Katuturan at Kalikasan NG Wika

You might also like

You are on page 1of 8

Katuturan at Kalikasan ng Wika

Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga
makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa
pagpapahayag.”

Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na
susi sa pagkakaunawaan.

Kahalagahan ng Wika
Mahalaga ang wika sapagkat:

ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;

ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;

sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;

at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

Katangian ng wika
 Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog
(fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita
(morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga
pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa
pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa makabuluhang


yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/
na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].

Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa pinamakamaliit


na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-
ugat, panlapi at fonema.

Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista

Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han


Fonema = a

*tauhan, maglaba, doktora

 Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang
wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang pagbaligtaran ito.
Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.

Hal. Mataas ang puno.

Ang puno ay mataas.

The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)

 Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita sa
pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang
nais ipahayag.

Hal. Inakyat niya ang puno.

Umakyat siya sa puno.

Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa pangungusap ay [niya] at
ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng
[umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip ng aktor na dati’y [niya] ngayo’y [siya] na. Imbis na
pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng dalawang
pangungusap.

 Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang
maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang
ponolohiya)

 Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng
mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa]
kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Kung
sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika,
nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan
at matututunan niya ang wika, nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa
naturang wika.
 Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan,
leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa
ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.

Halimbawa
Wikang Swahili – atanipena (magugustuhan niya ako)

Wikang Filipino – Opo, po

Wikang Subanon – gmangga (mangga)

Wikang Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang babae)

Wikang Tausug – tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)

Wikang French – Francois (pangngalan /fransh-wa/)

Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang ngunit
katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino lamang
matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon naman, mayroong di
pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang magkasunod na
katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman, isang fonema lamang
ang idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago. Sa Tausug naman ang
pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng salitang-ugat. Sa
French naman, mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika.

 Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika.


Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng
wika.

Antas ng wika
 formal at di-formal – di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad
samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda
 lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino
ang lingua franca ng mga tao
 lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug,
Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang
lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan
 kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang
mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na',
/pre/ para sa 'pare'

 balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-
kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla – halimbawa ang mga salitang
‘eklavush’, ‘erpat at ermat’ at ‘cheverloo’.
 edukado/malalim – wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa
gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal.

Pinagmulan ng Wika
Malinaw na ipinahahayag sa Bibliya na ang wika ay kaloob ng Diyos. Sa mga relihiyoso, walang
duda ito. Napakarami at napakasalimuot nga naman ng mga wika at halos kung hindi man
perpekto ang pagkakaayos ng mga wika sa daigdig. Walang makagagawa nito kung hindi ang
Maylalang ng lahat. Sa Bibliya pa rin, isinasalaysay kung paanong mula sa iisang wika, ang mga
tao sa daigdig ay nagkaroon ng iba’t ibang wika. Pansinin natin ang isinasaad sa Genesis 11:1-9:
 
Sa simula’y iisa ang wika at magkakapareho ang mga salitang ginagamit ng lahat ng tao sa
daigdig. Sa kanilang pagpapalipat-lipat sa silangan, nakarating sila sa isang kapatagan sa
Shinar at doon na nanirahan. Nagkaisa silang gumawa ng maraming tisa at lutuin itong mabuti
para tumibay. Tisa ang ginagamit nilang bato at alkitran ang kanilang semento. Ang sabi nila,
“Halikayo at magtayo tayo ng isang lunsod na may toreng abot sa langit upang maging tanyag
tayo at huwag nang magkawatak-watak sa daigdig.
 
Bumaba si Yahweh upang tingnan ang lunsod at ang toreng itinayo ng mga tao. Sinabi niya,
“Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika. Pasimula pa lamang ito ng mga
binabalak nilang gawin. Hindi magtatagal at gagawin nila ang anumang kanilang magustuhan.
Ang mabuti’y bumaba tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan. ” At
ginawa ni Yahweh na ang mga tao ay magkawatakwatak sa buong daigdig, kaya natigil ang
pagtatayo ng lunsod. Babel ang itinawag nila sa lunsod na iyon, sapagkat doo’y ginulo ni
Yahweh ang wika ng mga tao. At mula roon, nagkawatak-watak ang mga tao sa buong daigdig
dahil sa ginawa ni Yahweh.
 
 
Ang wika ay sistema ng mga simbulo na may ilang lebel ng organisasyon na binubuo ng
ponetika (mga tunog), sintaks (ang grammar o balarila) at semantika (mga kahulugan). 
 
Kailan nga ba nagkaroon ng wika? Marahil sa pagsisimula ng genus naHomo mga apat o limang
milyong taon na ang nakalipas. Maaaring noong pagsilang ng modernong tao, ang Cro-magnon,
mga 125,000 taong nakalipas. Maaari ring ang Neanderthal ang unang nakapagsalita. Paano’y
mas malaki ang kanyang utak kaysa sa atin, ngunit ang kanyang babagtingang-tinig (voice box)
ay nasa gawing itaas ng kanyang lalamunan tulad ng sa mga unggoy. Ang totoo’y hindi natin
alam kung kailan nagkaroon ng wika (Boeree, 2003).
 
May iba’t ibang teorya na nagtatangkang ipaliwanag kung paano nagkaroon ng wika ang tao.
Karamihan sa mga ito ay may kakatwang katawagan na inimbento nina Muller at Romanes
noong huling bahagi ng ikalabindalawang siglo. Dinagdagan din ito ni Boeree ng ilang teorya.
Pag-aralan natin ang mga teoryang ito.
 
Teoryang Bow-wow. Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa
panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang
sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay
natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang
dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ngtuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing insekto.
Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita. Hindi ba’t nagsisimula sila sa
panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-awat sa pusa ay miyaw.
Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa aso halimbawa sa iba’t ibang bansa gayong ang
tunog na nalilikha ng aso sa Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?
 
Teoryang Pooh-pooh. Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi
sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas
sa sakit. Hindi ba’t siya’ y napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-ouch!
Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?

Teoryang Yo-he-ho. Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang


tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y
nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang
nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o
nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?

Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay. Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may
mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda,
pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat
ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa
teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal
na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

Teoryang Ta-ta. Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng
taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay
nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay
kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila
kapag binibigkas ang salitang ta-ta.

Teoryang Ding-dong. Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa
teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit
ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na
likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan
sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y
nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na
simbolismo ng tunog.
Teoryang Mama. Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig
ng pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya masasabi
ang salitang motherngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga
diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitangmother.

Teoryang Sing-song. Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa


paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal.
Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba
at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.

Teoryang Hey you! Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng linggwistang si Revesz


na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz,
nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang
(Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag
din itong teoryang kontak.

Teoryang Coo Coo. Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng
mga sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa
mga bagay-bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya
ng tunog ng mga matatanda.

Teoryang Yum Yum. Katulad ng teoryang ta-ta, pinag-uugnay ng teoryang ito ang tunog at


kilos ng pangangatawan. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng
teoryang ito sa pinagmulan ng wika.

Teoryang Babble Lucky. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang
kahulugang bulalas ng tao. Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga
hindi sinasadya at walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-
bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.

Teoryang Hocus Pocus. Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay
tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga
ninuno. Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa pamamagitan
ng mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging pangalan ng bawat hayop.

Teoryang Eureka! Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating
mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga
tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao
at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003).

Uri at Varayti ng Wika


MGA URI NG BARAYTI NG WIKA
IDYOLEK-pampersonal na gamit ng wika, kadalasangyunik.
DAYALEK-nadedebelop sa rehiyong kinabibilangan.
SOSYOLEK-pansamantalang barayti.
ETNOLEK-nadedebelop mula sa mga salita ng mgaetnolonggwistikong grupo.
EKOLEK-kadalasang mula o sinasalita sa loob ng bahay.
PIDGIN-wikang walang pormal na estruktura.
CREOLE-nadedebelop ang pormal na estruktura.
REJISTER-wikang espesyalisadong nagagamit sa isang partikular na domeyn.
Tungkulin ng wika
Interaksyonal
- nakapagpapanatili, nakapagpapatatagng relasyong sosyal.
Instrumental
- tumutugon sa mga pangangailangan.
Regulatori
- kumokontrol, gumagabay sa kilos/asal ngiba.
Personal
- nakapagpapahayag ng sariling damdamin oopinyon.
Imajinativ
- nakapagpapahayag ng imahinasyon

Pagkakaiba ng Wikang Pasalita sa Pasulat


Mayroong dalawang mga paraan ng komunikasyon na kilala bilang pasalitang
komunikasyon at nakasulat na komunikasyon. Parehong may mga iba't ibang epekto sa
komunikasyon. Ang pangunahing pagkakaiba sa mga ito ng dalawang mga uri ay 

Sa bibig komunikasyon ikaw ay hindi nakasalalay sa anumang bagay na gawin kung ito ay
may kaugnayan sa iyong trabaho o commitment. Ito ay nangangahulugan na hindi
itinuturing bilang ang komunikasyon ay may anumang mga kahalagahan. Ang pasalitang
komunikasyon ay maaaring maglaro ng isang mahalagang papel sa paglilipat ng
impormasyon. Ang pasalitang komunikasyon ay maaaring ang iyong mga personal na
ideya, opinyon at ang iyong unawa 

Pero nakasulat na komunikasyon ay ang mga iba't ibang epekto habang ang
paghahambing ng ito sa pasalitang komunikasyon. Sa nakasulat na komunikasyon kung
minsan ikaw ay nakasalalay sa gawin ang isang gawain, tulad ng kung ikaw ay
magpapadala ng sulat sa ibang kumpanya para sa diskusyon ng anumang
pakikitungo.Pagkatapos ay kailangan mong gawin ayon sa kung ano ang ikaw ay may
nakasulat na.Para sa Oral komunikasyon ikaw ay may na bumuo ng pagsasalita ng
kasanayan ngunit un nakasulat na komunikasyon na kailangan mo upang Limasin ang
maraming mga kasanayan tulad ng 

Pamamahala ng pamamaraan 

Buksan ang natapos at sarado na natapos kasanayan 

Tumpak na nagtatrabaho sa mga tagubilin 

Pagsusulat ng mga kasanayan 

At pananaliksik gumaganap ng mahalagang papel sa nakasulat na komunikasyon. 

Ang pasalitang komunikasyon ay mas epektibo bilang kung ihahambing sa nakasulat na


komunikasyon sa bibig komunikasyon ang mga salita ay malinaw at maayos inilarawan
ngunit sa nakasulat na ang mga mambabasa ay maaaring makabuo ng iba't ibang uri ng
kahulugan ng tiyak na pangungusap. Ang pasalitang komunikasyon ay maaaring maging
gusot ngunit ang nakasulat na komunikasyon ay hindi maaaring.Pasalitang komunikasyon
ay walang permanenteng talaan, na halaga mula sa mga legal na punto ng view ngunit ang
nakasulat na komunikasyon ay itinuturing na ang pinakamahusay na may paggalang sa
legalidad

You might also like