You are on page 1of 32

LAYUNIN :

Natutukoy ang paksang


tinalakay sa iba’t ibang
tekstong binasa

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
MGA MAKRONG KASANAYAN

√ PAKIKINIG 45%

√ PAGSASALITA 30%

PAGBASA 16%

PAGSULAT 9%

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


Kahulugan ng Pagbasa

Kaalamang Pag-aaral ng
Katatasan
Ponemiko Ponolohiya

Bokabolaryo Komprehensyon

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


Kahulugan ng Pagbasa

Ang pagbasa ay interpretasyon ng


mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan.
Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na
sagisag ng mga kaisipan.

Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga


mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng
damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong
nakalimbag sa pahina.
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
Kahulugan ng Pagbasa

Ayon kina Anderson et.al , ang pagbasa


ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula
sa mga nakasulat na teskto.
Ito ay isang kompleks na kasanayan na
nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at
magkakaugnay na pinagmumulan ng
impormasyon.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


Kahulugan ng Pagbasa

Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng


uri ng panlasa sa mga babasahin.
Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay
hindi pagbibigay tanong lamang sa mga
salitang binabasa kundi pangangatwiran at
pag-iisip.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


Bumabasa ang tao dahil sa iba’t ibang kadahilanan:

• May nagbabasa upang kumuha ng dagdag


kaalaman o karunungan.
• May nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang
nangyayari sa paligid, ayaw niyang mapag-
iwanan ng takbo ng panahon.
• May nagbabasa upang maaliw o malibang,
mabawasan ang pagkainip at pagkabagot na
nararamdaman.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
TEORYA NG PAGBASA

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


APAT NA ANTAS NG PAGBASA

Ayon sa Aklat nina Mortimer Adler at Charles Van


Doren, “ How to Read a Book”,

1. Primaryang Antas (Elementary)


2. Mapagsiyasat na Antas ( Inspectional)
3. Analitikal na antas (analytical)
4. Sintopikal na Antas(syntopical)

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


PRIMARYANG ANTAS

• Ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong


upang makamit ang literasi ng pagbasa.
• Ito ay kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na
datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa,
setting, lugar, o mga tauhan sa isang teksto.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


MAPAGSIYASAT

• Nauunawaan ng mambabasa ang kabuuang teksto at


nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon ukol dito.
• Nakapagbbigay ng mabilisan ngunit makabuluhang
paunang rebyu sa isang teksto ang mambabasa.
• Tinitingnan ang titulo, heading, at subheading.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


ANALITIKAL

• Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang


malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at
ang layunin o pananaw ng manunulat.
• Kasabay rito ang pagtatasa sa katumpakan,
kaangkupan, at kung katotohanan o opinyon ang
nilalaman ng teksto.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


ANALITIKAL
Upang makamit ito …
• Tukuyin kung saang larangan nakapaloob ang teksto.
• Ibalangkas ang teskto.
• Tukuyin ang suliranin na tinatangkang bigyang-linaw ng may-
akda.
• Unawain ang mahahalagang terminong ginamit.
• Sapulin ang mahahalagang proposisyon ng may-akda.
• Alamin ang argumento
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
SINTOPIKAL

•Nakabubuo ng sariling perspektiba o


pananaw sa isang tiyak na larangan mula sa
paghahambing ng mga akdang inunawa mo.
•Pagbuo ng sariling sistema ng kaalaman at
pag-unawa mula sa mga binasa.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


HAKBANG SA SINTOPIKAL

1. Pagsisiyasat
2. Asimilasyon
3. Mga Tanong
4. Mga Isyu
5. Kumbersasyon

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


Layunin sa Maunlad na Pagbasa

 Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa.


 Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masaklaw
at masidhing pagbasa.
 Makilala ang mga paksang pinag-aaralan upang
matamo ang impormaasyon hinggil sa iba’t ibang
larangan tulad ng sining, agham at mga bagay na
pangkatauhan o humanities.
 Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga
kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at pagsulat.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


Layunin sa Maunlad na Pagbasa

Ang pagbasa ay mauuri ayon sa paraan at layunin


A. Mga uri/teknik ng pagbasa ayon sa pamamaraan:

MABILISANG PAGBASA – (skimming) ang pinakamabilis na


pagbasa na nakakaya ng isang tao. Nagtuturo ito sa
mambabasa upang malaman ang pangkalahatang pananaw
na matatagpuan sa mga aklat at iba pang nakalaimbag na
babasahin. Tinatatawag din itong pinaraanang pagbasa at
pinakamabilis na paraan ng pagbasa.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


MABILISANG PAGBASA – (skimming)

Ginagamit ang paraang ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:

• Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa kabuuang


nilalaman ng isang aklat
• Pagtingin at pagbasa ng mahahalagang datos na
kailangan sa pananaliksik (key word)
• Pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


• PAHAPYAW NA PAGBASA - (Scanning)
Tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na
impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa na
hindi hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat dahil
sa mahalaga rito’y makita ang hinahanap sa madali at mabilis
na paraan. Tulad ng paghahanap ng telepono sa direktoryo,
paghahanap ng trabaho, mga paupahang establisemento
(buy & sell), pagtingin sa resulta ng mga eksamen ,
numerong nanalo sa swipstiks, lotto atbp.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


• PAGSUSURING PAGBASA – (analytical reading)

Nakasalalay sa mga materyales ang gawaing


pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit dito ng matalino at
malalim na pag-iisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng
mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang mapanuring
pag-iisip.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


• PAMUMUNANG PAGBASA (Critical reading)
Dapat na matiyak ng mambabasa na naunawaan
ang buong nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi
lamang ang nilalaman ng akda ang binibigyan ng
pansin. Kasama rito ang pagpuna mula sa pamagat,
simula, katawan (nilalaman) at wakas ng akda.
Binibigyan din ng pansin o puna ang istruktura ng mga
pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilo sa
pagsulat ng may-akda. Tinitingnan din ang kalakasan at
kahinaan ng paksa at may-akda.
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
• PREBYUWING
Hindi kaagad sa aklat o tsapter sinusuri ang
kabuuan ng akda kundi sa kung anong register ng
wika ang ginamit ng sumulat.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


• KASWAL
Isinasagawa lamang upang palipasin ang oras.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


PAMULING-BASA

Isinasagawa upang mapalawak ang


interpretasyon na hindi agad nakukuha sa
minsang pagbasa.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


BASANG-TALA

teknik na sinasabayan ng pagsulat kapag may


masusumpungang mahalagang kaisipan o
konsepto at nagpapakita rin ito ng mataas na
paggalang sa awtor ng bumabasa.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


MAHALAGANG KASANAYAN SA PAGBASA

Pagkilala sa mga salita (word perception)


Kakayahang umunawa sa iba’t ibang kahulugan
ng salita, pagpapantig, pagbabaybay at pagbigkas

Pag-unawa (comprehension)
Kakayahan sa pag-unawa mula sa payak
hanggang sa mas mabigat at masalimuot na bahagi
ng akda.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


MAHALAGANG KASANAYAN SA PAGBASA

Pagpapahalagang literari (literary appreciation)


may kakayahang umunawa at pagkagiliw sa pagpapahalaga
ng mga tradisyunal, makabago at napapanahong isyu.

Pananaliksik at pandiksyunaryong kasanayan


(Research & dictionary skills)
May kakayahan sa paghahanap o pagsisisyasat sa mga
bagay at kaalamang di-makita o matagpuan

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


LIMANG DIMENSYON SA PAGBASA

1. Pag-unawang literal

2. Pagbibigay ng Interpretasyon
3. Mapanuri o kritikal na pagbasa
4. Paglalapat o Aplikasyon
5. Pagpapahalaga

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

You might also like