You are on page 1of 6

Ang maikling dula-dulaan na ito ay binubuo ng mga tauhan na sina:

Anna maria: 35 na taong gulang

Juan (ang panganay): 18 taong gulang

Pedro: (ang bunso): 16 taong gulang

Guro

Ang eksenang iyon ay isa ng pangkaraniwang tanawin sa kanilang tahanan. Si Anna maria ay isang
"Single mom" na bumubuhay sa kanyang dalawang anak na lalaki. Nagkahiwalay sila ng kanyang mister
na isang seaman o mandaragat dahil na rin sa bisyo nito: sabong, alak at babae. May mga panahon ding
nasasaktan siya nito kung wala na itong pambili ng alak..

Unang Tagpo:

Anna maria: Juan! Pedro! Hindi ba at sinabi ko sa inyo na matulog na kayo? Anong oras na! Alas onse na
ng gabi. Hindi na naman kayo magigising ng maaga!

Juan (gumagamit ng selpon): Mamaya na ma, bigyan mo ako ng mga trenta minutos pa.

Pedro (nanonood ng bidyo gamit ang internet): Oo ma, pangako, matutulog na ako pagkatapos nito.

Wala nalang nagawa si Anna maria. Ayaw niya ng sumigaw, o magalit. Pagod din siya dahil sa
maghapong trabaho. Maliit ang sweldo, ngunit mabuti na ito kaysa wala. Kinailangan niyang magbanat
ng buto, lalo na at nasanay sa luho ang kanyang dalawang anak.

Ikalawang tagpo:

Kinaumagahan, nagising ang ina ng madaling araw upang maghanda ng agahan, baon ng mga anak, at ng
sarili papunta sa trabaho.

Anna maria: (nangangalumata) Mga anak, gising na! mahuhuli na kayo. Kailangan ako sa opisina ngayon
dahil nasa akin ang susi. Kayo na ang bahala ha!

Umingit ang dalawa, ngunit hindi bumangon. Kulang na kulang sa tulog dahil halos madaling-araw na
nagsipagtulog.

Pagsapit ng alas-otso y medya..

Juan: Hala! anong oras na! Pedro, pedro gising na!

Pedro: Ano ba, inaantok pa ako!

Juan: Hindi ba't ngayon ang ating malakihang pagsusulit??

Pedro: Hala! Patay! hindi ba tayo ginising ni inay??


Juan: Nako, ikaw kasi natulog ka ulit!

At nagmamadaling naghanda ang dalawa, na may piping dasal na umabot sila sa kanilang pagsusulit.

Ikatlong tagpo:

Samantala, sa opisina..

Napagalitan si Anna maria dahil sa kanyang maling nagawa. Nais man niyang lumipat ng trabaho ay
natatakot siya. Hindi niya kasi natapos ang pag-aaral dahil nabuntis ng maaga at nag-asawa. Naalala nya
ang pangaral ng ina na iyang isinawalang-bahala at sinuway.

Anna Maria: (tumutulo ang luha) Sana nakinig nalang ako kay inay noon..

Ikaapat na tagpo:

Makalipas ang isang linggo, ipinatawag si Anna Maria sa iskwelahan ng mga anak. Lumiban siya sa
trabaho sa pag-aakalang makatatanggap siya ng magandang balita..

Anna Maria: Magandang araw ho, ako ho ang nanay ni Juan at ni pedro.

Guro: Magandang araw din ho misis, tungkol ho sana ito sa kanilang grado. Hindi ho sila nakakuha ng
pagsusulit noong nakaraan. Dahil dito, mayroon ho silang mga bagsak na kailangan kunin sa susunod na
taon.

Anna Maria: (nalilito) Ho? Paano nangyari yun?

Ikalimang tagpo:

Pagdating sa bahay ay nadatnan ni Anna Maria ang dalawang anak na tila alam na ang nangyari. Sinugod
siya ng yakap ng mga ito at humingi ng patawad.

Anna Maria: (malungkot) Anong nangyari mga anak? Dismayado ako sa inyo. Alam niyo naman kung
gaano ito kahalaga hindi ba?Nais kong makatapos kayo ng pag-aaral upang hindi magaya sa akin.

Juan at Pedro: (Umiiyak) Patawad po inay, hindi na po mauulit..

Anna Maria: Sana nga, mga anak.. Mahal ko kayo at wala akong ibang hangad kundi isang maayos na
buhay para sa inyo..

At muling nagyakap ang tatlo.

WAKAS
Napapanahong Usapin
Current Events

“Ang hindi lumingon sa pinanggalinga, hindi makararating sa paroroonan”


-isang salawikaing Pilipino

Dual Citizenship and other Current Issues 


in the Filipino American Community

The Filipino American community in the United States has always been confronted by key issues that often are related to the
home country.  Among these is the issue of dual citizenship.  The Philippine government has opened the door for Fil-Am U.S.
citizens to gain or regain Filipino citizenship.   This move gives many the opportunity to the best of both worlds.  This also
bolsters the links with the heritage country and our desire to be of help to our brethren across the ocean is reinforced.

Another issue is Veterans Equity.  WWII Filipino soldiers who served with the USAFFE have continuously petitioned the U.S.
Congress to grant them benefits equal or close to those granted U.S. veterans.  This goal has been difficult to achieve while
numbers of our veterans are passing away.  The efforts of Fil-Am group have met with limited success, but they have also
been a venue for testing and strengthening the Fil-Am community.

The latter issue which involves lobbying, networking, and in general, navigation through the American legislative process,
also highlights the broad, third issue of political empowerment of Filipinos in the U.S.  We represent the second largest Asian
American population in the country, but our representation in government, politics, and the professions needs to grow
We have been fortunate in a few places like Hawaii where a Filipino-American had been voted Governor and many
other have served in administrative and judiciary positions.  In California, we have started to show our strength city and
municipal elections, but still have to place representatives on the state and national levels.  Clearly, we have to ally with and
learn from the Latino, Chinese, and Japanese experience.

The representation of Filipino-Americans in the medical and health science fields is sterling, but graduates in mathematics
and the physical sciences are not numerous.   Filipino presence in faculty and administrative positions in higher education is
also limited.  Fil-Am students rank high in high school drop rates among ethnic minorities.  Filipino teens have also registered
the highest suicide rates among Asian American groups. The incongruity between these facts and the original Filipino ethic of
parents striving hard to send their children to college as a venue for social mobility is an issue that remains alive and need to
be addressed.       Leo Paz

Essay #2:

Napapanahong Usapin
“Huli man daw at magaling, naihahabol din.”
—isang salawikaing Pilipino
Bakit mahalaga ang nagaganap na mga pangyayari sa kasalukuyan?  Why are current events and issues important?
Because knowing what is new helps keep us abreast with the world around us, and helps us make informed decisions on
important issues.  What is happening in the present is soon to be past.  The decisions, happenings, and conditions that are
unfolding are “the stuff that history is made of.” 

Napapanahon means timeliness, current, in fashion, fit for the occasion. Why do we need to know the news, the “new.”
new may show progress or a new discovery.  The root word of “napapanahon” is panahon, which itself carries several
meanings: time, era, epoch, season climate, weather, duration.

Andres Bonifacio, the founder of the Katipunan that revolted against Spain, seized the day…and time, panahon,   in his
manifesto entitled Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog, “What the Tagalogs Should Know”:

Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon nang dapat nating ipakilala na tayo’y may
sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon panahon nang dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga
mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan; panahon na ngayong dapat
makilala ng mga Tagalog ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan.

Now is the time that the light of truth must shine; now is the time that we should  reveal that we have our own sentiments,
honor, propriety and sympathy for one another.  Now is the time to commence the unveiling of the noble and great teaching
that would destroy the thick screen that blinds our mind; now is the time that the Tagalogs must  recognize the source of their
suffering. (1896)

This was written when the revolution against Spain erupted. And the rest is history.

The Filipino people also “seized the day” when they waged the People Power Revolution in 1986 to retrieve their lost
freedom.  And the youth chanted “Kung hindi ngayon, kalian pa?  Kung hindi ikaw, sino pa?” “If not now, then when? If not
you, then who?”   (Tita Pambid)
Pagsubok
Natasha Liv Uy

Tagapagsalaysay: Bagong lipat lang sila Evren sa lungsod ng Baybay. Dahil dito kailangan din niyang
lumipat ng paaralan. Sa pasukan ay hindi naging problema sa kanya ang pakikihalubilo sa iba dahil
sadyang pala-kaibigan ang binata. Sa unang markahan ay isa siya sa mga top students ng kanilang klase.
Masipag kasi siyang mag-aral at ito ay ang una sa listahan niya ng mga prioridad.

Guro: Congratulations sa’yo Evren!

Evren: Salamat po sir!

Tagapagsalaysay: Nang humantong ang ikalawang markahan ay patuloy pa rin siyang nagsusunog ng
kilay kada gabi. Ngunit isang araw, habang pauwi na siya kasama ang kanyang barkada ay kinulit siya ng
mga ito na maglaro ng dota na matagal na niyang hini-hindian.

Valerian: Pre kahit isang laro lang. Subukan mo lang naman.

Lath: Oo nga pre. Tara!

Tagapagsalaysay: Hinatak siya agad ng kanyang mga kaibigan kaya wala na siyang ibang nagawa kundi
sumama.

Evren: Isang laro lang pre ah. Mag-aaral pa kasi ako para sa pasulit natin bukas.

Lath: O sige.

Tagapagsalaysay: Nagsimula na silang maglaro ng dota. Ang sinabing isang laro ni Evren ay nasundan pa
ng isa hanggang sa sila ay naabutan na ng gabi. Ang pag-aaral para sa kanilang pasulit ay nawaglit na sa
kanyang isipan.

Tagapagsalaysay: Kinabukasan ay kalahati lang ang nakuha niyang tamang sagot  sa kanilang pasulit. Sa
puntong iyon nagsimula ang pagbaba ng grado ni Evren at ang pagka-adik niya sa dota. Napansin ito ng
kaniyang guro kaya kina-usap siya nito pagkatapos ng klase.

Guro: Evren, napapansin ko na bumababa na ang iyong mga grado at hindi ka na nakakakuha ng mataas
na iskor sa mga pasulit ko.

Evren: Pasensiya na po sir. Hindi na po kasi ako nakakapag-aral ng maayos sa gabi.

Guro: At bakit naman?

Evren: Eh kasi sir naglalaro po kami ng mga kaibigan ko ng dota at minsan naaabutan na kami ng gabi.

Guro: Hindi talaga mabuti iyang paglalaro niyo niyan eh naaapektuhan ang pag-aaral niyo. Kaya simula
ngayon unahin mo muna ang iyong pag-aaral kesa diyan sa dota.

Evren: Opo sir


Guro: Kaya mo ‘yan pagsubok lang yan Evren. Sige na pumunta ka na sa aklatan tutulungan ka ng isa
mong kaklase.

Evren: Ho? Sino po?

Guro: Basta sige na pumunta ka na doon baka naiinip na ‘yon.

Tagapagsalaysay: Habang papunta si Evren sa aklatan ay lingid sa kanyang kaalaman na si Faith ang
tutulong sa kanya na mag-aral. Ito ay isa rin sa mga top students ng kanilang klase at unang araw pa lang
ng pasukan ay nagandahan na talaga siya dito pero hindi niya ito masyadong pinansin dahil inuna niya
ang kanyang pag-aaral.

Faith: O Evren, andiyan ka na pala.

Evren: Faith?

Faith: Ako nga. Halika na simulan na natin para maaga tayong maka-uwi.

Evren: Okay lang naman kung ako lang mag-isa ang mag-aaral baka naaabala kita.

Faith: Hindi naman, tsaka pinapabantayan ka sa ‘kin ni sir baka daw kasi hindi ka mag-aaral at pupunta
ka lang sa kompyuter shop para magdota.

Evren: Ah sige.

Tagapagsalaysay: Iyon ang simula ng pagtaas ulit ng grado ni Evren at ang pagiging magkaibigan nila ni
Faith. Isang araw hindi na talaga kaya ni Evren na hindi siya nakakapaglaro ng dota kaya inilabas niya ang
kaniyang frustrasyon sa kaibigan.

Evren: Faith talaga bang hindi ako pwedeng maglaro ng dota? Alam ko na importante ang pag-aaral pero
tao din naman ako may karapatan din akong sumaya.

Faith: Hindi naman sa ganon. Pwede ka namang maglaro pero gawin mo sa tamang oras. Maglaan ka ng
oras sa pag-aaral at paglalaro.

Evren: Sige gagawin ko ‘yan

Tagapagsalaysay: Natutunan ni Evren ang pagdisiplina sa sarili at kung paano ibalanse ang kanyang oras
sa pag-aaral at paglalaro. Natapos niya ang High School bilang salutatorian at si Faith naman ang
valedictorian. Lahat tayo ay dumadaan sa mga pagsubok nasa iyo lang kung haharapin mo ito o
magpapatalo ka lang. Magtiwala ka sa iyong sarili. Malalampasan mo ito kung ikaw ay pursigido at may
tiwala sa Diyos.

Share this:

You might also like