You are on page 1of 2

GABAY

Verse:
Tulala sa kadiliman
Di alam ang pupuntahan
Tulungan sa kapahamakan
Nahuhulog na sa kailaliman

Pre-Chorus
Bakit gan’to?
Paano ba ko umabot dito?
Bakit gan’to?
Ang tanging gusto ay sumuko

Chorus
Ituloy mo ang buhay
Puso mo’t lakas sakanya’y i-alay
Dumadaloy tayong mag-kaugnay
Kahapon bukas siya
Ang ating Gabay

Verse:
Sa gitna ng paghihirap
Di alam kung ano ang kakapitan
Kay gulo na ng isipan
Dumadami’y kasalanan
Unti-unting nawawala sa katwiran

Pre-Chorus
Bakit gan’to?
Paano ba ko umabot dito?
Bakit gan’to?
Ang tanging gusto ay sumuko

Chorus
Ituloy mo ang buhay
Puso mo’t lakas sakanya’y i-alay
Dumadaloy tayong mag-kaugnay
Kahapon bukas siya
Ang ating Gabay

Bridge:
Kahapon ay dama ang tunay na hamon ng buhay
Mga mata ko ay mapungay
Lahat ng nakikita ay tila wala ng kulay

Ngayo’y tanong sino ba ang DIyos?


Sa puso’t isipan, siya ba ang kumikilos?
Mga gulo sa buhay siya ba ang nag-aayos?
Siya ba’y tinatawag sa kasalanang nakagapos?

Bukas sa hirap merong sumosuporta


Tumayo’t lumaban sa kanya ay magtiwala
Aakay sa madilim na eskenita
Hahawak ng kamay kahit hindi mo nakikita

Chorus
Ituloy mo ang buhay
Puso mo’t lakas sakanya’y i-alay
Dumadaloy tayong mag-kaugnay
Kahapon bukas siya
Ang ating Gabay
(2x)

Kahapon bukas siya


Ang ating Gabay

You might also like