You are on page 1of 2

FIRST SUMMATIVE TEST IN ESP 6

Pangalan: ________________________________ Petsa: ___________ Iskor: ________


A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod.Bilugan ang titik
ng tamang sagot.
1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting pagpapasya?
A. Nagkakaroon ng hidwaan ang karamihan
B. Nakagagawa ng mabuting bagay para lamang sa sarili.
C. Nadaragdagan ang mga problemang maaring maidudulot nito.
D. Tumutulong na magkaroon ng mabuting landas na tatahakin sa
buhay
2. Bakit natin pinahahalagahan ang makakabuti para sa nakararami?
A. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat kasapi.
B. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng hidwaan.
C. Upang magkaroon ng saya at galak ng kalooban ang lahat
D. Lahat ng nabanggit.
3. Paano mo maipapakita ang iyong pagsasang- ayon sa pasya ng
nakararami kung ito ay nakabubuti?
A. Ipagsawalang bahala ang lahat ng mga desisyon ng kasapi ng grupo.
B. Ipilit ang sariling pasya kahit hindi ito nakabubuti sa karamihan.
C. Respetuhin at igalang ang pasya ng nakararami kung nakabubuti
ito.
D. Huwag ng sumang- ayon sa pasya ng iba dahil may pasya na sila.
4. Ang pagsang-ayon sa pasya ng nakakarami ay pagpapakita ng
pakikiisa at pakikipagtulungan sa iba. Alin sa sumusunod ang
nagpapahayag ng pagsang- ayon sa pasya ng nakararami?
A. “Hindi ako naniniawala sa paraang sinasabi mo.”
B. “Walang kewanta iyang sinasabi mo.”
C. “Naniniwala akong makatutulong iyang suhestiyon mo.”
D. “Maling- mali talaga ang lahat ng sinasabi mo.”
5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagsangayon
sa pasya ng nakararami?
A. Hindi ka sumama sa pagpunta ng iyong pamilya sa tabing dagat
dahil gusto mo mamasyal at kumain sa isang sikat na
pampublikong kainan sa siyudad.
B. Naligo ka sa tabing- dagat habang bumabagyo kahit na sinabi ng
iyong kapatid at mga kaibigan na huwag kang pumunta doon dahil
delikado ang pagligo sa tabing dagat kapag bumabagyo.
C. Pumayag ka sa gagawin ninyong proyekto sapagkat nakita mong
ikakabuti ng lahat ang magiging resulta ng inyong proyekto.
D. Napakaganda ng napagkasunduan ninyong proyekto ngunit
tumutol kang gawin ito sapagkat kaaway mo ang isa mong kagrupo.
B. Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung ang isinasaad ng
pangungusap ay wasto at MALI kung ito’y di wasto.

_______ 6. Mas pinili ni Rio na magpokus sa pag-aaral bago magkaroon ng


kasintahan. Ngayon, mayroon na siyang trabaho na
nakasusuporta sa kaniyang pamilya.
_______ 7. Iniwasan ni Marco ang mga kaibigan niya na gumagamit ng
ipinagbabawal na gamot.
_______ 8. Tinatapos niya ang nasimulang proyekto kahit na nahihirapan.
_______ 9. Tumutulong si Jamir sa kaniyang kuya na mag-ipon ng tubig
tuwing hapon.
_______ 10. Si Henry ay nagtatrabaho ng part-time sa isang foodhouse
habang siya ay nag-aaral.
_______ 11. Hindi sinusunod ni Marta ang payo ng kaniyang mga magulang
na dapat maging matiyaga sa buhay.
_______ 12. Si Jose ay nagtitiis na maglakad papunta sa paaralan para lamang
makapagtapos sa pag-aaral.
_______ 13. Isa-isang pinulot ni Nica ang mga butil ng bigas na natapon dahil
alam niyang mahalaga ito.
_______ 14. Sumingit sa pilahan ng pagkain sa kantina si Elisse dahil siya ay
nagugutom na.
_______15. Nakikipag-unahan sa pila sa palikuran si Miguel dahil gusto
niyang maunang bumalik sa silid-aralan.

You might also like