You are on page 1of 1

John David I.

Romasanta
CE- 2109

Wikang Filipino: Isang mabisang sinturon ng bansang Pilipinas

Mahigit pitong libong isla, hiwa-hiwalay na mga pulo, samu’t-saring diyalekto, iba’t-
ibang etniko, ngunit iisang bansa, may iisang pagkakakilanlan, at may iisang wika; ang
Wikang Filipino.

Isang napakahalagang bagay para sa isang bansa ang pagkakaroon ng isang


unibersal na wika na lubos na maiintindihan at magagamit ng iba’t- ibang tao saan mang
lugar sila naroroon. Ito ay isang mainam na kasangkapan upang maipahayag ng isang
tao ang kaniyang mga damdamin at saloobin. Sa buong kasaysayan, napakarami nang
mga bagay, sitwasyon at pangyayari ang tumukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao,
sa kaniyang kapaligiran at higit lalo na sa kaniyang bansa.

Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang
sasakyan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na
obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian bagkus ay isang sisidlan na siyang
nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Minsan naisip ba natin kung
ano na lang ang magiging kalagayan ng ating bansa kung hindi iisa ang wika na ating
ginagamit? Lalo na sa panahon ngayon na napakalaki na ng impluwensiya ng wikang
banyaga sa kultura ng ating bansa. Naaalala pa ba natin ang tanyag na tanyag na
kasabihan ni Dr. Jose Rizal na nagsasabing, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay
mas masahol pa sa malansang isda”. Tila isang larong pahulaan ang pangaraw-araw na
buhay ng bawat Pilipino kung magpapatuloy ang pagtangkilik at pagpapaalipin natin sa
wikang banyaga. Magulo, malabo, at mukhang walang patutunguhan ang bawat usapan.
Ang masama pa, maari itong maging hadlang sa pagkakaroon ng pagkakaisa sa ating
bansa. Tunay nga na napakahalaga ng tungkuling ginagampanan ng ating wika para sa
ating kaunlaran. Madaling suotin ang pantalong maluwang, ngunit napakahirap nitong
dalhin. Wala itong ipinagkaiba sa isang bansa na walang iisang wika na tinatangkilik.
Kaya ang wika natin, ang wikang Filipino ang siyang nagsisilbing mabisang sinturon
upang maitali tayong mga Pilipino sa ating diwa, pangarap, at landas na tinatahak. Wala
rin nga naman talagang kahirap-hirap sa pagkilos kung maayos ang ating pagkakasuot
ng ating pantalon kung tayo ay may gamit na sinturon.

Sa kabuuan, ang Wikang Filipino ay siyang mabisang daan tungo sa malawakan


at mabilis na pamamahagi ng impormasyon tungo sa maunlad na pagkakaisa ng ating
bansang Pilipinas. At isa pa, ang wika ang nagsisilbing kaparaanan upang maging isang
ganap na tao ang isang tao at maging isang ganap na bansa ang isang bansa. Tayo ay
may iisang pagkakakilanlan at may iisang wika na dapat mahalin.

You might also like