You are on page 1of 15

PAGKATAONG PILIPINO:

ISANG TEORYA SA LALIM


NG BANGA*

Bomen Guillermo
KAL, DFPP
UP-Diliman

Sa isang maikling walong pahinang sanaysay na pinamagatang "Kaalamang


Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino" at sa pamamagitan ng isang diagram ay sinikap
ipaliwanag sa madla ng antropologong si Prop. Prospero Covar ang kanyang iskema ng
"Istruktura ng Pagkataong Pilipino."
Ang binuo niyang diagram ang masasabing pinakamadali at pinakasimpleng
representasyon ng teoryang ito. (Tgn. Diagram 1.) Makikita rito ang tatlong
konsentrikong bilog. Sa pinakanakapaloob na bilog ay may hugis ng "yin at yang" na
humihiwalay sa dalawang salitang "kaluluwa" at "budhi." Sa susunod na dalawang bilog
na konsentriko ay makakakita ng mga katawagan ng bahagi ng katawan na nakahanay na
magkakatambal. Binansagan sa diagram ang pinakanakapaloob na bilog bilang "lalim,"
ang sumusunod bilang "loob" at ang huli bilang "labas." Payak ang diagram pero tila may
nais ipaliwanag na malalim hinggil sa hugis at anyo ng tinatawag na "pagkataong
Pilipino."

I. Saan nanggaling ang metapora ng "banga"?

Ano kaya ang istatus ng banga bilang isang metapora ng "pagkataong Pilipino"?
Bahagi ba talaga ang "banga" ng tinutukoy ni Covar na diskurso o wika na sinasalita ng
mga Pilipino o ng kahit ilang Pilipino lamang hinggil sa "pagkataong Pilipino"?
Matutuklasan ba ito sa mga pahayag ng mga Pilipino sa paglalarawan ng kanilang
"pagkatao"? Ibig sabihin ay konseptong emiko ba ito? Kung bahagi talaga ito ng diskurso
ng pagkataong Pilipino, ano ang mga patunay na makikita ito sa pang-araw-araw na
diskurso ng pagkatao? Hindi inilinaw ni Covar ang usaping ito sa kanyang mga
pagpapaliwanag. Minsa'y inaamin ni Covar ang artipisyalidad ng kanyang metapora
bilang personal na pagpapakahulugan hinggil sa pagkataong Pilipino pero mas madalas
naman ay tila ipinalalabas niya ang impresyon na ganito talaga ang pagtingin ng mga
Pilipino mismo hinggil sa kanilang sariling pagkatao. Sa kabila ng pagpapahalaga niya sa
wika bilang batis ng kaalaman hinggil sa pagkatao ay wala siya ni isang patunay na
inihaharap maliban sa kanyang sariling mga asersyon na ganito o ganito nga dapat ang
pagtingin ng mga Pilipino hinggil sa kanilang pagkatao. Tumatalon siya mula sa
pagtingin at pagmumuni-muni hinggil sa sa bangang Manunggul tungo sa malalim na
obserbasyon na ganito nga rin ang tao, "parang banga."
Pansinin ang mga pahayag ni Covar:

*
Nagpapasalamat ang may-akda sa matatalas na komentaryo sa unang bersyon ng sanaysay na ito nina
Myfel Paluga, Butch Rufino, Lily Mendoza, Atoy Navarro, Nancy Gabriel, Jovy Peregrino, Gelacio
Guillermo, Rose Torres-Yu at Zeus A. Salazar.
PAHAYAG KOMENTARYO
a) "Itinatakda ng lekturang ito ang katawan Dito makikita na sa lektura mismo
ng tao bilang isang banga: may labas, itinatakda ang pagiging banga ng tao
loob at ilalim; at pinagagalaw ng na nagtataglay ng mga katangiang
tambalan ng budhi at kaluluwa." (16) mala-banga tulad ng "loob," "labas" at
"lalim."
b) "Sa matagal kong pag-aaral ng Mapapansin muli rito ang pag-amin ni
pagkataong Pilipino, napasok ko ang Covar na ang banga ay isang
metaphor at ginamit ko yong konsepto ng metaporang siya mismo ang
banga, kasi ang katawan ng tao ay parang "nagpasok" sa diskurso ng pagkataong
banga – sisidlan, vessel. Pilipino pero tila nababawi ang pag-
Sa spirit possession, parang napapasok amin na ito ng biglang panggigiit na
yong vessel, yong katawan ng tao. parang katotohanang mula sa langit na
Banga nga." (57) "banga nga" talaga ang tao.
Sabihin man na "matagal" nang pinag-
aaralan ni Covar ang pagkataong
Pilipino, hindi maituturing ang "tagal"
ng pananaliksik o pagmumuni-muni
bilang isang patunay ng katotohanan ng
alinmang teorya. Hindi iyan
matatanggap sa alinmang siyentipikong
larangan bilang patunay o pandagdag
sa patunay.
c) "Ang katawan ng tao ay parang isang Higit na niyutral ito pero malinaw na
banga. may metaporikal na paghahambing na
Ang banga ay may labas, loob at ilalim. ipinahihiwatig ng pariralang "parang
Gayundin naman ang kaluluwa ng tao. isang banga."
Sisidlan na banga.
Ang laman nito ay kaluluwa.
Sa ilalim tumatahan ang kaluluwa, kaniig
ang budhi." (9)
d) "The Filipino views the katawan as a Dito sa (d) at (e) ay tuwirang sinasabi
vessel not unlike the Manunggul jar. na ganito talaga ang pagtingin ng
The Filipino katawan has a labas Pilipino sa kanyang katawan. Pero
(externality), loob (internality), and lalim nasaan pa rin ang patunay?
(depth).
The lalim is where the kaluluwa resides."
(23)
e) "Ang F/Pilipino ay naghahambing na ang
isang tao ay isang banga." (28)

Hindi binabanggit ni Covar kung saan sa tinatawag niyang "kaalamang bayang


dalumat" niya nahalaw ang sentral na bahaging ito ng kanyang pormulasyon ng teorya
hinggil sa "pagkataong Pilipino." Sinabi lamang niyang "natalos" niya na ang "ang
paglalarawan ng pagkataong Pilipino bilang banga na may labas at loob ay nagsimula sa
Niyolitikong Panahon" kung kailan maaaring nililok ang bangang Manunggul. (13)

2
Samakatwid ay nalaman niya na itinuturing ng Pilipino ang kanyang katawan bilang
banga sa pamamagitan ng paglilimi-limi sa hugis ng bangang Manunggul sa loob ng
museo.
Mula sa ganitong kadahupan ng tuwirang pagpapatunay ay dapat pansinin ang
suliranin ng paglipat mula sa diumanong deskriptibong paglalawaran ng pagkataong
Pilipino sa pamamagitan ng banga (na hindi pa nga nabibigyan ng sapat na patunay at
dokumentasyon) tungo sa implisitong normatibong prinsipyo na dapat naniniwala ang
bawat tunay na Pilipino dito na maibubuod sa pangungusap ni Covar na,

"The Filipino views the katawan as a vessel not unlike the Manunggul jar." (23)

II. Ano kaya ang ibig sabihin ng "lalim" ng "banga"?

Tila lumilikha ng malaking kalituhan at kalabuan ang palagay ni Covar na ang


kaluluwa ay nasa "lalim" ng banga na nasa sipi (d) sa itaas. Maaaring tumingin muna sa
ilang halimbawa upang maging malinaw ang kasalukuyang puntong ipinagdidiinan.
Kapag ginamit ang isang bagay X bilang metapora para sa isang bagay Y.
Nangangahulugan ito na bagamat maaaring walang tuwirang ugnayan ang X at Y ay
nakakatanggap ang Y ng mga katangian ng X. Hal., "kasinglalim niya ang dagat." Dito ay
nagkakaroon din ng lalim ang tao na may konotasyon na di siya madaling maarok, hindi
madaling maunawaan. Ang kanyang lalim ay isang sukat na di masukat.
Mula rito ay maaaring tingnan kung paano ginamit ang "banga" bilang metapora ng
"pagkataong Pilipino." Bahagi ng depinisyon mismo ng "lalagyan" na ito ay may loob at
labas. Kapag tinanong kung nasaan ang bola ay pwedeng sagutin na "nasa labas ng
lalagyan ang bola " o pwede ring "nasa loob ng lalagyan ang bola." Kapag isinaalang-
alang naman na ang isang silindrikal na lalagyan ay may partikular na lalim at diametro
ay maaaring tanungin ang sukat ng lalim at/o ng diametro upang malaman ang bolyum o
makapagkalkula ng iba pang importanteng impormasyon. Ang sagot sa tanong na "ano
ang sukat ng lalim at diametro?" ay mabibigyang tugon sa pamamagitan ng pagbibigkas
ng mga partikular na numerikal na sukat. Malaking kalituhan ang ibubunga kapag ang
tanong na "nasaan ang bola?" ay sinagot ng nasa "lalim" o "diametro." Halimbawa ito ng
tinatawag na "category mistake" kung saan inihahanay ang isang konsepto sa isang
kategoryang hindi rito naaangkop (Ryle 1963). Isang halimbawa ng pagkakamaling
pangkategorya ang pangungusap ni Covar na "The lalim is where the kaluluwa resides"
(23) na inilarawan niya sa kanyang diagram para sa istruktura ng pagkataong Pilipino.
Masasabing ang serye ng mga salitang "haba," "lapad" at "taas" ay seryeng lohikal dahil
binubuo ng mga konsepto na ang lahat ay tumutukoy sa sukat. Ngunit ang seryeng
"loob," "labas," at "lalim" ay seryeng hindi lohikal sapagkat ang unang dalawang pang-
abay (o adverb) ay tumutukoy sa lokasyon at pangsagot sa tanong na "nasaan" habang
ang ikatlo namang pangngalan ay tumutukoy sa sukat. Ang problema yata ay dahil naisip
na may lokasyong panlabas o panloob ang serye ng mga bahagi ng katawang binabanggit
sa diagram ng "pagkataong Pilipino" ay naisip na kailangan ding magtakda ng "lokasyon"
para sa kaluluwa. At ang lokasyon daw na ito ay hindi ang labas at hindi rin ang loob
kundi ang "lalim." Pero walang bagay na maaaring lumagi sa isang sukat. (Tgn. Diagram
2.) Kasing absurdo ito ng pangungusap na ang isang barko ay may "loob," "labas" at

3
"haba," kung saan ang dagat ay nasa labas, ang mga pasahero ay nasa loob at ang kapitan
ay nasa haba.
Ang "lalim" sa metapora ni Covar ay hindi ang "sukat na hindi masukat" tulad ng
makikita sa linyang "singlalim siya ng dagat" kundi isang "pook na di maipook" na wala
sa loob at wala rin sa labas. Ang banga ay mayroong "lalim" sa pakahulugan ng sukat
pero walang "lalim sa" pakahulugan ng lugar o puwesto. Kaya hindi masasabing ang tao
ay maitutulad sa banga na may "lalim" bilang lugar dahil wala talagang ganitong banga.
Sa pagitan ng "lalim ng banga" at ng "lalim ng pagkatao" ni Covar ay may nangyaring
misteryosong kumbersyon ng pakahulugan ng "lalim" mula sa sukat patungong pook.
Pero wala naman talagang problema kung may magsulat ng tulang may linyang "ang
aking pag-ibig ay nagtatago sa lapad ng banga." Ang tanong lamang ay kung magandang
tula ang kalalabasan. Ang mahalaga rin sa kaso ng linyang "nasa lalim ang kaluluwa" ay
kung lalong naliliwanagan ang mambabasa sa katangian ng "pagkataong Pilipino" sa
pamamagitan nito o hindi.
Dagdag pa'y anupaman ang pagpapakahulugan sa "lalim," maging lugar man o sukat,
nananatili pa rin ang pangunahing tanong: nanggaling ba ang "banga" sa tinaguriang
"kaalamang bayan" o nagmumula lamang ba ito sa personal na pilosopiya ni Covar?

III. Ano ang batayan ng pagpili ng mga bahagi ng katawan na nakapaloob sa


iskema ng "pagkataong Pilipino"?

Dagdag pang puna sa iskema ang hindi kumprehensibong pananaliksik na naging


batayan ng kagyat na pagpili ng walong bahagi ng katawan na nakaugnay daw sa
konsepto ng pagkataong Pilipino. Hindi napatunayan ni Covar na ang mga ito lamang ang
mga bahagi ng katawang tampok at mahalaga sa paglalarawan ng pagkatao sa diskursong
pinag-aaralan dahil hindi niya ipinakita ang proseso ng pagpili at ang mga pamantayang
kanyang ginamit. Bakit halimbawa hindi ipinapalagay na nakaugnay sa paglalarawan ng
pagkatao ang mga ari ng lalaki at babae o ang kanilang mga puwet? Hindi ba may
kasabihang "may balat sa puwet"? Wala bang kinalaman sa pagkataong Pilipino ang
kasarian at sekswalidad? Niyutral ba ang kasarian ng mukha, ng tiyan o ng sikmura?
Inaamin ni Covar (58) na merong bahagi ang kasarian sa pagkatao pero nakapagtatakang
hindi na niya ito isinama sa kanyang diagram.
Kung walang kasarian ang "pagkataong ito" ay mukhang wala rin itong uri. Wala ba
talagang kinalaman sa kapangyarihan, pagsasamantala, pambubusabos at pang-aapi sa
mga konkretong panlipunang konteksto ang diskursong moral ng pagkatao? Sabihin
mang nais i-abstrakto ni Covar ang mga usapin ng kasarian, kapangyarihan at kahirapan
sa kanyang iskema ay maaaring pagdudahan kung ganoon talaga kadaling maibubukod
ang isang diskursong pundamental na etikal at moral tulad ng usapin ng pagkatao sa
kaligirang panlipunang kinababaran nito. Dapat niyang tingnan ang mga malalalim na
akda nina Lazaro Francisco at Amado V. Hernandez para malinawan hinggil dito. Ang
pagsisimula ni Covar sa abstrakto at pananatili sa abstraktong antas ang sanhi ng hindi
niya pagbibigay ng pagkilala sa salimuot at kompleksidad ng wika sa tunay na konteksto
ng pag-iral nito sa loob ng lipunan at kasaysayan. Tingnan na lamang ang salimuot ng
kasaysayan at nagbabagong larangang-semantiko ng katagang "budhi" mula sa Sanskrit,
patungong wikang Melayu patungong Tagalog na hindi man lamang niyang pinagdulutan
nang anumang pansin. (Tgn. Diagram 3)

4
Hindi kumprehensibo at malaki ang naging kakulangan sa dokumentasyon sa
pananaliksik hinggil sa iba't ibang gamit ng mga kasabihan at pariralang nakakabit sa
mga naturang bahagi ng katawan. Sa kabuuan ay tatlumpu't pitong (37) piraso lamang ng
datos ang iniharap niya upang patunayan ang kabuluhan ng walong salitang napili niya
(ibig sabihin may average na 4.6 na halimbawa para sa bawat isa) para sa dambuhalang
proyekto ng pananaliksik hinggil sa "pagkataong Pilipino" na sumasaklaw sa ngayon sa
mahigit walumpung milyong tao. Hindi niya binabanggit ang mga batis na tuwiran o di-
tuwiran na pinagbabatayan ng kanyang mga konklusyon. Hindi binabanggit ang lugar at
panlipunang konteksto na pinagkunan at ang panahon ng pagkagamit kaya't imposibleng
malaman ang saklaw at kasaysayan ng paggamit ng mga naturang konsepto. Hindi talaga
sapat ang sabihin lamang na galing ito lahat sa "kaalamang bayang dalumat." Sinong
siyentista ng kultura ang makakabalik sa naturang napakalawak na "kaalamang bayang
dalumat" para maberipika ang sinasabi ni Covar? Ihambing natin ito sa koleksyon ng mga
kasabihan at bugtong ni Damiana Eugenio kung saan maingat na kinakatalogo ang mga
batis mula sa iba't ibang wika ng Pilipinas. Masasabi ring maraming maidaragdag ang
mga koleksyon ni Eugenio sa anumang pagsisikap na mai Sa koleksyon niya ng mga
kasabihang Pilipino ay may labindalawang (12) tungkol sa "mukha," tatlumpu't tatlo (33)
tungkol sa "puso," apat tungkol "tiyan" at "sikmura." Sa koleksyon naman ng mga
bugtong ay mayroong lima tungkol sa mukha, isa tungkol sa "utak," labing-anim (16)
tungkol sa "isip" at "kaisipan," "dalawampu (20) tungkol sa "dibdib," apat tungkol sa
"puso" at apat din tungkol sa "tiyan" at "bituka." Mayroon ding labing-siyam (19) na
bugtong tungkol sa ari ng lalaki, labing-siyam (19) tungkol sa ari ng babae at lima
tungkol sa puwet. Tila may pagka-prude yata ang iskema ni Covar. Tama bang maging
prude ang isang antropologo?
Kung may istruktura mang nabuo si Covar, hindi wastong tawagin itong istruktura ng
"pagkataong Pilipino" sapagkat ang lahat ng mga halimbawang nahihinggil sa mga
bahagi ng katawan ay galing lamang sa wikang Tagalog. Kulang na kulang sa batayang
pananaliksik at labis ang pagkiling sa Tagalog bilang pribilehiyadong batis ng kaalamang
pangkultura. Sa katunaya'y inaamin mismo ni Covar na hindi niya nalalaman ang
pagkakatumbas ng mga konseptong ito sa iba't ibang wika ng Pilipinas. (63) Hilaw pa
talaga ang datos para masabing may kros-etnolinggwistikong kabuluhan ang ganitong
iskema.

IV. Paano ginamit ang tinaguriang "tambalang lapit" sa pagtatambal ng mga


bahagi ng katawan?

Ayon kay Covar,

Tambalang lapit ang pamamaraan sa pagdalumat ng pagkataong Pilipino: kung may


labas, may loob; kung may kaluluwa, may budhi. Kaipala nahahayag sa
mahahalagang bahagi ng ating katawan ang labas, loob at lalim... (11)

Dagdag pa,

The Filipino has a complex personhood (pagkatao) associated with body parts
contrasted in binary opposition, namely: (1) panlabas and (2) panloob. (23)

5
Isang napakahalagang paraan sa semantikong analisis ang pagsasaayos ng mga kataga
sa mga serye ng dalawahang elementong magkakasalungat o magkakabaligtad.
Halimbawa ng ganitong mga oposisyong tambalan o binaryo ang sumusunod:

oo hindi
liwanag dilim
kanan kaliwa
loob labas

Mapapansin sa mga binaryong oposisyong ito na hindi maaaring umiral ang isa na
wala ang isa. Nakasalalay ang pakahulugan ng dalawang kataga sa isang binaryong
oposisyon sa isa't isa. Hindi maipapaliwanag ang liwanag kung wala ang dilim. Hindi
maipapaliwanag ang kanan kung walang kaliwa. Hindi rin maipapaliwanag ang loob
kung wala ang labas.
Sa pamamagitan ng ganitong mga tambalan ay maaaring gumawa pa ng karagdagang
hakbang ng pagpapailalim o paghahanay ng mga elemento sa ilalim ng magkasalungat na
konsepto. Halimbawa kung ang "liwanag" ay may pangkulturang konotasyon ng
"kalayaan" at ang dilim ay may konotasyon ng kawalan ng "kalayaan" ay maaaring
tingnan ang kasaysayan ng Pilipinas bilang serye ng pagkakasunod ng mga panahon ng
"liwanag" at "dilim" kung saan ang "dilim" ay ang panahon ng kolonyalismo at ang
liwanag ay ang panahong malaya sa mga mananakop. Kung ang konotasyon naman ng
"liwanag" ay ang pagdating ng Kristiyanismo tulad ng makikita sa matandang tulang
"May Bagyo ma't may Rilim" ay biglang magbabaligtad ang mga pagpapahalaga at ang
"liwanag" ay tutukoy na sa pagdating ng mga mananakop at ang "dilim" sa buong
panahong binansagang "prekolonyal." Nakadepende ang paghahanay sa ilalim ng
"liwanag" at "dilim" doon sa parametrong ginagamit na batayan ng paghahanay ng mga
panahon. Kung lilipat naman sa tambalan ng "loob" at "labas," maraming makikitang
parametro ng paghahanay ng "pagkaloob" at "pagkalabas." Maaaring ang konotasyon ng
"loob" ay "masikip" at "kulob" habang ang "labas" ay "maluwag" at "maaliwalas." Kaya
maaaring sabihin na "huwag ka palaging nasa loob, lumabas ka naman at magpaaraw."
Maaari ring ang konotasyon ng "loob" ay "isip" habang ang "labas" ay "salita." Kaya
maaaring sabihin na "huwag mong ikulong sa iyong loob, ilabas mo na."
Sa kabila ng pagbabansag niya sa kanyang pamamaraan bilang "tambalang lapit" o
paghahanap ng mga "binaryong oposisyon," hindi malinaw ang batayan ng klasipikasyon
sa ilalim ng mga kategoryang "loob" at "labas" ng mga termino ng bahagi ng katawan at
kung bakit simetrikal at tig-aapat na elemento ang nilalaman ng dalawang kategorya.
(Tgn. Diagram 4) Hindi rin binabanggit ni Covar kung ano ang partikular na katangiang
parehong tinataglay ng apat na bahagi ng katawang panlabas at ng apat na bahaging
panloob na maaaring maging batayan ng kanilang klasipikasyon. Hindi man lang inilinaw
na "ganito" ang katangiang taglay ng lahat ng mga panloob sa isang banda, at sa kanilang
banda, "ganito" naman ang katangian ng lahat ng mga panlabas. May kinalaman ba sa
"emosyon" o "isipan" ang "loob"? May kinalaman ba sa "aksyon," "ekspresyon" at
"pandamdam" ang labas? Hindi ito inilinaw ni Covar. Kulang talaga sa konseptwal na
pagsisinsin na kinakailangan sa analisis ng mga binaryong oposisyon at
napakamatetaporikal at impormal ng argumento. Kung panloob ang turing sa "atay,"

6
bakit panloob? Ano ang katangian ng atay kung kaya't maituturing itong panloob?
Sirkular ang argumentong panloob ito dahil may kinalaman sa "loob." At kung panloob
ang "atay" at "puso," ano naman ang pagkakatulad nila? Kung ayon kay Covar "ang
panlabas ay pangmukha" (58), ano ang "pagkamukha" ng "sikmura"? Ano ba at nasaan
ba ang "sikmura"? Hindi rin kaya masasabi na may dimensyong panloob at panlabas ang
mga katawagan para sa mga bahagi ng katawang inilista niya? Kumbaga may panloob na
bahagi ng "isipang" inililihim at may panlabas naman na bahagi ng "isipang" inihahayag?
Sa ngayon ay hindi talaga malinaw ang prinsipyong gumagabay sa paghahanay ng mga
konsepto batay sa mga kategoryang "panlabas" at "panloob."
Malabo rin ang batayan ng pagkakapares o pagtatambal ng bawat elementong
nakapailalim sa "loob" at "labas" sa isa't isa. Maaaring tumingin muna sa isang
halimbawa para lalong luminaw ang usapin. Sa talahanayan sa ibaba, maaaring ihanay
ang mga letra sa ilalim ng mga kategoryang "malaking letra" at "maliit na letra":

Malaking Letra Maliit na


Letra
A v
B w
C x
D y
E z

Makikita rito na magagamit ang binaryong oposiyon sa pagitan ng "malaki" at


"maliit" na letra upang maklasipika ang limang malaking letra sa kaliwa at limang maliit
na letra sa kanan. Malinaw na isa itong konseptwal na dikotomiyang may katangiang
maramihan-sa-maramihan. Ang tanong ngayon ay kung may iba pang binaryong
oposisyong isahan na mabubuo sa pagitan ng mga elementong nakapailalim sa masaklaw
na binaryong oposiyon ng "maliit" at "malaking" letra. Halimbawa, maaaring makita sa
talahanayan sa ibaba ang isang posibleng pagsaayos kung saan maliban sa pababa na
prinsipyo ng kategorisasyon na "malaki" at "maliit" na letra ay may iba pang katangian
na umuugnay sa bawat pahalang na elemento sa isa't isa. Maaaring itambal ang "maliit na
letrang a" sa "malaking letrang A" atbp.:

Malaking Letra Maliit na


Letra
A a
B b
C c
D d
E e

Gayumpaman, kung walang kagyat na makitang sistema ng pag-uugnay ng bawat


elemento sa isa't isa tulad ng makikita sa naunang talahanayan ay makikitang mahirap o
imposibleng makabuo ng binaryong oposisyon para sa bawat elemento lalo na kung hindi

7
magkapareho o di simetrikal ang kanilang bilang para sa bawat hanay na siyang madalas
matuklasan sa mga tunay na penomenong makikita sa lipunan o kalikasan.
Sa kaso ng iskema ng "pagkataong Pilipino," malinaw ang pagiging binaryong
oposisyon ng "loob" at "labas" pero hindi gaanong malinaw at hindi inilinaw ang
binaryong oposisyon lalo ng mga tambalang puso-dibdib, tiyan-bituka, sikmura-atay.
Napakahalaga ng ganitong paglilinaw dahil may 576 na posibleng arbitraryong
kumbinasyon at pagkakasunod-sunod na maaari kahit sa tig-apat na elemento lamang sa
dalawang hanay. Tila sinasakyan ng mga tambalang ito ang pambungad na tambalang
pang-sentido-kumon ng "mukha" at "isip" kahit pa hindi talaga masasabing bahagi ng
katawan ang "isip" kundi "utak." Sa pamamagitan ng pagdulas mula "utak" patungong
"isip" at pagpapalit-palit ng mga ito ay lumilikha si Covar ng ilusyon ng lohikal na
oposisyon sa pagitan ng dalawang bahagi ng katawan na naipapasa naman sa sumusunod
pang mga tambalan. Pero ano ba talaga ang batayan ng konseptwal na oposisyon ng mga
ito sa isa't isa? Kung ang kaliwa ay nauunawaan lamang kung may kanan, ganito rin ba
ang relasyon ng atay sa sikmura? Walang pagpapaliwanag si Covar. Hinahayaan ang
mambabasang gumawa ng sariling pagmumuni-muni sapagkat sa katunaya'y parang
malabo pa ang salalayan nito. Tila ang tanging batayan ng pagbubuo ng mga tambalang
dalumat ay nakaayon lamang sa proksimidad ng mga bahagi ng katawan sa isa't isa. Sa
gayon, ang pamantayan ng pagtatambalan ay nakabatay sa "panlabas" na pamantayan.
May lumilitaw ditong kontradiksyon sa pangyayaring ang binaristikong pagkategorya ng
mga bahagi ng katawan ay batay sa metaporikal at konseptwal na kaugnayan ng mga ito
sa panloob o panlabas na bahagi ng pagkatao, habang ang pagbubuo ng mga ispesipikong
tambalan o pagpapares ng mga elemento ay nakabatay lamang sa pisikal at literal na
proksimidad ng mga organo sa isa't isa mula sa itaas pababa. Sa gayon ang mga
ispesikong tambalang binuo ni Covar ng mga bahagi ng katawan ay hindi nakabatay sa
kanilang konseptwal na oposisyon sa metaporikal na antas kundi sa simpleng
pagkakatapat nila sa pisikal na katawan. Hindi maituturing ang ganitong uri ng tambalan
bilang binaryong oposisyon. Imbes na tambalang lapit ito'y matatawag na "tabihang
lapit." Ibig sabihin, hindi nakasalalay sa konseptwal na tambalan kundi sa pisikal na
pagkakatapat. (Tgn. Diagram 5)
Tama si Covar na, "Ang pag-uugnay ng iba't ibang konsepto ay isang pagtatangka na
makabuo ng isang sistema o teorya tungkol sa pagkataong Pilipino." (10) Ang kailangan
lang talaga ay maipakita sa isang malinaw at hayag na paraan kung paano isinasagawa
ang pag-uugnay-ugnay na ito ng mga konsepto. Kailangang maipaliwanag ang mga
batayan ng teorya para sa lahat at hindi isinasalalay sa anumang partikular na talento ng
mambabasa o sa kung ano mang lihim na kaalaman. Sa kasalukuyang anyo nito'y tila
hindi masinsin at maingat ang paggamit o paglalapat ng tinatawag na "tambalang lapit"
sa teorya ng "pagkataong Pilipino." Kung nagkamali man si Covar sa kanyang nagawang
pagtutumbas ng "tambalan" at "binary opposition" ay napakahalagang malaman kung ano
nga ba ang naiibang katangian at alituntunin ng mga pagtatambal na ito upang
maunawaan nang buong liwanag ang naging gabay niya sa "pag-uugnay-ugnay" ng mga
konsepto.

Pagbubuod at Ilang Mungkahi

8
Maaaring balikan muli ang pangungusap ni Covar na, "The Filipino views the
katawan as a vessel not unlike the Manunggul jar." (23) Maihahalintulad ito sa
sumusunod pang mga pangungusap mula rin kay Covar:

a) "Even now, the Filipino believes in the existence of a spirit or kaluluwa." (23)
b) "No Filipino would claim that he/she does not have a kaluluwa." (23)
c) "Ang lahat ng Pilipino'y naniniwala sa spirit possession." (57)

Mabubuo ang sumusunod na mga pangungusap mula sa tatlong asersyong ito:

a) "Ang lahat ng totoong Pilipino sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ay


naniniwala sa pag-iral ng kaluluwa at naniniwala na mayroon siya nito at naniniwala
rin na pwede siyang ma-possess ng spirits."
b) "Hindi totoong Pilipino ang sinumang Pilipino na magsabi na hindi siya
naniniwala sa pag-iral ng kaluluwa at tumatanggi na mayroon siya nito at hindi
naniniwala na maaari siyang ma-possess ng spirits."

Ang pangunahing usapin kaugnay ng mga asersyong ito kasama na ang lahat ng iba
pa tungkol sa "loob," "labas," at lahat ng mga bahagi ng katawan ay kung posible
talagang gumawa ng pagpapakahulugang pangkultura tulad nito na umaangkin para sa
sarili ng interpretatibong awtoridad na lumikha ng monolohikal na pagpapakahulugan
hinggil sa diumanong tunay na "pagkataong Pilipino." Sa pangkalahatan ay hindi
malinaw ang mga parametro at hangganan ng mga pagpapakahulugan ni Covar dahil
hindi isinasaalang-alang ang kasaysayan ng mga dalumat at ang pagkakaiba-iba at
maaaring kontradiktoryong paggamit at pagpapakahulugan ng mga ito. Sa gayo'y
umaangkin ito ng unibersal (sa loob ng kultura) at di nagmamaliw na katunayan ang
kanyang pagpapakahulugan. Pinagtatakpan ng ganitong lapit ang ideolohikal na mga
salik na maaaring humubog sa kanyang mga interpretasyon bilang isang Pilipinong babad
din sa isang partikular na yugtong pangkasaysayan at kalagayang panlipunan.
Kailangan ding punahin ang isang mapanglahat na obserbasyon ni Covar hinggil
naman sa tinatawag niyang mga "Kanluranin" na tila kabaligtad ng mga Pilipino,

The Filipino pagkatao, made manifest in myriad situations and circumstances, enables
him to relate quite warmly to people. We do not consider people as others. Unlike in
the West, the Filipino considers people as kapwa. The way we deal with people is
pakikipagkapwa. (24)

Hindi talaga lehitimo ni siyentipikong obserbasyon ang dambuhalang binaryong


oposisyong ibinabatay sa iskematisasyong ito na ang Pilipino per se ay mapagkapwa
habang ang mga binabansagang "Kanluranin" naman, o ang lahat ng mga taong saklaw
ng buong dambuhalang larangang tinatawag na "Kanluran," ay hindi mapagkapwa. May
pag-aaral na bang nagawa hinggil sa pagka-hindi-mapagkapwa ng lahat-lahat ng
Kanluranin sa buong daigdig at sa buong kasaysayan ng kanilang pag-iral? Hindi ba si
Kant ang mismong nagsabi na hindi dapat ituring ang kapwa-tao bilang gamit kundi
bilang layon mismo? Hindi ba ang "pakikipagkapwa" (sa ibang wika) ang masasabi pa

9
ngang pundamental na elemento ng etika at pilosopiyang etikal ng Kanluran? Nararapat
sipiin ang isang mahalagang pahayag mula kay Zeus Salazar hinggil dito:

Kahinahunan din ang nararapat sa pagpapahiwatig o pag-iintindi ng "pilosopiyang


Pilipino." Hindi dapat ipakita itong parang kabaligtaran lamang ng kung anumang
nalalaman ng diwang Kanluranin. Indibidwalista ba ang mga taga-Kanluran?
Samakatwid, tayo ay makagrupo, makapangkat, mapag-ibig sa sariling pamilya,
angkan o anupamang kabuuan. Lohikal ba ang mga taga-Kanluran? Samakatwid,
tayo'y mapagbuo ng kaisipan. Hindi maaari ang ganitong pag-iisip. Una, sapagkat
nagawa na ito - at hindi ng sinumang katutubo, kundi ng mga Kanluranin mismo!
(54)

Ang Pranses na si Lucien Levy-Bruhl, at mas maaga pa, si Hegel ang gumawa ng
ganitong mga klasipikasyon. Hindi lamang "reaktibo" at hungkag ang ganitong kaisipan
na ibinabaligtad lamang ang bawat katangian ng mga mga tinatawag na "Kanluranin"
kundi ironikong kumakaharap din sa isang kontradiksyong lohikal. Halimbawa'y sabihin
na ang "Pilipino" ay hindi binaristiko mag-isip (samakatwid ay "mapagbuo"), hindi tulad
ng mga Kanluranin na binaristiko. Hindi ba ang mismong paghahanay ng "Pilipino" sa
isang tabi at ng mga "Kanluranin" sa kabilang tabi ay isang dambuhalang binaristikong
iskema? Samakatwid ay dapat nang tumigil sa paggamit ng kompyuter at Internet ang
mga Pilipinong anti-binaryo ang pag-iisip. (Tgn. Diagram 6)
Kapuna-puna ang tendensya ni Covar sa mabilisan at walang pakundangang
mapanglahat na konklusyon kahit pa wala o hilaw ang pananaliksik na pinagbabatayan
nito. Masasabing may malalaking kahinaan ang teoryang ito sa mga katangiang
kailangang itinataguyod sa akademiko at siyentipikong konteksto hinggil sa kasapatan ng
patunay at ng pagka-lohikal ng argumento. Sinasabi ni Covar na "di-gaya ng syensya na
may pretensyong panukat na unibersal, ang gagamitin kong parametro ay kaalamang
bayang dalumat." (9) Isinalin pa niya para lalong maunawaan ang "kaalamang bayang
dalumat" bilang "folkloric analysis." Hindi man unibersalistang konklusyon ang
hinahangad ng naturang "folkloric analysis," hindi pa rin ito nangangahulugang hindi na
kailangang umayon ang mga pananaliksik sa ganitong erya sa iilang minimum na
pamantayang siyentipiko upang matanggap bilang isang lehitimong disiplinang
akademiko. Ibig sabihin, kahit sa ganitong larangan ng pag-aaral ay kinakailangang
isaalang-alang ang pagtatakda ng mga pamantayan at batayan ng pagpapatunay ng mga
asersyon sa loob ng disiplina. Ang pagsasanib ng mataas na pamantayan ng scientific
rigor sa mga binubuo niyang katutubong lapit ang isa nga sa naging pangunahing layunin
ng Sikolohiyang Pilipino ni Virgilio Enriquez. Ayon nga sa kanya, "Scientific
methodology is a universal heritage of universal applicability which demands the same
rigor from the traditional herbalist of yesteryears and the present-day pharmacologist."
(48)
Pumapasok dito ang usapin ng kasapatan ng mga inihaharap na patunay upang
maituring ngang matibay ang batayan ng alinmang teoryang pangkultura. Kung gaano
kalawak at kalalim ng teoryang inihaharap ay ganoon din dapat kalawak at kalalim ang
pagsisikap na mapatunayan ang mga nilalaman nitong mga asersyon. Mula sa ganitong
pananaw at konsiderasyon ay masasabing hindi nakakakumbinse ang diagram ng
"istruktura ng pagkataong Pilipino."

10
Makikita rin sa kanyang pagtutumbas ng "pagkataong Pilipino" sa "Pilipinong tao"
(9), na eksklusibong pangkultura ang kanyang depinisyon ng "Pilipino," na umiinog
lamang talaga sa mga penomenong pangwikang Tagalog. Ang mga kaugalian, kaisipan at
kilos na hindi umaayon sa mga nailatag niyang pamantayang pangkulturang Pilipino ay
maituturing sa gayon na hindi "Pilipino." Salungat dito, masasabing ang kasalukuyang
penomeno ng pagka-Pilipino ay masalimuot na pagtatagpo at kumbinasyon ng mga
pamantayang teritoryal, pampulitika, pang-ekonomiya, pangwika at pangkultura. Maging
napakahalaga man ng salik ng pagkakamag-anak ng karamihan ng mga wika at kultura sa
Pilipinas (sa kabila ng salimuot ng pagsasanga-sanga at iba't ibang pinagdaanang
pangkasaysayang karanasan) at maging napakahalaga man ng Tagalog, hindi binubuo ng
mga salik na ito ang masasabing kaisa-isang batayan ng pag-iral ng modernong estadong-
bansa na tinaguriang Pilipinas at eksklusibong batayan ng pagtatakda ng pagka-
mamamayan at ng pagiging kabilang ng bansang ito.
Ano sa gayon ang posibleng magawa? Maaari pa ring tunay na pag-aralan ang
kasaysayan at panlipunang salimuot ng diskurso ng "pagkatao" at "pagpapakatao" sa
kontekstong Pilipino pero hindi ang "pagkataong Pilipino" per se. Maisasama na rin dito
halimbawa ang proyekto ng pananaliksik sa kasaysayan ng diskursong pampulitika sa
mga mayor na wika sa Pilipinas. Lalalim at lalong yayaman lamang ang ganitong
pananaliksik kapag iniugnay ang mga pakahulugan sa tunay na salimuot na ibinubunga
ng mga konteksto at panahong pinaggamitan ng mga diskursong ito. Malaki ang
maitutulong sa ganitong gawain ng mga modernong lapit sa pagsusuri sa diskurso at ng
mga makabagong teknolohiya sa pagpoprosesong tekstwal at panlinggwistika. Kasama sa
nabanggit na kontekstong Pilipino hindi lamang ang Tagalog o Filipino kundi ang lahat
ng mga mayor o di gaanong mayor na wika sa Pilipinas, bagamat maaaring magsimula sa
Filipino na tutuloy din agad sa iba pang mayor na wika sa Pilipinas. Ibig sabihin, hindi
tuwirang layunin ng ganitong proyekto ang pagsuporta sa pagpapalagay na may
esensyang magkakatulad ang lahat ng pangwika at pangkulturang penomeno sa buong
kapuluan tulad ng makikita sa ideya ng "pagkataong Pilipino" kundi nagsisimula sa
prinsipyo ng salimuot o kompleksidad ng mga penomeno. Sa ganitong paraan, ay
masasabing may ginagamit na ganito at ganyang mga dikurso hinggil sa "pagkatao" at
"pagpapakatao" sa Pilipinas sa ilang panahon, yugto, konteksto, pamayanan at ng ilang
pangkat, uri, kasarian, etnisidad. Pero hindi talaga masasabing may iisang "pagkataong
Pilipino" lamang na sumasaklaw sa lahat ng mga tinataguriang tunay at taal na Pilipino sa
nakaraan, kasalukuyan at sa hinaharap magpakailanman. Hindi katanggap-tanggap ang
mapanglahat at istatikong paglalarawan sa "pagkataong Pilipino." Ang pagka-Pilipino at
pagkataong Pilipino, anupaman ang mga ito, ay nililikha araw-araw ng milyon-milyong
Pilipino sa iba't ibang lugar, paraan, kalagayan at pamayanan. Hindi kailanman
matatakdaan ng mga hangganang ipinapataw ng mga depinisyong artipisyal na
iniimbento sa akademya o planado ng represibong estado ang mapanlikha at walang-tigil
na gawaing ito ng sambayanan.

11
Bibliograpiya

Covar, Prospero. "Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino." Sa kanyang


Larangan: Seminal Essays on Philippine Culture. Maynila: NCCA, 1998. mp. 9-
19.
Covar, Prospero. Larangan: Seminal Essays on Philippine Culture. Maynila: NCCA,
1998.
Enriquez,Virgilio G. Pagbabangong-dangal : indigenous psychology and cultural
empowerment. Quezon City : Akademya ng Kultura at Sikolohiyang Pilipino,
c1994.
Eugenio, Damiana L. (pat.). Philippine folk literature : the proverbs. Quezon City : U.P.
Folklorists, 1992.
_________________. (pat.). Philippine folk literature : the riddles. Quezon City :
University of the Philippines Press, 1994.
Lim, Kim Hui. "Budi as the Malay Mind." (Disertasyon, Unibersidad ng Hamburg, 2002)
Panganiban, Jose Villa. Diksyunaryo-Tesauro Pilipino-Ingles. Lungsod Quezon:
Manlapaz Publishing Co., 1972.
Ryle, Gilbert. The Concept of Mind. Middlesex, Harmondsworth: Penguin Books, 1963.
Salazar, Zeus A. "Ilang Batayan para sa Sikolohiyang Pilipino." Nasa Rogelia Pe-Pua
(pat.), Sikolohiyang Pilipino: Teorya, Metodo at Gamit (Lungsod Quezon: UP
Press, 1989).

12
Diagram 1: Ang Istruktura ng Pagkataong Pilipino (Halaw sa Covar (1998))

Diagram 2: Loob, Labas at Lalim

13
Diagram 3: "Budi" at "Budhi"

Diagram 4: Paghahanayan at Pagtatambalan

14
Diagram 5: Tambalang Lapit o Tabihang Lapit

Diagram 6: Ang Kontradiksyon ng anti- o di-binaristikong Pag-iisip

15

You might also like