You are on page 1of 1

Isang Araw sa Asignaturang Filipino

Gng. Quizon: Magandang umaga, klase! (Interaksyonal)


Mga mag-aaral: Magandang umaga din po, guro! (Interaksyonal)
Gng. Quizon: Mayroon tayong pagsusulit ngayon tungkol sa gamit ng wika. (Impormatib) Kayo ba ay
nakapag-handa at nag-review para sa ating pagsusulit? (Heuristik)
John: Hala! May quiz pala?? Nako, ipapadala na ‘ko sa Mars ng mga magulang ko ‘pag di ko napasa to.
(Heuristik, Imahinatibo) ‘Di pa naman ako naka review. (Impormatib)
Aye: Uy, Kelly, tulungan mo naman kami dito. (Instrumental)
Kelly: Feeling ko madali lang naman yung quiz! Keri nyo na yan. (Personal)
Aloy: Oo nga, madali lang yan. (Personal)
John: Luh, mayabang. (Personal) Tayo na nga lang mag-tulungan, Aye. (Instrumental)
Aye: Sige. Gawaing BDO na lang tayo, “We Find Ways,” ganon. (Imahinatibo)
Gng. Quizon: Klase, tama na sa daldalan. Itago niyo na ang inyong mga kwaderno, at tayo na ay magsisimula.
(Instrumental, Impormatib) Iwasan makipag usap sa katabi habang sumasagot sa pagsusulit at basahin ng
mabuti ang mga tagubilin at panuto sa papel. (Regulatori)
Trezz: Ma’am! Pwede po ba review lang muna kami, mga 5 minutes? Pramis, mabilis lang. (Heuristik,
Impormatib)
Gng. Quizon: Hay, sige. (Interaksyonal)
Mga mag-aaral: Thank you, Ma’am!! (Interaksyonal)

You might also like