You are on page 1of 4

SAGUTANG PAPEL

SA
ARALING
PANLIPUNAN 7
(Araling Asyano)
KWARTER 2
Aralin 3 - Ang Kultura ng Buhay
Asyano
Week 4

MR. ALEX A. DUMANDAN

NAME: ______________________________________________________________

Iskor:_______________________________________

1
Araling Panlipunan 7 (Araling Asyano)
Kwarter 2
Linggo Bilang: 4
Sanayan: 4

Layuning Pampagkatuto: Natataya ang impluwensiya ng mga kaisipang Asyano


sa kalagayang panlipunan at kultura sa Asya.

Gawain 1: TAMA O MALI (15 puntos)

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T kung tama at M kung mali ang
nakasaad sa pangungusap.

_______ 1. Ang kultura ay tumutukoy sa pamamaraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng mga


tao sa isang tiyak na teritoryo na may pagkakakilanlan.

_______ 2. Sa pagkatuklas ng apoy, natutong magluto ng pagkain ang mga unang tao.

_______ 3. Ang wika ang itinuturing na mahalagang sangkap sa pagpapalaganap ng kaisipan,


karanasan, mithiin, paniniwala, kaugalian at pagpapahalaga.

_______ 4. Ang palarawang sining ng mga Asyano ay kilala sa pagsasalarawan ng mga


makamundong bagay tulad ng damit at pagkain.

_______ 5. Ang pagmamahal ay isang sakramento o seremonya sa pamilyang Asyano na


batayan sa pagsisimula o paglaki ng pamilya.

_______ 6. Ang pamahalaan ay isang institusyong ginagalang at sinusunod ng mga


nasasakupan, may mga pinuno at mga batas o alituntunin na pinatutupad.

_______ 7. Edukasyon ang humuhubog kung paano mamumuhay ang tao sa mundo at
mabibigyan ito ng kahulugan.

_______ 8.Sa pag-unlad ng agrikultura nagkaroon ng pantustos ng pagkain ang tao.

_______ 9. Ang sining ng mga Asyano ay umiinog sa relihiyon.

_______ 10. Sa ilalim ng pilosopiya ng Estadong Darma ay nagkaroon ng sentralisadong sistema


ng pagbubuwis.

_______ 11. Nagsimula ang edukasyong pormal nang mailimbag ang kauna-unahang aklat sa
Asya na Diamong Sutra.

_______ 12. Walang bakas ng wikang Sanskrit ang wikang Filipino.

_______ 13. Ang musika ay binubuo sa pamamagitan ng ritmo na nagbigay ng isang batayang
nota.

_______ 14. Ang templo ng Borobudur sa Java at Angkor Wat sa Cambodia ay patunay ng husay
at galing ng mga Asyano sa larangan ng panitikan.

_______ 15. Ang tradisyunal na musika sa mga bansang Asyano ay binuo sa pamamagitan ng
sama-samang ideya ng pangkalawakan (cosmic), pilosopiya, at agham.

2
Araling Panlipunan 7 (Araling Asyano)
Gawain 2: FIT ME IN! (10 puntos)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat panungusap at isulat ang titik:

H. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Heograpiya;


E. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Ekonomiya;
L. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Lipunan;
P. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Pulitika at
Ed. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Edukasyon
SA. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Sining at Arkitektura
WP. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Wika at Panitikan

______1. Sa loob ng mahabang panahon ang Tsina ang itinuring na isa sa pinakamalaking bansa sa daigdig
na may impluwensyang umabot sa Dagat Tsina, Gitnang Asya, Vietnam, Korea at bansang Hapon.
______2. Ang pamilyang Asyano ay mabilis na lumalaki dahil sa pagbibigay halaga sa angkan na nagpapakita
ng paggalang at pagkakaisa sa bawat kasapi nito.
______3. Sa bawat pang-angat ng isang imperyo o dinastiya ay kasabay ang pagsikat ng isang matatag at
matapang na pinunong handang magpatupad ng mga pagbabago sa pamamahala.
______4. Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Asyano.

______5. Dinastiya ang uri ng pamahalaang umiral sa Tsina sa mahabang panahon.

______6. Ang pag-unlad ng agrikultura ay nagbigay daan para sa pakikipagkalakan.

______7. Ang magagandang templo ay patunay ng pagiging malikhain ng mga Asyano.

______8. Ang pamilya ay karaniwang binubuo ng magulang at mga anak na pinagbigkis ng pagkakaisa,
paggalang at pagkakaunawaan.
______9. Ang mga magulang ang siyang naging unang guro ng kanilang mga anak maging noong unang
panahon.
______10. Ang mga tulang isinulat ni Li Po ay kadalasan tungkol sa pag-ibig.

Gawain 3: Fill it Right! (5 puntos)

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at isulat ang tamang sagot sa bawat patlang.

1. Ang katawagang _______ ay tumutukoy sa pamamaraan ng pamumuhay ng isang pangkat kung saan
ang mga kasapi ay nasa isang teritoryo at may pagkakakilanlan.
2. Ang _____________ ng tao noon ay maaaring ilarawan sa yugto ng Pagtitipon at Paghahanap,
Nomadic Pastoralism at ang Pag-unlad ng Agrikultura.
3. Ang sakramento ng _______ ang simula ng buhay-pamilyang Asyano.
4. Sa India nagmula ang pag-uuri ng tao o ang Sistemang __________.

5. Nagsimula ang __________________ nang maimbento ang pagbasa at

pagsulat gayundin ang paglilimbag na nagpasimula ng paggawa ng mga

aklat.

Sanggunian
3
Araling Panlipunan 7 (Araling Asyano)
Mga aklat

Rosemarie Blando,et al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba.


Araling Panlipunan Modyul para sa mga Mag-aaral.

Gabay sa Pagtuturo ng Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng


2010 ( Araling Panlipunan II )

Grace Estela C. Mateo,C. Balonso,L. Agno,R.Tadena.Kagawaran ng


Edukasyon. Asya Pag-Usbong ng Kabihasnan ( Manwal ng Guro sa Araling
panlipunan,Ika lawang Taon)

Mga Website:

Paalala: Para sa mga karagdagang Learning References para sa


aralin ito ay pumunta lamang sa Google Classrom.

4
Araling Panlipunan 7 (Araling Asyano)

You might also like