You are on page 1of 11

Ang lumang modelo ng telebisyon na nakasilid sa kahoy

na cabinet. Kalimitan ang lumang telebisyon ay “Black


and White” lamang. Ito ang pinanonoodan noon ng mga
Pilipino.
Noong wala pang masyadong kuryente sa bansang Pilipinas, ginagamit ang isang
mabigat na plantsang gawa sa bakal na may lalagyan sa loob upang lagakan ng
uling. Mabagal at nakapapagod ang proseso ng pagplantsa gamit nito. Habang
pinaplantsa ang mga kasuotan ay inihihiga ang damit sa sinapinang-dahon ng saging
upang bumango ang mga ito at maging madulas ang paghagod. Wala itong pihitan para
makontrol ang sidhi ng init. Kinakailangan din ang pagpahid ng wax galing sa kandila
upang maiwasan ang pagkakalawang ng plantsa.
Palayok
Tumutukoy ang palayok sa uri ng sisidlan na mula sa hinubog na luad at
ibinilad sa init o kaya'y idinarang sa matinding apoy, kung hindi man inihurno,
upang tumigas. Karaniwang malalim ang loob nito, at may labi ang
pinakabutas na inaangkupan ng takip. Ginagamit ito sa pagluluto o kaya'y
lalagyan ng ulam o kanin. Noong unang panahon ito ang kagamitan ng mga
Pilipino sa pagluluto.
Tapayan
Ang tapayan ay isang banga na may gripo. Ito ang
lagayan ng tubig na inumin noon ng mga Pilipino.

You might also like