You are on page 1of 1

KABANATA 32: ANG IBINUNGA NG MGA PASKIN

Paulita Gomez EL FILIBUSTERISMO

Sitwasyon Pinakilala ni Donya Victorina sa kanyang pamangkin na si Paulita si Juanito kahit na


kasintahan pa nito si Isagani.
Task Pipili si Paulita kung sino ang kanyang mamahalin kung sa dalawa, si Isagani ba o si
(Isasagawa) Juanito?
Aplikasyon Pinili niya ang sa tingin niyang mas makakabuti para sa kanya at mas
mapapakinabangan niya,at ito ay si Juanito na para sa kanya si Juanito ay matalino,
mayaman, dugong kastila, at simula pagkabata ay batid na ang pakaliwa-pakanan ng
buhay-Maynila, samantalang si Isagani ay di hamak na probisyano lamang at mula sa
di kilalang angkan.
Resulta Iniwan niya si Isagani para magpakasal kay Juanito.

PAULITA GOMEZ
Simbolismo ni Paulita:

Nirerepresenta niya ang mga babaeng walang pakialam at hindi mahal ang sariling
bayan pati na rin ang mga taong walang simpatya sa ibang tao. Masasalamin sa ginawa ni Paulita ang
ginawa ni Leonor Rivera kay Dr. Jose Rizal (Isagani). Nirerepresenta rin ni Paulita ang pagkaliberado
ng mga kababaihan ngayon.

Mga Ina

Sitwasyon Nagkagulo sa unibersidad dahil sa pangyayaring gawa ng paskil at ang mga anak ng
mga ina sa kabanata 32 ay sa mismong unibersidad na iyon nag-aaral.
Task Mailayo sa kapahamakan ang mga anak nila.
(Isasagawa)
Aplikasyon Pinauwi ng mga ina ang kanilang mga anak upang hindi masangkot sa kaguluhan at
pinagtrabaho na lamang ang mga ito sa bukid at taniman sa probinsya.
Resulta Nalayo sa kaguluhan ang mga anak ngunit naipagpalit ang karunungan na kanilang
mapupulot. Mas pinili ang kaligtasan kaysa sa kaalaman.

MGA INA (isa sa mga ina)

Simbolismo ng mga Ina:

Ang pagmamahal ng mga ina sa kanilang mga anak na hindi gaya sa ibang bansa na
pinapabayaan mamuhay ng magisa ang kanilang anak.

Pangkat 11

CUREG, Brixt; SARMIENTO, Evette; at DELA CRUZ, Leanne

You might also like