You are on page 1of 5

KAGAWARAN NG EDUKASYON SENIOR HIGH SCHOOL

REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL-IX Malasiga, San Roque, Zamboanga City

WIKA Baitang 11

Katuturan

Ayon kay Gleason, “ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang
arbitraryo. Ang mga tunog (sounds) ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-
sama upang makabuo ng mga salita (words) na gamit sa pagpapahayag.”

Dagdag naman nina Mangahis,et al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa
pagkakaunawaan.

Kahalagahan ng Wika
Mahalaga ang wika sapagkat:

 ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;


 ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;
 sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
 isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

Katangian ng wika

1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na
kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay
sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may
istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

Bahay

a. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa makabuluhang


yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang /u/,/l/,/a/,/p/ na kung
pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [ulap].
b. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa pinamakamaliit na
makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang
salitang-ugat, panlapi at fonema.

Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista


Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han ma-tao=matao
Fonema = a = doktor – (lalake/babae) DOKTORA ( babae) kusiner o
*tauhan, maglaba, doktora
c. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa
isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang pagbaliktarin
ang mga ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa. ( subject) panaguri ( predicate)

Hal. A.Mataas ang puno. (panaguri /paksa) B. Ang puno ay mataas. (paksa/panaguri)

The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)

d. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita
sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging
malinaw ang nais ipahayag.

Hal. Inakyat niya ang puno.

Umakyat siya sa puno.

Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip na aktor sa pangungusap ay
[niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa ikalawang pangungusap ang pandiwa
ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip ng aktor na dati’y [niya] ngayo’y [siya]
na. Imbis na pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan
ng dalawang pangungusap.

2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama
ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang ponolohiya)

3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga
Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais
tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Kung sakaling hindi
naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugan na hindi siya
bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika,
nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.

Langgam- Fil: nangangagat na insekto ; Langgam –Bisaya: ibon

4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang
panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian
namang natatangi sa bawat wika.

Halimbawa

Wikang Filipino – Opo, po

Wikang Subanon – gmangga (mangga)

Wikang Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang babae)

Wikang Tausug – tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)

Wikang French – Francois (pangngalan /fransh-wa/)


Sa Filipino lamang matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon naman,
mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang magkasunod na
katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman, isang fonema lamang ang idinagdag
ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago. Sa Tausug naman ang pagkabit ng fonemang /a/ ay
nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng salitang-ugat. Sa French naman, mayroon silang
natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika.

5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang
kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.

Halimbawa: BOMBA

Kahulugan a. Pampasabog

b. Igiban ng tubig mula sa lupa

c. Kagamitan sa paglalagay ng hangin

d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula

e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao

f. masamang hangin

6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa ibang wika kaya’t ito’y
patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ‘ka’ na hiniram sa Visaya bilang kapalit ng ‘tu’
at ‘bo’. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at edukasyon] na
mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaćion].

7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita na hindi maisalin
sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang humiram ng
salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng wikang patutunguhan. Halimbawa,
walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog sapagkat hindi bahagi ng kultura ng mga Tagalog ang salitang
ito. Ang /lamaw/ naman ng Cebuano ay hindi rin matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng paghahanda
ng buko ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa bansa.

8. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon. Sa komunikasyon ng mga pipi, hindi
wika ang kanilang ginagamit kundi mga kilos. Hindi wika ang kanilang midyum sapagkat hindi nito taglay
ang katangian ng isang ganap na wika.

9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na “bi” ay
sinasagisag ng titik na ‘b’. Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa tunog na “em”

10. May level o antas ang wika. Nababatid sa tao ang antas ng wikang kanyang ginagamit sa pakipag-ugnayan
niya sa kapwa
Antas ng Wika

A. lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca
ng mga mamamayan nito.
B. lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug, Cebuano,
Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit
nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan
C. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita
ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare' o
mga Ingles na pinaikli,gaya ng “bro,” “bf” a t iba pa.
D. balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang
kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla – halimbawa ang mga salitang ‘eklavush’, ‘erpat at ermat’
at ‘cheverloo’.
E. pampanitikan/edukado/malalim – wikang ginagamit ng mga dalubhasa sa akdang panitikan.Ito ay
masining,matalinhaga at matayog.
F. Pambansa – wikang ginagamit sa pagtuturo sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba
pang venyung profesyunal.

Balbal Kolokyal Lalawiganin Lingua franca Pambansa Pampanitikan


mudra Nay o Mom Mamang Nanay Nanay Ilaw ng tahanan

Mga Teorya na pinagmulan ng wika


 Teorya sa Tore ng Babel – Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon sa
pagsasalaysay, noong umpisa’y iisa ang wika ng tao na biyaya ng Diyos. Dahil sa nagkakaunawaan ang
lahat, napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang
Panginoon. Nang nabatid ito ng Panginoon, bumaba Siya sa lupa at sinira ang tore. Nang nawasak na
ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya, nagkanya-
kanya na sila at nagkalat sa mundo.

 Teoryang Bow-wow – Sinasabi sa teoryang ito na nagkaroon ng wika ang tao dahil noong umpisa’y
ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon.

 Teoryang Ding-dong – Maliban sa tunog ng hayop, ginagaya naman daw ng tao ang tunog ng kalikasan at
paligid gaya ng pagtunog ng kampana, patak ng ulan at langitngit ng kawayan.

 Teoryang Pooh-pooh – Ang tao ay nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig,
napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas.

 Teoryang Yo-he-ho – Isinasaad dito na nagsimula ang wika sa indayog ng himig-awitin ng mga taong
sama-samang nagtatrabaho.

 Teoryang Yum-yum – Sinasabi sa teoryang ito na ang wika ay nagmula sa pagkumpas ng maestro ng
musika at sa bawat kumpas ay nagagawa niyang lumikha ng tunog mula sa kanyang labi.

 Teoryang Ta-ta
Mula sa wikang Pranses na nangangahulugang paalam. Ginagaya ng dila ang kumpas o galaw ng kamay
ng tao na kanyang ginagawa sa bawat particular na okasyon tulad ng pagkumpas ng kamay ng pababa at
pataas tuwing paalam. https://classroom.google.com/c/MTkzMjgzNjA1ODI0?cjc=tzbkvcb
 Teoryang Sing-song
Ito ay nagmula sa di mawatasang pag-awit ng mga kauna-unahang tao; may melodiya at tono ang pag-usal
ng mga unang tao.
Hal: paghimno o paghimig.

 Teoryang La-la
Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita.

 Teoryang Tara-boom-de-ay

Ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita mula sa mga seremonya at ritwal na kanilang ginagawa.
Mangyari pa, sa mga ritwal na ito kalimitan ay may mga sayaw, sigaw, at iba pang gawain, nagkakaroon ng
mga salitang kanilang pinananatili upang maging bahagi na ng kanilang kultura.

Barayti ng Wika

o Idyolek
Ito ay ang pansariling wika ng tao o isang pangkat na nakagawian nilang pamamaraan sa
pagsasalita ( natatangi sa tao )
o Ekolek

Tumutukoy sa mga wikang nagmumula o sinasalita sa loob ng bahay


o Sosyolek

wikang ginagamit sa lipunang ginagalawan nang nagsasalita o nakabatay sa katayuan sa


lipunan ng nagsasalita o sa pangkat na kanyang kinabibilangan ( gay lingo/ conyo)

o Dayalekto
Tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat

o Jargon
Tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain

o Pidgin

bagong wika o lengguwahe na nabubuo kapag may 2 taong may magkaibang wika na walang
karaniwang wika ay nagsisikap mag-usap o magkaroon ng pansamantalang pag-uusap ngunit
hindi nagkakaintindihan na siyang nagreresulta sa tinatawag na makeshift language

Ma’am Pam 2001

Mga Sanggunian:

Antonio, Lilia F. et al. (2005). Komunikasyon sa akademikong Filipino. C & E Publishing,

Inc. Lunsod ng Quezon


Austero, Cecilia S. et al. (1999). Filipino sa iba’t ibang disiplina. Mega-Jesta Prints, Inc.
Lunsod ng Valenzuela
Paz, Consuelo J. et al. (2003). Ang pag-aaral ng wika. University of the Philippine Press. Lunsod
ng Quezon
Santiago, Alfonso O. (1979). Panimulang linggwistika sa Pilipino. REX Book Store. Maynila
Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G. (2003). Makabagong balarilang Filipino. REX
Book Store. Maynila

You might also like