You are on page 1of 7

GE1803

Pangalan: Seksiyon:

Puntos:

Panuto: Basahin ang panitikan sa ibaba. Sagutan ang mga tanong matapos ang teksto.

Pangkat 1
Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada

Isang hapon may isang magtotroso na nagtungo sa kagubatan upang pumutol ng isang puno upang gawing
panggatong. Pinili niya ang isang mataas at tuwid na puno sa tabi ng isang lawa. Sinimulan niyang putulin ito
ng kanyang palakol. Ang ingay na nilikha ng palakol ay umalingawngaw sa buong kagubatan.
Mabilis ang pagkilos ng lalaki sa dahilang ayaw niyang abutan siya ng dilim. Nang di sinasadya, ang talim ng
palakol na kanyang tangan ay tumilapon sa lawa.
Agad niyang sinisid ang lawa ngunit sa kasawiang palad nabigo siyang makita ang kanyang hinahanap.
Naupo siya sa paanan ng puno at nag-isip kung ano ang susunod niyang gagawin. Nang biglang lumitaw sa
kanyang harapan ang isang engkantada, “Ano ang problema mo?”
“Ang talim ng aking palakol ay nahulog sa tubig, tugon niya. Hindi ko alam kung ito’y makikita ko pang muli.”
“Tingnan natin kung ano ang aking maitutulong sa iyo,” wika ng engkantada sabay talon sa lawa.
Paglitaw ng diwata ay may hawak siyang talim ng palakol na lantay na ginto. “Ito ba ang hinahanap mo?”
tanong ng engkantada.
Pinagmasdang mabuti ng magtotroso ang palakol. “Hindi, hindi sa akin iyan,” ang tanggi ng magtotroso.
Inilapag ng diwata ang gintong talim sa may pampang at sumisid na muli ito sa lawa.
Di nagtagal ay muli siyang lumitaw na hawak ang pilak na talim ng palakol. “Ito ba ang talim ng iyong palakol?”
“Hindi, hindi sa akin iyan.”
Inilapag ng engkantada ang pilak na talim sa tabi ng gintong talim at pagdaka’y muli itong sumisid sa lawa.
Nang muling lumitaw ang diwata tangan niya ang isang bakal na talim, “Ito ba ang iyong hinahanap?” tanong
niya.
“Oo, iyan nga ang aking nawawalang talim,” masayang sagot ng lalaki. “Maraming salamat sa iyong pagtulong
sa akin.”
Ibinigay ng engkantada ang kanyang talim pati na ang ginto at pilak na mga talim at ito’y nagsabing:
“Ako’y humahanga sa iyong katapatan. Kaya’t bilang gantimpala, ipinagkakaloob ko sa iyo itong ginto at pilak
na mga talim.”
Nagpasalamat ang lalaki at lumakad na siyang pauwi na taglay ang kagalakan.
May kapitbahay ang lalaki na isa ring magtotroso na nakakita sa mga talim na ginto at pilak, at ito’y nag-usisa.
“Saan mo nakuha ang mga talim na ‘yan?”
“Mangyari’y pumuputol ako ng isang punongkahoy sa tabi ng isang lawa sa gubat nang matanggal at nahulog
sa tubig ang talim ng aking palakol. May tumulong sa aking isang engkantada at ako’y binigyan pa niya ng
dalawa.” May pagmamalaking salaysay nito.
“Sabihin mo sa akin kung paano ako makakarating doon. Nais ko ring subukin ang aking kapalaran,” wika ng
magtotrosong kapitbahay.
Hindi naman nahirapan sa paghahanap ang lalaki sa naturang lawa at sinimulan niya ang pagputol ng isang
puno. Dinig na dinig sa buong kagubatan ang ingay na nilkha niya. Hindi nagtagal at ang talim ng palakol na
sadya niyang niluwagan ay natanggal at nahulog sa tubig. Sumisid siya at nagkunwaring naghahanap. Naupo
siya sa pampang at kunwa’y nalulungkot sa kanyang sinapit.
Maya-maya’y lumitaw ang isang diwata at nagtanong. “Ginoo, tila yata malungkot ka?”
“Mangyari’y nawala ang pinakamahalaga kong pag-aari,” hinagpis ng magtotroso.
“Ano ang nawala at paano nawala ito?” tanong ng diwata.

01 Activity 1 *Property of STI


Page 1 of 7
“Pinuputol ko ang punong ito, malungkot na wika ng lalaki, Nang biglang natanggal ang talim ng aking palakol
at nahulog sa tubig. Naglagay ako ng panibagong talim at nagtatrabahong muli ngunit nahulog din ito sa lawa.
Sinisid ko, ngunit hindi ko natagpuan,” nagpatuloy sa pag-iyak ang lalaki.
“Huwag ka nang umiyak,” wika ng dalaga, “at titingnan ko kung ano ang aking maitutulong.”
Nang lumitaw ang diwata ay tangan niya ang isang gintong talim. “Ito ba ang iyong nawawalang talim?”
tanong ng diwata.
Kinuha ng lalaki ang gintong talim at nagsabing, “Oo, ito nga ang aking gintong talim. Maraming salamat sa iyo.
Mayroon pa akong isang talim na nawawala.”
“Susubukin kong hanapin din iyon,” wika ng diwata at pagdaka’y sumisid muli sa lawa.
Ngayon, naisip ng lalaki, magiging kasing yaman na ako ng aking kapitbahay.
Ilang sandali pa’y lumitaw ang diwata na may hawak na pilak na talim. Iniabot niya ito sa lalaki at nagtanong,
“Ito ba ang isa mo pang talim na nawawala?”
Iniabot ng lalaki ang talim na pilak at nagwika, “Oo, oo! Iyan nga ang isa pa. Hanga ako sa iyo, napakagaling
mong sumisid. Maraming salamat sa ginawa mong pagtulong sa akin.”
Ngunit hindi pinagkaloob sa kanya ng diwata ang talim at nagwika ito, “Hindi mapapasaiyo ang mga ito. Ang
mga matatapat lamang ang aking pinagkakalooban ng tulong. Ang mabuti pa’y umalis ka na sa kagubatang
ito kung hindi ay magsisisi ka!” Pagwika nito ay naglaho na ang diwata.
Nahihiyang lumakad nang pauwi ang lalaki. Ngayon, nawala pa ang aking bakal na talim, wika niya sa sarili.
“Sana naging matalino ako.”

Pinagkuhanan: https://pinoycollection.com/ang-dalawang-magtotroso-at-ang-engkantada/

Mga Katanungan:
1. Ano ang mga aral na iyong napulot sa kwento?
2. Anong anyo ng akdang pampanitikan ang iyong nabasa?
3. Ano ang elemento ang lumilikha sa akdang iyong nabasa? Ipaliwanag.
4. Ano-ano ang mga kasangkapang pampanitikan ang nagbigay anyo sa akda? Ipaliwanag.
Pangalan: Seksiyon:

Puntos:

Panuto: Basahin ang panitikan sa ibaba. Sagutan ang mga tanong matapos ang teksto.

Pangkat 2
Ang Babaeng Ubod ng Talino

May isang alipin na naninilbihan sa isang marangyang palasyo. Siya ay may isang anak na babae. Ang
pangalan nito ay Marcela. Si Marcela ay mahal ng marami dahil sa kanyang magagandang katangian.
Maganda, matulungin at ubod ng talino. Lagi siyang may laang sagot sa anumang katanungan.

Ito ay nakarating sa kaalaman ng Hari ng palasyong pinagsisilbihan ng kanyang ama. Isang araw ay inutusan
ng Hari ang kanyang alipin upang masubukan ang katalinuhan ni Marcela.

“Dalhin mo ang ibong ito kay Marcela. Nais kong ipagluto niya ako ng labindalawang putahe sa pamamagitan
ng isang ibong maliit na ito,” ang utos ng Hari sa alipin.

Agad na tumalima ang alipin. Pinuntahan niya si Marcela at sinabi ang ipinag-uutos ng mahal na hari. Nag-
isip si Marcela sa mga oras na iyon habang nagsusulsi ng damit.

“Sabihin ninyo sa mahal na Hari na kung makagagawa siya ng labindalawang kutsara sa pamamagitan ng
isang karayom na ito, ay magagawa ko rin ang labindalawang putahe sa pamamagitan ng isang maliit na
ibon,” ang matalinong sagot ni Marcela.

Ang alipin ng Hari ay mabilis na nagbalik sa palasyo at ibinalita ang kasagutan ni Marcela. Lihim na humanga
ang Hari sa sagot ni Marcela. Nag-isip uli siya ng isa pang pagsubok. Muli niyang inutusan ang alipin.

“Nais ng mahal na Hari na ipagbili ninyo ang tupang ito,” sabi ng alipin kay Marcela,” ngunit nais din ng mahal
na hari na ibigay ninyo sa kanya ang salapi at pati na rin ang tupa.”

Naging palaisipan ito kay Marcela. Ang ginawa niya ay inalis ang mabalahibong balat ng tupa at ipinagbili ito.
Ipinabalik niya sa alipin ang salaping pinagbilhan ng balat ng tupa at saka ang tupang wala nang balat.
“Talagang matalino nga si Marcela,” wika ng hari.

Ngunit ayaw talagang padaig ng hari. Sa ikatlong pagkakataon ay nais niyang subukin ang kakayahan ng
dalaga. Kinaumagahan ay nag-utos siyang muli sa kaniyang alipin.

“Sabihin mo kay Marcela na ako ay may sakit at ang tanging lunas ay ang gatas ng lalaking tupa. Kung hindi
niya ito maibibigay ay aalisin ko sa paninilbihan sa palasyo ang kanyang ama.” utos ng hari.

Sa oras ding iyon ay nagbigay din ng utos ang mahal na hari sa buong palasyo. Ipinagbawal niya sa sinuman
ang paliligo o paglalaba sa ilog sapagka’t nais niyang gamitin ang ilog.

Nang gabing yaon, si Marcela at ang kaniyang ama ay nagkatay nang isang baboy. Ikinalat nila ang dugo sa
isang malaking kumot at mga unan. Kinaumagahan, inilagay ni Marcela ang malaking kumot at mga unan sa
bukana ng ilog na kung saan nagkataon nama’y naliligo ang mahal na hari.

Nakita siya ng mahal na hari at pasigaw na nagsalita. “Bakit ka naglalaba dito? Hindi mo ba alam na
ipinagbawal ko ang paggamit ngayon sa ilog na ito dahil sa gagamitin ko ito sa maghapon?”

Yumuko ang dalaga at nagbigay galang sa hari.


“Kamahalan, naging tradisyon na namin ang labhan ang gamit ng taong nanganak. At dahil sa nanganak
kagabi ng isang sanggol ang aking ama wala akong magagawa kungdi sundin ang kinagisnan naming
tradisyon kahit na ito’y alam kong labag sa iyong kautusan,”
“Malaking kahangalan!” sigaw ng hari, “Paanong magkakaanak ang iyong ama. Isa siyang lalaki. Imposible
ang iyong sinabi!”

“Kamahalan” sagot ni Marcela, “tulad ng inyong utos, imposible ngang manganak ang aking ama tulad ng
gatasan ang isang lalaking tupa.”

Hindi nakaimik ang hari, inabot niya ang kamay ni Marcela at pinuri ang katalinuhan ng babae”.
“Marcela, isa kang matalino, ubod ng talino. Ikaw ang napili kong maging kabiyak ng aking anak na prinsipe,”
sabi ng hari.

Hindi nagtagal at naganap ang isang marangal na kasalan. Si Marcela at ang prinsipe ay maligayang
nagsama habang buhay.

Pinagkuhanan: https://pinoycollection.com/ang-babaeng-ubod-ng-talino/

Mga Katanungan:
1. Ano ang mga aral na iyong napulot sa kwento?
2. Anong anyo ng akdang pampanitikan ang iyong nabasa?
3. Ano ang elemento ang lumilikha sa akdang iyong nabasa? Ipaliwanag.
4. Ano-ano ang mga kasangkapang pampanitikan ang nagbigay anyo sa akda? Ipaliwanag.
Pangalan: Seksiyon:

Puntos:

Panuto: Basahin ang panitikan sa ibaba. Sagutan ang mga tanong matapos ang teksto.

Pangkat 3
Ina
Tula ni missy.k

Isang babae na masaya sa pagka-dalaga,


Pero pinili pa din gumawa ng sariling pamilya,
May asawa man o wala,
Ipapakita nilang kaya nila,

Ang nagdala ng siyam na buwan,


Hirap dahil sa laki ng tiyan,
Ok lang kahit lumubo ang katawan,
Maging malusog lang ang nasa kanyang sinapupunan,

Sabi nila ang isang paa ay nasa hukay,


Pipilitin nya maipakita ang bagong buhay,
Senyales ang iyak na maingay,
Na andyan na ang matagal ng inaantay,

Pinalaki at tinuruan,
Pinag aral at binihisan
Ginawang araw ang gabi para sa mga pangangailangan,
Pag uwe maglilinis pa ng bahay dahil sa kalat na iniwan,

Sumasakit ang ulo sa problema,


Hindi na nga nakatulong sasagutin ka pa,
Hindi man lang nakita na pagod ka na,
Magagalit pa pag hindi nabigay ang gusto
nya,

Walang pahinga ang pagiging ina,


Walang sign out, shut down, turn off, log out, nakakapagod isipin no.
Naiisip mo pa lang napapagod ka na
Paano pa kaya pag ikaw na ang naging INA.

Pinagkuhanan: https://pinoycollection.com/tula-tungkol-sa-ina/

Mga Katanungan:
1. Ano ang mga aral/mensahe na iyong napulot sa teksto?
2. Anong anyo ng akdang pampanitikan ang iyong nabasa?
3. Ano ang elemento ang lumilikha sa akdang iyong nabasa? Ipaliwanag.
4. Ano-ano ang mga kasangkapang pampanitikan ang nagbigay anyo sa akda? Ipaliwanag.
Pangalan: Seksiyon:

Puntos:

Panuto: Basahin ang panitikan sa ibaba. Sagutan ang mga tanong matapos ang teksto.

Pangkat 4
Kalupi ng Puso
Tula ni Jose Corazon De Jesus

Talaan ng aking mga dinaramdam,


Kasangguning lihim ng nais tandaan,
Bawat dahon niya ay kinalalagyan
Ng isang gunitang pagkamahal-mahal.

Kaluping maliit sa tapat ng puso


Ang bawat talata’y puno ng pagsuyo,
Ang takip ay bughaw, dito nakatago
Ang lihim ng aking ligaya’t siphayo.

Nang buwan ng Mayo kami nagkilala


At tila Mayo rin nang magkalayo na;
Sa kaluping ito nababasa-basa
Ang lahat ng aking mga alaala.

Nakatala rito ang buwan at araw


Ng aking ligaya at kapighatia.
Isang dapithapo’y nagugunam-gunam
Sa mga mata ko ang luha’y umapaw.

Anupa’t kung ako’y tila nalulungkot


Binabasa-basa ang nagdaang lugod;
Ang alaala ko’y dito nagagamot,
Sa munting kaluping puno ng himutok.

Matandang kalupi ng aking sinapit


Dala mo nang lahat ang tuwa ko’t hapis;
Kung binubuksan ka’y parang lumalapit
Ang lahat ng aking nabigong pag-ibig.

Sa dilaw mong dahong ngayon ay kupas na


Ang lumang pagsuyo’y naaalaala,
O, kaluping bughaw, kung kita’y mabasa
Masayang malungkot na hinahagkan ka.

May ilang bulaklak at dahong natuyo


Na sa iyo’y lihim na nangakatago,
Tuwi kong mamasdan, luha’y tumutulo
Tuwi kong hahagkan, puso’y nagdurugo.

Pinagkuhanan: https://pinoycollection.com/tula-tungkol-sa-pag-ibig/
Mga Katanungan:
1. Ano ang mga aral/mensahe na iyong napulot sa teksto?
2. Anong anyo ng akdang pampanitikan ang iyong nabasa?
3. Ano ang elemento ang lumilikha sa akdang iyong nabasa? Ipaliwanag.
4. Ano-ano ang mga kasangkapang pampanitikan ang nagbigay anyo sa akda? Ipaliwanag.
Pangalan: Seksiyon:

Puntos:

Panuto: Basahin ang panitikan sa ibaba. Sagutan ang mga tanong matapos ang teksto.

Pangkat 5
Ang Palaka at ang Kalabaw

Pagkatapos ng ilang araw na pag-ulan ay sumikat na ang araw. Maganda na ang panahon. Namasyal ang
mga anak ni Inang Palaka sa tabi ng sapa. Nakita nila ang isang kalabaw na nanginginain ng sariwang damo.
Sa tingin ng mumunting palaka ay napakalaking palaka ang kalabaw. Dali-dali silang umuwi at ibinalita ito sa
kanilang ina.

“Ina, nakakita kami ng napakalaking palaka!” sabay-sabay na sabi ng mga anak ng palaka.

“Totoo? Malaki pa sa akin?” wika ng Inang Palaka. “Ako na ang pinakamalaki sa lahat ng palaka.”

“Talaga pong napakalaki”, patotoong muli ng mga anak na palaka. “Sumama po kayo sa amin nang inyong
makita.”

“Hala, tayo na”, wika ng Inang Palaka. “Hindi ako naniniwala na mayroon pang palaka na mahigit ang laki
kaysa sa akin.”

At sabay-sabay na pumunta ang mag-iinang palaka sa tabi ng sapa.

Itinuro ng mga anak na palaka ang nakitang kalabaw na patuloy na nanginginain ng damo.

“Tingnan ninyo ako”, wika ng Inang Palaka sa mga anak. Huminga siya nang huminga upang palakihin ang
kanyang sarili.

“Sino ngayon ang higit na malaki sa aming dalawa?”

“Malaki po ang aming nakitang palaka”, wika ng maliit na palaka. “Higit po siyang malaki kaysa sa inyo.”

Muling huminga nang huminga ang Inang Palaka upang madagdagan ang kanyang laki. At kanyang muling
tinanong ang maliliit na palaka.

“Malaki na ako ngayon kaysa sa kanya, hindi ba?”

“Hindi po, Ina”, sabay-sabay na namang sagot ng mga anak na palaka. “Ang laki po niya kaysa sa inyo.”

“A, hindi! Ako ang pinakamalaking palaka. Tingnan ninyo ako”, wika ng Inang Palaka at ubos-lakas siyang
huminga nang huminga.

Bog! narinig na putok ng mga anak ng palaka. At nakita nilang pumutok ang tiyan ng mahal nilang ina.

“Kaawa-awa naman si Inang Palaka!” wika ng mga anak na palaka. “Ayaw niyang mahigitan ng iba kaya siya
nagdusa.”

Pinagkuhanan: https://pinoycollection.com/ang-palaka-at-ang-kalabaw/
Mga Katanungan:
1. Ano ang mga aral/mensahe na iyong napulot sa teksto?
2. Anong anyo ng akdang pampanitikan ang iyong nabasa?
3. Ano ang elemento ang lumilikha sa akdang iyong nabasa? Ipaliwanag.
4. Ano-ano ang mga kasangkapang pampanitikan ang nagbigay anyo sa akda? Ipaliwanag.

You might also like