You are on page 1of 1

Matatandaan natin sa mga lumang kasulatan na ang wika ang isa sa mga nagbigay daan

tungo sa kalayaan at kapayapaan sa ating mga Pilipino. Ang El Filibusterismo, Noli Mi Tangere,
at La Solidaridad ay ilan sa mga kasulatang malaki ang ginampanan sa pagkakabuklod buklod
ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga dayuhan. Subalit hindi man ito lubusang
nakasaad sa wikang Filipino, sinasalamin nito na sa pagsusulat at paggamit ng mapayapang
pakikipagalitan ay kayang maayos ang kahit na ano mang hidwaan, sapagkat ang tamang
paggamit ng pasulat na wika ay tunay na nakatutulong upang mas maging malinaw at maging
kauna-unawa sa mga mambabasa.

Sa ginawang kilos ng ating mga ninuno, tayo ay nabibigyang kaliwanagan patungkol sa


kung gaano ka-importante ang tamang paggamit ng wika lalong lalo na ng ating pambansang
wikang Filipino sa kahit na ano mang diskurso. Ang simpleng paggamit ng wastong wikang
Filipino sa ating pang-araw-araw ay nagpapakita ng ating pagiging makabayan at makabansa. Sa
pamamagitan ng ating paninindigan sa ating sariling wika, naipapakita na natin na tayo ay
nagbibigay dangal at karangalan sa naging masusing paglulunsad ng ating wikang Filipino na
matatawag nating sariling atin.

Ang sama-sama nating paggamit ng ating sariling wikang Filipino ay sumisimbolo ng


ating pagiging isa bilang isang nasyon at pamilya sa ating lupang sinilangan na sa paglipas ng
panahon ay nagiiwan ng tanda na ang mga Pilipino ay ang bansang nagwiwika ng Filipino.

You might also like