You are on page 1of 7

KABANATA I

A. KALIGIRANG KASAYSAYAN

Ang suliranin ng pananaliksik na aming ginawa ay may layuning

bigyan ng kaalaman ang mga magaaral tungkol sa mga suliranin ng isang

estudyante sa kanilang pag-aaral. Nakasaad sa loob ng pananaliksik ang mga

kaalaman tungkol sa ilang suliranin ng mga estudyante sa eskwela.

“Bakit nga ba karamihan sa mga estudyante ay may mababang marka o

grado sa eskwela?” Ito ang pokus naming sulating pananaliksik.

Ang mga impormasyong mababasa sa loob ay base sa mga

impormasyong nakalap sa internet at mga panayam sa estudyanteng

nakararanas ng nasabing isyu. Maihahayag dito ang mga kapuna-punang mga

suliranin pangkabataan at pang mag-aaral. Nariyan ang komunikasyon,

importansya, gastusin, suliraning pampamilya at napakarami pang iba.

Edukasyon ang pinakamahalagang bagay para sa ating estudyante dahil

ito lamang ang bagay na maipapamana sa atin ng mga magulang. Edukasyon

ang pinaka kailangan ng kabataan at ng isang tao. Ngunit bakit ilan sa mga

estudyante ay hindi napagtutuunan ng pansin ang pag-aaral? Walang taong

bobo subalit mayroong taong tamad. Ito ay isa sa mga kadahilanan kung bakit

makakakuha ng mababang marka ang isang estudyante. Katamaran ay isa

lamang hadlang upang ibagsak ang estudyante sa eskwelahan. Habang ako’y

nag-iinternet sa aming bahay nakabasa ako ng isang blog patungkol sa talino ng

isang tao. Nakukuha raw ang talino ng tao depende sa kung paano niya ito
ginagamit. Isa rin itinuturong dahilan ng pagkakuha ng mababang marka ng

isang estudyante ay ang hindi pagseseryoso sa kanilang pag-aaral, ang kanilang

dahilan ay maraming humahadlang sa kanila tulad ng computer games,

panliligaw at walang interes at hindi pagbibigay ng atensiyong sa pag-aaral.

Madalas itong nangyayari sa mga pampublikong paaralan na mas mababa pa sa

section 5 ngunit hindi lamang ito nangyayari sa pampublikong paaralan dahil

nararanasan din ang ganitong suliranin sa mga pribadong paaralan. Sa

pampublikong isa sa mga dahilan ay ang pagkakaroon ng mga bagay na

umaagaw sa kanilang atensiyong sa kanilang pag-aaral at sa parehong pribado

at pampubliko ang dahilan nila ay katamaran. Karamihan na nga sa mga

estudyante ang tamad at isa sa kanilang dahilan ay ang mahirap na subject.

Ayon sa mga nakalap naming impormasyon sa mga estudyante (Grade

10) ang pinaka mahirap na subject sa kanila ay ang math. Sa mga nagdaang

araw, taon at panahon ay dumarami na ang mga estudyanteng nag-aaral sa

ating komunidad at may iba pang papalaking mga bata at sa pag dating ng mga

araw ay papasok at magaaral na din ang mga ito. Maraming iba’t ibang suliranin

ang ating kinakaharap lalo na ang mga estudyante ngayon at bilang mga

estudyante ito’y hindi maiwasan at ang mga ito ay mayroong iba’t ibang rason.

Isa sa mga rason ang kahirapan at mga gastusin upang makapagtapos sa pag-

aaral at dapat huwang nilang hayaang ito ang maging bunga ng suliranin bilang

mag-aaral.

Ang pagiging estudyante ay isa sa pinaka-mahaba at pinaka-mahirap na

yugto ng ating buhay bilang estudyante. Paano naman kasi, limang taong gulang
ka pa lamang pumapasok kana sa eskwelahan hanggang ngayong nasa senior

high ka na, nakakapagod di’ba? Yung tipong nakakatamad gumawa ng mga

proyekto at mga takdang aralin. Dahil ang gusto mo lang gawin sa buhay ay

mag-relax, manood at magpakasaya ng hindi iniisip ang iyong grado.

Ang unang problemang mahirap iwasan ng mga estudyante ay ang katamaran.

Para itong isang malubhang sakit na mahirap ng lunasan.

B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

1. Anu-ano ang dahilan bakit nagkaroon ng mababang marka ang mga

estudyante?

2. Nakakaapekto ba ang pagkakaroon ng mababang marka sa iyong

kinabukasaan?

3. Paano matutulungan ang mga estudyanteng nagkakaroon ng mababang

marka? Bakit sa panahon ngayon kailangan pag-aralan ng ganitong isyu?

C. LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang pangkalahatang layunin ng papanaiksik na ito ay:

 Upang maiwasan ng mga estudyante ang mga sitwasyon o mga dahilan

na maaaring magtulak sa kanila upang makakuha ng mababang marka.


 Upang mamulat ang mga estudyante sa mga bagay bagay na nasa

paligid nila na maaring makaimpluwensya sa kanilang pag-aaral.

 Upang maging gabay ito sa mga estudyanteng di alam ang pasikot-

sikotna daan sa ating mundo ng realidad.

D. KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

E. TEORETIKAL NA GABAY O/AT KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Ayon kay Kohn (1999) ang mababang marka ay maaring makabawas sa

interes ng mga mag-aaral sa pagkatuto gayundin sa kagustuhan nila sa mga

bagay na humahamon sa kanilang mental na kapasidad. Ang marka ng

pinakabasikong batayan ng performance ng isang estudyante sa klase. Iba’t iba

ang pananaw ng mga mananaliksik hinggil sa epekto ng marking nakukuha ng

mga estudyante sa kanilang oag-aaral. Ayon sa iba, ang mababang marka ay

nagdudulot sa mga estudyante ng kawalan nila ng gana sa pag-aaral ng kanilang

leksiyon.

Ayon sa pag-aaral, mas mababa ang grado sa eskwelahan ng mga mag-aaral na

bumibisita sa Facebook tuwing ika-15 minuto. Bukod dito ang mga kabataan na

nahuhumaling sa naturang social networking site ay may posibilidad na

magpakita ng psychological disorder, maging depress at maging mapagsarili.

Bagaman wala pang ganitong pag-aaral sa pilipinas sinabi ng ilang eksperto

matagal na silang nagbabalak laban sa labis na pag gamit ng internet.


Ayon kay Dr. Bernadette Arcena ng St. Lukes Hospital, bukod sa nawawala ang

quality time ng mga bata, lumalawak din uman ang communication gap sa kanila

at nawawala ang tutok nila sa pag-aaral. Dahil may maganda rin naman daw

naidudulot ang internet sa kaalaman ng mga kabataan, sinabi ni Arcena na

kailangan lamang gabayan ng husto ang mga bata.

Sa panayam ni Arcangel sa batang itinago sa pangalang Nick 12-anyos, inamin

ng bata na nahumaling siya noon sa internet particular sa Facebook kaya

bumagsak ang kanyang marka ng hanggang 65. Pero kung dati ay nagbababad

si Nick sa mga internet shop ng mula hapon hanggang hatinggabi araw-araw,

ngayon ay dalawang oras na lang umano para makabawi sa kanyang pag-aaral.

F.SAKOP AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga bagay na may kaugnay sa pag-aaral

na ito katulad ng mga pangyayari sa eskwelahan at mga estudyante.

Ang hangganan ay sa mga estudyante sa mga magulang at mga taong hindi

matanto ang tunay na kahulugan ng edukasyon.

Ang hangganan nito ay pumapaligid sa paaralan at tahanan ng bawat mag-aaral.

Ang Pananaliksik na ito ay tungkol sa mga estudyanteng hirap sa pag-aaral kaya sila

bumabaksak. Ang pinaka punto o ang sentro ng pag-aaral na ito ay ang mga bagay na

pumapaligid sa mag-aaral.
Ang limitasyon nito ay ang buhay na kinakaharap ng estudyante habang sila ay

nasa paaralan o nasa eskwelahan.

KABANATA II

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay gumamit ng mapaglarawang

pamamaraan o “descriptive method” na paraan ng pananaliksik. Napili naming mga

mananaliksik na gamitin ang interview research design na gumagamit ng mga

katanungan upang makuha ang panayam ng isang respontande. Naniniwala kami na

ang disenyo na ito ang angkop para sa pananaliksik dahil mas napapadali ang pagkuha

ng datos mula sa respondante o sa mga sumasagot ng mga katanungang aming mga

binato sa kanila tinitiyak din namin na tama ang mga sagot sa aming pananaliksik

sapagkat kinuha ito mismo sa respondanteng kinapanayaman .sa panayam na aming

ginawa, nagtanong kami sa mga studyante lalo na sa mga mababang seksiyon, sa

paaralang GMATHS dahil sila ang mga estudyante na madalas nakakakuha ng

mabababang marka.

B. KASANGKAPAN AT PARAAN SA PAGLIKOM NG DATOS

Una naming isinagawa ang paggawa ng mga katanungan upang mas madali

nang makuha ang panayam o interview sa aming magiging respondante, lahat ay nag

tulong-tulong upang mabuo ang kasangkapan sa pananaliksik. Nais sukatin nito ang
mga persentasyon at damdamin ng mga respondante. Sa pamamagitan ng

partisipasyon at kooperasyon ng bawat isa naisagawa namin at nabuo ang

talatanungan o mga katanungan na aming itatanong sa aming kakapanayamin. Isa sa

mga suliranin na aming kinaharap ay ang pag-iintindi sa mga respondante at gumamit

din kami ng paraang “transcribing” kung saan maigi naming iniintindi at sinusulat ang

bawat sinasabi ng respondante.

You might also like