You are on page 1of 8

Aralin 3:

Talumpati:
Uri, Etika sa Pagsulat, Pagsulat,
at Presentasyon

Ni Bb. Honie Lynne Matuguinas


Mga Kasanayang Pampagkatuto
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
1. nauunawaan ang mga etikang dapat isaalang-alang
mula sa napanood na halimbawa ng talumpati.
2. nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang
halimbawa;
3. nakalilikha ng isang bidyo na naglalahad ng naisulat na
talumpati; at
4. naisasaalang-alang ang mga etika sa pagsulat ng
talumpati.
Ano ang talumpati?
Ang talumpati ay isang pormal na
pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig
o audience. Ito ay isang uri ng
pagdidiskurso sa harap ng publiko na
may layuning magbigay ng impormasyon
o manghikayat kaugnay ng isang
partikular na paksa o isyu.
Uri ng Talumpati Batay sa Layunin

IMPORMATIBO MAPANGHIKAYAT

• Naglalayong magbigay
impormasyon • nakatuon sa mga paksa o
isyung kinapapalooban
• Naglalahad at ng iba’t ibang
nagpapaliwanag upang perspektiba o posisyon
maunawaan ng mga
tagapakinig ang paksang • nagbibigay ng partikular
tinatalakay na tindig o posisyon sa
isang isyu
Uri ng Talumpati Batay sa Pamamaraan

IMPROMPTU EKSTEMPORANYO

• Biglaang talumpati • Pinaghandaang


• Ginagawa ng walang talumpati
anumang paunang • Pinagplanuhan at
paghahanda ineensayo bago isagawa
• Nasusukat ang lalim at • Gumagamit ng maiksing
lawak ng kaalaman sa tala, sinasaulo ang
isang tiyak na paksa talumpati
Paghahanda
Layunin ng okasyon

Layunin ng magtatamlupati

Manonood

Lugar na pagdarausan ng talumpati


Pagsulat ng Sumulat gamit ang wikang pabigkas
Talumpati
Sumulat sa simpleng estilo

Gumamit ng iba’t ibang estratehiya at kumbensiyon ng


pagpapahayag na pagbigkas

Gumamit ng angkop na mga salitang pantransisyon

Pag-aangkop ng haba ng talumpati sa ibinigay na oras


Mga Batayan o Sanggunian
• Atienza, Glecy C., Bernales, Rolando. Gonzales, Emmanuel S. &
Talegon, Vivencio M. (2007). Akademikong Filipino tungo sa
Epektibong Komunikasyon. Mutya Publishing. Quezon City
• Bernales, Rolando A., et al. (2006). Masining na Pagpapahayag sa
Filipino: Mga Prinsipyo at Proseso. Mutya Publishing House Inc.
Lungsod ng Valenzuela.
• Constantino, P. at Zafra, G. (2017). Filipino sa Piling Larangan
(Akademik). Rex Bookstore Publishing Inc. Sampaloc, Lungsod ng
Maynila.
• De Castro, I. at Rosario-Taruc, Z. (2010). Kritikal na Pagbasa at
Akademikong Pagsulat tungo sa Pananaliksik. UST Publishing
House, Espana, Lungsod ng Maynila

You might also like