You are on page 1of 15

Mga Katanungan sa Talakayan

p.408

1. Ano ang akmang pagtrato sa pagtutuos para sa (a) labis ng retirement


price sa orihinal na issuance price ng bahaging kapital at (b) labis ng original
price sa retirement price ng bahaging capital?

2. Bakit muling nagkakamit ang kompanya ng sariling bahagi ng kapital?

3. Talakayin ang cost method sa pagtatala ng treasury share transactions.

4. Ano ang kapakinabangan ng paglalabas ng convertible preference na


bahaging kapital?

5. Ano ang epekto ng pagtatamo ng treasury shares sa kabuuan ng kapital ng


mga shareholders?

6. Tukuyin at talakayin ang dalawang uri ng share splits.

7. Ano ang corporate recapitalization? Bakit may recapitalization?


KABANATA 11
PAG-UULAT AT PAGSUSURING PINANSYAL

LAYUNIN SA PAGKATUTO

1. Ipaliwanag ang kalikasan ng mga ulat sa pananalapi at ang


pangkalahatang konsiderasyon sa paghahanda at paglalahad nito.

2. Tukuyin at ipaliwanag ang nilalaman ng kumpletong ulat sa


pananalapi.

3. Ipaliwanag at bigyang pansin ang kahalagahan ng ulat sa daloy ng


salapi.

4. Ilarawan at ipaliwanag ang pag-uuri ng daloy ng salapi at mga metodo


sa paglalahad ng daloy ng salapi mula sa mga aktibidad ng operasyon.

5. Ipaliwanag at pahalagahan ang iba’t ibang uri ng ratio analysis.

PASULYAP SA KABANATA

PAG-UULAT AT PAGSUSURING
PINANSYAL

PAG-UULAT ULAT SA PAGSUSURI NG


PINANSYAL PANANALAPI AT ULAT SA
MGA ELEMENTO PANANALAPI
▪ Layunin,
▪ Ulat ng Pilyego
kahulugan at
sa Pagbabalanse
kalikasan ng mga ▪ Ratio Analysis
▪ Ulat sa
ulat sa pananalapi ▪ Liquidity Ratios
Komprehensibong
Kita ▪ Solvency Ratios
▪ Pangkalahatang ▪ Profitability
▪ Ulat sa
konsiderasyon sa Ratios
pagbabago ng
paghahanda at
equity
paglalahad ng
▪ Ulat sa pagdaloy
mga ulat sa
ng salapi
pananalapi
▪ mga tala

PANIMULA

Tinalakay sa Unang Kabanata na may dalawang pangunahing grupo na


gumagamit ng impormasyon sa pagtutuos: ang panloob na tagagamit at
panlabas na tagagamit. Ang mga tagagamit panlabas ay walang akses sa
araw-araw na aktibidad ng isang entidad; kung kaya’t higit silang umaasa sa
mga ulat pampinansiyal na ibinibigay sa kanila. Mahalaga ngayon na ang
mga ulat ay mapagkakatiwalaan at nasa tamang oras upang ang sinumang
gagamit sa mga ito ay magkaroon ng maayos na pagpapasya at makapamili
ng makatwiran sa mga alterntibong paraan.

Ang larangan ng pagtutuos na dalubhasa sa paggawa ng mga ulat para sa


tagagamit panlabas ay ‘financial accounting’. Ang mga ulat pampinansyal na
ibinibigay sa kanila ay tinatawag na pangkalahatang ulat sa pananalapi
(general-purpose financial statements).

Ang general-purpose financial statements ay ulat sa pananalapi na ang


intensyon ay makamit ang karaniwang pangangailangan ng mga gagamit na
wala sa posisyon na humingi ng ulat na itinakda sa isang partikular na
impormasyong kinakailangan.

Ang paglalahad ng mga ulat sa pananalapi ay may patnubay ng PAS 1 na


siyang nagtatakda ng basehan para sa paglalahad ng mga ulat sa pananalapi
upang masiguro ang kakayahang maihambing sa nakaraang panahon at
ibang entidad. Tinutukoy din ng PAS 1 ang basehang nilalaman na dapat
makita sa mga ulat sa pananalapi at ang patnubay base sa estruktura ng
negosyo.

LAYUNIN NG ULAT SA PANANALAPI

Ang layunin ng general-purpose financial statements ay ang makapagbigay


ng kaalaman ukol sa pilyego sa pagbabalanse, financial performance at
pagdaloy ng salapi ng entidad na kapaki-pakinabang sa maraming tagagamit
sa paggawa ng economic na pagpapasya.

KAHULUGAN AT KALIKASAN NG MGA ULAT SA PANANALAPI

Ang mga ulat sa pananalapi ay isang balangkas na paglalahad ng


pilyego sa pagbabalanse at financial performance na isang entidad.
Ipinapakita nito ang mga pag-aari, pagkakautang at kapital ng entidad sa tiyak
na panahon. Isinasaad din dito ang kitang natanggap at gastusin na ginugol
ng entidad sa ibinigay na panahon.

Ang mga ulat sa pananalapi ang huling produkto ng proseso sa


pagtutuos. Ito ang kalalabasan sa pagwawakas ng proseso sa pagtutuos. Ito
ay magagawa lamang matapos na maiproseso ang lahat ng transaksyon at
pagsasa-ayos ng mga pasok ay maijournalize at maipost.

Ang mga ulat sa pananalapi ay ang resulta ng pamamahala ng


administrasyon sa pag-aaring ipinagkatiwala rito. Ipinagkakatiwala ng
mga may-ari ng entidad sa administrasyon ang wastong paggamit ng mga ari-
arian ng kompanya upang makamit ang panandalian at pangmatagalang
layunin ng entidad. Inaasahan na kaya nilang paabutin sa pinakamalaking kita
ng mga pag-aaring ito at makapagbigay ng rate ng return sa pagkagamit nito
na katanggap-tanggap sa mga investors at stockholders. Ang mga ulat sa
pananalapi ay nagsasaad ng pagganap ng administrasyon sa kung ano ang
inaasahan ng investors.

Ang mga ulat sa pananalapi ang daan upang ang mga nakalap at
naiprosesong impormasyon sa financial accounting ay maibahagi sa
mga gagamit nito. Ipinaaalam sa mga stakeholder ng entidad ang pilyego sa
pagbabalanse at ang performance nito sa pamamagitan ng mga ulat sa
pananalapi.

Ang paghahanda at paglalahad ng mga ulat sa pananalapi ay tungkulin


ng administrasyon. Inaaral at inaaprubahan ng Board of Directors ang mga
ulat sa pananalapi bago isumite sa mga shareholders ng entidad. Kalakip ng
nailathalang ulat ang pangangatawang liham ng administrasyon.

NILALAMAN NG MGA ULAT SA PANANALAPI

Ayon sa PAS 1 (revised (2011), ang bumubuo sa kumpletong ulat sa


pananalapi ay:

▪︎ulat ng pilyego sa pagbabalanse


▪︎ulat sa komprehensibong kita (maaaring maghanda ang entidad ng
magkahiwalay na ulat sa kita at komprehensibong kita)
▪︎ulat sa pagbabago ng equity
▪︎ulat sa pagdaloy ng salapi; at
▪︎mga tala na naglalaman ng buod ng mahahalagang patakaran sa
pagtutuos at ibang mga paliwanag

Maaari rin namang maglahad ng karagdagang ulat ang entidad bukod sa mga
nabanggit sa itaas. Ang halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

▪︎financial review ng administrasyon na naglalarawan at nagpapaliwanag


ng mga nilalaman ng pilyego sa pagbabalanse at financial performance
ng
entidad at mga hindi inaasahang sitwasyon na kinahaharap nito;
▪︎ulat pangkalikasan at value added statements, lalo na sa mga industriya
kung saan mahalaga ang mga salik pangkalikasan at kung kailan
masasabing tagagamit ng ulat ang mga empleyado.

Ang mga ulat na ito na inilalahad bukod sa ulat sa pananalapi ay hindi na


sakop ng PAS 1.

PANGKALAHATANG KONSIDERASYON SA PAGHAHANDA AT


PAGLALAHAD NG MGA ULAT SA PANANALAPI

Tinukoy ng PAS 1 ang walong (8) pangunahing konsiderasyon sa


paghahanda at paglalahad ng mga ulat sa pananalapi. Ito ay inilarawan sa
ibaba.

Patas na paglalahad at pagsunod sa PFRSs/IFRSs. Ang mga ulat


sa pananalapi ay dapat na naglalahad ng patas na pilyego sa
pagbabalanse, financial performance at daloy ng salapi ng isang
entidad. Kinakailangan ang tapat na paglalahad ng epekto ng
transaksyon at iba pang pangyayari at kondisyon alinsunod sa
kahulugan at pagkilala ng mga pag-aari, pagkakautang, kita at gastusin
na nakasaad sa framework. Ang paggamit ng PFRSs/IFRSs, pati ang
karagdagang disclosure kung kinakailangan, ay inaasahang
magreresulta sa patas na paglalahad ng mga ulat sa pananalapi. (PAS
1, par. 15)

Going Concern. Ang mga ulat sa pananalapi ay dapat na ihanda sa


going concern basis maliban na lamang kung instensyon ng
administrasyon na magsara o itigil ang kalakalan o kaya’y wala nang
ibang pamimilian kundi ang gawin iyon. Ibig sabihin, inaasahan na
magpapatuloy ang buhay ng isang entidad maliban kung may pagtutol
dito. Anumang hindi tiyak na pangyayari na maaaring humadlang sa
kakayahan ng entidad na magpatuloy sa kanyang operasyon ay dapat
na mahayag. Isang halimbawa ng paggamit ng going concern ay ang
paggamit ng accrual basis sa pagtutuos. (PAS 1, par. 25)

Accrual basis ng pagtutuos. Nararapat na gamitin ng isang entidad


ang accrual basis ng pagtutuos sa paghahanda mga ulat maliban sa
impormasyon sa daloy ng salapi. Sa ilalim ng accrual basis, ang kita at
gastusin ay kinikilala sa panahon na naisagawa ang mga ito sa halip
na kung kailan natanggap o naibayad ang salapi. Halimbawa, ang
benta na naisagawa sa account noong 2014 at makokolekta sa 2015
ay kikilalanin bilang benta noong 2014. Ang insurance premium na
binayaran noong 2014 na sakop ang 2015 ay kikilalanin bilang
gastusin sa 2015; ang kabayaran ay irerekord bilang prepaid expense
sa katapusan ng taong 2014. (PAS 1, par. 27)

Dalas ng Pag-uulat. Kinakailangang mailahad ng entidad ang


kumpletong ulat sa pananalapi (kasama ang komparatibong
impormasyon) kada taon. Pumipili ang entidad ng sarili nitong annual
accounting period sa pagitan ng calendar year o fiscal year.
Nagsisimula sa Enero 1 at nagtatapos sa Disyembre 31 ang calendar
year. Ang paggamit ng fiscal year ay nakadepende sa kalikasan ng
negosyo o operasyon ng entidad. Ang paaralan, halimbawa, ay
maaaring gumamit ng accounting period na nagsisimula sa Hunyo 1 at
nagtatapos sa Mayo 31 na bumubuo sa isang taon ng pag-aaral. (PAS
1 , par. 36)

Materiality at aggregation. Bawat materyal na klase ng magkakatulad


na aytem ay dapat na ilahad nang magkahiwalay sa mga ulat sa
pananalapi. Ang mga bagay na magkakaiba ang kalikasan o gamit ay
nararapat na ilahad nang magkahiwalay maliban kung ito’y imateryal.
Halimbawa, ang cash on hand at salapi na nakadeposito sa mga
bangko ay maaaring pagsamahin at itala ang kabuuan sa aytem na
“cash on hand and in banks” subalit ang trade receivables ay ilalahad
na hiwalay sa mga nontrade receivables dahil magkaiba ang kanilang
likas na katangian. Ang entidad na maraming prepaid na aytem na
imateryal ang halaga ay maaari nang pagsamahin sa ilalim ng prepaid
expenses. (PAS 1, par. 29)

Offsetting. Pangunahing patakaran na ang pag-aari at pagkakautang


maging ang kita at gastusin ay hindi maaaring i-offset malibang
payagan ng Standard o ng Interpretation. Ang offsetting ay ang
pagbawas sa balanse ng isang pag-aari mula sa balanse ng akawnt sa
pagkakautang at iniuulat lamang ang netong halaga sa ulat sa pilyego
sa pagbabalanse o ang pagbabawas sa akawnt ng kita mula sa
balanse ng mga gastusin at inuulat lamang ang netong halaga sa ulat
sa komprehensibong kita. Halimbawa, ang bonds payable account na
nagkakahalagang P5 milyon ay ibinawas mula sa balanse ng bond
sinking fund na P3 milyon at iniuulat ang netong halaga na P2 milyon
para sa bonds payable o ang pagbawas ng uncollectible accounts na
P1 milyon mula sa benta na P75 milyon at iniuulat na P74 milyon
lamang ang netong benta. Bilang pangkalahatang patakaran, ang
halibawang ito ay hindi pinahihintulutan. (PAS 1, par.32) Subalit, ang
ilang Standards ay maaaring payagan ang offsetting gaya ng mga
sumusunod: (PAS 1, par. 34)

▪︎Ang mga tubo o pagkalugi sa pagbebenta ng mga non-current assets,


kasama na ang kapital at operating assets, ay iniuulat sa pamamagitan ng
pagbabawas ng carrying amount ng pag-aari at mga kaugnay na gastusin sa
pagbebenta mula sa kita sa pagbebenta . Halimbawa, ang lumang kagamitan
na may halagang P250,000 ay naibenta sa halagang P300,000 na may
kasamang gastusin sa pagbebenta na P20,000. Ang carrying amount na
P250,000 ay ibinibawas mula sa kita na P280,000 at ang tubo na P30,000 ay
itinala sa ulat ng komprehensibong kita.

▪ Ang mga tubo o pagkalugi mula sa grupo ng magkakahawig na


transaksyon ay iniuulat sa netong basehan, halimbawa, ang tubo at pagkalugi
sa foreign exchange o ang nagmumula sa instrumentong pinansiyal na hawak
para sa kalakalan.

Hindi pagbabago sa paglalahad. Upang makatulong sa


paghahambing ng mga ulat sa pananalapi ng isang period sa iba pang
period (panloob na pagtutulad) o ng isang entidad sa iba pa (inter
comparability), ang paglalahad at pag-uuri ng mga ulat sa pananalapi
ay nararapat na manatili mula sa isang period patungo sa susunod
maliban kung:

 Malinaw na may pagbabago sa kalikasan ng mga operasyon ng entidad o


may muling pag-aaral ukol sa mga ulat sa pinansyal na kung saan ang
panibagong paglalahad o pag-uuri ay mas angkop na gamitin base sa
pamantayang itinilaga para sa pagpili at paggamit ng mga patakaran sa
pagtutuos sa PAS 8; o
 Ang Standard o Interpretation ay iniutos ang pagbabago sa paglalahad.

Nagbabago lamang ng paglalahad ng ulat sa pananalapi ang isang


entidad kung ang pagbabago ay nagbibigay ng impormasyon na
maaasahan at may pakinabang sa mga gagamit nito at ang
naiwastong balangkas ay maaaring magpatuloy upang hindi masira
ang katangiang maihalintulad ang mga ulat. (PAS 1, par 45)
Comparative Information. Ang comparative information ay dapat na
mahayag alinsunod sa mga naunang panahon sa lahat ng halagang
iniulat sa mga ulat sa pananalapi. Isinasama ang comparative
information sa salasay at naglalarawang impormasyon kung
makatutulong sa pag-unawa ng ulat sa pananalapi ng kasalukuyang
panahon. Ang mga ulat sa pananalapi para sa dalawang period o
petsa ay kinakailangang ilahad para sa layuning paghahambing bilang
minimum na pangangailangan. Kung may pagsasaayos na ginawa
bilang resulta ng pagbabago sa patakaran sa pagtutuos, ang
nararapat na ilahad sa statement of financial condition ay ayon sa
pasimula ng period.

You might also like