You are on page 1of 11

DEPARTMENT OF EDUCATION

REGION III
Division of City of San Fernando
PAMPANGA HIGH SCHOOL
PHS Blvd., Brgy. Lourdes, City of San Fernando, Pampanga

Self-Instructional Packets
(SIPacks)

LE
SA
PREPARED BY:
Editha I. Magno Melchor M. Roque Kevin F. Garcia
R

GENERAL INSTRUCTIONS
FO

To the learner:
This module will provide you in-depth knowledge about Economics and Applied Economics. The
reading, the activities, and the assessments will enhance your skills based on the Most Essential
Learning Competencies indicated in the curriculum guide set by the Department of Education. All
T

parts of each lesson plan shall be read and understood carefully to achieve necessary goals.
O

To get the most out of this module, here are some reminders that you need to consider:
N

1. Read the lesson and the instructions carefully.


2. Answer all activities and assessments on a whole sheet of paper.
3. Write the following information on your paper before answering all the activities.
a. Complete Name (student) d. Name of Subject Teacher
b. Grade and Section e. The Quarter No.
c. Learning Area/Subject: Applied Economics f. Week No.
4. Fulfilling the tasks is divided to 5 days. You may refer to the table below to guide you.
5. Answers to all activities and exercises will serve as output and will be forwarded to the subject
teacher for checking and recording.
6. Only the answer sheet/s (pad paper) will be forwarded back to the teacher. However, you may
keep this SIPacks (printed module) for future reference.
Godbless & Goodluck!

Property of Pampanga High School - DepEd Division of City of San Fernando, Pampanga
Self-Instructional Packets (SIPacks)

in

LE
SA
R
FO
T
O
N

Property of Pampanga High School - DepEd Division of City of San Fernando, Pampanga
I. LAYUNIN
Ang araling ito ay tungkol sa mahahalagang kaalaman na dapat mong matutuhan
bilang isang mag-aaral hinggil sa COVID-19. Pagkatapos mong mapag-aralan ang isang
linggong kurikulum, inaasahang magagawa/matututuhan mo ang sumusunod na layunin:

1. Masasabi ang pagkakaiba ng outbreak, epidemic, at pandemic;


2. Matutukoy ang pinagmulan at kahulugan ng COVID-19;
3. Maiisa-isa ang mga hakbang o paraan upang maiwasan ang COVID-19;
4. Mauunawaan ang mga ginawang hakbang ng pamahalaan laban sa COVID-19;
5. Makapagbibigay ng sariling pananaw o opinyon sa mga paksang tinalakay;
6. Magagawa ang mga itinakdang karagdagang gawain ukol sa paksa; at
7. Mapahahalagahan ang mga natutuhan ukol sa COVID-19 para sa pang-araw-araw
na gawain.

II. NILALAMAN

LE
Paksa: Sa Gitna ng Krisis Mula sa COVID-19

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian SA
 COVID-19 PH Official website, www.COVID-19.gov.ph (Laging Handa)
 Department of Health Official website, https://www.doh.gov.ph/COVID-19/Gabay-sa-
Publiko
 https://www.youtube.com/watch?v=OfwpTMteKMk
 https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/communication/buttons-badges.html
R

 https://www.youtube.com/watch?v=h1B14cWLsn8
 Talakayan, https://www.youtube.com/watch?v=TUH4kIgnEK0
FO

 Nilalaman ng Bayanihan to Heal as One Act,


https://www.youtube.com/watch?v=oaaSDPG_8TY

IV. PAMARAAN
Oryentasyon para sa mga mag-aaral, pag-organisa ng klase, pagbibigay
T

ng mga aklat at iba pang mga pangunang gawain (kung face-to-face)


O

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Pagsisimula ng bagong aralin/ Subukin


Sa araling ito ay iyong matutunghayan ang iba’t ibang kaalaman hinggil sa COVID-
N

19. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang sumusunod na tanong bago ang
pagtalakay sa araling ito. Huwag kang mangamba kung sakaling hindi ka sigurado
sa iyong mga sagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo upang
lubos mong matutuhan ito.

Panuto: Sa kolum ng Bago ang Pag-aaral, lagyan ng tsek ang tapat ng numero
kung sumasang-ayon ka sa ipinahahayag ng pangungusap at ekis naman kung
hindi sumasang-ayon. Sasagutan ang huling kolum matapos ang pag-aaral ng
aralin.

Bago ang Matapos ang


Mga Pahayag/ Pangungusap
Pag-aaral Pag-aaral
1. Noong Pebrero 12, 2020, ipinahayag ng World
Health Organization (WHO) na ang kasalukuyang

Property of Pampanga High School - DepEd Division of City of San Fernando, Pampanga
sakit na novel ay opisyal nang pinangalanan at
tinawag itong Coronavirus Disease 19 o COVID-19.
2. Sa kasaysayan sa buong mundo, ang COVID-19
ang kauna-unahang naideklarang pandemic.
3. Ang pandemic ay ang biglaang pagtaas ng bilang ng
kaso ng isang sakit kumpara sa inaasahang bilang o
normal expectancy sa isang rehiyon.
4. Epidemic ang tawag sa malawakang pagkalat ng
isang bagong sakit, worldwide ang scale nito, ibig
sabihin bawat kontinente ay apektado na ng sakit.
5. Virus ang pinakamadalas na dahilan ng epidemic.

6. Maliit ang sakop ng isang outbreak kumpara sa


epidemic at sa pandemic.
7. Unang naitala ang Coronavirus outbreak sa Wuhan,

LE
China noong Disyembre 31, 2019.
8. Naipapasa ang virus mula sa COVID-19 sa
pamamagitan ng hangin.
9. Ayon sa Department of Health, sa loob man o labas
SA
ng bahay, pinakamabisang paraan ang paggamit ng
face mask upang maiwasan ang anomang sakit
tulad ng COVID-19.
10. Ang mga sanggol at mga batang may edad sampu
pababa ay ang mas posibleng magkaroon ng
R

malubha o kritikal na anyo ng COVID-19.


11. Base sa WHO, ang mga karaniwang sintomas na
FO

dulot ng COVID-19 ay ang pagsakit ng sikmura,


pagkahilo, at pagsusuka.
12. Ang Home Quarantine ay ang pananatili sa isang
confined o nakahiwalay na silid upang limitahan ang
pagkalat ng sakit.
T

13. Ang Social Amelioration Program (SAP) ay isang


direktiba mula sa Local Government Units (LGUs)
O

na makatutulong sa sistematikong pagbibigay-ayuda


sa mga taong nabibilang sa mahihirap o informal
N

sector na nawalan ng pagkakakitaan sa panahon ng


Enhanced Community Quarantine (ECQ).
14. Sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine
(ECQ), ang mga empleyado ng mga
establisimyentong nagbibigay ng basic at essential
services tulad ng supermarket, parmasya, bangko,
at iba pa ay hindi pinapayagang lumabas ng bahay.
15. Ang Republic Act No. 11469 o ang “Bayanihan to
Heal as One Act,” ang nagbigay ng special authority
sa Pangulo ng Pilipinas upang malabanan at
mapabilis ang mga hakbang na gagawin laban sa
COVID-19.

Property of Pampanga High School - DepEd Division of City of San Fernando, Pampanga
B. Paghahabi ng layunin sa aralin/ Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong
Aralin (Panimula/Tuklasin)
Gawain 1: Matapos mong sagutin ang panimulang pagsusulit, tunghayan ang
mga larawang nasa ibaba:

LE
SA
1. Sa iyong pagsusuri sa mga larawan na nasa itaas, anong tanong kaya ang
iyong mabubuo mula sa mga imaheng ito?
2. Sumulat ka ng tig-iisang kaisipan/ katanungan na nais mong malaman sa
R

bawat larawan, ilagay ito sa iyong sagutang kwaderno.


3. Basahin mong muli ang iyong mga nabuong tanong sa bawat larawan at iyan
FO

ay tatalakayin sa mga susunod na bahagi ng talakayan.

C. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


(Paglinang/Alamin Mo)
Sa bahaging ito ay iyong simulan ang pag-aaral ukol sa COVID-19. Maaaring ikaw
T

ay may sariling kuwento o karanasan ukol dito mula nang ipinatupad ang tinatawag
na Enhanced Community Quarantine o ECQ. Ilan sa iyong naisulat na tanong sa
nakalipas na gawain ay iyong matutunghayan sa bahaging ito. Basahin ito nang
O

mabuti at siguraduhing makapagbibigay ka ng iyong sariling saloobin o mga


natutuhan sa bawat paksa gamit ang mga gabay na tanong. Isulat ito sa iyong
N

sagutang kwaderno. Magsimula ka nang magbasa.

1. Ano ang pagkakaiba ng outbreak, epidemic, at pandemic?


Base sa pag-aaral ng Centers for Disease Control and Prevention, ang
outbreak ay ang biglaang paglaganap ng isang sakit. Maliit ang sakop nito
kumpara sa epidemic at pandemic. Ginagamit ang terminong outbreak para sa
mga limitadong geographic area na sakop ng sakit. Ang epidemic ay ang
biglaang pagtaas ng bilang ng kaso ng isang sakit kumpara sa inaasahang
bilang o normal expectancy sa isang rehiyon gaya ng biglaang pagkalat ng
COVID-19 sa Wuhan, China mula Disyembre 2019. Kapag kumalat na ang
sakit sa labas ng isang komunidad, nagiging epidemic na ito. Itinuturing na
pandemic naman ang isang sakit kung kumalat na ito sa iba’t ibang bansa at
kontinente at nakaaapekto sa malaking bilang ng indibidwal.

Gawain 2: Gabay na tanong para sa unang paksa:


a. Saan nagkakaiba ang tatlo: outbreak, epidemic, at pandemic?

Property of Pampanga High School - DepEd Division of City of San Fernando, Pampanga
b. Masasabi mo bang madaling tugunan ang isang sakit na nasa kategoryang
epidemic kaysa sa pandemic? Ipaliwanag ang iyong sagot.
c. Ang isang sakit ba na wala pang lunas o gamot ay maituturing na
pandemic? Oo o hindi? Bakit?

2. Saan, kailan, at paano nagsimula ang COVID-19? (Maaaring tunghayan ang


video na nasa link na ito: (Talakayan) https://www.youtube.com/watch?v=TUH4kIgnEK0) o
basahin ang tekstong ito.
Ayon sa masusing pag-aaral ng
mga siyentipiko, lumalabas na ito
ay nagsimula sa Wuhan, China.
Ang unang kaso ng COVID-19 ay
naitala noong November 17, 2019
subalit lumipas pa ang isang
buwan bago ito opisyal na
nadiskubre na isang bagong virus.

LE
Ang Wuhan ay malaking kapital
ng Hubei probinsiya ng China na pinaniniwalaang nagsimula ang outbreak sa
isang wet market ng Wuhan kung saan nagkakaroon ng kalakalan ng iba’t
ibang mga exotic na mga hayop na ginagawang laman tiyan ng mga
SA
naninirahan doon. Marami ring naniniwala na ang pangunahing carrier ng virus
na ito ay nanggaling sa mga paniki at naipasa ito sa ibang mga hayop. Mayroon
ding mga naglipanang paniniwala o mga haka-haka ukol sa sinasabing
“Conspiracy Theories,” at ang “bio-engineer,” na ang ibig sabihin ay sinadyang
gawin ng tao ang virus upang gawing sandata o weapon. Ang lahat ang mga
ito ay wala pang konkretong ebidensya upang paniwalaan at kasalukuyan pang
R
inaaral ng mga siyentipiko ang totoong pinagmulan ng virus.

Gawain 3: Gabay na mga tanong para sa ikalawang paksa:


FO

a. Paano nagsimula sa China ang COVID-19?


b. Bakit kaya pinaniniwalaang nagsimula ang outbreak sa isang wet market
ng Wuhan?
c. Sa iba’t ibang ispekulasyon o paniniwala ukol sa pinagmulan ng virus, alin
ang mas pinaniniwalaan mo at bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot.
T

3. Ano ang COVID-19 at ang iba pang mga konseptong nakadikit dito?
O

Ang mga coronavirus ay isang


malaking pamilya ng mga virus.
N

Zoonotic virus ang mga ito, ibig


sabihin naipapasa ng mga hayop
ang virus sa mga tao.
Pinaniniwalaang pangunahing
carrier ang mga paniki at kalaunan
ay naipapasa nila ito sa ibang mga
hayop, tulad ng mga “dromedary
camels” na nagdulot ng Middle East
Respiratory Syndrome –
Coronavirus o MERS-CoV. Marami
sa kanila ang humahawa sa mga hayop, ngunit ang ilang mga coronavirus
mula sa mga hayop ay maaaring mag-evolve (magbago) na maging isang
bagong coronavirus para sa mga tao na maaaring kumalat mula sa tao-sa-tao.
Ito ang nangyari sa bagong coronavirus na kilala bilang SARS-CoV-2, na
nagdudulot ng sakit na kilala bilang COVID-19. Samakatuwid ang tawag mismo
sa virus ay SARS-CoV-2 at ang sakit na dulot ng virus na ito ay COVID-19,

Property of Pampanga High School - DepEd Division of City of San Fernando, Pampanga
tulad ng sakit na AIDS ang pinagmulan na virus ay Human Immunodeficiency
Virus o HIV. Sa kasalukuyan, wala pang nadidiskubreng gamot o bakuna
(vaccine) para sa sakit na ito.

Gawain 4: Gabay na tanong para sa ikatlong paksa:


a. Paano mo bibigyan ng sariling pakahulugan ang COVID-19?
b. Sa iyong sariling pagkakaunawa, paano nagkakaiba ang mga salitang:
coronavirus, nCov-19 (novel Coronavirus), at COVID-19?
c. Magbigay ng iba pang halimbawa ng mga sakit na pinagmumulan ng ibang
mga virus. Ipaliwanag kung paano ito maiiwasan.

4. Ano-ano ang mga


pagsubok sa kalusugan na
kinakaharap ng buong mundo
dala ng iba’t ibang virus?
Marami nang naranasan na iba’t

LE
ibang pagsubok sa kalusugan ang
buong mundo na hinarap ng bawat
mamamayan sa iba’t ibang panig ng
SA daigdig. Ilan sa mga ito ang SARS-
1 noong 2002 hanggang 2004 na
nagmula rin sa bansang China,
Guangdong na nakapagtala ng
8,908 na kaso at 774 na namatay.
Ang H1N1 o Swine Flu naman ay
may naitalang 574,400 namatay.
R

Kasama rin sa mga ito ang Ebola, at


ang pinakamapaminsalang virus,
ang Spanish Flu ng 1918. Isa itong
FO

influenza pandemic virus na kumitil


sa buhay nang nasa 50 hanggang
100 milyong katao at nakapagtala
ng mahigit 500 milyong kataong
nagpositibo sa sakit.
Itong 2019 – 2020 ay patuloy pa rin
T

tayong nakikipaglaban sa COVID-


19 at umaasang matutuldukan ang
O

pagdami ng mga nahahawa sa sakit


at ang pagkitil nito sa buhay ng
N

bawat tao sa buong mundo.

Gawain 5: Gabay na mga tanong para sa ikaapat na paksa:


a. Bakit kaya patuloy nating nararanasan ang mga suliraning pangkalusugan
na kumikitil sa maraming buhay ng mga tao sa buong mundo?
b. Sa iyong palagay, may mga paghahanda kaya ang bawat bansa sa mga
ganitong suliranin? Patunayan ang iyong sagot.
c. Gumawa ng paghahambing sa mga datos gamit ang tsart sa ibaba:

Mga Sakit Bilang ng mga Taong Bilang ng mga Taong Namatay


nagkaroon ng sakit
(buong mundo)
SARS-1
Swine Flu
Spanish Flu
COVID-19

Property of Pampanga High School - DepEd Division of City of San Fernando, Pampanga
D. Paglinang sa Kabihasnan/ Paglalahat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
(Gawin Mo/Gawain) Pagyamanin
Matapos mong malaman ang ilang mahahalagang paksa ukol sa COVID-19 at
nakapagbigay ng iyong mga natutuhan mula sa mga gabay na tanong, maaari ka
nang magpatuloy sa susunod na gawain.

5. Ano-ano ang mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng COVID-


19?
Mahalagang malaman mo at maintindihan ang mga hakbang upang ikaw ay
makaiwas sa sakit na COVID-19. Ang mga ito ay kailangang maging bahagi ng
iyong pang-araw-araw na buhay, ang madalas nga nating sabihin ay “New
Normal,” na ang ibig sabihin ay mga pagbabagong ating sinusunod ay siya ng
magiging normal sa ating pang-araw-araw na buhay ayon sa kasalukuyang
sitwasyon. Patuloy mong isabuhay ang mga ito dahil hanggang walang
nakikitang gamot laban sa COVID-19 ay patuloy pa ring kakalat at dadami ang

LE
maaapektuhan ng virus na ito.

Gawain 6: Gamit ang iyong sariling karanasan at mga nababasa o napapanood,


paano mo maipakikita ang mga mungkahing gawain upang maiwasan ang
pagkakaroon ng COVID-19. Itala mo ang iyong mga sagot sa iyong sagutang
SA
kwaderno. Maaaring ang mga ito ay ginagawa mo sa loob ng bahay, sa labas ng
bahay, o maging sa paaralan.
1. __________________________________________________________
2. __________________________________________________________
3. __________________________________________________________
R

4. __________________________________________________________
5. __________________________________________________________
FO

6. __________________________________________________________
7. __________________________________________________________
8. __________________________________________________________
9. __________________________________________________________
10. __________________________________________________________
T

Kung may naiisip ka pang iba, maaari kang magdagdag ng iyong sagot.
O

6. Ano-anong hakbang ang mga ginawa ng pamahalaan laban sa COVID-19?


Ang bawat mamamayan ay may kani-kaniyang paraang ginawa upang
N

matugunan ang suliraning ito. Malaking bahagi ng solusyon sa mga ganitong


suliranin ay ang suportang manggagaling sa ating bansa at mga namumuno
nito. Ipagpatuloy mo ang iyong pagbabasa para sa paksang ito.

a. Pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine o ECQ – ito ay


ipinatupad ng pamahalaan bilang bahagi ng pag-iingat laban sa COVID-19. Sa
ilalim ng ECQ ay ipinatutupad ang mga sumusunod:
 Maaaring lumabas ng kanilang tahanan: ang mga empleyado ng mga
establisimyentong nagbibigay ng basic at essential services tulad ng
supermarket, parmasya, bangko, at iba pa; pulis, military, at iba pang
uniformed personnel; mga health worker at ang mga nagtatrabaho sa
emergency response teams; at mga media personnel na may pahintulot
mula sa Presidential Communications Operations Office o PCOO;

Property of Pampanga High School - DepEd Division of City of San Fernando, Pampanga
 Mahigpit na pinaaalalahanan ang mga taong pinakananganganib na
magkasakit na manatili sa kani-kanilang mga bahay tulad ng mga senior
citizen, mga may iniindang sakit (altapresyon, diabetes, sakit sa puso, hika,
atbp) mga buntis; at mga batang may edad na 21 pababa.
 Hinihikayat ang mga employer na bumuo ng work arrangement na hindi
nangangailangan ng aktuwal na pagpunta sa lugar ng trabaho;
 Hindi dapat papuntahin ng mga employer ang mga empleyado sa lugar ng
trabaho maliban kung ang kompanya ay nagbibigay ng pangunahing
pangangailangan;
 Pagbibigay ng mga Home Quarantine Pass ng bawat barangay para sa
naatasang lumabas ng bahay upang bumili ng mga pangunahing
pangangailangan tulad ng pagbili ng pagkain at mga gamot;
 Hindi pahihintulutan bumiyahe o pumasada ang anumang uri ng
pampublikong transportasyon, kabilang ang mga tricycle, pedicab, taxi,

LE
Grab, jeepney, bus, MRT at LRT;
 Inaatasan ang mga kinauukulang LGU na magbigay ng point-to-point
transportation para sa mga taong awtorisadong pumasok sa trabaho, lalo
na ang mga health worker;

SA
Hindi pagpapahintulot na magbukas ang mga kainan o restaurant, mga
malls, sinehan, pasugalan, mga hotels, at mga resorts;
 Pagpapahinto sa pag-aaral at pagpapasara ng mga paaralan.

Nauunawaan mo ba ang iyong mga binasang panuntunan mula sa ECQ?


Sinunod mo ba ang mga ito?
R

Gawain 7: Gabay na mga tanong para sa ikaanim na paksa:


FO

a. Mula sa nabasa mong mga hakbang na ipinatutupad sa ilalim ng Enhanced


Community Quarantine o ECQ, ano-ano pa ang hindi nabanggit? Itala ang
mga ito sa iyong sagutang kuwaderno.
b. Sa iyong sariling karanasan, nakatulong ba ang ECQ upang mabawasan
ang pagkalat ng COVID-19? Patunayan ang iyong sagot.
T

c. Ano ang pagkakaiba ng Enhanced Community Quarantine o ECQ sa


General Community Quarantine o GCQ o Modified GCQ? Sa bahaging ito,
O

maaari kang magtanong sa iyong mga kasama sa bahay.

7. Ano ang nilalaman ng Republic Act No. 11469 o ang Bayanihan to Heal
N

as One Act?
Ito ay ang batas na nagbigay ng special authority sa Pangulo ng Pilipinas para
malabanan at mapabilis ang mga gagawing hakbang tungo sa pagharap sa
hamong dala ng COVID-19 sa bansa. Ilan sa mga mahahalagang nilalaman
nito ay ang sumusunod:
 ang bawat pamilyang nabibilang sa low income household ay
makatatanggap ng 5,000 – 8,000 pesos kada buwan sa loob ng dalawang
buwan o ang tinatawag na Social Amelioration Program o SAP;
 magkakaroon ng 30-day grace period para sa pagbabayad ng mga loans
at renta sa bahay;
 makatatanggap ng 5,000 – 8,000 pesos ang mga miyembro ng conditional
cash transfer;
 may karapatan ang gobyerno na tiyakin ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng
sweldo ng mga empleyado;

Property of Pampanga High School - DepEd Division of City of San Fernando, Pampanga
 pagpapatupad ng work-from-home scheme sa mga empleyado ng
gobyerno at pribadong sektor;
 titiyakin ng pamahalaan na mapabilis ang daloy ng medical needs at food
supplies;
 mahigpit na ipinagbabawal ang hoarding at over-pricing sa mga
pangunahing bilihin gaya ng alcohol, face masks, pagkain, tisyu at vitamins;
 magkakaroon ng mabilis na access ang pamahalaan sa delivery ng mga
test kits dahil luluwagan ng mga polisiyang kailangan dito;
 ang distribusyon ng Personal Protective Equipment o PPE, face masks,
face shields, at alcohol ay hindi dapat ma-delay;
 pinalawig din ng batas na ito ang filing ng income tax return or ITR deadline;
 ang mga medical at health practitioners ay makatatanggap ng karagdagang
risk allowance na iba pa sa kanilang hazard pay;
 sagot ng PHILHEALTH ang lahat ng gagastusin kung sakaling maospital

LE
ang mga frontliner;
 bibigyan ng 100,000 pesos ang mga health worker na magkakaroon ng
COVID-19 habang gumaganap ng kanilang tungkulin;
 bibigyan ng isang milyong piso ang mga health worker na namatay habang
naka-duty laban sa COVID-19.
SA
Gawain 8: Gabay na mga tanong para sa ika-pitong paksa:
a. Paano nakatulong ang “Bayanihan to Heal as One Act” sa pagharap ng
pamahalaan laban sa COVID-19?
b. Sa iyong karanasan, nasunod ba nang tama at naaayon sa kung sino ang
R

dapat mabigayan ng mga ayuda mula sa Social Amelioration Program o


SAP?
FO

c. Sapat bang natugunan ng pamahalaan ang krisis na dala ng COVID-19?


Patunayan ang iyong sagot.

E. Paglalahat (Tandaan Mo/Isaisip)


T

Tandaan Natin:
 Ang outbreak ay ang biglaang paglaganap ng isang sakit na mas maliit ang sakop
O

nito kumpara sa epidemic at pandemic.


 Ang epidemic ay ang biglaang pagtaas ng bilang ng kaso ng isang sakit kumpara
sa inaasahang bilang o normal expectancy sa isang rehiyon at pagkalat ng sakit
N

sa labas ng isang komunidad.


 Itinuturing na pandemic ang isang sakit kung kumalat na ito sa iba’t ibang bansa
at kontinente at nakaaapekto sa malaking bilang ng indibidwal.
 Noong Disyembre 31, 2019, naitala ang ilang kaso ng pneumonia na hindi pa
gaanong kilala sa Wuhan, China at naireport sa WHO.
 Ang outbreak ay dulot ng isang uri ng hindi pa nakikilalang coronavirus, na
karaniwang natatagpuan sa mga hayop lamang.
 Ang mga coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus.
 Ang tawag sa virus ay SARS-CoV-2 at ang sakit na dulot ng virus na ito ay COVID-
19.
 Ilan sa mga naranasang pandemic sa buong kapuluan ay ang: Spanish flu ng
1918, SARS-1, MERS, H1N1 o Swine Flu, Ebola, at ang COVID-19.

10

Property of Pampanga High School - DepEd Division of City of San Fernando, Pampanga
 Mahalagang malaman at maisagawa ng bawat mamamayan ang mga hakbang
para maiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19 tulad ng madalas na paghuhugas
ng kamay gamit ang sabon at tubig, pagtakip ng bibig at ilong gamit ang tisyu o
panyo, paggamit ng manggas ng iyong damit kung uubo o babahing,
pagdistansya sa mga tao ng may layong tatlong talampakan hanggang isang
metro, at marami pang iba.
 Maraming hakbang ang ginawa ng pamahalaan upang matugunan ang pagkalat
ng sakit na ito. Ilan dito ay ang pagpapatupad ng Enhanced Community
Quarantine o ECQ, General Community Quarantine o GCQ, Modified Enhanced
Community Quarantine o MECQ, at ang paglikha ng batas na tutugon upang
mapabilis ang mga kinakailangang tulong ng mga mamamayan – ang “To Heal As
One Act.”

F. Pagtataya (Natutuhan Ko)


A. Unang Bahagi (Panghuling Pagtataya/Post-test). Muling balikan ang

LE
ginamit na panimulang pagsusulit o pre-test. Isulat ang iyong mga sagot sa
kolum na Matapos ang Pag-aaral. Kapag iba ang iyong sagot sa Bago ang
Pag-aaral, ipaliwanag kung bakit ito nagkaroon ng pagbabago sa iyong sagot.
(15 puntos) SA
B. Ibigay ang iyong opinyon o reaksyon sa mga sumusunod: (15 puntos)

1. Kung ako ay may kakayahang mabago ang maling pamamaraan na aking


nakita sa pagtugon ng mga suliraning pangkalusugan katulad ng COVID-
19, ano ito at papaano ko babaguhin at ipatutupad?
R

2. Sa pagpapatupad ng Social Amelioration Program, lumaganap ang


korapsyon. Sang-ayon o di-sang-ayon. Patunayan ang iyong sagot.
FO

3. Handa ang mga estudyanteng Fernandino para sa online na istilo ng pag-


aaral para sa taunang pag-aaral 2020- 2012. Magbigay ng mga patunay
sa kahandaan o hindi kahandaan.

G. Karagdagang Gawain/ Reinforcement


T

Binabati kita sa pagtugon mo sa isang linggong kurikulum ukol sa COVID-19.


Mahalaga na magkaroon ka ng malawak pang kaalaman ukol sa paksang ito.
Para sa iyong karagdagang gawain, magbasa ka ng mga impormasyon at
O

magsaliksik ukol sa mga susunod na paksa upang iyong masagot ang mga ito.
Gagawin mo lamang ang lebel na naaangkop para sa iyo.
N

A. Para sa SHS:
1. Muling suriin ang laman ng “Bayanihan to Heal as One Act,” ano-ano ang
mga positibo at negatibong naidulot nito para sa mga Pilipino. Magbigay
ng mga pagpapatunay at ipaliwanag.
2. Kung ikaw ay gagawa ng isang batas para sa pagharap sa mga ganitong
suliraning pangkalusugan, anong batas ang iyong ipapasa at paano mo ito
ipatutupad.

Inihanda ni:

MARY JANE Padilla-SORIANO


EPS-Araling Panlipunan

11

Property of Pampanga High School - DepEd Division of City of San Fernando, Pampanga

You might also like