You are on page 1of 5

Asinagtura Christian Education 6

KAGAMITAN SA
Module No. 2
PAGKATUTO
Taong Panuruan at Kwarter 2020 -2021 / 4
Guro Jorose Evangelista
LAYUNIN
 Malaman ang ilang mga hakbang upang makapagtipid at makaipon.
 Makapag compute ng matitipid O MAIPON MULA SA MGA PANG ARAW ARAW NA GASTUSIN.
 Makagawa ng plano para makaipon o makatipid

Aralin Matipid, Mapag – impok …. Mahusay !

Sanggunian
DALOY : Pagpapaunlad sa sarili para sa kabutihang panlahat

Nilalaman

ANG TAONG MARUNONG, NAGHAHANDA NG YAMAN PARA SA KINABUKASAN. NGUNIT ANG


HANGAL, WINAWALDAS ANG LAHAT HANGGANG SA MAUBUSAN.

KAWIKAAN 21 : 20

Alamin Natin
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Basahin ang mga sumusunod na salita na marahil ay karaniwan mon ang naririnig sa inyong tahanan.
Isulat ang inyong komento tungkol sa mga salitang ito.

“ Isukat mo nga ang lumang sneakers ng


ate mo, at baka kasya pa saiyo. Mahal kasi
ang bagong sapatos ngayon eh.”

“ Anak, kasya pa naman sa iyo ang jacket


mo. Magagamit mo pa iyan ng ilang taon.”

“ Hindi pa iyan sira. Ibigay mo sa akin at


gagawin ko. Mahal ang bago nito.”

Ang mga nabasa mong salita ay hango sa mga sitwasyon na kung saan makikita ang pagiging matipid. Malaki
ang maitutulong sa bawat isa na matutunan ang disiplina ng pagtitipid at pag iimpok. Naipapakita sa
pamamagitan ng mga ito ang pagpapahalaga na mayroon ang isang tao sa pananalapi na sadyang mahirap
kitain. Kung magiging kasanayan ito, matutunan din ng sinuman na maging mapanuri sa lahat ng kanyang
bibilhin upang yaong mga bagay lamang na talagang kailangan ang mapagtuunan. Kadalasan kasi ay
nadadala ang mga mamimili sa bugso ng damdamin at bumibili ng mga bagay na hindi naman pala kailangan.
Subalit kung sasanayin ang sarili na magtipid at mag-ipon , magagawang hindi pansinin ang mga bagay na
gusto lang para sa mga bagay na lubhang makabuluhan.

Ilang mga hakbang sa pagtitipid at pag-iimpok

1. Alamin ang iyong layunin kung bakit ka dapat magtipid at mag ipon.
2. Alamin din ang mga bagay na lubhang kailangan at dito gastusin ang salapi.
3. Kung mag ipon, magandang alam ng iyong magulang o ng nakatatandang kapatid na ikaw ay nag iipon
upang magabyan ka nila kung nanaisin mong gastusin ang iyong ipon sa hindi naman talaga kailangan.
4. Pahalagahan ang bawat salapi. Isipin mo na makakatulong din ang iyong naipon, gaano man kaliit o
kalaki ito, lalo na sa oras ng pangangailangan. Sab inga, ‘KUNG MAY ISINUKSOK, MAY
MADUDUKOT.”
5. Kung sakaling magkakayayaan ng mga kaibigan na kumain sa labas o manood ng sine para
makapglibang, magmungkahi ng ibang gawaing masaya rin subalit hindi naman magastos.
6. Magtalaga ng angkop na budget kung kinakailangan talagang may pagkagastusan.
7. Huwag bibili ng pagkaing gusto mong mula sa naipong salapi sapagkat mas madalas ka nang
mahihikayat na ulitin ito.
8. Maging matalino sa pamimili. Huwag magpadala sa udyok ng mga SALE. Palagian ding sanayin ang
sarili na magtanong na makailang ulit sa sarili kung kailangan mo talaga ang isang bagay.

Narito ang ilan sa mga sinasabi ng Bibliya tungkol sa pag-iipon at pagtitipid.

1. Magtipid

“Ang taong marunong, naghahanda ng yaman para sa kinabukasan. Ngunit ang hangal, winawaldas ang lahat
hanggang sa maubusan.” ( Kawikaan 21 : 20 )

2. Iwasang Umutang
“Ang mahihirap ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mayayaman at ang nangungutang ay alipin ng
nagpapautang.” ( Kawikaan 22 : 7 )

3. Makontento
“Iwasan n’yo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa anumang nasa inyo.”
( Hebreo 13 : 5a )

4. Magsipag
“Ang masikap sa trabaho ay may pakinabang ngunit kung salita ka lang ng salita ikaw ay magiging
maralita.” ( Kawikaan 14 : 23 )

Subukan Natin
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nasa ibaba ang ilan sa mga pangunahing pinagkakagastusan ng isang tao. Sa tapat nito ay ang mga
pagpipiliang kasama ng katumbas na halaga nito. Alin sa mga ito ang pipiliin mo ? Isulat sa angkop na puwang
ang dahilan bakit mo ito pinili. Isulat din ang halaga ng napili sa dulong puwang. Kapag natapos nang mamili,
alamin kung magkano ang iyong nagastos sa lahat ng ito at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Mga
kailangang Mga Pagpipiliian Bakit ito
bilhin Opsyon 1 Opsyon 2 Opsyon 3 Opsyon 4 ang iyong Halaga
napili?
Damit at Mamahaling Mahal Pangkaraniwan Mura pero
Sapatos tatak at subalit subalit matibay hindi
sigurado matibay matibay
kang ikaw
lang ang
mayroon.

Presyo 2,500 1,500 1,000 500

Mga kailangang
bilhin Mga Pagpipiliian Bakit ito
Opsyon 1 Opsyon 2 Opsyon 3 Opsyon 4 ang iyong Halaga
napili?
Nagkakayayang Kakain sa Kakain sa Kakain sa Magpapalut
kumain ng mga kilalang kantina ng karinderia o sa nanay
kaibigan fastfood paaralan sa labas at yayain
ang mga
kaibigan na
sa bahay na
lang kumain.

Presyo 100 70 40 20

Mga kailangang
bilhin Mga Pagpipiliian Bakit ito
Opsyon 1 Opsyon 2 Opsyon 3 Opsyon 4 ang iyong Halaga
napili?
Nakakayayaang Manood ng Ice Skating Mamasyal Manood ng
magkatuwaan sine sa Mall pelikula sa
ng kaklase bahay ng
kaibigan at
bibilli na
lamang ng
mga
kutkutin.

Presyo 250 200 150 50

1. Magkano ang nagastos mo sa lahat ng iyong napili?

2. Sa palagay mo, nakatipid ka ba sa iyong mga pinili ?

3. Sa iyong pagtitipid, sa palagay moba ay nagging matalino ka ring mamimili ?

Pagyamanin Natin
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Alamin ang iyong layunin sap ag – iipon. Iguhit sa ibaba.

Tandaan Mo
---------------------------------------------------------------------------------------------------

Additional Source
COPYRIGHT Citation
INFRINGEMENT

© Copyright 2020 Brimestone Academy Inc. - All Rights Reserved

You might also like