You are on page 1of 2

Summative Test

ESP 7
I. Multiple Choice: Basahin at unawain ang bawat pahay bago piliin ang tamang sagot.
1. Ang pagkilos tungo sa kabanalan ang latuparan ng kaganapan hindi lamag ng
material na kalikasan ng tao kundi ng kaniyang ispiritwal na kalikasan ay halimbawa
ng anong hirarkiya ng pagpapahalaga?
A. Pandamdam B. Pambuhay C. Ispiritwal D. Banal
2. Ang mga bagay na maituturing na rangya o luho at ay halimbawa ng anong
pagpapahalaga?
A. Pandamdam B. Pambuhay C. Ispiritwal D. Banal
3. Ang pagkain ng masusutansyang pagkain at pag ehersisyo ay halimbawa ng anong
pagpapahalaga?
A. Pandamdam B. Pambuhay C. Ispiritwal D. Banal
4. Ang pagpapahalang pangkagandahan, pagpapahalaga sa katarungan, at
pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan ay mga uri ng anong
pagpapahalaga?
A. Pandamdam B. Pambuhay C. Ispiritwal D. Banal
5. Alin sa mga sumusunod na ayos ng Hirarkiya ng Pagpapahalaga ang tama mula sa
pinaka mababa pataas?
A. Banal-Ispiritwal-Pandamdam-Pambuhay
B. Pambuhay-Pandamdam-Banal-Ispiritwal
C. Ispiritwal-Banal-Pandamdam-Pambuhay
D. Pandamdam-Pambuhay-Ispiritwal-Banal
II. Identification: Tukuyin ang salitang inilalarawan sa bawat bilang.
1. Ang pinakamababa sa hirarkiya ng pagpapahalaga.
2. Ito ay tumutukoy sa pagpapahalagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng
buhay o well-being.
3. Ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang nagdudulot ng kasiyahan sa
pandamdam ng tao.
4. Ito ay tumutukoy sa pagpapahalagang para sa kabutihan, hindi ng sarili kundi ng
mas nakararami.
5. Alin sa apat na hirarkiya ng pagpapahalaga ang may tatlong uri pa ng
pagpapahalaga ayon sa aklat na sinulat ni Max Scheler na Problems of a Sociology
of Knowledge.
6. Tumutukoy sa pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao ng kanyang
kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos.
7. Ito ay katangian ng pagpapahalaga na ang kahulugan ay “mas tumatagal ang mas
mataas na pagpapahalaga kung ihahambing sa mababang mga pagpapahalaga o
kung ano ang mas tumatagal, ito ang mas mahalaga.”
8. Ito ay katangian ng pagpapahalaga na kung saan sa kabila ng pagbabahagi nito ay
napapanatili nito ang kanyang importansya.
9. Ito ay katangian ng pagpapahalaga na kung saan may likas na kaugnayan sa angtas
ng pagpapahalaga at ang lalim ng kasiyahang nadarama sa pagkamit nito.
10. Ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga ay tinawag ni Max Scheler na ano?
II. Essay: Sagutin ang tanong ayon sa iyong natutunan tungkol sa kahulugan ng
pagpapahalaga. Sumalat ng maiksing sanaysay para sa iyong kasagutan. (5 pts.)

Tanong:
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga katangian, uri at
hirarkiya ng pagpapahalaga bilang isang tao? Paano ito makakatulong sa pag-unlad bilang
isang tao?
Answer Key
I. Multiple Choice
1. D
2. A
3. B
4. C
5. D
II. Identification
1. Pandamdam o Sensory Value
2. Pambuhay o Vital Values
3. Pandamdam o Sensory Value
4. Ispiritwal na pagpapahalaga o Spiritual Values
5. Ispiritwal na pagpapahalaga o Spiritual Values
6. Banal na Pagpapahalaga o Holy Values
7. Timelesness or ability to endure
8. Invisibility
9. Depth of Satisfaction
10. “Ordo Amoris” o Order of the Heart
III. Essay
Rubrics:
5 – Malinaw na naipahayag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman ukol sa
katangian, uri at hirarkiya ng pagpapahalaga bilang isang tao at kung paano it
makakatulong sa pag-unlad ng isang tao.
4 – Bahagyang naipahayag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman ukol sa
katangian, uri at hirarkiya ng pagpapahalaga bilang isang tao at kung paano it
makakatulong sa pag-unlad ng isang tao.
3 – Nakapagpahayag ng limitadong kaalaman at may paliwanag.
2 – Nakapagbigay ng kaunting kaalaman at paliwanag.
1 – Nakapagsulat ng isang pahayag ngunit kulang ng paliwanag

You might also like