You are on page 1of 3

Row Heading

1
Jhon Louisse B. Oliverio Stem 12 St. Maria Goretti

Performance task Filipino

Talumpati

Wikang filipino ang nag silbing bintana

“𝘉𝘪𝘯𝘵𝘢𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘳𝘢𝘢𝘯, 𝘱𝘪𝘯𝘵𝘶𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴𝘢𝘯, 𝘺𝘢𝘱𝘢𝘬 𝘰 𝘩𝘢𝘬𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘶𝘭𝘶𝘺𝘢𝘯,

𝘮𝘢𝘵𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘴𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯. 𝘍𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰 𝘢𝘵 𝘮𝘨𝘢 𝘒𝘢𝘵𝘶𝘵𝘶𝘣𝘰𝘯𝘨 𝘞𝘪𝘬𝘢: 𝘒𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘴𝘢

𝘗𝘢𝘨𝘵𝘶𝘬𝘭𝘢𝘴 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘬𝘩𝘢!”

Sa kabila ng pagkakaiba ng kultura sa lipunang ating ginagalawan hindi kailanman

maipagkakaiba at mawawala ang imahe, himig, at kahalagahan ng wika; wikang pinag-ugatan ng

ating pagkakakilanlan; wikang tumatali sa isipan, damdamin at gawi ng bawat Pilipinoy saan

mang dako ng mundo.

Ugong ng wikang pinangingibabawan ng pagkabubuklod at humahaplas sa katauhan ng mga

Pilipino upang maisakatuparan ang kaaya-ayang komunikasyon; komunikasyong humuhubog at

nagpapaalay sa kamalayan tungo sa pagkakaisa. Ito ang wika ng ating kasarinlan.

Hindi lingid sa kaalaman na samu’t-sari ang mga langwahe na kadalasang ginagamit ng taga

Agusan del Sur sa pakikipagkumunikasyon na kung saan ito ay may apat na katutubong wika na

ito ay maituturing na orihinal na katutubong wika ng taga Agusan tulad ng Manobo, Higaonon,

Banwaon at Talaandig. Ang dominanti nito ay Manobo na makikita nalin sa kahit anumang sulok

ng probinsya. Samantalang ang Higaonon ay sa bayan ng Esperanza. Ang Banwaon naman ay sa

San Luis at sa ilang parti ng Esperanza at ang Talaandig ay sa kalibliban ng San Luis.
[Last Name] 2

Ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi magkakaunawaan and bawat Pilipino subalit ang

sarili nating wika ang ating maging batayang lakas sa paglinang ng ating kultura.

Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha. Wikang taglay ang

makabuluhang kakayahan at kapangyarihan. Pinagbuklod tayo ng wikang Filipino. Ito ay

nagsilbing bintana upang masilayan natin kung paano nagkaisa ang mga Pilipino. Pintuan ng

kinabukasan na nagpatuloy sa kaisipan ng mga mamayan upang mapagtanto kung paano

hinahawakan ng ating wikang Pambansa ang kamay ng bawat isa. Walang kinikilingan kung

kaya ito’y , gumanap bilang mata ng pagkakaisa sa bayan. Nagdudugtong sa kamalayang

Pilipino upang mabuo, tumatag, mapanatili at mapag-isa ang ating mga paniniwala’t pananaw.

Ang pagkakaunawaan ng mga Kristiyano, katutubong tao at Muslim sa Pilipinas ang isang

mabuting halimbawa. Ang wikang Filipino ang nagsilbing tulay nang sa ganon ay makatawid

ang mga relihiyong ito sa mundo ng kapayapaan at mahinuhang tayo’y lisa. Sa madaling salita,

ang wikang Filipino ang yumayakap sa libu-libong pulo sa Perlas ng Silangan. Wikang

nagpapahigpit sa paghawak kamay ng mga mamamayan ng ating bayang magiliw at siya ring

nagpapalakas sa ating pagka Pilipino.

Samakatuwid, ang ating wikang hindi pasisiil ang siya ring pundasyon sa tuluyang pag-iral ng

katatagan ng ating kapit sa isa’t isa. Taglay natin ang tunay na pagmamahal sa wikang Filipino

sapagka’t ito ang bumabalot sa ating iisang identidad. Nag-aalab ito sa ating iisang mga puso’t

buhay na buhay sa ating dibdib. Ating ipagaspas ang pakapak na maglalarawan ng ating lahi.
[Last Name] 3

Pagkakabuklod bilang isang nasyong mayroong Filipino at mga Katutubong wika na siyang

sangkap sa pagtuklas at paglikha. Bansang namumutawi ang wika ng pagkakaisa.

You might also like