You are on page 1of 45

10

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1: Linggo 1
Mga Akdang Pampanitikan ng
Mediterranean (Mitolohiya)

Angelica M. Rodriguez

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

A Joint Project of the

SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY
and the
DIPOLOG CITY GOVERNMENT
Filipino – Ikasampung Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Unang Markahan – Modyul 1: Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean
(Mitolohiya)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Angelica M. Rodriguez
Editor: Sheryl C. Deocadez
Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino
Tagaguhit:
Tagalapat: Vicente S. Araneta Jr.
Tagapamahal: Virgilio P. Batan. Jr. - Schools Division Superintendent
Jay S. Montealto - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief Education Supervisor, SGOD
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Telefax: (065) 212-6986
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

*Naipapahayag ang mahalagang

Naipamamalas ng mag-aaral ang kaisipan/pananaw sa napakinggan
pagpapahalaga at pag-unawa sa akdang mitolohiya.
pampanitikan mula sa Meditterranean
partikular na sa Greece at Rome, Italy. *Naiuugnay ang mga mahahalagang
kaisipang nakapaloob sa binasang akda
sa nangyari sa:
 sariling karanasan
 pamilya
 pamayanan
 lipunan
 daigdig

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)

Aralin 1: Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan
Aralin 2: Cupid at Psyche: Mitolohiya ng Rome, Italy

Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang

mga mag-aaral ay inaasahang:

MELC (Week 1)

Naipapahayag ang mahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggan,

mitolohiya. (F10PN-Ia-b-62)

Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda

sa nangyari sa:
 sariling karanasan
 pamilya
 pamayanan
 lipunan
 daigdig
(F10PB-Ia-b-62)

1
Aralin Mitolohiya: Kasaysayan,
1 Katangian at Kahalagahan

Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang

griyego at romano na laging nababanggit sa panulat lalo na noong panahon ng
Klasiko. Dahil dito ay nagkaroon ng impluwensiya ang panahong ito na masasalamin
sa ating panitikan noong panahon ng katutubo kung saan ang iba pang uri ng
panitikan ng Pilipinas ay pasalin-dila tulad ng alamat, mito, kwentong-bayan, epiko
at karunungang-bayan. (mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban,
Panganiban, 1998).

Saklaw sa araling ito ang pagkilala mo sa mga diyos at diyosa sa mitolohiyang

Griyego at Romano na pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang manunulat ng
panitikan sa buong mundo. Sinasaklaw rin dito ang pagpapahayag ng mahalagang
kaisipan sa binasa, pagbibigay kahulugan at kahalagahan ng mitolohiya.

Pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. Naipahahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggan, mitolohiya.
(F10PN-Ia-b-62)

2. Natutukoy ang kahulugan, katangian at kahalagahan ng mitolohiya.

3. Nakikilala at Nailalarawan ang mga diyos at diyosa.

2
Subukin

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA

I. Ipahayag ang mga mahahalagang kaisipin ng Mitolohiya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap pagkatapos piliin ang
titik ng tamang sagot, isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. (10 puntos)

1. Ito ay isang uri ng kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa.

A. alamat C. epiko
B. mitolohiya D. parabula

2. Ang mito/myth ay hango sa salitang Latin na ________________.

A. mithos C. mythus
B. muthos D. mythos

3. Kung ang mito ay nanggaling sa salitang Latin na mythos. Ano naman ang
Griyegong salita nito?

A. mithos C. mythus
B. muthos D. mythos

4. Ang mga sumusunod ay gamit ng mitolohiya MALIBAN sa

A. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
B. Maipaliwanag ang kasaysayan
C. Magturo ng mabuting aral
D. Walang matinding damdamin sa kuwento

5. Ano ang tawag sa agham o pag-aaral ng mga mito/myth at alamat.

A. alamat C. epiko
B. mitolohiya D. parabola

6. Ito ay pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang manunulat ng panitikan sa

buong daigdig.
A. mitolohiya mula sa Amerika C. mitolohiya mula sa Filipinas
B. mitolohiyang Griyego at Romano D. mitolohiya mula kay Venus

7. Saan ang tahanan ng mga diyos at diyosa?

A. langit C. Olympus
B. lupa D. kagubatan

8. Sino ang sikat na awtor na nagsalin ng mitolohiyang griyego sa wikang ingles at

ng mga mahahalagang tauhan sa Olympus na laging nababanggit sa panulat lalo
na noong panahon ng Klasiko?
A. Edith Hamilton C. D.H. Lawrence
B. Mark Twain D. William Shakespeare

3
9. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang tumutukoy sa mga katangian ng
mitolohiya?

I.Pinaniniwalaang pinagmulan ito ng mga bagay na nasa daigdig.

II.Mayroong kakaiba at mistikong daigdig.
III.Itinuturo nito ang tamang asal sa mundo.
IV. May mga hindi ordinaryong karakter.
A. I at II C. IV at V
B. III at IV D. I, II, III, IV
10. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang tumutukoy sa mga gamit ng
mitolohiya?

I. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig

II. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan
III. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon
IV. Magturo ng mabuting aral
A. I at II C. IV at V
B. III at IV D. I, II, III, IV
II. Panuto: Kilalanin at ilarawan ang mga diyos at diyosa, kompletuhin ang grap sa
ibaba. Punan nang tamang sagot ang mga blangko. (10 puntos)

Greek Roman Katangian at Kapangyarihang Taglay

1. Jupiter - hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at
panahon tagapagparusa sa mga sinungaling at
1.
hindi marunong tumupad sa pangako, asawa
niya si Juno, sandata niya ang kulog at kidlat
2. Hera Juno -
2.
3. Poseidon - kapatid ni Jupiter
3. - hari ng karagatan, lindol
- kabayo ang kaniyang simbolo
4. Hades Pluto - kapatid ni Jupiter
- panginoon ng impiyerno
5. Ares Mars - 4.
6. Apollo - diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika,
5. panulaan, diyos din siya ng salot at paggaling,
dolphin at uwak ang kaniyang simbolo
7. Athena Minerva -
6.
8. Diana - diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng
7. buwan
9. Hephaestus Vulcan 8.
10.Hermes -mensahero ng mga diyos, paglalakbay,
9. pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw,
at panlilinlang
11. Aphrodite Venus - 10.
12. Hestia Vesta - diyos ng apoy, bantay ng mga diyos

4
III. Essay Panuto: Sumulat ng isang talata na nagpapakita ng kahalagahan ng
mitolohiya. Gamiting gabay ang tanong sa ibaba. (15 puntos)
Tanong: Bakit mahalagang pag-aralan ang mitolohiya? Ano ang magandang
maidudulot nito sa atin?

http://clipartbarn.com/notepad-clipart_11645/

RUBRIKS
Mga Kriyterya 2 3 4 5

Hindi maayos ang May lohikal na Maayos ang Mahusay ang

organisasyon ng organisasyon organisasyon, pagkakasunod-
Organisasyon mga ideya ngunit hindi pagkabuo ng sunod ng mga
masyadong pangungusap ideya sa
mabisa kabuuan ng
pangungusap
Kailangang Mga kahinaan Mahusay dahil Napakahusay
Paggamit ng baguhin dahil dahil maraming kakaunti lamang dahil walang
wika at halos lahat ng mali sa ang mali sa mali sa gramar,
mekaniks pangungusap ay gramar,baybay at gramar, baybay baybay at gamit
may mali sa gamit ng bantas at gamit ng ng bantas may
gramar,baybay at bantas mayamang
gamit ng bantas bokabularyo
Mahirap basahin May kahirapang Malinis ngunit Malinis at
dahil sa hindi unawain ang hindi lahat ay maayos ang
Pagkakasulat maayos at malinis pagkakasulat at maayos ang pagkakasulat ng
na pagkakasulat ng pangungusap pagkakasulat at pangu-ngusap
ang mga
pangungusap
Puntos: Kahulugan:
13 – 15 – Natatangi Sanggunian: “Koleksyon ng mga Istratehiya sa
10 – 12 – Natutupad pagtutura at Iba’t ibang uri ng
7–9 – Nalilinang Rubriks”
4–6 – Nagsisimula

Paalala: Ang rubriks na ito ang siyang gagamitin ninyo sa mga sumusod na
gawain:
Aralin 1 Aralin 2:
*Subukin – III. Essay, pahina 5 * Isagawa – Gawain 5, pahina 33
*Isagawa – Gawain 4, pahina 17
*Tayahin – III. Essay, pahina 19

5
Balikan

Gawain A: ENTRY PASS

Ngayon ay balikan mo ang nakaraang talakayan sa ika-siyam na baitang.
Magbigay ng mahalagang kaisipan na natutuhan mo sa mga akdang natalakay.
Gawing gabay ang nakasulat sa ibaba na ENTRY PASS, ito ay upang malaman ko
na may natutunan at naalala ka pang leskyon o aralin sa iyong nakaraang baiting.
Isulat ang sagot sa sagutang papel

ENTRY PASS
________________________________________________
https://www.kissclipart.com/printable-ticket-clipart-event-tickets-party-templ-zlk4jm/

_______________

https://www.kissclipart.com/printable-ticket-clipart-event-tickets-party-templ-zlk4jm/

6
Tuklasin

Para sa pagsisimula ng iyong pagkatuto mabuting makilala mo muna ang

labindalawang pinakadakilang diyos at diyosa ng Mitolohiya ng Rome at Greece na
kilala rin sa tawag na The 12 Great Olympian Gods.

Ipinapakita sa ibaba ang labindalawang magigiting na diyos at diyosa sa

Olympus na kanilang tirahan. Pansinin sa bawat bilang ang griyegong pangalan ng
mga diyos at diyosa, romanong katawagan at ang kanilang katangian at
kapangyarihang taglay.

Simulan mo na ang pagsusuri. Pagbutihan mo! 

Ang Labindalawang Magigiting na diyos at diyosa sa Olympus

(The 12 Great Olympian Gods)

1.- Zeus (Greek) Jupiter (Roman)

- hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at

panahon tagapagparusa sa mga sinungaling at
hindi marunong tumupad sa pangako, asawa
niya si Juno, sandata niya ang kulog at kidlat.

https://www.freepik.com/premium-vector/powerful-zeus-mascot-logo_5343641.htm

2. Hera (Greek) Juno (Roman)

- reyna ng mga diyos tagapangalagang

pagsasama ng mag-asawa, asawa ni Jupiter.

https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/greek-gods-and-goddess-hera-vector-22179661

7
3. Poseidon (Greek) Neptune (Roman)

- kapatid ni Jupiter
- hari ng karagatan, lindol
- kabayo ang kaniyang simbolo

https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/poseidon-vector-1329599

4. Hades (Greek) Pluto (Roman)

- kapatid ni Jupiter
- panginoon ng impyerno

https://pngtree.com/freepng/hades-mascot-for-streaming-esport_5337105.html

5. Ares (Greek) Mars (Roman)

- diyos ng digmaan ,buwitre ang ibong

maiuugnay sa kaniya

https://www.freepik.com/premium-vector/ares-esport-mascot-logo-design_7022710.htm

6. Apollo (Greek) Apollo (Roman)

- diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, at

panulaan, diyos din siya ng salot at paggaling,
dolphin at uwak ang kaniyang simbolo

https://www.istockphoto.com/vector/ancient-greek-mythological-god-apollo-apollo-
the-god-of-sunlight-in-old-painting-gm1224564532-360117778

8
7. Athena (Greek) Minerva (Roman)
- diyosa ng karunungan, digmaan, kuwago ang
ibong maiuugnay sa kaniya.

https://www.dreamstime.com/athena-logo-esports-vector-template-athena-logo-
esports-vector-template-suitable-esport-logo-easy-to-edit-can-also-be-used-
image162160515

8. Artemis (Greek) Diana (Roman)

-diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at

ng buwan.

https://clipartstation.com/artemis-clipart-6/

9. Hephaestus (Greek) Vulcan (Roman)

- diyos ng apoy, bantay ng mga diyos

https://thehungryjpeg.com/product/3742321-hephaestus-esport-
mascot-logo

9
10. Hermes (Greek) Mercury (Roman)
-mensahero ng mga diyos, paglalakbay,
pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw,
at panlilinlang.

https://www.123rf.com/photo_21195524_illustration-of-roman-god-
mercury-patron-god-of-financial-gain-commerce-communication-and-
travelers-.html

11. Aphrodite (Greek) Venus (Roman)

- diyosa ng kagandahan, pag-ibig, kalapati
ang ibong maiuugnay sa kaniya.

https://stock.adobe.com/ph/images/greek-goddess-aphrodite-illustration/226112904

12. Hestia (Greek) Vesta (Roman)

- kapatid na babae ni Jupiter

- diyosa ng apoy mula sa pugon

https://www.vexels.com/png-svg/preview/188536/hestia-greek-god

Maaaring panoorin ang link na ito para sa karagdagang kaalaman:

https://www.youtube.com/watch?v=4P0azuAS7S8

10
Magaling!

Palakpakan ang sarili sa iyong ginawang masiyasat na pagsusuri. Ano nga ulit
ang iyong natuklasan?

Tama, natuklasan mo ang labindalawang diyos at diyosa at kanilang mga

katangian.

Suriin
Sa bahaging ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga
kaisipan/kaalamang tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-
aralin. Dito ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pag-unawa sa mga
impormasyong kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng
mahahalagang ideya tungkol sa mitolohiya. Inaasahang magagabayan ka ng
inihandang babasahin upang masagot mo ang mga sumusunod na gawain. Halika
at umpisahan na ang masayang pagbabasa at pag-unawa sa paksa.

Alam mo ba na…

Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng

mga mito/myth at alamat. Tumutukoy sa kalipunan ng mga mito mula sa
isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-
diyosa noong unang panahon na sinasamba, dinadakila at pinapintakasi ng
mga sinaunang tao.
Ang mitolohiya ay salitang mito/myth ay galing sa salitang latin na
mythos at mula sa Greek na muthos na ang kahulugan ay kuwento. Ang
muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig.
Sa klasikal na mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na
pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan
ng mga katangian ng iba pang mga nilalang. Ipinaliliwanag din dito ang
nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig. Karaniwang may kaugnayan
ito sa teolohiya at ritwal.

Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga

tradisyonal na kuwentong mito ng mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag
hinggil sa mga likas na kaganapan.

Halimbawa na kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May

kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentong-bayan.

11
Dalawa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiyang Griyego at
mitolohiyang Romano na pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang
manunulat ng panitikan sa buong daigdig. Ipinapakita sa ibaba ang kanilang
pagkakaiba:

 Ang mitolohiyang Griyego ay siyang katawan ng mga mito at

katuruan ng mga sinaunang griyego na nauukol at nagpapaliwanag ng
pinagmulan at kalikasan ng mundo at nagdedetalye ng mga buhay at
pakikipagsapalaran ng kanilang iba’t ibang mga diyos at mga bayani. Ang
mitolohiyang griyego ay isang bahagi ng relihiyon sa modernong gresya at
sa buong mundo na kilala bilang Hellenismos.

 Ang mitolohiyang Romano naman ng mga taga-Roma ay kadalasang

tungkol sa politika, ritwal, at moralidad na ayon sa batas ng kanilang
mga diyos at diyosa mula sa sinaunang taga Rome hanggang ang
katutubong relihiyon ay napalitan na ng Kristiyanismo.
https://brainly.ph/question/2176700

Kategorya Mitolohiyang Griyego Mitolohiyang Romano

Ang pinagmulan ng Ang Mitolohiyang Romano ay
1. Pinagmulan Mitolohiyang Griyego ay nakabase o binase sa
hindi tukoy Mitolohiyang Griyego.

Mas nauna ang Matapos naman ang isang

2. Panahon ng Mitolohiyang Griyego ng libong taong pag-usbong ng
Pagsisimula pitong daang taon kaysa sa Mitolohiyang Griyego ay
Mitolohiyang Romano. nagsimula ang pag-usbong ng
Mitolohiyang Romano.

Ang mga Diyos at Diyosa Ang sa Mitolohiyang Romano

3. Pisikal na Anyo ng ng Mitolohiyang Griyego ay naman ay walang pisikal na
mga Diyos at Diyosa magaganda ang hubog ng kaanyuan dahil nasa
katawan na mas imahinasyon lamang ng mga
pinagaganda pa ng tao.
kanilang mga maskuladong
katawan at mga
magagandang mata.

Ang Mitolohiyang Griyego Mitolohiyang Romano, ang

4. Paniniwala sa ay mas binibigyan ng mga mortal ay gumagawa ng
Pangalawang Buhay importansya ang mortal o kabutihan sa paniniwalang
pisikal na pamumuhay sa masusuklian ang kanilang
mundo kaysa sa nagawa sa pangalawang
pangalawang buhay buhay. Nagpupursige sila
matapos mamatay. upang magkaroon ng pwesto
sa langit.

Ang mga Diyos at Diyosa Samantala, ang sa

5. Kalikasan ng mga ng Mitolohiyang Griyego ay Mitolohiyang Romano, ang
Diyos at Diyosa nakabase sa mga ugali ng mga pangalan ng diyos at
mga tao. diyosa ay mula sa mga bagay.

https://brainly.ph/question/321030

12
Bagamat may pagkakaiba-iba ang dalawang mitolohiya mahihinuhang kapwa
sila tumutukoy sa kuwento ng mga diyos at diyosa.

Katangian ng Mitolohiya:
 Pinaniniwalaang pinagmulan ito ng mga bagay na nasa daigdig.
 May mga hindi ordinaryong karakter.
 Mayroong kakaiba at mistikong daigdig.
 Ang mga pangyayaring nagaganap ay taliwas o iba sa mga pangyayaring
nagaganap sa tunay na buhay.
 Ito ay nag uudyok ng pagbabago sa kaasalan o pagkilos.
 Itinuturo nito ang tamang asal sa mundo.
 Ito ay balot ng hiwaga.
 Mahalaga sa mito ang tapatan ng mga bagay, gaya ng araw at gabi.
 Ito ay nagbibigay tuon sa wika.
 Ang mga bayani ng mito ay naglalahad ng kwento gamit ang
sopistikadong wika.
 Ito ay karaniwang nakabatay sa metapora.
 Nagpapakita ito ng paralelismo sa tunay na buhay.
https://brainly.ph/question/583018

Ito ang mga gamit ng mitolohiya:

1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
2. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan.
3. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon
4. Magturo ng mabuting aral
5. Maipaliwanag ang kasaysayan
6. Maipahayag ang marubrob na pangarap, matinding takot at pag-asa ng
sangkatauhan.

Mahalagang matutunan ang mitolohiya sapagkat dahil dito ay nakikilala

at natututunan natin ang kultura at sining ng isang lugar o bansa at kung ano
ang pagkakaiba at pagkakatulad nito sa ating kultura. Kapupulutan rin ito ng
mga kagandahang-asal na maaaring pagyamanin at isabuhay.

Kumusta! Madali lang ba?

Ngayon mayroon ka nang ideya tungkol sa kasaysayan, katangian at katuturan ng

mitolohitya. Upang lubos na maunawaan ang kaisipan ng talata sa unahan,
pagyamanin natin ang ating kaalaman!

Simulan na ang pagsagot sa mga sumusunod na gawain at higit sa lahat

huwag kalimutan ang iyong mga natutunan. Maligayang paglalakbay ng iyong isipan!

13
Pagyamanin
Gawain 1: Pagtapat-tapatin
Panuto: Iugnay sa Kolum B ang bawat pahayag na naglalarawan ng katangian ng
mga diyos at diyosa na nakatala sa Kolum A. Isulat ang letra ng angkop na sagot sa
patlang sa sagutang papel.

Kolum A Kolum B
___ 1. Venus A. Siya ang diyosa ng kagandahan at kalapati
ang kaniyang sagisag.
___ 2. Minerva B. diyos ng propesiya, araw, at musika
B. kapatid ni Jupiter at panginoon ng kaharian
___ 3. Mercury sa ilalim ng lupa
___ 4. Pluto D. Hari ng mga diyos at kalawakan
___ 5. Jupiter E. diyosa ng karunungan, digmaan, kuwago ang
ibong maiuugnay sa kaniya
F. Mensahero ng mga diyos at kilala sa tawag na
Hermes ng mga Greek

Gawain 2: Ipaliwanag Mo
Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan at magpahayag ng
mahalagang kaisipan sa mga sumusunod:

1. Paano makikilala na ang isang akda ay mitolohiya?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________________________

2. Ano-ano ang gamit ng mitolohiya?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________

3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mitolohiya?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________

14
Isaisip
Tandaan Mo

 Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga

mito/myth at alamat.
 Ang mitolohiya ay salitang mito/myth ay galing sa salitang latin na mythos
at mula sa Greek na muthos na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay
halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig.
 Sa klasikal na mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na
pangarap at takot ng mga sinaunang tao.
 Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga katangian ng iba pang mga
nilalang. Ipinaliliwanag din dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa
daigdig. Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal.
 Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga
tradisyonal na kuwentong mito ng mga diyos at nagbibigay ng mga
paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.
 Dalawa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiyang Griyego at
mitolohiyang Romano na pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang
manunulat ng panitikan sa buong daigdig.
 Ang mitolohiyang Griyego ay siyang katawan ng mga mito at katuruan ng
mga sinaunang griyegona nauukol at nagpapaliwanag ng pinagmulan at
kalikasan ng mundo.
 Ang mitolohiyang Romano ng mga taga-Roma ay kadalasang tungkol sa
politika, ritwal, at moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at
diyosa mula sa sinaunang taga Rome.
 Bagamat may pagkakaiba-iba ang dalawang mitolohiya mahihinuhang
kapwa sila tumutukoy sa kuwento ng mga diyos at diyosa.
Katangian ng Mitolohiya:
 Pinaniniwalaang pinagmulan ito ng mga bagay na nasa daigdig.
 May mga hindi ordinaryong karakter.
 Mayroong kakaiba at mistikong daigdig.
 Ang mga pangyayaring nagaganap ay taliwas o iba sa mga pangyayaring
nagaganap sa tunay na buhay.
 Ito ay nag uudyok ng pagbabago sa kaasalan o pagkilos.
 Itinuturo nito ang tamang asal sa mundo.
 Ito ay balot ng hiwaga.
 Mahalaga sa mito ang tapatan ng mga bagay, gaya ng araw at gabi.
 Ito ay nagbibigay tuon sa wika.
 Ang mga bayani ng mito ay naglalahad ng kwento gamit ang sopistikadong
wika.
 Ito ay karaniwang nakabatay sa metapora.
 Nagpapakita ito ng paralelismo sa tunay na buhay.
 Ito ang mga gamit ng mitolohiya:
1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig

15
2. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan.
3. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon
4. Magturo ng mabuting aral
5. Maipaliwanag ang kasaysayan
6. Maipahayag ang marubrob na pangarap, matinding takot at pag-
asa ng sangkatauhan.
 Mahalagang matutunan ang mitolohiya sapagkat dahil dito ay nakikilala at
natututunan natin ang kultura at sining ng isang lugar o bansa at kung ano
ang pagkakaiba at pagkakatulad nito sa ating kultura. Kapupulutan rin ito
ng mga kagandahang-asal na maaaring pagyamanin at isabuhay.

Gawain 3: Alam-Nais-Natutuhan
Panuto: Gayahin ang pormat ng talahanayan sa sagutang papel. Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno. Gawing bagay ang mga tanong sa ibaba.
Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa mitolohiya?
Nais Malaman: Ano ang gusto mong malaman tungkol sa mitolohiya?
Natutuhan: Ano ang inyong natutuhan sa mitolohiya?

A. Alam B. Nais Malaman C. Natutuhan

Sa pagkakaalam ko ang Ang gusto kong malaman Natutunan ko na ang

mitolohiya ay… sa mitolohiya ay… mitolohiya ay…
_________________________ _________________________ _________________________

Nakakabilib ka at nasagutan mo ang mga gawain at katanungan. Batid kong

lubusan mo ng naintindahan ang ating paksa. Pero teka lang at mayroon pa akong
inihandang gawain. Handa ka na?

Galingan mo! 

16
Isagawa
Gawain 4: Kagaya Ko Siya!
Panuto: Mula sa napag-aralang impormasyon hinggil sa mga diyos at diyosa, pumili
ka ng isang diyos o diyosa na iyong nagustuhan batay sa kaniyang katangian.
Ipaliwanag mo kung bakit siya ang iyong napili. Iugnay ito sa iyong sarili. Isulat ang
sagot sa sagutang papel. Gamiting gabay ang nakasulat sa ibaba.

Pangalan Mo: ___________________

Pangalan ng diyos o diyosa: _________________
Kagaya Ko Siya!
______________________________________________________

______________________________

Mahusay!

Pinagbutihan mo ang mga gawain. Ngayon maaari ng sagutin ang pagtataya sa

ibaba upang subukin kung may nadagdag sa iyong kaalaman mula sa paksang
napag-aralan.

Tayahin

I. Ipahayag ang mga mahahalagang kaisipin ng Mitolohiya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap pagkatapos piliin ang
titik ng tamang sagot, isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. (10 puntos)

1. Ito ay isang uri ng kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa.

A. alamat C. epiko
B. mitolohiya D. parabula

2. Ang mito/myth ay hango sa salitang Latin na ________________.

A. mithos C. mythus
B. muthos D. mythos

17
3. Kung ang mito ay nanggaling sa salitang Latin na mythos. Ano naman ang
Griyegong salita nito?
A. mithos C. mythus
B. muthos D. mythos

4. Ang mga sumusunod ay gamit ng mitolohiya MALIBAN sa

A. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
B. Maipaliwanag ang kasaysayan
C. Magturo ng mabuting aral
D. Walang matinding damdamin sa kuwento

5. Ano ang tawag sa agham o pag-aaral ng mga mito/myth at alamat.

A. alamat C. epiko
B. mitolohiya D. parabola

6. Ito ay pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang manunulat ng panitikan sa

buong daigdig.
A. mitolohiya mula sa Amerika C. mitolohiya mula sa Filipinas
B. mitolohiyang Griyego at Romano D. mitolohiya mula kay Venus

7. Saan ang tahanan ng mga diyos at diyosa?

A. langit C. Olympus
B. lupa D. kagubatan

8. Sino ang sikat na awtor na nagsalin ng mitolohiyang griyego sa wikang ingles at

ng mga mahahalagang tauhan sa Olympus na laging nababanggit sa panulat lalo
na noong panahon ng Klasiko?
A. Edith Hamilton C. D.H. Lawrence
B. Mark Twain D. William Shakespeare

9. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang tumutukoy sa mga katangian ng

mitolohiya?

V. Pinaniniwalaang pinagmulan ito ng mga bagay na nasa daigdig.

VI. Mayroong kakaiba at mistikong daigdig.
VII. Itinuturo nito ang tamang asal sa mundo.
VIII. May mga hindi ordinaryong karakter.
A. I at II C. IV at V
B. III at IV D. I, II, III, IV

10. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang tumutukoy sa mga gamit ng

mitolohiya?

V. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig

VI. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan
VII. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon
VIII. Magturo ng mabuting aral
A. I at II C. IV at V
B. III at IV D. I, II, III, IV

18
II. Panuto: Kilalanin at ilarawan ang mga diyos at diyosa, kompletuhin ang grap sa
ibaba. Punan nang tamang sagot ang mga blangko. (10 puntos)

Greek Roman Katangian at Kapangyarihang Taglay

1. Jupiter - hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at
1. panahon tagapagparusa sa mga sinungaling at
hindi marunong tumupad sa pangako, asawa
niya si Juno, sandata niya ang kulog at kidlat
2. Hera Juno -
2.

3. Poseidon - kapatid ni Jupiter

3. - hari ng karagatan, lindol
- kabayo ang kaniyang simbolo
4. Hades Pluto - kapatid ni Jupiter
- panginoon ng impiyerno
5. Ares Mars - 4.
6. Apollo - diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika,
5. panulaan, diyos din siya ng salot at paggaling,
dolphin at uwak ang kaniyang simbolo
7. Athena Minerva -
6.
8. Diana - diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng
7.
buwan
9. Hephaestus Vulcan 8.
10.Hermes -mensahero ng mga diyos, paglalakbay,
9. pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw,
at panlilinlang
11. Aphrodite Venus - 10.
12. Hestia Vesta - diyos ng apoy, bantay ng mga diyos

III. Essay Panuto: Sumulat ng isang talata na nagpapakita ng kahalagahan ng

mitolohiya. Gamiting gabay ang tanong sa ibaba. (15 puntos)

Tanong: Bakit mahalagang pag-aralan ang mitolohiya? Ano ang magandang

maidudulot nito sa atin?

http://clipartbarn.com/notepad-clipart_11645/

19
Karagdagang Gawain

Para sa lubusang pag-unawa sa Aralin 1 ng modyul na ito gawin mo ang

karagdagang mga gawain.

Gawain 5: MAGSALIKSIK, MAGBASA AT MAGSULAT

Panuto: Magsaliksik sa internet o sa mga aklat ng mga karagdagang impormasyon

patungkol sa mitolohiya. Basahin mo itong mabuti. Maaari ding isulat kung may
kaugnayan ba ito sa mitolohiya sa ating bansa? Pwede din ang mga paksa na sa
tingin mo ay kawili-wili at kapanapanabik.

Mga nakalap kong impormasyon:

Gawain 6: IGUHIT MO!

Panuto: Magaling ka bang gumuhit? Kung gayon ito ang para sa iyo. Pumili ng iyong
mga paboritong diyos at diyosa at iguhit mo ito sa abot ng iyong makakaya. Ilagay
ito sa isang malimis na papel, bond paper, oslo paper at iba pa. Maging malikhan,
kulayan ang iyong iginuhit. Galingan mo 

20
21
Tayahin Subukin
I. I.
1. B 1. B
2. D 2. D
3. B 3. B
4. D 4. D
5. B 5. B
6. B 6. B
7. C 7. C
8. A 8. A
9. D 9. D
10. D 10. D
II. II.
1. Zeus 1. Zeus
2. - reyna ng mga diyos tagapa- 2. - reyna ng mga diyos tagapa-
ngalagang pagsasama ng ngalagang pagsasama ng
mag-asawa, asawa ni Jupiter mag-asawa, asawa ni Jupiter
3. Neptune 3. Neptune
4. - diyos ng digmaan, buwitre ang ibong 4. - diyos ng digmaan, buwitre ang ibong
maiuugnay sa kaniya maiuugnay sa kaniya
5. Apollo 5. Apollo
6. - diyosa ng karunungan, digmaan, at 6. - diyosa ng karunungan, digmaan, at
katusuhan, kuwago ang ibong katusuhan, kuwago ang ibong
maiuugnay sa kaniya maiuugnay sa kaniya
7. Artemis 7. Artemis
8. - diyos ng apoy, bantay ng mga diyos 8. - diyos ng apoy, bantay ng mga diyos
9. Mercury 9. Mercury
10. - diyosa ng kagandahan, pag-ibig, 10. - diyosa ng kagandahan, pag-ibig,
kalapati ang ibong maiuugnay sa kalapati ang ibong maiuugnay sa
kaniya kaniya
III. Essay III. Essay
Ang guro na ang magwawasto Ang guro na ang magwawasto
Susi sa Pagwawasto
__________________________________________

EXIT PASS
Exit Pass.
Sa puntong ito ay isulat ang lahat ng mga natutunan mo sa araling ito gamit ang
Gawain 7: EXIT PASS
Aralin Cupid at Psyche: Mitolohiya
2 mula sa Rome, Italy
Madalas marinig ang matalinghagang pahayag na “Kung ikaw ay nasa Rome,
gawin mo kung ano ang ginagawa ng mga taga-Rome.” Sumasalamin lamang ito sa
kultura ng mga taga-Rome kung saan pinakikinabangan at pinagyayaman ang mga
kaisipan, kabihasnan, sining at panitikang hinalaw nila mula sa mga lugar na
kanilang sinakop. Sa kasalukuyan, ang mga mitolohiyang ito ang pinagbatayan ng
mga kaisipan sa iba’t ibang larangan tulad ng medisina, pilosopiya, astrolohiya,
sining at panitikan sa buong daigdig.

Alamin

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)

Aralin 2: Cupid at Psyche: Mitolohiya ng Rome, Italy

MELC (Week 1)

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda

sa nangyari sa:
 sariling karanasan
 pamilya
 pamayanan
 lipunan
 daigdig
(F10PB-Ia-b-62)

22
Subukin

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap.

Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

Panuto: Bawat bilang ay nagpapakita ng mga kaisipan mula sa binasang akda

Iugnay ang mga mahahalagang kaisipang ito sa nangyayari sa mga sumusunod:

I. Sariling Karanasan

1. Batay sa iyong sariling karanasan ano ang masasabi mo sa pinakamaling

ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa kaniyang buhay pag-
ibig?
A. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay mababaw lamang
B. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay tunay
C. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay wagas
D. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay walang hanggan

2. Sa kuwento ipinakitang dahil sa taglay na ganda ni Psyche ay maraming mga

kalalakihan ang nagkakagusto sa kaniya. Sa tingin mo sa pisikal na anyo ba
binabatay ang tunay na pag-ibig? Bakit?
A. Oo, nararapat lamang ito sapagkat magiging sikat ako kung ubod ng
ganda/guwapo ang aking magiging kasintahan.
B. Siguro, dahil kapag mas maganda/guwapo mas bongga!
C. Hindi, dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang bumabatay sa
panlabas na anyo kundi sa panloob na kagandahan at pag-uugali.
D. Dapat lang nang hindi ako mapahiya sa barkada o tropa.

3. Ang mga sumusunod ay mga pahayag tungkol sa pag-ibig maliban sa?

A. “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala”
B. “Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang loob”
C. “Ang pag-ibig ay makikita sa pisikal na kaanyuan at antas sa buhay”
D. “Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa at
mapagtiis hanggang wakas”

4. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi

mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.”
A. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay
B. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkatiwalaan
C. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala
D. Walang pag-ibig kung walang tiwala

23
II. Pamilya

5. Inilihim ni Cupid kay Venus ang kaniyang mga desisyon at pagkakagusto kay
Psyche sa kabila ng utos ng ina. Bilang ikaw ay isa nang binata at dalaga, tama
bang ilihim mo ang ganitong mga pangyayari sa iyong mga magulang?
A. Oo, dahil mahal ko siya at walang makakapigil sa akin.
B. Hindi, dahil wala pa ako sa tamang edad para gumawa ng ganitong
mga desisyon sa buhay at walang magulang na gustong mapasama ang anak.
C. Gagawin ko ang gusto ko sa larangan ng pag-ibig.
D. Malaki na ako bahala na sina inay at itay.

6. Isa sa mga pag-uugali na binigyang diin sa mito ay ang kahalagahan ng

pagtitiwala. Sa inyong pamilya gaano ba kahalaga ang tiwala?
A. Walang importansiya ang tiwala sa isang pamilya
B. Napakahalaga nito dahil nagpapahiwatig ito ng aking pagiging
responsibilidad bilang anak, kapatid, at kapamilya.
C. Binabalewala lamang ang tiwala bilang anak, kapatid, at kapamilya.
D. Wala sa nabanggit.

7. Ipinakita sa mitolohiya ang ginawang pagsunod ni Psyche sa mg utos ni Venus

bilang pagsasakripisyo at pagmamahal niya kay Cupid.
Sa inyong pamilya makikitang nagsasakrpisyo din ang mga magulang sa
pagtatrabaho kahit mahirap, kahit mapalayo sa pamilya at sa mga anak
matustusan lamang ang pangangailangan ng mga anak. Ngayon, bilang isang
mabuting anak ano ang pinakamagandang maisusukli mo sa ginawang sakripisyo
ng iyong mga magulang?
A. Pabayaan ang pag-aaral dahil may pandemya.
B. Magbabad sa internet at maglaro buong araw ng videogames.
C. Magbulakbol, mamasyal araw-araw dahil walang pang pasok.
D. Maging mabait at mag-aral nang mabuti para makapagtapos ng pag-
aaral.

III. Pamayanan

8. Sa mitolohiya si Jupiter ang siyang hari, pinuno at pinakamakapangyarihan sa

lahat ng diyos at diyosa nagmumula sa kaniya ang mga desisyon para sa ikabubuti
ng lahat. Kung ihahambing natin ito sa kasalukuyang panahon sa sistema ng
pamahalaan ng ating bansa ang nasa katayuan ni Jupiter ay ang _______________
ng ating bansang Pilipinas.
A. Presidente
B. Mamamayan
C. Negosyante
D. Mayayaman

9. Kaugnay ng tanong sa ika-7 bilang. Ano ba ang nararapat taglayin ng isang

mabuting hari, pinuno, presidente?
A. Kurakot/Kurap
B. Mapagkawanggawa, matalino, at mahusay magbigay ng payo at
desisyon para sa ikabubuti sa lahat ng nasasakupan.
C. Mandaraya at di kapani-paniwala
D. Magnanakaw sa kaban ng bayan

24
10. Dahil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang mabuting lider o pinuno.
Paano mo ito magagawa?
A. Magsawalang bahala
B. Ipaubaya sa iba
C. Magkibit-balikat lamang
D. Gamitin ang pribilehiyong bumuto ng sa tingin mo ay karapatdapat
mamahala sa isang napaka importanteng posisyon at ikabubuti ng lahat.

III. Lipunan

11. Mapapansin na may kinalaman ang amang hari sa paghahanap ng

mapapangasawa ni Psyche. Sa iyong opinyon, nararapat ba ang ginawa ng ama ni
Psyche na ipakasal siya sa isang taong hindi pa niya nakikita? Ipaliwanag.
A. Oo, dahil alam ng magulang ang makabubuti sa akin
B. Bagamat may pagkakataong nagbibigay ng payo ang magulang
pagdating sa pag-aasawa hindi parin ito sapat upang magpakasal sa taong hindi
mo pa nakikita at lubusang kilala.
C. A at B
D. Wala sa nabanggit

12. Sa lipunan at kulturang Pilipino marami tayong mga pamantayan at

kaugalian (norm) pagdating sa usaping pag-aasawa maliban sa?
A. Mag-asawa sa murang edad
B. Dapat mag-asawa sa tamang edad/gulang
C. Kilalanin muna nang mabuti ang isa’t isa kung magkakasundo kayo sa
maraming bagay.
D. Wala sa nabanggit

IV. Daigdig

13. Ano ugaling ipinakita nina Venus at nang dalawang nakatatandang babae ni
Psyche na karaniwang nagaganap saan mang lupalop ng daigdig?
A. suklam
B. galit
C. inggit
D. suliranin

14. Isa sa masamang pag-uugali ay ang nararamdamang “inggit” ni Venus nang

makita niya ang labis na paghanga ng mga tao sa kagandahan ni Psyche. Sa
mundo natin ngayon palasak ang kaliwa’t kanan na pag-iinggitan ng mga tao sa
mundo. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Venus ganoon rin ba ang dapat mong
saloobin?
A. Oo, sapagkat ako lamang ang pwedeng maging maganda sa lahat
B. Hindi, dahil tanggap ko nang buong-buo ang aking sariling taglay na
kagandan.
C. Hindi, dahil alam kong bawat tao ay may taglay na kagandahan
magiging masaya ako para sa kaniya at sa aking sarili.
D. B at C

25
15. Kagaya mo may mga kapatid rin si Psyche ngunit tulad ni Venus ang dalawa
ay may dinadalang inggit rin sa bunsong kapatid. Hindi maipagkakailang isa sa
mga dahilan ng pag-aaway ng mga bansa sa ating daigdig ang pagkabuhay ng
inggit sa bawat isa na nagreresulta ng mga kahindik-hindik na gulo at patayan.
Sa tingin mo dapat bang palawigin ang “inggit” sa ating mga puso?
A. Dapat iwaksi natin sa ating puso at isip ang inggit kaya maging masaya
tayo kung ano man ang ating taglay na kagandahan, yaman at iba pa.
B. Mahalagang maging kontento tayo kung ano ang meron sa atin
sapagkat ang inggit ang magtutulak sa tao sa paggawa ng masama sa kaniyang
kapwa.
C. Dapat hindi natin palawigin ang “inggit” sapagkat wala itong mabuting
maidudulot sa atin at sa ating kapwa.
D. Lahat ng nabanggit

Balikan

Gawain 1-A: Scrambled Letters

Panuto: Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon sa pamamagitan ng pagsusunod-
sunod ng mga titik upang mabuo ang nakatagong salita. Isulat sa sagutang papel
ang sagot.

1. Ang paksang tinalakay sa nakaraang aralin ay?

A I Y M O O L I H T

2. Ano ang mitolohiya at katangian at gamit nito? Ipaliwanag

(Essay: 5-10 pangungusap)
________________________________________________________________________________

_________________________________

Noong nasa ikasiyam na baitang ka, napag-aralan mo ang Noli Me Tangere sa Puso
ng mga Asyano. Saksi ka sa pag-iibigan nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara.
Gayon din ang malalimang pagtalakay sa mga kaganapan sa nobela. Ngayon,
sikapin mong gawin ang kasunod na gawain sapagkat ito’y may kinalaman sa
nilalaman ng akdang iyong babasahin at susuriin sa mga susunod na pahina. Alam
kong magiging masaya ito para sa iyo. 

26
Gawain 1-B: Isulat Mo Sa Puso
Panuto: Gumuhit ng malaking hugis-puso sa iyong papel at sa loob nito, gumawa
ng isang liham sa taong hinahangaan o itinatangi ng iyong puso. Isulat ang
kaniyang pangalan at katangiang taglay na dahilan ng iyong pagtatangi o
paghahanga at kung ano ang kaya mong gawin para sa kaniya.

Mahusay!
Matagumpay mong naisagawa ang unang dalawang gawain. Tayo bilang
tao ay likas sa atin na umibig sa kung sinoman ang nagpapatibok ng ating puso.
Dumarating sa puntong humihiling ka pa ng mga sensyales sa Panginoong Diyos sa
kung sino ang nararapat o kung hindi naman kaya’y iyong itinadhanang taong
nararapat at magtatagal para sa iyo. Ngunit lingid sa ating kaalaman, noong
sinaunang panahon, humihiling na rin ang mga tao sa iba’t ibang mga diyos at
diyosa ng mga senyales kung sino ang nararapat na mga nilalang na kanilang
iibigin. Tunghayan mo ang tungkol sa mitolohiya ng mga sinaunang Roman na
siyang pagtutuonan mo nang lubos ngayon.

Tuklasin

Narito ang isa sa mga bahagi ng mito mula sa Rome, Italy. Isinalaysay ni
Apuleuis, isang manunulat na Latino. Bahagi lamang ito ng mitong Metamorphoses
na kilala rin sa tawag na The Golden Ass (donkey). Basahin at unawain mo ito
upang matuklasan mo kung paano nakatutulong ang mitolohiya sa pagpapaunlad
ng panitikang Filipino.
Cupid at Psyche
(Muling isinalaysay ni Alvin D. Mangaoang)

https://www.deviantart.com/artbyamandalauren/art/Cupid-and-Psyche-197540755

Noong unang panahon, mayroong isang hari na may tatlong anak na

babae. Isa si Psyche sa tatlong magkakapatid at siya ang pinakamaganda sa
kanila. Sa sobrang ganda ni Psyche ay talaga namang maraming humanga sa
kaniya. Sinasabi ring kahit ang diyosa ng kagandahang si Venus ay hindi kayang
tumapat sa gandang taglay ni Psyche.

27
Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang nakapagpagalit sa kaniya ay ang
pagkalimot ng mga kalalakihang magbigay ng alay, maging ang kaniyang
templo ay napabayaan na rin. Ang dapat sanang atensyon at mga papuring
para sa kaniya ay napunta sa isang mortal.

Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kaniyang anak na si

Cupid upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit ang
nangyari ay ang kabaligtaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche na tila siya ang
nabiktima ng sarili niyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa kaniyang ina, at dahil
sa kampante naman si Venus sa kaniyang anak, hindi na rin ito nag-usisa.
Hindi umibig si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit wala ring
nagtangkang umibig sa kaniya. Kahit na sobra ang pagmamahal ng mga ginoo
kay Psyche ay sapat na sa kanila ang nakikita lang nila ang dalaga. Samantalang
ang kaniyang dalawang kapatid ay nakapag-asawa na ng hari. Naging
mapanglaw si Psyche sa mga nangyayari. Kaya naglakbay ang amang hari ni
Psyche upang humingi ng payo kay Apollo upang makahanap ng mabuting
lalaking iibig sa kaniyang anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya
ni Cupid upang hingin ang tulong ni Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na
makapapangasawa ng isang nakatatakot na halimaw ang kaniyang anak at
kailangan tumalima sa kaniyang ipinayo. Nang nagawa na ng amang hari ang
lahat ng ipinayo ni Apollo, ipinagutos niyang bihisan si Psyche ng
pinakamaganda niyang gayak-pangkasal. Pagkatapos mabihisan si Psyche,
ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta
sa tuktok ng bundok. Nang makarating sa bundok na paroroonan, naghintay
ang magandang dalaga sa kaniyang mapapangasawa. Walang kamalay-malay
ang magandang dalaga na ang kaniyang mapapangasawa ay ang diyos ng pag-
ibig na si Cupid.

Naging masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Mahal

na mahal nila ang bawat isa ngunit may isang bagay ang hindi masilayan ni
Psyche, ang mukha ng kaniyang kabiyak. Nangako si Psyche sa kaniyang
kabiyak na kahit kailan ay hindi niya sasabihin sa mga kapatid niyang hindi pa
niya nasisilayan ang mukha ng kaniyang asawa. Nangulila si Psyche sa kaniyang
mga kapatid kung kaya’t humiling siya sa kaniyang asawa na sana’y makita niya
ang mga ito. Pinagbigyan niya naman ito kasabay ng pagbibigay muli ng paalala.
Nang magkita ang magkakapatid, naging mausisa sila sa kaniya. Labis kasi ang
yaman ng asawa ni Pscyhe na hindi mapapantayan ng kanilang mga
napangasawa. Dahilan ito upang mabuo ang pangimbulo o selos sa kanilang
mga puso. Sa pangalawang pagbisita nila ay isinalaysay ng kaniyang mga
kapatid ang nabuo nilang masamang balak, sinulsulan nila itong suwayin ang
kondisyon ng kaniyang asawa. Sinabi nilang siya ay tunay na halimaw at siya
rin ang papatay kay Psyche. Kaya upang hindi siya mapatay nito kailangang
unahan na ni Psyche ang asawa. Agad namang nabuyo si Psyche sa sinabi ng
kaniyang mga kapatid.

Sa wakas, nang mahimbing nang natutulog ang lalaki, patiyad na

naglakad si Psyche patungo sa pinaglagyan niya ng punyal at lampara. Kinuha
niya ang mga ito. Sinindihan niya ang lampara. Dahan-dahan siyang lumapit sa
kaniyang asawa. Laking ginhawa at kaligayahan ang nag-uumapaw sa kaniyang
puso nang masilayan niya sa unang pagkakataon ang hitsura ng kaniyang
asawa.
28
asawa. Laking ginhawa at kaligayahan ang nag-uumapaw sa kaniyang puso
nang masilayan niya sa unang pagkakataon ang hitsura ng kaniyang asawa.
Hindi halimaw ang kaniyang nakita kundi pinakaguwapong nilalang sa mundo.
Nang madapuan ng liwanag ang kagandahan ng lalaki ay tila ba mas lalong
tumingkad ang liwanag ng lampara. Sa labis na kahihiyan at kawalan ng
pagtitiwala, lumuhod siya at binalak na saksakin ang sarili. Nang akma na
niyang itatarak ang punyal sa kaniyang dibdib, nanginig ang kaniyang kamay
at nahulog ang punyal. Ang panginginig ng kaniyang kamay ay kapwa nagligtas
at nagtaksil sa kaniya. Sa pagnanais niyang pagmasdan pa ang kaguwapuhan
ng kaniyang asawa, inilapit niya ang lampara at natuluan ng mainit na langis
ang balikat nito. Nagising ang lalaki at natuklasan niya ang pagtataksil ng
asawa.

Maaaring panoorin ang link na ito para sa karagdagang kaalaman:

https://www.youtube.com/watch?v=hteaGOOA_3A
https://www.youtube.com/watch?v=fTtK3TTWbjc
Magaling!

Palakpakan ang sarili at natapos mo ang pagbabasa kumusta nagustuhan mo ba ang

mitolohiyang Cupid and Psyche

Suriin

Alam mo ba na…

Ang Cupid at Psyche ay isang tanyag na klasikong mitolohiya; mga

kuwneto na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang
tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at diyosa na nagbibigay ng
mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Nagmula sa panitikan ng
Roma sa Italya ang akdang ito na isinulat ni Lucius Apuleius Madaurensis
noong ika-2 siglo upang ipahiwatig sa mambabasa ang kaniyang nais o
reaksiyon sa isang pangyayari. Ang layunin ng akda ay upang imulat ang mga
mata ng mga mambabasa kung ano ba ang tunay at tapat na pag-ibig. Kaakibat
ng pagmamahal ang tiwala at katapatan.
Ang akda ay umiikot sa ideya ng “pag-ibig” at “kaluluwa” na kinakatawan
ng mga pangunahing tauhan na sina Cupid at Psyche. Sinisimbolo nito ang
pagmamahalan sa kabila ng mga pagdadaanan at pinagdadaanan. Maaari mang
hindi makatotohanan ang ibang pangyayari sa akda ay ito pari’y nagsasalamin
sa ideya ng pag-ibig na tumutugon sa sensibilidad ng mambabasa.

Mga karakter sa likod ng akda;

 Cupid – anak ni Venus, inakalang halimaw ni Psyche
 Psyche – pinakamagandang mortal, asawa ni Cupid
 Venus – pinakamagandang diyosa, galit sa mortal na si Venus
 Hari – ama ni Psyche

29
 Apollo – ang diyos na nagbigay ng orakulo patungkol sa mapapa-
ngasawa ni Psyche.
 Dalawang kapatid na babae ni Psyche – nakatatandang kapatid ni
Psyche; inutos nila na tingnan ni Psyche ang anyo ng kanyang asawa.
 Zephyr – ang hangin na nagsilbing tagahatid
 Mercury – ang nagdala kay Psyche sa kaharian ng mga diyos at
diyosa
 Jupiter – ang pinakamakapangyarihang diyos

Ang tagpuan at panahon ng akda ay nakaayon sa paniniwala nila sa

pagsamba sa kanilang mga diyos at diyosa na nagbigay sa panunuring
pampanitikan ng mga taga Roma. Ang mga pangyayari ay nagpapahayag ng
pananaw ng may akda, tulad ng nabanggit, kahit ang aksiyon sa akda ay di-
kapanipaniwala dulot ng mga supernatural na kapangyarihan ng mga tauhan
ito pari’y nagsisilbing simbolo sa isang makatotohanang ideya ng pagmamahal
at pagsasakripisyo, kung kaya’t ang mga pagkapit ng mga pangyayari ay may
kaisahan mula sa umpisa hanggang sa wakas.
Nakapaloob din ang mensaheng pagkakaroon ng tiwala at katapatan sa
iyong kabiyak kung kaya’t maraming matutuhang aral sa kwentong mito na ito.
Kakabit ng pagsulat ng akdang ito ang iba’t ibang uri ng pamumuhay,
paniniwala, kaugalian at maging ang kulturang nangingibabaw at
nakakaimpluwensiyang pananaw sa ibang tao at maging sa bansa.
Ang akda ay nagtataglay at nagpapahiwatig ng mga tiyak na sitwasyon o
karanasan. Lubos na nakatulong din ang estilo ng pagkasulat ng akda dahil ito
ay nagbibigay-diin sa angkop na pagpili ng mga gagamiting salita na
nakapagdagdag kagandahan sa daloy ng kwentong mito. Angkop din sa antas
ng pag-unawa ng mga mambabasa ang pagkabuo ng akda dahil ang temang
nilalaman nito ay pang-unibersal na kaisipan; pag-ibig, na kung saan lalo pang
pinaganda ng sining na taglay ng akda na umayon sa panlasa ng mambabasa.
https://www.wattpad.com/421891776-filipino-10-suring-basa-cupid-at-psyche(FILIPINO 10 by asakicker1231)

Ang Mitolohiya ng Taga-Rome

Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika,
ritwal, moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa
sinaunang taga-Rome hanggang ang katutubong relihiyon ay napalitan na ng
Kristiyanismo. Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito.
Itinuring ng mga sinaunang taga-Rome na nangyari sa kanilang kasaysayan
ang nilalaman ng mga mito kahit ang mga ito ay mahimala at may elementong
supernatural.
Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop.
Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin nilang
parang kanila at pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng bagong pangalan
ang karamihan sa mga diyos at diyosa. Ang iba ay binihisan nila ng ibang
katangian. Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa ayon sa kanilang
paniniwala at kultura.
Sinikap nilang ipasok ang kanilang pagkakakilanlan sa mga
mitolohiyang kanilang nilikha. Isinulat ni Virgil ang “Aenid”, ang pambansang
epiko ng Rome at nag-iisang pinakadakilang likha ng Panitikang Latin.
Isinalysay ni Virgil ang pinagmulan ng lahi ng mga taga-Rome at kasaysayan
nila bilang isang imperyo.

30
Ito ang naging katapat ng “Illiad at Odyssey” ng Greece na tinaguriang
“Dalawang Pinakadakilang Epiko sa Mundo” na isinalaysay ni Homer. Si Ovid
na isang makatang taga-Rome ay sumulat rin ayon sa taludturang ginamit ni
Homer at Virgil sa kaniyang “Metamorphoses”. Subalit hindi ito tungkol sa
kasaysayan ng Roman Empire o ng mga bayani, kundi sa mga diyos at diyosa,
at mga mortal na may katangian ng mga diyos at karaniwang mga mortal.
Lumikha siya ng magkakarugtong na kuwento na may temang mahiwagang
pagpapalit-anyo. Sa mga akdang ito ng mga taga- Rome humuhugot ng
inspirasyon ang mga manunulat at mga alagad ng sining sa buong daigdig
mula noon hanggang ngayon.

Mula sa Literature – World Masterpieces, (Prentice Hall, 1991) at Panitikan sa Pilipino 2

(Pandalubhasaan), (Gonzales, 1982)

Kumusta! Madali lang ba?

Ngayon pagyamanin pa natin ang iyong natutuhan sa nabasang akda na
mito ng taga-Rome, Susuriin natin ang iyong kakayahan!
Galingan mo!

Pagyamanin

Gawain 2:
Panuto: Gamit ang concept map, iugnay ang kaisipang nasa ibaba sa iyong
sarili at pamilya. Kopyahin sa kuwaderno.

Sarili Pamilya
“Hindi mabubuhay
_____________ ang pag-ibig kung _____________
_____________ walang tiwala” _____________
_____________ _____________
___

Gawain 3: Opinyon Ko, Mahalaga!

Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong at pahayag batay sa iyong
sariling karanasan sa iyong pamilya mga pangyayari sa pamayanan, lipunan
maging sa daigdig. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Sa iyong paniniwala, bakit kaya sa kabila ng kagandahan ni Psyche ay

walang nangahas na manligaw sa kaniya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Sa iyong opinyon, nararapat ba ang ginawa ng ama ni Psyche na ipakasal

siya sa isang taong hindi pa niya nakita? Ipaliwanag.

31
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin bang hamon ni Venus para sa
pag-ibig? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Bilang isang diyosa, ano ang hindi magandang katangian ni Venus?

Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Sa iyong paniniwala kailangan bang paghirapan ng tao sa mundo ang

pagpunta sa langit? Ipaliwanag
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Binabati kita sa mahusay mong pagsagot sa mga tanong. Ang tunay at wagas
na pag-ibig ay hindi kailanman mahahadlangan ng kahit anomang pagsubok. Ngunit
ang napakahalaga ring isaisip ay ang pagtitiwala sa isa’t isa upang ang nabuong
pag-iibigan ay kailanman hindi masisira.

Isaisip

Tandaan Mo

 Ang Cupid at Psyche ay isang tanyag na klasikong mitolohiya; mga kuwneto

na binubuo ng isang particular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang
tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at diyosa na nagbibigay
ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Nagmula sa panitikan
ng Roma sa Italya ang akdang ito na isinulat ni Lucius Apuleius Madaurensis
noong ika-2 siglo.
 Ang akda ay umiikot sa ideya ng “pag-ibig” at “kaluluwa” na kinakatawan ng
mga pangunahing tauhan na sina Cupid at Psyche. Sinisimbolo nito ang
pagmamahalan sa kabila ng mga pagdadaanan at pinagdadaanan.
 Nakapaloob din ang mensaheng pagkakaroon ng tiwala at katapatan sa iyong
kabiyak kung kaya’t maraming matutuhang aral sa kwentong mito na ito.
 Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika, ritwal,
moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa
sinaunang taga-Rome hanggang ang katutubong relihiyon ay napalitan na ng
Kristiyanismo.
 Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop.
Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin
nilang parang kanila at pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng bagong
pangalan ang karamihan sa mga diyos at diyosa. Ang iba ay binihisan nila ng

32
ibang katangian. Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa ayon sa
kanilang paniniwala at kultura.

Gawain 4: Tularan/Wag Tularan

Panuto: Anong katangian ng mga tauhan sa mitong Cupid at Psyche ang nais
mong tularan/ayaw mong tularan at bakit? Isulat ang sagot sa talaan na inilaan.

Tauhan Katangian Bakit tularan/Bakit di tularan

1.
2.
3.

Nakakabilib ka at nasagutan mo ang mga gawain at katanungan. Batid kong

lubusan mo ng naintindahan ang ating paksa. Pero teka lang at mayroon pa akong
inihandang gawain. Handa ka na?

Husayan mo! 

Isagawa
Gawain 5: Iugnay Mo!
Panuto: Batay sa naunawaan mong kaisipan o mensahe na nakapaloob sa
mitolohiyang “Cupid at Pysche”, iugnay mo ito sa iyong sarili, pamilya, pamayanan
at lipunan. Gayahin ang grapikong presentasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan
sa sagutang papel.

Kaisipan mula sa
Cupid at Psyche

33
Mahusay!

Pinagbutihan mo ang mga gawain. Ngayon maaaring sagutin ang pagtataya sa

ibaba upang subukin kung may nadagdag sa iyong kaalaman mula sa paksang
napag-aralan.

Tayahin

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap.

Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

Panuto: Bawat bilang ay nagpapakita ng mga kaisipan mula sa binasang akda

Iugnay ang mga mahahalagang kaisipang ito sa nangyayari sa mga sumusunod:

I. Sariling Karanasan

1. Batay sa iyong sariling karanasan ano ang masasabi mo sa pinakamaling

ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa kaniyang buhay pag-
ibig?
A. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay mababaw lamang
B. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay tunay
C. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay wagas
D. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay walang hanggan

2. Sa kuwento ipinakitang dahil sa taglay na ganda ni Psyche ay maraming mga

kalalakihan ang nagkakagusto sa kaniya. Sa tingin mo sa pisikal na anyo ba
binabatay ang tunay na pag-ibig? Bakit?
A. Oo, nararapat lamang ito sapagkat magiging sikat ako kung ubod ng
ganda/guwapo ang aking magiging kasintahan.
B. Siguro, dahil kapag mas maganda/guwapo mas bongga!
C. Hindi, dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang bumabatay
sa panlabas na anyo kundi sa panloob na kagandahan at pag-uugali.
D. Dapat lang nang hindi ako mapahiya sa barkada o tropa.

3. Ang mga sumusunod ay mga pahayag tungkol sa pag-ibig maliban sa?

A. “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala”
B. “Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang loob”
C. “Ang pag-ibig ay makikita sa pisikal na kaanyuan at antas sa buhay”
D. “Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa at
mapagtiis hanggang wakas”

4. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi

mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.”
A. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay
B. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkatiwalaan
C. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala
D. Walang pag-ibig kung walang tiwala

34
II. Pamilya

5. Inilihim ni Cupid kay Venus ang kaniyang mga desisyon at pagkakagusto kay
Psyche sa kabila ng utos ng ina. Bilang ikaw ay isa nang binata at dalaga, tama
bang ilihim mo ang ganitong mga pangyayari sa iyong mga magulang?
A. Oo, dahil mahal ko siya at walang makakapigil sa akin.
B. Hindi, dahil wala pa ako sa tamang edad para gumawa ng ganitong
mga desisyon sa buhay at walang magulang na gustong mapasama ang anak.
C. Gagawin ko ang gusto ko sa larangan ng pag-ibig.
D. Malaki na ako bahala na sina inay at itay.

6. Isa sa mga pag-uugali na binigyang diin sa mito ay ang kahalagahan ng

pagtitiwala. Sa inyong pamilya gaano ba kahalaga ang tiwala?
A. Walang importansiya ang tiwala sa isang pamilya
B. Napakahalaga nito dahil nagpapahiwatig ito ng aking pagiging
responsibilidad bilang anak, kapatid, at kapamilya.
C. Binabalewala lamang ang tiwala bilang anak, kapatid, at kapamilya.
D. Wala sa nabanggit.

7. Ipinakita sa mitolohiya ang ginawang pagsunod ni Psyche sa mg utos ni Venus

bilang pagsasakripisyo at pagmamahal niya kay Cupid.
Sa inyong pamilya makikitang nagsasakrpisyo din ang mga magulang sa
pagtatrabaho kahit mahirap, kahit mapalayo sa pamilya at sa mga anak
matustusan lamang ang pangangailangan ng mga anak. Ngayon, bilang isang
mabuting anak ano ang pinakamagandang maisusukli mo sa ginawang
sakripisyo ng iyong mga magulang?
A. Pabayaan ang pag-aaral dahil may pandemya.
B. Magbabad sa internet at maglaro buong araw ng videogames.
C. Magbulakbol, mamasyal araw-araw dahil walang pang pasok.
D. Maging mabait at mag-aral nang mabuti para makapagtapos ng pag-
aaral.

III. Pamayanan

8. Sa mitolohiya si Jupiter ang siyang hari, pinuno at pinakamakapangyarihan

sa lahat ng diyos at diyosa nagmumula sa kaniya ang mga desisyon para sa
ikabubuti ng lahat. Kung ihahambing natin ito sa kasalukuyang panahon sa
sistema ng pamahalaan ng ating bansa ang nasa katayuan ni Jupiter ay ang
_______________ ng ating bansang Pilipinas.
A. Presidente
B. Mamamayan
C. Negosyante
D. Mayayaman

9. Kaugnay ng tanong sa ika-7 bilang. Ano ba ang nararapat taglayin ng isang

mabuting hari, pinuno, presidente?
A. Kurakot/Kurap
B. Mapagkawanggawa, matalino, at mahusay magbigay ng payo at
desisyon para sa ikabubuti sa lahat ng nasasakupan.
C. Mandaraya at di kapani-paniwala
D. Magnanakaw sa kaban ng bayan

35
10. Dahil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang mabuting lider o pinuno.
Paano mo ito magagawa?
A. Magsawalang bahala
B. Ipaubaya sa iba
C. Magkibit-balikat lamang
D. Gamitin ang pribilehiyong bumuto ng sa tingin mo ay karapatdapat
mamahala sa isang napaka importanteng posisyon at ikabubuti ng lahat.

III. Lipunan

11. Mapapansin na may kinalaman ang amang hari sa paghahanap ng

mapapangasawa ni Psyche. Sa iyong opinyon, nararapat ba ang ginawa ng ama
ni Psyche na ipakasal siya sa isang taong hindi pa niya nakikita? Ipaliwanag.
A. Oo, dahil alam ng magulang ang makabubuti sa akin
B. Bagamat may pagkakataong nagbibigay ng payo ang magulang
pagdating sa pag-aasawa hindi parin ito sapat upang magpakasal sa taong
hindi mo pa nakikita at lubusang kilala.
C. A at B
D. Wala sa nabanggit

12. Sa lipunan at kulturang Pilipino marami tayong mga pamantayan at

kaugalian (norm) pagdating sa usaping pag-aasawa maliban sa?
A. Mag-asawa sa murang edad
B. Dapat mag-asawa sa tamang edad/gulang
C. Kilalanin muna nang mabuti ang isa’t isa kung magkakasundo kayo
sa maraming bagay.
D. Wala sa nabanggit

IV. Daigdig

13. Ano ugaling ipinakita nina Venus at nang dalawang nakatatandang babae
ni Psyche na karaniwang nagaganap saan mang lupalop ng daigdig?
A. suklam
B. galit
C. inggit
D. suliranin

14. Isa sa masamang pag-uugali ay ang nararamdamang “inggit” ni Venus nang

makita niya ang labis na paghanga ng mga tao sa kagandahan ni Psyche. Sa
mundo natin ngayon palasak ang kaliwa’t kanan na pag-iinggitan ng mga tao sa
mundo. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Venus ganoon rin ba ang dapat mong
saloobin?
A. Oo, sapagkat ako lamang ang pwedeng maging maganda sa lahat
B. Hindi, dahil tanggap ko nang buong-buo ang aking sariling taglay na
kagandan.
C. Hindi, dahil alam kong bawat tao ay may taglay na kagandahan
magiging masaya ako para sa kaniya at sa aking sarili.
D. B at C

36
15. Kagaya mo may mga kapatid rin si Psyche ngunit tulad ni Venus ang dalawa
ay may dinadalang inggit rin sa bunsong kapatid. Hindi maipagkakailang isa sa
mga dahilan ng pag-aaway ng mga bansa sa ating daigdig ang pagkabuhay ng
inggit sa bawat isa na nagreresulta ng mga kahindik-hindik na gulo at patayan.
Sa tingin mo dapat bang palawigin ang “inggit” sa ating mga puso?
A. Dapat iwaksi natin sa ating puso at isip ang inggit kaya maging
masaya tayo kung ano man ang ating taglay na kagandahan, yaman at iba pa.
B. Mahalagang maging kontento tayo kung ano ang meron sa atin
sapagkat ang inggit ang magtutulak sa tao sa paggawa ng masama sa
kaniyang kapwa.
C. Dapat hindi natin palawigin ang “inggit” sapagkat wala itong
mabuting maidudulot sa atin at sa ating kapwa.
D. Lahat ng nabanggit

Karagdagang Gawain

Para sa lubusang pag-unawa sa Aralin 2 ng modyul na ito gawin mo ang

karagdagang mga gawain.

Gawain 6: React Na!

Panuto: Ibigay ang iyong sariling reaksiyon sa pahayag ni Cupid.

“Hindi mabubuhay ang pag-ibig

kung walang pagtitiwala” ________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________

37
Gawain 7: Dugtungan Mo
Panuto: Dugtungan ang sugnay batay sa iyong natutunan sa modyul na ito.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Natutunan kong ang mitolohiya

ng mga taga-Rome ay tungkol
sa …
_______________________________
_______________________________
_______________________________
__

Natutunan kong ang mito-

lohiyang Cupid at Psyche ay
tungkol sa …
_______________________________
_______________________________
_______________________________

Ang aral na napulot ko mula sa

mitolohiyang Cupid at Psyche
ay …
_______________________________
_______________________________
_______________________________
__

38
39
Tayahin Subukin
1. A
2. C 1. A
3. C 2. C
4. C 3. C
5. B 4. C
6. B 5. B
7. D 6. B
8. A 7. D
9. B 8. A
10. D 9. B
11. B 10. D
12. A 11. B
13. C 12. A
14. D 13. C
15. B 14. D
15. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Aralin 1

Aklat:
Ambat, Vilma C., et al. 2015 Panitikang Pandaigdig Filipino Modyul para sa Mag-aaral.
Quezon City, Metro Manila: Vibal Publishing House Inc. (pahina: 9-26)

Internet:
Slideshare.com
*Krystel Rivera
Published on: October 13, 2011
Published in: Sports, Technology
Link: https://www.slideshare.net/KrystelRivera/mitolohiyang-romano

Slideshare.com
* Krystel Rivera
Published on:
Published in: Education, Technology
Link: https://www.slideshare.net/KrystelRivera/mitolohiyang-griyego

* unknownymousDGS
Published on: June 21, 2016
Published in: Brainly.com
Link: https://brainly.ph/question/321030

* RMS
Published on: June 3, 2019
Published in: Brainly.com
Link: https://brainly.ph/question/2176700

Youtube.com

* Mhelah Jane Mangao

Published on: March 23, 2016
Published in: youtube.com
Link: https://www.youtube.com/watch?v=4P0azuAS7S8

40
Aralin 2

Aklat:
Ambat, Vilma C., et al. 2015 Panitikang Pandaigdig Filipino Modyul para sa Mag-aaral.
Quezon City, Metro Manila: Vibal Publishing House Inc. (pahina: 9-26)

Internet:

*(FILIPINO 10) Asskicker1231

Published on: January 3, 2016
Published in: Wattpad.com
Link: https://www.wattpad.com/421891776-filipino-10-suring-basa-cupid-at-psyche

Youtube.com

* Maria’s Story
Published on: September 30, 2019
Published in: youtube.com
Link: https://www.youtube.com/watch?v=hteaGOOA_3A

* El-Bomba SUBStories
Published on: October 9, 2019
Published in: youtube.com
Link: https://www.youtube.com/watch?v=fTtK3TTWbjc

41
42

You might also like