You are on page 1of 32

5

Arts
Unang Markahan
Modyul 2: Pagguhit
Filipino – Ikalimang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 2: Pagguhit
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Writers: Grace Ann B. Bona Jacqueline U. Aninon
Herchel F. Gumban Sharlene D. Morales
Editors: Alex F. Floro Ma. Vilma H. SomodioJoenary D. Silao
Ralp Vincent B. Feller Sharon Rose P. Toledo
Rodel P. Gentapa
Reviewers: Editha C. Madres, Jay Sheen A. Molina
Illustrator: Joenary D. Silao
Layout Artist: Ysmael Yusoph E. Alamada
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV : Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V : Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio, CESO VI : School Division Superintendent
Carlos S. Susarno, PhD. : Special Assistant to the SDS
Guilbert B. Barrera : CLMD Chief
Arturo B. Tingson : Regional EPS In-charge of LRMS
Peter Van Ang-ug : Regional EPS In-charge
Gilda A. Orendain : REPS Subject Area Supervisor
Lalaine SJ. Manuntag, PhD. : CID Chief
Nelida A. Castillo, PhD. : Division In-charge of LRMS
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education –Region XII
Marichu Jane R. Dela Cruz : Division ADM Coordinator

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: Telefax No.: (083) 2288825/9083) 2281893
Website: depedroxii.org
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
5
Arts
Unang Markahan
Modyul 2: Pagguhit
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts 5 ng Self-Learning Module (SLM)


para sa araling Pagguhit!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Arts 5ng Self-Learning Module (SLM) ukol sa
Pagguhit !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
Tuklasin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamananin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Isang masayang araw na naman upang mahubog ng husto ang inyong


mundo ng pagkatuto at mas lalong malinang ang inyong kasanayan sa
Asignaturang Arts mga bata.
Alam niyo ba?
Ang mga Pilipino ay likas na malikhain at may malalim na kaalaman sa
sining at ang Pilipinas ay may maraming sinaunang gusali na makikita sa ibat-
ibang bahagi ng bansa.
Halina’t maglakbay at ating alamin ang tungkol sa pagguhit ng mga
sinaunang gusali, simbahan, lumang bahay, myural at iba’t-ibang makabuluhang
disenyo na makikita sa komunidad.

Ang modyul na ito ay nahahati sa apat na aralin:

 Pagguhit ng Sinaunag Gusali


 Disenyong Myural
 Pakikibahagi sa Mini-Exhibit
 Disenyo sa Komunidad

Pagkatapos ng modyul na ito kayo ay inaasahang:

Aralin 5: Creates illusion of space in 3-dimensional drawings of


important archeological artifacts seen in books, museums
(National Museum and its branches in the Philippines, and in
old buildings or churches in the community.
(A5PR-If)
Aralin 6: Creates mural and drawings of old houses, churches,or
buildings of his/her community (A5PR-Ig)
Aralin 7: Participates in putting up a mini-exhibit with labels of
Phillipine artifacts and houses after the whole class
completes drawing (A5PR-Ih)
Aralin 8: Tells something about his/her community as reflected on
his/her artwork (A5PR-Ij)

1
Subukin

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano-ano ang tatlong dimensyonal na espasyo na makikita sa pagguhit?


a. foreground, middle ground, background
b. hugis, kulay at disenyo
c. sukat, haba at kapal
d. linya, tekstura at espasyo
2. Ang Manila Metropolitan Cathedral ay isang halimbawa ng
a. lumang simbahan b.museo c.lumang bahay d.parke
3. ________ ang mga bagay na makikita sa harapan at malalaki ang
pagkakaguhit?
a. foreground b.middle ground c.background d.wala sa nabanggit
4. Alin sa mga sumusunod ang mga kagamitan sa paglikha ng myural?
a. laptop b.papel, lapis at pangkulay c.kompas d.mga larawan
5. Ano ang mabuong salita sa salitang PAYOKAL?
a. kalopay b. palayok c. kalyopa d. yopakal
6. Ito ay isang likhang-sining o larawan nakapinta sa pader
a. landscape painting b.cross-hatching c. myural d. contour shading
7. Ano ang paraan o teknik ng pintor upang ipakita ang layo o distansiya,
lalim at lawak sa kanyang likhang-sining?
a. paggamit ng linya
b. paggamit ng ilusyon ng espasyo
c. pagggamit ng kulay
d. paggamit ng hugis
8. Ano ang sining na ginawa o nilikha ng mga malikhaing tao na
nagpapapakita ng kanilang kahusayan sa paglikha ng mga bagay-
bagay?
a. likhang-sining b.mini-exhibit c.cross-hatching d. myural
9. Anong salita ang maaaring mabuo sa NIMI HIBITEX?
a. exhibit mini b.mine hibitex c.niim hibitex d.mini-exhibit
10.Paano nakatulong ang mini-exhibit sa pagpapakita ng pagpapahalaga
sa mga likhang sining na inyong ginawa?
a. sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng aming kakayahan.
b. ang mini-exhibit ay pagpapakita ng mga likhang-sining na gawa ng mga
kilala o tanyag na pintor sa larangan ng pagpipinta.
c. Sa pamamagitan ng mini-exhibit nakikilala ang aking kakayahan.
d. Sa pamamagitan ng pagpapakita at pagpapahalaga ng aming ginawa
na likhang-sining at pagpapatunay na tayong mga Pilipino ay likas na
malikhain, may pagpapahalaga sa kultura at tradisyon

2
Aralin Pagguhit ng Sinaunang
5 Gusali
Pagkatapos ng araling ito asahang matatamo ang mga sumusunod na layunin:
1. Natutukoy ang mga sinaunang gusali sa bansa.
2. Nakakaguhit ng 3-dimensyonal na imahen ng mga gusali, lumang bahay
at simbahan sa ating bansa.
3. Napapahalagahan ang mga sinaunang bagay, bahay, gusali mga simbahan na
binuo noong unang panahon.

Balikan

Alam ko na nahubog na ng husto ang inyong kaalaman at kahusayan sa


paggawa ng likhang-sining gaya ng pagguhit.

Bago tayo pupunta sa bagong aralin nais kung malaman kung may
natutunan kayo sa nakaraang aralin
Sa inyong paglalakad sa komunidad na kinabibilangan, nakakita ba kayo ng
mga sinaunang gusali gaya ng sumusunod?

Ilarawan ang mga nakita ninyong sinaunang gusali sa inyong komunidad


ayon sa hugis, disenyo, tekstura at espasyo na ginamit dito.

3
Tuklasin

Handa na ba kayo sa mga bagong matututunan sa modyul na ito?

Muling balikan ang paglalarawan sa mga sinaunang gusali mula sa


naunang aralin.
Ang mga sinaunang bagay o gusali ay bahagi ng kultura ng ating bansa.
Kabilang dito ang mga mosque at simbahan,mga lumang bahay, pati na rin ang
mga ilang museo at iilang tanggapan na sa kabila ng mahabang panahon ay
nakikitaan pa rin ng katatagan at kakaibang disenyo na tunay na
maipagmamalaki.

Mga halimbawa ng mga sinaunang gusali

Bahay kubo Sheik Karim Makdum Mosque

Simbahan ng San Agustin Palasyo ng Malacańang

4
Suriin

Pagmasdang mabuti ang mga larawan at alamin kung ano ang pinagkaiba
ng mga bagay nasa unahan, gitna at sa likuran ng mga larawan ayon sa laki, hugis
at distansya nito.

Sa paglikha ng likhang-sining at pagkuha ng larawan kailangang gumamit


tayo ng espasyo para magkaroon ito ng mga ilusyon.

Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan upang maging


makahulugan ang isang likhang-sining.

Sa pagguhit, kailangang maiguhit nang malaki ang mga bagay na malapit sa


tumitingin at maliit naman kung ang mga ito ay malayo sa tumitingin.

Halimbawa sa paguhit ng lumang gusali maipapakita ang illusion of space


sa pamamagitan ng paggamit ng kaalaman sa foreground, middle ground, at
background upang maipakita ang angkop na espasyo ng mga bagay.

Ang mga bagay na makikita sa foreground ay malalaki at pinakamalapit sa


tumitingin ng likhang-sining.

Ang mga bagay na makikita sa middle ground ay mayroong katamtamang


laki ng mga bagay.

Ang mga bagay na makikita sa background ay nasa likod at kalimitang


maliit ang pagkakaguhit o pinta.

background

foreground middle ground

5
Pagyamanin

Ihanda ang mga kagamitang pangguhit.


1. lapis
2. bondpaper
3. marker pen
4. pambura

Mga hakbang sa tamang pagguhit

1. Unahing iguhit ang guhit-tagpuan at


mga bagay na pinakamalaki at nasa
harapan o foreground. Maaring dito
iguhit ang gusali, tahanan, museo, o
tanggapan.

2. Sunod iguhit ang mga bagay sa


middle ground.

3. Pagkatapos, iguhit ang background


kung saan makikita ang mga bagay
na maliit ang pagkakaguhit. Maaring
dito ang bukid, halaman, at iba pa.

3. Linising mabuti ang natapos


na likhang -sining.

6
Isaisip

Sa modyul na ito, ating aalamin ang inyong nalalaman.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Paano mo mapapahalagahan ang mga sinaunang gusali, tahanan, bagay, at


museo sa kasalukuyan?
2. Ano-ano ang mga elemento sa paggawa ng likhang-sining ayon sa ating
leksiyon?
3. Bakit mahalaga ang foreground, middle ground at background sa paggawa
ng likhang-sining?

Tayahin

Gamitin ang rubriks sa ibaba upang mabigyang marka ang natapos na


likhang-sining ng mga mag-aaral na magsilbing iskor nila sa pagtataya.

Pamantayan 5 3 2

a. Nakaguhit ng sinaunang gusali gamit ang illusion of


space in 3D.
b. Hawig ang iginuhit na larawan sa
totoong/larawan ng gusali.

c. Naipakita ang pagiging malikhain sa likhang-sining.

Legend:
5 – Higit na nasusunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining
3- Nasusunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining
2- Hindi na nasusunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining

Karagdagang gawain

7
Gumupit ng larawan ng sinaunang gusali na nagpapakita ng ilusyon
ng espasyo at idikit ito sa inyong kuwaderno sa Arts.

Aralin

6 Disenyong Myural
Ang Pilipino ay likas na malikhain sa iba’t-ibang larangan. Nakakalikha ng mga
disenyong maipagmamalaki hindi lamang sa ating bansa pati na rin sa buong
mundo. Isa sa mga likhang-sining na may malayang paglikha ng disenyo na
makikita sa pader , bakod ng paaralan, simbahan at mga lumang bahay ay
tinatawag na disenyong myural.

Pagkatapos ng modyul kayo ay inaasahang:


 Nakikilala ang myural.
 Nakalilikha ng myural at drawing ng lumang bahay, simbahan at gusali sa
komunidad
 Napapahalagahan ang mga lumang bahay, simbahan at gusali na binuo
noong unang panahon.

Balikan

Balikan natin ang nakaraang aralin tungkol sa ilusyon na espasyo.


Kilalanin ang mga bahagi ng 3-dimensyonal na espasyo ng larawan.

Tanong: Ano ang tawag sa tatlong bahagi ng 3-dimensyonal na espasyo


na makikita sa larawan?

8
Tuklasin

Ang mga sinaunang bagay o gusali ay bahagi ng kultura ng ating bayan.


Ang mga ito ay dapat pahalagahan at ipagmalaki sapagkat makakatulong ito sa
paglinang ng pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa. Kabilang dito ang mga
mosque at lumang simbahan, lumang bahay pati na rin ang mga museo at ilang
tanggapan. Ang ating komunidad ay may kani- kanilang ipinagmamalaking obra.
Ang kanilang disenyo ay ginagamitan ng ibat ibang linya, kulay at hugis.

Suriin

Handa ka na ba para sa bagong aralin?

Sa modyul na ito siguradong kagigiliwan mo ang iyong aralin.

Suriin ng mabuti ang larawan. Alam mo ba ang tawag sa likhang-sining na


ito?

Ang larawang ito ay isang halimbawa ng likhang-sining na tinatawag na


myural.

Ang myural ay isang likhang-sining o larawang nakaguhit o nakapinta sa


isang pader. Ito ay karaniwang makikita sa mga pader o bakod ng paaralan,
simbahan at mga lumang bahay.

Masining at makulay ang myural. Sa likod nito ay sining at kulay na


taglay, at may mensaheng dapat bigyang pansin. Bawat sagisag ay binubuo ng
mamamayan sa pamayanan na nagpapahiwatig ng hangaring pagbabago.

9
Narito ang mga larawan ng mga lumang gusali, bahay at simbahan
na maaring iguhit at puwedeng lapatan ng disenyong myural.

 Ang museo ay isang lugar o gusali na


pinaglalagakan ng mga bagay na may
kinalaman sa kasaysayan at mga bagay na
may kinalaman sa sining at siyensiya.
Kabilang na sa mga museo sa Pilinas ay ang
“National Museum” o Pambansang Museo.

 Ang lumang bahay na ginawa daang


taon na ang nakalilipas sa iba’t-ibang dako
ng Pilipinas ay karaniwang yari sa bato at
adobe. Ang mga bintana ay malalaki at
pinapalamutian ng kapis, malalaki ang mga
pinto, maluluwang ang mga silid. Kabilang
dito ay lumang bahay ni Heneral Emilio
Aguinaldo sa Kawit, Cavite.

 Lumang simbahan at mosque:


Ang unang simbahan o parokya sa
Maynila ay ang ‘Manila Metropolitan
Cathedral” na itinatag noong 1571.

10
Pagyamanin

Gawain 1: Paglikha ng Disenyong Myural

Mga kagamitan:

lapis, bondpaper, pambura, marker pen

Mga hakbang sa paggawa:

1. I-sketch ang disenyong myural gamit


ang lapis, pambura at papel upang makabuo
ng manipis na linya

2. Lapatan ng makapal na linya ang sketch


gamit ang marker pen.

3.Linisin ang likhang sining gamit


ang pambura

Isaisip

Laging tandaan, na ang myural ay may mga katangi-tanging kagandahan.


Dapat natin ipagmalaki at panatilihin ang mga ito upang lalong makilala ang ating
bansa.

11
Isagawa

Gawain 2: Paggawa ng sariling disenyong myural

Mga kagamitan:

Lapis, bondpaper, pambura, marker pen at pangkulay

Mga hakbang sa paggawa:

1. Gamitin ang imahinasyon upang makabuo ng kakaiba at orihinal na disenyo.


2. I-sketch ang disenyong myural gamit ang lapis, pambura at papel upang
makabuo ng manipis na linya.

3. Lapatan ng makapal na linya ang sketch gamit ang marker pen o pangkulay
upang mabigyang diin ang mga linya.

4. Linisin ang likhang-sining gamit ang pambura.

5. Gamitin ang rubriks bilang gabay sa paggawa.

PAMANTAYAN 5 3 2

1. Nalaman ko ang kahalagahan nang paggawa ng mural at


pagdrawing lumang bahay, simbahan at gusali sa aking
komunidad
2. Nailarawan ko ang aking komunidad sa pamamagitan ng
pagguhit ng myural.
3. Naisagawa ko ang aking likhang-sining ng may kawilihan

Legend:
5 puntos – Nakasunod sa pamantayan ng higit sa inaasahan
3 puntos – Nakasunod sa pamantayan subalit may ilang pagkukulang
2 puntos - Hindi nasusunod ang pamantayan sa paggawa ng myural.

12
Tayahin

Lagyan ng tsek ang rubriks batay sa antas ng iyong naisagawa na gawain.

Karagdagang gawain

Gumawa ng iba pang disenyo na maaring ilapat sa pader sa inyong komunidad.

13
Aralin

7 Pakikibahagi sa Mini-Exhibit

Mula sa unang leksiyon natin sa Arts ay makikita natin ang iba’t-ibang


paraan sa pagguhit.

Pagkatapos ng modyul kayo ay inaasahang:

• Nailalarawan ang likhang-sining na hango sa Philippine artifact.


• Nakikibahagi sa mini-exhibit mula sa natapos na likhang- sining.
• Napahahalagahan ang Philippine artifacts at mga tahanan.

Balikan

Ano ang myural?

Saan makikita ang mga myural?

Ang myural ay isang likhang-sining o larawang nakaguhit o nakapinta sa


isang pader. Ito ay karaniwang makikita sa pader o bakod ng paaralan, simbahan,
at mga lumang bahay.

14
Tuklasin

Tingnan ng mabuti ang mga halimbawa na larawan. Ito ay ilan lamang sa


mga halimbawa na makikita sa mini-exhibit sa kilalang Philippine National
Museum ng ating bansa.

palayok bahay kubo plato

1. Alam mo ba ang tawag sa mga larawang ito?


2. Ano ang masasabi at mapapansin ninyo tungkol sa bawat larawan?
3. Kailangan ba na makikita ito sa ating mini-exhibit na ating
gagawin? Bakit?

Suriin

Ang mini-exhibit ay may layunin na maipapakita ang mga natapos na


likhang-sining ng isang indibidwal. Ang paglulunsad ng isang exhibit ay
nakakatulong upang maipagmalaki ang mga likhang-sining ng isang mag-aaral
kagaya mo.
Mga gabay na tanong
1. Ano ang mini-exhibit?
2. Ano ang layunin nito?

Gawain 1:

Ang mag-aaral ay gagawa ng isang likhang- sining na hango sa Philippine


artifact na maaaring gagamitin sa mini-exhibit.

Hikayatin ang mag-aaral na makilahalok sa mini-exhibit.

15
Pagyamanin

Gawain: Pagguhit ng Palayok

Mga kagamitan:
bond paper, marker pen, pambura, lapis

Mga hakbang sa pagguhit:

1. Magsimula sa pagguhit ng
palayok gamit ang lapis
na may manipis na linya.

2. I-trace ang contour lines upang


makakabuo ng makakapal na
linya gamit ang marking pen.

3.Lapatan ng cross hatching


technique ang palayok gamit ang
lapis.

4. I-trace ang natapos na cross-hatching


technique gamit ang marking pen
upang mabigyan ito ng dimension.

5. Linisin gamit ang pambura at lagyan ng


label ang natapos na likhang-sining.

palayok

16
Isaisip

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang nararamdaman mo matapos ninyong mapagtagumpayang matapos


ang ating aralin?
2. Bakit mahalaga ang paglulunsad ng mini-exbibit?
3. Paano nakatulong ang mini-exhibit sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa
mga likhang-sining na inyong ginawa?

Isagawa

Ipunin ang mga nagawang likhang-sining mula Aralin 1 hanggang Aralin 7


para sa mini-exhibit na gagawin. Gamitin ang pamantayan sa paggawa sa
Tayahin para sa inyong iskor.

Tayahin

Gamitin ang rubriks sa pagbibigay ng marka para sa mini-exhibit.

Pamantayan sa Paggawa ng Mini-Exhibit

a. Nakukumpleto ang pitong likhang-sining mula Aralin 1


5 3 2
hanggang Aralin 7.
b. Nakukumpleto ang pagkalagay ng label ng pitong likhang-
sining. 5 3 2

c. Malinis at organisado ang pagka-display ng likhang-sining. 5 3 2


Legend:

5 puntos – Nakasunod sa pamantayan ng higit sa inaasahan

3 puntos – Nakasunod sa pamantayan subalit may ilang pagkukulang

2 puntos - Hindi nasusunod ang pamantayan sa paggawa ng myural.

17
Karagdagang gawain

Gumawa ng panibagong likhang-sining sa bond paper base sa inyong


natutunan.

18
Aralin

8 Disenyo sa Komunidad

Ang artwork o likhang-sining ay ang mga sining na ginawa o nilikha ng mga


malikhaing tao na nagpapakita ng kanilang kahusayan sa paglikha ng mga bagay-
bagay.

Pagkatapos ng modyul kayo ay inaasahang:

1. Nasasabi ang mga likhang-sining na makikita sa komunidad.


2. Napapahalagahan ang kagandahan ng mga likhang-sining sa komunidad.
3. Nakaguguhit ng likhang-sining na makikita sa komunidad.

Balikan

Ano ang mini-exhibit?

Ang mini-exhibit ay may layunin na maipapakita ang


mga natapos na likhang-sining ng isang indibidwal .

Tuklasin

1. Ano ang nakikita sa larawan?


2. Ano-anong mga linya at hugis ang nakikita sa larawan?

19
Suriin

Basahin ang mga sumusunod na talata sa araling Artwork o likhang-


sining.

Ano ang artwork o likhang-sining?

Ang artwork o likhang-sining ay ang mga sining na ginawa o nilikha ng


mga malikhaing tao na nagpapakita ng kanilang kahusayan sa paglikha ng mga
bagay-bagay. Sa pamamagitan ng likhang-sining ay naipapahayag o nailalarawan
ng mga tao ang kanilang mga saloobin , damdamin, at mga opinyon sa buhay. Isa
ring daan ang likhang-sining para maintindihan at mabigyang pagkakakilanlan
ang kultura ng isang pamayanan. Malawak ang saklaw ng likhang- sining,
kabilang sa sining ang pagguhit, pagpipinta, sayaw, musika, paglililok, at teatro.

Kahalagahan ng likhang-sining

 Naipahayag ng tao ng malaya ang kanilang saloobin o damdamin.


 Nakakalibang sa mga tao ang paggawa ng likhang-sining.
 Nakatutulong para mabawasan ang stress at napapagaan ang loob at
kaisipan.
 Nagbibigay daan para maipakita ang angking talento sa paggawa ng
makabuluhang disenyo.
 Nakatutulong pinansyal dahil maaari mapagkakakitaan ang nagawang obra
at pandagdag sa kita ng pamilya.
 Nagpapakilala sa natatanging kultura ng isang pamayanan.

Mga Gabay na Katanungan:

1. Ano ang likhang-sining?


2. Bakit mahalaga ang likhang- sining ?
3. Paano makakatulong ang likhang-sining sa isang pamayanan?

20
Pagyamanin
Bakit mahalaga ang likhang-sining sa pamayanan? Ipaliwanag.

Isaisip

Mga katanungan

1. Anong makabuluhang disenyo ang maaaring iguhit na pagkakilanlan


ng pamayanan?
2. Ano ang puwedeng maitulong ng likhang-sining sa komunidad na
iyong kinabibilangan?
3. Bilang isang mag-aaral, anong likhang-sining ang kayang mong gawin
na naaayon sa iyong talento o kakayahan?

Isagawa

Subukan ang inyong natutunan at talento sa pagguhit gamit ang iba’t-ibang linya,
hugis at kulay na nakikita sa inyong paligid

Direksyon: Ipahanda sa mga mag-aaral ang mga kagamitang lapis, bond paper,
marker pen, at pambura sa paggawa ng sariling painting.

Gumuhit ng disenyong makikita sa inyong komunidad at sumulat ng


maikling mensahe tungkol sa iyong likhang-sining.

21
Tayahin

Rubriks na gabay sa pagguhit.

Lagyan ng tsek ( / ) ang kahon batay sa antas ng iyong naisagawa sa buong aralin.

PAMANTAYAN (5) (3) (1)


1.Nakaguhit ako ng likhang-sining na may
makabuluhang disensyo.
2.Gumamit ng mga elemento ng sining sa
naguhit na likhang-sining.

3.Natapos ko ang nagawang likhang-sining


na malinis at maayos ang pagkagawa.

Legend:

5- Nakasunod sa pamantayan ng tama

3- Nasaunod sa pamantayan subalit mayroong pagkukulang

2- Hindi nakasunod sa pamantayan

Karagdagang gawain

Gumawa ng landscaping painting ng mga makabuluhang disenyo sa malinis na


papel

22
Panapos na Pagsusulit
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. ________ ang mga bagay na makikita sa harapan at malalaki ang
pagkakaguhit?
a. foreground b. middle ground c.background d.wala sa nabanggit
2. Alin sa mga sumusunod ang mga kagamitan sa paglikha ng myural?
a. laptop b.papel, lapis at pinturang pangkulay c.kompas d.mga larawan
3. Bakit mahalaga ang paglunsad ng mini-exhibit sa batang tulad mo?
a. Mahalaga ang paglulunsad ng mini exhibit upang maipagmalaki ang mga
likhang sining.
b. Dahil ito ay nakakatulong sa pag-unlad ng aking kakayahan.
c. Ito ay isang lugar na nakakahubog ng aming talento upang mahasa pa
lalo ang kakayahan ng mga batang tulad ko.
d. Lahat ng nabanggit.
4. Ano ang paraan o teknik ng pintor upang ipakita ang layo o distansya, lalim
at lawak sa kanyang likhang sining?

a. paggamit ng linya c. paggamit ng contour shading b. paggamit ng


ilusyon ng espasyo d. pagggamit ng kulay
5. Ano-ano ang tatlong dimensyonal na espasyo na makikita sa pagguhit?
a. foreground, middle ground, background c. hugis, kulay at disenyo
b. linya, tekstura at espasyo d. sukat, haba at kapal
6. Ang Manila Metropolitan Cathedral ay isang halimbawa ng
a. lumang simbahan b.museo c.lumang bahay d.parke
7. Ano ang sining na ginawa o nilikha ng mga malikhaing tao na
nagpapapakita ng kanilang kahusayan sa paglikha ng mga bagay-bagay?
a. likhang-sining b.mini-exhibit c.cross hatching d.myural
8. Anong salita ang maaaring mabuo sa NIMI HIBITEX?
a. Exhibit mini b.Mine hibitex c.Niim hibitex d.Mini exhibit
9. Ito ay isang likhang-sining o larawan nakapinta sa pader
a. landscape painting b.cross-hatching c.myural d.contour shading
10. Paano nakatulong ang mini-exhibit sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa
mga likhang-sining na inyong ginawa?
a. sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng aming kakayahan.
b. ang mini- exhibit ay pagpapakita ng mga likhang-sining na gawa ng mga
kilala o tanyag na pintor sa larangan ng pagpipinta.
c. sa pamamagitan ng mini-exhibit nakikilala ang aking kakayahan.
d. Sa pamamagitan ng pagpapakita at pagpapahalaga ng aming ginawa
na likhang-sining at pagpapatunay na tayong mga Pilipino ay likas na
malikhain, may pagpapahalaga sa kultura at tradisyon

23
Susi ng Pagwawasto

Subukin Panapos na Pagsusulit

1. a 1. b
2. c 2. b
3. a 3. d
4. b 4. b
5. b 5. a
6. c 6. a
7. b 7. a
8. a 8. d
9. d 9. c
10. d 10. d

Sanggunian:

24
Olivarez, Reyes, & Aragon (2018). MAPEH Grade 5 K to 12 Curriculum. Revee
Book Supply. pp. 405-406
Copiaco, H, & Jacinto, E. Jr. (2016). Halinang Umawit at Gumuhit 5. Vibal
Group, Inc. pp. 117-118
Olivarez, Reyes, & Aragon (2018). MAPEH Grade 5 K to 12 Curriculum. Revee
Book Supply. pp. 407-409

Olivares Reyes Aragon, MAPEH 5 2018 Edition 2018 Edition, pp.409 – 410
Hazel P. Copiaco at Emilio S. Jacinto Jr. Halinang Umawit at Gumuhit Grade
5, pp. 116-119

25
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893 Email

Address: region12@deped.gov.ph

26

You might also like