You are on page 1of 77

2021

EDISYON

INIHANDA NI:
ELIZA E. BAYANG, PhD

INTRODUKSYON SA PAG-AARAL
NG WIKA
AUGUST 2021

MODYUL PARA SA
PAGKATUTO

FILIPINO MAJOR 01
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

PAUNANG SALITA

Ang lektyur-handawt “ Filipino Medyor 8: Introduksyon sa Pag-aaral ng wika”

ay gagamitin ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng kursong edukasyon na

kumukuha ng medyor sa Filipino. Mahahanap dito ang mga aralin bilang gabay sa

pagsagawa ng etnolingwistikong pag-aaral sa alinmang uri ng sistematikong

pagsusuri ng wika. Bawat kabanata ay may napapaloob na gawain pangklasrum o di

kaya’y panlabas na gawain bilang pag-oobserba tungkol sa kultura, wika at lipunan.

Gayunma’y ang pinakalayunin ng kaalamang ito ay mapag-aralan sa

pamamagitan ng pagsusuri ng sariling wika at kultura sa lugal na kinabibilangan lalo

na sa lalawigan ng Surigao. Ang mga katutubong wika ‘t kultura na makikita ay

masubukang maihahambing ang mga ito sa iba pang wikain ng bansa. Dito nalilinang

ang kanilang matataas na kakayahan sa pagsulat ng mga mag-aaral medyor sa

Filipino. Nang maihanda sila sa susunod na mga kaalamang maaaring tatahakin pa

nila.

Inaasahan sa asiganaturang ito na magkaroon ang bawat mag-aaral indibidwal

man o pangkatan ng kanilang mabuong konseptong papel bilang awtput sa nasabing

asignatura.

Ebb

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 0
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

KABANATA
1 WIKA

PANIMULA

Ang wika ay isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang


partikular na lugar. Ito rin ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan at kalipunan ng mga signo,
tunog at mga kadugtong na batas para maiulat ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang
sistemang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa paraan ng pagsasalita at
pagsusulat.

PAGTATALAKAY:

Depinisyon ng Wika

 Edward Sapir (1949)- Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraang


paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.
 Caroll (1964)- Ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan.
 Tood (1987)- Ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa
komunikasyon.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 1
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

 Gleason- Ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na isinasaayos


sa paraang arbitraryo.
 Buensucesu- Ang wika ay isang arbitraryong sistema ng mga tinog o ponema a
ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan.
 Tumangan, Sr.,et al. (1997)- Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na
panandang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaiisa at
nagkakaugnay ang isang pulutong ng mga tao.
 Edagar Sturtevant- Ang wika ay isang sistema ng mga at arbitraryong simbolo ng mga
tunog sa komunikasyon ng tao.

Iba’t Ibang Paniniwala sa Wika


Walang tao o aklat ang makapagpatunay na ang wika ay nag-ugat o nanggaling sa
isang tiyak na tao, bagay o pangyayari. Saan nga ba nagmula ang wika? Subukan nating pag-
aralan ang mga sumusunod:
1. Antropologo
Naniniwala ang mga antropologo, ang kauna-unahang tao sa daigdig kung mayroon
mang wikang masasabi noon ay isang uri ng wikang halos katulad ng sa mga hayop. Ang
totoo, ang tao ay hayop din kundi lamang dahil sa kanyang nalinang na wika at kultura na
tanda ng kanyang pag-aangkin ng higit na mataas na uri ng talino kaysa alinmang hayop sa
daigdig.
Dahil nga likas na talino ang tao ay napaunlad niya nang napaunlad ang kanyang sarili
sa pamamagitan ng kanyang pagkontrol sa maraming bahagi ng kalikasan hanggang sa
tuluyan na niyang maibukod ang kanyang sarili sa mga hayop. Nakalinang ang tao ng kultura
at wika na sa kasalukuyan ay masasabing ibang-iba na sa kultura at wika ng kanyang mga
kanunu-nunuan.
Gaya ng pagkakaalam natin, walang taong walang wika at wala ring hayop na may wikang
tulad ng sa tao. Kung mayroon mang mga ibong nakakapagsalita tulad ng loro, ang nasabing
ibon ay nanggaya lamang ng mga tunog na kanilang naririnig sa mga taong nasa kanilang
paligid. Ano ang naging batayan nito?
 Labi o Artifacts
Kung ang pagbabatayan ay ang mga nahukay na mga labi o artifacts na gawa ng mga
unang tao sa daigdig, masasabing ang pagkakaroon ng wika ng tao sa tunay na kahulugan
ng wika, ay mayroon nang humigit- kumulang sa isang milyong taon. At mangyari pa,
nagsimulla ang wika, tulad ng pagsisimula ng kultura, sa simpleng-simpleng paraan, umunlad
nang umunlad sa pagdaraan ng mga taon at naging masalimuot, kaalinsabay ng pag-unlad
pagiging masalimuot ng kulturang kinatatamnan o kinabubuluhan nito.

2. Teologo:
 Bibliya- Genesis 11:1-9

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 2
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

 Devine theory II. Pinaniniwalang ibinigay ng Diyos ang wika. Binigyan din ng Diyos ng
kapangyarihan ang mga tao na magpangalan sa mga bagay sa daigdig.
3. Eksperimento :
 Haring Psammitichus
May mga pagkakataon pa na ang ilan ay nagsagawa pa ng eksperimento. Diumano, si
Psammitichus, hari ng Ehipto noong unang panahon, ay nagpakuha ng dalawang sanggol at
painaalagaan ang mga ito sa isang pook na walang maririnig na usapan ng mga tao upang

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 3
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

alamin kung anong wika ang kanilang matutuhan. Ang unang nabigkas diumano ng dalawang
bata ay ang salitang bekos isang salita sa wikang Phrygean na ang ibig sabihin ay bread.
Dahil doon ay nagbigay ng kongklusyon si haring Psammitichus na ang dalawang bata, kahit
walang naririnig na wikang Phrygean ay matuto rin. Nagbigay din ng kongklusyon ang
nasabing hari na ang wikang Phrygean ay mas una at mas matanda kaysa wikang Egyptian.
Katulad ng iba pang teorya at paniniwala, napakahirap paniwalaan ang naging mga
kongklusyon ng nasabing hari sa kanyang eksperimento.
 Haring Thot (Hari ng Egyptians)
Sa Ehipto ay pinaniwalaang may manlikikha ng wika o salita sa kanilang bansa ito ay
si Haring Thot. Ayon sa iba’tibang manunulat at mga teorista, ang mga Egyptians daw ang
pinakamatandang lahi, kaya ang wikang Egyptian ang pinakamatandang wika. Mailalarawan
ito tulad nito.

Ang kwento sa matandang kaharian ng Ehipto ay isa pang mapagkukunan nang kung
paanong nagsimula ang wika. Ayon sa Hari, si Psammatichos, ang wika ay sadyang
natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Upang mapatunayan ang kanyang sapantaha,
nagpakuha ang hari ng dalwang sanggol at pinaalagaan ang mga ito sa malayong pook na
walng maririnig na salita ng tao. Layunin ng hari na alamin kung anong wika ang matutuhan
ng mga bata kung sakali’t matutong magsalita ang mga ito.
Ayon sa nag-alaga, ang unang salitang nabigkas ng mga bata ay bekos, isang
Phrygian (matandang wikang patay na) na ang ibig sabihin ay tinapay. Ang Phrygian ay
salitang mas matanda pa sa Egyptian.
Sa sariling pag-aaral naman na isinagawa ni Charles Darwin na nasaad sa Aklat ni
Leoberman (1975) na may pamagat na On The Origin of Language, sinabi niyang ang
pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang makalikha ng iba’t
ibang wika.
Sa aklat ni Darshna Tyagi (2006) sa China at Japan mayroon silang manlikiha rin katulad
ng Egypt;
 China- Naniniwala sila na ang Son of Heaven na si Tien-Zu ang nagbigay ng wika at
kapangyarihan.
 Japan- Ang manlilikha nila ng wika ay si Amaterasu.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 4
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Son of Heaven na si Tien-Zu

Amaterasu- Ang manlilikha ng wika sa bansang Japan.

God Nabu
Ayon sa mga babylonians si God Nabu ay nagbigay ra ng wika sa kanila.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 5
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

 Female God na asawa ni Brahama- creator of the Universe.


 Siya ang female God na asawa ng creator of Heaven of the Universe na si Brahama ang
may kakayahang magbigay ng wika ayon sa mga Hindus.
4. Pantas at Pilosopo
Maiuugat kay Plato, isang Greek philosopher, ang kanyang pananaw sa wika. Ayon sa
kanya, ang wika ay nabuo ayon sa batas ng pangangailangan at may mahiwagang kaugnayan
sa kalikasan ng mga bagay at ng mga kinakatawan nito. Dagdag pa niya, ang wika’y tulad ng
iba’t ibang saling angkan na maaaring magsimula sa simple hanggang maging malawak ito.
Sa pagdaan ng panahon, ito’y nagdaan sa maraming pagbabago hanggang sa mapalago at
maliwanag na naiintindihan.
Naniniwala naman ang mga siyentipiko na ang wika ay nagmula sa homo sapiens o sa
mga unang tao. Sinabi nilang ang wika’y nagmula sa mga unggoy subalit dahil sa ebolusyon,
ang mga simpleng wikang ito’y naging malawak na sa katagala’y napag-iwanan nang
napakalayo ang mga salita ng mga hayop.
Para kay Rene Descartes naman, isang Pilosopong Pranses at isang mathematician, ang
wika ang nagpapatunay na ang tao’y kakaiba. Ang nga hayop ay maaaring nakaiintindi ngunit
di katulad ng kalawakan ng isip at pang-unawa ng tao. Sa kanyang pagmamasid, maaaring
kausapin ng tao ang hayop subalit kailanman ay hindi maaaring kausapin ng hayop ang tao.
Isang patunay, na nakahihigit ang tao sa alin mang hayop.
5. Teorya
 Iba’t ibang Teorya ng Wika

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 6
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

1. Teoryang Bow-wow- Dito, ang tunog na nalilikha ng hayop ay ginagaya ng tao.


Halimbawa, ang kahol ng aso, ngiyaw ng pusa, tilaok ng manok, twit-twit ng ibon at
iba pang hayop.

2. Teoryang Poh-pooh- Isang teoryang tumatalakay rin sa tunog. Ipinalalagay na ang


tao ang siyang lumilikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Kasama dito
ang pagpapakita ng tuwa sa pamamagitan ng pagtawa, kalungkutan o sakit sa
pamamagitan ng pag-iyak, pagkabigla, pagtataka at iba pang bulalas ng damdamin.

- Naniniwalang ang wika ay galing sa instinktidong pagbulalas na nagsasaad ng sakit,


galak, galit, tuwa, atbp. Ipinalalagay na ang unang mga pananalitang nalikha ay mga
padamdam na naghahayag ng biglang sulak at masidhing damdamin.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 7
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

- Kilala rin sa tawag na teoryang natibisko na may misterong ugnayan ang mga tunog
at katuturan ng isang wika/bagay-bagay sa paligid. Ito rin ay kahalintulad ng bow-wow
ngunit walang limit. Ito ay mga tunog sa mga bagay na ginawa ng mga tao noon.

- Nagsasaad na ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng kumpas na alinmang bagay


na nangangailangan ng aksyon.

4. Teoryang Ya-he-ho o Yo-he-ho- Ito ang teoryang unang nahinuhani Noire, isang
iskolar noong ikalabinsiyam na dantaon. Ayon sa kanya, ang wika ay nagmula sa mga
ingay na nalilikha ng mga taong magkatuwang sa kanilang pagtatrabaho. Lalo na kung
ginagamitan ng puwersa. Halimbawa: dalawang magkatuwang sa pagbubuhat ng
isang mabigat na bagay; o pagbubuwal ng punongkahoy ( ang mga nalilikhang tunog
nito ay nagsisilbing hudyat sa ka-trabaho kung itutulak o bubuhatin ba ang isang
bagay. )

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 8
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

- Naniniwalang ang wika ay nagmula sa mga ingay ng mula sa pwersang pisikal ng Tao,
tulad ng panganganak at pagsuntok.

5. Teoryang Tarara-boom-de-ay

- Mga tunog mula sa ritwal ng mga sinaunang tao na naging daan upang magsasalita
ang tao. Ang mga sayaw, sigaw o incantaion at mga bulong ay binigyan nila ng
kahulugan at sa pagdaraan ng panahon, ito’y nabago.
Ang mga teoryang nabanggit sa itaas, bagama’t hindi tahasang sinasang-
ayunan ay napag-uukulan naman ng pansin at walang sinumang maaring magsabi na
ito’y totoo o salat sa katotohanan bagkus maaari rin namang itong mapagkunan o
maging batayan sa pag-aaral, pagtukoy at pag-alam tungkol sa pinagmulan ng wika.
Pansinin natin ang isang anekdota na kung saan ang mga hayop ay nag-uusap
gamit ang kani-kanilang sariling tunog.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 9
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

May isang bakasyonistang babae na papuntang lalawigan. Sa kanyang


pagbibiyahe ay inabot siya ng tawag ng kalikasan. Kaya nakiusap siya sa tsuper na
kung maaari ay pahintuin muna saglit ang sasakyan at siya ay iihi.

Walang matagpuang palikuran kaya nagpasiya na lamang ang babae na samay


punog niyog siya banda iihi.

Paupo na lamang siya ay napalingon ang isang kambing at sabi ay “ . . .

umiihiii . . . umiiiihiiii. . . “

Sagot ng baka “. . oongahh. . . oongah. . .”

Nakita ng tuta ang hita ng babae at ang sabi ay “ wowww! Wowww! Wow1 “

Wiak naman ng butiki “tsk! tsk! tsk! “

Napadaan ang isang inahing manok. . . ( aywan kung ano ang nakita )
“nakakatakot . . .! nakakatakot . . . ! “

Kalikasan ng Wika
Kapag ang isang sanggol ay ipinanganak, sa panahon ng kanyang paglaki ay
nagsasalita siya ng wikang kanyang kinagisnan at natutunan niya sa kanyang kaligiran. Kaya
ang isang Cebuano ay nagsasalita ng Cebuano kung ipinanganak dahil lumaki siya sa
kaligirang Cebuano, tulad din ng Ilonggo na nagsasalita ng Hiligaynon o kayay kinaray-a o iba
pang varayti ng ng Hiligaynon, at ng Maranao na nagsasalita ng wikang Maranao. (Austero,
et al., 1999)
1.
Ang wika ay pagsasama-sama ng mga tunog na nauunawaan ng mga
tagagamit nito na kapag tinuhog ay nakabubuo ng salita.
2.
Bawat salita ay may taglay na kahulugan sa kanyang sarili lalo’t higit kung
ginagamit na sa pangungusap.
3.
Binubuo ito ng ponolohiya at morpolohiya (pagsasama ng mga tunog upang
bumuo ng salita), sintaks( pagsasama-sama ng mga salita upang bumuo ng
pangungusap); semantics(ang kahulugan ng mga salita at pangungusap); at
pragmantiks (nagpapaliwanag sa pagkakasunod-sunod o pagkakaugnay-ugnay ng
nga pangungusap), sa partisipasyon ng isang kombersasyon at antisipasyon ng mga
impormasyon na kailangan ng tagapagsalita at tagapakinig.
4.
Sistemang sensura sa paraang pasalita (oral), at pakikinig (awral). Ang
dalawang mahalagang organo na binubuo ng bibig at tainga ang nagbibigay-hugis sa
mga tunog na napapakinggan.
5.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 10
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Maaaring mawala ang wika kapag di nagagamit o wala nang gumagamit. Tulad
din ito sa pagkawala ng salita ng isang wika, I,e., ang salitang banggerahan na bahagi
ng sinaunang ayos ng kusina na lugar kung saan hinuhugasan at itinataob ang mga
pinggan,baso, atbp. Ay hindi na alam ng maraming kabataan sa ngayon.
6. .
Dahil sa iba’t-ibang kulturang pinagmulanng lahi ng tao, ang wika ay iba-iba sa
lahat ng panig ng mundo.
 Anu mang wika ay nagtataglay ng sumusunod na katangian:
1.
Dahil dinamiko ang wika, ang vokabolaryo nito ay patuloy na dumarami,
nadaragdagan at umuunlad.
2.
May wikang batay sa gamit at tinatawag na formal at di-formal , pang-edukado
o balbal, kolokyal, lalawiganin, pansyensya at pampanitikan.
3.
Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat ay paglalarawan
lamang ng wikang sinasalita. Gamit it sa pagbuo ng pangungusap.
4.
Bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika. May pagkakaiba man ang mga
wika, wala naming maituturing superior o imperyor.
5.
Hindi maaring papaghiwalayin ang wika at kultura.
6.
Bawat disiplina/propesyon ay may partikular na wikang ginagamit, kung kaya
may partikular na rejister na lumalabas o nabubuo.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 11
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


SURIGAO CITY
UNANG GAWAIN PARA SA YUNIT 1

PANGALAN: PETSA:
TAON AT SEKSYON:

Panuto: Bigyan ng Pagbubuod ang tungkol sa mga konsepto ng Pinagmulan ng Wika na


nabanggit sa Kabanta 1, sa pamamagitan ng angkop na grapiko at ipaliwanag ito ng maikli
lamang.

Ipaliwanag:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

KABANATA
FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition
2 ELIZA E. BAYANG, PhD 12
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

LINGWISTIKA

https://prezi.com/p/jnyiszepzvww/thesis/

PANIMULA

Ang linggwistika may hangarin ang pag-aaral, paglalarawan at paliwanag ng wika na


nauunawaan bilang isang autonomous sign system. Tulad ng naturan, ito ay isang agham na
maaaring mag-aral ng wika sa isang pangkalahatang kahulugan, na nakatuon sa likas na
katangian nito at mga alituntunin na namamahala dito, o sa isang partikular na paraan, na
nakatuon sa pag-aaral ng mga tiyak na wika. Gayundin, tinutukoy ng lingguwistika ang mga
aspeto na nauugnay sa ebolusyon ng wika at ang panloob na istraktura, bukod sa iba pang
mga bagay.

PAGTATALAKAY:

Depinisyon ng Lingwistika
LINGGWISTIKA
- Ang maagham na paraan sa pagtuklas ng impormasyon at kaalaman tungkol
sa wika o pag-aaral ng wika. Ang isang taong nagsasagawa ng maagham na
paraan ng pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingwista. Ang isang lingwista ay hindi
laging nangangahulugang maraming alam na wika. Iba ang lingwista sa tinatawag
nating polyglot. Ang polyglot ay isang taong maalam o nakapagsasalita ng iba’t ibang
wika, ngunit iyon ay hindi nangangahulugang siya’y isa nang lingwista.

Limang Proseso sa Pag-aaral ng Wika


FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition
ELIZA E. BAYANG, PhD 13
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Proseso ng Pagmamasid

Proseso ng Pagtatanong

Proseso ng Pagklasipika

Proseso ng Paglalahat

Proseso ng Pagberipika at
Pagrebisa

Ang Linggwistika sa Paglinang ng Wikang Filipino

Aralin 2:
Sa pagpaplano at Ang pagkakaroon ng
paggawa ng mga Sa paghahanda ng mga guro ng kaalaman at
patakarang pangwika kagamitang panturo malawak na
 Dept. Order No.  Educational pananaw sa
25, s.1974 Development kalikasan ng wika
Projects
Implementing Task
Force

Kasaysayan ng Lingwistikang Daigdig

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 14
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

 Mambabalarilang Hindu- tinatawag at sinasabing kauna-unahang pangkat na kinilala


sa larangan ng linggwistika.
 Griyego at Latin- Unang nakaanyo ang linggwistika. Unang wika ng kinasalinan ng
nasabing bibliya.
 Stoics- Ang pangkat na ituturing na siyang ng agham wika (wika ni aristotle).
 Kalagitnaang Siglo- Ay hindi rin gaanong umunlad ang agham wika.
 Panahon ng Bagong Isip (Rennaissana)- Mabilis ang pag-unlad ng sibilisaryon at
paglaganap ng karunungansa iba’t-ibang panig ng daigdig mula sa Gresya at Roma.
 Wikang Ebreo- Orihinal na wikang kinasusulalan ng matandang tipan.
 Ika-19 na Siglo- Ay nagkaroon ng malawakang paglaganap na pag-unlad ng agham
wika. *Bopp (Sanskrito)
 Grim (Aliman)
o *Rosk (Icelandic)
 Sinundan pa ng Maraming Linggwistiko tulad nila:
o Rapp, Bredselorff, Schleicher, Curlios, Madirig, Muller, Whitney, at marami
pang iba.
 Muller at Whitney (1860-1875)- Nagsikap na mapaging payak ang pagtalakay sa mga
prinsipyo at simulain ng agham na ito upang mapakinabangan ng paaralan.
 Linggwistikang Historical- Kaunaunahang disiplina sa linggwistika na naglalayong
magpatotoo na ang mga wika sa daigdig ay nagmula sa iba’t ibang angkan.

 Blumentritt- Isa sa mga nagpasimula sa pag-aaral sa angkang Malayo Polinesyo na


pinagmulan ng iba’t-ibang wika sa Pilipinas.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 15
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

BLUMENTRITT

 Linggwistikang Istruktural- Nagbibigay diin sa pagsusuri at distribusyon ng mga ponema


at morpema sa isang salita o pangungusap.
 Ponema- Sa pamamagitan nito ay naging payak ang paglalarawan at patunayan ng isang
wika sapagkat kakaunting simbolo lamang ang ginagamit.
 Morpema- Ginagamit diin ng istrukturdelisto ng katawagan sa pagsusuri ng palabuuan
ng mga salita ng isang wika.
 Logical Syntax- Pinabuti at pinayaman ni Zeilig Harris at hindi nagtagal nakilala sa tawag
na “Transformational of Generative Grammar”.
 Psycho Linggwistika (Linggwistikang Sikolohikal)- ay sinasabing bunga o resulta ng
gramatika heneratibo upang lalong matuganan ang pangangailangan sa larangan ng
sikolohiya.
 Tagmemic Model- Ni Kenneth Pike na nagbibigay-diin pagkakaugnayan ng anyo at gamit.
 Phrase Structure Transformational Generative Model- Masasabing nag-ugat sa logical
syntax.
 Transformational Generative at Generative Semantics- Ang pang huling modelo na
ginagamit sa linggwistic structure na di kung saan ito ay nagbibigay meaning o kahulugan,
dito nakilala sina ; Lakeaf , Fillmore, Mc Caroley, Chak , atb.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 16
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Kasaysayan Ng Linggwistika Sa Pilipinas


Tatlong panahon:

 Panahon ng mga Kastila (1600-1900)


 Panahon ng mga Amerikano (1900-World War 2)
 Panahon ng Kalayaan (1946)

A. Panahon ng mga Kastila

 Misyonerong Kastila
KRISTIYANISMO
 Pebrero 13, 1965
- 6 na paring Augustinian kasama ni Adelantado Miguel Lopez de Legaspi
- Katoliko Romano
Ang sabi ni Phelan:
“The friars had learned the necessity of preaching the Gospel to the natives in
their own tongues. Only thus could the message of Christianity reach the Indian’s hearts. The
natives were to be asked to repudiate their pagan cults but not their mother tongues. In 1582
the Ecclesiastical Junta extended this axiom of Spanish missionary procedure to the
Philippines.

Nauukol sa Gramatika:

‘Arte y Vocabulario de la Lengua


Tagala’ ni Pari Juan de Quiñones.
Nilimbag noong 1581;

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 17
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Nauukol sa Talasalitaan:

‘Vade-Mecum o Manual de la
Conversacion Familiar Espanyol-
aTagalog, Seguido de un Curioso
Vocabulario de Modismos
Manileños’ ni T. M. Abella.
(walang petsa)

Iba pang Pag -aaral

‘Memorial de la Vida
Christiana en Lengua Tagala ni
Pari Blancas de San Jose (1605)

Pinakadahilan kung bakit napabilis ang pag-aaral sa mga wikang katutubo:


Pagkakahati-hati ng kapuluan sa apat na Orden (1954):
Ang Kabisayaan ay hinati sa mga Augustinian at Jesuitas. Ibinigay din sa mga
Augustinian ang Ilocos at Pampanga. Ang mga Intsik at ang mga lalawigan ng Pangasinan at
Cagayan ay ibinigay sa mga Dominican. Ang mga Franciscan naman ang pinangasiwa sa
Kabikulan.
B. Panahon ng mga Amerikano

■ Pangunahing layunin ng mga Amerikano naman ay maihasik sa sambayanang


Pilipino ang ideolohiyang demokratiko.
■ Ang naging suliranin ng mga prayleng kastila at ng mga sundalong Amerikano ay
iisa:
Ang kawalan ng isang wikang magiging daluyan ng komunikasyon upang
maisakatuparan ang kani-kanilang layunin.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 18
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Ayon kay Constantino, sa mga pangunahing liggwista noong Panahon ng mga


Amerikano ay nagsisipanguna ang mga sumusunod:
 Cecilio Lopez (isang Pilipino)
 Otto Scheerer at H. Costenoble (mga Alenian)
 Carlos Everett Conant (Amerikano)

THE RGH LAW IN PHILIPPINES LANGUAGES AT THE PEPET LAW IN PHILIPPINE


LANGUAGE

RGH LAW ni Conant

Sa inang wikang Malayo-Polinesyo ay may tunog na *R ( mula rito ay tatawagin nati


ng tunog proto ang lahat ng tunog na may tandang asteriko. Ang ibig sabihin ng tunog na
proto ay ang tunog na ipinalalagay ng dalubwikang nagsusuri na siyang orihinal na tunog sa
pinakainang wikang Malayo Polinesyo.)
Ang Protong-malayo Polinesyong R (PMP R) ay maaaring sa ibang wika naman ay
naging g,h, o kaya ay y. Ang ganitong ponemon ay waring isang batas na nagaganap sa mga
wikang Malayo Polinesyo.

Halimbawa:
Ang vein, nerve, sa Malay ay urat, sa Tagalog ay ugat, sa Dayak ay uhay at
sa Lampong ay oya.
PEPET LAW
Pepet (Proto-Austronesian )

7 uri ng kaligiran na tinunton ni Conant sa ebulosyon ng Patinig na Pepet:


1) AP- class
Mga salitang may ∂ sa unang pantig ng dadalawang pantig na salita at
ang ikalawang pantinig ay pepet, e.g. at∂p.
2) PA- class
Mga salitang may pepet sa unang pantig at a sa ikalawang pantig; e.g
b∂gas.
3) IP class
Mga salitang may i sa unang pantig at pepet sa ikalawang pantig; e.g
ngip∂n.
PI-class, e.g. b∂li
UP-class, e.g. pus∂d
PU-class, e.g. p∂nu). At PP-class, e.g. l∂bang

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 19
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Blake

Aklat tungkol sa gramatika ng Tagalog


(1925)

“Language” (1933)
Bahagi I Salitang Tagalog na nasusulat sa transkripsyong
pamponemika.
Bahagi II Hinati niya sa Phonetics, Syntax, at Morphology
Bahagi III Talaan ng mga pormasyon at ng glossary.

1941-
Ipinalimbag na manwal na
nauukol sa gramatika ng
wikang pambansa

1970-
Kinilala ng Pambansang
Samahan sa Linggwistikang
Pilipino bilang “AMA NG
LINGGWISTIKANG PILIPINO”

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 20
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

“Summer Institute of Linguistics” Gradwal na pagdami ng mga


(1953) linggwistang Pilipino

Paggamit ng makalinggwistikang pamaraan


sa pagtuturo ng Ingles sa mga Pilipino

Tagalog at Ilocano Transformation-generative model

Tagmemic model

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 21
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


SURIGAO CITY
IKALAWANG GAWAIN PARA SA KABANATA 2

PANGALAN: PETSA:
TAON AT SEKSYON:

I. Panuto: Ipaliwanag ayon sa sariling pag-unawa ang limang proseso ng pag-aaral ng


wika at lapatan ito ng halimbawa na siyang susuporta sa iyong ginawang konsepto.
Ilagay ang iyong sagot sa ibaba ng grapikong desinyo.

Limang Proseso sa Pag-aaral ng Wika

Proseso ng Pagmamasid

Proseso ng Pagtatanong

Proseso ng Pagklasipika

Proseso ng Paglalahat

Proseso ng Pagberipika at
Pagrebisa

II. Panuto: Sa hiwalay na papel, ipiliwanag ang naging kasaysayan ng lingguwistika sa


Pilipinas ayon sa mga sumusunod na panahon.

1. Panahon ng mga Kastila (1600-1900)


2. Panahon ng mga Amerikano (1900-World War 2)
3. Panahon ng Kalayaan (1946)

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 22
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

KABANATA
WIKA SA LIPUNAN
3

http://photographyblogger.net/colin-shafer-filipino-youth/

PAGTATALAKAY:
Wika ay instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang ito upang
makapag-ugnayan sa isa’t-isa. Lipunan ay isang malaking pangkat ng mga tao na may
karaniwang set ng pag-uugali,ideya,saloobin at namumuhay sa isang tiyak na teritoryo
at itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit.
Ayon sa pananaliksik ng mga antropologo, ang wika ng lipunan sa iba’t ibang
antas ng kalagayang cultural ay nagkakaiba-iba sa istruktura ng kanilang wika at hindi dahil
sa sila ay kabilang sa mga sinaunang taong nasakop. Napatnayan na ang wika ng mga taong
may simpleng kultura ay halos kapantay din ng wika ng may mas maunlad na lipunan ayon
sa kanilang istrukturang ponetiko at gramatika. Kung ang mga katutubong tao sa Pilipinas ay
mayroon nang sistema ng mga ponema at istrukturang panggramatika, mayroon ding
ganitong sistema ang iba pang pangkat ng mga tao sa ibang panig ng daigdig. Kung gayon,
walang wika ang masasabing mahina kaysa ibang wika.
Saklaw ng mga antropologo ang pagsusuri ng mga buhay at bayan ng iba’t ibang
lahi, at interes naman ng mga etnologo ang pagkakaiba ng katawagan ng mga pangkat ng
tao na kabilang sa mga lahi, habang gawain naman ng linggwistika ang pag-aaral at
pagsusuri ng mga wika at kultura.
Mga Pangunahing Wikain ng Pilipinas
Batay sa dami at porsyento ng populasyon ng Pilipinas na gumagamit, nagsasalita,
nakasusulat at nakauunawa sa Filipino, itinuturing na pangunahing wikang katutubo ang mga
sumusunod: (Leyson, L. et.al., 2007)

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 23
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

WIKAIN GUMAGAMIT IBANG KATAWAGAN

1. TAGALOG Taga-Maynila, Bulacan, Batangas,


Cavite, Lubang, Tanay-Paete,
Tayabas, Rizal, Bataan,
2. CEBUANO Taga-Cebu, Bohol, Negros Or., Sugbuhanon, Sugbuanon,
Leyte at ilang bahagi ng Mindanao Visayan, Bisayan, Binisaya,
Sebuano
3. HILIGAYNON Taga-Iloilo at mga probinsya ng Ilonggo, Illogo, Hiligainon,
Capiz, Panay, Negros Occidental, Kawayan, Bantayan, Kari
Visayas
4. BICOLANO Taga-Naga, Legaspi, Mga Buhi ( Buhi’non ), Daraga, Libon,
Probinsya Ng Albay, Bato, Oas, Ligao
Catanduanes, Sorsogon,
Masbate, Buhi, Camarines Sur,
Luzon
5. ILOCANO TAGA-ILOCOS, ABRA, La Union, Iloko, Ilokano
Cagayan Valley, Samtoy, Ibanag,
Bulubundukin, Mindoro, Mindanao

6. WARAY Taga-Samar-Leyte Samareno, Samaran, Samar-


Leyte, Waray-Waray, Binisaya

7. KAPAMPANGAN Taga-Pampanga sa Gitnang Pampango, Pampangueno,


Luzon, bahagi ng Tarlac, Nueva Kapampangan
Ecija, Bataan
8. PANGASINENSE Taga-Pangasinan na nasa Pangasinan
hangganan ng mga lalawigan ng
Ilocos
9. MARANAO Taga-Mindanao, Lanao De Norte Ranao, Maranaw
At Lanao De Sur

10. TAUSUG Taga- Jolo, Sulu Archipelag, Taw Sug, Sulu, Suluk, Tausog,
Palawan Island, Basilan Island, Moro, Joloano, Jolohano, Sinug
Zamboanga City, Indonesia Tausog
(Kalimantan), Malaysia (Sabah)
11. MAGUINDANAO Taga-Maguindanao, North Magindanaon, Magindanaw
Cotabato, South Cotabato, Sultan
Kudarat at Zamboanga del Sur,
Bukidnon

Mga halimbawa ng Wika sa Pilipinas

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 24
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

ILOKANO

1.Apay nga nakasimuot ka?:Bakit ka


nakasimangot?
2.Kabsatmo kano isuna?:Kapatid mo daw
siya?
3.Ayanna diay nuwang?:Nasaan ung
kalabaw?
4.Nagsalada:Sumayaw sila

WARAY
1.Nakakaintindi ka ba ng Waray?:Nasabut
ka hin Winaray?
2.Mahal kita:Hinigugma ko ikaw
3.Ano:Nano o Anya
4.Hindi ko alam:Diri ak maaram o Ambot

PAMPANGGO

1.Daga:Dagis
2.Ano:Nanu
3.Malaki:Maragul
4.Panaginip:Paninap

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 25
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

BIKOLANO

1.Marinsalum:Makulit
2.Bua-bua:Baliw
3.Makaurag:Nakakabwusit
4.Patal:Bobo

Ayon sa mga antropologo, kasabay na sumibol sa mundo ang wika at ang lahi.
Masasabing ang kanilang wika noon ay kasingkahulugan ng ginagamit ng mga hayop. Subalit
sa paglipas ng panahon, sabay sa pag-unlad ng kultura ng tao, umunlad din ang wika.
Sang-ayon pa rin sa mga etnologo at linggwista, ang kasalukuyang lahi at wika ay
nagdaraan sa napakaraming taon ng pagbabago. Magmula sa paninirahan sa mga bato at
paggamit ng simpleng paraan ng pakikipagtalastasan, narating ng tao ang puntong makontrol
pati na ang batas ng kalikasan- manirahan sa mga air-conditioned na tahanan, maglakbay sa
himpapawid, makausap ang isang tao sa ibayong dagat, umakyat sa pamamagitan ng
elevator at escalator, gumawa ng komunikasyon sa tulong ng faxmachine, easy call,
cellphone, telepono, telegrapiya at iba pang paraan ng mga makabagong sistema ng
pakikipagtalastasan.
Varayti at Varyasyon ng Wika

Heyograpikal at Sosyal

May iba-ibang uri ng wika kaya nga sinasabing may varayti ng


wika.Nagkakaroon ng iba-ibang uri dahi may pagkakaiba o varyasyon sa mga aytem
na pangwika. Maaaring ang varyasyon ay nasa tunog mga salita o vokabularyo at sa
istrukturang gramatika o sa ahat ng ito. Ang mga ito ay maaaring iugnay sa mga
eksternal na faktor na maaaring heyograpikal o grupong sosyal.
 HEYOGRAPIKAL
Sa kondisyong heyograpikal ng mga tagapagsalita ay pumasok dito ang
pagkakaiba sa tono, sa vokabularyo at sa gramar ng wika. Nagkakaroon ng
pagkakaiba sa wika batay na rin sa lugar o lokasyon ng tagagamit ng wika. Ang
pagkakaiba ng wika dulot ng mga elementong pangwika ito ay tinatawag na rehiyonal
na varyasyon o dayalek na na natalakay na sa unahan. Ayon kay Wardhaugh (1993),
ang varyasyong ito ay lubhang kapuna-puna kaya nasasabing may pagkakaiba sa
paraan ng pagsasalita ng dalawang taong parehong gumagamit ng magkaparehong
wika.
 SOSYAL
Ang pagkakaiba-ibang sosyal sa paggamit ng wika ay tinatawag ding
sosyolek. Nagmula ang pagkakaibang ito sa bunga ng posisyong sosyal o panlipunan
ng bawat grupo. Tulad ng nabanggit na sa unahan, ang mga faktor nakakaapekto sa
pagkakaiba ng wika ng bawat grupo ay maaaring dahil sa uri ng trabaho , lugar na

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 26
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

kinatitirhan o kinalakihan, edukasyon, propesyon, katayuan sa buhay, edad, seks o


kasarian, relihiyon, katayuang sibil, isports, atbp. Dahil sa pagkakaiba-iba ng wika ng
bawat grupo ng mga tagapagsalita ay umusbong ang tinatawag na rejister.

Dayalekto
 Tatlong uri ng Dayalek ayon kay Curtis McFarland

1. Dialectal Variation- Tumutukoy sa distribusyon ng ilang mga salita aksent, pagbigkas ng


wika sa loob ng isang language area.

2. Discrete Dialect- ay hiwalay sa ibang mga dayalek dulot ng heograpikong lokasyon at


pagiging distinct ng dayalek.

3. Social Dialect- naiiba sa heograpikal na dayalek dahil ito ang sinasalita ng ibat-ibang uri
ng lipunan. Ang mga taong kabilang sa isang grupo ay may ibang pananalita kumpara sa iba
na nagmula sa ibang uri sa lipunan kahit na sila ay nasa iisang lugar.
Halimbawa:
Cebuano-iligan,Cebuano-Cagayan de Oro,Cebuano- Surigao
 Bahay-Tagalog
 Balay-Cebuano
 Bayay-Surigaonon

Cebuano
Tagalog

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 27
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

 IDYOLEK
- Ito ang bukod tanging wikang indibidwal
-May pekulyaridad sa pagsasalita ng isang indibidwal
-Ang varayting wika sa personal nakakanyahan ng tagapagsalita, ang varayti
na ginagamit ng indibidwal
-Idyosintrikong katangian na istatistikal tulad ng tendensya ng gumamit ng
particular nabokabularyo ng napakadalas.
Halimbawa:
Ruffa Mae Quinto: To the highest level natalagaito.
Mike Enriquez: Di naming kayo tatantanan.
 SOSYOLEK
-Wika na ginagamit sa bawat particular na grupo ng tao sa lipunan.
Makikilala ang ibat-ibang varayti ng wika sa pagkakaroon ng --kakaibang rehistro ng tangi sa
pangkat na gumamit ng wika.
Halimbawa:
a)Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!
b)Wow pare, ang tindi ng tama ko. Heaven!
c)Kosa, pupuga na tayo mamayad) Girl, bukas nalang tayo mag-iib. Mag-
malling muna tayo ngayon.
 RIJESTER

- Isang ispisipikong vokabularyo at/o balarilang isang aktibidad o propesyon (


De Castro)
- Set ngmgasalita o ekspresyon nanauunawaan ng mga grupong gumagamit
nito maaring hindi nauunawaan ng mga taong hindi kasali sa grupo o hindi
familiar saprofesyon, uringtrabaho o organisasyong kinabibilangan (Santos at
hufana)
Halimbawa:
Sa larangan ng abogasya
a) Notaryo
b) Affidavit
c) Kliyente
d) Fiskalya
Sa kabuuan, ang Varayting wika ay mga wika na ating naririnig sa araw2x nabuhay
sa telibisyon at sapakikipag-usap sa ibang tao. Ang Dayalek ay ang wika na ating kinamulatan
o unang wika na ating natutunan. Idyolek naman ang tawag sa wika ng indibidwal o bukod
tanging wika. Sosyolek naman ay wika na ginagamit ng isang grupo. Rejister o Jargon naman
ang tawag sa wika na sadyang ginawa dahil sa pangangailangan ng tao sa isang profesyon.
Ang mga ito ay sadyang napakahalaga na ating malaman na sa gayon ay aware at nakakilala
tayo sa mga wika na ating naririnig salabas o loob man ng ating tahanan.
 Pidgin

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 28
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

-ay isang uri ng barayti ng wika na tumutukoy sa wikang walang pormal na


estraktura, nadedebelop ito dahil na rin sa pangangailangan na makabuo ng isang
pahayag.

Halimbawa :

Mga intsik sa binondo na napagsasama-sama nila ang mga salitang intsik sa mga
filipino.
 Creole
-ang tawag sa wikang unang natutunan ng mga bata at naging inang
wika(mother tongue) ng lipunan.
-ay distinktibong wika na karamihan sa bokabularyo nito ay mula sa ibang wika,
ngunit may sariling tuntuning gramatikal.
 Taboo
Ito ay mga salitang bawal gamitin o hindi maaaring gamitin sa isang pormal na
usapan at lipunan.

 Yufemismo
Isang salita o parirala na panghalili sa salitang taboo o ang ginamit upang
maiwasan ang nakakatakot o malaswa na kahulugan at di magandang pakinggan.

Halimbawa :
Salitang yufemismo

Nagsiping Sa halip na nagtalik


Sumakabilang- buhay Sa halip na namatay
Naglabing-labing Sa halip na nagroromansa
Nag-success Sa halip na nagtae

Halimbawa:

Salitang Taboo

Puki Bulaklak

Nagtae Nagsuccess

Utin Tintin

kantutan nagsiping

 Wika at Seksismo

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 29
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Ang wika ay may malaking kinalaman sa seksismo. Noong unang panahon at


maaaring hanggang ngayon, ang konsepto ng iba sa mga salitang doktor, abogado,at
marami pang iba ay kaagad na lalaki sila dahil sa napag-alaman na ang gawaing ito
ay kadalasang ginagawa ng mga lalaki at nakatatak na sa konsepto ng mga Pilipino
na ang mga lalaki ay magaling sa pamumuno kaysa babae.

Rejister: Disiplinal na Kalikasan, Gamit at Istruktura

Gawa ng pagkakaiba-iba ng grupo ng tao, lumilitaw ang varyasyong sosyal ng wika.


Kabilang dito ang rejister na ginagamit ng partikular na grupo na nagkakasama-sama dahil sa
a) uri ng profesyon mayroon sila, e.g. Abogado, doktor, akawntant, titser, atbp. ; b) gawain o
trabaho, e.g. Manlalaro ng basketbol, byutisyan shef o tagapagluto, atbp. ; c) interes, e.g. Pag-
aaaga ng halaman, kolektor ng mga bagay na kinahihiigan, pagtaya sa lotto, sabong, atbp.;
d) iba pang grupo na nagkasama-sama dahil sa kinaaanibang organisasyon, relihiyon, atbp.

 REJISTER

Kapag nagkakasama-sama ang mga abogado ay maririnig sa kanila ang mga


salitang afidavit, kliyente, nasasakdal, isinasakdal, notaryo, kaso at iba pa. Samantala,
kapag mga titser naman ang nagkakasama-sama ( depende rin sa grupo ng mga titser
batay sa kanilang espesyalisasyon), madalas na maririnig ang mga salitang gramar,
ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantiks, jargon, rejister, varayti at varyasyon at
iba pa, kung titser sa wika.

Batay sa paliwanag at mga halimbawang ibinigay sa itaas, masasabing ang rejister ay set ng
mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng mga grupong gumagamit nito na maaaring hindi
nauunawaan ng mga taong hindi kasali sa grupo o hindi familiar sa profesyon, uri ng trabaho
o organisasyong kinabibilangan ng nagsasalita o grupong na-uusap.

Domeyn at Repertwang Pangwika: Linggwistik na Kaalaman at Kasanayan

 Domeyn

Ang domeyn pangwika ay tumutukoy sa larangang pangwika ng tao na


regular na ginagamitan ng particular na varayti ng wika o kombinasyon ng mga varayti
( Richards, J. Platt, 1993 ).
Sa ikauunawang lubos ng konsepto ng domeyn pangwika, nagbigay ng ideya
ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF, 1998) tungkol dito.

Domeyn ng wika na nagkokontrol ( Controlling Domains of Language- CDL )

Kabilang sa domeyn na ito ang;

a) administrasyon ng gobyerno na binubuo ng eksekyutibsa lejisativ at judisyal; b)


syensa, teknoloji at industriya;
b) edukasyon sa mga antas na elementarya, secondarya, vokasyonal at mga kursong
teknikal, tersarya at gradweyt;
c) ang mga profesyon na binubuo ng medisina, batas, enjiniring, akawnting at iba pa.
Ang sumusunod ang mga katangian ng mga domeyn na ito:
a) nagdidikta ng wika at rejister na dapat gamitin ( ang wikang dapat gamitin dito ay ang
mga wikang natutunan sa eskwelahan- Ingles at Filipino );

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 30
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

b) ang domeyn ay nangangailangan ng kasanayan sa pagbasa at pagsulat na


katanggap-tanggap at wasto.

 Domeyn na bahagyang nagkokontrol ( Semi-Controlling Domains Of Language-


SCDL ). Ang mga domeyn na bumubuo rito ay ang relihiyon at mas midya. May
particular na wika na ginagamit sa mga domeyn na ito ngunit hindi kasinghigpit ng sa
CDL. May alternatibong wika na ginagamit sa domeyn na ito- wikang naiintindihan ng
mga tao sa lugar. Nakakalahok ang mga tao sa mga gawain sa mga domeyn na ito
nang di nangangailangan ng pagkabihasa o iskil sa anyong pasulat, ngunit
nangangailangan ng iskil sa pagbasa.
 Domeyn na di-nakokontrol ( Non-Controlling Domains Of Language- NCDL ).

Ang pinakamahalagang mga domeyn dito ay ang tahanan at mga


komunidad. Maaaring gamitin dito ang kahit anong wika o varayti ng wikang alam
pareho ng mga kalahok o ng mga nag-uusap. Hindi nangangailan dito ng mga
kasanayan o iskil sa pagbasa at pagsulat o maaaring minimal lamang. Bukod sa
wikang vernacular sa lugar, ginagamit din dito ang linggwa franka sa rehiyong
kinabibilangan.
Bagama’t may mga itinatakdang wika na dapat gamitin sa bawat domeyn ng
wika, malinaw naman na higit sa isang wika ang maaaring lumitaw sa bawat domeyn.
Ayon kay Holmes (1993:27-28), ang iba’t ibang tao ay maaaring gumamit ng iba’t ibang
mga wika sa parehong domeyn. Ang pangyayaring ito ay bunga ng impluwensya ng
iba’t ibang factor-panlipunan na nakaaapekto sa repertwa ng pagsasalita ng isang
indibidwal.

 REPERTWA

Ang repertwa ay nangangahulugan ng mga wika o mga varayti ng wika na


aam at ginagamit ng isang indibidwal sa pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon
niya. Nakadepende sa domeyn kung anong wika o varayti ng wika ang gagamitin niya.
May iba’t ibang factor-panlipunan na nakakaapekto sa pagpili ng wika o varayti ng wika
na dapat gamitin.

Ang mga kalahok. Ang pagpili ng wika o varayti ng wika sa pakikipag-usap


ay naaayon sa kanila kung sinu ang nagsasalita at kung sinu ang kinakausap.
Ikinokonsidera reto ang relasyon o ugnayan ng mga kaahok sa usapan---gaano
magkakilala ang isa’t isa, i. e. magkaibigan ba, magkapatid, magkaklase, mag-ina o
mag-ama, magtitser, magkaopisina, magkalaro, magkasama sa simbahan, atbp.
Kung magkalaro ang nag-uusap, natural na gamitin nila ang varayti ng wika
na angkop sa kanilang pinag-uusapan. Kung magkasama naman sila sa simbahan,
mga bagay o usaping pang-simbahan naman ang kaniang pag-uusapan. Kung mag-
ina o mag-ama ang nag-uusap, natural na may pagkakaiba ang paraan at mga saitang
gagamitin ng anak kaysa kung nakikipag-usap sa kabarkada o kaklase.
Ang pakikipag-usap sa isang bayot o bakla ay naiiba kung ang kausap ay
hindi nya kasama sa grupo kaysa sa kapwa nya bayot o bakla.
Kung gayon, namamanipula ng tagapagsalita ang uri ng wika o ang kanyang
repertwa depende sa kung sinu ang kanyang kausap.

Ang lugar o tagpuan. Ang wika sa interaksyon ng mga estudyante sa oob


ng klasrum ay magkakaroon ng pagkakaiba sa labas ng klarum o kampus magaganap
ang intraksyon.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 31
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Ang parehong abogado sa loob ng korte ay iba ang paraan ng usapan kaysa
kung nasa labas ng korte. Ang wikang ginagamit sa paitan ng argumento sa loob ng
korte ay ginagamitan ng mga salitang particular sa kanilang profesyon kaysa kung
nag-uusap lamang ng kaswal depene narin sa paksa ng usapan.
Ang pagiging formal o informal sa usapan, kung gayon, ,ay dumedepende sa
kung saan nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng mga kalahok.
Ang paksa .Tumutukoy ang paksa sa kung ano ang pinag-uuasapan.Ang
varayti ng wika at paraan ng pag-uuasap ng mga titser ay nagkakaroon ng pagbabago
kung ang pinag-uuasapan ay tungkol sa kanilng larangan kaysa sa usaping
pampamilya.
Ang fanksyon o layunin. Iba ang wikang ginagamit ng isang taong nag-aapy
ng trabaho sa puno ng pinag-aaplayang kompanya kaysa sa kanyang pakikipag-usap
sa kapwa niya nag-aaply. Iba pa rin ang paraan ng pakikipag-usap ng taong
nangungutang sa inuutangan kaysa sa anak na humihingi ng perang pambayad sa
eskweahan.
Ang mga nabanggit sa itaas ay ilan lamang sa mga dahilan sa pagbabago ng
wika o varayti ng wika na dapat gamitin ng isang indibidwal sa mga gawaing
panlipunan o ng kanyang repertwang pangwika.
Teoryang Interference Phenomenon at Interlanguage

Ang interference phenomenon ay ang tumatalakay sa impluwensya ng unang wika


sa pangalawang wika. Halimbawa ang Cebuano ay kapansin pansin kapag nagsasalita ng
Filipino. Isang katangian, halimbawa ang paggamit ng panlaping mag- kahit sa dapat ay
gamitan ng um- (sa dating wikang Pilipino) sa dahilang wala talagang um- na panlapi sa
Cebuano.
Ang interlanguage naman ang tinatawag na “mental grammar” na nabubuo ng tao sa
pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto niya ng pangalawang wika. Ditto, binabago

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 32
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

ng tagapagsalita ang grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas, at pagbabago


ng mga alituntunin.

Accomodation Theory
Communication Accommodation Theory (CAT). Is a theory
of communication developed by Howard Giles. It argues that, "When people interact they
adjust their speech, their vocal patterns and their gestures, to accommodate to others." It
explores the various reasons why individuals emphasize or minimize the social differences
between themselves and their interlocutors through verbal and nonverbal communication.
This theory is concerned with the links between language, context, and identity. It focuses on
both the intergroup and interpersonal factors that lead to accommodation, as well as the ways
that power, macro and micro-context concerns affect communication behaviors.
This theory describes two main accommodation processes.
A. "Convergence" refers to strategies through which individuals adapt to each other's
communicative behaviors to reduce these social differences.
B. "Divergence" refers to the instances in which individuals accentuate the speech and
non-verbal differences between themselves and their interlocutors. Sometimes when
individuals try to engage in convergence they can also end up over-accommodating,
and despite their good intentions their convergence can be seen as condescending.
C. Communicative isolation ay hiwalay na pag-uusap sa pagitan ng mga pangkat sa
isang partikular na lugar o bansa.
D. Dayalekto o dialect differences ay pagbabago ng wikang sinasalita ng lipunan na
umusbong sa isang rehiyon na hindi naibabahagi sa iba pang rehiyon.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 33
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


SURIGAO CITY
IKATLONG GAWAIN PARA SA KABANATA 3

PANGALAN: PETSA:
TAON AT SEKSYON:

Panuto: Humanap ng isang kausap o nag-uusap na pangkat. Subukang iobserba ang


kanilang usapan. Itala ang mga varayti na gamit nito batay sa usapang masisilip, tulad ng:

Pagdedekowd ng Usapan

Pagsusuri: Varayti ng Dayalekto

Mga Corpus Cebuano Filipino Ingles

b. Sosyolek: Rejister

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 34
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Pangkat ng Lipunan Rejister Uri/antas ng Salita Paraan ng


Pagbabago

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 35
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

KABANATA
WIKA AT KULTURA
4

https://malikhaingwikaatkulturangpilipino.weebly.com/blog/ang-mga-kultura

PANIMULA

Instrumento ng tao ang wika sa pagpapahayag ng kanyang sarili para makamit ang
mithiin at adhikain niya sa buhay. Sa pamamagitan ng wika ay naipaparating ng tao ang mga
impormasyon na gusto niyang maibahagi sa iba. Ito rin ay isang paraan kung saan
nagkakaintindihan ang mga tao sa iba’t-ibang lugar, kung gayon sa pamamagitan ng isang
wika nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang mga tao sa isang lugar na nagreresulta sa
pagkakabuo ng kultura.

PAGTATALAKAY:

Depinisyon ng Wika at Kultura


Wika

 Isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan nito


ay nagkakaugnay, nagkakaisa at nagkakaunawaan ang mga kaanib na pulutong ng
mga tao.
 Ito ay isang masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang mgamit ng taong kabilang sa isang kultura.
Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan
nito ay nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng
mga tao.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 36
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Kultura

Ang salitang Kultura ay may katumbas sa salitang kalinangan na may salitang ugat
na linang at linangin. Kaya ang kalinangan o kultura ay siang lumilinang at humuhubog sa
pag-iisip, pag-uugali, at Gawain ng tao.
Mula sa aklat ni Pamela Constantino:
Ang kultura ang kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman at karanasan ng
nagtatakda ng angking kakanyahan ng isang kalipunan ng tao, ang wikang hindi lamang
daluyan kundi higit pa rito ay tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng alinmang kultura.
Ayon kay Edward Burnett Tylor:
Ay isang kabuuang kompleks na may malawak na saklaw sapagkat kabilang dito ang
kaalaman, paniniwala, sining, moral o valyu, kauugalian ng tao bilang membro ng lipunan.
Leslie A. White
Isang organisasyong phenomena na sumasaklaw sa aksyon, bagay, at iba pang mga
kasangkapan, ideya, at sentiment.
Antropolohista
Ang kultura ay lahat ng natuitunang beheybyur at resulta kung papaano
pinahahalagahan ng tao ang mga natutunan niya na tinantawag na cognitions.
Aklat ni Donna M. Gallaick
Ang kultura ay ginagamit para maayos na paraan ng may kapangyarihan at mga
makapangyarihang tao, dahil ang mga taong may kaalaman sa kasaysayan, literatura at
sining ang siya lamang may kultura ayon sa unang paniniwala. Ang paniniwalang ito ay
binatikos ng ilang mga antropolohista.
Hudson
Ang kultura ay socially achieved knowledge.
Wardgoodenough
Ang kultura ay patterns of behavior and patterns for behavior.
Timbreza

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 37
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Ang kultura ay kabuuan ng mga natamong gawain, mga natutunang huwaran ng pag-
uugali at mga paran ng pamumuhay sa isang takdang panahon ng isang lahi o tao.
Paglalahat:

Ang kahalagahan ng wika at kultura ay hindi kailanman naihihiwalay na kung saan,


ang wika ay isang paraan kung saan nagkakaintindihan ang mga tao sa iba’t ibang lugar, kung
gayon sa pamamagitan ng isang wika nagkakaroon ng pagkakaunawaan ng mga tao sa isang
lugar na nagreresulta sa pagkakabuo ng mga kultura.
Katangian, Manifestasyon At Komponents Ng Kultura
Katangian ng Kultura
Learned/natutunan. Ang tao ay isinilang at inaalagaan ng mga magulang at
kung paano siya inaalagaan, pinakakain, pinaliliguan, pinapadamit, at itbp. ay isang
proseso ng kulturang natutunan na nagsimula sa pagkatuto sa kultura ng pamilyang
kinabibiblangan niya. Ang prosesong ito ay magpapatuloy sa buong buhay sa
pakikihalubilo ng tao sa kultura ng kanyang pamilya at sa ibang kultura.
Manifestasyon ng kultura
 Enculturation. Isang proseso ng pagkuha ng mga katangian ng ibang kultura at
maging bahagi siya sa kulturang iyon.
 Socialization. Pangkalahatang proseso sa pagkilala sa mga sosyal at istandard
na kultura.
 Shared/ibinabahagi. Ang ibinabahagi ng kultura ay nagbubukolod sa mga tao
bilang isang pagkakilanlan ng kanilang pangkat.
 Culture is adaptation/naadap. Ang kultura ay nag-aakomodeyt ng kapaligirang
nagkokondisyon sa isang tao sa likas o teknolohikal na resorses.
 Ang kultura ay dinamikong sistema at patuloy na nagbabago. Tulad ng wika
may mga kultura na mabilis ang pagbabago at mayroon din namang hindi
nagbabago o mabagal ang pagbabago.
Dalawang proseso ng pag-interak o pakikihalubilo ng tao sa isang lipunan:
 Ang valyu. Tumutukoy ito sa sa kung ano ang karapat-dapat at nakabubuting
ugaliin.
 Di-verbal na komunikasyon. Ang kahulugan ng aksyon at ekspresyon ay
naglalarawan ng konteksto ng kultura.
 Ang di-verbal na komunikasyon ay refleksyon ng kultura at nagbibigay ng
espesyal na kaibahan upang madaling makilala ang iba-ibang kultura. May mga
tunog at kombinasyon na ginagamit ang wika na siyang pakakakilanlan ng ibang
kultura.

Komponents ng kultura
 Materyal na kultura. Mga bagay ito na nilikha at ginagamit na tao. Ito ay mga
material na objek na nagawa at ginagamit ng tao mula sa pinakapayak tulad ng
tools, utensils, furniture, at clothing hanggang sa malaking bagay tulad ng
arkitektural na disenyo, automobiles, engines, at iba pa.
 Di-materyal na kultura. Binubuo ito ng mag norm, valyu, paniniwala at wika.
 Norms. Tinatawag na ng mga sosyolohista ang norm na kumakatawan sa kung
ano ang aktwal na ginagawa o ikinikilos ng isang tao na ideal at istandard na
insaasahang uugaliin niya sa isang partikularna sitwasyon.
 Folkways. Isa itong kaugalian na nakikita sa isang sitwasyon na tinitingnan ang
magandang kapakanan ng isang pangkat.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 38
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

 Mores. These are standards of conducts that are highly respected and valued
by the group and their fulfillment is felt to be necessary and vital to group welfare.
 Batas. Para sa mga sosyolohista ang batas ay pormal at karaniwang en-akted
at isinabatas ng federal state o lokal na awtoridad.
 Valyu. Ito ang inaasahang mabubuting pag-uugali o dapat gawin/kilos o ipakita.

Ang bawat tao sa isang lipunan ay may sinisunod na batas sa kanilang kultura. Kung
gayon, ang mga taona napabilang sa kani-kanilang kultura ay dapat sundin ang mga batas
para sa kaunlaran ng kanilang kultura.

KULTURA AT GRUPO, CULTURE PATTERN/HULWARANG PANGKULTURA,


ALTERNATIBO/ MGA ALTERNATIBO, ESPESIALTIS

May tatlong mahalagang tungkulin ang kultura ng isang pangkat.


 Ito ay isang paraan upang makita ang biyolohikal na pangangalaingan ng grupo
para mabuhay.
 Ito ay nagbibigay sa isang indibidwal na kasapi ng grupo na mag adjust o
makibagay sa sitwasyon ng kapaligiran.
 Sa pamamagitan ng komon na kultura ang bawat tao ay nabibigyan ng tsanel na
makapag-interak upang walang alitan na mangyayari.

Iba-iba ang kultura ng bawat lugar ngunit may mga kultura na komon at makikita sa
lahat ng pangkat sa bawat lipunan. Ang unipurmidad na ito tinatawag na universal pattern
of culture.
“The cluster of related traits that are involved in wet rice agriculture in the
Philippines is the example of culture pattern”
Si Winsker na isang Amerikanong antropolohista ang unang nagbigay ng
pakahulugan sa universal pattern of culture.

Ang bawat lipunan ay may kaugaliang sinusunod at mayroon din namang maaring
hindi sinusunod kaya ito ay tinatawag na alternatibo.

Elemento ng kultura na maaaring maibahagi sa iba pero hindi sa lahat.


Ilang Halimbawa ng Kakaibang Kultura Sa Pananaw ng mga Pilipino
 Brazil- hindi pwedeng lumabas ng bahay na basa ang buhok.
 Canada-huwag dumating ng maaga kung hindi ka imbitado sa bahay ng iba.
 Indonesia- huwag mag turo or point na gamit ang paa.
 Japan- mag hubad ng sapatos kapag pumasok sa loob ng tahanan lalo na
sa tahanan ng iba.
 Mga bansa ng Ka-Musliman- huwag gamitin ang kaliwang kamay sa pagkain.
 Samoa- bawal ang kumain kapag naglalakad sa publiko.
 Thailand- huwag hawakan ang mga bata sa noo.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 39
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Sa bawat pagkakataong tayo’y may natutunang mga kaalaman sa kulturang Filipino


tayo ay malayang nabubuhay sapagkat kultura ang nagsilbing gabay para mabuhay. Kung
gayon, sa bawat kultura na ating nakasanayan maaari na tayong mabuhay na matiwasay at
sa pamamagitan ng kulturang Filipino tayo ay nakilala.
Kultura, Katangian at Komunikatibo
Paano tinitingnan ang kultura ng iba, kultural na katangian ng mga tao, katangiang
komunikatibo (hofstede 1984), katangiang komunikatibo (harry triands 1990).

Damit sa Korea Damit ng mga Muslim

PILIPINAS KOREA

PAANO TINITINGNAN ANG KULTURA NG IBA?

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 40
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

 NOBLE SAVAGE: tanggap nila kung ano sila.


 ETHNOCENTRISM: paniniwala ng iba na ang kanyang kkultura ay tama at
nakahihigit sa ibang kultura samantalang ang sa iba ay mali at para sa kanya ay
hindi dapat gayahin ng iba.
 CULTURAL RELATIVITY: pag-unawa sa ibang kultura.
KULTURAL NA KATANGIAN NG MGA TAO
 POLYCHRONIC: sa ibang kultura may mga taong gumagawa ng isang bagay na
sabay-sabay.
 MONOCHRONIC: ang mga tao ay paisa-isa kung gumagawa ng kailang trabaho.
KATANGIANG KOMUNIKATIBO (HOFSTEDE 1984)
 INDIVIDUALIST: sarili lang ang iniisip at mahalag sa kanya.
 COLLECTIVIST: iniisip niya ang kapakanan at pagkakaunawaan ng lahat.
KATANGIANG KUMUNIKATIBO (HARRY TRIANDS 1990)
 ALLOCENTRIC: mahalaga ang iba.
 IDIOCENTRIC: ako ang mahalaga.
Bawat tao ay may iba’t ibang kultura na pinaniniwalaan at sinusunod. At responsibilidad
nating respetohin at galangin ang iba’t ibang paniniwala ng bawat tao.
MGA DALUBWIKA
Ang dalubwika na may dunong tungkol sa wika sa anumang paraan ng kanilang
pag-aaral ay ang mga Linggwista, Polyglot, Antropologo, Teologo at Etnologo
 Linggwista
- Ang tawag natin sa sinumang nagsasagawa ng maagham na pag-aaral ng
lenggwahe.
 Polyglot
- Isang tao namang marunong ng maraming wika.

 Antropologo

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 41
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

- Nanininwalang kung mayroon mang wika ang mga kauna-unahan tao sa mundo,ang
naturang wika ay masasabing kauri na wika ng mga hayop.Ito ay pag-aaral sa mag
labi ng tao.

 Teologo
- Ito iyong mga taong nagsasagawa ng pag-aaral at naniniwala sa Diyos.
hal:ay pari.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 42
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

 Etnologo
- Taong nagsasagawa ng pag-aaral sa pinagmulan ng tao sa simula hanggang sa
kasalukuyang panahon. Ito’y pag-aaral sa kaugalian, kultura at pamumuhay ng isang
grupo o pangkat ng tao.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 43
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 44
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


SURIGAO CITY
IKAAPAT NA GAWAIN PARA SA KABANATA 4

PANGALAN: PETSA:
TAON AT SEKSYON:
I. Panuto: Magsagawa ng isang pananaliksik hinggil sa kulturang mayroon ang inyong
bayan o pamilya. Pumili ng alin man sa mga aspeto ang gusto mong pag-aralan na
makikita mo sa ibaba at pagkatapos gumawa ng isang vlog upang ipakita ang
magandang kultura mayroon ang lahing pinagmulan natin.

Mga aspeto ng kultura na maaaring pagbatayan:


 Damit
 Paniniwala
 Sayaw
 Pagkain

KABANATA
FM 10: PANGHIHIRAM
5 INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition
ELIZA E. BAYANG, PhD 45
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

https://www.vintersections.com/2010/04/binalot-banana-leaves-dahon-community.html

PANIMULA

Ang Mother Tongue Based-Multilingual Education ay isa sa mga isinusulong sa


bagong sistema ng ating edukasyon ang Kto12 kurikulum na kung saan tinuturan ang mga
mag-aaral mula Kindergarten hanggang Greyd 3 ng iba’t ibang konsepto gamit ang wikang
kanilang kinagisnan. Naniniwala ang mga eksperto sa edukasyon na epektibong gamitin ang
sariling dahil nakakatulong ito upang mas mapataas ang lebel ng interest at madaling
matutunan o maintindihan ang bawat paksa ng mga ma-aaral.

Sa patuloy na pagpapatuloy ng pagtatalakay na ito, dito ilalahad ang kahalagahan ng


Mother Tongue sa pagtuturo sa mga mag-aaral sa iba’t ibang disiplina at lubos na
mauunawaan ng bawat isa ang pagpapaunlad ng sariling wika hindi lamang sa
pakikipagkomunikasyon maging sa akademikong larangan.

PAGTATALAKAY:
Depinisyon ng Code mixing. Code switching at Code shifting
 Code mixing. (Pfaff 1979 kay Romaine, 1989 )

- Code mixing ang neutral na salita para sa code switching at lexical borrowing
- Code mixing ang nangyayari kung nasa loob ng pangungusap ang pagpapalit
o switching
- Refers to the mixing of two or more languages or language varieties in speech.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 46
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Code Mixing

 Code switching
- Beardsmore ( 1982 ). Ang code switching ay naiibang disenyo ng panghihiram ng
salita o lexical borrowing kung saan ang buong sunuran ng salita ng isang wika ay
inilagay sa konteksto ng humihiram na wika
- Ferguson ( 1971 ). Code switching ang tawag sa diglossic na sitwasyon kung saan
may wikang mas tanyag na High ang hindi tanyag ay Low
- Ang code switching ay nagpapakilala ng kakulangan ng kasanayan sa isa o parehong
wika na gamit
- Code switching o paglilipat ay wika at panghihiram ng salita o lexical borrowing
- Ito ang pagpapalit sa pagitan ng dalawa o higit pang wika, o barayyti ng wika sa
konteksto ng isang pag-uusap

Halimbawa: La baby-sitter buys her cosmetics at la drugstore (French ( 1972 )

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 47
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Ayon kay Haugen ( 1974 ), May mahalagang papel na ginampanan ang code
switching upang ang pambansang wika ay makaganap ng iba’t iba nitong gamit sa isang
modernisadong lipunan.
Ayon kay Paplack ( 1980 ). Ang bilingguwal na nagpapalit-wika ay may kakayahan
sa parehong wika (una o pangalawang-wika) at inaayos niya ang paggamit ng bawat isa ayon
sa kaniyang tagapakinig: maaaring upang malayo siya sa iba o di kaya ay upang malapit sa
tagapakinig. Dahil sa dinamikong pagbabagong-wika ay baka umabot tayo sa punto na hindi
na maintindihan ang mga varayting lumalabas. (Dr. Maminta ( 1996 ).
.

Mga Halimbawa:
 Don`t go sleeping in my class now ha.?
 Your so galing talaga…
 Your so kader-der
 Natapos mo na be yung homework mo.?
 Jose Dakila Espiritu – isang propesor ng Filipino sa College of Education
 “Sa bawat pagbigkas ng “TAGLISH” at “ENGGALOG” ay niyuyurakan ang wikang
Filipino at gayon din naman ang wikang Ingles.”

Adaptasyon (Loan word, Loan blend, Loan shift)

May tatlong uri ng panghihiram ayon sa unang kategorya:


Loan shift

Loan blend

Loan Word

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 48
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Loan Word

• Hiniram na buong salita sa Ingles na walang pagbabago.


Halimbawa:
Sampling, ranking o kaya salitang hiniram sa Espanyol- Lunes, Martes, atbp.
• Mayroon ding hiram na may pagbabago sa ispeling upang umayon sa elemento ng
alfabetong Filipino.

Halimbawa:
‘sarvey’. Ginagamit din ang panlapi katulad ng pagbadget magsampling.

Loan blend

• Kasama ang hiniram na morphemic at di-kompletong pagpapalit kaya magkasama


ang banyaga at katutubong morpheme.
Halimbawa:
Subtalataan-(subparagraph); pananaw pilosopical.
Loan shift

 Hiniram na salita kung saan may buo at kompletong pagpapalit sa katutubong


morpheme. Ang ibig sabihin nito ang kahulugan lamang ang imported pero ang anyo
ay katutubo ayon sa konteksto.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 49
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Semantic Loans
Halimbawa:
Dutch ver-’controleren’ mula sa Ingles na ‘ control’

Loan Translation or Calques

Halimbawa:
Filipino-lumiliit na balik’-Eng.-diminishing returns.

Coinage

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 50
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Halimbawa:
Filipino-’shushiner’
‘shoeshinebou’

Mga Paraan ng Paghahalong-Koda sa Facebook


Hindi lamang sa direktang pakikipagtalastasan litaw ang paghahalong-koda sapagkat
sa panahon ngayon mas kapansin-pansin ito sa post at status ng mga online users ng
facebook.
Ipinakita ni Sutrismi (2014) ang teorya ni Suwito na naglahad ng teorya hinggil sa
anyo ng paghahalong-koda na sa kanyang pag-aaral. Batay sa kanya, maaaring ibatay ang
paghahalong koda sa elemento ng wika tulad ng insertion of words, the insertion of blending,
the insertion of affixation, the insertion of hybrid, the insertion of word reduplication, insertion
of phrase at insertion of clause.
Lumabas sa kanyang pag-aaral, mahigit sa 76 na salitang Indonesian-English code
mixing ang nakita sa kanyang obserbasyon sa mga status sa facebook ng mga kabataang
Indones. Kung saan 63.16% ng salita (40 na payak na salita at 8 naman ang tambalang salita),
1.32% ang nasa blending, nakakalap naman ng 9.21% ng mga hybrid na salita o katumbas
ng 7 datos, kinakitaan naman ng 2.63% na mga salitang repudlikado, 14 na datus o 18.42%
na parirala (9 data of noun phrase, 4 na data ang verb phrase at 1 data ng preposition phrase)
habang 5.26% ng sugnay o katumbas ng 4 na data na nakalap. Sa ibaba ay ang isang
halimbawa sa kinalabasan ng pag-aaral ni Sutrismi sa mga status sa facebook ng mga
Indones;
Insertion of Words
#1. “belajar gratis dari university selama 2 tahun..”
The underline word is a single word, syntactically it is included as a noun
used in the sentence.
Insertion of Blending
Blending is part of two already existing words which are put together to form
a new word. For example:
#2. “Kenapa kita bias jadi momprenuer?”

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 51
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Momprenuer is a blending word, because it is formed by two words “mommy”


(noun) and “enterprenuer” (noun)
Insertion of Reduplication
Word reduplication ismorphemic process in which a morpheme is doubled
either completely or partially.
“…udah dandan beautiful-beautiful malah field.”
The word beautiful-beautiful is a form of reduplication, beacause the word
beautiful is written twice in the sentence completely. Actually English has no
reduplication. The sense of reduplication is coming from Indonesian language.
So the word beautiful-beautiful is using Indonesian system and concept but its
written in English.
Insertion of Phrase
Phrase is any group of words, which is grammatically equivalent to a single
word without subject and predicate.
“…good job buat gendhing…”
Good job is a noun phrase which consists of two words, good as modifier and
job as headworm.
Mula sa mga datos na nakalap at obserbasyon, si Sutrismi sa kanyang pag-aaral ay
naglahad ng konklusyon na ang linggwistikong anyo ng paghahalong-koda na kapansin-
pansin at pinakagamit ng mga kabataang Indones ay ang insertion of words sa kadahilanang
ito ang isa sa pinakamadaling anyo ng code mixing.
Sa pag-aaral naman ni Mediyanthi, Debby (2012) ibinahagi niya ang ilan sa mga
resulta ng kanyang pag-aaral na nakabanghay at magkatugmang resulta sa pag-aaral ni
Suwito at Sutrismi kung saan inilahad niya ang sumusunod;
Insertion of Hybrid
Hybrid is another type of Indonesian –English code mixing. Hornby state that
Hybrid is the composed parts of words. Hybrid can be classified into two types;
they are hybrid of affixation and hybrid of phrase.
Affixation is formed from two components; they are Indonesian affixes and
English word. This kind of hybrid must conatin English and Indonesian
elements in order to form transformational word.
Word Suffix Hybrid
Telephone -nya Telephonya
Personnel -nya personnelnya

The analysis above shows that the combination between English word with
Indonesian suffixes does not change the class of the word. English word
telephone and hybrid word telephonya have similar class, that is noun.
Mas binigyang linaw din sa kanyang pananaliksik ang proseso ng reduplication na anyo
ng code mixing.
Insertion of Reduplication

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 52
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Word reduplication is the repetition of some parts of the base(which may be


the entire base) that are more than one in the word. Researcher find that word
classes being reduplicated could be the base or the words + affixes. It can be
noun-noun, adjective-adjective or verb-verb
The word in reduplication process is the same before and after reduplicated
(does not change the class of the word)
Film-Film Indonesian sekarang lebih dominion horror
Si Hossain at Bar (2015) ay ibinahagi ang resulta ng kanilang pananaliksik hinggil sa
paggamit ng Code mixing ng mga mag-aaral sa unibersidad ng Jahangirnagar sa Bangladish.
Anila, ang intra-sentential code mixing ay nagaganap sa tatlong proseso: noun insertion, verb
insertion at Clause at sentence insertion. Sa kinalabasan ng pag-aaral, 60% ng mga mag-
aaral ang gumagamit ng mga salita sa Englis at parirala sa pagcode mixing, 30% naman ang
gumagamit nito sa pangungusap upang ilahad ang damdamin habang 10% lamang ang mga
mag-aaral na gumagamit
Ang wikang ito para sa paglalahad ng buong sipi. Ito ang lumabas na balangkas sa daloy ng
paghahalo ng salita ng mga kabataan sa pananaliksik nina Hossain at Bar (2015).
a) English root word, Bangla suffix:
/subject-ta/, /relation-er/ (possessive)
/vacation-e/ (preposition)
Where Bangla inflections have been
Used with English words
b) Bangla root word, English suffix:
The word /bhabist/ (meaming is moody) the
Combination is made by the use of Bangla’
abstract noun /bhab/ (mood) with
English suffix /-ist/.This kind of mixing
is popular among young generation.
c) Inter-word code mixing:
It means inserting English word or phrases
in Bangla sentences or utterances.
O exam e valo korbe. (He will do well in the exam)
May pagkakatulad rin sa resulta ng pag-aaral nina Ehsan at Aziz (2014) sa kanilang
pagsusuri kung paano lumitaw ang code mixing sa URDU news Pakistan Channel, napansin
nila na palasak ang paggamit ng code mixing sa anyong word insertion at kalimitan ay mga
pangngalan ang kinu-codemix. Inirekomenda rin ni Hossain at Bar (2015) na;
“Dynamism (Changing with a continuos process) is an important
characteristic of a language, so it is the job of the speakers to cope up
with the change and keep the authenticity of a language.”
Nangangahulugan lamang itong ang mga taong sangkot sa talastasan ay dapat na
makibagay at yumakap sa pagbabagong nagaganap sa proseso sa gitna ng usapan.
Kapansin-pansin na sa mga pag-aaral ng mga dayuhang mananaliksik ang pagkasangkot ng
unang wika bilang isa sa mga gamiting wika sa paghahalong koda. Sa pagpapaliwanag ni

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 53
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Banawa (2010) na sinipi ni Sinoy (2016) tinatawag na interferences sa sosyolinggwistika ang


pangyayaring epekto ng unang wika sa pangalawang wika sa oras na ginamit ito. Dagdag pa
niya, ang nagsasalita ay minsang naghahalong-koda para bigyang diin ang kanyang sinasabi.
Nagkakatugma rin ang kinalabasan ng pananaliksik ni Sinoy (2015) sa mga pag-aaral
na nabanggit sa unahan hinggil sa Code Mixing. Ang wikang Filipino sa Facebook ay lantad
ang kadalasang paggamit ng paghahalong-koda ng wikang Cebuano at Ingles sa isang
pangungusap. Narito ang ilang halimbawa sa lumabas na balangkas sa pananaliksik;
#1. Nagcelebrate ug apil kauban sa akung mother.
Makikita sa unang pangungusap na ang salitang Ingles na celebrate ay
nilalapian ng panlaping nag na naging nagcelebrate at hinalo naman ang
salitang Ingles na mother sa Cebuanong pangungusap.
#11. Nasalaag lang ko at nakikijoin.
Sa banghay na ito, unang ginamit ang salitang Cebuano na nasalaag lang ko
at pagkatapos ay ginamit ang salita sa wikang Filipino na at, makikita rin sa
pangungusap na hinalo ang salitang Ingles na join na nilalapian ng panlaping
naki. Sa ganitong pangungusap, tatlong wika ang hinalo-halo.

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 54
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

SURIGAO CITY
IKALIMANG GAWAIN PARA SA KABANATA 5

PANGALAN: PETSA:
TAON AT SEKSYON:
I. Panuto: Magsagawa ng isang pagsusuri sa isang sosyal midya sites tulad ng
facebook, instragam o twitter. Mangalap ng mga status post mula sa inyong mga
kaibigan at suriin ang paraan ng paghahalong-koda sa pagpopost nila sa sosyal midya
at ilagay sa ibaba ang akmang halimbawa ayon sa paraan. Huwag kalimutang ilagay
ang mga dokumentasyon bilang ibidensiya o batayan ng pagsusuri.

1) Insertion of Words
a)
b)
c)
d)
e)
2) Insertion of Blending
a)
b)
c)
d)
e)
3) Insertion of Reduplication
a)
b)
c)
d)
e)
4) Insertion of Phrase
a)
b)
c)
d)
e)
5) Insertion of Hybrid
a)
b)
c)
d)
e)
6) Insertion of Reduplication
a)
b)
c)
d)
e)

KABANATA
TEORYA SA PAG-AARAL NG WIKA
6 INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition
FM 10:
ELIZA E. BAYANG, PhD 55
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

https://www.esquiremag.ph/long-reads/notes-and-essays/buhay-pa-nga-ba-ang-wikang-filipino-a1961-20170814-lfrm

PAGTATALAKAY

Lingwistikang Antropolohikal
Ang Lingwistikang Antropolohikal ay ang pag-aaral ng ugnayan na nasa pagitan ng
wika at kultura at ang ugnayan sa pagitan ng biyolohiyang pantao, pagtalos at wika.

LINGWISTIKANG
ANTROPOLOHIKAL

TAGMEMIC
MODEL

PHRASE-
STRUCTURE
TRANSFORMATION
AL GENERATIVE
MODEL
GENERATIVE
SEMANTICS
MODEL
Tagmemic Model ni Kenneth Pike- Nagbibigay-diin sa pagkakaugnayan ng anyo (form) at ng
gamit (function). Ang isang anyo at gamit sa disiplinang tagmemiko ay itinuturing na isang
yunit na may sariling lugar o slot sa isang wika .

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 56
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Ang isang yunit ay may iba’t ibang antas:


 Antas sa Ponema (Phoneme level)
 Antas ng Morpema (Morpheme level)
 Antas ng Salita (Word level)
 Antas ng Parirala (Phrase level)
 Antas ng Sugnay (Clause level)
 Antas ng Pangungusap (Sentence level) at
 Antas ng Talakay (discourse level)
Phrase-Structure Transformational Generative Model- Masasabing nag-uugat sa
‘logical syntax’. Dito’y namumukod-tangi ang pangalan ni Chomsky. May pagkakahawig sa
linggwistikang sikolohiko-ang pagtarok sa sinasabi at di-sinasabi ng nagsasalita sa kanyang
sariling wika.
Modelong Generative-Semantics-Sinundan nito ang transformational-
generative.Kung ang una ay nagbibigay-diin sa form o anyo, ang huli naman ay sa meaning
o kahulugan. Dito’y nakilala ang pangalang Lakoff, Fillmore, McCawley, Chafe, atb.
Sa Pilipinas , masasabing ang pinakapalasak na modelo ay istruktural pa rin.
Bukambibig na din ang modelong transformational-generative ni Chomsky at ng kanyang mga
kasamang tulad nina Jacob at Rosenbaum ngunit waring ang modelong ito’y hindi makapasok
sa larangan ng pagtuturo ng wika sa mga paaralan.
Sa kasalukuyan, marami pang lumilitaw na modelo sa linggwistika. Mathematical
Lingguistics o Linggwistikang Matematikal. Ang pinakahuli at ang ipinapalagay na siyang
magiging pinakamalaganap at gamitin sa mga darating na araw. Tinatawag din itong
computational linguistics. Hindi man itong gaanong nalilinang sa ngayon, halos natitiyak na
ito,y magiging palasak sa malapit na hinaharap dahil sa pagdatal na computer sa lahat halos
ng larangan ng pag-unlad.
Lingwistikang Sosyolohikal
Mapaglarawang mga pag-aaral ng epekto ng anuman at lahat ng aspeto ng lipunan,
kabilang ang mga kultural na kaugalian, mga inaasahan at konteksto sa paraan ng wikang ito
ay ginagamit, at ang mga epekto ng paggamit ng wika sa lipunan.
Ito’y pag-aaral din kung paano mag-iba ibang uri ng wika sa pagitan ng mga pangkat
na pinaghihiwalay ng ilang mga social na variable.
Kung paano ang paglikha at pagsunod sa mga panuntunang ito ay ginagamit upang
maikategorya ang mga indibidwal sa mga social o socioeconomic classes.
Tulad ng paggamit ng isang wika ay nag-iiba mula sa lugar upang ilagay, at ang wika
ay nag-iisa rin kasama ng mga social classes at ito ay ang mga sociolects na
sosyolingwistikang pag-aaral.
Mga Aplikasyon ng Sosyolingguwistika
Maaaring matukoy ang isang sociolinguist sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga
social saloobin na ang isang partikular tungkol sa katutubong wika ay hindi itinuturing na
naaangkop na paggamit ng wika sa isang negosyo o propesyonal na setting.
William Labov ay madalas na itinuturing na tagapagtatag ng pag-aaral ng
Sosyolingguwistika. Lalo na Siya ay nabanggit para sa pagpapasok ng dami ng pag-aaral ng

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 57
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

mga pagkakaiba-iba sa wika at pagbabago, paggawa ng karunungang panlipunan ng wika sa


isang pang-agham disiplina. Pangunahing konsepto sa Sosyolingguwistika
Speech komunidad ay isang konsepto sa Sosyolingguwistika na naglalarawan ng isang
natatanging grupo ng mga tao na gumagamit ng wika sa isang natatanging at tinanggap
kapwa paraan bukod sa kanilang mga sarili. Ito ay paminsan-minsan tinutukoy bilang isang
Sprechbund .Mataas na prestihiyo at mababang uri prestihiyo
Pangunahing artikulo : Prestige Sosyolingguwistika )
Mahalaga sa sociolinguistic pag-aaral ay ang konsepto ng prestihiyo ; ang ilang mga
gawi sa pagsasalita ay bibigyan ng isang positibo o negatibong halaga , na kung saan ay
pagkatapos ay inilapat sa mga speaker . Maaari itong gumana sa maraming mga antas.
Social network pag-unawa sa wika sa lipunan ay nangangahulugan na ang isa ay
mayroon ding upang maunawaan ang mga social network na kung saan ang wika ay naka-
embed . Isang social network ay isa pang paraan ng naglalarawan ng isang partikular na
komunidad na salita sa mga tuntunin ng mga relasyon sa pagitan ng mga indibidwal na
kasapi sa isang komunidad .

Linggwistikang Historical
 Itinuturing na kauna-unahang disiplina sa linggwistika na naglalayong magpatotoo na
ang wika sa daigdig ay mula sa ibat-ibang angkan.
 Ang ganitong simulain ay pinatunayan sa pamamagitan ng pag-alam sa mga salitang
magkakaugat (cognates) sa mga wika.
 Sa payak na pakahulugan, ang mga wikang katatagpuan ng sapat na dami ng mga
salitang magkakaugat, bukod sa malaking pagkahawig sa palatunugan, palabuuan, at
palaugnayan ay pinapangkat sa isang angkan.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 58
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

`Naging matagumpay ba ang linggwistikang historical bilang isang disiplina sa


lingwistika ?
Blumentritt- Isa sa nagpasimula sa pag-aaral sa
angkang Malayo-Polinesyo na pinagmulan ng iba’t-
ibang wika sa Pilipinas. – sinasabing siya ang
nakaimpluwensya kay Rizal upang magtamgka ring
magsagawa ng ilang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas,
tulad ng Tagalog.
 Sumunod kay Blumentritt ang iba pang
linggwistang tulad nina:
 Otto Dempwolf, Otto Scheerer, Frank Blake, C.
Douglas Chretein, Carlos Conant, Harold
Conklin, Isidore Dyen, Richard Howard
McKaughan, at Cecilio Lopez ng Pilipinas. (cf.
Gonzales, et.al.,1973)

Lingwistikang Sikolohikal

Noon lumitaw ang tinatawag na “logical syntax” na pinabuti at pinayaman ni Zellig


Harris na hindi nagtagal at nakilala sa tawag na transformation o generative grammar.

Ang Psycho-linguistic o Lingwistikang Sikolohikal ang sinasabing bunga o resulta


ng gramatika heneratibo upang lalong matugunan ang pangangailangan sa larangan ng
Sikolohiya. Si Harris ang kinilalang “transitional figure” mula sa instruktural tungo sa
lingwistikang heneratibo.

Lingwistikang Etnolohikal
Etnolingguwistika – ay isang patlang ng palawikaan na pag-aaral ng kaugnayan sa pagitan
ng wika at kultura.
- Ito rin ay ang kumbinasyon sa pagitan ng etnolohiya at palawikaan.

- ito ay tumutukoy sa paraan ng ng pamumuhay ng isang komunidad.


-napag-aralan ang paraan ng pagdama
-impluwensya ng wika sa conceptualization at
-nagpapakita kung paano ito nakaugnay sa spatial orientation na ipinahayag sa iba’t
ibang kultura.

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 59
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

SURIGAO CITY
IKAANIM GAWAIN PARA SA KABANATA 6

PANGALAN: PETSA:
TAON AT SEKSYON:

Panuto: Maghanap ng pananaliksik na nauuri sa iba’t ibang teorya o paraan ng pagsusuring


lingwistika. Bigyan ng katwiran o patunay bakit ito napabilang sa tukoy na teorya.

TEORYA NG PAGSUSURING PAMAGAT NG KATWIRAN AT PATUNAY


LINGWISTIKA PANANALIKSIK

Lingwistikang Antropolohikal

Lingwistikang Sosyolohikal

Linggwistikang Historikal

Lingwistikang Etnolohikal

Lingwistikang Sikolohikal

KABANATA Pagbuo ng Konseptong Papel


FM710: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition
ELIZA E. BAYANG, PhD 60
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

https://tl.mfginvest.com/seven-steps-to-successful-project-planning
PANIMULA

Mula sa iyong nabuong paksa, pahayag ng tesis, at balangkas ay maaari ka na


ngayong bumuo ng iyong konseptong papel. Sa pamamagitan nito’y mailalahad mo ang
magagawa mo upang mapatunayan ang iyong paksa at pahayag ng tesis. Samakatwid, ito
ang magsisilbing proposal para sa gagawin mong pananaliksik.
Makatutulong ang konseptong papel upang lalong magabayan o mabigyang-
direksiyon ang mananaliksik lalo na kung siya’y baguhan pa lang sa gawaing ito. Bago pa
man kasi niya gawin ang malalimang pagsisiyasat o pagpapatunay sa pamamagitan ng mga
nakalap na ebidensiya ay magkakaroon na siya ng pagkakataong maipakita o mailahad kung
ano ang mangyayari. Sa pamamagitan nito’y malalaman agad ng guro ang tunguhin o
direksiyong ninanais niya para sa sulatin. Makapagbibigay agad ngfeedback, mungkahi, o
suhestiyon ang guro kung sakaling may mga bahagi sa konseptong papel na kailangang
maisaayos pa.

PAGTATALAKAY
Maraming titser ang hindi na humihingi ng konseptong papel sa mga estudyante
matapos na matiyak ang paksang gusto nilang gawan ng pananaliksik. Maaari rin ito
ngunit kadalasan ang mga estudyante ay walang katiyakan sa dapat nilang gawin sa
pagbuo ng kanilang pananaliksik. Para silang nangangapa at ang paggawa nila ng
papel ay tinatawag na prosesong hit and miss na walang direksiyon.
Ang konseptong papel ay nagsisilbing paunang proposal sa gagawin mong
pananaliksik. Simple lamang ito na binubuo ng 1 hanggang 3 pahina. Kung detalyado, maaari
itong umabot sa 10 pahina. Simple man ito o detalyado, ang konseptong papel ang
magsisilbing patnubay mo upang magkaroon ka ng pangkalahatang ideya sayong gagawing
pananaliksik.
Inilalahad sa konseptong papel ang ideya mo kung paano mo isasagawa ang iyong
pananaliksik. Tinatawag nina Constantino at Zafra (1997) ang konseptong papel bilang
framework ng paksang tatalakayin. Ayon pa sa kanila, ito ang pinakaistruktura at pinakaubod
ng isang ideya na tumatalakay sa ibig mong patunayan,linawin o tukuyin.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 61
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Bahagi ng konseptong papel. Binubuo ng apat na bahagi ang konseptong papel


(Constantino at Zafra, 1997)
Pamagat: CODE MIXING: BAGONG VARAYTI NG WIKANG GAMIT SA FACEBOOK

STATUS NG STAKEHOLDERS SA MATATAAS NA PAARALAN

SA SANGAY NG DINAGAT SA PAKIKIPAGKOMUNIKASYON

Rasyunal (rationale). (Inroduksiyon)Ipinapahayag nito ang kasaysayan o bakgrawnd


o pinagmulan ng ideya at dahilan kung bakit napili mo ang partikular na paksa. Bakit ito ang
napili mo? Ano ang nagtulak sa iyo para gawan ito ng pag-aaral? Inilalahad din dito ang
kahalagahan at kabuluhan ng pag-aaral na gusto mong gawin. Sa palagay mo, bakit ito
mahalaga? Sino/ sino-sino ang makikinabang sa gagawin mong pag-aaral? Halimbawa:

Introduksiyon

Katambal ng pagbibihis ng panahon ay ang pagbibihis din ng wika. Ayon kay


Mangahis, et.al na sinipi ni Sinoy (2015), isa sa katangian ng wika ay ang pagiging
daynamiks o buhay. Dahil sa ito ay buhay may mga salitang umuusbong, namamatay,
napalitan, nadaragdagan at patuloy na nagbabago kasabay ng pagbabago ng panahon.Kung
iisipin walang tigil ang pagbabagong nagaganap sa wika dahil wala rin naman tigil
ang pagbabago ng kinalalagyan at kinikilusan ng taong gumagamit nito. Ito ay dahil
sa angking talino at pagiging maparaan ng tao kung saan naibabagay nito ang kanyang
wika alinsabay sa pagbabago ng kanyang kapaligiran at pangangailangan,(Sinoy 2015).

Sa panahon ngayon na kung tawagin ay “Information Age” naging mabilis ang


paglaganap ng teknolohiya at nagsulputan ang iba’t ibang gadgets tulad ng cellphone,
tablet, laptop, ipad at ibang kagamitan ngayon sa pakikipagkomunikasyon gamit ang
internet o Computer-Mediated Communication (CMC) sa tulong narin ng mga social
networking sites tulad ng facebook, twitter, yahoo messenger at Instagram na talaga
naman nakakabit na sa pang araw-araw na pamumuhay ng isang tao.

Sa pagtangkilik ng tao sa sistemang sosyo-teknikal na uri ng komunidad sa


birtwal na pamamaraan ng pakikipagtalastasan ay malaya ang isang indibidwal na
magkwento tungkol sa buhay, magbahagi ng damdamin at saloobin, magpahayag ng opinion
o kaya ay iniisip sa pamamagitan ng malayang paggamit ng wika na sa tingin nila ay
komportable silang maisiwalat ang nararamdaman ng mas may kabuluhan.

Ilan lamang ang mga Dinagatnon sa nahuhumaling ngayon sa paggamit ng Computer-


mediated Communication dahil dito, hindi maiiwasan ang kahantaran nila sa bagong
mga kaalaman at wika na ginagamit upang maging “IN” at makasabay sa panahon.
Maaring may bahid ng impluwensya o pagbabago sa kanilang pagsusulat at paraan ng
pakikipag-usap habang nakipag-interak gamit ang pinakakilalang facebook net sayt.
Pangalawa, sa ilang pagkakataon naghahalo ang higit sa dalawang wika na ginamit sa
pakikipagtalastasan. Paghuli, nagkakaroon ng kalituhan ang ilang kabataang
Dinagatnon sa kanilang unang wika habang ginagamit ito sa isang diskurso.

Ang mga obserbasyong tukoy ng mananaliksik ay ang siyang nagtulak sa pagsagawa


ng pagsusuri upang alamin at pag-aralan kung ano ang naging impluwensya ng code
mixing na isang bagong varayti ng wika sa pakikipagkomunikasyon.

Layunin. Tinutukoy ng layunin ang pakay o gusto mong matamo sa pananaliksik ng napili
mong paksa. Bakit gusto mong gawan ng pag-aaral ang napili mong paksa? Maaaring
banggitin mo ang pangkalahatang layunin lamang o tiyakin din pati ang mga tiyak na layunin.
Paaano mo makakamit o maisasakatuparan ang layunin mo? Ano ang mga posibleng tanong
na maaari mong ibigay para maisakatuparan ang iyong layunin? Halimbawa:

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 62
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Layunin:
Pangkalahtan: Isinagawa ang pag-aaral na ito sa pagnanais na matuklasan ang bagong varayti
ng wikang Dinagatnon sa impluwensya ng Code mixing batay sa kanilang status o post sa
facebook.

Tiyak na layunin:
Sisikaping bigyan ng kasagutan ng mananaliksik ang sumusunod na tiyak na mga
tanong:

1. Anong anyo ng code mixing ang lantad sa status o post sa facebook ng mga stakeholders
sa sangay ng Dinagat batay sa sumusunod na paraan ng pagbabago ( Suwito Theory);
1.1. Insertion of word
1.2. Insertion of blending
1.3. Insertion of affixation
1.4. Insertion of hybrid
1.5. Insertion of words reduplication
1.6. Insertion of phrase

2. Ano-ano ang mga wikang hinalo-halo o ginamit sa bawat status ng mga Dinagatnon sa
facebook?
2.1. Cebuano-Filipino
2.2. Filipino-Cebuano
2.3. Sinurigaonon-Filipino
2.4. Filipino-Sinurigaonon
2.5. Filipino-English
2.6. English-Filipino
2.7. Cebuano-English
2.8. English-Cebuano
2.9. Sinurigaonon-English
2.10. English-Sinurigaonon

Metodolohiya. Tinutukoy dito ang pamamaraan na gagamitin mo sa pagkuha ng datos at


pagsusuri sa piniling paksa sa pananaliksik. Maraming paraan ang maaari mong magamit sa
pagkuha ng datos tulad ng sarbey, paggamit ng talatanungan o kwestyuner, case study,
obserbasyon, analisis ng dokumento, at iba pa. sa pagsusuri naman, maaari mong gamitin
ang empirical na paraan, komparatibo, semiotika (pagsusuri sa kahulugan), hermenyutika
(interpretasyon), at iba pa. Depende ito sa larangan at paksa ng iyong pag-aaral.

Metodolohiya

Ginamit sa pag-aaral na ito ang disenyong Qualitative descriptive analytic na


pamamaraan. Ito ang nararapat na gamiting pamamaraan upang masuri ang mga status o
post sa facebook ng mga Dinagatnon.

Masusing titingnan, uuriin, aanalisahin at ilalarawan ang mga hinalo-halong


wika sa mga status sa Facebook ng mga Stakeholders sa sangay ng Dinagat Islands.

Ang pag-aaral ay sinusubukang alamin kung anong anyo ng code mixing ang litaw
sa mga status sa facebook ng mga Dinagatnon at kung anong wika ang pinaghahalo-halo
o ginagamit sa pagcocode mixing upang matukoy kung ang bagong varayti ng wikang
Dinagatnon na gamit sa pakikipagtalastasan sa facebook.

Ang mga impormants ng pag-aaral na ito ay mga Tagapamahala, guro, mag-aaral


at magulang sa sangay ng Dinagat Islands na mayroong facebook account. Ginamitan ng
mananaliksik ng pormyula na 50%+1 upang makuha ang kabuuang bilang ng mga
informants na pagkukunan ng mga post sa facebook na susuriin sa pag-aaral.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 63
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Inaasahang output o resulta. (Pagtalakay at Kinalabasan ng Pag-aaral) Ito ang magiging


resulta ng iyong pananaliksik. Ipahahayag mo rito ang kongkretong bunga ng gagawing pag-
aaral na ibabatay mo sa nabuo mong mga katanungan. Maaari mong banggitin dito ang mga
isasama mong apendiks.
1. Tanong bilang 1. Anong anyo ng code mixing ang lantad sa status o post sa facebook
ng mga stakeholders sa sangay ng Dinagat batay sa sumusunod na paraan ng
pagbabago ( Suwito Theory);
1.1. Insertion of word
1.2. Insertion of blending
1.3. Insertion of affixation
1.4. Insertion of hybrid
1.5. Insertion of words reduplication
1.6. Insertion of phrase

Anyong Gamit na Code-Mixing sa

Facebook ng mga Informate

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga datos upang sagutin ang unang suliranin
tungkol sa mga ginamit na anyo ng code-mixing ng mga tagatugon at inilantad sa facebook
bilang insertion of word, insertion of blending, insertion of affixation, insertion of hybrid,
insertion of word reduplication, at insertion of phrase.

Insertion of Word

Ang datos na naglalahad ukol sa paggamit ng mga informante ng anyong insertion of


word ay makikita sa Talahanayan 2.

Makikita rito na ang anyong ito ay nangunguna sa rank na ginagamit ng lahat na


informante ng pagsusuring ito. Sa pamamagitan ng kani-kanilang nakuhang panggitnang
sukat, ang mga mag-aaral ay nakaangkin ng pinakamataas na antas na may markang 1.93,
at ito ay sinundan ng mga magulang at guro na may katulad na panggitnang sukat na 1.57.
Ang nasa huling hanay na gumagamit nitong anyo ay ang mga tagapamahala na may
panggitnang marka na 1.00.

Talahanayan 2

Anyong Gamit na Code-Mixing sa

Facebook ng mga Informante

Tagapag-alam
Anyong Ginamit ̅t
Mag- Magu- Guro Tagapa- 𝐗
na Code-Mixing
aaral lang mahala
1. Insertion of Word 𝑋̅ 1.93 1.57 1.51 1.00 1.50
R 1 1 1 1 1
2. Insertion of 𝑋̅ 0.00 0.04 0.00 0.00 0.01
Blending R 6 5 5.5 4.5 6
3. Insertion of Affixes 𝑋̅ 0.07 0.09 0.04 0.00 0.05
R 3 3 3.5 4.5 3
4. Insertion of Hybrid 𝑋̅ 0.04 0.00 0.04 0.00 0.02
R 5 6 3.5 4.5 5
𝑋̅ 0.05 0.07 0.00 0.00 0.03

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 64
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

5. Insertion of Word
R 4 4 5.5 4.5 4
Reduplication
6. Insertion of Phrase 0.14 0.15 0.17 0.89 0.34
2 2 2 2 2
̅o
𝐗 0.37 0.32 0.29 0.32 0.33
Overall Mean
R 1 2.5 4 2.5 -

Ang pangkalatang panggitnang sukat na 1.50 na makikita sa nasabing Talahanayan


ay nagpapakilala na sa bawat pangungusap na nagawa sa facebook ng mga informante sila
ay gumagamit ng mahigit dalawang wikang pangsingit (insertion of word).

Kung mapapansin, mag-aaral ang nagpapakita na sila ang laging gumagamit ang
anyong insertion of word sa facebook na pakikipag-usap o pagpopost dahil ang mga kabataan
ngayon na nag-aaral ay mahilig sumunod sa uso o estilo ng pakikipagkomunikasyon na ayon
sa kanilang henerasyon. Samantala ang Tagapamahala na uri ng posisyon ay gumamit din
ngunit di gaano kahilig katulad sa iba dahil para sa mga taong mataas ang posisyon pormal
sila na makipagkomnikasyon. At alam nila kung anong wika ang naangkop sa bawat kausap
nila.

Insertion of Blending

Makikita sa Talahanayan 2 na ang anyong ito ng code mixing o paghahalong koda ay


hindi gamitin ng mga informante na mag-aaral, guro at tagapamahala na may magkatulad na
paggitnang sukat na 0.00. Sa kabilang banda, nakakuha ng pagitnang sukat na 0.04 ang mga
magulang kung saan ito lamang ang gumagamit ng anyong insertion of blending sa kanilang
post o status sa Facebook.

Ang pangkalahatang panggitnang sukat na 0.01 sa Talahanayan 2 ay palatandaan na


hindi gamitin ang ganitong uri ng code mixing sa Facebook status ng mga Dinagatnon.

Lumabas sa kasalukuyang pananaliksik ang sumusunod na datos na sa pagsusuri ay


napabilang sa anyong ito na ginamit ng mga informante na magulang.

1. Selfie na pud ko. . kauban sa ako sister

2. Nagselfie. Ka pogi uie angayan kau mag shade vah.

Sa inalisang datos sa itaas, ang salitang selfie ay nabuo mula sa dalawang


magkaibang salita na self at picture, selfpic hanggang nabuong selfie. Ang salitang selfie ay
pamilyar sa lahat ng mga gumagamit ng celfon na may kamera at sa ganitong paraan naging
implikasyon lang na sinubok ng magulang na makisabay sa bagong mga register ng mga
kabataan ngayon.

Insertion of Affixes

Ang datos na naglalahad ukol sa paggamit ng mga informante ng anyong insertion of


affixes ay makikita sa Talahanayan 2.

Batay sa pangkalahatang panggitnang sukat na 0.05 ang anyong ito ang


pumapangatlo sa rank na pinakagamiting anyo ng mga informante sa kanilang post sa
facebook.

Nangunguna sa paggamit ng anyong ito ang mga magulang na may pinakamataas


na pagitnang sukat na 0.09. Sinundan ito ng mga mag-aaral na nakaangkin ng 0.07 at Guro

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 65
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

na may 0.04 na panggitnang sukat habang hindi naman gamitin ang anyong ito ng mga
Tagapamahala na may panggitnang sukat na 0.05.

Sa ibaba ay ilan sa mga naanalisang datos na napabilang sa Insertion of Affixes.

Magulang

1. Sa lahat ng gumagamit ng cellphone na naloloadan maskiglobe kuman, smart,


sun, talk & text, tm prepaid, abs-cbn mobile man ang gamit niyo etc. You are
welcome po.
2. Sa adton nagbagotbot na ina kon uno ako an nagdesign xa grupo nan ako anak.
3. Paita mayo unta nigbalik nto kita puhon maka-remember pka nko ug sa uban pa
nmong mga kaapuhan.

Mag-aaral

1. Papost wla kasing magawa kaya nag picture2x nlang kami ng mga couzin’s
2. Busy jud sija sa kachat nija.
3. Yung moment na hopeless ka na tapos biglang gagawa ng paraan si GOD para
masolve yung problem mo. .
4. Kinxay nay staedtler paherma drawingan tka,jejeje
5. Hay! Imbis na mag-enjoy sa Campintac. Dias a bay naghimo ug project.
6. Waku mainform, snobber nman diay ka ron.
7. Matsala kuya,  Nka papicture ra ghud ko nimo,,hahaha
8. Karon pajud ko nakarealize na walay “r” sa “Strawberry jam”

Sa ganitong kalagayan ang anyong insertion of suffixes ay kapansin-pansin sa


magulang at mag-aaral o kabataan man dahil maaring maimpluwensyahan ang mga
magulang sa paraan ng pagsasalita nitong mga anak. Dahil sa bahay kung sa repertwa ng
wika ang pag-usapan napabilang ito sa non-controlling domain na uri ng
pakikipagkomunikasyon. Ang ibig sabihin ng non-controlling domain ay Malaya kahit anong
wika ang maaaring gamitin sa tahanan kaya malakas ang impluwensya nila sa isa’t isa. Hindi
katulad sa guro at tagapamahala ang mga ito ay napabilang sa semi o controlling domain
depende sa kanilang kinaroroonan.

Insertion of Hybrid

Nakalahad sa Talahanayan 2 ang pangkalahatang panggitnang sukat ng anyong ito


ay 0.02 na sa pangkalahatang rank o hanay ay panglima na gamitin ng mga informante sa
kanilang post o status sa facebook.

Makikita na sa apat na impormante, ang mag-aaral at guro ang lubos na gumagamit


nito na parehong may panggitnang sukat na 0.04 habang hindi naman ginagamit ang anyong
ito ng mga magulang at tagapamahala na nakakuha ng pagitnang sukat na 0.00.

Napag-alaman sa kasalukuyang pananaliksik na ginagamit ng informante na mga guro


at mag-aaral ang ganitong anyo ng paghahalong koda. Ang sumusunod ay ilan sa mga
nalikom at sinuring datos mula sa facebook status ng mga Dinagatnon.

Mag-aaral

1. Di na kailangan iexplain kung bakit o kung paano basta ang alam ko lang inlove
ako, sayo
2. Kindly add sa nakatag jadine fan daw

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 66
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

3. Ang love parang computer shop., kahit gusto mo pang iextend ang oras., meron
paring time na aalis ka at papalitan ka ng iba
4. Kana ganing pag tripan kaw sa imong barkadang awna oi.

Guro

1. Nakakatouch naman!

Sa anyong insertion of hybrid, ang mag-aaral at guro ang mga nakitang gumagamit
nito. Ang anyong ito, kung susuriin ay mga salitang nagpapakitang pagkamalikhain ng mga
gumagamit nito at nasa mataas siya na uri ng pagkabuo ng salita dahil hiniram nito ang salita
sa iba at ginawang angkin ang mabuong salita. Hybrid ang tawag sa mga salitang ito at sino
lamang ang makapaghybrid ay ang mga tao lamang na may alam sa dalawa o higit pang wika.
Kaya na lamang guro at mag-aaral ang nakitaang nagkaroon nito sa datos sa wikang Ingles
at Filipino ang tambal.

Insertion of Word Reduplication

Ang datos na naglalahad ukol sa paggamit ng mga informante ng anyong insertion of


word reduplication ay makikita sa Talahanayan 2.

Sa anyong ito, nakakuha ng panggitnang sukat na 0.07 ang mga magulang at 0.05
naman ang mga mag-aaral na siyang gumagamit ng anyong insertion of word reduplication
sa kanilang post sa facebook habang ang mga guro at tagapamahala ay hindi naman
gumagamit ng anyong ito na pinatunayan ng kanilang panggitnang sukat na parehong 0.00.

Batay sa hanay, ang anyong ito ay nasa rank 4 na ginagamit ng mga informante na
may pangkalahatang panggitnang sukat na 0.03.

Sa pag-aaral ni Mediyanthi (2012) napag-alaman niyang ang mga uri ng insertion of


word reduplication na nakita sa kanyang pagsusuri ang ss; pangngalan-pangngalan, pang-
uri-pang-uri at pang-abay-pang-abay. Dagdag pa niya, nakitaan din ng ilang pag-uulit na
ginamitan ng pag-uulit sa salitang-ugat at nilapian.

Makita naman ang sumusunod na pag-uulit sa kasalukuyang pag-aaral na ginamit ng


mga informante na mga magulang at mag-aaral.

Mag-aaral

1. Selfie Selfie habang walang ginagawa, pusuan nyo ako


2. Change Dp tah bess. . Flower Flower ang nagda. .
3. Bye bye guys bago na muna ko ng account
4. Grabe idol na idol ko talaga ang hambog ng Sagpro Krew ang talas ng utak men.
.
5. Happy happy birthday sa akong kinakusgang inahan
6. Oh, aasa kana naman, hindi ka i-chachat nun kahit online pa sya
7. Happy happy birthday to me. .

Magulang

1. Selfie Selfie ngayong gabie ng Sunday


2. Sa lahat ng gumagamit ng cellphone na naloloadan maski globe Kaman, smart,
sun, talk & text, tm prepaid, abs-cbn mobile man ang gamit niyo etc. welcome kayo
po.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 67
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

3. Selfie Selfie muna while waiting to my partner miss Rhea going to brgy. Nueva
Estrella & Sta. Rita.

Katulad sa anyong insertion of affixes na magulang at mag-aaral ang mga gumagamit


dahil sa pinaniwalaang malapit ang impluwensya nila sa isa’t isa.

Insertion of Phrase

Makikita sa Talahanayan 2 na ang anyong insertion of Phrase ay pangalawang


ginagamit ng lahat na informante ng pagsusuring ito.

Sa kani-kanilang nakuhang panggitnang sukat, ang mga tagapamahala ang


nakaangkin ng pinakamataas na antas na 0.89, sinundan ito ng mga guro na 0.17, magulang
na 0.15 at mag-aaral na may pagitnang sukat na 0.14.

Ang pangkalahatang paggitnang sukat na 0.34 ay nagpapatunay na sa post o status


ng mga informante sila ay gumagamit ng mga pariralang magkaiba ang lenggwahe sa isang
diskurso.

Nabatid naman ni Sutrismi (2014) sa kanyang pag-aaral hinggil sa gamit ng


indonesian-english code mixing sa social media networking na Facebook ng mga kabataang
Indones na umabot sa 18.42% bahagdan sa kabuuang 76 na datos ng Indonesian English
code mixing sa facebook ang nasa insertion of phrase.

Gayunman sa kasalukuyang pananaliksik, narito ang halimbawang corpus sa iba’t


ibang phrases na ipinakitang inseruon nito;

Noun Phrase

1. Ediza said star of the night daw ko

2. angkas mga broken hearted. .bigyan natin ng upuan

ang mga stick to one

4. Late upload. Congrats sa amu 1st sa desktop publishing English & Filipino
5. Yes. .Top 2 ako sa 1st grading period
6. Salamat maam ky ning samot ka gwapa akong daga, proud parents
7. An amo little princess inday unoy tagduwa ka serioso gajud
8. Late upload, coastal clean up done. Thanks for d malasakit sa kapaligiran.
Employees n action.

Verb Phrase

1. Happy birthday Nanay. . Stay Healthy Nay.


2. At last nagkita napod ta hahaha. .stay healthy mano
3. Ariel jaun nag attend barangay assembly sa gym

Appositive Phrase

1. Dear crush, kung camera lang ang mata ko memory full nato sa dami ng stolen
shot mo. .

Gerund Phrase

1. #Feeling alone, pero smile gihapon

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 68
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Prepositional Phrase

1. Ka worst bas a nahitabo sa safest city ui

Bagaman ang uri ng parirala na nakalahad ay di hanap sa pag-aaral ngunit masubok


lang na maipakita sa talakay ng resulta ang kinahiligang parirala na gamit ng insertion nila
masiguro lamang na ang mga ito ay parirala o phrase sa Ingles. Napag-alaman na lahat ng
mga impormante ay pantay na gumagamit sa anyong ito dahil madaling masambit nila ang
ganitong pakumpol na panghihiram ng pagsasalita kaysa paisa-isa lang tulad ng panlapi at
palikha na salita na kung saan mahihirap sambitin ng di nakasanayan ngunit ang malakas
gumamit ay ang tagaapamahala.

Sa kabuuan, naipapakita sa gamit ng code mixing sa facebook na ang pinakagamitin


ay Insertion of word at Insertion of Phrase sa lahat ng mga impormante. Ang mga ito kasi ay
ginagamit kahit saan mang okasyon pormal man o di pormal na talakayan o porum.

Mga Wikang Hinalo-halo o Ginamit sa Bawat

Status ng mga Dinagatnon sa Facebook

Ang bahaging ito ay naglalarawan ng mga pinaghalu-halong wika na ginagamit ng


bawat tagatugong mag-aaral, magulang, guro at tagapamahala. Ang rank ng mga datos na
ito ay nagpapaliwanag kung ano ang pangkaraninwang ginagamit ng mga impormante na
makikita sa talahanayan 3.

Batay sa mga Tagatugon

Mag-aaral. Ang nasasabing Talahanayan ay nagpapakita na ang mga mag-aaral ay


may pitong (7) pinaghalu-halong wika. Ito ay nabibilangan ng paggamit ng Cebuano-Filipino,
sinuriganon-Filipino, Filipino-English, English-Filipino, Cebuano-English, Sinurigaonon-
English, and English- Sinuriganon. At ang wikang-code mix na pinakagamitin nila ay ang
Sinurigaonon-English at Filipino-English.

Tanong bilang 2. Ano-ano ang mga wikang hinalo-halo o ginamit sa bawat status ng
mga Dinagatnon sa facebook ayon sa pinaghahalong-koda;
1.7. Cebuano-Filipino
1.8. Filipino-Cebuano
1.9. Sinurigaonon-Filipino
1.10. Filipino-Sinurigaonon
1.11. Filipino-English
1.12. English-Filipino
1.13. Cebuano-English
1.14. English-Cebuano
1.15. Sinurigaonon-English
1.16. English-Sinurigaonon

Talahanayan 3

Mga Wikang Hinalo-halo o Ginamit ng mga

Dinagatnon sa Facebook

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 69
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Tagatugon
Mga Hinalo-halong
Mag- Magu- Tagapa- Total
Wika Guro
aaral lang mahala
̅
𝑿 0.01 0.00 0.00 1
1. Cebuano-Filipino
R
𝑋̅ 0.00 0.00 0.00 0
2. Filipino-Cebuano
R
3. Sinurigaonon- ̅
𝑿 0.01 0.00 0.04 2
Filipino R 5
4. Filipino- ̅
𝑿 0.00 0.00 0.00 0
Sinurigaonon R
̅
𝑿 0.33 0.00 0.17 2
5. Filipino-English
R 2 4
̅
𝑿 0.04 0.17 0.21 0.33 4
6. English-Filipino
R 5 2 2.5 2
̅
𝑿 0.18 0.00 0.44 2
7. Cebuano-English
R 3 1
̅
𝑿 0.00 0.00 0.00 0
8. English-Cebuano
R
9. Sinurigaonon- ̅
𝑿 0.41 0.35 0.21 0.33 4
English R 1 1 2.5 2
10. English- ̅
𝑿 0.05 0.04 0.00 0.33 3
Sinurigaonon R 4 3 2

Total 7 3 5 3

Ayon sa mga Wikang Pinaghalu-halo.

Mula pa rin sa talahanayan 3, dito maipaliwanag ang mga datos kung saan makikita
kung ilang maga tagatugon an gumagamit ng bawat pinaghalu-halong wika.

Cebuano-Filipino. Kung susurin ang bilang ng mga tagatugong gumagamit ng bawat


halu-halong wika, makikita sa bandang kanang hanay na mayroon lamang isang tagatugong
gumamit ng wikang Cebuano-Filipino, at ito ay ang mag-aaral lamang. Ang pinaghalu-halong
wikang Sinurigaonon-Filipino ay ginamit lamang ng mga mag-aaral at guro.

Filipino-Cebuano. Makikita sa kanang hanay na walang gumagamit ng wikang


Filipino-Cebuano sa apat na mga tagatugon.

Sinurigaonon-Filipino. Batay sa tala sa talahanayan 3, makikitang mayroon


lamang dalawang tagatugon na gumagamit ng wikang Sinurigaonon-Filipino sa kanilang
status sa facebook, ito ay ang mag-aaral at guro lamang.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 70
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Filipino-Sinurigaonon. Makikita sa kanang hanay na walang gumagamit ng


wikang Filipino-Sinurigaonon sa apat na mga tagatugon.

Filipino-English. Kung susuriin ang bilang ng mga tagatugon na gumagamit ng


bawat halu-halong wika, makikita sa bandang kanang hanay na mayroon lamang dalawang
tagatugon na gumagamit ng wikang Filipino-English. Ito ay ang mag-aaral at guro.

English-Filipino. Batay sa tala sa talahanayan 3, masusuri na ang lahat ng


tagatugon ang mag-aaral, magulang, guro at tagapamahala ang gumagamit ng wikang
English-Filipino sa kanilang post o status sa facebook.

Cebuano-English. Kung susuriin ng talahanayan, makikita sa kanang bahagi na


mayroon dalawang tagatugon ang gumagamit ng hinalong wika. Ito ang mag-aaral at guro.

English-Cebuano. Makikita sa kanang hanay na walang gumagamit ng wikang


Filipino-Cebuano sa apat na mga tagatugon.

Sinuriganon-English. Batay sa tala sa talahanayan 3, masusuri na ang lahat


ng tagatugon ang mag-aaral, magulang, guro at tagapamahala ang gumagamit ng wikang
English-Filipino sa kanilang post o status sa facebook.

English-Sinurigaonon. Sa Talahanayan 3, masusuri na mayroon tatlong


tagatugon na gumagamit ng hinalong wika na English-Sinurigaonon sa kanilang status sa
facebook. Ito ang mag-aaral, magulang at Tagapamahala.

Sa kabuuan, batay sa datos ng talahanayan ito ay nagsasalarawan na ang mga


tagatugong Dinagatnon ay gumagamit ng magkahalo-halong wika sa facebook.

Samakatwid, may (7) pitong barayti ng codemixing ang litaw sa mga Dinagatnon sa
paggamit ng facebook ayon sa pagsusuring istruktyural. Napabilang dito ang paggamit ng
wikang Cebuano-Filipino, Sinurigaonon-Filipino, Filipino-English, English-Filipino, Cebuano-
English, Sinurigaonon-English, at English-Sinurigaonon.

 INTERPRETASYON SA MGA KINALABASAN

Sa kabuuan, naipapakita sa gamit ng code mixing sa facebook na ang pinakagamitin


ay Insertion of word at Insertion of Phrase sa lahat ng mga impormante. Ang mga ito kasi ay
ginagamit kahit saan mang okasyon pormal man o di pormal na talakayan o porum.

Sa paghahalong-koda karaniwang gingamit ng mga mag-aaral dahil hantad sila sa


paaralan sa Ingles bilang mag-aaral at hantad sila sa kanilang sariling wika o pambansa. Kung
kaya makikita na dalawang o talong wika ang taglay ng mga mag-aaral; L1,L2 at L3.

At ang pinakamatipid nilang gamit ay ang pinaghalohalong wika ng Cebuano-Filipino


at Sinurigaonon-Filipino. Ito ay di masyadong nasa uso ang pag-codemix ng dalawang
magkaangkang wika lamang dahil hindi sila nakakapus ng bukabularyo sa mga wikang
magkangkan. Isa sa mga dahilan ayon sa mga sosyolingwista sa paghahalong wika ay ang
kapus ka sa pag-iisip ng isang wika di maiwasang gumagamit ng isang wika.

Magulang. Ipinakita sa Talahanayan 3 na ang mga magulang ay may tatlong wika na


ginagamit sa isang diskurso. Napabilang dito ang paggamit ng wikang English-Filipino,
Sinurigaonon-English at English-Sinurigaonon. Ang hanay ng mga datos na ito ay
nagpapaliwanag na ang pinakagamiting wikang hinalo ng mga magulang ay ang
Sinurigaonon-English na may pinakamataas na panggitnang sukat, sinundan ito ng English-
Filipino at English-Sinurigaonon.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 71
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Katulad sa mag-aaral na resulta na ang pinakamataas ay Surigaonon-English. Kung


ano ang estilo ng magulang ganon din ang estilo ng mga anak nila kahit sino sa kanila ang
nakaimpluwensya sa isa’t isa dahil ang relasyon ng dalawa ay magkalapit namagkapag-
interak palagi.

Guro. Mayroon naman limang wikang ginagamit ang mga guro sa


pagpapahayag ng status/post sa facebook. Batay sa talahanayan, ang mga pinaghalong wika
na Sinurigaonon-English, Filipino-English, English-Filipino, Cebuano-English at Sinurigaonon-
English. Pinakagamitin ng mga guro ang wikang English-Filipino at Sinurigaonon-English.
Malimit na ginagamit ang Sinurigaonon-Filipino. Dahil minsan hindi naman lahat ng guro ay
pahuli sa uso marunong din sila makibagay angkop sa anumang okasyon at kausap nila at
taon-taon iba-iba mag-aaral ang kanilang kasa-kasa na kung saan bawat henerasyon ay may
dalang bagong paraan sa pakikipagkominikasyon.

Tagapamahala. Makikita sa Talahanayan 3, may tatlong pinakagamiting wika


ang mga Tagapamahala. Ito ay kinabibilangan ng English-Filipino, Sinurigaonon-English at
English Sinurigaonon. Katulad sa magulang, ang tagapamahala ay may (3) na pinakamaliit
na barayti na gamit ng wika. Ito dahil ay limitado lamang ang kahantaran nila sa iba-ibang
kausap na may dalang bagong ibang estilo sa pagstruktyur ng diskurso habang nakikipag-
usap.

Samakatwid, kung papansinin ang varayti ng wikang pinaghaluhalong gamit, ang mga
mag-aaral ang may pinakamamaraming barayati ng wika (7) sa kanilang
pakikipagkomunikasyon sa facebook. Dahil sila ang malakas makapasok ng impluwensya,
makiuso at makibagay kung anong napapanahong estilo.

NATUKLASAN:

1. Mayroong anim na anyo ng code mixing ang litaw na ginagamit ng mga


Dinagatnon: Insertion of words, blending, affixes, hybrid, word reduplication at
phrase ngunit ang pinakagamitin sa lahat ng impormante ay dalawa lamang;
insertion or words at insertion of phrase.
2. Ang mga wikang paghahalo tulad ng Cebuano-Filipino, Sinurigaonon-Filipino,
Filipino-English, English-Filipino, Cebuano-English, Sinurigaonon-English at
English-Sinurigaonon ang ginagamit ng mga Dinagatnon sa
pakikipagkomunikasyon sa facebook. Mag-aaral ang malakas na nagko-codemix
sa paggamit ng status sa facebook sa lahat ng tagatugon dahil mayroong silang
pito (7) ang pinaghalo-halong wikang gamit kaysa ibang tagatugon.

KONGKLUSYON:

Batay sa natuklasan narito ang mga kongklusyon ng pag-aaral;

1. Maraming barayti ng paghahalong-koda ang litaw sa pakikipagkomunikasyon sa


facebook ng mga Dinagatnon gayunman ay marami silang estilo at alam na wika.
2. Malakas gumagamit ng paghahalong-koda ang mga mag-aaral dahil sila ay madaling
mapasok ng impluwensya, makiuso at makibagay kung anong napapanahong estilo.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 72
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

3. Maingat na magsalita ang mga magulang dahil sa hilig na gumamit ng insertion of


blending. At matatas ang pormalidad ng pagsasalita ng tagapamahala dahil mahilig
itong gumamit ng insertion of phrase.
4. English ang kalimitang kinu-codemix ng impormante bersus sa wikang Tagalog o
Filipino, Cebuano at Sinurigao.
Sa kabuuan, ang mga wikang barayti na nakita sa facebook ay English,
Tagalog, Cebuano at Sinuriago ng mga Dinagatnon Netizens.

REKOMENDASYON

Batay sa mga nabanggit na kongklusyon, ang mga sumusunod ay ibibigay bilang


rekomendasyon:

Mag-aaral. Maaaring ipagpatuloy ang kinagigiliwang estilo ng codemix dahil


nakakatulong naman ito sa bokabularyo ng Ingles o ng sariling wika.

Guro at Tagapangasiwa sa Sangay ng Dinagat. Inirekomendang gamitin ang code


mixing sa loob ng klasrum bilang pantulong sa pagkuha ng interes at pagpapaintindi sa mga
bata para sa mas pasok at kawili-wiling proseso ng pagkatuto sa mga mag-aaral ngunit
kasabay nito, paigtingin parin ang pagpapalaganap ng purong wikang Filipino upang
maipreserba ang pambansang wika.

Mamamayan ng Dinagat at Surigao. Panatilihin ang komportableng gamit o estilo ng


pakikipagkomunikasyon para kaangkupang estilo batay sa kausap lalo na sa ibang bansa ang
kausap makibagay na rin.

Mananaliksik. Pag-ibayuhin pa ang mga pag-aaral na may kaugnaya sa codemixing


upang mas lubos na matuklasan ang iba pang estilo ng palabuuan ng salitang pinaghalo-halo.

KWF. Hikayatin sa pamamagitan ng mga kautusan ang lahat ng anatas sa kagawaran


ng edukasyon na mabigyang halaga ang mga pag-aaral panglingwistika.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 73
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


SURIGAO CITY
IKAPITONG GAWAIN PARA SA KABANATA 7

PANGALAN: PETSA:
TAON AT SEKSYON:

Panuto: Batay sa ginawang pagtatalakay sa mga datos na nasa aralin, bilang isang mag-
aaral, ano-ano ang maaaring rekomendasyon mo batay sa resulta nitong pag-aaral.

Rekomendasyon
1.

2.

3.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 74
LEARNING MODULE SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

TALASANGGUNIAN
 Santiago, A. (1979). Panimulang Lingwistika.Manila: Rex Bookstore, INC
 Wika, Kultura at Lipunang Pilipino Nerrisa L. Hufana, Ph.D
 Departamento ng Filipino at Ibang mga wika
 Kolehiyo ng Sining at Agham Panlipunan
 MSU- Iligan Institute of Technology 2010 Karapatang-ari ni; Neririsa L. Husfana, Ph.D
 Santiago, a. (1979). Panimulang linggwistika. Manila: rex bookstore, inc.
 http.wikipedia.org.com.ph
 Ressureccion Doctor-Dinglasan,Ph.D,komunikasyon saakademikong Filipino-
Published by REX BOOK STORE 856 Nicanor Reyes, Sr. St.
 Hufana, N. L. et.al. (2010). Wika, Kultura at lipunang Pilipino. MSU-Iligan, Institute of
Technology
 Gabay ng wika.blogspot.com
 Santos , A.L. et al. (2009). Ang akademikong Filipino sa Komunikasyong. Malabon
City: Mutya Publishing House, INC.
 Hufana, N.L. et.al (2010) Wika, kultura at lipunang Pilipino. MSU-Iligan, Institute of
technology
 www.Answer.com
 www.wikipedia.com
 Santiago, a. (1979).panimulang linggwistika. Manila:rex bookstore, inc.
 Padalubhasaang pagbasa at pagsulat
 Santos, a.l. et al. (2009). Ang akademikong filipino sa komunikasyon. Malabon city:
mutya publishing house, inc.
 https://www.wordnik.com/words/ethnology
 http://www.aaanet.org/about/whatisanthropology.cfm
 https://www.google.com.ph/search?q=POLYGLOT&ie=utf-8&oe=utf-
8&aq=t&rls=org.mozilla:en-US:official&client=firefox-
a&channel=fflb&gfe_rd=cr&ei=GdiPVMvIGuiJ8Qfgj4CYCw
 https://www.google.com.ph/search?q=LIGGWISTIKA&ie=utf-8&oe=utf-
8&aq=t&rls=org.mozilla:en-US:official&client=firefox-a&channel=fflb&gfe_rd=
 Perigrino J.M. et al. (2005). Minanga: Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Filipino.
Quezon City: SWF-UPD
 Dolores,Anita,Felisa,Jane RETORIKA, Mabisang Pagpapahayag sa kolehiyo
 Tumangan, Alcomtser P.Sr.et al.(1997) RETORIKA KOLEHIYO
 The International Journal of Language Society and Culture
 John J. Gumperz and Jenny Cook-Gumperz, "Studying language, culture, and society:
Sociolinguistics or linguistic anthropology?". Journal of Sociolinguistics 12(4), 2008:
532–545.
 Paulston, Christine Bratt and G. Richard Tucker, eds. Sociolinguistics: The Essential
Readings. Malden, Ma.: Wiley-Blackwell, 2003.
 T. C. Hodson and the Origins of British Socio-linguistics by John E. Joseph
Sociolinguistics Symposium 15, Newcastle-upon-Tyne, April 2004
 Stewart, William A (1968). "A Sociolinguistic Typology for Describing National
Multilingualism". In Fishman, Joshua A. Readings in the Sociology of Language. The
Hague, Paris: Mouton. p. 534. OCLC 306499
 Santiago, A.(1979). Panimulang Lingwistika. Manila: Rex Bookstore, INC.
Sharifian, Farzad (2011).Cultural Conceptualisasyon at Wika: Theoritical Framework
at Application.Amsterdam/Philadelphia:John Benjamins.

FM 10: INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA Febuary 2021 Edition


ELIZA E. BAYANG, PhD 75

You might also like