Professional Documents
Culture Documents
PANUNURING PAMPANITIKAN
SA ILANG PILING AKDANG
PAMPANITIKAN
PANGKAT 5
ANO ANG PANUNURING PAMPANITIKAN?
• GINAMIT LANG NA KASANGKAPAN NI REYES ANG RASON NI DANDING UPANG MALAYANG MAKAPAGTANONG ANG
HULI TUNGKOL SA KANYANG AMA. AT SA DAMI NG MGA BAGAY AT PANGYAYARING NATUKLASAN NI DANDING AY
ISA ANG KANYANG ITINANGI: ANG PAGIGING MAKATA NG KANYANG AMA. ISANG MAKATANG NAKALILIKHA NG
SALAMISIN NA HIHINOG SA TALAS NG KANYANG ISIP, TAYOG NG TALINO, KISLAP NG DIWA AT PUSOK NG DAMDAMIN.
• PAGKATAPOS NG LIBING AY MULING TUMAKAS SI DANDING. PATALILIS SIYANG NAGTANGO SA BUKID. DITO NIYA
GINUNITA ANG MGA KWENTO NG KANYANG LOLO TASYO TUNGKOL SA KANYANG AMA- -ANG PAGSASARANGGOLA
SA BUKID, ANG PAGKAHULOG SA KALABAW, ANG PAGTATAGO SA MGA KASTILA, ANG PAGSULAT NG TULA, ANG
DALAGA SA BUNTON NG PALAY, AT IBA PANG MAKUKULAY NA KARANASANG MANANATILING NAKALIMBAG SA
KANYANG ISIPAN.
• KUNG PINAHINOG MAN SA KATUTUBONG-KULAY ANG KWENTO DAHIL SA
MASINING NA PAGKAKALARAWAN NG MGA TAUHAN, TANAWIN AT MGA
PANGYAYARI, HINDI MAIKUBLI NI REYES ANG PILIPINISMONG NAG-UUGAT SA
KĄBUUAN NG KWENTO. ISINANGKALAN NG MAY-AKDA ANG ISANG BAHAGI NG
KWENTO UPANG PALUTANGIN ANG PAGMAMAHAL SA BAYAN BILANG TAGA
PAGPAHAYAG NG ATING PAGKABANSA AT TAGABUKLOD NG ATING PAGKAKAISA.
• Ang awit at kurido ay dalawang akdang pasalaysay na nasusulat nang patula. Noong p panahon
ani Balagtas, , a ang mga ito'y binabasa nang malakas o isinasalaysay nang paawit. Ayon kina de
Rosario-Pineda at Ongoco (1972:76), may anim na katangian ang awit at kurido bukod sa patula
ang pagkakasulat at paawit kung bigkasin:
• 1. magkatulad: ang pagkasulat ay Ang mga layunin sa ng pananampalatayang Kristyano.
Inihahandog sal sa mga babaing mahal nila sa buhay. pagpapalaganap Diyos, sa bayan at
• 2. Kapwa naglalahad ang mga ito ng mahabang kasaysayan o pangyayaring batay sa mga alamat
at epiko ng nagdaang panahon sa Pransya, Italya, Gresya, Albanya, atb.
• 3. Ang mga paksain ay tungkol sa romansa, kabayanihan at mga pangyayaring likha ng
mayamang haraya ng may-akda. May mga pangyayaring di-kapani-paniwala subalit kawili-wili
kapana- panabik.
• 4.Sa katayugan ng diwang napapaloob sa akdang ito, ay nakahihigit
ang mga awit sapagkat hindi lamang mga paksang kababalaghan o
batay sa mga alamat ang isinasaysay kundi hango rin naman sa mga
tunay na pangyayari tulad ng "Florante at Laura."
• 5. Ang "awit" ay binubuo ng mga lalabindalawang pantig na mga
taludtod samantalang ang "kurido" ay binubuo ng walong pantig
lamang ang bawat taludtod. Ang kuridong "Ibong Adarna" ay isang
halimbawa.
• 6. Kung bigkasing paawit, ang "awit" ay sa marahang kumpas o
"an- dante" samantalang ang "kurido" ay sa mabilis na kumpas o
"alegre.
• Ang Buod ng Awit
• Si Florante ay anak ng Duke Briceo ng Albanya at Prinsesa Floresca ng Krotona. Si Duke Briceo ay
pangalawang puno ng sangkaharian. Bata pa si Florante nang siya'y ipinadala sa Atenas upang mag-aral.
Nakatagpo niya sa paaralan sina Adolfo at Menandro. Si Adolfo ay sakim, mainggitin, at tin, at kaaway na
lihim ni Florante samantalang si Menandro ay mabait, tapat, at magiting na kaibigan ni Florante. Dahil sa
katalinuhan, si Florante ay napamahal sa guro at natanyag sa buong paaralan. Lalong nag-apoy ang galit ni
Adolfo at ang paghihiganti ang nagtining sa loob.
• Sa isang dulang palabas ng paaralan ay tinutuo ng Adolfo ang pagganap ng kanyang papel. Dinaluhong ng
taga si Florante at salamat sa maliksing pagliligtas ni Menandro kay Florante at ang huli ay di napatay ng
buhong. Sa pangyayaring iyon, ang guro at lahat ng mag-aaral ay namuhi kay Adolfo. Minabuti ni Antenor
na pauwiin sa Albanya si Adolfo at si Florante ay naiwan sa Atenas nang isang taon. Noon niya tinanggap
ang balitang namatay ang kanyang ina at siya ay pinauuwi ng kanyang ama.
• Pagdating niya sa Albanya, siya'y dinala ng kanyang ama sa palasyo upang ipakilala sa hari. Dito niya
makita ang magandang anak ng hari na si Laura. Sa una pa lamang pagtatama ng kanilang mga titig ay
nagkaunawaan ang kanilang mga puso. Sila nga ay nangakong ang isa't t isa ay magiging matapat.
• Ang hari ng Krotona, nuno ni Florante, ay humingi ng saklolo sa haring Linseo sapagkat ang kaharian niya
ay nilusob ng mga Moro. Si Florante ang inutusan ng haring Linseo na itaboy ang kaaway at nagtagumpay
naman siya sa tulong ng Maykapal. Limang buwan siya sa piling ng kanyang nuno. Nang siya'y umuwi sa
Albanya ang kaharian ay nakukubkob ng mga Moro pati ang kanyang ama, pati si Adolfo ay nasa piitan.
Napalayang lahat ni Florante ang mga bilanggo at nilupig ang kaaway. Lalong napamahal si Florante sa
hari. Napabantog si Florante, di lamang sa Albanya kundi sa iba pang bansa.
• Nang si Menandro at Florante ay nasa Italya, tumanggap siya ng liham na iwan ng hukbo kay
Menandro at umuwi agad sa Albanya. Hindi pa halos nakararating sa pinto ng lunsod ay bigla
na lamang binihag si Florante ng mga kampon ni Adolfo. Noon siya naunawaan na ang liham
niyang tinanggap ay kagagawan ni Adolfo. Nalaman niyang ang hari at ang kanyang ama ay
pinapatay ng sukab na si Adolfo samantalang si Laura na isang bihag sa palasyo ay pinipilit
na pakasal sa kanya.
• Si Florante buhat sa piitan ay dinala sa madawag na gubat at doo'y iginapos sa isang
punungkahoy upang silain ng mababangis na hayop. Nanaghoy siya nang buong lungkot
hanggang nawalan ng malay-tao ang kahabag-habag Samantala, sa isang panig din ng gubat
na yaon, isang Moro ang nananangis na walang iba kundi si Alading balita sa katapangan.
Napadpad siya sa gubat na yaon pagkatapos na siya'y palayasin ng ama sa halip na pugutan ng
ulo. Nakuro niyang kaya siya pinalayas ng kanyang ama, hari ng Persya, ay sa dahilang nais
nitong mapakasal kay Flerida, ang kasintahan niyang itinatangi. Anupa't sa kanyang pagtangis
ay nakaulinig siya ng tinig na nananaghoy. Tinalunton niya ang tinig at sa kanyang
pagkamangha ay nakita niyang sisilain na lamang ng dalawang leon ang kaawa-awang lalaki.
Tulad ng isang kidlat buong dahas na napatay ni Aladin ang dalawang leon at naligtas sa isang
tiyak na kamatayan si Florante.
• Kinalag ni Aladin ang lubid na nakagapos kay Florante at nang ito'y matauhan
gayon na lamang ang pasasalamat niya kay Aladin. Nagpalitan sila ng
pagsasalaysay tungkol sa kanilang sinapit. Sa kanilang pag-uusap nakaulinig sila
ng tinig na nag-uusap din. Nakilala agad ni Aladin ang tinig na iyon, kayat dagli
silang lumabas sa kanilang kinalalagyan. Gaano naman ang pagkamangha ni
Florante nang kanyang makilala ang kausap ng babae. Ito'y si Laura! Ang tuwang
sumapuso ng bawat isa'y di kayang ilarawan ng pahat ng diwa. Ibinalita ni Laura
kung bakit siya napunta sa gubat. Doon siya dinala ni Adolfo upang
pagsamantalahan ngunit iniligtas siya ni Flerida sa pamamagitan ng palaso.
• Sa sisipot naman si Menandro at ang hukbo nito. Ang hinahanap niyang si Adolfo
ay kanyang natagpuang wala nang buhay. Ang lahat ay nagsaya sa muling
pagkikitang ito. Ang lahat ay umawit ng tagumpay.
• Ikinasal sina Florante at Laura at gayon din si Aladin at Flerida. Nang mamatay
ang haring ama ni Aladin sila ni Flerida ay umuwi sa Persya upang siyang
lumuklok sa trono. Samantala sa kahariang Albanya sina Florante at Laura ang
kinilalang hari at reyna ng tanang nasasakupan. Sila ay namuhay sa gitna ng tuwa,
ginhawa, at tagumpay