You are on page 1of 3

Gawain 3:

1. Magsaliksik ng mga halimbawa ng mga akdang pampanitikan ayun sa anyo


nito. Gamitin ang dayagram sa ibaba.

a. Tuluyan

Anyo ng Tuluyan Pamagat May akda

1. Maikling Kwento Paalam sa Pagkabata Nazareno D. Bas

2. Nobel Mga Ibong Mandaragit Amado V. Hernandez


3. Dula Ang pagtatanggol ng bayan Jose Abad

4. Alamat Alamat ni Maria Makiling Eva Maria Florentino

5. Pabula Si Langgam at si Tipaklong Virgilio S. Almario, Alberta


Angeles, Renato Gamos

6. Parabula Ang Parabula ng mga Posporo Jean Llorin at Pia Noche

7. Anekdota Ang Tsinelas ni Pepe Jose Rizal

8. Talumpati Ang Pera at Ang Tao Shamgar Mangida

9. Talambuhay Ang Aking Talambuhay Ruth Elynia

10. Sanaysay Tamang Pangagalaga ng Kabayo Bernadette Biko

b. Patula

Uri ng Tula Pamagat May akda

1. Epiko Ang Alamat ng Maragtas Pedro Alcantara Monteclaro

2. Balagtasan E-Balagtasan Allan Jay T. Allonar, Jr.

3. Dalit Dalit Zoren Mercurio

2. Pumili ng 2 sa mga naitala mong pamagat sa patula at tuluyan at ibigay ang kabuuan
ng akda.
Dalit:
Nag-aral siyang pilit

Nang karangala’y makamit.

Buong buhay s’yang nagtiis.

Makapagtapos ang nais.

Ang Alamat ng Maragtas


Buod ng Maragtas (Epikong Bisayas)
Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na
si Sultan Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng nasasakupan.
Kanya ring pinupugayan ng dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak
na dalaga ng mga datu na nasa ilalim niya.

Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at
angkinin ng masamang sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan
Makatunao. Nagbalak ang magigiting na datu na manlaban kay Sultan
Makatunao. Nag-usap-usap silang palihim. Naisipan sin nilang humingi ng tulong
kay Datu Sumakwel.

Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino. Alam niya ang kasaysayan ng


maraming bansa at marami siyang alam kung tungkol sa paglalayag. Dinalaw ni
Datu Paiborong at ni Datu Bangkaya si Sumakwel. Ipinagtapat ng dalawa ang
paglaban na nais nilang gawin. Ayaw ni Sumakwel sa balak na paglaban.

Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti. Si Datu Puti ay punong ministro ni


Makatunao. Sinabi ni Sumakwel ang suliranin ng mga datu at ang balak na
paglaban. Ipinasiya nina Sumakwel at Datu Puti ang palihim na pag-alis nilang
sampung datu sa Borneo. Hindi nila magagapi si Makatunao. Maraming dugo
ang dadanak at marami ang mamamatay. Ayaw ni Datu Puti na mangyari ang
ganoon. Iiwan nila ang kalupitan ni Sultan Makatunao at hahanap sila ng bagong
lupain na maaaring pamuhayan nila nang malaya at maunlad. Sila’y mararangal
na datu na mapagmahal sa kalayaan.

Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila’y tatakas sa Borneo. Palihim
silang naghanda ng sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o
barangay. Naghanda sila ng maraming pagkain na kakailanganin nila sa
malayong paglalakbay. Hindi lamang pagkain ang kanilang dadalhin kundi pati
ang mga buto at binhi ng halamang kanilang itatanim sa daratnan nilang lupain.
Madalas ang pag-uusap ni Sumakwel at ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel ang
malaking pananagutan niya sa gagawin nilang paghanap ng bagong lupain.
Silang dalawa ni Datu Puti ang itinuturing na puno, ang mga datung hahanap ng
malayang lupain.

You might also like