You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN – 4TH PERIODICAL

A. Isulat ang T kung tama at M kung mali.

1. Pinamumunuan ng senador ang Sangay Tagapagpaganap.


2. Ang mga kalihim ay gumaganap bilang kinatawan ng pangulo sa pagpapatupad ng
mga batas partikular sa kani-kanilang kagawaran.
3. Ang Sangay Tagapagbatas ay tinatawag ding Sangay Lehislatura o Kongreso.
4. Ang Senado ay binubuo ng dalawampu’t walo na mga senador.
5. Ang tao ay maaring pumili ng lugar kung saan niya gustong manirahan.
6. Hindi dapat sobra o labis ang kaniyang multa o kaparusahan sa kanyang nagawang
kasalanan.
7. Ang salitang mamamayan ay nagmula sa Latin na salita na civis na nga ibig sabihin ay
pagkakakilanlan ng isang tao.
8. Ang karapatang ito ay nilikha sa pamamagitan ng mga batas na naipasa sa Senado at
Kapulungan ng mga Kinatawan ay karapatang ayon sa batas.
9. Ang special court ay ang korte na lumilitis ng mga kasong tungkol sa partikular na batas.
10. Ang PhilHealth ang nagbibigay ng suporta sa mga batang nais makapagtapos ng pag-
aaral sa kolehiyo sa tulong ng DepEd.
11. Ang DOLE ang ahensiya ng pamahalaan na tumutulong sa mga taong naghahanap at
nais magkatrabaho.
12. Ang nasyonalidad ay tumutukoy sa bansa at sa mga mamamayan nito.
13. Relasyon sa dugo ang batayan ng jus sanguinis.
14. Ang Commission on Human Rights ay ang nagsasagawa ng komprehensibong
imbestigasyon sa mga malalaking kaso ng paglabag sa mga karapatang-pantao.
15. Ang warrant of arrest ay tagapagtimbang ng kapangyarihan ng batas.

B. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ang hukumang lumilitis sa mga kasong sibil at criminal ng mga opisyal at empleyado
ng pamahalaan.
a. Court of appeals
b. Sandiganbayan
c. Sharia court
2. Umiiral ito upang maiwasan ang sapawan, pakikialam at pag-iimpluwensiya ng mga
sangay ng pamahalaan sa isa’t isa.
a. Separation of powers
b. Party list
c. Halalan
3. Ito ang pangunahing tungkulin ng Sangay Tagapaghukom.
a. Interpretahin ang mga batas
b. Baligtarin ang mga batas
c. Guluhin ang mga batas
4. Siya ang pinuno ng Sangay Tagapagpaganap.
a. Pangalawang pangulo
b. House speaker
c. Pangulo
5. Ito ay kumakatawan sa anumang dapat matamasa ng isang tao sa ilalim ng
demokratikong pamahalaan.
a. Batas
b. Hukom
c. Karapatan
6. Aling batas ang maaring magbigay sa mga dayuhan ng pagkakataong maging
mamamayang Pilipino?
a. Batas republika blg. 9139
b. Batas republika blg. 9100
c. Batas republika blg. 9319
7. Sino ang namumuno sa Kapulungan ng mga Kinatawan?
a. Senador
b. Speaker of the house
c. Pangulo
8. Ito ang ahensiya ng mga pamahalaan ang nangunguna sa pagpapahalaga ng
karapatang pantao ng mga mamamayang Pilipino?
a. DOJ – department of justice
b. DOH – department of health
c. AFP – armed forces of the Philippines
9. Ito ang nagbibigay ng karapatan sa isang tao na mabigyan ng proteksiyon kung siya ay
magkaron ng kaso o usapin tungkol sa batas.
a. Karapatan ng nasasakdal
b. Karapatang sibil
c. Karapatang pangkabuhayan
10. Ito ang kagawaran ng pamahalaan na nangangasiwa sa pangangalaga sa mga likas
na yaman ng bansa?
a. Kagawaran ng kalusugan
b. Kagawaran ng kapaligiran at likas na yaman
c. Kagawaran ng agrikultura
11. Ano ang tawag mo sa karapatang kaloob ng Diyos?
a. Karapatang likas
b. Karapatang pampulitika
c. Karapatang pangkabuhayan
12. Ito ang katas-taasang hukuman ng Pilipinas.
a. Supreme court
b. Court of appeals
c. Special court
13. Sino ang pinuno ng Special Committee on Naturalization.
a. House speaker
b. Solicitor general
c. Senador
14. Ito ang kasulatan na nagmumula sa hukuman na naguutos na dalhin sa korte ang isang
tao upang magpaliwanag hinggil sa isang kaso.
a. Subpoena
b. Warrant of arrest
c. Search warrant
15. Ito ang pagbabawal na kasuhan at parusahan ang isang taong nagkasala sa batas ng
dalawang ulit sa iisang kaso.
a. Due process
b. Subpoena
c. Double jeopardy
16. Ito ang karapatang nagbibigay-proteksyon sa mga taong nagkakaroon ng usapin sa
batas.
a. Karapatan ng nasasakdal
b. Karapatang sibil
c. Karapatang pangkabuhayan
17. Ito ay bahagi ng Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987 na katatagpuan ng mga karapatan ng
mga Pilipino.
a. Bill of rights
b. Arrest warrant
c. Subpoena
18. Programa ng pamahalaan na nagpapatuloy ng kapayapaan sa mga lugar na sinalanta
ng giyera.
a. DND
b. PAMANA
c. AFP
19. Programang pangkabuhayan na nagbibigay ng kondisyonal na tulong-pinansiyal sa mga
mahihirap na Pilipino upang mapabuti ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga
batang may edad 0 hanggang 18 gulang.
a. 4Ps
b. ESC program
c. K to 12 curriculum
20. Ito ang isang kagawaran sa ilalim ng Sangay Tagapagpaganap na may tungkuling
paunlarin ang kabuhayan ng mga manggagawa o empleyado sa Pilipinas,
a. Department of Tourism
b. Department of education
c. Department of labor and employment
C. Isulat sa patlang ang mga sumusunod na titik.

A – karapatang likas
B – karapatang pampulitika
C – karapatang sibil
D – karapatang pangkabuhayan

1. _____ karapatang bumuto


2. _____ karapatang amg-asawa
3. _____ karapatan sa edukasyon
4. _____ karaoatang magmahal
5. _____ karapatang paunlarin ang sarili
6. _____ karapatan isilang
7. _____ karapatan sa pagkamamamayan
8. _____ karapatang maging malaya
9. _____ karapatang pumili ng hanapbuhay
10. _____ karapatang mabuhay

You might also like