You are on page 1of 1

CHRISTIAN P.

BENEDICTO
STEM 11-A

PAGBASA AT PAGSUSURI
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

GAWAIN 1:
1. SA AKDA NA AKING NABASA AY NAGKAROON NG ARGUMENTO ANG MAY AKDA AT ANG MGA TAONG
TUTOL SA MAY AKDA. ANG ARGUMENTO SA AKDA AY PATUNGKOL SA PAGSUBOK SA MGA HAYOP SA
KANILANG MGA TINUTUKLAS NA GAMOT PARA SA MGA MAY SAKIT. ANG KATANGIAN NA PINAPAKITA SA
TEKSTONG ARGUMENTIBO AY ANG PAGKAKAROON NG MAAYOS AT PAGKAKAROON NG ISANG
PANANALIKSIK BAGO MAGBITAW NG ISANG PAHAYAG ANG MAY AKDA. ANG TUTOL NAMAN SA MAY
AKDA AY NAGLALAHAD NG KANILANG ARGUMENTO NA MALINAW AT NAIINTINDIHANG MABUTI ANG
NAIS IPARATING NA MENSAHE.
2. ANG POSISYON NA IPINAGLABAN NG MAY AKDA AY MAS MAINAM NA GAMITIN ANG MGA HAYOP
KAYSA SA MGA TAO UPANG SUBUKAN SA KANILA ANG MGA TINUTUKLAS NA GAMOT.
3. PINILI ITONG IPAGLABAN NG MAY AKDA, SAPAGKAT PARA SA KANYA AY MAS MAKAKATIPID KUNG
HAYOP ANG GAGAMITIN AT NANINIWALA RIN ANG MAY AKDA NA MAS HINDI KATANGGAP-TANGGAP SA
TAO KUNG SILA ANG GAGAMITIN PARA SA EKSPEREMENTO SA PAGTUKLAS NG GAMOT.
4. PARA SA AKIN, ITO AY MAKABULUHAN PERO HINDI MAKATARUNGAN ANG GINAGAWA SA MGA
HAYOP, SAPAGKAT KATULAD RIN NATIN ANG MGA HAYOP NA MAY BUHAY RING INIINGATAN. ANG MGA
HAYOP AY MAHALAGA SA ATING KAPALIGIRAN AT OBLIGASYON NATIN NA MAHALIN AT PROTEKTAHAN
SILA. HINDI SAPAT NA DAHILAN ANG MAKAKATIPID KUNG MGA HAYOP ANG GAGAMITIN, SAPAGKAT
MARAMING PRODUKTO RIN ANG NAGAWA NA HINDI KINAILANGAN NG HAYOP PARA PAG
EKSPEREMENTUHAN.

GAWAIN 2:
1. /
2. /
3. /
4. /
5. /
6. X
7. /
8. /
9. /
10. /

GAWAIN 3:

ANG TEKSTONG ARGUMENTATIBO NA AKING NABASA AY PINAMAGATANG “NARARAPAT NA


IPAGBAWAL ANG PAGSISIGARILYO SA PUBLIKO” NA ISINULAT NI CHEANE BRANDON DE VERA. ANG
TEKSTONG ITO AY SADYANG MAKABULUHAN AT MAY MAGANDANG IDEYA. ANG PANINIGARILYO AY
WALANG MAGANDANG NADUDULOT SA KALUSUGAN LALO NA SA ATING MGA KABATAAN. ITO AY ISA RIN
SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT TUMATAAS ANG BILANG NG BASURA SA BUONG MUNDO DAHIL SA
PAGTAPON NG HINDI WASTO SA MGA PUSPOS NITO. MAAARI RIN NATING MAAPEKTUHAN ANG MGA
TAONG NAKAKALANGHAP NG USOK NA GALING SA SIGARILYO KAYA PATI KALUSUGAN NILA AY APEKTADO
RIN.

DAHIL SA MAIMPLUWENSYANG PANAHON NGAYON, MARAMI NA ANG MGA NAGSISIGARILYO NA


KABATAAN NGAYON, SAPAGKAT MARAHIL TINGIN NILA NA ITO AY MAPORMANG TIGNAN AT UPANG
MAKASABAY SA USO. TAYONG MGA KABATAAN ANG PINANINIWALAANG PAG-ASA NG BAYAN PERO
KUNG TAYO AY HINDI MAGIGING RESPONSABLE SA ATING SARILI AT BAYAN AY MAAARI RIN NATING
MAIMPLUWENSYAHAN ANG MGA SUSUNOD NA HENERASYON.

SA KABUUAN AY KAILANGAN NATIN MAGKAROON NG DISIPLINA SA ATING SARILI AT ISIPIN ANG MGA
BAGAY NA MAKAKATULONG AT MAKAKASAMA SA ATING SARILI AT KAPWA, SAPAGKAT TAYO LANG DIN
ANG MAKAKATULONG PARA MAIBSAN ANG GANITONG PROBLEMA KAYA SIMULAN NATING BAGUHIN
ANG ATING SARILI AT MAGTULONG-TULONG PARA SA IKABUBUTI NG LAHAT.

You might also like