You are on page 1of 2

Araling Panlipunan 7

Mga Yamang tao sa Asya

I. LAYUNIN
A. Nalalaman ang kahalagahan ng bawat yaman ng tao sa bawat rehiyon ng Asya
B. Naipahahalagahan ang mga yaman tao sa pamamagitan ng tama at wastong
paggamit nito upang mapaunlad ang ekonomiya ng bawat salik ng bansa.
C. Naibabahagi sa pagkakatawan ng yamang tao sa pamamagitan ng pagbahagi ng
karanasan.
II. NILALAMAN
A. Paksa: Yamang tao ng Asya
B. Sanggunian:
C. Kagamitan:
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Pagdadasal
3. Pangpasigla
B. Pagganyak
Ipapanood ang balitang ukol sa paglaki ng populasyon sa bansa sa pamamagitan
ng video.
Pamprosesong tanong:
1. Batay sa video ano inyong napanood?
2. Batay sa tinatalakay ng video gaano na kadami ang populasyon ng bansa
sa susunod na taon?
3. Ano ang magiging epekto nito?
C. Paglinang ng Aralin
1. AKTIBITI
No.1Populasyon at Population Growth Rate
1) Ano ang sampung bansa sa Asya na may pinamalaking populasyon? Saang rehiyon sa
Asya ito kabilang?
2) Bakit malaki ang populasyon ng mga rehiyong/bansang ito?
3) Ano ang population growth rate? Bakit mahalaga na malaman at masuri ito?
4) Bakit sinasabi na malaking suliranin ang mabilis at patuloy na paglaki ng populasyon?

No.2Gulang ng populasyon, kasarian at Life expectancy


1) Ano ang mga bansa ang may batang populasyon? Matandang populasyon?. Ipakita ito sa
pamamagitan ng bargraph.
2) Ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng batang populasyon? Matanang populasyon?
3) Ano ang life expectancy?Anong mga bansa sa Asya ang may pinakamataas na life
expectancy! Pinakamababang life Expectancy?
4) Bakit kinakailangang mabatid ang life expectancy sa isang bansa?
5) Suriin ang dami ng babae at lalaki batay sa talahanay blg. 1. Ano ang mas marami lalaki
o babae?

2. Ebalwasyon analisis
 Anong bansa ang may pinakabata at pinakamatatandang
populasyon?
 Bakit kaya malaki ang kanilang populasyon sa ganyang edad? Ano
ang maganda at hindi magandang kahihinatnat sa bansa?
 Sa kaunlaran ng bansa, ano ang kaugnayan nito? Bakit?
3. Abstraksyon
Tatalakayin ang paksa sa pamamaitan ng mga sumusunod na katanungan.
 Ano ang yamang tao?
 Ano ang kinalaman ng populasyon ng tao sa pag-aaral ng yamang tao?
 Mahalaga baa ng papel na ginagampanan ng mga tao sa pagpapalago ng
Isang bansa?
 Sa paanong paraan maaring makatulong ang yamang tao?
 Sa kaso ng pilipinas, nakatutulong ba o nakakasama sa ating bansa ang
patuloy na paglaki ng populasyon?
 Sa kabuuan, bakit mahalaga ang yamang tao sa pagbuo at pag-unlad ng
kabihasnang Asyao?

IV. Takdang Aralin


Magsaliksik ukol sa mga sumusunod na terminolohiya. Isulat sa inyong kwaderno ang
inyong mga kasagutan.
1. Life expectancy
2. Migrasyon
3. Unemployment rate
4. Gross domestic product
5. Literacy rate

You might also like