You are on page 1of 1

Buod ng “Ang Lawa ng Sampalok”

Sa maunlad and may aking-ganda na bayan ng San Pablo, matutuklasan ang Lawa ng Sampalok.

Nagsimula ang Lawa ng Sampalok sa mag-asawang naninirahan sa isang malaking taniman ng matamis

na sampalok. Nasa mag-asawa na ang lahat maliban sa isang anak na mapagbibiyayaan ng kanilang

taniman.

Upang masubukan ang kabaitan ng mag-asawa may isang engkantada ang nag-anyong matandang

pulubi at humingi ng tulong sa mag-asawa. Subalit, madamot ang mag-asawa at pinakawalan ang

kanilang malaking aso upang mapalayas ang matandang pulubi. Habang namimilipit sa sakit ang

matandang pulubi, pinilit niyang tumayo at hinawakan ang puno ng sampalok at sinabi, “Pagsisisihan

ninyo ang inyong kasakiman.” Sa pag lisan ng matandang pulubi, biglang dumilim ang kalangitan at

magdamag bumagsak ang bagyo.

Kinaumagahan, nagising ang mag-asawa sa tanawin nang isang lawa. Ikinagulat nila na ang kanilang

pinagmamalaking taniman ang nalubog at naglaho sa lupang napagbalutan ng tubig. Magmula noon, ang

lawang iyon ay kinilala sa pangalang Lawa ng Sampalok. Dinarayo pa rin ito sa kasalukuyang panahon,
hindi dahil sa matamis na bunga nito kungdi dahil sa kagandahan at kaaya-ayang tanawin nito.

You might also like