You are on page 1of 28

64 ENDERUN COLLEGES SCHOLARLY REVIEW

ACADEMIC YEAR 2019-2020/ VOLUME 3, NO. 2

Sipat-Suri sa mga Katutubong Sulat: Salalayan sa Pagbuo ng Mungkahing


Manwal sa Baybaying Filipino
_______________________________________________________________________
Rusell Irene L. Lagunsad
______________________________________________________________________
PhD Student University of the Philippines-Diliman

ABSTRAKTO

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matugunan ang pagsusuri sa


Baybayin batay sa wikang pasulat (simbolong talatunugan, diakritikong marka
at pamilang), kasaysayan at kalinangan at kung ano ang magiging anyo ng
bawat titik ng mungkahing Baybaying Filipino mula sa mga batayang
pinagpilian at dahil sa mga batas na isinusulong upang muling maipakilala ang
Baybayin sa kasalukuyan, ninais ng mananaliksik na magmungkahi ng manwal
na magagamit ng mga guro sa pagtuturo ng katutubong- sulat gayundin ang
mga inobasyon upang makaagapay ito sa kasalukuyang pangangailangan ng
panahon kaya tinawag na Baybaying Filipino.

Gumamit ng magkahalong pamamaraan ang mananaliksik; ito ang


isahang panayam at tutok na grupong talakayan upang mahingi ang kritika ng
mga dalubhasa sa Baybayin patungkol sa awtput ng pag- aaral. Ito ay isang
kuwalitatibong pag-aaral na gagamit ng Modelong Pangkasaysayan dahil
inilarawan ang kalagayan ng Baybayin sa bawat panahon mula sa pag- usbong,
pagkawala at sa muling pagbubuhay nito tungo sa panghinaharap na gamit at
halaga sa kultura.

Natuklasan na ang mga katutubong sulat na umiiral sa Pilipinas bago pa


dumating ang mga Kastila ay magkakahawig. Ang kasaysayan ng Baybayin ay
nahahati sa tatlong yugto: Ang panahon ng liwanag, panahon ng karimlan at
ang panahon ng bagong liwanag. Ang naging batayan sa pagpili ng magiging
porma o istilo ng mga titik-Baybaying Filipino ay may taglay na kalinawan,
karaniwan, kilala, kagandahan, kilanlan, kinatawan, kagaanan at kaangkupan
sa teknolohiya. Bilang kongklusyon, Tuluyan man itong napalitan ng
Romanong alpabeto, hindi pa rin huli ang lahat upang ito‘y muling pagyamanin
SIPAT-SURI SA MGA KATUTUBONG SULAT 65

sa kasalukuyan at mas madali itong matutuhan ngayon ng kahit sinuman kung


simple at payak pa rin ang susundin na alituntunin sa Baybayin at ang mga
inobasyon ay hindi magdudulot ng kalituhan.

SUSING SALITA:

Baybaying Filipino, Katutubong-sulat, Mungkahing Manwal

PANIMULA:

Nagiging mabilis ang pagbabago ng lahat sa kapaligiran at ito ay lalo


pang nag- iibayo sa pagdaan ng mga panahon dulot ng globalisasyon. Maaaring
sa mga pagbabago na iyon ay may tuluyang makalilimutan at magiging bahagi
na lamang ng kasaysayan o maaaring may maibabalik pa lalo na‘t ito‘y naging
malaking bahagi sa paghubog ng pagkatao at kultura ng isang bayan.

Isa sa maituturing na mahalagang identidad ng isang bansa ay ang


sariling panulat. Ginagamit ang pagsusulat upang baybayin ang bawat salita sa
pamamagitan ng mga titik. Ang pamamaraang ito ay tinatawag sa wikang
Ingles na Orthography. Ito ang sining ng pagsusulat at pagbabaybay ng mga
salita gamit ang naaayong mga titik sa alpabetong mayroon sa isang pangkat ng
tao, lipunan o bansa (Almario, 2013).

May iba‘t ibang uri ng sulat sa bawat bahagi ng mundo. Mayroong mga
bansa na may pagkakatulad ang paraan ng pagsusulat. Ito ay patunay na ang
pamamaraan ng pagsusulat ay tumutukoy sa kasaysayan, sining at kultura ng
mga taong gumagamit nito. Nangangahulugan lamang ito na ang paraan ng
pagsusulat ay isang paraan upang kumatawan sa isang lahi. Bilang isang lahing
kayumanggi, nararapat lamang na ipagmalaki natin ang isa sa sariling
pamamaraan sa pagsulat. Mayroon tayong sariling atin at ito ang tinatawag na
―Baybayin‖ (Fernando, 2011).

Isa ang Baybayin sa maituturing o maaaring kilalaning bahagi ng


identidad ng bansang Pilipinas na umiiral na bago pa man dumating ang mga
dayuhan. Sa pagdating ng mga Kastila, pinag-aralan pa nila ito upang mas
66 LAGUNSAD

madali nilang maunawaan ang mga Pilipino tungo sa pagsusulong ng kanilang


pansariling layunin.

Ang salitang ―Baybayin‖ ay unang naitala sa Vocabulario Dela Lengua


Tagala. Ito ang unang diskyunaryong Tagalog na isinulat ng Pransiskanong pari
na si Pedro de Buenaventura na nailathala sa Bai, Laguna noong 1613.
Nakasulat sa diksyunaryo ang salitang ―Baibayin‖ na tumutukoy sa sulat, at
nabanggit din ang salitang ―Baybayin‖ na nangangahulugang ―dalampasigan‖
(seashore) at ―pagbabaybay‖ (to spelled out). Sa isang panayam ni Senador Loren
Legarda sa dating chairman ng National Commission for Culture and the Arts
(NCCA) na si Prof. Felipe de Leon, Jr., noong 2015, sumang- ayon si Prof. De
Leon na ―Baybayin‖ ang tawag sa ating panulat na wika dahil sa tunay na
kahulugan nito sa wikang Tagalog na ―to spell."

Ang pinakaunang ebidensyang nakalap tungkol sa paraan ng panulat


ng mga Pilipino ay noong panahon ng mga Kastila. Ito ay tinatawag na Doctrina
Cristiana na isinulat pagkatapos ng ika-16 na siglo. Katekismo ito tungkol sa
halagahing Kristiyano na isinulat gamit ang lenggwaheng Espanyol, Tagalog sa
alpabetong Latin at Tagalog sa Baybayin (Wolf, 2005).

Hindi maikakaila na sa kasalukuyan, iilan na lamang ang nakasusulat o


nakababasa ng Baybayin. Maaaring nag-ugat ito sa iba‘t ibang dayuhang
namalagi sa Pilipinas na nagpakilala ng kani-kanilang kultura at layunin kaya
ang pag-unawa tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng Baybayin ay naging
limitado o tuluyang naglaho. Ayon nga kay Almario (2014a), ito ang isang
natatangi (o bakâ pinakanatatangi) sa mga katibayan ng naabot na antas ng
pagkahubog sa kulturang Pilipino bago dumating ang mga banyagang
mananakop. Ang ibig niyang sabihin, malinaw na ebidensiya ito ng
awtentikong sinauna‘t katutubo.

Bagaman mabilis ang paglaganap ng Baybayin sa Pilipinas noong


siglong 1500, nanghina ang paggamit at pagsulat ng mga katutubo nang
pumasok ang 1600 dahil sa pagdating ng mga Kastila, sa kabila ng pagsisikap
ng mga prayleng gamitin ito sa pagtuturo ng kanilang pananampalataya. May
iilan pa rin namang mga Pilipino ang ginamit ang mga titik ng Baybayin sa
pagsulat ng kanilang mga pangalan sa ika-17 dantaon hanggang sa simula ng
SIPAT-SURI SA MGA KATUTUBONG SULAT 67

ika-18 dantaon, kahit maraming sulatin na ang nasa wikang Espanyol nang
panahong ito.

Ginamit pa rin ni Gaspar de San Agustín ang Baybayin noong taong


1703. Sinabi niya sa kaniyang Compendio de la lengua Tagala na nakatutulong ang
kaalaman tungkol sa mga titik na Tagalog upang makilala ang pagkakaiba-iba
ng mga punto at sinabi rin niya na ang Baybayin ay ginagamit pa rin noon sa
pagsulat ng mga tula sa Batangas. Ngunit noong 1745, isinulat ni Sebastián
Totanes sa kaniyang Arte de la lengua Tagala na, ―Bihira na ang Indio na
marunong pa ring bumasa ng [mga titik na Baybayin], lalo na ang marunong
sumulat. Lahat sila ay bumabasa at sumusulat na ng ating mga Kastilang titik
ngayon.‖

Nararapat na maitama na rin ang maling kaisipan na tangan-tangan


nang nakararami na ito‘y tinatawag na ―Alibata‖. Sa ulat ni Castillo (2014), sa
GMA News TV, lumalabas sa isinagawang panayam sa ilang mga mag-aaral sa
kolehiyo na ang sinaunang panulat ng mga Pilipino ay ―Alibata,‖ at walang
sinuman ang nakaaalam na ang tunay na tawag dito ay ―Baybayin.‖ Ito raw kasi
ang kanilang natutuhan mula pa ng elementarya. Kahit ang unang limang
karakter ng Baybayin ay hindi nila nalalaman. Kaya naman ang Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) ay nakikipag-ugnayan na sa Kagawaran ng Edukasyon
upang maitama ito.

Ayon kay Almario (2014b), sa kanyang Kulo at Kulorum mula sa opisyal


na websayt ng KWF, ang Alibata ay inimbento ng isang guro na nag-akalang
ang ating Baybayin ay hango lamang sa paraan ng pagsulat ng mga Arabe.
Nahahawig ang mga kurba ng titik ng Baybayin sa iskrip ng mga Arabe. Kaya
naisip niyang likhain ang salitang Alibata mula sa tawag na ―alif” at “ba” at
“ta” para sa mga unang titik ng alpabetong Arabe. Hindi niya alam na sa
gayong paraan ay hinahamak niya na ang naging kakayahan ng mga katutubo
sa Plipinas na lumikha ng kanilang sariling paraan ng pagsulat. Bakit
naniniwala ang mga guro sa Alibata? Simple, dahil ipinalaganap ito ng mass
media at ginamit sa mga teksbuk. Hanggang ngayon, nakakalat sa buong
kapuluan ang mga teksbuk sa Filipino na nagsasabing Alibata ang pangalan ng
katutubong paraan ng pagsulat ng mga Filipino. Hangga‘t hindi inaalis sa mga
silid-aralan at aklatan ang naturang mga teksbuk ay hindi mapipigil ang
kolorum na Alibata.
68 LAGUNSAD

Sa pagdaan pa ng mga panahon, ang Baybayin ay patuloy ngang


nahinto at ipinakilala na ang Romanong alpabeto na ginagamit ng mga Kastila.
Ito ay pinagyamang dating abakada batay sa kautusang pangkagawaran Blg.
81.5.1987 ng Kagawaran ng Edukasyon. Isinagawa ng Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas ang pagreporma sa alpabeto at sa mga tuntunin ng pagbaybay ng
Filipino upang maiayon ang paglaganap ng wikang pambansa sa
pangangailangan na matugunan ang pagbabago, sa kabila nang hindi tuluyang
paglimot sa sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Pilipino.

Batay sa websayt ng isang pangkat na nagsusulong ng Baybayin, ang


Baybayin Buhayin (2012), ang bansang Hapon ay may sariling panulat, ang
Kanji, Katakana at Hiragana. Ang bansang China namanay mayroong Han
character, Hangul sa Korea, at Sukothai Script naman ang sa Thailand. Ang
Pilipinas ay mayroon ding mga sariling salitang panulat bago pa man dumating
ang mga banyagang mananakop na sa pagkakaalam ng karamihan ay ang
naituturo sa ating paaralan. Ang Pilipinas bilang isang bansa sa Asya ay
mayroong sistema ng panulat, ang Baybayin. Subalit ito ngayon ay nabibilang
na sa isa sa endangered alphabet at nanganganib na maging extinct batay sa isang
panayam kay Tim Brookes, isang eksperto patungkol sa Endangered Alphabet
Project, na ang pag-aaral at pagsusuring ito na ginanap sa Pilipinas ay
naglalahad na matibay ang ebidensya na ang panulat na ito ay masasabing
naglaho na dahil sa hindi na ito ginagamit.

Ito ang nagbunsod sa mananaliksik upang magmungkahi ng manwal sa


pagtuturong mga guro ng Baybaying Filipino sa ikalabing-isang baitang.
Tinatalakay ito sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino sa loob ng apat hanggang limang oras sa isang linggo. Magiging gabay
ng guro ang manwal kung paano mas maituturo ang Baybayin sa hakbang-
hakbang na proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Maaari rin itong magamit
ng mga gurong nagtuturo ng Filipino sa anumang antas kapag naisama na sa
kurikulum ang pag-aaral ng Baybayin.

Nasasaad sa House Bill No. 1022 o ang National Writing System Act 2018
na ipinanukala ni 2nd District Pangasinan Representative Leopoldo Bataoil at
sinusuportahan naman ng Kagawaran ng Edukasyon, National Commission for
Culture and the Arts (NCAA) at ng grupong Baybayin Buhayin, hangarin ng
SIPAT-SURI SA MGA KATUTUBONG SULAT 69

nasabing panukala na maideklara ang Baybayin bilang national writing system ng


Pilipinas at makilala ito ng publiko lalo na ng mga mag-aaral.

Patunay lamang ito na may mga nagpapahalagapa rin sa kultura at


kalinangang sarili nating natuklasan. Sa mistulang patuloy na pangangapa natin
sa sariling pagkakakilanlan mayroon pala tayong likha na hindi maaaring
angkinin ninuman. Sa pagsusulong ng mga batas upang gawing national writing
system ng bansa, nagkaroon ng mga diskusyon ukol sa usaping ito. Sa ulat ni
Perez (2018), sa 24 Oras batay sa kanilang panayam sa executive director ng
grupong Sanghabi na si Leo Castro, nangangamba siya na magkahati-hati ang
opinyon ng mga Pilipino sa kung ano ba ang dapat na maging pambansang
sulat. Paano na ang iba pang buhay na sulat na ginagamit tulad sa Mindoro ng
mga Mangyan at sa Palawan? Ayon pa kay Castro, sa isang pagtitipon ng mga
eksperto may napagkasunduang tawag sa pambansang sulat ngunit marapat na
sakop ng writing system na ito ang lahat ng writing system sa bansa. Paglilinaw
ni Castro (2018) na ―Ang isusulong na medyo neutral ay ―suyat‖, pambansang
suyat. Kung ano ang magiging mukha ng sulat ay ‗yun din ay kailangan ding
pag- usapan. Kasi nga kailangan ‗yung sulat ay angkop sa lahat ng wika.‖

PAGLALAHAD NG SULIRANIN:

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang makabuo ng isang


mungkahing manwal upang matutuhan at magamit ng mga guro sa pagtuturo
Baybayin. Sa pag-aaral na ito, sisikaping sagutin ang mga sumusunod na
katanungan:

1. Paano sinuri ang Baybayin batay sa mga sumusunod:


1.1. Wikang Pasulat
1.1.1. Simbolong Talatunugan
1.1.2. Diakritikong Marka
1.1.3. Pamilang
1.2. Kasaysayan
1.3. Kalinangan

2. Paano pinili ang magiging istilo o porma ng mga titik ng mungkahing


Baybaying Filipino?
70 LAGUNSAD

3. Ano ang nilalaman ng mungkahing manwal ng Baybaying Filipino?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL:

Ang pag-aaral na ito ay maaaring magpalawig ng kaalaman sa mga


mambabasa at magsisilbing gabay sa mga sumusunod:

a. Makatutulong sa mga guro upang gamitin na gabay ang mungkahing


manwal sa pagtuturo nila ng Baybayin bilang isa sa kinakailangang
matutuhan ng mga mag-aaral. Kaakibat nito ay mas mahubog at mas
maintindihan ng mga mag-aaral na ang Baybayin ay hindi Alibata
upang maiwasan ang kalituhan.

b. Makatutulong din ito sa Kagawaran ng Edukasyon upang isama na nila


sa kurikulum ang pag-aaral ng Baybayin sa mga araling itinuturo ng
mga guro sa Filipino batay na rin sa kahingian ng Batayang
Konseptuwal na Balangkas sa Pagtuturo ng Filipino K-12 bilang
pagpapahalaga sa turismo, kultura at identidad ng bansa o sa iba pang
kaugnay na asignatura.

c. Sa mga mag-aaral upang maging batayan ang manwal sa mas madali


nilang pagkatuto ng Baybayin at makilala pa ang ibang sulat na
mayroon sa Pilipinas. Makatutulong ito upang hindi mawaglit sa
kaisipan ng mga mag-aaral ang isa sa ating ipinagmamalaking mga
katutubong panulat na may malaking bahagi sa ating pagkahubog
bilang mga Pilipino. Tinutungo rin nito na mahubog ang henerasyong
may pagpapahalaga sa sariling atin.

d. Makatutulong ito sa sa mga mambabatas upang mapagtanto nila na


dapat pagtibayin pa at gawin nang isang opisyal na batas ang
aprubadong House Bill 1022 upang maging pamilyar ang mga Pilipino
sa lahat ng katutubong panulat sa bansa at mabigyang pagpapahalaga
ang mga taoupang pagsikapang pag-aralan na makasulat at makabasa.

e. Sa mga susunod na mananaliksik, maaari nilang magamit ang mga


datos at resulta ng pag-aaral na ito upang mas mapalawig pa at
magkaroon ng marami pang karagdagang pag-aaral hindi lamang sa
SIPAT-SURI SA MGA KATUTUBONG SULAT 71

Baybayin kundi maging sa iba pang katutubong sulat na umiiral sa


bansa.

f. Makatutulong din ito sa mga nagtataguyod ng mga katutubong sulat


sa bansa upang bumuo pa ng mga manwal o ‗di kaya‘y mga sanayang-
aklat na maaaring magamit ng mga mag-aaral upang magkaroon pa
nang mas malalim na pag-aaral at pag-unawa sa mga sinaunang
panulat ng mga Pilipino.

g. Makatutulong din sa mga nagpapakadalubhasa sa Filipino upang sa


kanilang pagpapakadalubhasa ay pag-aralan na nilang mabuti ang
pagsulat at pagbasa ng Baybayin. Maaari nilang magamit ang manwal
upang pag-aaralan ito. Maaari rin itong pasinaya upang maging
kabilang sila sa mga samahan o organisasyon na nagsusulong ng
pagpapataas ng halaga ng mga bagay-bagay na nakaugat sa ating
kultura tulad ng Baybayin.

LAYUNIN NG PAG-AARAL:

Hangarin ng pananaliksik na ito na makabuo ng mungkahing manwal


upang mabigyang pagkilala at masaklaw nito ang mga sulat na umiiral sa
bansa. Makatutulong din ito sa kung paano ituturo ang Baybayin at
makasasabay sa kasalukuyan lalo na‘t limitado lamang ang mga materyal na
mayroon tungkol dito. Magandang instrumento na gamitin ang paaralan upang
matupad ang layunin na maipakilala ang katutubong sulat sa kasalukuyan
dahil kung maisasagawa na nga sa buong bansa ang paggamit nito, paano ito
mauunawaan ng mga tao kung ang nakararami ay walang kaalaman sa
Baybayin lalo na ang mga mag-aaral? Sa madaling sabi, ito ay kinakailangan
nang ituro at ito‘y magiging isang malaking hamon sa mga guro sa Wika at
Panitikan.

METODO:

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin batay sa pasulat at


pangkasaysayang perspektiba ang Baybayin at maging ang mga naging batayan
sa istilo o porma ng mga titik ng mungkahing Baybaying Filipino. Gumamit ng
magkahalong pamamaraan o Mixed Methods ang mananaliksik. Una ang
72 LAGUNSAD

panayam o interview at ikalawa ang tutok na grupong talakayan o focus group


discussion upang mahingi ang perspektiba ng mga dalubhasa sa Baybayin
patungkol sa awtput ng pag- aaral.

Kinapanayam ang tagapagtaguyod ng teoryang ginamit sa pag- aaral na


si Dr. Zeus Salazar at isa ring tagapagsulong ng Baybayin upang kritika ang
awtput at magbigay ng ilang mga mungkahi para sa pagpapaunlad nito sa
kasalukuyang pangangailangan sa sistema ng edukasyon. Kinapanayam din si
G. Leo Castro, isang dalubhasa sa mga katutubong- sulat ng bansa at laging
naiimbitahan upang maging tagapagsalita at magbigay- worksyap sa mga
palihan patungkol sa Baybayin. Hiningan din ng perspektiba at kritika ang
isang guro sa Filipino na nagtuturo din ng Baybayin sa kanilang paaralan bilang
bahagi ng kompetensi na dapat matutuhan ng mga mag-aaral sa ikapitong
baitang. Sila ay kinapanayam upang ibahagi ang kanilang sariling mga
karanasan sa pagtataguyod ng Baybayin sa kasalukuyan at ang lawak ng
kanilang kaalaman patungkol sa paksa na nagamit ng mananaliksik para sa
mga datos na kinakailangan sa pag-aaral.

Ang tutok na grupong talakayan ay isinagawa sa mga aktibong


miyembro kasama ang pamunuan ng pangkat na Taklobo Baybayin Incorporated.
Ito ay isang samahan na nangunguna sa pangangalaga at pagtataguyod ng
Baybayin bilang bahagi ng pambansang kultura at kalinangang Pilipino.
Nakipagpulong ang mananaliksik sa mga kinatawan ng samahan upang hingin
ang kanilang kritika at mungkahi sa awtput na manwal ng Baybaying Filipino
bilang mga maalam din sa Baybayin at tagapagbigay ng mga worksyap sa mga
palihan na kaugnay nito. Tinipon sila at dinokumento ang kanilang mga
pananaw hinggil sa mga mungkahing pananda, mga anyo o istilo ng mga titik
ng Baybaying Filipino at ang kabuuang nilalaman sa manwal ng mananaliksik
kung ito ba ay katanggap- tanggap sa kasalukuyan at kung ito‘y makasasabay
sa alpabetong Romano na nakasanayan at alam ng nakararami. Nagbigay din
sila ng kanilang mungkahi upang mas madaling maunawaan ang Baybaying
Filipino sa anumang edad ng gagamit ng manwal.

Ito ay isang kuwalitatibong pag-aaral na gagamit ng Modelong


Pangkasaysayan o Historical Model. Ito ay pag- aaral na kaugnay sa kasaysayan
bilang proseso ng mga nakaraang pagsisiyasat ng mga kaganapan. Hindi
lamang ito nakatuon sa paglalahad ng mga petsa, katotohanan o paglalarawan
SIPAT-SURI SA MGA KATUTUBONG SULAT 73

ng mga nakaraang pangyayari. Kabibilangan ito ng mga interpretasyon ng mga


pangyayari, sa pagsisikap na matukoy muli ang mga implikasyon, mga
personalidad at ideya na naimpluwensyahan ang mga pangyayaring kaugnay
nito. Bukod dito, ang makasaysayang pananaliksik ay tumutulong upang
makilala ang mga indibidwal bilang isang komunidad dahil ang pagtatayo ng
mga link sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan ay nagpapahintulot sa mga tao
na makita bilang bahagi ng kasaysaysan ang kanilang kultura. Ang isa sa
mahalagang layunin ng makasaysayang pananaliksik ay ang makatulong na
maunawaan ang kultura ng tao (Berg, 2001).

Inilarawan sa pag- aaral na ito ang kalagayan ng Baybayin sa bawat


panahon mula sa pag- usbong, pagkawala at sa muling pagbubuhay nito at
kung paano ito makasasabay sa kasalukuyang sulat na alam ng nakararami
tungo sa panghinaharap na gamit at halaga sa kultura. Ang Baybayin bilang
bahagi ng kasaysayan at muling pagsipat sa nakaraang estado nito bago pa
dumating ang Kastila upang maunawaan ang esensiya ng Baybayin sa
kasalukuyan at maipabatid ang dahilan ng unti- unting pagkawala nito
hanggang sa nawala na sa kamalayan ng mga Pilipino. Ang mga datos na
nakalap tulad ng mga artipak na nagpapatunay ng eksistensiya ng Baybayin ay
sistematikong isinalaysay upang tugunan at maunawaan ang kultura ng tao
gayundin ang mga kasalukuyang nagiging gamit nito sa bansa at sa
pagtataguyod nito ng identidad ng mga Pilipino. Ang mungkahing manwal ay
bunga ng pagsasaliksik ng mga nakaraan at pag- uugnay nito sa kasalukuyan
tungo sa panghinaharap na layunin upang makasabay sa kahingian ng
makabagong panahon dulot na rin ng mga kolonisasyon sa bansa at pag- unlad
ng teknolohiya. Masistematikong inilarawan sa pag- aaral ang bawat histura at
hugis ng mga simbolo na tinipon mula sa iba‘t ibang sulat na umiiral sa
Pilipinas at tinugunan ang lahat ng tunog ng wika na mayroon sa Pilipinas,
kaya tinawag na Baybaying Filipino. Kinakailangang isa-isahin ang bawat
simbolo ng mga sulat tungo sa pagkakaroon ng isang Baybaying Filipino na
masasaklaw at mabibigyang pagkilala ang lahat ng sulat na umiiral sa bansa.
Ang pagsipat sa nakaraan at pagsusuri nito ay nagbunsod upang magkaroon ng
mga mungkahi sa Baybayin tulad na lamang ng mga diakritikong marka na
nagkaroon ng ebolusyon batay sa iba‘t ibang mungkahi mga mananaliksik at
manunulat sa paglipas ng mga panahon.
74 LAGUNSAD

Ang mungkahing manwal bilang isa pa sa mga produkto nito ay lumikha


ng font mula sa mga pinili at tinipong anyo ng titik sa mga umiiral na
katutubong sulat sa bansa at batay pa sa pangangalap ng datos ng
mananaliksik, marami nang fonts ng Baybayin ang nalikha sa kasalukuyan at sa
paglipas ng panahon ito na ang mga magsisilbing mga mahahalagang datos ng
nakaraan na makukuha gamit ang elektroniko.

RESULTA AT PAGTALAKAY:

1. Ang pagsusuri sa Baybayin batay sa mga sumusunod:


1.1. Wikang Pasulat
1.1.1. Simbolong Talatunugan
1.1.2. Diakritikong Marka
1.1.3. Pamilang
1.2. Kasaysayan
1.3. Kalinangan

1.1. Wikang Pasulat

Simbolong Talatunugan

Naipahahayag ng mga Pilipino noon ang kanilang mga nararamdaman


o saloobin dahil nagsasalita sila ng wikang naiintindihan at ginagamit sa
kanilang lugar at isa na roon ang pagpapahayag ng sarili sa pamamagitan ng
wikang pasulat. Kung titingnan pang mabuti ang mga sulat na umiiral sa bansa
ay magkakatulad o magkakahawig ng simbolo na malinaw na nagpapakita na
may malalim na ugnayan ang mga bayan sa Pilipinas. Nagiging magkaugnay
sapagkat nasa loob ng isang komunidad na nagkakaunawaan at may sariling
talastasan na walang impluwensiya ng mga tagalabas. Makikita sa talahanayan
sa ibaba ang ugnayan ng mga sulat. Hindi nalalayo ang hitsura ng mga titik sa
bawat isa bunga rin ito ng pakikipagkalakan kaya naging laganap sa mga
kapuluan.
SIPAT-SURI SA MGA KATUTUBONG SULAT 75

Talahanayan 1
Ang mga Sulat na Ginamit sa Iba’t ibang lugar sa Pilipinas
Bago Dumating ang mga Kastila

Mayroong sistema ng closed circuit, ibig sabihin kung ang isang grupo
ng tao ay nag-uusap lamang hinggil sa sarili at sa isa‘t isa. Nagkakaintindihan
ang lahat na hindi na dapat tukuyin ang iba pang bagay na nasa labas o
panlabas. Ang sariling kabuuan ay nakasalalay sa pagkakabit-kabit ng mga
elementong kultural at panlipunan sa isa‘t isa, na naipamamahagi at
naiintindihan ng mga taga-grupong etniko sa iisang wika: ang sarili. Ang
kalagayan, konsepto, kaisipan at ugali na maaaring pagtuunan ng pansin ay
madaling maiintindihan, dahil napapaloob sa ating sariling lipunan at
kalinangan na kapwa ipinahihiwatig ng (at nakabalot) sa isang wikang
nauunawaan ng bawat isa.

Ang Baybayin na ginagamit noon ng mga katutubo ay binubuo ng


labimpitong (17) mga simbolo na may tatlong (3) patinig at limang (14) katinig.
Ang mga patinig na ―e/i‖ at ―o/u‖ ay iisa lang ang gamit ng tunog sa mga
katutubo. Mga ponemang malayang nagpapalitan sa kanila, ngunit hindi ito
nagdudulot ng kalituhan sa kanila.
76 LAGUNSAD

Pigura 1. Ang mga Patinig

Gayundin ang ―da/ra‖. Iisa lang ang gamit ng mga ito ngunit
nauunawaan pa rin nila ang kontekstong nakapaloob sa salita alinman ang
gamitin sa dalawang pantig na ito.

Pigura 2. Ang mga Katinig

Ayon sa inilahad ni Paul Morrow (2002) sa kaniyang websayt na Ang


Baybayin, ang Baybayin ay binabasa mula sa kaliwa patungo sa kanan sa loob
ng mga pahalang na hanay na nagsimula sa itaas pababa, katulad ng ating
pagbasa sa Pilipino ngayon. Subalit, noon pa man ay pinagtatalunan na ito ng
mga dalubhasa. Ang pagtatalo ay bunga ng ilang hindi magkatugmang ulat
SIPAT-SURI SA MGA KATUTUBONG SULAT 77

mula sa mga unang Espanyol sa Pilipinas na nalito dahil nakita nila noon na
hindi nahirapan ang mga sinaunang Pilipino sa pagbasa ng sariling sulat
maging baligtad man o hindi ang sulatin.

Mga Diakritikong Marka


Nang dumating ang mga Kastila sa kapuluan ng Pilipinas, nadatnan
nilang mayroon nang sariling katitikan na laganap na ginagamit ng mga
katutubo noon. At napansin nilang tila may kakapusan ang ating mga titik,
kailangan pa raw hulaan ng bumabasa ang mga katinig na bitin sa hulihan ng
pantig. Ito‘y nagpapakilalang sila ang walang sapat na kabatiran at kinapos ng
panahong makapanaliksik at nauwi na lamang sa paninira upang sa gayon ay
maipasok nila nang madali ang dalang alpabetong Romano. Maipakikita rito na
kahit tila nga may kakapusan ay nagagawa pa rin na magkaunawaan ng ating
mga ninuno, dahil sila‘y nasa iisang kultura, gumagamit ng wikang
naiintindihan ng nakararami kaya madali nilang nauunawaan ang bawat isa.
Alam nila ang konseptong nakapaloob sa kanilang mga binabasa dahil sa
ugnayan na namamagitan sa nagsusulat at nagbabasa. Nagkakaunawaan ang
lahat kahit noon pa man na wala pang nanghihimasok na mga dayuhan.

Ang tangi lamang ginagamit na pananda noon ay ang tinatawag na

―kudlit‖
Inilalagay ang kudlit kung ang pantig ay nagtatapos sa patinig na ―e/i"
at kudlit sa ibaba kung ito ay nagtatapos sa patinig na ―o/u‖. Ito rin ang mga
pananda na makikita sa unang dokumentong naitala na may Baybayin. Ito ay
tinatawag na ―Doctrina Cristiana‖ na nalimbag sa Maynila noong 1593 sa
limbagan ng Intsik na si Juan De Vera. Katekismo ito (tungkol sa ―halagahang
Kristyano‖) at isinulat ang Doctrina gamit ang lenggwaheng Espanyol, Tagalog
sa alpabetong Latin at Tagalog sa Baybayin. Ito ay kasalukuyang nasa US
Library of Congress samantalang ang nasa Unibersidad ng Santo Tomas ay
replika na lamang (Enage, 2015).

Ang mga bantas lamang na ginagamit noon ay ang danda o isang


guhit patayo para sa kuwit at ang kapid-danda na dalawang guhit patayo na
panumbas sa tuldok.
78 LAGUNSAD

Nang dumating na ang mga mananakop sa ating bayan, nahirapan ang


mga misyonerong Kastila sa paraan ng pagbabaybay ng mga katutubong
Pilipino. Upang malutas para sa kanila ang ―suliraning‖ ito, nagmungkahi ang
mga Kastilang misyonero ng isang inobasyon- ang paglalagay ng kudlit na
hugis krus (+, x) sa ilalim ng katinig na nangangahulugang tinatanggal ang
tunog-patinig ng isang katinig (Gavino, 2012). Ito ay simbolo ng Kristiyanismo
na kanilang layon palaganapin noon sa Pilipinas. Sang-ayon sa mga
mananaysay, may kakapusan ang ating mga titik, kailangan pa raw hulaan ng
bumabasa ang mga katinig na bitin sa hulihan ng pantig. Ito ang siyang dahilan
upang pasukan ng pagbabago ni Padre Francisco Lopez ang palasulatan sa
pamamagitan ng isang maliit na krus o addition mark sa aritmetika na
inilalagay sa ilalim ng katinig na mabibitin.

Sa paglipas ng mga panahon nagkaroon na ng iba‘t ibang mungkahing


mga panandang gagamitin sa pagsulat ng mga salita sa Baybayin. Tingnan ang
talahanayan ng ilang mga bumuo ng manwal sa pag-aaral ng Baybayin sa
susunod na pahina.

Talahanayan 2

Mga Mungkahing Pananda na Ginagamit sa Pagbabaybay ng mga Salita sa


Baybayin

May- akda Aklat Ta-on A E I O U Pangkalta Mga


s- Patinig Bantas

Guillermo Ang Wika 1937 tuldok sa tuldok tuldok sa tuldok sa tuldik sa tuldok- .
E. at ang itaas sa itaas ibaba ibaba unahan kuwit-,
Tolentino Baybayin ng
g Tagalog simbolo

Mariano D. Palatiti- 1966 gurlis sa tuldok maiksing tuldik sa tuldok- .


Canseco kang itaas sa itaas guhit sa ibaba kuwit-,
Kayu- ibaba
manggi _
SIPAT-SURI SA MGA KATUTUBONG SULAT 79

Bayani M. BAYBAYI 1992 linyang linyang linyang linyang linyang


De Leon N: The pahiga sa patayo pahiga patayo sa pahilis sa tuldok- .
Ancient itaas sa itaas ibaba itaas ibaba
Script of pagkata-
the _ _ pos ng
Philippin simbolo
es
Concise
Manual
tuldok- .
Marius Abaka- 1994 gitli dala-wang tuldok linyang linyang gitling sa
Diaz dang ng tuldok sa sa itaas pakur-ba pakur- itaas kuwit-,
Rizaleo sa itaas pasara sa ba pabu-
itaas itaas kas sa tutuldok-
itaas
_
_ tuldok-
kuwit-

tandang-
pananong

tandang
padam-
dam-

gitling-

panipi-

gamit sa
pangngal
ang
pantangi-

tuldok- .
Politek- 2016 gitli dala-wang tuldok linyang linyang
nikong ng tuldok sa sa itaas pakur-ba pakur- kuwit-,
Bayba-
Uniber sa itaas pasara sa ba pabu-
ying PUP
sidad ng itaas itaas kas sa tutuldok-
Pilipi- itaas
nas
80 LAGUNSAD

(BSEd (Panu- _ tuldok-


Filipino) lat ng kuwit-
Unang
Pilipino)
tandang-
pananong

tandang
padam-
dam-

gitling-

panipi-

gamit sa
pangngal
ang
pantangi-

Dr. Bonifa- Baybayin: 2018 kudlit sa kudlit kudlit sa kudlit sa gitling sa tuldok- .
cio Coman- Ancient itaas sa itaas ibaba ibaba gawing kuwit-,
dante, Jr. Filipino kaliwa ng
Script simbolo

Pamud- tuldok- .
Rusell Mungka- 2018 kudlit sa gitling kudlit sa gitling sa pod na kuwit-,
Irene L. hing itaas sa itaas ibaba ibaba ginaga-
Lagun-sad Manwal mit sa
sa Surat-
Pagtuturo Mang-yan
ng Bayba- sa gawing
ying kanan ng
Filipino simbolo
paibaba
SIPAT-SURI SA MGA KATUTUBONG SULAT 81

Pinakakaraniwang ginagamit na diakritikong marka ay ang tuldok. Halos


lahat ay nagmungkahi ng iba‘t ibang marka para mauri ang pagkakaiba ng
tunog ng ―e‖, ―i‖, ―o‖ at ―u‖. Hindi ipinanatili sa mga mungkahi ang
diakritikong marka na ginamit sa Doctrina Cristiana. Hindi ginamit ng mga
nagmungkahi ang krus para sa pangkaltas patinig ngunit sa pamilang
karamihan ay pinanatili pa rin ang dalawang marka lamang na danda at kapid-
danda.

Pamilang
Noong panahon bago dumating ang mga Kastila, karaniwang
ginagamit ng mga sinaunang Pilipino ang Baybayin sa pagsulat ng mga tula
lamang, mga dokumento o ‗di kaya‘y maiikling mensahe sa isa‘t isa. Hindi nila
iniangkop ang Baybayin upang gamitin sa pangangalakal o mga kaalamang
pang-agham kaya hindi ito nagkaroon ng mga pambilang. Ang mga bilang ay
isinusulat nang buo kagaya lahat ng ibang salita (Morrow, 2002).

Halimbawa:
isa- tatlo-

dalawa- apat-

Si Dr. Bonifacio Comandante, Jr. ay nagmungkahi ng panumbas sa mga


pamilang ng Baybayin. Tingnan ang pigura sa ibaba:

Pigura 3. Ang Mungkahing Pamilang sa Baybayin ni Dr. Bonifacio


Comandante, Jr.
82 LAGUNSAD

1.2. Kasaysayan

Ito ay nahahati sa tatlong bahagi: ang panahon ng liwanag, panahon ng


karimlan at ang panahon ng bagong liwanag. Ang pinakabuod nito sa agos ng
kasaysayan ay ang pangyayaring dahil sa kolonyalismo‘y nawala o unti-unting
nawasak. Hindi karimlan ang panahon bago dumating ang mga Kastila kundi
kaliwanagan. Nang dumating sila, nagkaroon ng pagbagsak ang kabihasnang
katutubo dahil sa nawalan ng interes ang mga Pilipino na pagyamanin ito.

Bago pa man dumating ang mga mananakop sa kapuluan ng Pilipinas,


sa buong kapuluan, napakagaling sumulat ng mga katutubong tao sa
pamamagitan ng kanilang mga titik. Ang lahat, mga babae tulad ng mga lalaki,
ay sumusulat sa wikang ito at iilan lamang ang hindi nakakasulat nang
mahusay at wasto. Ito ang nadatnan ng mga Kastila nang dumaong sila sa
kapuluan ng bansa kaya nabanggit nila na mahilig magsulatan ang mga
Tagalog noon pa man at sila ay lumalagda pa gamit ang Baybayin. Ito ay
laganap partikular sa mga komunidad sa baybay-dagat, kabilang ang mga
Tagalog, Bisaya, Iloko, Pangasinan, Bikol, Pampanga, marahil sa pamamagitan
ng ruta ng pakikipagkalakalan. Pinag-aralan ito ng mga Kastilang prayle at
ginamit sa pakikipag- ugnayan at pagtuturo ng Katolisismo. Ang nadatnan nila
ay isang kabihasnan na sibilisado at naiiba sa kanilang lipunan. Isang
pamayanan na may maliit na yunit ng pamahalaang tinatawag na ―barangay‖ at
ang mga tao ay bihasa sa pagsulat at pagbasa. Namumuhay nang payapa ang
mga tao at organisado, may sariling pamunuan, hanapbuhay, paraan ng
pagkatuto at iba pa.

Ang panahon ng karimlan ay ang pagdating ng mga mananakop na


pilit nagtapon sa lahat ng nakagawian ng mga katutubo noon at palitan ng mga
Kanluraning kaisipan. Natigil ang paggamit ng Baybayin bagaman pinag-aralan
pa ito ng mga Kastila upang mas madali nilang maunawaan at makuha ang
loob ng mga katutubo. Karamihan sa mga naisulat na panitikang katha ng mga
katutubo ay sinunog ng mga Kastila. Nabura at natunaw ang ibang nailathala
na mga sulat sapagkat nakasulat ang mga ito sa balat ng punong kahoy at mga
dahon ng halaman. Itinuro pa ang Romano Alpabeto at dahil ang Baybayin ay
patuloy ngang nahinto at ipinakilala ang bagong alpabetong Filipino. Ito ay
pinagyamang dating abakada batay sa kautusang pangkagawaran Blg. 81.5.1987
ng Kagawaran ng Edukasyon. Isinagawa ng ―Linangan ng mga Wika sa
SIPAT-SURI SA MGA KATUTUBONG SULAT 83

Pilipinas‖ ang pagreporma sa alpabeto at sa mga tuntunin ng pagbaybay ng


Filipino upang maiayon ang paglaganap ng wikang pambansa kailangan nating
tugunin ang pagbabago hanggang sa tuluyan na ngang nalimot ang paggamit
nito hanggang sa kasalukuyan. Ito ang tinutukoy na ―sigwa‖ sa bahagi ng
tulang Sa Aking mga Kabata.

Maraming paraan ang isinasagawa ngayon upang maisulong at


mapagyaman ang Baybayin. May mga batas na rin na isinusulong sa kongreso
at senado upang kilalanin ito bilang pambansang panulat. Ang House Bill No.
1022 o ang National Writing System Act 2018 na inaprubahan noong Abril, 2018
na ipinanukala ni 2nd District Pangasinan Representative Leopoldo Bataoil at
sinusuportahan naman ng Kagawaran ng Edukasyon, National Commission for
Culture and the Arts (NCAA) at ng grupong Baybayin Buhayin, ay naghahangad
na maideklara ang Baybayin bilang national writing system ng Pilipinas at
makilala ng publiko lalo ng mga mag-aaral.

Kaugnay din nito ang House Bill 1018 na katapat ng Senate bill no. 1899
na iniharap sa senado ni Senador Loren Legarda noong 2013 na nagsasabing
kinakailangang gamitin ang Baybayin sa mga opisyal na logo ng mga ahensiya
ng pamahalaan, departamento at maging mga opisina (An Act Institutionalizing
the Use of Baybayin in All Official Logos of all Government Agencies, Departments and
Offices, 2013). Hindi pa man ito naisasabatas ay mayroon nang ilang ahensiya ng
pamahalaan na gumamit nito sa kanilang logo tulad ng Pambansang Museo ng
Pilipinas, Pambansang Aklatan ng Pilipinas, National Commision for Culture and
the Arts, Cultural Center of the Philippines, Komisyon ng Wikang Filipino.

Mayroon tayong maluwalhating nakaraan at ang Baybayin ang


magbubuklod-buklod sa atin. Nakakabit ang sulat sa wika at ang wika ay
nakapaloob sa kultura, kung napapagyaman ang mga ito gayundin ang
pagpapalinang ng mga kaalamang patungkol sa kasaysayan ng ating bansa.
Marapat na magkaisa ang lahat ng Pilipino sa pagtatatag ng sariling ―tayo‖
upang hindi tuluyang mawala ang mga mahahalagang bahagi upang mabuo
ang ating identidad na pinalitan ng mga kanluraning bayan.

2. Ang naging batayan sa istilo o porma ng mga titik ng mungkahing


Baybaying Filipino
84 LAGUNSAD

Ang Baybaying Filipino ay sasaklaw sa mga sulat na likas sa atin. Mula


roon ay pipili ng isa hanggang tatlong (1-3) simbolo sa bawat lalawigan saka ito
titipunin hanggang sa mabuo ang 17 titik na tatawaging Baybaying Filipino.
Tingnan ang bawat talahanayan at suriin kung saan nagmula ang hitsura ng
bawat simbolo gayundin ang kahulugan at dahilan kung bakit iyon ang kinuha
ng mananaliksik. Ang piniling simbolo ay maaaring magtaglay ng tatlong (3)
pamantayan o higit pa na nakatala sa ibaba:

Kalinawan- Ito ang may pinakamalinaw na detalye ng porma ng titik. Buo


ito at ganap kaya mas madaling maisusulat o matatandaan.
Kagaananan- Ito ang mga simbolo na madaling isulat dahil sa pagiging
payak at simple.
Karaniwan- Ito ang pinakapalasak sa lahat. Mayorya ng mga sulat ay may
iisang anyo o porma ng titik.
Kagandahan- Ito ay estetikong titingnan. Payak at simple lamang kung
titingnan ngunit may dating sa mata ng titingin dahil sa kabuuan at kalinawan
ng anyo.
Kinatawan- Ito ang pamantayan para ang lahat ng lalawigan ay mayroong
pinagkunan na simbolo.
Kaibahan- Ito ang mga simbolo na magiging tatak o pagkakakilanlan ng
Baybaying Filipino upang maiuri ito na may sarili ring taglay na anyo na kaiba
sa iba pang mga sulat.
Kilala- Ito ang titik na may lapit sa Baybayin para sa pamilyarisasyon
upang mas madaling matandaan o matutuhan dahil hindi nalalayo sa
Baybaying Tagalog.
Kaangkupan sa Teknolohiya- Ito ang titik na madaling iagapay sa
makabagong teknolohiya tulad ng paglilipat mula sa sulat patungo sa mga fonts.
Madaling gawin sa kompyuter.

3. Ang nilalaman ng mungkahing manwal ng Baybaying Filipino

Ang mungkahing manwal ay nahahati sa walong araw dahil sa


sekundaryang paaralan, isang oras ang pagtuturo ng asignaturang Filipino at
ito‘y apat na araw sa isang linggo na may kabuuang dalawang linggo. Ang
unang bahagi ay ang Pasinaya. Nilalaman nito ang patungkol sa manwal at ang
naging batayan upang mabuo ang prinsipyo na nais palutangin sa manwal.
Inilagay din dito ang dahilan kung bakit dapat pag-aralan ang Baybaying
SIPAT-SURI SA MGA KATUTUBONG SULAT 85

Filipino sa kasalukuyan Nakapaloob dito ang patungkol sa batas na isinusulong


sa muling pagkilala at paggamit ng Baybayin at ang suliraning kinakaharap nito
tulad ng dapat ay maging neutral sa lahat ng sulat na mayroon sa bansa hindi
lamang ang Baybayin ng mga Tagalog.

Ang mga sumunod na bahagi ay ang proseso ng pag-aaral ng


Baybaying Filipino. Sa unang araw, ay tatalakayin muna ang maikling
kasaysayan ng pinagmulan ng Baybayin mula sa labas, na ito ay maaaring
nanggaling sa Kawi iskripo sa Bugis iskrip na wika ng Sulawesi sa Indonesia o
kaya‘y ito‘y hango sa mga iskrip sa silangang bahagi ng India. Mayroon ding
mga pananaw o teorya ng pinanggalingan nito sa loob. Tulad ng
pagpapakahulugan ni Guillermo Tolentino (1937) na inuugnay sa mga bagay na
mayroon sa kalikasan ng tao. Ang kay Bonifacio Comandante (2009) na mula
raw ito sa taklobo at sa atomo naman ang kay Gandhi Cardenas (2001).
Ipinakilala na rin sa bahaging ito ang mungkahing Baybaying Filipino ng
mananaliksik.

Sa ikalawang araw naman ay inilahad na rito ang iba‘t ibang


katutubong sulat na umiiral sa Pilipinas na siyang pinaghanguan ng iba‘t ibang
titik saka tinipon at tinawag na Baybaying Filipino upang saklaw nito ang lahat
ng sulat hindi lamang ng mga katagalugan. Ipinakita ito sa pamamagitan ng
mga talahanayan at binigyang paliwanag ang kahulugan ng mga titik at kung
bakit iyon ang pinili. Pumili ng 1-3 simbolo sa bawat lalawigan.

Ang ikatlong araw naman ay ang bahagi ng pagsisimula ng pag-aaral na


magsulat ng Baybaying Filipino dahil naipakilala na ang pinaghanguan ng
magiging hitsura o porma ng mga titik o simbolo. Magsasanay na ang mga
kamay na magsulat ng mga patinig at katinig ng Baybaying Filipino para sa
pamilyarisasyon at sa hulihan ay laging may pagbabahagi ng sariling danas
ukol sa naging karanasan nila sa pagsusulat. Maaari rin na ang mga katanungan
ay maging gabay na tanong ng guro na ibibigay sa klase.

Ang ikaapat at ikalimang araw naman ay inilaan para sa pag-aaral ng


inobasyon o ang mga mungkahing paggamit ng mga pananda sa Baybaying
Filipino upang mapaghiwalay ang gamit ng tunog ―e/i‖ at ―o‖/u‖. Ang kudlit
at gitling ang ginamit na mungkahi para rito. Ipinaghiwalay din ang gamit ng
―da‖ at ―ra‖ upang makasabay ang ating titik baybayin sa mga salita sa
86 LAGUNSAD

Pilipinas na hindi malayang nagpapalitan ang mga titik na nabanggit. May


pagsasanay pa rin na inihanda para sa pagsulat naman ngayon ng mga titik na
may pananda na at pagsasalin ng mga salita tungo sa Baybaying Filipino at
kabaligtad din. Dalawang araw ang inilaan dito upang mas mapagtuunan ng
pansin ang proseso ng pagtanggap ng impormasyon ng utak lalo na‘t maaari
silang malito sa paggamit ng mga pananda. Kaya nga naglaan ng mas
maraming pagsasanay sa araw na ito.

Ang ikaanim na araw naman ay isang inobasyon pa uli, ang


pangdaragdag ng mungkahing pangkaltas-patinig upang mabaybay ang mga
salita sa ating bansa na may mga nagsosolong katinig. Ginamit ang pamudpod
tulad ng ginagamit sa surat Mangyan. Pagkatapos ay ang mga pagsasanay sa
pagbabaybay ng mga salita, na gagamitin na ang pamudpod upang makaltas
ang patinig sa isang pantig. Kinakailangan ito upang makasabay sa pagbabago
at nakasanayan ng lahat. Nagbigay pa ng karagdagang kaalaman tulad ng
paggamit ng bantas na dalawa lamang ang kinikilala sa ating Baybayin ang
danda at kapid-danda na ibinatay sa Doctrina Cristiana.

Sa ikapitong araw ay inilahad naman ang panumbas sa mga titik banyaga


na ginagamit ng lahat. Ipinakita rito ang konsepto na ang ating Baybayin ay
makasasabay sa wikang banyaga kahit hindi ito tumbasan ng panibagong
simbolo ngunit may mga titik sa alpabetong Romano na kinailangang tumbasan
ng isa pang simbolo sapagkat wala ito sa ating abakada ngunit ito pala ay likas
na tunog ng wika sa Pilipinas at ito ang ―f‖, ―j‖, ―v‖ at ―z‖ na nasa wika ng ilang
mga etnikong pangkat sa Pilipinas. Sa araw na ito ay maraming nang
pagsasanay ang inihanda dahil natalakay na ang lahat ng alituntunin sa
pagsulat ng Baybaying Filipino. May mga pagsasanay na isusulat na ang
sariling pangalan sa Baybaying Filipino, pagsasalin ng parirala, pangungusap,
tula hanggang sa gawain ng paglikha.

Ito ang huling araw na tinawag na gawain ng paglikha. Inaasahan sa araw


na ito ay maalam na sa pagsulat ng Baybaying Filipino ang mag-aaral at dahil
nakapagsanay na mula sa basikong pagsulat ng mga tunog, pantig, parirala,
pangungusap at pagsasalin ng mga tula ngayon naman ay bubuo na ng isang
sanaysay na naglalaman ng sariling opinyon hinggil sa isang napapanahong
isyu sa mga katutubong panulat sa bansa.
SIPAT-SURI SA MGA KATUTUBONG SULAT 87

Ang huling bahagi ay ang talaan ng mga balidong sanggunian o


pinagkunan ng mga datos o impormasyon na inilahad sa manwal. May mga
aklat, pag- aaral at panayam at sa pinakadulong pahina ang pasasalamat sa mga
taong naging instrumento upang maging ganap ang manwal bagaman hindi
perpekto ay napunan naman nila ang mga kakulangan.

Lagom ng Natuklasan
Batay sa pagsusuri ng mananaliksik, lumabas ang mga sumusunod na
natuklasan:

1.1 Na ang mga katutubong sulat na umiiral sa Pilipinas noon bago pa


dumating ang mga Kastila ay magkakaugnay at magkakahawig. Malinaw na
ipinapakita nito na may malalim na ugnayan ang mga bayan sa Pilipinas.
Nagiging magkaugnay sapagkat nasa loob ng isang komunidad na
nagkakaunawaan at may sariling talastasan kahit walang impluwensiya ng mga
taga-labas at hindi kasamang binabaybay sa Baybayin ang mga nagsosolong
katinig dahil laging magkapares ang patinig at katinig at hindi mapaghihiwalay
at walang panumbas sa nag-iisang katinig. Ngunit iyan ay nagagawang
maunawaan ng mga katutubong Pilipino dahil sa konteksto, kultura at
unawaan na nakapaloob dito sa pagitan ng dalawang nagtatalastasan o ang
tinatawag na closed circuit.

1.2 Na ang kasaysayan ng Baybayin ay nahahati sa tatlong yugto: ang


panahon ng liwanag, panahon ng karimlan at ang panahon ng bagong liwanag
at ito ay ay laganap na ginagamit noon dahil sa pagiging payak o simple nito
kaya madaling matutuhan ng sinuman.

1.3 Na ang mga liktaong nadiskubre at mga naitalang dokumento na


may Baybayin ay patunay na mayoon nang umiiral na sariling kalinangan noon
pa man sa mga katutubong Pilipino at bahagi na ito ng kanilang pamumuhay at
kultura.

2. Na ang naging batayan sa pagpili ng magiging porma o istilo ng mga titik-


Baybaying Filipino ay ang taglay na kalinawan, karaniwan, kilala, kagandahan,
kilanlan, kinatawan at ang kagaanan.
88 LAGUNSAD

3. Na ang mungkahing manwal sa Baybaying Filipino ay kalipunan ng iba‘t


ibang mga katutubong sulat na umiiral sa bansa bago pa dumating ang mga
mananakop at saka tinipon upang mabuo ang labimpitong (17) mga simbolo at
ang mga karagdagang mungkahing panibagong titik para matumbasan ang iba
pang likas na tunog na mayroon sa mga wika sa Pilipinas.

KONGKLUSYON:

Batay sa pagsusuri, nakabuo ang mananaliksik ng mga sumusunod na


kongklusyon:

1.1 Madaling matututuhan ang iba pang mga likas na sulat sa bansa at
mataas ang dunong na taglay ng mga Pilipinong Katutubo noon pa man.
1.2 Matagal na panahon man ang lumipas at ito‘y tuluyan nang
napalitan ng Romanong alpabeto at nawaglit na sa kaisipan ng mga Pilipino,
hindi pa rin huli ang lahat upang ito‘y muling ipakilala at pagyamanin sa
kasalukuyanat mas madali itong matutuhan ngayon ng kahit sinuman kung
simple at payak pa rin ang susundin na alituntunin sa Baybayin at ang mga
inobasyon ay hindi magdudulot upang maging mas kumplikado ang pag-aaral
ng Baybayin.
1.3 Ang mga ebidensiyang nakalap ay patunay na noon pa man ay
bahagi na ng sistema ng pamumuhay ng mga Pilipino ang sinaunang sulat na
Baybayin.

2. Ang pagpili sa mga titik na bubuo sa Baybaying Filipino ay maraming


pinagbatayan.

3. Maipakikita ang pagiging patas o neutral na pagbibigay kilala sa lahat ng mga


sulat na umiiral sa bansa bago pa man dumating ang mga mananakop.

REKOMENDASYON:

Batay sa mga nabuong kongklusyon ay iminumungkahi ng mananaliksik


ang sumusunod:
SIPAT-SURI SA MGA KATUTUBONG SULAT 89

1.1 Magsagawa pa ng maraming seminar-worksyap patungkol sa


Baybayin at sa iba pang katutubong sulat sa bansa gayundin ang mga samahan
na malawak ang kaalaman patungkol sa usaping ito, na magtulungang
maglathala ng marami pang manwal o aklat ng Baybayin at ng iba pang
katutubong sulat sa Pilipinas upang maraming mapagkukunang sanggunian at
gabay para ituro o pag-aralan ang mga ito at bago ituro o pag-aralan ang iba
pang mga mungkahing modipikasyon sa Baybayin ay marapat na pag-aralan
muna ang basikong alituntunin patungkol sa pagsulat nito na walang halong
anumang inobasyon ng Kastila. Nang sa gayon ay maiwasan ng mga nag-aaral
ng Baybayin sa kasalukuyan na isipin na mali ang ganitong paraan ng dahil sa
may tila kakulangan sa pagbabaybay ng salita.

1.2 Tiyakin ng lahat ng nagmumungkahi ng mga inobasyon sa Baybayin


na hindi gawing kumplikado ang istilo ng pagsulat ng bawat simbolo at ang
alituntunin ay hindi pa rin nalalayo sa orihinal sapagkat ang Baybayin ay
marapat na simple at madaling maisulat. Sa ngayon, mas nararapat ang
ganitong mga manwal at inobasyon na payak lamang para sa mga nagsisimula
pa lamang sa pag-aaral ng Baybayin upang maiwasan din ang kalituhan sa
kanila at isama na sa mga araling tinuturo ang Baybayin sapagkat una sa lahat,
dapat ang kahusayan ng ating lahi at pagpapahalagang Pilipino ang itinuturo sa
klase upang malinang na sa mga kabataan palamang ang pagkilala sa sariling
identidad.

1.3 Magkaroon ng kampanya ang mga museyo o anumang ahensiya ng


gobyerno na nangangalaga ng mga liktaong natuklasan na may Baybayin upang
mahikayat ang mga Pilipino na bisitahin at tuklasin ang kasaysayang
nakapaloob dito gayundin ang mga unibersidad na may hawak ng mga legal na
dokumento na ginamit noon na may sulat-Baybayin, na mas maging bukas sa
publiko upang makita ito nang mas nakararaming Pilipino.

2. Mailathala ang mungkahing manwal at hindi lamang magiging bahagi ng


silid-aklatan upang magamit at mapakinabangan nang mas nakararami lalo na‘t
limitado lamang ang mga aklat o manwal na mayroon sa kasalukuyan tungkol
sa Baybayin na magagamit sa pag-aaral nito.

3. Magsagawa pa ng ibang pananaliksik o pag-aaral sa lahat ng mga katutubong


sulat na mayroon sa ang bansa.
90 LAGUNSAD

SANGGUNIAN:

Almario, Virgilio S. 2014a. Ang Kaso ng Baybayin at ang Sinaunang Katutubo sa


Kulturang Filipino. Komisyon sa Wikang Filipino, Maynila.

Almario, Virgilio S. 2014b. ―May Alibata ba tayo?‖ Komisyon sa Wikang Filipino.


http://kwf.gov.ph/kulo-at- kolorum-2/.

Almario, Virgilio S. 2013. Binagong Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino.


Komisyon sa Wikang Filipino, Maynila.
https://mlephil.files.wordpress.com/2013/04/binagong-ortograpiya-sa
wikangfilipino.

Bataoil, Leopoldo N. 2016. House bill 1022. http://www.congress.gov.ph/legis


docs/basic_17/ HB01022.pdf.

Baybayin Buhayin. 2012. ―About Baybayin Buhayin‖. http://baybayinbuhayin.


blogspot.com/p/about-baybayin-buhayin.html.

Berg, Bruce. L. 2001. ―Historiography and Oral Traditions. In Qualitative


Research Methods for the Social Sciences.‖ MA: Allyn and Bacon. 4th, 210-
224. https://sisis.rz.htwberlin.de/inh2012/12424693.pdf

Castillo, Cedric. (2014). ―Baybayin at Hindi Alibata, Tamang Tawag sa


Sinaunang Titik nating mga Pilipino‖ [Balita sa Telebisyon]. Metro Manila.
GMA News TV. https://www.youtube.com/watch?v=qkXKRP5KK9k.

Castro, Leo Emmanuel. 2018. ―Basic Baybayin‖. Seminar presented at


Pandayang Baybayin, CraftMNL, Makati City.

Comandante, Bonifacio. Jr. (2009). The Role of Giant Clams in the Development of
the Ancient Baybayin script (Disertation). University of the Philippines, Los
Baños.

Enage, Jose Jaime R. 2015. ―Kasaysaysayan ng Alpabetong Pilipino‖. (M.


Verallo, at A. Lagunzad, Tagapanayam). [Programa sa telebisyon]. Good
SIPAT-SURI SA MGA KATUTUBONG SULAT 91

Morning Kuya. Nakuha mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=zEm0I8K-2vQ&t=45s.

Fernando, Alexa Ray. 2011. ―Ang Baybayin.‖ [Dokyumentaryo]. Metro Manila,


Pilipinas. https:// www.youtube.com/watch?v=1Q5G4qcostg.

Gavino, Minifred P. 2012. BAYBAYIN ATBP. Mga Pag-aaral at Pagpapayaman ng


Kulturang Pilipino. Pilipinas.

Morrow, P. (2002). Baybayin- ang lumang sulat ng filipinas. Nakuha mula sa


http://paulmorrow. ca/baybay1.htm.

Perez, Tina- Panganiban. 2018, Abril 24. ―Baybayin Isinusulong na Gawing


Pambansang Paraan ang Pagsusulat‖.
https://www.youtube.com/watch?v=xwptR5fAnoc

Wolf, Edwin. (2005). The first book printed in the Philippines. Manila, 1593. A
Facsimile of the Copy in the Lessing J. Rosenwald Collection. U.S. Library of
Congress, Washington.

You might also like