala at pagsusuri.
Pasaklaw damdamin ng Pagsusuri Ang awtput
Pabuoday tugon sa
partikular na kaso/problema.
Tiyak populasyon o Natuklasan komprehensibo,
sampol tungkol holistiko, may
sa isang pagpapalawak
phenomena o
paksa.

Longitudinal Ito ay Biyograpikal Nilalayon ng gawaing ito


pangmatagalang na Pag-aaral na idokumento ang mga
pag-aaral na detalye ng buhay ng
naglalayon ding isang tao batay sa
alamin ang personal na
perspektiba at pakikipanayam.
damdamin ng
mga tiyak na
tagatugon
tungkol sa isang
phenomena o
paksa.

Correlational Nais palutangin Content o Ito ay pagsusuri ng


sa disenyong ito Documentary teksto at konteksto. Ito
ang kaugnayan Analysis ay kombinasyon ng
ng mga baryabol gawaing pagbabasa,
na ginamit na pakikipanayam at
sentro ng pag- pagmamasid (may
aaral. triangulation) at iba
Nilalapatan ito pang paraan.
ng pagsubok sa
inilatag na
hipotesis.

Experimental Ugnayan naman Etnograpiya Ang disenyong ito ay


ng sanhi at naglalayong ilahad ang
bunga ang nais holistikong larawan ng
na matukoy sa isang sitwasyon sa
disenyong ito. pamamagitan ng iba’t
Sinusubok din ibang pamaraan.
ang hipotesis na Isinasagawa rin ang
inilahad. triangulation upang
matiyak ang
Evaluative Ang layon ng consistency ng resulta.
disenyong ito ay
65
tayahin
(maaaring ang
bisa) ang isang
phenomena o
paksa.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang disenyo ng pananaliksik ay kumakatawan sa plano na ginagawang
gabay sa paraan ng pangangalap ng mga datos.
Mahalagang matukoy ang uri ng datos (eskala ng pagsukat) upang
matiyak ang uri ng disenyong gagamitin.
Dagdag pa, isaalang-alang din ang kalikasan ng datos na susuriin at mga
inilahad na mga kaugnay na suliranin (Garcia at Reganit, 2010).
Narito ang mga gamiting disenyo para sa kwalitatibo at kwantitatibong
pananaliksik.

Populasyon at Sampol
Ang populasyon ay tumutukoy sa kabuuang bilang na gagamitin sa
pananaliksik. Sa mga saliksik na gagamitin nito, hindi na kailangan ang
pagsubok sa hipotesis. Ito ay tatawaging sensus kapag tiyak na bahagi na ng
saliksik.
Samantala, ang sampol ay bahagi lamang upang katawanin ang
populasyon. Sa mga saliksik na gagamitin nito, kailangan ang pagsubok sa
hipotesis.
Kung hayag ang kabuuang bilang ng populasyon, maaaring gamitin ang
pormula ni Slovin bilang paraan ng pagkuha ng sampol o tinatawag na sampling.
Pormula:
n=N /1+Ne²
na ang
n- kukuning sampol
N-kabuuang populasyon
e-margin of error/palugit para sa pagkakamali (1%hanggang 5%)

Halimbawa:
Ang kabuuang bilang ng mga nakapagtapos ng Teacher Education
Program sa Taong Panuruan ng 2012 ay 897. Gamit ang pormula ni Slovin, ilan
ang kukuning sampol? Gagamitin ang 5% na palugit ng pagkakamali
n- ?
N- 897
e- 5%

n= N/1+ Ne²
66
n= 897/1+897(.05) ²
n= 897/1+897(.0025)
n= 897/1+2.2425
n= 897/3.2425
n= 276.63
n= 277

227 ang kukuning sampol mula sa mga nakapagtapos ng Teacher Education


Program.
Ginagamit ang sampol sapagakat mas mabilis at mapagkukunan ng
komprehensibong impormasyon upang katawanin ang buong populasyon.

Pagkuha ng Sampol

May dalawang batayang uri ng pagkuha ng sampol. Ito ay kinabibilangan


ng non probability at probability sampling.

Non-probability Probability

Ito ay suhetibo. Pinipili ng Ito ay pagpili sa paraang random.


mananaliksik ang sampol batay sa Tinityak na ang lahat ng kabilang
kanyang nais o saanman nila sa populasyon ay may pantay na
matatagpuan. Ito ay tinatawag ding pagkakataong mapili o mapasama
hindi siyentipiko. Hindi lahat ng bilang sampol. Siyentipiko ang
kabilang sa populasyon ay may maaaring itawag sa paraang ito.
pagkakataong maging bilang ng
sampol.

Accidental Sa uring ito, Simple Random Mula sa


kinukuha ang mga nakuhang
sampol batay sa bilang ng
preperensiya ng sampol
sinumang may (ginagamit ang
kinalaman sa p ormula ni
pananaliksik. Slovin),
Sinuman ang maaaring
nariyan ay kunin ang
maaaring gawing ngalan ng
sampol. lahat ng
kasangkot
saka bunutin
ang tiyak na
bilang ng mga
67
sampol mula
sa mga iyon.

Purposive Tiyak o partikular Systematic Sistematiko


na kinukuha ang ang pagpili
mga sampol batay sapagkat
sa kahingian sa tinitiyak ang
saliksik. Sinuman pagbilang sa
ang pakay ay hanay ng mga
ginagawang ngalan ng mga
sampol. tagatugon na
nakaayos sa
paraang
kronolohikal o
paalpabeto.
Bago
maisagawa ito,
kinakailangang
kunin ang
sampling
interval upang
matukoy ang
pagbilang sa
hanay ng mga
pangalan.

Convenience Ang paraang ito Stratified Ang bawat


ay nakabatay sa strata ay
mabilis na paraan kumakatawan
o midyum na sa pangkat. Ito
magagamit ng ay ginagamit
mananaliksik sa
upang maabot populasyong
ang tagatugon nahahati sa
( respondents). tatlo o higit
pang pangkat.
Nilalayon
nitong maging
proporsyon
ang
makukuhang
sampol sa
bawat
68
pangkat.

Halimbawa ng paggamit ng sistematikong paraan:


Sa 897 na bilang ng mga nagtapos ng Teacher Education Program, 277
ang kukuning sampol mula sa ginamit na pormula ni Slovin. Kung gagamitin ang
sitematikong paraan, kailangang malaman ang bilang sa bawat hanay ng mga
pangalan.
Ito ang gagamiting pormula.
K = N/n
na ang
K – sampling interval
N- populasyon
n- sampol

K = 897/277
= 3.24
= 3

Sa tuwing ikatlong (3) pagbilang sa tala ng mga ngalan ang kukuning


sampol. Ito ay nagaganap hanggang sa makuhang lahat ang 277 na sampol.
Halimbawa ng paggamit ng stratified na paaran:
Ipagpalagay na ang kabuuang populasyon ng College of Education ay
mahahati sa mga sumusunod na bilang sa bawat medyor:
 Computer 35
 English 20
 Filipino 100
 Social Studies 16
Kabuuan 171
Kunin muna ang bilang ng gagamiting sampol sa pamamagitan ng pormula ni
Slovin.
Mula sa pormula, nakatakdang kunin ang 120. Isinagawa ang kaayusang
proporsiyon sa bawat strata.

Medyor Populasyon Sampol

Computer 35(35/171) (120) 25

English 20(20/171) (120) 14

69
Filipino 100 (100/1710(120) 70

Social Studies 16(16/171) (120) 11

Kabuuan 171 120

Mula sa 120 na sampol, dalampu’t lima (25) ay medyor sa Computer,labing-apat


(14) sa English, pitumput (70) sa Filipino at labing-isa (11) sa Social Studies.

Saliksikin Mo

MOawain
Muling dalawin ang silid-aklatan o anumang site sa internet. Magbasa ng
mga tesis o disertasyon kaugnay ng iyong aprubadong titulo. Basahin at unawain
ang ikatlong kabanata saka bumuo ng banghay batay sa pormat na nasa ibaba.
I.Pamagat at ngalan ng mananaliksik

II.Lagom ng Pamamaraan ng Pag-aaral

Sikapin ding pag-aralan ang gampanin ng Statistical Package for Social Science
(SPSS) sa pagpapagaan ng gawaing pagpapahalagang estadistikal sa
pananaliksik.

Aralin 1
Ano-ano ang mga Banta o Threats sa Baliditi sa mga
Disenyong Eksperimental?
Ang eksperimento ay balido kung ang mga resultang nakuha ay bunga lamang
ng manipulasyon ng malayang baryabol at kung pwedeng iaplay sa iba pang
mga panloob na baliditi ay tumutukoy sa kondisyon na ang mga naobserbahang
pagkakaiba sa di malayang baryabol ay direkta o tuwirang resulta ng
manipulasyon ng malayang baryabol at hindi ng iba pang baryabol (Gay, 1976).
70
Para matiyak ang internal na baliditi, maaari mong itanong ang mga
sumusunod:
1. Talaga bang nagbunga ng pagbabago ang experimental treatment sa
di-malayang baryabol?

2. Talaga bang nakagawa ng makabuluhang pagkakaiba ang malayang


baryabol?

Ano-ano ang mga Banta sa Internal na Baliditi?


Inisa-isa nina Campbell at Stanley (1963) ang mga sumusunod na hadlang:
a. Kasaysayan
Ito ay tumutukoy sa ilang tiyak na mga pangyayari na nagaganap sa
pagitan ng una at pangalawang pagsukat sa di malayang baryabol na maaaring
maging sanhi ng mga pagbabago sa di malayang baryabol. Halimbawa, kung
sinusukat mo ang mga saloobin bilang resulta ng iyong pag-aaral, at sa pagitan
ng mga pagsukat ang iyong mga kalahok ay nakikinig sa nagsasalita tungkol sa
mga saloobin na iyong sinusukat. Sa ganito, ang mga palagay o saloobin ng mga
mag-aaral ay maaaring magbago hindi dahil sa iyong eksperimento kundi dahil
sa nagsasalita.
b. Maturation
Minsan sa pagitan ng mga pagsukat ang mga kalahok ay maaaring
dumaranas ng mga pagbabagong pisikal o mental. Ito ay maaaring makaapekto
sa kanilang performance sa pagsukat ng di-malayang baryabol at ang internal na
baliditi rito ay apektado.
c. Pagsusulit
Kung ang pag-unlad ng performance ng kalahok sa di malayang baryabol
ay bunga ng pretest at hindi ng experimental treatment ang internal na baliditi ay
nalalagay sa panganib. Ang isang paraan para makontrol ito ay sa pamamagitan

hindi pagbibigay ng pretest. O maaaring gumamit ka ng ibang uri ng pagsusulit


para sa post test. Ito ay ginagawa para mapataas ang internal na baliditi.
d. Instrumentasyon
Ang banta sa internal na baliditi ay nagaganap sa mga sumusunod na
sitwasyon.
1. Kung ang pretest at post test ay hindi magkasinghirap.
2. Kung essay tests ang ginagamit na panukat at ang pagmamarka sa dalawang
pagsusulit ay pabagu-bago
71
3. Kung ang pakikipanayam ay ginagamit para sukatin ang pakinabang (gains) at
ang pamilyaridad sa interbyu ay nakakaapekto sa pangalawang pakikipanayam.
4. Kung pagmamasid ang ginagamit bilang panukat at ang mga nagmamasid ay
maaaring magpalit ng kanilang paraan ng pretest o post test treatment.
5. Kung ang mekanikal na instrumento ang ginagamit para sukatin ang
pakinabang at hindi ito maging epektibo.
e. Statistical Regression

Ang bantang ito sa internal na baliditi ay nagaganap kung ang mga


kalahok na napili ang siyang nakakuha ng pinakamababa at pinakamataas na
marka sa pretest. Ang gawi ng mga marka sa posttest ng mga kalahok ay
magbalik patungko sa "mean" kahit walang benepisyo ng treatment. Ang mga
matatalinong mag-aaral ay may tendensi na makakuha ng mababang marka at
ang mga mahihinang mag-aaral ng matataas na marka. Ipinaliwanag nina
Campbell at Stanley (1963) na ito ay hindi maiiwasang bunga ng hindi ganap na
pagkakaugnayan ng pretest at posttest para sa mga pangkat na pinili para sa
kanilang extremity.
f. Seleksyon
Ito ay nagaganap kung ang mga kalahok ay pinili nang papangkat at hindi
isa-isa. Ipagpalagay na pumili ka ng isang klase bilang pangkat na eksperimental
at isa pang klase bilang kontrol. Ang dalawang grupo ay maaaring hindi totoong
magkapareho dahil ang indibidwal na mga katangian ay hindi isinaalang-alang.
g. Mortaliti
Ito ay tumutukoy sa mga kalahok na maaaring umayaw/tumiwalag sa
eksperimento. Ang mga kalahok na naiwan para ipagpatuloy ang eksperimento
ay maaaring iba na kaysa sa unang grupo na buo at kinabibilangan ng mga
umalis. Ang pag-aaral ay mawawalan ng internal na baliditi.
h. Interaksiyong Selection-Maturation-atb.
Ang salitang atb. ay maaaring tumutukoy sa mga dahilan tulad ng
kasaysayan at pagsusulit subalit maaari ring makiinteract sa seleksyon, pero

naniniwala si Gay (1976) na ang seleksyon at maturation ang karaniwang nag-


iinteract. Ang interaksiyong seleksyon-maturation ay nagaganap kung ang isang
grupo ay mas higit na napapaboran dulot ng treatment o ito ay may pauna nang
kapakinabangan dahil sa mga dahilang tulad ng mga salik na maturation,
kasaysayan o pagsusulit.
Ano-ano ang mga Banta sa Eksternal na Baliditi?

72
Ang eksternal na baliditi ay tumutukoy sa kalagayang ang mga resulta ay
maaaring ilapat sa mga grupo at kapaligiran na labas sa seting na eksperimental.
Ito ay nagpapahiwatig na ang mga resulta ng pag-aaral, ang napatotohanang
ugnayang sanhi-bunga, ay maaasahang mapapatotohanang muli sa ibang grupo
sa ibang lugar at ibang panahon, hangga't ang mga kondisyon ay katulad ng sa
orihinal na pag-aaral.
Ang mga sumusunod ay may tiyak na mga salik na nagiging banta sa
eksternal na baliditi.
a. Interaksyon ng Pretest-treatment
Ito ay nagaganap kung ang mga kalahok ay lumalabas na iba o hindi
naaayon sa dapat na treatment dahil sa sila ay nabigyan na ng paunang
pagsusulit (pretested). Ang pretest-treatment interaksiyon ay maaaring taglay ng
mga mature at lubhang sensitibong estudyante na nakahihiwatig ng relasyon at
pagkakaugnay ng pretest at ng treatment.
b. Interaksyong Selection-Treatment
Ito ay tumutukoy sa mga sitwasyon na ang mga grupong napili ay hindi
kumakatawan sa populasyon na kailangan sa eksperimento. Ang
"nonrepresentativeness" o hindi pagkakinatawan nito ay maaaring humantong sa
mga resulta na angkop lamang para sa sampol na eksperimental at sa gayon ay
hindi maaaring ituring na panlahat.

c. Katiyakan ng mga Baryabol

Ito ay tumutukoy sa katotohanan kung ang isang pag-aaral na ginawa ay


may tiyak na uri ng kalahok, gumamit ng tiyak na instrumento, isinagawa sa tiyak
na panahon/oras sa ilalim ng tiyak na takdang mga pangyayari. Iminungkahi ni
Gay (1976) na para maiwasan ang suliraning ito dapat na: (1) ipaliwanag ang
operasyonal na kahulugan ng mga baryabol sa paraang ito ay may kahulugan na
labas sa seting na eksperimental; (2) mag-ingat sa pagbuo ng mga konklusyon
at paglalahat.
d. Kaayusang Reactive
Ito ay tumutukoy sa pagiging artipisyal ng seting na eksperimenta at
pagkaalam ng mga kalahok na sila'y kasali sa eksperimento. Ipinapayo nina

Campbell at Stanley (1963) na kung hindi rin lang kailangang-kailangan ay


huwag nang ipaalam sa mga kalahok na sila’y kasali sa eksperimento. Kapag
hindi pantay na treatment ang nagaganap, ang mga resulta ng pag-aaral ay
maaaring hindi magpakita ng epekto ng treatment at sa gayon, ang eksternal na
baliditi ay nanganganib.
e. Multiple-Treatment Interference
73
Ito ay nangyayari kung ang parehong kalahok ay tumatanggap ng higit sa
isang treatment kaya’t mayroong carry-over mula sa isang treatment patungo sa
susunod. Samakutuwid, ang pagsukat sa huling treatment ay mahirap dahil sa
carry-over na ito. Pinapayuhan kang bawasan ang multiple-treatment
interference sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na panahon o oras sa
pagitan ng mga treatment.

Paano Makokontrol ang mga Extraneous Variable?


A. Randomisasyon
Kapag pipili ng mga kalahok para sa pangkat na eksperimental dapat
kang bumuo ng isang sistema na mag-aalis ng iyong bias o personal na
paghuhusga sa pagpili. Sinabi ni Kerlinger (1973) na ang randomisasyon ang
tanging paraan para makontrol ang lahat ng posibleng extraneous variables.
Ang randomisasyon ay dapat gamitin saan man posible; ang mga kalahok
ay dapat na maitakda nang pa-random sa mga grupo saan man posible; ang
treatments ay dapat na maitakda nang pa-random sa mga grupo saan man
posible; at anumang bagay ay dapat na itakda nang pa-random.

B. Tambalan (Matching)
Sa eksperimental na pananaliksik kinikilala mo ang mga baryabol na
malaki ang pagkakaugnay sa di malayang baryabol o ang kinalabasan ng iyong
imbestigasyon. Batay sa mga baryabol na ito, pinagpapareho mo ang mga grupo
sa pamamagitan ng pa-ramdom na pagtatakda ng mga pares-pares na
miyembro, isang miyembro sa bawat grupo. Ang bawat posibleng kalahok ay
hinahanapan ng katapat na kalahok na may kapareho o kamukhang iskor sa
kontrol na baryabol o ang baryabol na batayan ng tambalan.

Si Ary at ang iba pa niyang mga kasama (1972) ay nagmumungkahi ng


tatlong paraan ng tambalan.

1. Tao sa Taong Tambalan – dito ay humahanap ka ng mga tao na may


pagkakahawig o pareho sa baryabol (na tinutukoy) at itinatakda mo sila nang pa-
random sa mga grupo.

2. Pagtatambal ng mga Grupo (Matching Groups)- sa mas malalaking


populasyon, ang mga grupo ay pinagtatambal batay sa baryabol. Sinasabi na
74
ang dalawang pangkat ay pareho batay sa mean at mga estandard deviation ng
mga iskor na ginamit sa pagsukat ng baryabol.
3. Pamaraang Ranking (Ranking Method) – ang karaniwang paraan ng
pagsasakatuparan nito ay sa pamamagitan ng pagraranggo ng lahat ng mga
kalahok batay sa mga iskor na nakuha. Mula sa listahan ng order ng ranggo, ang
unang dalawang kalahok ay binubunot. Ang proseso ay tuloy-tuloy hanggang sa
ang lahat ng mga kalahok ay maitakdang lahat o hanggang sa makompleto ang
kailangang bilang ng mga kalahok.
C. Magkakatulad na Pangkat (Homogenous Groups)
Ang iba pang paraan ng pagkontrol sa extraneous variable ay sa
pamamagitan ng pagkukumpara ng mga grupo na magkakatulad o
homogeneous. Kung ang kakayahang mental (IQ) ay makakaepekto sa resulta
ng pag-aaral, gumamit ka ng mga kalahok na pare-pareho ang antas ng IQ.
Gayon pa man ang magkakatulad na pagpili (homogeneous selection) ay
mayroon ding kahinaan. Ang mga resulta ng pag-aaral ay limitado lamang sa
mga kalahok na kasali at ang paglalahat ng mga resulta ay kulang o hindi sapat
dahil isa lamang antas ng baryabol ang ginamit.
D. Paggamit ng mga Kalahok Bilang Sarili Nilang Kontrol
Ito ay paggamit ng pare-parehong kalahok para sa treatments. Kung may
tatlong pamaraan ng pagtuturo na susubukin, ang lahat ng kalahok ay tatanggap
ng tatlong treatments isa-isa sa iba’t ibang order o kaayusan.
E. Pagsusuri ng Analysis Covariance (ANCOVA)
Ipinaliwanag ni Gay (1976) na inaayos ng ANCOVA ang mga iskor sa di
malayang baryabol tulad ng mga iskor sa pretest, IQ, kahandaan sa pagbasa, o
kakayahang pangmusika.
Ang ANCOVA ay isang istatistikal na pamaraan para suriin ang mga
pagkakaiba-iba ng mga grupong eksperimental sa di malayang baryabol
pagkatapos maisaalang-alang ang anumang naunang pagkakaiba-iba ng mga
grupo sa mga iskor sa pretest o iba pang makabuluhang baryabol na malaya.
Halimbawa, kung imposibleng piliin ang mga kalahok nang paisa-isa at sa halip
ay pinili mo ang buong klase para makabuo ng mga grupo, maaari mong
makontrol ang extraneous variable sa paggamit ng ANCOVA sa sinuman
pagkatapos ng eksperimento.

Aralin 2
Ano-ano ang Iba’t Ibang Disenyong Eksperimental?
Sinasabi na walang perpektong disenyong eksperimental pero dapat
kang mag-eksperimento dahil sa ito ang tinataguriang pinakasiyentipikong
75
pamaraan. Ang kasunduang ito ay nangangailangan ng paglalaan ng sapat na
pagkokontrol habang pinapanatili ang sapat na realismo upang ang mga resulta
ay mas maging generalizable.
Pinangkat-pangkat nina Campbell at Stanley ang mga disenyong
eksperimental sa nag-iisang barybol (single variable) at disenyong paktoryal
(factorial designs).pinagbubukud-bukod din nila ang mga disensyong
eksperimental sa pre-experimental, true experimental, at quasi-experimental
design.Sinasabi ni Gay na ang mga pre-experimental design ay hindi gaanong
kumokontrol ng mga banta o threat baliditi at dahil dito, ay dapat na
iwasan.Ginagamit ito ng ilang mananaliksik sa balidasyon ng mga pagsusulit o
sa pagsubok sa mga dinebelop ng mga kagamitan sa pagtuturo. Ang true-
experimental design ay may mas mataas na antas ng pagkontrol at dapat na
piliin. Ang mga quasi-experimental design ay hindi makokontrol ng extraneous
variable na katulad ng true experimental design pero ang mga ito ay mas
maahusay kaysa pre-experimental designs.
Nagbigay si Gay (1976) ng listahan ng mga mungkahi sa mga nag-
eeksperimento tulad ng mga sumusunod:
a. Kung pipili ka sa quasi experimental design o true experimental
design piliin ang huli,
b. Kung papipiliin ka sa quasi experimental design at pre-experimental
design piliin ang una.
c. Kung papipiliin ka sa pre-experimental design o sa hindi
pagsasagawa ng pag-aaral, huwag mo nang isagawa ang pag-aral.

Mga Disenyong Pre-Experimental

Disenyo Blg. 1. Ang One-Spot Case Study


X O
Kung saan ang X = treatment
O = posttest

Ang one-shot case study ay binubuo lamang ng isang grupo na binibigyan


ng treatment (X) at pagkatapos ay bibigyan ng posttest (O). Ito ay walang kahit
na anong kontrol.

76
Disenyo Blg. 2. Ang One-Group Pretest-Posttest
Design
O1 X O 2
Kung saan ang O1 = pretest
×= treatment
O2 = posttest
Itinuturing na mas mahusay kaysa disenyo Blg. 1. Ang disenyong ito ay
binubuo ng isang grupo na may mga pre at post test. Ang banta sa internal na
baliditi ay maaaring kasaysayan , maturation, pagsusulit, instrumentasyon at
statistical regression.

Disenyo Blg. 3. Ang Static-Group Comparison

X _ 01_
02
Kung saan ang ×=¿ treatment
01 = experimental na posttest
02 = control posttest
…. mga pangkat na hindi binubuo nang paramdom.

Ito ay disenyo kung saan ang isang grupo na nabigyan na ng X ay


inihahambing sa isang grupo na hindi nabigyan ng X, para sa layuning
mapatunayan ang epekto ng X. Ang disenyo ay may dalawang grupo, isang
eksperimental, at isang kontrol at parehong binigyan ng posttest. Ang banta sa
internal na baliditi ay ang maturation, mga interaksyon seleksyon at mortaliti.

Disenyong True Experimental


Ang true experimental design ay pumipigil sa halos lahat ng pinagmulan
ng internal at external na baliditi. May isang malinaw at hindi mapag-
aalinlangang katangian ang mga ganitong disenyo at ito ay randomisasyon. Ito
ay mayroon ding kontrol na grupo.
77
Disenyo Blg. 4. Ang Pretest-Posttest Control
Group
R O1×O2
R O3 04
Kung saan ang R = random assignment
O1 = experimental pretest
O3 = control pretest
O2 = experimental posttest
O4 = control posttest
× = Treatment

Ang disenyong ito ay may dalawang grupo, parehong nabuo sa


pamamagitan ng ramdom na pagtatakda. Ang dalawang grupo ay parehong
binigyan ng pretest at post test pero isang grupo lamang ang binigyan ng
experimental treatment. Ang mga banta sa internal na baliditi ay nahahadlangan
sa pamamagitan ng pangalawang grupo.
Disenyo Blg. 5. Ang Solomon Four-Groups Design
R O1× O2
R O3 O4
R × O5
R O6
Ang disenyong ito ang siyang may pinakamataas na prestihiyo dahil ito ang
may pinakamataas na baliditi. Ito ay karungtong o ang pagpapatuloy ng pretest-
posttest control group design. Ang totoo, ito ay kumbinasyon ng pretest-posttest
control group design at posttest-only control group design. Dalawang grupo ang
binigyan ng pretest at posttest, apat na grupo ang binigyan ng posttest,
dalawang

grupo ang may treatment, at dalawang grupo ang walang experimental


treatment. May apat na paghahambing ang ginawa.

1. 01 at 02
78
2. 02 at 04

3. 05 at 06

4. 03 at 05
Ang dalawang malayang baryabol ay ang treatment variable at ang
pretest variable.
Samantalang mas higit na pinipili ang ganitong disenyo ito ay may
kahirapan aaring walang sapat na kalahok para mabuo ang apat na grupo.
Pagsusuri ng mga datos – ang mga datos na nililikha ng disenyong ito ay
sinusuma sa pamamagitan ng paggamit ng two-way analysis of variance
(ANOVA)sa mga iskor sa posttest. Ang mga resulta ng komputasyon ay sinusuri
gaya ng mga sumusunod:

1. Kung ang posttest mean ng pangkat experimental ay mas higit na


mataas kaysa sa mean ng unang pangkat kontrol at kung ang posttest mean ng
kontrol ay mas mataas at makabuluhan kaysa pangalawang pangkat kontrol,
may ebidensya na ang experimental treatment ay epektibo.

2. Kung ang karaniwang pagkakaiba ng iskor sa posttest ng pangkat at ng


unang pangkat kontrol at ng pangalawang pangkat kontrol at pangatlong pangkat
kontrol ay pareho, ang eksperimento ay dapat nagkaroon ng magkatulad na
epekto sa mga unang binigyan at hindi binigyan samakatwid ng pretest.
Ginamit ni Cinco (1981) ang Solomon Four-Group Design, sa pag-
iimbestiga ng mga epekto ng group counselling sa personalidad,gawi at kilos ng
mga mag-aaral na may problemang behebyoral sa Ikaapat na Baitang. Bumuo
siya ng apat na grupo ng mga kalahok.- dalawang eksperimental, ang isa ay may
pretest ang isaay walang pretest; at dalawang grupo na may walang treatment,
ang isa ay may pretest at ang isa ay walang pretest.
Ang unang pagsusuri sa mga datos ay ang komputasyon ng labing-apat
(14) na two-way ANOVA kung saan ang mga iskor sa posttest ang siyang
gagamitin. Dahil sa ang F Values para sa main at interactive effects sa pretesting
ay hindi

makabuluhan, sinuma ni Cinco ang analysis of covariance ng mga iskor sa


posttest ng una at ikalawang grupo kasama ang mga iskor sa pretest ng
dalawang grupo bilang co-variate.

79
Ang iba pang malayang baryabol na ginamit ay ang gawi at kilos ng mga
kalahok. Dahil sa ang mga datos ay ordinal at ang mga iskor ay pinagpares, siya
ay gumamit ng Wilcozon Matched Pairs Signed Ranks Test para matiyak kung
may kabuluhan ang mga pagkakaiba ng mga rank. Kung ang correlated t-test
ang ginamit para malaman ang pagkakaia-iba ng mga means ng dalawang
magkaugnay na sampol sa paggamit ng datos na interbal, ang Wilcozon Test ay
nagsasagawa ng gayon ding tungkulin sa paggamit ng ordinal na datos.

Disenyo Blg.6 Ang Posttest-Only Control Group


Design

R X 01
R 02
Kung saan ang R = random assignment
X = treatment
O1 = experimental posttest
O2 = control posttest
May dalawang grupo sa disenyo, ang isa ay tumatanggap ng experimental
treatment; ang dalawang grupo ay binigyan ng posttest pero hindi binigyan ng
pretest. Ito ay karaniwan o malimit na maipagmalaki sa Disenyo Blg. 3 pero ang
pagkakaiba nito sa huli ay sa randomisasyon. Ang Disenyo Blg. 6 ay itinuturing
na huling dalawang grupo ng Solomon Four-Groups Design.
Pagsusuri ng mga datos – iminumungkahi ni Campbell at Stanley ang paggamit
ng T-test, independent T-test para paghambingin ang dalawang malaya o
magkaibang grupo ( independent groups).
Mga Disenyong Quasi-Experimental
Disenyo Blg. 7. Ang Experimentong Time Series

01 02 03 04 X 0 5 06 07 08
Ang time-series ay isang elaborasyon ng one-group, pretest-posttest
design. Ito ay may isa lang grupo na binigyan ng pretest nang apat na ulit at
pagkatapos,

ang grupo ring ito ang binigyan ng posttest nang apat na ulit. Ang bilang ng
beses ng pretesting at posttesting ay maaaring mas higit pa pero sa sinundang
80
halimbawa ay mayroon lamang tig-aapat. Ang multi-testing ay pumipigil sa
maturation testing at regresyon na mga banta sa internal na baliditi. Ang pretest-
treatment interaction ay maaari ring maging suliranin sa baliditi.
Iminumungkahi ni Gay (1976) ang iba’t ibang disenyo ng time-series na
may kasamang pangkat kontrol. Ang pagkakaiba-ibang iyon ay nag-aalis sa
kasaysayan at instrumentasyon bilang banta sa validiti.
O1 O2 O3 O4 X O5 O6 O7 O8
O 1 O2 O3 O4 X O5 O6 O7 O8
Pagsusuri ng mga datos – ang pagsusuri ng mga datos mula sa time-series
experiment ay kinapapalooban ng pag-aaral ng hulwaran (pattern) ng mga iskor
sa pagsusulit na nakuha ng mananaliksik (Gay.1976).
Nasa ibaba ang diagram na nagpapakita ng hulwaran ng mga iskor sa
pagsusulit.

Iskor sa
Dependent
c/o ART
variaable

Pretest × Posttest
score score

Ang patayong guhit sa pagitan ng O 4 at O5 ay kumakatawan sa


treatment (X). Ang hulwaran A ay hindi nagpapakita ng epekto ng treatment dahil
sa maliwanag na kahit noong wala pang treatment ay mayroon nang matatag o
walang pagbabagong pagtaas ng mga iskor at hulwarang patuloy na tumataas
pagkatapos ng treatment, ang mga B AT C ay nagpapakita ng epekto ng
treatment pero ang epekto ay mas permanente sa hulwarang C kaysa
hulwarang B. Ang mga iskor sa hulwarang D ay mali-mali at hindi maaaring
sabihin na ang pagbabago-bago ay dahil sa treatment.

81
Disenyo Blg. 8. Ang mga Disenyong Counter Balanced
Ang mga disenyong ito ay tumutukoy doon sa lahat ng experimental
treatment pero sa iba’t ibang pagkakasunud-sunod. Sinabi nina Campbell at
Stanley (1963) na ang mga ito ang tinutukoy ni McCall (1923) na rotation
experiments. Ayon naman kay Underwood (1949), ang mga ito ay ang
counterbalanced designs; cross-over designs naman ang tawag nina Cochram at
Lox (1954); samantalang itinuturing itong stand-over designs ni Kempthorne
(1952). Ang mga ito ay tinatawag nina Campbell at Stanley na kaayusang Latin-
Square.
______Panahon_______
1 2 3 4
Pangkat A X1O X 2O X 3O X 4O
Pangkat B X2O X 4O X 1O X 3O
Pangkat C X 3O X1O X4O X2O
Pangkat D X 4O X3O X2O X1O

Ang nabanggit na disenyo ay gumagamit lamang ng mga posttest dahil


hindi maaaring gumamit ng pretest ang suliranin.
Maaaring baguhin ang ayos ng Latin square tulad ng sumusunod na paraan
bagama’t halos magkatulad ang dalawang disenyo.

X1 X2 X3 X4
Pangkat A t 1O t2O t3O t4O
Pangkat B t 3O t1O t4O t2O
Pangkat C t2O t4O t 1O t 3O
Pangkat D t4O t3O t 2O t 1O

Kung saan ang t = pagkakasunud-sunod ng oras o panahon


Isang kahinaan ng disenyong Latin Square ang pakikialam (interference) ng
maramihang treatments. Samaktuwid, dapat lamang itong gamitin kung ang
isang treatment ay di makasasagabal sa iba pang mga treatment. Ang eksposyur
sa isang treatment ay di dapat makaaapekto sa ebalwasyon ng kabisaan ng iba
pa.

82
Pagsusuri ng Datos
Inirerekomenda ni Gay (1976) ang paghahambing ng katamtamang
pagganap (average performance) ng mga pangkat sa bawat treatment upang
matiyak ang kabisaan ng mga treatment. Ang mga iskor sa posttest para sa lahat
ng mga pangkat sa unang treatment ay maaaring ihambing sa mga iskor sa
posttest ng lahat ng mga pangkat para sa ikalawang treatment at iba pa.
Ginamit ni Campo (1981) ang kaayusang Latin-square sa kanyang
imbestigasyon ng tatlong treatment graphic, sintaktik at semantik, at maramihang
hudyat sa kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Ikaanim na Baitang. Ang
analisis ng datos ay binubuo ng pagsusuma ng analysis of variance para sa
kumplikadong disenyong Latin-square upang alamin kung ang mga sumusunod
na baryabol ay posibleng hanguan ng baryans: 1. Kakayahan 2. Treatment
3. Ayos ng presentasyon , at 4. Interaction effects. Gayundin, gumamit siya ng
mga t-test para sa higit na tiyak na pangkatang mga pagkakaiba.
Disenyo Blg.9. Ang Disenyong Nonequivalent Control
Group
Ang disenyong ito ay itinuturing na isa sa pinakagamiting disenyo sa
edukasyonal na pananaliksik. Binubuo ng dalawang grupo, ang disenyo ay
nagbibigay ng pretest at posttest sa bawat grupo subalit isa lang ang
tumatanggap ng treatment. Sinabi nina Campbell at Stanley na may dalawang
bagay na dapat isaisip tungkol sa disenyo: 1. Ang nonequivalent control group
design ay hindi dapat ipagkamali sa Disenyo 4, ang Pretest-Posttest Control
Group Design, kung saan ang mga kalahok na itinatakda o pinapangkat nang pa-
ramdom mula sa karaniwang populasyon tungo sa eksperimental at control na
mga grupo. at, 4. Ang non-equivalent design ay dapat kilalanin din na kapaki-
pakinabang sa maraming pagkakataon na imposibleng gamitin.
Ipinalalagay na ang mga grupo ay magkatulad subalit kung may natukoy
na epekto ng extraneous variables, ang pagsusuri ng covariance ay maaaring
gamitin.
Factorial Design
Karaniwan ang mga factorial designs ay mga ektensyon o pagpapalawak
ng true experimental design. Ang mga disenyo 4 hanggang 6 ay ginawang
factorial sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas higit pang mga grupo para
mabigyan-pansin ang mas marami pang treatment at baryabol. Ang mga
disenyong ito ay nagpapahintulot sa iyo bilang mananaliksik na sukatin hindi
lamang ang main effect ng bawat malayang baryabol sa di malayang baryabol
kundi gayon din ang mga interaction effect ng mga malayang baryabol na ito.
Ang terminolohiyang factorial ay nangangahulugan na dalawa o higit pang
malayang baryabol ang iniimbestigahan, na ang bawat baryabol ay may dalawa
83
o higit pang mga lebel. Kaya ang “2 x 3 factorial designs” ay may unang baryabol
sa dalawang lebel at pangalawang baryabol sa tatlong lebel. Isang halimbawa ng
ganitog disenyo ay ang eksperimento kung saan dalawang uri ng treatment ang
sinubok sa mga bata sa tatlong grupo ng kakayahang mental. Ang
pinakasimpleng factorial design ay ang pangkatang “2 x 2” na may kabuuang
apat na grupo.
Ang layunin ng factorial design ay maitaya kung ang mga epekto ng baryabol
na eksperimental ay generalizable sa lahat ng lebel ng baryabol na kontrol o
kung ang mga epekto ay tiyak sa bawat lebel ng baryabol na kontrol.

Ang bilang ng mga baryabol at lebel ay depende sa suliranin na


iimbestigahan pero bihira ang apat o higit pang factor ang pinag-aaralan dahil sa
mga sumusunod:
1. Ang pagmumungkahi ng higit pa sa tatlong factor na mangangailangan
ng higit pang kalahok ay maaaring mahirap makuha dahil sa iba’t
ibang lebel ng baryabol ang kakailanganin;
2. Ang istatistikal na analisis pagkatapos ng treatment ay magiging
maahirap sumahin sa dami ng main at interaction effect; at
3. Ang interaksyon ng dalawang baryabol ay madaling basahin pero ang
interaksyon ng tatlo o higit pa ay magiging mahirap nang bigyang-
kahulugan. Ipinaliwanag nina Campbell at Stanley na ang nasabing
interaksiyon ay maaaring walang kahulugan.

Pagsusuri ng Datos
Ang mga iskor na nakuha sa factorial design ng mga eksperimento ay
sinusuri sa pamamagitan ng paggamit ng analysis of variance (ANOVA). Ang
dami ng mga One Way ANOVA na susumahin ay matitiyak sa pamamagitan ng
bilang ng malayang baryabol na nakapaloob sa disenyo at posible rin sa
pamamagitan ng bilang ng di malayang baryabol. Gayunpaman ang main at
interaction effects ng mga baryabol ang magiging sentro ng pagsusuri.
Pinag-aralan ni Pulido (1977) ang mga epekto ng tatlong sistema ng
pagpapakain sa timbang ng mga malnourished na mga wawaluhing taong gulang
na mga batang lalaki at babae ng dalawang istatus na sosyo-ekonomik. Ang
malayng baryabol na kanyang ginamit ay ang treatment (tatlong lebel), kasarian
(dalawang lebel) at iskor na sosyo-ekonomik (dalawang lebel). Batay sa
disenyong ito, kanyang sinuri ang pagbabago sa timbang ng paggamit ng three-
way ANOVA o “3 x 2 x 2” – ang timbang ng di malayang baryabol .pagkatapos
na makuha ang bawat makabuluhang F, kanya pang isinailalim ang datos sa t-
test, para sa maramihang paghahambing.
84
Aralin 3
Ano ang Pananaliksik na Historikal?
Ang kasaysayan ay sangay ng kaalaman na nagtatala at nagpapaliwanag
ng mga nakaraang pangyayari bilang mga hakbang sa pagsusunud-sunod ng
mga pantaong Gawain. Sa pangkalahatan, ang kasaysayan ay kinapapalooban
ng ano mang panawagan sa nakaraang karanasan para makatulong sa pag-
alam kung ano ang dapat gawin sa kasalukuyan at sa hinaharap (Fox, 1969).
Ang mga historikal na imbestigasyon ay nakatutulong sa pagpapalawak ng
ating mga karanasan at pagiging higit na maunawain at mapagpahalaga sa ating
likas na pagkatao at pagiging natatangi.
Ano-ano ang mga Pamaraang Historikal na Pananaliksik?
a. Pagbabalangkas ng Suliranin
May ilang mga pangganyak para isagawa ang historikal na pananaliksik. Ang
pagsisiyasat tungkol sa mga huling pangyayari sa repormang pansakahan ng
Pilipinas ay maaaring magdala sa atin doon sa nakaraan.
Sa simula, ang inyong suliranin ay maaaring malawak at kalat. Ito ay natural
dahil sa hindi ka pa sigurado kung ano talaga ang gusto mong imbestigahan,
pero habang patuloy ka sa pagbasa ng mga kaugnay na literatura, mapapansin
mo na ikaw ay nagiging higit na sigurad sa iyong imbestigasyon.
Ang pokus ng iyong historikal na pananaliksik ay maaaring mga tao,
institusyon, kurikulum, teksto, pasilidad, proyekto o programa, pamamaraan,
istraktura at proseso, pangyayari, konsepto, kaisipan at di pangkaraniwang
bagay na nagaganap noon sa isang nasyon, social strata, relihiyon, kasarian,
gulang o hanapbuhay. May iba pang direksyon na maaari mong maging
hambingan ng mga pangyayari sa iba’t ibang panahon, iba’t ibang lipunan o iba’t
ibang sibilisasyon.
b. Pagtitipon ng iyong mga Historikal na Kagamitan
Ang isa sa unang hakbang na dapat mong gawin ay ang magplano kung
saan makukuha ang pinakamahusay na kagamitang historikal na iyong
kakailanganin para masagot ang suliranin o mga suliranin sa pag-aaral.
1. Pagbubukud-bukod ng historikal na Datos
Ang mga historikal na datos ay maaaring pagbukud-bukurin bilang primary o
sekundarya. Ang primary source ay itinuturing na pinakamabuting hanguan ng
pinakamahusay na ebidensya. Ang mga ito ay binubuo ng mga tunay na bagay
na ginamit noon na maaari mong suriin nang tuwiran. Ang secondary sources sa
kabilang dako ay mga impormasyon na ibinibigay ng isang tao na hindi tuwirang
nakamasid o kasali sa pangyayari, bagay o kondisyon.

85
Ang deliberate sources ay nagbibigay ng mga datos na natala na may
sadyang pagpupunyagi na mapangalagaan ang impormasyon.
Ang inadvertent sources ay nagbibigay rin ng mga impormasyon para sa
iyong historikal na pag-aaral kahit na hindi ito ang orihinal na intension ng source
o pinagmulan.
Pinagbuklod- buklod nina Good at Scates (1972) ang historical sources sa:
1. mga dokumento na binubuo ng mga impresyon na sinasadyang itala sa
layuning maipabatid ang impormasyon; 2. Ang mga pisikal na bagay o mga
nasulat na materyal na may balyung historikal at tinatawag na mga labi o relik at
mga nagawa nang walang layunin na makapagbigay ng impormasyon.

2. Mga Pook na Katatagpuan ng mga Sources


Pagkatapos na mapag-uri-uri at mailarawan ang source materials ang iyong
magiging tanong ay: “Saan matatagpuan ang mga materyal na ito?” Para sa
paunang pananaliksik ng historikal na datos, ang Philippine Historical Institute ay
maaaring makapagbigay sa iyo ng patnubay sa literaturang historikal.
Matatagpuan mo rito ang card catalog, pahayagan, disertasyon, at pahayagan sa
pananaliksik. Ang iba pang sources ay ang Pambansang Aklatan, aklatan ng
mga pamantasan at kolehiyo, mga museo, mga pribadong bahay at muli, maaari
kang humanap ng iba pang mga ahensya – mga simbahan, historikal na
mapagkukunan at mga organisasyon na maaaring maging mahalagang
hanguan.
3. Maayos na Pagtatala (Note Taking)
Sa katunayan, hanggang sa katapusan ng iyong imbestigasyon, maaari kang
kumuha ng higit pang tala, hangga’t mas maraming impormasyong dumarating.
4. Pagkritik sa Nakalap na Kagamitan
Ang isa sa mga kasanayan na dapat mong madebelop ay ang pagtiyak kung
ang dokumento o materyal ay may kamalian o sinasadyang gawin sa ilang
maling impormasyon. Mag-ingat sa pag-iisip na ang materyal ay tunay kahit na
hindi mo pa ito nasusuri. Minsan ang mga ito ay tinatawag na mas mababa at
mas mataas na pagpuna, ayon sa pagkakasunod.
a. Panlabas na Pagpuna
Unang-una, ang panlabas na pagpuna ay naglalayon na mabatid kung ang
materyal na iyong natagpuan ay tunay at kung ito ay nagtataglay ng tekstuwal na
integridad. Ang iyong tungkulin ay mabatid kung tunay nga ayon sa kanyang
layunin at kung ito ay talagang orihinal. Ang mga sumusunod ay maaari mong
itanong sa iyong sarili para matiyak ang panlabas na pagpuna 1)Sino ang
gumawa ng dokumento? 2) Ang materyal na ito ba ay kopya lamang o orihinal na
gawa ng mga kapani-paniwalang manunulat? 3) Saan nakuha ang mga
nilalaman ng mga dokumento? Ang mga ito at iba pa ang maaaring itanong para

86
matiyak kung sino ang gumawa ng hanguang materyal at kung saan at kailan ito
ginawa.

Naglista sina Good at Scates (1972)ng mga sumusunod na tanong para


matiyak ang awtentisiti ng mga dokumento o labi na nagpapakita ng panlabas na
pagpuna.
a. Sino ang may-akda – hindi lamang ang pangalan niya – kundi ano ang
kanyang personalidad, karakter, posisyon?

b. Ano-ano ang kanyang mga pangkalahatang kwalipikasyon bilang reporter


ng mga bagay-bagay na pinag-uusapan dito?

1. Gaano siya kainteresado sa mga pangyayari na kanyang tinatalakay?


2. Paano siya nalagay roon para magmasid sa mga pangyayari?
3. Mayroon ba siyang pangkalahatan at teknikal na kaalaman para
matutuhan at maipahayag ang mga pangyayari?

c. Ano-ano ang kanyang pangkalahatang katangian bilang reporter –


pagiging alisto, karakter-bayas/pagkiling?
d. Gaano kabilis, pagkatapos ng mga pangyayari, nasulat ang mga
dokumento?
e. Paano isinulat ang mga dokumento – mula ba sa memorya,pagkatapos ng
konsultasyon sa iba, pagkatapos matiyak, o pagkatapos pagsamahin ang
mga naunang pagsubok na burador?
f. Paano nauugnay ang mga dokumento sa iba pang mga dokumento?
1. Orihinal ba ang pinagmulan – lahat o bahagi lamang
2. Kung ang huli, anong bahagi ang orihinal? Ano-anong bahagi ang
hiniram at kailan naganap ang paghiram? Gaano kapani-paniwala ang
mga hiniram na materyal?
3. Paano ginawa ang panghihiram? Gaano kawasto ang ginawang
panghihiram?
4. Paano pinalitan ang mga hiniram na materyal? Paano ito ginamit?
Makatatagpo ka ng malawak na hanay ng mga suliranin kung
magsasagawa ka ng panlabas na pagpuna ng iyong sorses. Para matiyak o
mabatid ang orihinal na porma ng dokumento sa pamamagitan ng tekstwal na
pagpuna, kasama sa iyong gawain ang pagtuklas ng pinagmulan ng awtentisiti
ng materyal sa pamamagitan ng pagsasama-sama o paghahambing ng kopya sa
orihinal, paglalapat ng pala-palagay kung hindi ka makakuha ng iba pang

87
babasahin o literatura, at makapaghambing ng iyong iba’t ibang nabasa tungkol
sa materyal.
b. Internal Critism
Ang iyong layunin dito ay matiyak ang kahulugan at katotohanan ng datos
sa dokumento. Karamihan sa isasagawang panloob na pagpuna ay tekstuwal na
pagpuna. Ang mabuting intensiyon ng may-akda ay pinagdududahan dahil sa (1)
interes na may-akda, (2) mga puwersa ng mga pangyayari (3) simpatiya at
pagkamuhi, (4) kayabangan, (5) pagsasaalang-alang sa opinyon ng publiko, at
(6)pagkabaluktot ng literatura. Ang mga sumusunod ay mga akda: (1) ang
pagiging mahinang tagamasid ng may-akda, (2) mga gunu-guni, ilusyon, hindi
matwid na opinyon, (3) pagwawalang-bahala at walang malasakit at (4) ang
posibilidad na ang mga katotohanan ay maaaring likas na tuwirang namamasid.

Ilang mga katanungan na maaari mong itanong para matiyak ang panloob
na pagpuna:
1. Ang mga tunay na kahulugan ng pahayag ng may-akda na ikinaiiba sa
literal na kahulugan nito?

2. Ang pahayag ba ay ginawa nang walang masamang hangarin? May


interes ba ang may-akda na iligaw ang mambabasa? Siya ba ay ginipit
para magsabi ng kasinungalingan? Siya ba ay maimpluwensyahan ng
kayabangan? Siya ba ay naapektuhan ng opinyon ng publiko? Mayroon
bang ebidensiya ng mga motibong dramatik o literari para mabaluktot ang
katotohanan?
3. Wasto ba ang pahayag? Mahina ba ang tagamasid dahil sa depekto ng
kaisipan o pagiging abnormal? Siya ba ay nalagay sa masamang lugar o
oras para magmasid? Siya ba ay mapagwalang-bahala o walang
malasakit/ ang katotohanan ba ay sadyang likas na hindi maaaring
obserbahan nang tuwiran? Ang may-akda ba ay testigo lang o sanay na
tagamasid?
4. Kung may-akda ay hindi siyang orihinal na tagamasid, ang mga
pinagmulan ba ng kanyang impormasyon ay totoo at walang mali?
Instrumentong Gagamitin at Pagpapatibay Nito
Ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik ay nakabatay sa kalikasan
at disenyo ng pananaliksik. Dagdag pa ang tiyak na paraan ng pagsagot sa mga
inilahad na kaugnay na mga suliranin.
Karaniwang ginagamit ang talatanungan bilang instrumento sa
pangangalap ng mga datos. Ito ay maaaring sa porma ng tanong at sagot, may
pagpili, rating scale, o tseklist.

88
Ang anumang instrumento ay dapat na dumaan sa pagpapatibay upang
matiyak ang pagiging obhetibo ng pananaliksik. Ito ay maaaring sa paraang
harapang balidasyon (face validation) na inihaharap sa mga eksperto ang
instrumento upang sumailalim sa pagsusuri at pagtatama.
Matapos iyon, kailangan ding sumailalim sa dry-run ang talatanungan. Sa
ganitong paraan, ipinapasagot ang instrumento sa mga tagatugon na hindi
kasama sa tiyak na sampol na gagamitin. Pag-aaralan ng mananaliksik ang
paraan ng pagsagot at pagtanggap ng mga tumugon sa dry-run. Tatanungin sa
kanila ang mga bahaging hindi naunawaan saka rebisahin ang talatanungan.
Samantala, angkop sa kwalitatibong pananaliksik ang pakikipanayam.
Instrumento ring maituturing ang awtput ng gawaing ito. Ang mga kasanayan sa
maayos na pakikipanayam tulad ng pagiging mapitagan at pagtugon sa oras ng
pagkikita at pag-uusap ay nararapat na gawing pangunahing konsiderasyon.
Ginagawa rin ang pagmamasid. Ang mananaliksik ay maaaring tagamasid
lamang o kaya ay sumailalim sa gawaing imersiyon sa minamasid na paksa o
sitwasyon.

Paggamit ng Estadistika sa Pananaliksik


Bilang paraan ng pagpapahalaga sa datos, ginagamit ang estadistika sa
pananaliskik. Ang pagtiyak sa gagamiting mga pormula ay nakabatay sa mga
inilahad na suliranin at uri ng datos ng pag-aaral.
Nakalahad sa ibaba ang mga gamiting estadistika.

Layon Estadistika

Kung nais na tukuyin ang pananaw, Frequency count at percentage


persepsiyon, damdamin at dami

Kung nais na tukuyin ang antas Weighted mean

89
Narito ang ilan pang ginagamit na estadistika na mahahati sa parametric
at non-parametric na pagsubok sa inilalahad na hipotesis.

Sinubok na Parametric na Pagsubok Non-parametric na


Hipotesis Pagsubok

Nakatuon sa mga datos na Nakatuon sa mga datos na


interval at ratio nominal at ordinal

Pagsubok Pearson Halimbawa: Chi-squre Halimbawa:


sa ugnayan Product Kaugnayan (sa nominal) Kaugnayan ng
ng mga Moment ng grado ng kasarian sa
baryabol Correlation mga mag- piniling kurso
Coefficient/ aaral sa Spearman- Halimbawa:
Pearson r pananaliksik rank (sa Kaugnayan
at kanilang ordinal) ng
edad edukasyong
nakamit sa
katayuang
sibil

Pagsubok Difference Halimbawa:


sa kaibahan Between Kaibahan ng
Two Means Pre-test at
(Dependent Post-test sa
Samples at Filipino 2 ng
Two mga mag-
Independent aaral ng BS-
Samples) Nursing
(Dependent
Samples)

Kaibahan ng
Pagtanggap
ng mga
Magulang at
Guro ng
Pagkakaroon
sa Senior HS
90
(two
independent
samples)

Difference of Halimbawa:
more than 2 Kaibahan ng
independent pananaw ng
samples/ mga
Anaysis of propesor,
Variance(AN magulang at
OVA) mag-aaral sa
bagong
General
Education
Curriculum sa
Tersiyariya

Pagsubok Regression Halimbawa:


sa pattern o Analysis General
trend/ Weighted
Average
prediksiyon
bilang
Predictor ng
Pagpasa sa
LET

Bilang pagtugon sa hipotesis, narito ang batayan ng mabubuong desisyon


mula sa makokompyut na mga pigura.
Desisyon
Paraan Huwag tanggapin ang Tanggapin ang
hipotesis na null hipotesis na null
Gamit ang halaga ng t Mas mataas o kapantay Mas mababa
Gamit ang halaga ng Mas mababa o kapantay Mas mataas
significance level

Ang mga nabanggit na estadistikang pagsubok ay makikita lamang sa


kwantitatibong kalikasan ng pananaliksik.

91
Ano-anong mga Teknik ng Pagsasampling ang Maaari Nating
Gamitin?
Sa pananaliksik, karaniwang praktis ang kumuha ng bahagi ng isang
malaking populasyon, dahilan sa:
1. Lubhang magastos ang pagkuha ng buong populasyon.
2. Maraming oras ang nagagamit para maabot ang sinasabing target na
populasyon.
3. Ang mananaliksik ay nakapaghihinuha at nakapaglalahat tungkol sa target
na populasyon sa pamamagitan ng sampling. Isang napaka-gandang
karanasan na malaman ang tungkol sa isang malaking populasyon mula
sa isang sampling.
Ang sampol ay maliit na grupo ng iyong inoobsebahan at ang populasyon
ay mas malaking grupo na inaaplayan ng paglalahat o generalization. Ang
populasyon ayon kay Gay (1976) ay ang grupo na pag-aaplayan ng mananaliksik
ng mga resulta. Binigyan-kahulugan ni Ferguson (1976) ang sampol na alinmang
bahagi ng kabuuan na hinugot mula sa populasyon. O ito ay isang bahagi ng
populasyon. Ipinaliwanag ni Kerlinger na ang populasyon ay ang “lahat ng
miyembro ng kahit anong tiyak na klase o uri ng mga tao, pangyayari o bagay”.
Kadalasan, ang sampling na pananaliksik ay hindi maiiwasan dahil sa ang
oras, pera at pagsisikap na nakapaloob dito ay isang nagpapahintulot na mapag-
aralan mo ang lahat ng posibleng miyembro ng populasyon. Subalit hangga’t ang
sampol na ginamit ay kinatawang bahagi ng populasyon, iyon bang
nakapaglalahat nang may kompiyansa at makapaglalarawan ng populasyon na
pinanggalingan ng sampol, ang mga resulta at konklusyon na nakuha mula sa
sampol ay balido.
Kahit anong partikular na teknik ang ginamit sa pagpili ng sampol, ang
mga hakbang na ginagamit sa sampling ay sumasaklaw sa pagkilala sa
populasyon, pagtiyak sa kinakailangang sukat ng sampol at pagpili ng sampol.
Sukat ng sampol ng populasyon. Para matiyak mo ang sukat ng sampol
ng populasyon, maaaring gamitin ang pormula ni Slovin (1960) gaya ng
sumusunod:

n = ____N_____
1 + Ne2
Kung saan ang n = sukat ng sampol
N = sukat ng populasyon

92
e = kinakailangan margin of error

n = _____N_________
1 + Ne2
=_____9000_______
1 + 9000 (.02)2
=_____9000_______
1 + 9000 (.0004)
=______9000____
1 + 3.60
=_____9000_____
4.6
n = 1,957

Pagsasanay
I. Sabihin kung ano ang mga pamaraan ng pananaliksik na iyong
gagamitin para sa bawat pamagat ng tesis sa ibaba.

1. Ang Epekto ng Limang Iba’t Ibang Damong Gamot sa Pagpapagaling ng


Sipon sa Pinamukan, Lungsod ng Batangas.
2. Mga Damong Gamot na Karaniwang Ginagamit sa Ating Pamayanan
3. Matatandang Lalaki at Babae sa Lungsod ng Batangas: ang Kanilang mga
Pag-asa at Mithiin
4. Ang Profayl ng Matatandang Tao sa Paoay, Ilocos Norte
5. Ang Epekto ng Tatlong Abono sa mga Gulay na Buto sa San Miquel,
Lungsod ng Batangas
6. Ang Kasaysayan ng Aming Bayan
7. Mga Saloobin Tungkol sa Trabaho at Produktibiti ng Isang Libong
Manggagawa ng Isang Pabrika
8. Epekto ng Katas ng mga Damong-Dagat sa Paglaki ng Ilang Halaman
9. Mabilis na Paglaki ng Populasyon at Pag-unlad: mga Salik na Kaugnay
Nito
93
10. Ang Epekto ng mga Profit-Sharing Scheme sa Produktibiti at Moral ng
mga Manggagawa

II. Sa bawat bilang ay may dalawang pangungusap. Ang unang pangungusap


ay tama samantalang ang pangalawang pangungusap ay maaaring tama o mali.
Isulat ang TAMA kung ang pangalawang pangungusap ay tama at MALI kung ito
ay mali.
_____ 1. Ang pamaraang eksperimental ang pinaka-makaagham na uri ng
pananaliksik. Gayon pa man, ito ay medyo mahirap isagawa.
_____ 2. Ito ay nagsisimula rin sa suliranin. Samakatwid ito ay nagtatapos sa
konklusyon at paglalahat.
_____ 3. Sa eksperimento, ang malayang baryabol ay minamanipula. Ang lahat
ng iba pang baryabol ay minamanipula rin.
_____ 4. Ang eksperimento ay kinapapalooban ng dalawang grupo. Ang kontrol
pangkat ay tumatanggap ng “treatment” na sinusubok samantalang ang pangkat
eksperimental ay tumatanggap ng karaniwang paraan.
_____ 5. Ang palarawang pamaraan ay nangangalap ng mga datos tungkol sa
kasalukuyang kondisyon. Ang pamaraang historikal ay nauukol din sa
nangyayari sa kasalukuyan.
_____ 6. Balido ang eksperimento kung ang mga resultang nakuha ay dahil sa
pagmanipula ng malayang baryabol lamang. Ito rin ay balido kung ang mga
resulta ay mailalapat nang panlahat sa iba pang seting.
_____ 7. Ang pananaliksik na historikal ay nangangalap ng mga datos sa
ngayon. Pero ang datos ay tungkol sa nakaraan.
_____ 8. Ang primaryang hanguan ay nagbibigay ng higit na kapaki-pakinabang
na datos para sa iyong suliranin. Dahil dito hindi mo kailangang tumingin para sa
mga sekondaryang materyal.
_____ 9. Mas mabuti na makuha ang target na populasyon para sa iyong
pagkuha ng datos. Matatamo ang katulad na layunin kung ang sampling ay
isasagawa nang maayos.
_____ 10. Ang quasi-experimental research ay may ilang kahalagahan. Ang pre-
experimental research ay napakahalaga rin
III. Tukuyin ang binabanggit sa bawat pangungusap.
1. Ang sarbey o pagsisiyasat na sumasakop sa buong populasyon.
2. Ang pag-aaral na debelopmental na nagpa-follow-up sa mga kaso taon-
taon.

94
3. Ang pag-aaral na nakatuon sa hinaharap na nagpapakita ngayon kung
ano ang magaganap sa hinaharap batay sa kasalukuyang datos.
4. Mga pag-aaral na humahanap ng ugnayan ng mga baryabol.

5. Ang pinakaprestihiyosong pamaraan sa lahat.


6. Ang banta sa internal na baliditi kung saan ang mga kalahok ay maaaring
dumaan sa pagbabagong pisikal o mental.
7. Babala kung ang pre-test at posttest ay hindi magkatulad sa antas ng
kahirapan
8. Babala kung ang mga kalahok ay tumitiwalag na sa eksperimento.
9. Mga disenyong eksperimental na siyang hindi makaagham.
10. Ang disenyong eksperimental na pinakamaagham
11. Ang makaagham na disenyong eksperimental na may pinakamataas na
prestihiyo.
12. Sa pananaliksik na historikal, ito ang uri ng hanguan na ibinibigay ng
saksi.
13. Ang pagtatanong tungkol sa pangalan ng tao, personalidad, karakter,
posisyon at iba pa ay kinapapalooban ng anong uri ng pagpuna.
14. Pagpuna na sumusunod sa naunang pagpuna.
15. Hanguang ipinagkaloob ng isang tao na hindi naman gumanap na
tuwirang tagamasid.

95
YUNIT 7

PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Kapag ang isang pananaliksik ay nangangailangan ng istadistika


(statistics), o hipotesis na patutunayan o kaugnay na mga pag-aaral, dapat itong
ipaliwanag sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-iinterpret ng mga datos.
Kwalitatibo man o kwantitatibo ang ginawang pananaliksik may pagsusuri
at interpretasyon nagaganap sa resulta ng pag-aaral. Higit namang kailangan
ang interpretasyon sa resulta ng istatistiks bilang pagpapatunay sa hipotesis na
ginawa sa pag-aaral.

Pagsusuri
Hinahati-hati ang buong pag-aaral ayon sa kanya-kanyang bahagi at
kategorya ng mga tiyak na tanong sa lalim ng pagpapahayag ng suliranin.
Ang pagsusuri ay nagaganap sa tulong ng malalim na
pagpapahayag/pagpapaliwanag ng kinalabasan ng pag-aaral. Lubos na nasusuri
ang pinag-aaralan kung iuugnay ito sa teorya o pagdulog ng mapag-aangklahan.
Maaari pa ring iugnay ang pagsusuri sa kalagayan ng kapaligiran dahil maaaring
makasagot ito sa resulta ng pag-aaral.

Interpretasyon
Sa pagbibigay interpretasyon ng kinalabasan ng pag-aaral, ipinahahayag
nito ang pansariling implikasyon ng resulta ng pananaliksik. Gumaganda ang
interpretasyon kung makatotohanan ang mga pigura na lumabas sa pag-aaral.
Sa pagbibigay interpretasyon inihahayag muna ang paglalarawan ng mga datos
at binabanggit din ang kaukulang tambilang bilang suporta sa gagawing
interpretasyon. Ang ginagawan ng interpretasyon ay maaaring nakaanyong
tabular o grap na ang parameter ay nasa gawing itaas o kaya’y sa gawing
kaliwa, pababa. Ang kaukulang tambilang naman ay nasa kabilang direksyon ng
parameter na maaaring pababa o pahalang ang posisyon.

96
Inuuri ang mga datos ayon sa katangian, bilang, lokasyon at
pagkakasunod-sunod ng pagkakaganap.

May tatlong paraan kung papaano ilalahad ang mga datos na magagamit
sa pagsusuri at interpretasyon:
1. Tekstuwal-ginagamitan ito ng mga pahayag kasama ang tambilang sa
paglalarawan ng mga datos. Ang layunin ng tekstuwal na paglalahad ay para
ituon ang atensiyon sa mga mahalagang datos at upang makatulong sa
paglalahad ng talahanayan.
Halimbawa:
Ipinamalas sa talahanayan na karaniwang ginagamit ang wikang Ingles
bilang pangalawang wika. 92% sa daigdig ang hindi nagsasalita ng Ingles; 77 sa
Web ay nasa mga bansang ang wikang sinasalita ay Ingles.
2. Tabyular- Ito’y sistematikong pagsasaayos ng magkakaugnay na datos,
kung saan ang bawat kategorya ng datos ay may sariling hanay. Layunin ng
talahanayan ang mapabilis ang pag-aaral at interpretasyon, ang pagbuo ng mga
hinuha at implikasyon ng mga datos.
Halimbawa:
Talahanayan 1
Kaantasan ng Pag-unawa ng mga Mag-aaral sa Isinagawang Pagsusulit sa mga
Hindi Nakapasa
Hindi Nakapasa
Bilang ng mga
Respondente

Mag-aaral

Porsyento

Porsyento
Nakapasa

BSE 2A 45 18 40.00 27 60.00


BSE 2B 45 20 44.44 25 55.55
BSE 2C 45 19 42.22 26 57.77
BSE 2D 45 25 55.55 20 44.44
BSE 2E 35 19 54.28 16 45.71
97
BSE 2F 35 17 48.57 18 51.42
Kabuuan 250 118 47.51 132 52.48
Batay sa resulta ng paunang pagsusulit na ibinigay ng mananaliksik sa mga
mag-aaral, 118 o 47.51% ang nakapasa.
Kung kaya’t ang mga hindi nakapasa na 132 o 52.48% ay binigyan ng
tseklist upang malaman ang sanhi ng kanilang kahinaan sa pag-unawa sa
pagbasa at siyang kumuha ng pagsasanay sa pagtataya ng kakayahan sa pag-
unawa sa pagbasa. (lagyan ng RRl na nagpapatibay sa kinalabasan)
3. Grapikal-ang grap ay isang tsart ng bilang ng pagkakaiba o pagbabago ng
mga baryabol. Layunin ng grap na maipakita ang mga pagkakaiba-
iba,pagbabago at pagkakaugnay ng mga datos sa isang mabisang paraan.
Halimbawa:
Talahanayan 2
Makikita sa Graph ang naging pagbabago sa Pagkatuto

100
90
80
70
60 Literal
50 Inferential
40 Kritikal
30
20
10
0
Paunang Pagsusulit Panghuling Pagsusulit
Pa
liwanag/ Pagsusuri
Sa unang tanong na panlalaki o pambabae ang karaniwang sanhi ng
pambubugbog sa asawa, makikitang marami ang sumagot sa scale na 4 o sang-
ayon, 11 o 35% ng kabuuang bilang ng mga respondente na sinusundan naman

98
ng 5 o sang-ayon na may 9 o 29% at pinakakaunti ang scale na 2 o di-sang-ayon
na walang sumagot o 0%

Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik


Ipinahahayag sa bahaging ito ang kongkretong ibinunga at mga
natuklasan sa pag-aaral batay sa mga impormasyon o datos na nakalap sa
pananaliksik nang sa ganoon ay makapagmungkahi at makagawa pa ng mas
malalim na pag-aaral.
Halimbawa:
Ang mga mag-aaral, bagamat wala sa hilig nila ang pagbasa ng mga aklat
pampanitikan, ay napipilitan silang magbasa sapagkat ito ay kasama sa kanilang
kurikulum. Lumalabas sa pag-aaral, maraming salik kung bakit hindi nahihilig ang
mga mag-aaral na pahalagahan ang mga pampanitikang akda sa Filipino ay
dahil sa mga sumusunod;
1. gurong nagtuturo
2. pamamaraang ginagamit sa pagtuturo
3. kagamitang angkop sa lebel ng mga tinuturuan
4. Iba pang salik
Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
Ilalahad sa bahaging ito ng pag-aaral ang mga napatunayan sa
pananaliksik; ang buod ng pag-aaral; ang mga paglalahat sa pormang
konklusyon; at ang mga rekomendasyon para sa kalutasan at kabutihan ng mga
suliranin.
Lagom.
Ang lagom ay ang maikling pahayag tungkol sa pangunahing layunin ng
pag-aaral. Ito ay ang pinagsama-samang ideya mula sa mga natuklasan sa pag-
aaral na hindi na nangangailangan pa ng anumang paliwanag. Presentasyon ito
ng kabuuan ng naging pag-aaral na inilalahad sa paraang payak at tiyak.
Mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng isang lagom:
1. Gumamit ng mga payak na pagpapahayag tungkol sa layunin ng pag-aaral,
mga kalahok o respondente, panahon ng pag-aaral, paraan ng pananaliksik,
instrumento at disenyong ginamit.
Halimbawa:
99
Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang mga kadahilanan kung bakit
kulang ang pagpapahalagang ibinibigay ng mga mag-aaral ng Panitikang
Pilipino. Ang pag-aaral ay batay sa mga itinala at ibinigay na mga tanong sa mga
respondente at isinagawang interbyu sa kolehiyo. Sa pamamagitan ng ibinigay
na mga tanong sa mga respondente at isinagawang interbyu, natuklasan ang
mga sumusunod:

1. Ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang itinuturo ay


nakasalalay sa katangiang taglay ng mga guro.
2. Ang paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ay nakatulong para
mapahalagahan ng mga mag-aaral ang Panitikang Pilipino.
3.Higit na pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang mga akdang makabago
subalit may temang makabayan.

Konklusyon
Ang konklusyon ay mga hinuha, implikasyon, o mga paglalahat batay sa
mga napatunayan.

Panuntunan sa Pagsulat ng Konklusyon


1. Kailangang angkop ang ibibigay na sagot sa mga inilahad na tiyak na
mga tanong.
2. Kailangang makita sa konklusyon ang mga natutuhang patotoo sa pag-aaral.
3. Kailangang ilahad ito sa isang maikli ngunit tiyak na paglalahad ng mga
kinakailangang impormasyon.
4.Kailangang ipahayag sa isang daang bahagdan (100%) ng pagka
makatotohanan at kawastuhan.
Halimbawa:
Batay sa natuklasan sa pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod na
konklusyon:
1. Mabisang-mabisa ang mga hakbang na isinasagawa sa pagsubok sa pag-
unlad ng pagkatuto sa Filipino.
2. Ang paggamit ng iba’t ibang pamamaraan/ estratehiya sa pagtuturo ng
panitikan ay nakatutulong nang malaki upang mapahalagahan ang pag-aaral ng
Filipino.

100
3. Ang iba’t ibang gawain sa iba’t ibang pamamaraan/ istratehiya ay angkop na
angkop at mabisang-mabisa sa paglinang ng iba’t ibang kasanayan sa
komunikasyon.

Rekomendasyon

Ilahad sa bahaging ito ang mungkahing maaaring makatulong sa iniharap na


suliranin, o tagubilin ng mananaliksik upang lalong maging kapaki-pakinabang
ang isinagawang pag-aaral.

Panuntunan sa Pagsulat ng Rekomendasyon


1. Kailangang kaugnay lamang ng mga natuklasan at tinalakay sa pagsisiyasat.
2. Kailangang magkaroon ng modelo na maisasagawa sa paraang praktikal at
kapanipaniwala.
3. Kailangang nakatuon sa tao, ahensiya o tanggapang may kakayahang
maisagawa ang inirerekomenda.
4. Ang pagkalohikal at balido ng rekomendasyon ay dapat isaalang-alang.
Halimbawa:
Ang mga sumusunod ay mga rekomendasyon bunga ng mga natuklasan sa
pag-aaral.
1. Gamitin ang iba’t ibang pamamaraan/ estratehiya sa pagkatuto ng Filipino
upang hindi sawaan ang mga mag-aaral sa talakayan.
2. Gawing malawakan ang pagpapatupad ng mga repormang pangkurikulum
ng edukasyon ukol sa pagbabago, pagpapayaman at pagpaparami ng mga
mabisang pamamaraan/ istratehiya sa pagtuturo ng Filipino.
3. Hikayatin ang mga guro ng maraming pamamaraan/ estratehiya sa
pagtuturo upang ang mga kakayahan at kasanayan ay lubusang malinang sa
mga mag-aaral.
4. Magkaroon ng iba pang pananaliksik tungo sa makabagong pamamaraan/
estratehiya sa pagtuturo ng Filipino.

101
YUNIT 8

DOKUMENTASYON

Isang mahalagang bahagi ng masinop na pagsulat ang pagsasaalang-


alang sa mga ginamit o sinangguning akda. Mahalaga ang pagbibigay ng
karampatang pagkilala sa mga pinagkunan ng ideya o siniping teksto, lalo na sa
mga pormal na saliksik at salitang legal o historikal. Sa pamamagitan ng wasto at
maingat na dokumentasyon, naipapakita ang paggalang sa may-ari ng sinipi.
Bahagi ng maingat na pagsipi ang pagiging matapat sa orihinal na teksto. Sundin
ang orihinal na baybay, mga bantas na ginagamit, at malaki o maliit na titik. Kung
may baguhin sa siniping teksto kailangang magbigay ng pabatid ang
mananaliksik o awtor. Para sa halimbawa ng interpolasyon tingnan ang 12.13 at
12.15.

Tala at Talababa
Ginagamit ang mga tala at talababa upang makapagbigay ng karagdagang
impormasyon, paliwanag, o komento tungkol sa sinipi na hindi maipaloob sa
pangunahing teksto. Ang mga talababa (footnotes) ang paghahanay ng mga
banggit sa pinagkunang akda sa ilalim ng teksto sa pahinang nilitawan ng sipi.
Nilalagyan ang talababa ng bilang na numeral sa anyong superscript ayon sa
pagkakasunod-sunod ng siping lumilitaw sa teksto. Sa loob ng teksto, ang bilang
ng talababa ay isinasaad ng nakaangat sa linya ng teksto sa dulo ng sipi. Hindi
ito ipinapaloob sa panipi at hindi sinusundan ng tuldok.
Ang mga tala (notes, endnotes) naman ang paghahanay ng mga
pinagkunang akda sa dulo ng bawat kabanata o sa dulong bahagi ng aklat. Kung
ang isang publikasyon ay mula sa maraming awtor (halimbawa, mga antolohiya
at jornal), kinakailangang sa dulo ng artikulong naisulat ng bawat awtor ang
kaukulang mga tala.

102
Karaniwang binibilangan ang tala at talababa ayon sa pagkakasunod-sunod
ng mga sipi. Nagtatalaga ng numerong nakaangat sa linya (superscript) sa mga
siniping teksto at sa kaukulang tala/ talababa.
Wastong Pagkakasunod. Maaaring aklat, peryodikal, o di-nakalathalang
materyales ang pinagkunan o sinipi sa teksto. Inilalaman sa tala o talababa ang
mga sumusunod na impormasyon:

A. Sa Aklat:
(1) Buong pangalan ng may-akda, una ang unang pangalan o inisyals; ang
apelyido ay susundan ng kuwit.
(2) Buong pamagat ng aklat, may salungguhit o italiko; walang kuwit pagkaraan
ng pamagat.
(3) Pangalan ng editor o nagsalin, kung mayroon.
(4) Edisyon, maliban sa unang limbag.
(5) Bilang ng mga tomo, kung mayroon
(6) Mga datos hinggil sa pagkakalathala, nakapaloob sa panaklong ang mga
sumusunod:
(a) Pook na pinaglathalaan, sinusundan ng tutuldok;
(b) pangalan ng naglathala, sinundan ng kuwit;
(c) petsa ng pagkakalathala.
(7) Pahina o mga pahina ng sinipi, sinundan ng tuldok.
B. Sa peryodikal (pahayagan, magasin, o jornal):
(1) Buong pangalan ng may-akda.
(2) Pamagat ng artikulo, nakapaloob sa panipi at sinusundan ng kuwit.
(3) Pangalan ng peryodikal, may salungguhit o italiko at sinusundan ng kuwit.
(4) Bilang tomo at numero ng isyu (karaniwang nasa numerong romano ang
tomo at numerong arabe ang bilang ng isyu) na inihihiwalay sa isa’t isa ng kuwit.
(5) Petsa ng pagkakalathala, nakapaloob sa panaklong at sinusundan ng kuwit
pagkaraan ng panaklong.
(6) Pahina o mga pahina ng sinipi, sinundan ng tuldok.

103
C. Di-nakalathalang materyales:
(1) Pamagat ng dokumento, kung mayroon, at petsa.
(2) Pangalan ng koleksiyong pinagkunan.
(3) Isama ang anumang impormasyong makatutulong sa pagkilala ng
dokumento o materyales.
Pangalan ng May-akda. Isinusulat nang buo at sa karaniwang pag-ayos ang
pangalan ng may-akda. Sundin ang pagkakalathala sa pahinang pampamagat
o title page ng libro. Alisin ang mga titulong gaya ng “Propesor,” “President,” o

“Doktor”; maliban kung may tanging kahalagahan ang mga ito sa paksang
tinatalakay sa teksto. Kung inisyals lamang ang nakalimbag sa orihinal, huwag
babaguhin ang inisyals, lalo na’t nakilala na ang awtor sa gayong inisyals. Kung
sakali nama’t nais isulat ang kabuuan ng pangalang nakalimbag lamang sa
inisyals sa orihinal, idugtong ang karagdagang titik sa inisyals nang nakakulong
sa panaklong.
¹Epifanio de los Santos, “Andres Bonifacio,” The Philippine Review, III, blg. 1 at 2
(Enero at Pebrero 1918), p.37.
² E. Arsenio Manuel, “New Data on Andres Bonifacio: Manila’s Foremost Hero,
“panayam na binasa sa First Andres Bonifacio and Parian Lectures, Bulwagang
Katipunan, Manila City Hall, 29 Nobyembre 1989, p.3.
Sa Anonimong Awtor. Kung anonimo ang awtor, at natitiyak ng sumusulat ng
talababa nang nakakulong sa panaklong.

³ (Genoveva Edroza-Matute), Kasalukuyang Kalagayan ng Panitikang Pilipino,


“Panitikan I, blg.4 (Oktubre 1965), p.29.

Sa Alyas. Kung hindi tunay na pangalan ang ginamit ng awtor, maaaring


idagdag sa alyas ang tunay na pangalan nang nakakulong sa panaklong. Kung
hindi tiyak ang tunay na may-akda, isulat ang alyas at lagyan ng “alyas”
pagkaraan ay ikulong sa panaklong.

⁴ M.S. Martin (Agustin C. Fabian), Timawa (Lungsod Maynila: Liwayway


Publications, Inc., 1953), p.30.

o kaya ay maaaring

⁴ M.S. Martin (alyas), Timawa (Lungsod Maynila: Liwayway Publications, Inc.,


1953), p. 30.

104
Sa Dalawa o Higit pang Awtor. Kung dalawa o tatlo ang awtor, isulat nang
sunod-sunod, ayon sa pagkakalimbag sa orihinal, ang mga pangalan sa
karaniwang pagkakaayos. Kung mahigit sa tatlo, isulat ang unang lumitaw sa
pahinang pampamagat at dugtungan ng “et al.” Maaari ring ang awtor ay hindi
isang tao kung isang organisasyon o lipon ng tao.
₇ Cesar T. Mella Jr. at Adelina Hachero-Mina, The Fragnant Sky (Disyembre 1976).
₈ Laura Samson, Ma. Rosario Piquero, at Cynthia Rose Banzon, “Mga Mukha ng
Kahirapan, “Sagisag II, blg. 3(Marso 1967), p.7.
₉ Efren R. Abueg et.al., Mga Agos sa Disyerto (Maynila: 1964).
¹⁰ The Committee on the Humanities, ed., Readings in Contemporary Philippine
Literature (Lungsod quezon: Ken, Incorporated, 1967), p.3.

Sa Publikasyong Salin o Inedit. Sa mga antolohiya at pagsasalin, ang


pangalan ng editor ay sinusundan ng “ed.” o “mga ed”. Kung higit sa isa, at ang
pangalan ng nagsalin ay sinusundan ng “salin.”

¹¹ Federico Licsi Espino, Jr., ed at salin, Mga Tulang Afro-Asyatiko


(Lungsod Quezon: Alemar-Phoenix Publishing House, Inc.,1975).
¹² Ildefonso Santos, salin, Ang Rubaiyat ni Omar Khayyam (Lungsod Mayila:
Bookman, Inc., 1952).

Kung binibigyan ng halaga naman sa talababa ang isang partikular na akdang


nasa antolohiya. Kung nais isama ang editor at nagsalin, idugtong sa pamagat
ng antolohiya ang pangalan ng editor at nagsalin. Isingit din sa pamagat ng
antolohiya at sa pangalan ng editor at nagsalin ang “ed.” at “salin.”

¹³ Kahlil Gibran, Ang Propeta, salin ni Felicidad Sagalongos- San Luis (w.l., 1975), p. 45.
¹⁴Jose Rizal, El Filibusterismo, salin ni Patricio Mariano (Lungsod Maynila: Pambansang
Komisyon ng Ikasandaang Taon ni Jose Rizal, 1961), p. 68.
¹⁵ Lamberto E. Antonio, “Sa Gubat ng Lungsod: Dilim ang Liwanag.” Manlilikha (Mga
Piling Tula: 1961-1967), ed. Rogelio Mangahas (Lungsod Maynila, 1967), p.26.

Pagsulat ng Pamagat. Isulat nang buo ang pamagat ng libro, artikulo, at


peryodikal gaya ng pagkakasulat sa pahinang pampamagat ng orihinal. Huwag
babaguhin ang baybay at bantas na ginamit. Ang tipo lamang at mga malaki at
maliit na titik ang nagbabago upang sumunod sa estilo ng gumagawa ng
talababa. May salungguhit o italiko ang pamagat ng libro at peryodikal.
Nakakulong sa panipi ang pamagat ng artikulo, isang tula, maikling kuwento, at
iba pang maikling akda. Walang kuwit pagkatapos ang pamagat kung
sinusundan kaagad ng panaklong na naglalaman ng petsa at datos sa
pagkakalathala. Ngunit kung may nakasingit na impormasyon bago ang
panaklong, lagyan ng kuwit pagkatapos ng pamagat.

¹⁶ “Bonavena, Binaril ng Hunting Rifle, “Balita (24 Mayo 1967), p.16.


105
¹⁷ Ninotcha Rosca, “Sa Bayan ng San Roque, “The Literary Apprentice, XLVII, blg.2
(Nobyembre 1974), mp.120-24.

Mga Banal na Kasulatan. Ang pamagat ng mga aklat, at Bibliya at iba pang
banal na kasulatan (Koran, Upanishad, Vedante, atbp) ay walang panipi at hindi
italiko.

Sa Mahabang Akda. Kung ang isang mahabang akda na dapat sana’y isang
aklat at nakasulat sa italiko ang pamagat ay nakalathala sa isang peryodikal, ang
naturang akda ay itinuturing lamang na katulad ng ibang maikling akda at artikulo
at isinusulat nang may panipi.

¹⁸ Vivencio R. Jose, “The Rise and Fall of Antonio Luna,” Philippine Social Sciences and
Humanities Review, XXXVI, mga blg.1-4 (Marso-Disyembre 1971), p132.
¹⁹Paul Arvisu Dumol, “Kabelang Tales,” Sagisag I, blg.3 (Hulyo 1975), p.20.

Sa mga Serye. Alamin na ba ang serye (series) sa peryodikal. Sa tala o


talababa, ang pamagat ng serye ay tipong romano, malaking titik tulad ng ibang
pamagat ngunit walang panaklong ni panipi. Sumusunod ito sa italikong pamagat
ng libro o polyeto, may kuwit sa unahan at sinusundan naman ng tomo o
numero ng pagkakalathala ng particular na labas sa serye.

²⁰ Pedro L. Ricarte, Buhat kay Balagtas: Isang Landas tungo sa Pagkamakabago,


Surian ng Wikang Pambansa, blg 26 (Hulyo 1969), p.7.
²¹ Jose Corazon de Jesus, Buhay at Pag-ibig, Makata Series 4 (Alberto S. Florentino,
1973), p.75.

Mga Edisyon ng Aklat. Bukod sa unang edisyon, dapat isama sa talababa ang
impormasyon kung pang-ilang edisyon ang aklat. Ang bilang ng edisyon ay
sumusunod sa pamagat pagkaraan ng kuwit. Kung pangalawang edisyon, isulat
ang ikalawang ed.” Kung binagong edisyon, isulat ang “b.ed.”

²² Virgilio S. Almario, Panitikan ng Robolusyon(g1896), ikaltong ed. (Lungsod


Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2013).
²³ Rogelio G. Mangahas at Leonida B. Villanueva, mga editor, Maynila: Komisyon sa
Wikang Filipino,2013).

Publikasyong may Tomo. Kung mahigit sa isang tomo ang libro, malaking
tulong din sa mambabasa na isama sa talababa ang bilang ng mga tomo.
Sumusunod ang bilang ng tomo sa pamagat ng libro at sa bilang ng edisyon
(kung mayroon).

106
²³ Juan C. Laya, ed., Diwang Kayumanggi,4 tomo. (Maynila: Inang Wika Publishing
Company, 1976).
²⁴ E. Arsenio Manuel, Dictionary of Philippines Biography, unang tomo, 2 tomo.
(Lungsod Quezon: Filipiniana Publications, 1955), mp.192-195.

Panaklong sa Detalye sa Pagkakalathala. Laging nakakulong sa panaklong


ang mga datos hinggil sa pagkakalathala. Sa aklat, binubuo ito ng pook na
pinaglathalaan, pabliser, at taon ng pagkakalathala. Kung printer o limbagan ang
nakalagay sa aklat, huwag itong isasama sa datos. Iba ang printer sa pabliser.
Sa mga peryodikal naman, ang petsa lamang ng pagkakalathala ang inilalagay.

Walang Lathalaan at Walang Petsa. Kung walang nakalimbag na pook na


pinaglathalaan at pabliser, isulat sa loob ng panaklong ang “w.l.: (“walang

lathalaan”) at sundan ng kuwit at taon ng pagkakalathala. Kung walang petsa ng


pagkakalathala, isulat ang “w.p.” (“walang petsa”)

²⁵ Salita at Buhay na Pinagdaaan ni D. Rodrigo de Villas at ni Doña Jimena sa


Kaharian ng España (San Miguel, Lungsod Maynila: Modesta Lazuna, w.p.).
²⁶ Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng magkakapatid na
Anak nang haring Fernando at nang Reina Valeriana sa KAhariang Berbania (Lungsod
Maynila: P.Sayo,w.p.).

Panatilihin ang Baybay at Bantas. Huwag babaguhin ang baybay at bantas ng


mga datos hinggil sa pagkakalathala, liban sa petsa na binaybay sa Filipino ang
pangalan ng buwan. Kahit na nagbago na ang pangalan ng pabliser, isulat pa rin
ang dating pangalan na natagpuan sa pahinang pampamagat ng ginamit na
edisyon ng aklat.

Sa Pagsulat ng Pahina. Pagkaraan ng datos sa publikasyon, isunod sa labas


ng panaklong ang bilang ng pahinang pinagkunan ng sipi. Ang bilang ng pahina
ay laging nakasulat sa numeral at may kasamang “p.” (“pahina”) o “mp.” (“mga
pahina”). Pagkaraang mailagay ang bilang ng pahina, maglagay ng tuldok na
palatandaang tapos na ang talababa.

Mga Espesyal na Materyales. Bukod sa mga aklat at peryodikal ay may mga


tinatawag na espesyal na materyales sa pagsasaliksik. Kabilang dito ang mga
dokumento, batas, di-nalathalang tesis at akda, personal na koleksiyon, akdang
nakamimeograp, liham, interbyu, at iba pa.

Mga Dokumentong Pampubliko. Kapag ginagamit sa talababa ang isang


dokumentong pampubliko, laging isaalang-alang ang mga datos na
makatutulong upang matagpuan ng ibang nagsasaliksik ang dokumento.
Pagkaraan, ang pangalan ng ahensiya, kagawaran, o komisyong gumawa ng
107
dokumento, at siyang lumilitaw na “awtor” ng dokumento. Sumusunod ang buong
titulo o pamagat ng dokumento, petsa ng pagkakagawa, at bahaging ginagamit
sa pagsasaliksik. Kung maliwanag na sa pamagat kung saan o sino ang gumawa
ng dokumento, ang pamagat ng dokumento na lamang ang isinusulat sa
talababa.
26
Philippine Constitution (1937), Art. III, sek. 4.
27
United Nations, Economic and Social Council, Commssion on Human Rights,
Study on the Legal Validity of the Undertaking concerning Minorities ( 7Abril 1950), p.16.
28 San Miguel, Bulacan, Konsehal Munisipal, Ordinansa hinggil sa Pagpipinta ng
Bantayog ni Rizal (28 Mayo 1954), sek.3, ika-2 talata.

Usapin sa Husgado. Sa paggamit ng mga usapin sa husgado, ang titulo ng


usapin ay italiko. Nakamihasnan na sa Filipinas na gawing titulo ang pangalan ng
nagsasakdal at nasasakdal. Pagkaraan, isinusunod ang bilang ng tomo
(nakaugalian na ring isulat ito sa numerong arabe sa halip na numerong
romano),

dinaglat na pangalan ng rekord na pinagkunan ng impormasyon, at ang bilang ng


pahina. May apat na pangunahing reperensiya o rekord ng mga usapin: ang
Philippine Report (dinaglat na Phil.), Supreme Court Report Annotated (SCRA),
Official Gazzette (O.G), at Court of Appeals Report (C.A. Rep.). Kung hindi
nalalagay sa limbag na rekord ang usapin sapagkat katatapos pa lamang hatulan
ng husgado, ang opisyal na numero ng kaso ang isinusunod sa titulo. Balikan pa
ang tuntuning 14.19.
29
Dizon vs. Valero, 52 O.G. 6602.
30
People vs. Diva, 23SCRA 332.

Tesis at disertasyon. Ang pamagat ng tesis at disertasyon ay ikinukulong


lamang sa panipi. Sa loob ng panaklong ay isinusulat kung tesis o disertasyon,
saang paaralan o unibersidad pumasa, at ang taon ng pagpasa nito.
31
Laura Blanca P. Quiambao, “The Concept of Death and Re-birth in the Poetry of Virgilio
Almario” (tesis sa MA, UST Graduate School, 1975), p. 36.
32
Analyn B. Galvez, “Ang Drama nga Kinantahan ni Iluminado Lucente” (di-gradwadong
tesis sa KAL, UP Diliman, 2013) p. 86.

Liham, Talumpati, Interbiyu. Ang mga sulat, ulat, at iba pang bukal ng
impormasyon na pribadong pag-aari ay may iba’t ibang paraan ng pagtatala.
Hangga’t maaari, Isaalang-alang ang mga bagay bagay na makatutulong sa
pagkilala ng bukal ng impormasyon.
33
Liham ni Pedro Cominguez kay Juan Metrico (2 Hulyo 1965)
34
Talumpating binigkas sa Unang Pambansang Kongreso sa Wika (18 Agosto 2013).

108
Mga Sekundaryong Sanggunian. Kapag ang bukal ng impormasyon ay
tinatawag na sekundaryo, ibig sabihin, ang nakuhang impormasyon ay galing
lamang sa ibang akda, ang bagay na ito ay kailangang linawin sa talababa.
35
Bienvenido L. Lumbera, “Assimilation and Synthesis (1700-1800):
Tagalog Poetry in the Eighteenth Century,” Philippine Studies, 16, blg. 4 (Oktubre 1968), p.627
sumipi sa Dean S. Fansler, “Metrical Romances in the Philippines,” Journal of American folklore,
XXXIX blg.112 (Abril-Hunyo 1916), p.203.

Maaari namang iuna ang bukal na primary o talagang pinanggalingan ng


impormasyon.
35
Dean S. Fansler, “Metrical Romances in the Philippines,” Journal of American Folklore, XXXIX
blg.112 (Abril-Hunyo 1916), p.203 sinipi sa Beinvenido L. Lumbera, “Assimilation and Synthesis
(1700-1800): Tagalog Poetry in the Eighteenth Century,” Philippine Studies, 16, blg.4 (Oktubre
1968).

Ibid., loc. cit., op.cit. Kapag paulit-ulit na binabanggit sa teksto ang isang aklat o
akda sa peryodikal, gumagamit ng mga daglat na Latin upang makatipid sa
paghahanay ng talababa. Sa halip muli’t muling isulat ang buong impormasyong
hinggil sa isang aklat o artikulong ginamit, maaaring gamitin ang ibid., loc. Cit., at
op.cit. Tingnan pa ang kahulugan ng mga daglat sa Latin sa 15.11.

Ibid. sa magkasunod na banggit. Kapag magkasunod ang banggit sa iisang


reperensiya, kahit ang mga banggit ay nasa magkaibang pahina sa teksto,
ginagamit ang ibid.
36
James Le Roy,” The Philippines, 1860-1898-Some Comment and
Bibliographical Notes,” The Philippine Islands 1493-1898, tomo 52,
Emma Helen Blair at James Alexander Robertson, mga ed., p.185.
37
Ibid., p.207.

Ibid. sa Iising Awtor, Sanggunian ngunit Magkaibang Artikulo. Maaari ring


gamitin ang ibid. kahit na magkaibang artikulo ang magkasunod na binabanggit
kung iisa ang awtor at pinagkunang peryodikal.
38
Epifano San Juan Jr., “Lakas ni Dionysus sa mga Tula ni Manuel Car.
Santiago,”
Panitikan I, blg.4 (Oktubre 1965), p. 17.
39
Epifano San Juan Jr., “Ang Daigdig ng Pandama: Mga Obserbasyon sa ilang tula ni
Gonzalo K. Flores,” ibid., blg. 6 (Abril 1966), p. 8

Kung iisa lamang ang awtor ngunit magkaiba ang pinagkunang akda at
peryodikal o aklat, huwag gagamitin ang ibid.
109
Op. cit. sa Iisang Akda, ibang Pahina. Kung muling gagamitin sa talababa ang
isang akda, bagaman sa ibang tomo, kabanata, o pahina, at may iba pang
nababanggit na reperensiya sa pagitan ng unang pagbanggit sa naturang akda
at sa muling pagbanggit, maaaring isulat na lamang ang pangalan ng awtor at
idagdag ang op. cit. at bagong tomo, kabanata, o pahina.
40
Teodoro A. Agoncillo, The Revolt of the Masses, (Lungsod Quezon: University
of the Philippines Press, 1956), p.88
41
Reynaldo Clemena Ileto, Payson and Revolution (Lungsod Quezon: Ateneo
de Manila University Press, 1979), p. 5
42
Agoncillo, op.cit., p.95

Loc. Cit Ginagamit naman ang loc.cit. kung muling gagamitin sa talababa ang
isang akda, pagkaraang mabanggit ang ibang reperensiya, at may namagitan
nang ilang pahina sa unang pagbanggit at sa muling pagbanggit. Pangalan
lamang ng awtor at loc.cit. ang lumilitaw sa talababa. Nangangahulugang walang
pagbabago sa dating nabanggit na akda. Hindi na ipinapayo ang paggamit ng
loc.cit. Ngunit kung gagamitin, tiyaking ang awtor at akdang tinukoy sa loc.cit ay
iisa o kaya walang ibang isinulat ang awtor na ginamit din sa loob ng teksto.
43
Andres Cristobal Cruz, “Bigas,” Panahon ng AkingPag-ibig: Mga Piling Kuwentong
tundo (Lungsod Maynila: Yeba Publications, 1964), p.94.
44
Liwayway A. Arceo, Uhaw ang Tigang na Lupa (Lungsod Maynila,1968).
55
Cristobal Cruz, loc.cit.

Para sa pagpapaliwanag. Sapagkat hindi palaging nakasapat ang


pagpapaliwanag o pagtalakay sa siniping teksto, nakatutulong ang tala at
talababa upang mapalawig ito at maipakilala ang mga kaugnay pang paksa.
1
Una kong ipinahayag ang birtud ng salin ni Bonificio sa isang panayam kaugnay ng panel
discussion sa pagsasalin n pinangunahan ni Dr. Mario Miclat at sa pangangasiwa ng UP Creative
Writing Center noong 23 Pebrero 1996. Hindi ko naisulat ang naturang panayam. Gayunman,
nagkaroon ako ng pagkakataong isulat ito para sa isang palatuntunang magkatulong ng
Kagawaran ng Kasaysayan at Kagawaran ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Diliman noong
28 Nobyembre 1996. Inilibas ko ang naturang panayam sa pamagat na “Rizal/Bonificio:
Makatang Filipino” sa mga isyung 16 qt 23 Disyembre 1996 ng Filmag.
2
Fray Gaspar de San Agustin, Compendio del arte de la lengua tagala (Manila: Imprenta de
Amigos del Pais, 1703). Kasamang nalimbag si Virgilio S. Almario (ed.), Poetikang Tagalog: Mga
Unang Pagsusuri sa Sining ng Pagtulang Tagalog (Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino,
Sistemang Unibersidad ng Pilipinas,1996) mp. 1-9.
3
Jose Rizal, Arte metrica del Tagalog, salin mulang Aleman ng panayam na binigkas ni Rizal sa
Sociedad Etnografica sa Berlin noong Abril 1887. Si Rizal din ang nagsalin sa Espanyol. Kasamang
nalimbag sa Almario, Poetikang Tagalog, ibid., mp. 47-57.

110
Mahabang talababa. Hindi maiiwasang maging mahaba ang pagpapalawig ng
may akda sa talababa. Sa mga ganitong sitwasyon, mas lumaki ang espasyong
nasasakop ng talababa kaysa teksto. Hanggang maaari, kailangang maging
bahagi ng pahina ang mga talababang nakasaad sa teksto nito. Kung hindi
maiiwasang lumampas sa susunod na pahina ang talababa, tiyakin lamang na
ang simula ng entri ay nasa pahina kung saan ito nakasaad.

SANGGUNIAN. Kaiba sa tala at talababa, inilalagay ang sanggunian


(bibliography) sa dulo ng artikulo o aklat. Ito ang listahan ng mga akdang ginamit
para sa partikular na sulatin o saliksik. Alpabetiko ang listahan at may mga
paraan ng pagsulat na naiiba sa tala at talababa.

Wastong pagkakasunod. Inilalahok ang mga sumusunod na detalye sa


sanggunian.

A. Aklat
1. May-akda: Buong pangalan ng mga manunulat, editor, tagatipon. Maaaring
isulat ang pangalan ng institusyon o organisasyon bilang may-akda.
2. Pamagat: Buong pamagat ng aklat, kasama ang pangalawang pamagat
(subtitle)kung mayroon. Isinusulat nang italiko ang pamagat ng mga
mahahabang akda at mga aklat. Ipinapaloob naman sa panipi ang pamagat ng
mga artikulo bago isinusulat ang pamagat ng aklat na pinagkunan ng artikulo.
3. Editor, tagasalin, at tagatipon: Maaaring isama sa entri sa talasanggunian
ang pangalan ng kung sino man sa mga ito kung nabanggit sa aklat.
4. Edisyon: kung mayroon.
5. Tomo: Isulat ang kabuuang bilang ng tomo ng publikasyon, kung tinutukoy
ang lahat ng tomo ng publikasyon; indibidwal na bilang ng tomo kung ito ang
ginamit; at, kung maaari, ang pamagat ng tomong iyon.
6. Mga detalye ng lathalaan: lungsod, tagapaglathala, at taon ng
pagkakalathala.
7. Bilang ng pahina, kung maaari.

B. Peryodikal (jornal, magasin, at peryodiko)


1. Awtor o mga awtor
2. Pamagat ng artikulo at pamagat ng kolum (kung mayroon)
3. Pamagat ng publikasyon
4. Impormasyon ng isyu
5. Pahina

C. Di Nalathalang Materyales
1. Sundin ang paraan ng paglilista sa aklat, kung may maaaring gamiting
impormasyon.
Kung wala, isaad ang anumang impormasyon na makatuulong sa isang
mananaliksik.

111
Publikasyong Isa ang Awtor. Isinusulat nang nauuna ang pangalan ng may
akda sa paraang apelyido-unang pangalan-inisyals ng gitnang pangalan (kung
nasa pahinang pampamagat ng aklat). Naglalagay ng tuldok pagkatapos ng
inisyals ng gitnang pangalan (o ng pangalan kung walang detalye para sa
gitnang pangalan). Para sa pagsulat sa paraang apelyido-unang pangalan-
gitnang pangalan, tingnan ang 12.2.3.

Kung institusyon o pangkat ang may-akda ng publikasyon, isinisulat nang buo


ang pangalan nito.

The Committee on the Humanities, ed., Readings in Contemporary Philippine


Literature. Lungsod Quezon: Ken Incorporated, 1967.

Dalawa o Higit pang Awtor. Sa mga publikasyong maramihan ang awtor, isulat
ang mga pangalan ayon sa pagkakasunod ng mga ito sa pahinang
pampamagat (title page). Ang unang pamagat lamang ang nakasulat sa
apelyido-unang pangalan.

Gumagamit ng kuwit sa pagitan ng bawat pangalan.

Anonima ang Awtor. Kung hindi ipinakilala ang awtor, sinisimulan ang entri sa
pamagat ng publikasyon. Pinananatili ang pagiging italiko ng pamagat kahit
sinisimulan nito ang entri.

Ang Walang Pagkupas na Kasaysayan ni Bernardo Carpio. Lungsod


Maynila: Philippine Book Co., 1949.
Buhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Afbio at ni Sofia sa
Caharian nang Portugal na Hinango sa Novela. Imprenta,
Libreria at Papelaria niJ. Martinez, 1920.
Kabayan Tabla: Buhay ng Prinsipe Don Juan at Prinsesa Donya Maria sa
Kaharian ng Balencia at Asturias. Lungsod Maynila: Aklatang
Lunas, 1950.

Kung anonimo ang awtor batay sa pahinang pampamagat ngunit natitiyak


ng sumusulat kung sino ang awtor, ang pangalan ng awtor ay maaaring isama sa
impormasyon ng sanggunian nang nakakulong sa panaklaw at sinusundan ng
tuldok.

[Edroza-Matute, Genoveva]. “Kasalukuyang Kalagayan ng Panitikang


Pilipino.” Panitikan I. Manila: Pioneer Song Lyric Publication,
1965.

Kung hindi tunay na pangalan ang ginamit ng awtor, isulat ag alyas at lagyan ng
“alyas” pagkaraan na nakakulong sa panaklaw.

M.S. Martin [alyas]. Timawa. Lungsod Maynila: Liwayway Publications,

112
Inc., 1953.

Pagsulat ng Pamagat. Sinusundan ang baybay, malaki at maliit na letra sa


pamagat na makikita sa pahinang pampamagat.

Eugenio, Dimiana L. Mga Piling Awit at Korido. Lungsod Quezon:


University of the Philippines Press,1995.
Hau, Caroline. Necessary Fictions: Philippine Literature and the Nation
1946-1980. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University
Press, 2000.

Tadiar, Neferti Xina M. Things Fall Away: Philippine historical experience


and the makings of Globalization. Durham: Duke University
Press, 2009.

Kung may Pangalawang Pamagat. Karaniwang isinasama ang mga


pangalawang pamagat ng mga publikasyon. Gumagamit ng tutuldok upang
tukuyin ang pangalawang pamagat.

Atienza, Glecy, Bienvenido Lumbera, at Galileo Zafra, mga ed. Bangon:


Antolohiya ng mga dulang mapanghimagsik. Lungsod

Quezon: Office of Research Coordination, Unibersidad ng


Pilipinas, 1998.
Cruz, Hermenegildo. Kung Sino ang Kumatha ng “Florante”: Kasaysayan
ng buhay ni Francisco Balagtas at Pag-uulat ng kaniyang
Karununga’t Kadakilaan. Lungsod Maynila; Komisyon sa
Wikang Filipino,2013.

Pamagat sa Loob ng Pamagat. Nilalagyan ng panipi ang pamagat sa loob ng


pamagat. Gumagamit naman ng isang panipi para sa pamagat sa loob ng
pamagat artikulo o journal o kabanata sa isang aklat.

Almario, Virgilio S. “Ang Pinagbuhatan ng ‘Florante at Laura’ ni Balagtas.”


Si Balagtas at ang Panitikan para sa Kalayaan. Lungsod Maynila:
Komisyon sa Wikang Filipino, 2014.
Casanova, Arthur P. “Ang Pagtuturo ng Filipino sa mga Dayuhan.”
Pandiwa 1, blg. 1 (2013).
Morada, Florelyn Cherry B. “K to 12 science curriculum is learner-
centered, inquiry-based. “EducNews (Disyembre 2013).

Edisyon. Karaniwang isinasama ang edisyon ng aklat sa entri sa sanggunian.


Isinusulat ito pagkatapos ng pamagat at nilalagyan ng tuldok.

Casaysayan nang Pasiog Mahal ni Jesucristong Panginoon Natin na


113
Sucat Ipag alab nang Puso nang Sinomang Babasa. Edisyong
may salin at introduksiyon ni Rene D. Javellana, S. J. Lungsod
Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1998.
Ortograpiyang Pambansa. Edisyong 2014. Lungsod Maynila: Komisyon
sa wikang Filipino, 2014.
Ortograpiyang Pambansa. Ikalawang ed. Lungsod Maynila: Komisyon sa
Wikang Filipino, 2014.

Tomo. Isinusulat sa numerong arabe ang tomo ng mga aklat. Inilalagay ang
kabuuang bilang ng tomo kung ang lahat ng tomo ang ginamit sa sanggunian.

CCP Encyclopedia of Philippine Art. 10 tomo. Manila: Cultural Center of


the Philippines,1994.

Kung particular na tomo ang ginamitb na reperensiya, isulat ang pamagat


ng tomo bilang pamagat ng sanggunian. Inilalagay naman kung pang-ilang tomo
at anong publikasyon pagkatapos ng pamagat. Alalahaning italiko rin ang
pangalan ng
publikasyon.

Philippine Theater. Ikapitong tomo ng CCP Encyclopedia of Philippine Art.


Manila: Cultural Center of the Philippines,1994.

Lathalaan ng Petsa. Inilalagay ang lugar ng lathalaan, at petsa ng


pagkakalathala sa huling bahagi ng sanggunian. Para sa gamit ng bantas sa
lathalaan at petsa, tingnan ang 12.6.4. Naiiba oto sa talababa dahil hindi na
ikinukulong sa panaklong ang impormasyon hinggil sa paglalathala.

Eugenio, Damiana L. Mga Piling Awit at Korido. Lungsod Quezon:


University of the Philippines Press, 1995.
Gumagamit naman ng mga daglat na “w.p.” (“walang petsa”) at “w.l.”
(“walang lathalaan”) kung ang mga ito ay hindi nakasaad sa sanggunian.

Corrido at Buhay na Pinagdadaanan ng Tatlong Principeng Magkakapatid


na Anak ng haring Fernando at ng Reina Valeriana sa
Kahariang Berbania. Lungsod Maynila: P. Sayo, w.p.

Kung nagbago ang pangalan ng lathalaan, panatilihin ang pangalan ng


lathalaan batay sa nakasaad sa pahinang karapatang-sipi (copyright page) ng
sanggunian.

Historia Famosa ni Bernardo Carpio sa Reinong Espana na Anac ni D.


Sancho Diaz at ni Dona Jimena. Limbagan at Aklatan ni J.
Martinez. Lungsod Maynila, 1919.
Salita at Buhay na Pinagdaanan ni Segismundo at nang Duquesa Policena
At nang Principe Adonais at nang Princesa Cloriana at Principe
114
Tang-credo at ni Lavena sa Caharian nang Albania. Lungsod
Maynila: Imprenta at Libreria ni J. Martinez, 1914.

SANGGUNIANG ELEKTRONIKO. Sa kasalukuyan, mas lumawk na ang


daluyan ng impormasyon na maaaring gamitin ng isang mananaliksik. Hindi na
lamang limitado sa mga aklat, jornal, magasin, peryodiko, at iba pang
inimprentang babasahin ang mga “nalathalang” materyales. Ginagamit na ring
sanggunian ang mga nalathalang materyales sa internet (online magazines,
online journals, websites, blogs, atbpang katulad na anyo) o mga sangguniang
elektroniko, told ng aklat eletroniko (e-book), at materyales na audiovisual
(cd/dvd-rom, video at sound recordings).

Sa pagsulpot ng ganitong uri ng materyales, mas napadadali ang


paghahanap ng mga sanggunian, lalo na sa tulong ng internet. Ngunit, kailangan
ang higit na pag-iingat sa gumagamit ng mga elektronikong materyales sapagkat
maaari (o mabilis) na nagbabago ang nilalaman ng mga ito. Bukod sa hindi
katiyakin ng nilalaman nito sanhi ng “kaluwagan” sa editing sa internet,
kailangang mas isaalang-alang ng mananaliksik ang awtebtisidad ng
elektronikong

materyales. Mas mapagkakatiwalaan ang mga online na materyales na binili sa


mga pabliser kaysa mga libreng nakikita o nada-download mula rito.

Humihingi ng mas mabigat na responsibilidad sa kasipunan sa pagkalap


ng reperensiya ang ganitong “kaluwagan” sa mga sangguniang online. Sapagkat
mas madaling magagamit ang internet, higit na nagkakaroon ng laya ang
sinuman upang “malathala”. Sa madaling sabi, nagkakaroon ng kaluwagan sa
pagtawag na “awtor” sa kahit na sino basta’t mayroong nailagay na cyberspace.

Mga sanggunian mula sa websites. Para sa mga online na materyales,


inilalahok ang mga sumusunod na element:
1. Buong pangalan ng awtor
2. Buong pamagat ng artikulo
3. Pangalan ng website (o pahina)
4. Petsa ng pagkakalathala
5. Ang uniform resource locator o URL

Pangalan ng awtor sa mga sangguniang elektroniko. Ang pagsulat ng


pangalan ng awtor para sa mga sangguniang elektroniko ay katulad ng pagsulat
ng pangalan sa mga nalimbag na publikasyon. Tignan ang 17.33-35.

de Veya, Lourd. Carlo J All the Way. 1 Agosto 2009. http://www.spot.ph/


this-is-a-crazy-planets/28359/carlo-j-all-the-way.

115
Gappi, Richrd. “Opkors, nakakain ang F.” Rizal News Online. Hulyo 2013.
http://www.Rizalnewsonline.com/2013/07/poetry-opkors-
nakakain-ang-f-ni-eichard.html.

Pamagat ng artikulo. Isinusulat nang italiko ang pamagat ng mga aklat


elektroniko. Kung ang materyales ay mga artikulo o kabanata sa isang aklat
elektroniko, isinusulat a loob ng panipi ang pamagat ng mga publikasyong online.

Campbell, Joseph. The Hero With a Thousand Faces. Princeton:


Princeton University Press,2004. e-book.
San Juan, Epifanio.” Pagsubok sa Isang Mapagpalayang Pakilala’t
Pagtaya sa Sining ni Jose Corazon de Jesus.” Himagsik Kayumanggi. 1 Abril 2013.
http://sonnysj.blogspot.com/2013/04/jose-corazon-de-jesus-ang-sining-ni.html.

Pangalan ng pahina at petsa ng pagkakalathala. Italiko naman ang pangalan


ng pahina o website. Kaiba sa ibang elementona pinaghihiwalay ng tuldok,
nagtatapos sa kuwit ang pangalan ng pahina. Sinusundan ito ng petsa kung
kalian nalathala.

Quijano de Manila.” Why was the Rizal hero a Creole?” With One’s Past, 12 Oktubre 2010.
http:withonepast.wordpress.com/2010/10/12/why-was-the-rizal-hero-a-creole/.

URL. Ang uniform resource locator (URL) ang pangunahing reperensiya para sa
isang lokasyon (location) sa internet. Karaniwan itong pinangungunahan ng http
(hypertext transfer protocol) at ang ispesipikong kowd (code) para sa lokasyon
ng material. Nakikita ang URL sa adres bar kapag ginagamit ang isang internet
brawser.

Bagaman sinusundan ng tuldok ang URL sa sanggunian, nananatili ang maliit na titik nito
(http:// madalas ang simula). At sapagkat karaniwang mahaba ang isang URL, hindi ito nilalagyan
ng gitling kahit dalawa o tatlng linya ang nasasakop nito sa sanggunian.

Arao, Danilo. “Filipinas at Pilipinas bilang pangalan ng bansa.” Rising Sun. 29 Hunyo
2013.http://risingsun.dannyarao.com/2013/06/29/Filipinas-atpilipinas-bilang-pangalan-ng-
bansa.
San Juan, Epifanio.” Pagsubok sa Isang Mapagpalayang Pakilala’t Pagtataya sa Sining ni Jose
Corazon de Jesus.” Himagsik Kayumanggi. 1 Abril
2013.http://sonnysj.blogspot.com/2013/04/jose-corazon-de-jesus-ang-sining-ni.html.

Mga materyales na Audiovisual. Sa mga materyales na audiovisual, ilahok ang


sumusunod na mga element:
1. Pangalan ng awtor, manunulat, nagtanghal, o kung sinumang responsible o
lumikha sa nilalaman ng materyales.
2. Pamagat ng materyales, nakasulat sa italiko.
3. Pangalan ng kompanyang nagrekord o naglahathala.
4. Midyum (cd-rom, dvd-rom, cassette, atbp.)
5. Petsa ng pagkakaprodyus (maaaring idagdag)
116
Fernandez, Doreen at Malou Jacob. Panitikan: a documentary on
Philippine Literature. Cultural Center of the Philippines.
videocasette.
Granada, Gary. Kahit Ako’y Mahirap. Infiniti Music.audio cassette.
Gutierrez, Chin-Chin. Uyayi: a collection of Philippine Lullabies. National
Comission for Culture and the Arts.cd-rom.

YUNIT 9

ANG PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL

Kung nakapagpasya na ng paksang sasaliksikin, maaari nang buuin ang


sulating pananaliksik.
Sa tulong ng konseptong papel, na magsisilbing isang proposal,
maihahanda na ang binalak na pananaliksik.
Ang konseptong papel ay isang kabuuan ng ideyang nabuo mula sa
isang gawaing balangkas o framework ng paksang bubuuin.
Ang framework ay ang pinaka-istruktura at pinakabuod ng isang ideya na
tumatalakay sa nais patunay, linawin o tukuyin.
Bahagi ng Konseptong Papel
Rasyunal (Rationale)
Layunin (Objective)
Metodolohiya (Methodology)
Inaasahang bunga/ resulta (Expected outcome/output)
Rasyunal (Rationale)
117
Gaya ng natalakay na sa unang bahagi, taglay ng rasyunal ang pinagmulan
ng ideya o kadahilanan kung bakit napili ang isang paksa. Ang kabuluhan at
kahalagahan ng naturang paksa o pag-aaral ay inilalahad sa puntong ito.
Halimbawa:
Paksa: Information Technology: Daan sa Makabagong Panahon
Rasyunal: Bago sumapit ang Information katakot-takot na pasakit at
paghihirap ang dinanas upang makatanggap o makapagpadala ng mensahe.
Ilang araw o buwan ang kailangang lumipas bago matanggap ang liham.
Kuntento na rin sa isang beses sa isang buwan na makapag-usap dahil mahal
ang overseas long distance. Samakatuwid, mabagal ang paraan ng
komunikasyon.

Sa paglipas ng panahon, tila ang Mindanao ay naging Quiapo at ang


Hong Kong ay Divisoria. Kaunting pihit lamang sa kompyuter ay konektado ka sa
kabilang bahagi ng mundo. May pagkakataon pa ngang nagkausap o Makita ang
isa’t isa sa screen ng kompyuter. Ang lahat ng ito ay dahil sa teknolohiya.

(ni Julie Ebal-Wika, Kultura at Lipunan sa Panahon ng Impormasyon)


Layunin (Objective)
Ang hangarin o pakay ng pag-aaral na nais matamo ng napiling paksa. Maari
itong pangkalahatan (general) o tiyak (specific). Sa pangkalahatang layunin,
ipinananahayag nit ang kabuuang layon, nais gawin, mangyari o matamo sa
pananaliksik. Sa tiyak na layunin, ipinahahayag nito ang ispesipikong pakay sa
pananaliksik sa paksa.
Halimbawa:
Paksa: Ang Wikang Filipino sa Larangan ng Text Messaging
Pangkalahatang Layunin: Malaman ang tungkuling ginagampanan ng Wikang
Filipino sa karangan ng text messaging.
Mga Tiyak na Layunin:
1. Natutukoy ang lawak at hangganan ng paggamit ng Filipino sa larangan ng
text messaging:
2. Naibibigay ang mga paraan ng pagpapaikli ng mensahe sa Filipino gamit ang
text messaging:
3. Nailalahad ang implikasyon ng pagpapaikli ng pahayag sa Filipino gamit ang
text messaging:
Metodolohiya (Methodology)
118
Ang paraan (technique) at pamamaraang (method) ginamit sa pagkuha ng
datos at pagsusuri sa piniling paksa sa pananaliksik ay nasa bahagi ng
metodolohiya.
Maaaring gamiting paraan sa pagkuha ng datos ang sarbey, questionnaire,
case study, obserbasyon, interbyu at iba pa. Kung magsusuri, magagamit ang
paraang empirical, komparatibo, interpretasyon o pagpapakahulugan.
Magagamit ang mga ito depende sa larangang gagamitin.
Inaasahang Bunga (xpected outcome/output)
Ilalahad sa bahaging ito ang resulta ng isinasagawang pananaliksik.
Maaaring banggitin dito ang dami ng pahinang mabubuo ng pananaliksik na
makinilyado o kompyuterisado. Maaari ring baanggitin ang mga idinagdag na
bahagi gaya ng apendise.
Narito ang isang halimbawa ng konseptong papel na magagamit para sa
pagsisimula nito:

Ang epekto ng “Stress” sa Tao at Ang Magagawa ng “Stress Management”

Ang stress o pagkapagod ay isang reaksyon ng katawan sa anumang


sitwasyon na nagpapakita ng kahirapan o pangamba. Nagagawa nito ang
katawan na makapagbigay ng hormone adrenalin na naghahanda sa tao upang
lumusong o umurong sa isang nakatakdang gawain. Ang stress ay normal na
bahagi ng buhay. Ang konting stress ay nakakabuti sapagkat nagagawa nitong
makapag-isip nang mabilis, at makapagbigay ng karagdagang lakas sa pagharap
sa iba’t ibang pagsubok sa pang-araw-araw na buhay. Pinasigla din nito ang tao
at nagbibigay ng kasabihan sa anumang walang kabuhay-buhay na gawain.
Pero ang labis na stress sa mahabang panahon kapag hindi napangalagang
mabuti ay maaaring mag dulot sa pisikal at mental na sintomas.
Halimbawa, sobrang kapaguran at sobrang pag-aalala.
Samakatuwid, sa tulong ng kaalaman sa stress management, matutukoy kung
paano maiiwasan at mareresolbahan ang labis na pagkapagod na makasisira at
lilikha ng problema sa araw-araw na gawain. May mga paraan upang maresolba
kundi man ay maiwasan ang dinaranas na “ stress” na makapanumbalik ang
lakas.
Pangkalahatang layunin:
Malaman at masuri ang mga kadahilanan ng “stress” at kung paano ito
mapapamahalaan (stress management).
Tiyak o Ispesipikong Layunin:
119
1.Matukoy ang mga pangangailagan ng stress
2.Mabatid ang mga paraan upang maiwasan at maresolba ang pinanggagalingan
ng stress.
3.Makapagbigay ng mga rekomendasyon at mungkahi para maresolba at
maiwasan ang nasamang stress na nararanasan sa buhay.
Metodolohiya
Maaaring mapagkunan ng datos sa pananaliksik ang mga sumusunod: mga
aklat at artikulo na may kaugnayan sa stress; interbyu sa mga awtorisadong tao
o institusyon na may tuwirang nakakaalam sa paksang “stress management”,
pagdown-load sa internet na may kaugnayan sa paksang “stress management”.
Maaaring magamit ang paraang palarawan sa pananaliksik.
Inaasahang Bunga
Ang pag-aaral na ito ay binubuo ng 30-40 pahinang papel, kasama ang
bibliografi at apndise nito.

Sa lahat ng anyo ng sulatin, ang pananaliksik ang maituturing na espesyal.


Taglay ng sulating ito ang maingat na pagsasalansan ng hinagong ideya mula sa
iba’t ibang pinagkunang impormasyon at mga datos. Sa tulong ng talababa o
mga tala, ulat parentetikal, bibliography a iba’t ibang sanggunian,
naisasakatuparan ang ninanais na pananaliksik. Ang maingat na pagkilalang ito
ay tinatawag na dokumentasyon. Sa pamamagitan ng dokumenatasyon,
maipapakita ang iskolarling sa pagpapahayag, pag-unawa at pagsunod sa
prinsipyo ng pagbuo ng sulating pananaliksik at makaiwas sa batas ng
plagiarism.
Ang Sistemang Talababa-bibliography
Sa sistemang talababa-bibliography ang mga impormasyon tungkol sa
pinagkukunan ng datod ay inihahanay sa lababa (footnotes) at bibliograpiya.
May gumagawa ng sulating pananaliksik na hindi na ibaba ang
impormasyong bibliograpikal, ang ginagawa ay pinagsama-sama na lamang ang
mga ito sa hulihan ng papel. Itinatawag itong endnote sa Ingles.
Halimbawa:
Sa dami ng mga bansang nakikipagkalakalan sa Pilipinas simula pa noong
unang panahon, hindi nakapagtatakang maraming mga salita ang pumasok at
naging bahagi na ng wikang Filipino. Ginamit at patuloy na ginagamit ang mga
hiram na salitang ito hanggang sa ang mga ito’y magbago ayon sa kakayahang
linggwistiko ng mga Pilipino. Sa sobrang kasanayan na sa mga salitang ito ay
hindi na nga namalayan na ang mga ito ay hiram lamang.
120
Sa pagpasok sa bansa ng mga mangangalakal na Tsino, pumasok at
ginamit na rin ng mga Pilipino ang salitang “achi” kung saan ay nakuha ang
salitang “ate”. Sa katulad na paraan din nakuha ang mga salitang diko, ditse,
sangko, sanse at iba pa. Pumasok sa bokabularyo ng mga Pilipino ang mga
salitang ito at ginamit ayon sa gamit ng mga ito sa pinagmulang wika. Ilan pang
halimbawa nito ay ang bolpen, lapis, nowtbuk, kompyuter, beer, pan desal,
vetsin, karaoke, videoke, relo at iba pa.
____ Joel L. Villaman. Ang Epekto ng Pangangalakal sa Wikang Pambansa
(Wika, Kultura at Lipunang Pilipino sa Panahon ng Impormasyon)148-149.
Pociano B.P. Pineda. Ang Wikang Filipino sa Information Age (Komisyon sa
Wikang Pambansa) Design Plus, Manila, 1997)41-42
Ang sistemang Parentetikal- Sanggunian
Sa sistemang parentetikal-sanggunian, ang mga impormasyong
bibliograpikal ay inilagay sa parenthesis. Ang parenthesis na ito ay nakapaloob
naman sa mismong texto. Kasama nito ang listahan ng mga sanggunian o
mga sanggunian na matatagpuan sa hulihan ng sulating pananaliksik.

Ang sistemang ito ay kadalasang ibinabatay sa Modern Language


Association Handbook for writers of Research Paper of MLA na gumagamit ng
istilong awtor-pahina uthor-page style
Halimbawa:
Ang multilinggwalismo o ang higit pang malawak na terminong
internasyonalismo ay hindi lamang sumasaklaw sa mga isyung panglinggwistika,
bagkus tumutukoy rin ito sa particular na cultural nag awing iba’ ibang samahan
na nakikita sa pamamagitan ng tuntunin ng pagsulat. (Miklos 8-10). Ang internet
ay hindi pinakaunang midya na magagamit upang mapalawak ang mga
terminong pang internasyunal, bagkus makatutulong sa tao upang maunawaan
at makilala na makapagpapagaang ng dulo.
Sa dulo naman na papel, may seksiyong “Mga sanggunian”
Halimbawa:
Mga sanggunian:
Irmay, Miklos. 1998. Multilinggwualism on the Internet. A few examples,
MEXFT 98 wokshop Proceeding. Oudet, Bruno. 1999. Multilinggwalism on the
Internet. Scinetific American 1999.

121
APENDISE

Mga halimbawa ng Abstrak at Full Paper

Mga Halimbawa ng Abstrak


ANTAS NG KAALAMAN NG MGA MAG-AARAL SA PANGHIHIRAM NG
MGA SALITA (GABAY ANG TUNTUNING PANLAHAT SA PAGBABAYBAY SA
ORTOGRAPIYANG FILIPINO)

Samantha L. Policarpio
samanthapolicarpio@gmail.com

Andrea P. Adigue
andreaadigue@gmail.com
Abstrak

Dahil sa kasanayang komunikatibo, hindi tinatalikuran ang pagtuturo ng kayarian ng


wika kundi binibigyan-diin ang kakayahang umunawa at gumamit ng wastong
pananalita sa aspetong pambalarila. Ayon kay Badayos (2008), Ang pagsulat bilang

122
isang makrong kasanayan ay nangangailangan ng mamalim na pag-unawa at pag-iisip
kaya ito ay mabagal at kompleks na proseso.
Nilayon ng pananaliksik na ito na alamin ang “Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral
sa Panghihiram ng mga Salita (Gabayang Tuntuning Panlahat sa Pagbabaybay sa
Ortograpiyang Filipino)”Pinagtuunan ang kakayahan ng lahat ng mga mag-aaral na
nagpapakadalubhasa sa wikang Filipino sa dalawang pamantasan at dalawang kolehiyo
sa lungsod ng Cabanatuan.

Ginamit ang pamaraang quantitative at survey questionnaire sa 116 na respondent.


Lumabas sa resulta ng pag-aaral na may sapat na kaalaman sa pagbabaybay ng mga
hiram na salita ang mga mag-aaral. Walang epekto ang pagkakaiba-iba ng mga
kolehiyong pinapasukan pagdating sa kaalaman sa pagbabaybay ng mga mag-aaral
base sa nakalap na impormasyon. Hindi rin nakaaapekto ang antas sa kolehiyo at
wikang kinagisnan sa kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbabaybay.

Susing Salita: Pagbaybay, hiram na salita, walong dagdag na titik, ortograpiya

Komparatibong Analisis sa Nobelang Isinapelikula bilang Lapit sa Pagtuturo

Andrea P. Adigue

Abstrak

Ang pagkatuto ay naka-angkla sa pamamaraan na ginagamit sa pagtuturo


kasabay sa pagpukaw ng interes ng mga mag-aaral. Ang inobasyong dulot ng
makabagong teknolohiya’y salik na kaagapay upang matugunan ang hamon sa
epektibong pagtuturo at pagkatuto. Ang pagsasalin sa pelikula ng mga akdang
nakalimbag ay isang pamamaraan upang makasunod sa pag-unlad ng teknolohiya ang
mga akdang panitikan na sumasalamin sa kultura at kasaysayan. Sa katunayan,
maraming kuwentong naisasapelikula at nabibigyan ng panibagong anyo upang
makasabay sa popular na kultura.

Ginamit ang Pamaraang Palarawan (Descriptive Analysis) at Pangnilalamang


pagsusuri (Content Analysis) sa mga piling nobela at pelikula; Diary ng Panget at
ABNKKBSNPLAko?

Sa kabuuan, nagpapahayag ng mga paglalarawan ng iba’t ibang kabuhayan ng


Filpino sa piling nobela at pelikula. Batay sa kinalabasan ng isinagawang pagsusuri,
kapwa naglalarawan sa katotohanan ng buhay na may pagpapahalaga sa edukasyon at
mataas na pagtingin sa sarili. Maayos ang sinematograpiya, lugar, musika at tunog, mise
123
en scence at ilaw na higit na nakatulong sa ganda ng mga pelikula. Ang mga tagpo/
eksena ay higit na nagpakita ng kalakasan at kahinaan, tagumpay at kabiguan,
sakripisyo at pagtitiis.

Hindi lahat ng makikita sa pelikula ay tama at dapat na gayahin. Kung kaya’t


ang malaking papel ng guro sa gagamiting dulog sa pagtuturo ay nararapat na
nagbibigay ng kaalaman hinggil sa paksa. Bigyang halaga bilang panoorin sa
eskwelahan ang mga pelikulang naglalarawan ng mga katotohanan, sapagkat inilahad
nito ang halaga na dapat matutunan.

Susing salita: Nobela, Pelikula, lapit, komparatibo, pagtuturo

CODE-SWITCHING AT PAG-AARAL SA SILID ARALAN

*Andrea P. Adigue
andreaadigue@gmail.com

Abstrak

Sa bagong sitwasyon ng wikang Filipino, ang mga nabibilang sa nakababatang


henerasyon ay hindi lubusang sinasanay ang paggamit ng pang-akademikong Filipino
at Ingles.

Sa halip, ang mga Filipino, sa pangkalahatan, ay marunong gumamit ng “street


Filipino” na siya nilang natututunan sa media at hindi sa pang-akademikong Filipino na
natututunan sa paaralan. Hindi lubos na naiintindihan ng mga Filipino ang pang-
akademikong Filipino sapagkat karamihan sa mga guro ay hindi komportable sa
paggamit ng wikang Filipino lamang bilang midyum sa pagtuturo.

Sa paglipas ng panahon, ang mga Filipino ay nagsimulang gumamit ng wikang


Filipino at Ingles sa pakikipagkomunikasyon nang halinhinan, at dahil doon ay sumibol
ang code-switching.

124
Ginamit ang pusposive sampling sa pag-aaral na ito at Dalawangdaang (200) mag-
aaral na mula sa una hanggang ikaapat na antas tersyarya at dalawampung (20) guro na
mga opisyal na nakalata at nagtuturo sa taong pampanuruan unang semestre 2015-2016.

Sa kabuuan, Asignaturang Ingles ang nanguna sa mga asignaturang ginagamitan


ng code-switching ng mga guro ayon sa tugon ng mga mag-aaral. Ang asignaturang
Humanities naman ang nangunang ginamitan ng code switching ng mga mag-aaral.

Mas maraming guro ang nagsabing mas nakatutulong ang code-switching sa


kanilang pagtuturo dahil mas nabibigyan nila ng mahusay na paliwanag ang isang
paksa sa tulong ng paglalapat ng higit sa isang wika. Samantalang ang ibang guro na
hindi gumagamit ng code-switching ay nagtuturo ng asignaturang English, bunsod nito
ang hindi pagtanggap sa paggamit ng iba pang wika sa talakayan.

Susing salita-Code-switching, pagtuturo, pagkatuto

Mga Halimbawa ng Buong Pananaliksik /Full Paper


Panitikan bilang Kulturang Popular: Ugnayang Literatura at Pelikula
ANDREA P. ADIGUE
I. PANIMULA

Sa panlalagas ng dahon ng panahon unti-unting naisasantabi ang pagkakakilanlan


ng isang lahi, gayun pa man ito’y muling susupling at sa pagsibol ay may pag-asang
masisilayan, magbibigay ng bagong pag-asa’t kagandahan sa mga makatatamasa nito.
Natutuon ang kamalayan ng nakararami sa mga pagbabagong bunsod ng teknolohiya,
globalisasyon at ang mga mabungang likhang literari ay naiiwang naka tiwangwang at
naisasantabi.
Nag-uugnay ito ng mga pangyayari, nagpapahayag ng mga kaisipan at naglalahad
ng mga opinion. Ito rin ay tumutugon sa pang araw-araw na mga huwaran ng
pagsasalita at ginagamit upang maglaan ng detalyadong paglalarawan ng mga ideya,
bagay at sitwasyon (Siolongo, et.al.2007).
Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan impluwensya ng midya. Sa
panitikan masasalamin ang kultura, at tatak ng isang lahi, kaya sa pamamagitan ng pag-
aaral ng panitikan mababakas ang nakaraan, mababanaag ang kasalukuyan at maaaring
salaminin ang kinabukasan. Habang sinasaliksik ay lalong lumalalim ang pag-unawa at
125
matutuklasan ang mga bagay na kapaki-pakinabang patungo sa pagbabago at
kalinawan ng isip at pagbukal ng puso.
Sa tulong ng mga alagad ng sining at manunulat, ang mga kwentong unang
narinig at nabasa ay maaari nang masilayan sa mas mataas at makulay na antas ng
sining tulad ng pelikula. Ang pelikula ay isang modernong anyo ng panitikan. Malaki
ang naitutulong ng teknolohiya nito upang mabigyan ng panibagong kulay at buhay
ang mga natatanging akdang makabayan saan mang sulok ng mundo.
Mula sa panonood ng pelikula malilinang ang mga katotohanan ng buhay mula sa mga
gawaing pagsusuri kung may gagamiting batayan.
Ang nobelang isinapelikula ay naghahatid ng mga magandang mensahe sa
buhay para sa mga mag-aaral, mambabasa at manonood tungo sa buhay na kapaki-
pakinabang. Kung patuloy ang gagawing pagsusuri, malilinang ang isipan at
damdamin sa pagsulat ng nobela at makapag-ambag ng dakila at marangal na
kontribusyon sa bayang Pilipinas.
Ayon sa aklat nina Bone at Johnson (1992), inilahad nila ang pinakapopular na anyo ng
sining at ito ay ang pelikula. Nang sumilang ang pelikula, saka lamang napatunayan
ang sinabi ni Shakespeare na “the world’s a stage”, at ang mundo ay isang tanghalan na
tayo ang nagsisiganap.
Ayon sa mga may-akda, ang pelikula ay ang ngayon. Ito’y nakatuon lagi sa
kasalukuyan. Naipapakita ng pelikula kung ano at paano maging tao. Sa pelikula aniya,
nagagawa nitong mamukadkad ang bulaklak sa harap ng ating mga mata, ang ipakita
ang pagsasaya ng mga sanga ng punongkahoy sa hihip ng hangin, at ang dalhin ang
manonood sa kahit na saang sulok ng daigdig.
Nililikha muli ng pelikula ang batayang materyal ng pisikal na mundo sa isang
likhang sining. Ginagawa nitong imposible para sa isang pelikula na gawing isang
“dalisay” na nagpapahayag ng mapanghubog na intensyon o ng abstrakto at malikhaing
pagpapahayag ng kanyang mga emosyon. Para kay Kracauer, isang malinaw na
obligasyon at isang espesyal na pribilehiyo ng pelikula na itala at ilantad, at pagkatapos
ay tubusin, ang pisikal na realidad (Mast and Cohen 2).
Ang pelikula ay mabisang instrumento upang iugnay ang lipunang sumasalamin sa
larangang ito. Nagagawang mapaunlad ang kasanayan sa mapanuring na maituturing
na isang panlipunan at pangkulturang batayan ang mga pelikula.

Kasalukuyan, mas nakakaimpluwensya sa mga kabataan ang media kumpara sa


kanilang mga tahanan at paaralan (Lanuza, 2001). Ngunit kahit na ganito ang kalagayan
ng mga kabataan at ng media sa ngayon, sinasabi na sila ang pinakamapanuri sa
kanilang mga napapanood kung ihahambing sa ibang pangkat sa lipunan.
Nararapat na mabiyayaan ng isang pelikulang gigising sa kamalayan at hindi lamang
para maghatid ng aliw sa mga mamamayan. Ang mga pelikula ay hindi lamang
simpleng libangan kundi nagbibigay ng kaalaman upang matuto at pukawin ang ating
diwa.

126
Mahalaga ang pelikula sapagkat natututo ang mamamayang Pilipino. Mahalaga
ang ugnayan ng paksa, wika, at aral ng sine o pelikula upang iparating ang mensahe na
dapat bigyang pagpapakahulugan.
Tunay ngang isang obra ang pelikula na tila nagsasama-sama sa isang maluwang na
lambat ang iba’t ibang elemento nito. Ngunit sa huli, nasa atin pa ring manonood ang
kapasyahan kung anong huli o bigay ng lambat ang ating kukunin upang ating
mapakinabangan.
Ang ugnayang nobela at pelikula ay isang pagsusuri na nag lalaman ng mga
bahaging naghahatid ng kalinawan ukol sa akda at repleksyon sa ating pagiging
indibidwal na Pilipino at kasapi ng pamilya higit lalo sa ating kultura at tradisyon.
Kung kaya’t batay sa mga nakalahad, ito ang nag-udyok sa mananaliksik na suriin ang
kanon ng literatura na isinapelikula upang maging lapit o dulog sa pagtuturo at upang
mabigyan halaga ng mga mag-aaral na kaalinsabay ng globalisyon sa mundo, ang
panonood ng pelikula ay naghahatid upang makita ang kagandahan ng mg akdang
matatawag na sariling atin, na may tatak na Filipino.
Sa realismo, ang teksto ay kailangang magpakita ng mga kasalukuyang
pangyayari sa lipunan. Kailangang matapat ito sa mga kalakarang nagaganap sa
totoong buhay, tulad ng paghihirap ng mga api, pagdami ng mga pulubi sa kalye,
pagtaas ng mga kaso ng karahasan, at pagsasamantala ng mayayaman sa mahihirap.
Kung ating titingnan at susuriin ang depinisyon o paliwanag sa salitang “realismo” sa
iba’t ibang uri ng diksyunaryo, lahat ay pagpapatunay ng panglahat at tinatanggap na
ideya o konsepto.
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay suriin ang Panitikan bilang
Kulturang Popular: Ugnayang Literatura at Pelikula.

Paglalahad ng Suliranin
Pinagsikapang sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano- ano ang mga nilalamang tematiko (thematic content) ng mga

sumusunod na nobelang isinapelikula?


1.1 Laro sa Baga
1.2 Ligo na U, Lapit na Me
2. Ano-ano ang katangian ng mga piling akdang literatura na isina pelikula ayon
sa;
2.1 Pangunahing paksa
2.2 Pangunahing damdamin
2.3 Mensahe o gintong-aral

3. Paano ipinakita sa pelikula ang mga sumusunod na elemento;


3.1 sinematograpiya
3.2 musika at tunog
127
3.3 mise en scence
3.4 ilaw
4. Ano-anong tagpo/ eksena ang nagpakita ng iba’t ibang kabisaan
batay sa;
4.1 isip
4. 2 damdamin
5. Ano-anong implikasyon ang makikita sa nobela na isinapelikula?

METODOLOHIYA
Sa pag-aaral na ito ginamit ng mananaliksik ang Pamaraang Palarawan (Descriptive
Analysis) at Pangnilalamang pagsusuri (Content Analysis) sa mga piling kanon sa
literatura na isinapelikula; Laro sa Baga at Ligo na U, Lapit na Me. Sinikap na matukoy
ang Ugnayang Literatura at Pelikula na kasasalaminan ng realismong pananaw, ang
katotohanan ng pangyayari na nagiging ganap sa mga isinapelikulang kanon ng
literatura. Sa pamamagitan ng mga pamamaraang ito, sinikap na ipinakita ng
mananaliksik ang paraan ng pagpapahayag sa pamamagitan ng paggamit at mga
sitwasyon kung paano ang mga matotohanang pangyayari ay naganap sa mga sinuri.

II. PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN

Ang kabuuan ng bahaging ito ay nagpapahayag ng mga pagsasalaysay at


paglalarawan ng iba’t ibang kabuhayan ng Pilipino sa piling nobela na isinapelikula. Sa
pamamagitan ng papanaw na realismo na naging pangunahing sandigan ng pag-aaral,
tinukoy ng manunuri ang realidad ng buhay na natagpuan sa nobela na isinapelikula;
Laro sa Baga at Ligo na U, Lapit na Me. Batay sa kinalabasan ng isinagawang pagsusuri,
taglay pa rin ng pelikula ang mga katotohanan ng buhay, ang kapusukan ng mga

kabataan, na bagama’t may pagbabago sa paraan ng paglalahad sa pelikula na binihisan


at pinagalaw, ang mensahe at pangunahing paksa ay taglay pa rin.
Sa pagsusuri at paghihinuha ay natuklasan ang mga sumusunod ayon sa mga
inilahad na suliranin:

1. Ano- ano ang mga nilalamang tematiko (thematic content) ng mga sumusunod na
nobelang isinapelikula?

Talahanayan 1
Mga Nilalamang Tematiko mula sa Nobelang isinapelikula.

Mga Nobelang Isinapelikula Nilalamang Tematiko


1. Laro sa Baga Mga sensitibong pangyayari
Kahinaan at kapusukan na hubad sa
2. Ligo na U, Lapit na Me kamuralan at kamalayang kabataan

128
1.1 Laro sa Baga
Ang pelikula ay nagpakita ng mga sensitibo na pangyayari na patungkol sa sekswal na
pagnanais at pagnanasa ng pangunahing tauhan. Pagpapakita din ito na labis na
pagmamahal at labis na pagtuklas sa malalim na kahulugan ng pakikipagtalik, at kung
ano ang mga masamang pwedeng maidulot nito sa tao. Tunay na minahal ni Ding si
Dee, at ito’y kanyang naramdaman noong nawala ito. Kung pinahahalagahan lamang
ng mga lalaki ang nararamdaman ng mga babae, maaaring ang tunay na kaligayahan ay
hanggang sa huli, at hindi ito makasisira sa pagkatao ng babae. Ang ganitong pelikula
ay nagpapahayag ng iba’t ibang uri ng paraan kung paano tumatakbo ang isip ng tao.
Ang pagsisisi ay laging nasa huli, ang bunga ng maling pag-iisip at kahayukan sa laman
ay kasabay ng pagkasira sa pagpapahalaga sa sarili, hanggang lumiit at kumipot ang
sariling mundong ginagalawan.

1.2 Ligo na U, Lapit na Me


Lantad ang mga katotohanan o pawang mga nababalot na katotohanan ang salungatang
kapangyarihan at ispiritwal. Natatangi ang mga katotohanang pag-aangkop ng realismo
sa tema at lubos na kahinaan at kaguluhan na hubad sa kamuralan at kamalayan ng
lipunan. Ipinakita sa pelikula ang pagdadalawang isip ni Intoy nang una siyang
tanungin ni Jen na …
“How’s your sex life? Sumagot si Intoy na lahat natikman ko na,tao lang di
pa…kasi conservative ako, mapili, syempre ayaw ko naman na kung sino lang
pupunit sa aking karupukan...aba! rear species yata ako.”

Ang mga ganitong linya ay hindi na iba sa sitwasyon ng kabataan sa


kasalukuyan, ang pagiging marupok, mapusok, at tila sadyang gawin ang lahat ng
bagay nang hindi

pinag-iisipan ng makailang ulit. Ipinakita sa pelikula ang uri ng pakikipagrelasyon


ngayon ng kabataan, kung saan ang pakikipag talik ay normal na gawain na lamang
kahit walang

basbas at labas sa kasagraduhan ng kasal. Tinatawag ito na “friends with benefits” kung
saan, walang commitment ang bawat isa sa kung anumang relasyon ang mayroon sila.

2. Ano-ano ang katangian ng mga piling akdang literatura na isinapelikula ayon sa;

Talahanayan 2
Katangian ng mga piling akdang literatura na isinapelikula

Literatura na Pangunahing Pangunahing Mensahe o gintong-aral


isinapelikula Paksa Damdamin

129
Pagkahilig sa Kalalakihan na Paggabay ng magulang
1. Laro sa
paglalaro sa mahilig maglaro sa
Baga
baga baga

2. Ligo na U, Modernong Pagpapahalaga sa Hindi dapat


Lapit na pakikipagrelasy minamahal mapanghusga ng kapwa
on ng kabataan
Me

2.1 Pangunahing paksa


Laro sa Baga
Bahagi ng pamumukadkad ng sinumang binata ang pagiging interesado sa seks.
Normal na pagdaraanan iyon, kung ang bata ay walang interes dito ay maaaring
maging hudyat ito ng pagkakaroon niya ng problema (Clifford Anderson 1973). Sa
katunayan ang paksa sa nobela ay ang paglalaro sa baga ni Ding, ang pangunahing
tauhan, o ang pagkakaroon niya ng malay sa sekwalidad sa murang edad. Katangian ng
nobela na isina-pelikula ang ihayag ang realidad ng buhay, maging mulat sa kung ano
man ang kasalukuyang nagaganap. Ang pagkamulat sa kung ano ang maaaring maging
kahinatnan ng ating mga maling gawi. Hindi lamang si Dee ang kakikitaan ng ganitong
uri ng problema dahil kapansin-pansin rin ang mga babaeng bayaran na naglipana sa
nobelang isinapelikula.
Ang mga nabanggit ay mga katotohanan sa kasalukuyan kung kaya’t ang mga ito’y
repleksyon ng ating lipunang ginagalawan.

Ligo na U, Lapit na Me
Tinalakay ng pelikula ang kalagayan ng modernong pakikipagrelasyon ng mga
kabataan, ito ang realidad na gumagalaw lamang sa mga kanluraning bansa. Ngunit sa
pelikula ipinakita ang kasalukuyang larawan ng kabataan ngayon sa ating bansa.

Sa tagpong nasa restaurant sina Intoy at Jen, ay inabot ni Jen ang pregnancy kit.

…Napamura si Intoy at sinabing, tang-ina buntis ka? sumagot si Jen


na but this is not yours.

Sa paulit-ulit na ginawa nila ang kamuralan ay nagbunga. Masakit, malungkot at


pighati ang dinaranas ng mga kababaihan na biktima ng kanilang kapusukan, walang
kasiguraduhan, walang tiyak na patutunguhan. Ang mga ganitong uri ng relasyon ang
nagpapababa ng tingin sa mga babaeng biktima ng kahinaan.

Ipinahiwatig ng pelikula, na tayo ay naimpluwensyahan nang ganitong kaisipan


at ang mga implikasyon na pwedeng mangyari sa ganitong sitwasyon. Katangian ng
nobela na isinapelikula ay ang imulat ang mga kabataan sa kung paano pahalagahan
ang sarili.
130
Ang mga panyayari sa buhay kapag nalagyan ng lamat ay di na maaring buuin. Ang
mga kaisipang napapaloob ay tumatalakay sa realidad ng buhay ng mga mapupusok na
kabataan.

2.2 Pangunahing damdamin


Laro sa Baga
Ang mga babaeng bayaran ay naglipana sa nobelang isinapelikula. Ang mga
babaeng ito, kahit pa hindi ungkatin ang kanilang tunay na pagkatao ay mapapansin ng
nakararanas rin ng mahinang pundasyon sa pangangailangang sekswal. Kitang-kita ito
sa kanilang ikinikilos at bawat paghigpit ng kanilang pinto patungo sa kani-kanilang
kinalalagyan.
Sa mga ganitong sitwasyon makikita kung pinahahalagahan pa ba ng mga babae
ang kanilang mga puri. Sa mga kalalakihan na mahilig maglaro ng baga, ang mga babae
ay di laruan na parausan lamang ng kanilang tawag ng laman, sila’y may mga puso at
kaluluwa. Ang pagkasira ng kinabukasan at pagwasak ng sarili kung minsan ang siyang
kinahahantungan.

Ligo na U, Lapit na Me
Ang makabagong uri ng relasyon sa pagitan ng lalaki at babae, ay di na iba sa
kasalukuyan. Matino ang karakter ni Intoy, maliban na lang nang ang kanyang
kapilyuhan ay natapatan ng pagkapilya ni Jen. Ang kanilang pagse-seks tuwing
tangghali, ay walang maliwanag na commitment, ni walang taling nagbibigkis.
Hanggang sa na-inlove si Intoy kay Jen at handa na siyang magtapat ng pagmamahal at
tunay niyang nararamdaman sa dalaga nang bigalang nagtapat si Jen na siya’y buntis at
di si Intoy ang ama. Mula noon ay naputol ang kanilang pagkikita. Masakit na biglang
mawawala sa bandang huli ang taong mahal mo, at minahal mo ng di lang sa kung ano
pa man. Tulad ng naramdaman ni Intoy, na ang pagmamahal ay mararamdaman mo
lang kapag nawala na ang taong di mo pinahalagahan ng nang siya’y kasama mo pa.
Ang pagmamahal ay

maaaring magpabago sa ating karakter, iminumumulat tayo sa kung paano tayo


magpahalaga sa nararamdam ng iba.

2.3 Mensahe o gintong-aral

Laro sa Baga
Ang kapusukan ay nagdudulot ng pagkasira ng buong pagkatao ng maaapektuhan o
biktima nito. Ang buhay ay mahalaga, ngunit sino nga ba ang tunay na nagpapahalaga?
Ang bawat isa ang siyang nagpapasya, kung ano ang maaaring kapuntahan ng
kaniyang kapalaran. Ang pagtingin sa tama at mali ay mahirap harapin sa totoong
buhay. May mga taong nag-uudyok sa mali at kapahamakan at nadadala tayo sa
ganitong kalagayan, kung patuloy na magiging mahina patuloy na mabubuhay sa

131
madilim na sinapit ng buhay. Ang pagsira sa buhay ng iba ay nagiging resulta din ng
pagkasira ng sarili.

Ligo na U, Lapit na Me
Ang buhay ay parang isang tanikalang minsan lumuluwag, pero madalas ay
masikip, para ring pluma, madalas may naiisusulat, minsa’y wala. Hindi aral ang
mapupulot sa pelikula kundi emosyon, nang nagpupumilit na itago ngunit kusang
lumilitaw. Sa bawat binibitiwang salita ni Intoy at Jen, may patama sa mga
nagpapakitang gilas at sa mga lasing na naglalasing-lasingan. Paano nga ba
mailalarawan ang salitang pagmamahal? Ito ba’y may kapalit? Hitik sa imahinasyon at
puno ng banat na sumasala sa katauhan ng mga kabataan sa kasalukuyan. Pilit mang
itago ay lantad pa rin, naghuhumiyaw sa katahimikan. Isang obra na nagpapakita kung
ano ang kasalukuyang estado ng kabataang Pilipino. Konserbatibo? Hindi!
Makakapasok ka sa utak ng mga kabataan at malalaman mo rin kung ano ang nasa isip
nila kung ipahaharap mo ng iba't ibang isyu ng bansa (o sa mundo). Nagsisilbi itong
salamin sa mukha ng indibidwal na kabataang pinoy. Walang palya. Isa itong manwal
sa pagbabago na tinatahak ngayon ng mga kabataan sa bansa. Nasa saiyo na kung
sasang-ayon kayo kay Eros Atalia...Hindi naman lahat na-eexplain. Hindi lahat ng
nangyayari sa buhay naiintindihan. Minsan (o madalas) magulo tayo mag-isip at
naglalaro ang diwa natin ukol sa mga bagay-bagay sa paligid.
3. Paano ipinakita sa pelikula ang mga sumusunod na elemento;
Talahanayan 3
Elementong ipinakita sa pelikula

Literatura na isinapelikula
Nobela na Mise en
Sinematograpiya Musika at tunog Ilaw
isinapelikula scene
Ang kulay ay Mainam na Naaangkop Malaki ang
1.Laro sa Baga tama lamang naiguhit- na lugar naitulong
musika ng ilaw sa
Paggamit lalong
Ang animation at
2.Ligo na U, Kapuri-puri ang ng voice ikinaganda
text ay
Lapit na Me musika over at ng mga
nakatulong
pahiwatig pelikula

3.1 sinematograpiya

Laro sa Baga
Mahusay ang pagpokus ng kamera, malinaw na nakuhanan ang mga tagpo na
nagpatingkad sa kwento. Ang mga eksena ng pagtatagpo ni Ding at Dee ang
nagpaigting sa pamagat nito. Ang kulay ay angkop na angkop sa diwa ng mga karakter.

132
Ligo na, U Lapit na Me
Maayos na naipakita ng pelikula ang daloy ng kwento o pangyayari na hinaluan pa ng
mga animations at mga texts na nagbibigay buhay sa pelikula. Ang mga tagpo o eksena
sa tuwing sila Intoy at Jen ay nasa motel ay nagpapakita ng katotohanang tagpo, ang
ilaw at anggulo ng pagkuha ng kamera ay angkop na angkop at makatotohanan na
siyang lalong nagpatingkad sa imahinasyon ng manunuri.

II.2 musika at tunog

Laro sa Baga
Ang musika at tunog ay angkop na angkop sa pagpapalutang ng diwa. Sa bawat tagpo
nina Ding at Dee, iminumumulat ang katotohanan na kung minsan ang bawal na pag-
ibig ay nagbubunga ng kaligayahan. Naiguhit ng musika ang naramdaman ni Dee
noong sila’y pinaghiwalay ng kanyang ina.
Ligo na U, Lapit na Me
Isa sa kapuri-puri sa pelikulang ito ay ang maayos at akmang paglalapat ng mga musika
at sound effects. Nalalaman na nagbabago na emosyong ipinakikita ng mga karakter
batay na rin sa tunog at musikang ginamit. Ang tunog at musika ang nagsasabing sa
mga tagpo ay kailangan ng malalim na pag-unawa at di eksena na may malaswang
kaganapan lang.

3.3 mise en scence


Laro sa Baga
Sa paggamit ng mga angkop na lugar pinalitaw ang kahulugan ng tagpo. Sa Baguio,
kung saan nag-aral si Dee, malinaw na inilahad na kailangang malayo ang distansya ng
isa’t isa upang maiwasan na sila’y magtagpo.Ang pagpapalitan ng liham ni Ding at Dee
ay nakatulong sa pagsasalaysay, ito’y naging natural. Ang unang pagtatagpo na kung
saan ang silid na tinuluyan ni Ding ay natural na set-up, ayaw man ni Dee na ibigay ang
kanyang puri ay nangyari sapagkat siya ay sumama, at tunay niyang minamahal si Dee.
Sa bawat pagpinta o pagguhit ng larawan ni Ding, masasalamin ang malalamin na
inspirasyon na pinaghuhugutan ni Ding,at sa bawat pagguhit ramdam ang
pagkakaroon niya ng hilig sa ibang kasarian.

Ligo na U, Lapit na Me

Kapansin-pansin na sa buong pelikula ay puro voice over ni Intoy ang narinig.


Kadalasan sa mga voice-over ay para bang nag-iisa lang ang karakter, ngunit sa
pelikulang ito, para bang kasama ni Intoy ang mga manunuod, ang paminsan-minsan
niyang pakikipag-usap sa camera na para bang kinakausap niya tayo, ay mababatid ang
kanyang damdamin. Masasalamin rito ang damdamin niya sa kanyang
pakikipagrelasyon, ang kanyang haka-haka na maaaring hinahayaan din tayong bumuo
ng konklusyon sa ating sarili.

133
3.4 ilaw
Laro sa Baga
Ang pagtama ng limitadong ilaw sa mga tauhan ay nagbigay kulay sa mga tagpo. Sa
eksena na humingi ng tulong si Ding sa kanyang ninang na kahit nasa kalaliman ng gabi
ang pagtama ng kaunting liwanag ay nagbigay ng kaunawaan sa kabila ng limitadong
mga linya ng tauhan.

Ligo na U, Lapit na Me
Malaki ang naitulong ng ilaw sa mga tagpong o eksena na pumukaw sa interes ng
manunuri. Ang mga eksena sa motel ay malamlam na nagbigay buhay sa mga karakter
na gawin ang tipikal na ginagawa sa ganoong lugar. Ang mga eksena na maliwanag ang
setting ay parang kulang, gaya sa loob ng silid-aralan, ang paglalakad ni Intoy sa mga
kalye( na minsan ay medyo sumusobra naman sa liwanag.

4. Ano-anong tagpo/ eksena ang nagpakita ng iba’t ibang kabisaan batay sa;

Tagpo/ Eksena na nagpakita ng iba’t ibang kabisaan


Nobelang ISIP DAMDAMIN
Isinapelikula
Laro sa Baga Ang kapusukan ay Kawalan ng pagpapahalaga sa
walang magandang iba at sa sarili
dulot
Ligo na U, Lapit na Kapusukan, at di Ang pagmamahal ay makikita
Me pinag-iisipang mga kung misan kapag wala na ang
aksyon taong pinahahalagahan
4.1 isip
Laro sa Baga
Ang pagiging mapusok ay walang magandang maidudulot sa buhay ng iba. Ang
pag-ibig ay makapagbibigay ng magandang dulot sa mga taong tunay at tapat sa
kanilang nararamdaman. Ang pagtitiwala at pagrespeto ay napakahalaga sa buhay ng
isang tao. Maaaring gumawa ng mga bagay para sa ating sarili kahit ano pa man ang
ating nais

gawin, ngunit lagi dapat na isipin ang magiging kahihinatnan nito. Si Ding ay isang
taong walang pagpapahalaga at respeto sa taong nag aruga at kumalinga sa kanya- ang
kaniyang ninang. Ang ganitong uri ng tao ay walang dapat kalagyan sa kanyang
lipunan, dahil sa dami ng kanyang sinirang buhay, mula kay Dee, ang naging asawa na
nawala sa katinuuan dahil sa kanyang pagpapahirap at sa kanyang ninang na ginawan
niya ng kawalangyaan.
Ang tao ay may kalayaan sa anumang naisin sa buhay, pero sa kabila ng ating
kalayaan huwag hayaan na dumating sa punto na di masira ang buhay ng iba ng dahil

134
sa atin at hanggang pati sarili nating buhay ay masira na rin dahil sa ating sariling
kapabayaan na ating kalayaan.

Ligo na U, Lapit na Me
Ang kapusukan at kuryosidad ang nag-uudyok sa kabataan upang gawin ang mga
bagay na di maipaliwanag ng mga libro. May mga eksena na nakasaad sa pelikula, na
nagsisilbing aral, ngunit halos lahat ng eksena ay di tugma para sa mga kabataan dahil
maaari silang mamulat sa baluktot na pag-iisip patungkol sa pagtatalik. May mga
biruan at mga banat na talagang kakagat sa mga manonood.

4.2 Damdamin
Laro sa Baga
Ang eksena at tagpo na nagpakita ng kabisaan sa damdamin ay nang muling
magkita si Ding at Dee, nagkasama sila sa hotel at nagtalao:
May asawa ka na pala! Ano pa ang ginagawa natin? ok lang
yun. Ganoon pinagkasunduan na naming yun… Kahit pigain
ko utak ko hindi kita maintindihan!
Napariwara si Dee dahil sa labis na epekto nang paghihiwalay nila ni Ding. At si
Ding ay nalulong sa droga at halos pabayaan na niya ang kanyang sarili. Ang dinanas
niya sa buhay ay nagpakita nang mga pangyayari sa kasalukuyan na ang droga ay
walang maidudulot na mabuti, kaya nitong wasakin ang pamilya, hanggang sa mawala
na ang lahat ng pinahahalagahan natin sa buhay.

Ligo na U, Lapit na Me
Ang tunay na pagmamahal ay mararamdaman ng di lang pisikal kundi ng puso.
Nakaaantig ang linyang binitawan ni Jenny kay Intoy noong sinabi niya na buntis siya
at hindi si Intoy ang ama. Batid natin na ang mga babae ay may puso ring marunong
masaktan, kahit gaano kasaya, kaalwa ng buhay, dumarating ang punto na ang sinapit
ng kapalaran ang siyang nagiging aral upang mabago ang gawi. Sa lipunan na ating
ginagawalan, maraming mga babae na madaling umibig at bumigay. Ang kanilang
kahinaan ay napagsasamantalahan ng mga lalaki kung kaya’t di malayo na mangyari
muli ang naganap kay Jenny. Sa kabilang banda ipinakita rin ang kalakasan ng babae sa
katauhan ni Jenny, ang di niya pagpapaako ng anak kay Intoy.May mga babae na mas

gustong itaguyod ang anak kahit walang suporta ng ama. Ang katatagang ito ay
nagpapakita na maaaring mabuhay ang mag-ina kahit na wala ang ama.

5. Ano-anong implikasyon ang makikita sa nobela na isinapelikula?

Ang nobela at pelikula ay salamin ng buhay. Ito’y naglalarawan ng pang-araw-


araw na karansan ng mga tao sa isang lipunan, mayaman man o mahirap o anumang
katayuan sa buhay. Makikita sa mga sinuring kanon ng literatura at pelikula na ang
135
kalagayan ng ating bansa ay tunay na nakakaapekto sa pamumuhay ng mamamayan
nito. Kahirapan ng buhay ang puno’t dulo ng lahat ng paghihirap ng pamilya saan man
sila dalhin ng kapalaran. Iniiwan ng mga pelikulang ginamit na dapat ang bigyan-
pansin ay ang kakulangan ng kaginhawahan sa buhay sa bansang ito. Ang mga kilos at
galaw na binubuhay ng imbensyong teknikal ay nakapagbibigay-lugod sa mga
manonood na nagsisilbing ugnayan ng panitikan at pelikula.
Binibigyan-buhay ng mga tauhan sa pelikula ang mga katotohanang nagaganap sa
lipunan sa paraang masining at patuloy na humihikayat ng mga manonood sapagkat
ito’y nagbibigay lugod sa kanila o maaaring makita nila ang repleksyon ng kanilang
sarili sa puting tabing. Ang pelikula ay repleksyon ng buhay ng sinuman tulad din ng
panitikan na salamin ng buhay.

Karagdagan pa rito ang sinabi ni Reyes (1996), sa kasalukuyan ang pelikula ang
may pinakamalawak na impluwensya sa publiko dahil sa kakayahan nitong magpakita
ng mga damdamin at sitwasyon na sadyang mauunawaan ng mga manonood.
Tinitingala ito ng publiko na parang salamin ng buhay dahil dito nila nasasaksihan ang
paglalarawan ng kanilang mga pangarap, hangarin at paniniwala.
Inilahad ng mga pelikula ang totoong paghihirap na dinaranas ng bawat
pamilya. Nanggigising ng mga tunay na paglalarawan ng lipunan ang mga pelikula.
Mahihinuha ang katotohanang pagtingin o pagpapahalaga ng tao sa bawat
bagay o isyu, lalo’t higit sa antas ng kaalaman ng mga Pilipino.
Nagpapahatid ng mga kaalamang tradisyunal ukol sa mga karaniwang isyu o
alternatibong magpapahatid ng mga kaalamang liberal ukol sa mga bagong isyu o
alternatibo at magpatibay ng dating paniniwala mula sa mga karaniwang paglalarawan
at magpakita ng mga sensitibong pagpapahalaga mula sa mga hindi
karaniwangpaglalarawan.
Sa pagtuturo ng panitikan gamit ang pelikula ay mapupukaw ang interes ng mga
mag-aaral at guro lalo pa’t ang mga akda ay hango sa tunay na buhay na may
kakayahang suriin ang kasalukuyang kaganapan ng buhay. Bagama’t ang pangunahing
layunin ng edukasyon ay maghatid ng mga-aral na magagamit ng mag-aaral sa kanilang
proeseyon na pinaghuhusay, maganda rin na kaalinsabay nito ang kanilang pagkatuto
at ang kanilang pagkamulat upang itaguyod ang pagbabago sa kanilang lipunang
ginagalawan at maitaas ang panlasa na magkaroon ng kaisipang hindi pa nila alam.

IV. PAGLALAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Batay sa isinagawang pagsusuri, ang mga sumusunod ang kinalabasan ng pag-aaral:


Lagom
1. Nilalamang tematiko mula sa mga nobelang isinapelikula.

Ang mga nobelang isinapelikula ay halos nagpapakita ng mga katotohanang nagaganap


sa buhay. Bagamat may mga eksenang maseselan, ay mainam pa rin masuri sapagkat sa

136
kasalukuyan ang mga ito’y nagaganap. Ang panahon ay di paurong, kung ano ang
kasalukuyan ay maaaring mabago ang hinaharap, maaaring mapabuti o mapasama.
1.1 Laro sa Baga- mga sensitibong pangyayari patungkol sa sekswal na
pagnanais ng pangunahing tauhan na si Ding, na nauwi sa pagkasira ng
buhay ng kanyang minamahal, ng kanyang sariling buhay.

1.2 Ligo na U, Lapit na Me- ang kahinaan at kapusukan na hubad sa


kamuralan at kamalayan ng lipunan, lalo na ang mga kabataan na
padalos-dalos at hindi pinag-iisipan ang mga ginagawa at disisyon sa
buhay.

2. Katangian ng mga piling akdang literatura na isinapelikula ayon sa;

2.1 Pangunahing Paksa

2.1.1 Laro sa Baga- ang pagkahilig sa paglaro sa baga ng pangunahing


tauhan na nauwi sa kabiguan, sapagkat maraming buhay ang
nasira dahilan sa sobrang kapusukan.

2.1.2 Ligo na U, Lapit na Me- ang modernong pakikipagrelasyon ng


mga kabataan, ang walang takot na paggawa ng kamuralan at
padalos-dalos na pagdidisisyon sa buhay.

2.2. Pangunahing damdamin


2.2.1 Laro sa Baga- sa mga kalalakihan na mahilig maglaro ng
baga, ang mga babae ay di laruan na parausan lamang ng kanilang tawag ng laman,
sila’y may mga puso at kaluluwa.
2.2.2 Ligo na U, Lapit na Me- minsan ang
pagmamahal ay mararamdaman lang kapag nawala na yung taong di mo
pinahalagahan nang siya’y kasama mo pa.
2.3 Mensahe o gintong-aral

2.3.1 Laro sa Baga- ang bawat isa ang nagpapasya, kung ano

ang maaaring kapuntahan ng kaniyang kapalaran. Ang pagtingin sa tama at mali ay


mahirap harapin sa totoong buhay.

2.3.2 Ligo na U, Lapit na Me- di dapat padala sa tukso, ang


pagpapasya ay pinag-iisipan. Ang nangyari ng isang beses, ay maaring mangyari pa ng
makailang beses kung kaya’t ang pagkakamali ay may pagkakataon pang itama.

3. Elementong ipinakita sa pelikula;

3.1 Sinematograpiya
137
3.1.1 Laro sa Baga- ang kabuuang kulay ng pelikula ay tamang-

tama lamang, hindi masakit sa mata bagkus ay inaakit nito ang mata ng manonood.
3.1.2 Ligo na U, Lapit na Me- ang mga animation at text ang

nagbigay buhay sa pelikula.


3.2 musika at tunog

3.2.1 Laro sa Baga- mainam na naiguhit ng musika ang

damdaming naramadaman ng mga tauhan. Angkop na angkop ang musika at tunog na


ginamit.
3.2.2 Ligo na U, Lapit na Me- ang paglapat ng musika at sound effects ay
kapuri-puri, dahil mas lalong naging kapana-panabik ang aksyon
ng mga tauhan.

3.3 mise en scence

3.3.1 Laro sa Baga- ang paggamit ng angkop na lugar tulad ng Baguio


ay higit na nagpalalim sa kahulugan ng mga tagpo.

3.3.2 Ligo na U, Lapit na Me- ang paggamit ng puro voice over ni Intoy
ay nagpahiwatig na para bang nag-iisa lang ang karakter.

3.4 ilaw

3.4.1 Laro sa Baga- ang pagtama ng limitadong ilaw sa mga tauhan ay


nagbigay kulay sa mga tagpo.

3.4.2 Ligo na U, Lapit na Me- malaki ang naitulong ng ilaw sa mga


tagpong eksena na pumukaw sa interes ng manunuri.

4. Tagpo/ eksena na nagpakita ng iba’t ibang kabisaan batay sa;

4.1 Isip
4.1.1 Laro sa Baga- ang pagiging mapusok ay walang
magandang maidudulot sa buhay ng iba, bagkus ito pa ang maaaring makasira para sa
kanila.

138
4.1.2 Ligo na U, Lapit na Me- ang kapusukan ang nag-uudyok
sa kabataan upang gawin ang mga bagay na di maipaliwanag ng mga libro.
IV.2 damdamin

4.2.1 Laro sa Baga- ang walang pagpapahalaga sa iba


ay kawalan din ng pagpapahalaga sa sarili.
4.2.2 Ligo na U, Lapit na Me- ang tunay na pagmamahal ay
maiisip lamang kapag nawala na ang taong
pinahahalagahan.

5. Implikasyong makikita sa nobelang isinapelikula?


Ang pelikula ay tunay na repleksyon ng buhay, ang totoong paghihirap na dinaranas ng
bawat pamilya. Mga katotohanang pagpapahalaga ng tao sa bawat isyu na mahalagang
makita, masuri at magamit sa pagtuturo ng panitikan. Ang mga kilos at galaw na
bumubuhay ng imbensyong teknikal ay nakapagbibigay lugod sa mga manonood na
nagsisilbing ugnayan ng panitikan at pelikula.

Konklusyon
1. Ang kanon na isinapelikula ay nagpapahayag ng mga tematikong naglalarawan
ng uri ng lipunan na tumatalakay sa tunay na buhay.

2. Ang Katangian ng nobelang isinapelikula ay ang pagiging makatotohanan nito


na tiyak na nagyayariat naglalarawan ng buhay, kultura, kaugalian at karanasan.

3. Maayos ang sinematograpiya, ang mga lugar, musika at tunog, mise en scence at
ilaw na higit na nakatulong sa ganda ng mga pelikula.

4. Ang mga tagpo/ eksena na higit na nagpakita ng kabisaan sa isip at damdamin


ay yaring mga tagpong nagpakita ng kalakasan at kahinaan, tagumpay at
kabiguan, lungkot at ligaya, sakripisyo, pagtitimpi, pagtitiis, pagkapit sa patalim,
pagkitil ng sariling buhay at pagkapariwara ng sarili.

5. Ang implikasyong makikita sa nobelang isinapelikula ay ang tunay na salamin


ng buhay. Binigiyan buhay ng pelikula ang mga karakter na nakapinid sa mga
pahina ng libro, na nagpupumiglas upang makalaya sa pagpapakita ng realidad
ng

buhay, maipakita ang repleksyon ng sarili at ipamulat upang maitaguyod ang


pagbabago sa lipunan.

Rekomendasyon

139
1. Ipagpatuloy pa ang paglikha ng mga nobela at isa-pelikula na may nilalaman na
mga aral na makikita sa realidad ng buhay upang masuri, magamit at magbukas
sa pagbabago hindi lang sa sarili pati sa lipunang ginagalawan.

2. Isaisip at isabuhay ng mga mag-aaral, mambabasa at manunuod ang


magagandang aral na natuklasan upang magsilbing matibay na parisan sa
ikauunlad ng sarili at upang maging mabuting mamamayan.

3. Upang maging makabuluhan ang mga pinanonood na pelikula, nararapat na


maging mapanuri upang masala at malaman ang mga aral na dapat pamarisan,
at mula sa maling halimbawa, ito’y magsilbing daan upang timabangin kung
ito’y makabuluhan.

4. Hindi lahat ng makikita sa pelikula ay tama at dapat na gayahin. Kung kaya’t


ang malaking papel ng guro sa gagamiting dulog sa pagtuturo ay nararapat na
tiyak na mauunawaan ng mga mag-aaral.

5. Sa mga magsasagawa ng pag-aaral tungkol sa pelikulang tumatalakay sa


realidad, maaaring kunin ang panig ng eksperto upang mas lumawak pa ang
maibibigay na kaalaman hinggil sa paksa.

6. Dapat na bigyang-halaga bilang panoorin sa eskwelahan ang mga pelikulang


naglalarawan ng mga katotohanan, sapagkat inilalahad nito ang halaga na dapat
matutunan.

7. Pahalagahan ang pag-aaral sa mga akdang literatura at sinuring pelikula upang


makapag-ugnay sa isipan na ang panitikan at pangkasaysayan na tunay na sa
ganitong lohika ay magiging malinaw sa puso’t isipan ang halagang dulot nito sa
ating buhay.

TALASANGGUNIAN

140
Aklat ng Bayan. 2015. KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat, Ikalawang Edisyon.
Komisyon sa Wikang Filipino. Maynila.
Aklat ng Bayan. 2016. Pandiwa taon 4, blg.1.2016. Lathalain para sa Wika at Kultura.
Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong Wika. Komisyon sa Wikang Filipino.
Maynila.
Aklat ng Bayan. 2016. Isang Sariling Wikang Filipino. Mga Babasahin sa Kasaysayan ng
Filipino. Komisyon sa Wikang Filipino at Pambansang Komisyon sa
Kultura at mga Sining. Maynila

Aklat ng Bayan. 2016. Pandiwa. Lathalaan para sa Wika at Kultura. Komisyon sa Wikang
Filipino. Maynila

Aklat ng Bayan. Almario, Virgilio S.et.al. 2016. Introduksyon sa Saliksik. Pambansang


Komisyon para sa Kultura at mga Sining, Komisyon sa Wikang Filipino. Maynila.
Almario, Virgilio S. 2017. Ikalawang Edisyon. Tradisyon at Wikang Filipino. Aklat ng
Bayan at Komisyon sa Wikang Filipino. Maynila.

Antonio, Lilia F. et.al.2006. Emahinasyon at Salin. Mga malikhaing pamamaraan sa


Pagsulat at Pagsasalin. Sentro ng Wikang Filipino. Diliman Quezon City.

Constantino, Pamela C. 2005.Filipino at Pagpaplanong Pangwika. Ikalawang Sourcebook


ng Sangfil. Sanggunian sa Filipino, UP Sentro ng Wikang Filipino- Diliman, National
Commision for Culture and the Arts. Maynila.

Dela Paz, Cecilia S. at Flores, Patrick D. 2014 Ikalawang Edisyon. Sining at Lipunan. UP
Sentro ng Wikang Filipino Diliman. Lungsod ng Quezon.

Dy, Jr.Manuel B. Salin ni Coroza, Michael M. 2014. Napapanahong Panlipunang


Pilosopiya. Komisyon sa Wikang Filipino. Maynila.

Gonzalvo, Romeo, Jr. P. 2012. Pagbasa at Pagsulat. Tungo sa mas Mabisang Pananaliksik
(Batayang Aklat sa Filipino 2 Antas Tersyarya)
Jocson, Magdalena O, et.al. 2005. Filipino 2. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Lorimar Publishing Company Inc.
Sioson-Dancel, Imelda et.al.2015, Ikalawang Edisyon. Pananaliksik sa Filipino (mula
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto). Books atpb. Publishing Corp.
Mandaluyong City.

Sevilla, Consuelo G. et.al.199. Pananalaiksik (Isang Primer) Rex Book Store, Inc., Manila.

141
Narvaez, Eilene Antoinette G. 2016. Sawikaan. Isang Dekada ng Pagpili ng Salita ng Taon.
NCC, KWF, Aklat ng Bayan. Maynila
Romualdez, Norberto L. 2014. Buhay at Kulturang Filipino. Aklat ng Bayan. Komisyon sa
Wikang Filipino. Maynila.

Samar, Edgar C. 2016. Ako sa Loob at Labas ng Bayan. Komisyon sa Wikang Filipino.
Maynila
Santiago, Lilia Q. 2007. Mga Panitikan ng Pilipinas. C &E Publishing, Inc. Quezon City.

Santos, Lope K. et.al.2013. Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan. Aklat ng Bayan.


Komisyon sa Wikang Filipino at Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining.
Maynila
Zafra, Galileo S. at KWF. 2008. Adyenda sa Saliksik Wika. Ulat ng Kumperensiya. Sentro
ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, Lungsod ng Quezon.

Dyornal

Daluyan Journal ng Wikang Filipino Tomo XVI, Bilang 1, 2010. Sentro ng Wikang
Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod ng Quezon
Hanguang Elektroniko

http://www.bagongkasaysayan.org/downloadable/programa_2.pdf
http://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/issue/view/454

http://www.panitikan.com.ph/content/papaano-babasahin-ang-panulaang-
filipino-ngayon-ni-louie-jon-sanchez

http://ejournals.ph/index.php?journal=malay

http://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/issue/view/454

http://www.ateneo.edu/sites/default/files/GABAY%20PARA%20SA%20MGA%2
0ETIKA%20SA%20PANANALIKSIK.pdf

http://www.justhomeworks.com/2013/08/kabanata-iii-metodolohiya-at-paraan-
ng.html

142
http://www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/layunin-sa-pagsulat-filipino?
related

http://www.slideshare.net/GinoongGood/batayang-kaalaman-sa-pagsulat?
related=3

143

You might also like